Chapter 14
KATULAD sa kadalasan na ginagawa. Pumasok siya sa isang mini stage kung saan may nakaharang na curtain sa kaniyang harapan.
Inayos ng assistant ni Mrs. Nova ang off-shoulder niya pagkatapos ay pinatitigan siya nito. Naiilang naman na nilingon niya ito.
Ngumiti ito sa kaniya. "Don't worry, Miss Ashley. I'm sure Sir Kayden will like it."
"Thank you, Andra."
Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ni Andra ang curtain humaharang sa kanila ni Kayden.
Nang bumukas ang kurtina ay may kausap si Kayden sa cellphone nito. Nasubaybayan niya ang pagkagulat nito nang makita siya nito.
She rolled her eyes.
"I'll talk to you later," saad nito sa kausap sa cellphone habang hindi nito inaalis ang titig sa kaniyang mga mata.
"Sir Kayden, ano po ang masasabi mo?" Mrs. Nova asked. Doon lang nawala ang atensiyon ni Kayden sa kaniya.
He cleared his throat then nodded.
"Maganda. She's beautiful." Namula siya sa kaniyang narinig. Paniguradong niloloko lang siya nito.
She sighed.
"I like this. We'll take this gown."
Nagulat ang mga ito sa kaniyang sinabi dahil unang gown pa lang ang nasusukat niya pero gusto na talaga niya makauwi. Pagod na siya.
Hindi na rin naman nakatutol si Kayden sa kaniyang desisyon.
HINDI niya namalayan ang oras. Lumabas sila sa shop ng bandang alas cinco na.
"Ibaba mo ako sa terminal."
Nahinto ni Kayden ang sasakyan pagkatapos ay lumingon sa kaniya. Hindi niya ito nilingon. Pinatitigan niya lang ang kalsada sa unahan.
"No, uuwi tayo."
Mariin siya pumikit pagkatapos ay binalingan ito. Kanina pa siya nag titiis. Pagod na pagod na siya.
"I'm so tired, Kayden. Gusto ko na makauwi."
"Then, uuwi na tayo."
"You don't understand. Ayoko umuwi sa 'tin. Gusto ko na bumalik sa campus. Ibaba mo na lang ako sa terminal."
"Why?"
She sighed. "Akala ko ba hahanap tayo ng paraan para itigil itong kasal?"
Umiwas ng tingin si Kayden sa kaniya pagkatapos ay pinarked ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Sinubukan ibuka ni Kayden ang bibig pero agad din nito sinasara. Hinintay niya ito. Alam niyang may gusto itong sabihin at willing siyang makinig.
"I know, I'm sorry. Susubukan ko kausapin si lola."
Tumango siya. They both know sa sarili na hindi iyon ang gustong sabihin ni Kayden.
"Sige, and I want you to know. Hindi ako susuko na mahanap siya."
"I know, Ashley. I know."
UNA ang mukha na bumagsak kay Cooper nang buksan niya ang pinto ng silid nila sa dorm. Naabutan niya ito nag pu-push up pero dahil sa biglaan niya pagbukas ng pinto ay na-out of balance ito at tumama ang mukha sa sahig.
"Oh, my! I'm so sorry, Per!" Agad niya ito nilapitan at hinawakan ang mukha nito para tingnan kung may galos ba ito.
"Stop it!" Inalis nito ang kamay niya sa mukha nito at bumangon sa pagkakadapa. Pinatitigan siya nito mula ulo hanggang paa.
"What are you doing here? Why are you here?"
Tumayo siya at pinatitigan ito. "The fuck, Carter?! Anong ginagawa mo rito?"
"First, hindi umuwi si Cooper. Second, it's none of your business and lastly, don't cuss!"
Inikutan niya ito ng mata. Kinuha naman ni Carter ang long sleeve tee shirt nito sa loob ng bag pagkatapos ay sinuot ito.
"Bakit ka bumalik agad? Akala ko ba bukas pa ang uwi mo?"
Bagsak na umupo siya sa sofa. Pumikit. Ilang segundo siya hindi nag salita bago minulat ang mata ulit.
"Pinauwi nila ako para mag sukat ng wedding dress. Can you believe that? My mother lied to me!"
"Technically, you lied to her first," sinamaan niya ito ng tingin. "But anyway, bakit hindi mo na lang ituloy ang kasal since they're so work up about this arranged marria—"
"Walang ikakasal at siguradong hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal."
He scoffed. "Whatever. Kumusta ka?" Umikot ang mata niya. Ganyan si Carter. Kunwari walang pake pero may pake talaga.
"I'm not fine."
"Ok, come on, I've seen enough," biglang saad ni Carter pagkatapos ay hinila siya nito sa pagkakaupo.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya pero wala ito naging sagot bagkus ay hinila lang siya nito palabas ng dorm. Wala na siya nagawa at nag patangay na lang siya kung saan man siya dalhin ng binata.
DINALA siya ni Carter sa Midnight restaurant. Ito rin 'yong pinagkainan nila nina Samuel at Anthony no'ng nagkasagutan niya ang ka-teammate nitong si Michael.
Hindi siya makapaniwala nang ilibre siya ni Carter ng gabihan. Kahit gabi na ay sinulit niya ang libre nito. Panigurado maiinggit si Cooper sa kaniya kapag nagkataon.
They were busy eating when suddenly she stopped. Unti-unti niya binuka ang kamay nang may makita siyang itim na tinta nakasulat sa kanang palad niya.
"K-kuya," nanginginig niyang tawag dito. Nag tataka na tinitigan siya nito.
"What's wrong?"
Binalik niya ang tingin sa kaniyang palad. Malinaw na malinaw may nakasulat dito. Kumulo ang dugo niya sa nabasa.
Isang numero at sa ibaba nito ay may nakasulat pa. Call me later, babe.
"First time ko makatanggap ng reply sa kaniya at malaman nag e-exist pala talaga siya tapos ito pa makukuha ko?"
"Let me see!" Hinila ni Carter ang kamay niya at binasa ang nakalagay sa kaniyang palad. "That's asshole!" bulong nito sa sarili pagkatapos ay tumingin ulit sa kaniya.
"Tanggapin mo na 'yong kasal. Your soulmate is a jerk, Ashley."
"Kuya!" Lumingon-lingon siya sa paligid kung may nakarinig ba pero napansin naman niya na busy ang mga ito sa sari-sarili.
"'Wag mo lang talaga mapakilala sa 'kin 'yan. Hindi ako mag dadalawang isip na sapakin 'yan," saad nito bago tumayo at iwan siya roon.
Bumuntong hininga siya ng malalim. Gusto niya maiyak. Tama si Carter pero hindi niya pa rin kaya i-let go ang pag-asang matatanggap din siya ng soulmate niya.
NANG umuwi si Cooper kinabukasan ng umaga. Hindi niya sinabi rito ang nangyari. Wala siyang kinuwento rito kahit nag tatanong ito sa kaniya.
Sa totoo lang, wala siyang gana makipagusap sa kahit na sino. Pakiramdam niya, lahat ng ginawa niya para mahanap ang soulmate niya ay nauwi lang sa wala. Ang dami niya pa dinamay tapos hindi naman pala gusto ng soulmate niya na makilala siya nito.
Malalim na bumuntong hininga siya pagkatapos ay binalik ang sarili sa pag s-sketch sa kaniyang maliit na notebook. Nasa loob siya ng library. Dito lang siya nakakita ng lugar para makapagtago sa mga kaibigan niya.
Panigurado hinahanap na siya ng mga ito at panigurado siyang alam na rin ng mga ito ang nangyari. Alam niyang hindi hahayaan ni Carter na hindi sabihin kala Cooper at Samuel ang nangyari.
"Shit," mahina niyang mura nang magkamali siya. Kinapa niya ang eraser sa lamesa ngunit nasagi niya ito at nahulog sa sahig.
She sighed. Puro kamalasan na lang ang nangyayari sa kaniya. Aabutin na sana niya ang eraser nang may mag salita sa gilid niya.
"Here."
Hindi niya ito tinitigan dahil wala siyang gana makipag interact sa mga tao bagkus ay nilahad na lang niya ang kamay dito.
Hinintay niya na may mag lagay sa palad niya ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay walang nag lalagay dito.
Nilingon niya ito pero hindi niya inaasahan ang kaniyang makikita. Titig na titig si Greygory sa kaniyang palad.
Napansin niya ang hawak nitong eraser. Mabilis niya ito kinuha. Gulat naman na lumingon ang binata sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagulat din at kinakabahan.
"You," he said. Parang hindi ito makapaniwala. Pinagtaasan niya ito ng kilay. What's wrong with him?
Ibubuka pa lang niya ang bibig pero hindi na siya nito hinintay pa mag salita dahil agad na siya nito hinawakan sa kamay at hinila palabas ng library.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top