Chapter 13

LUMIPAS ang isang buwan na walang naging aberya. Naging payapa ang pananatili niya sa Evinea sa lumipas na isang buwan.

Hindi naman siya nag reklamo dahil mas gusto niya iyon. Walang problema at ang tanging po-problemahin niya lang ay ang pag hahanap sa kaniyang soulmate.

Mas naging close din siya kala Samuel at Cooper. Kahit hindi sabihin ng dalawa sa kaniya. Alam niyang pinoprotektahan siya ng mga ito.

Simula nang malaman ni Carter na babae siya ay hindi na nadagdagan pa ang nakaalam na babae siya. Mas naging maingat siya, sa tulong na rin nina Cooper at Samuel.

Si Anthony naman, naging close din sila. Para niya ito naging best friend habang si Carter naman ay mas lalo nainis sa kaniya pero kahit gano'n ay alam niyang nag iingat din ito. Mas strikto pa nga ito kaysa kala Cooper at Samuel.

"Sure, ka na hindi mo na kailangan ihatid?" pang ilang beses na tanong ni Samuel sa kaniya.

Friday night at bukas ay lalabas siya mag isa ng campus para umuwi. Her mom wanted to see her. Pumayag na siya dahil ilang beses na siya nito kinukulit. Hindi niya kasi natutupad ang pangako na umuwi tuwing weekend dahil sobrang busy sa campus at nag iingat din siya na baka mabisto.

"Ayos lang, kuya Sam. Baka kinabukasan na rin ako umuwi." Lumingon siya kay Cooper nag babasa ng libro. Nasa coffee shop sila sa mga oras na iyon. Hinihintay nila si Carter dahil kailangan din may say ito sa pag labas niya bukas.

Gusto niya umikot ang mata. Naalala niya ang napagusapan nila no'ng nalaman ni Carter na lumabas siya bilang babae. Napagalitan sila nito. Doon napagdesisyunan ng mga ito dapat alam ng bawat isa kung ano ang gagawin niya para makaiwas sa problema.

Which is thankful naman siya dahil lumipas ang isang buwan naging maayos ang lahat. Maliban na lang, matapos niya makausap si Greygory ay hindi na niya ulit ito nakausap. Mukhang iniiwasan siya nito sa hindi niya malaman na dahilan.

"Anong kalokohan na naman ang gusto mong gawin?"

Sabay-sabay silang tatlo napa-angat ng tingin kay Carter. Umupo ito sa tabi ni Cooper pagkatapos ay mariin siyang pinatitigan.

"Pinapauwi ako ni mama," saad niya. Tumaas ang kilay nito. "Anong plano mo?" tanong ulit nito sa kaniya.

"Uuwi siya mag-isa," singit ni Samuel. Gusto niya tuloy makaltukan 'to. Maarte pa naman si Carter. Kailangan perpekto ang plano kapag usapan sa sekreto niya. Lagi nito sinasabi, "ayoko mapahamak sa kalokohan niyo."

"Hindi. Ihahatid ka namin sa kanto sa inyo."

"B-bakit pa? Baka mas mahuli tayo no'n, kuya." Mas humina pa ang boses niya pagkatapos ay tumingin-tingin siya sa paligid. Wala naman nakapansin sa kanila.

"Mas delikado kapag ikaw lang mismo ang aalis mag-isa. You can wear your normal clothes then sa sasakyan. You can do whatever you want to your face and—" tinuro ni Carter ang buhok niya. Na-gets naman niya ito at tumango rito.

Pinatitigan niya sina Samuel at Cooper. Parehas may naka paskil na ngiti ang mga ito sa mukha. Alam niya ang iniisip ng mga ito. Kunwari pa si Carter na walang pakealam pero sa totoo lang, mas ito pa maraming sinasabi. She mentally said thank you na lang dito dahil hindi nito gusto kapag pinapasalamatan.

KINABUKASAN. Weekend. Hinihintay nila si Carter sa parking lot nang patakbong lumapit si Cooper sa kanila ni Samuel.

"He can't go. Naharang siya ni Anthony." Tumango siya rito pagkatapos ay sabay na silang pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi na rin siya nag abala pa na pumuwesto sa passenger seat.

"Papasundo ka ba bukas?" Samuel asked. Nag isip naman siya. "I'll text you na lang, kuya."

May dalawang oras ang biyahe pauwi at papunta sa kanila. Sa unang oras ay huminto muna sila para mag drive-thru. Hindi pa kasi sila nag aalmusal at tanghalian. Nakakahiya rin sa mga ito dahil naabala niya ang dalawa.

"Gusto ko sana kayo patuluyan muna sa bahay para mag pahinga saglit kaso baka mahuli tayo."

"Don't worry, Ashley. Baka dumaan na lang din muna kami saglit sa bahay," Samuel said. Tumango siya. "Okay, mag ingat kayo sa pag-uwi."

Bago lumabas ay inayos niya muna ang wig na sinuot niya sa biyahe. Nag lagay din siya ng kaunting make-up para hindi mag mukhang maputla dahil sa sobrang kaba.

"Salamat ulit!"

Ginulo naman ni Cooper ang wig niya. Sinamaan niya ito ng tingin. Ang hirap kaya mag ayos ng buhok tapos guguluhin lang nito.

She sighed. Lumabas siya ng sasakyan na inaayos ang wig. "Sana makabalik ka nang buo, Ashley!" pang-aasar ni Cooper.

Umikot ang mata niya pagkatapos ay tinaasan ito ng gitnang daliri. Tanging tawa lang ang naging sagot nito sa kaniya.

KINAKABAHAN na binuksan niya ang gate sa kanila. Isa sa rason kung bakit ayaw niya umuwi ay dahil baka ipagdidikan na naman sa kaniya ang arranged marriage nilang dalawa ni Kayden pero dahil ilang beses na siya pinipilit ng ina umuwi at dahil missed na niya rin ito ay pumayag na siyang umuwi.

"Anak!" Salubong agad sa kaniya ng ina. Ngumiti naman siya rito at binalik ang yakap nito sa kaniya.

"Kumusta ka po ma?"

"Mabuti. Mabuti." Hinila siya nito sa loob ng bahay. Naabutan nila si Kayden sa sala. Bumalik sa kaniyang alaala ang ginawang paghalik nito sa kaniyang labi.

Tumayo si Kayden. "Ashley," tawag nito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin. Gusto niya iparating dito na hindi siya natuwa sa ginawa nito sa kaniya.

Napansin iyon ng kaniyang ina. Mag sasalita sana ito nang maunahan ito ni Mrs. Dorbus. She bowed down a little to show some respect to elder. "Hello, Mrs. Dorbus."

"Hello, hija. Kumusta ka?" Lumapit pa ito sa kaniya para yakapin. Naiilang naman siya na tumingin kay Kayden. Kanina pa kasi ito nakatingin sa kaniya.

"Mabuti naman po ako, Mrs. Dorbus."

Humiwalay ito sa kaniya pero ang kamay nito ay nakahawak pa rin sa kaniyang kamay. "Gano'n ba? Nasabi ba sa 'yo ni Carla ang planong pupuntahan ninyo sa ngayong araw?"

Nakakunot ang noo na nilingon niya ang ina. Wala siyang matandaan na sinabi ito sa kaniya.

"Ma?" she asked for help.

"You and Kayden will be going to Bridal Shop to find your wedding dress," pasabog na saad ng kaniyang ina na kinagulat niya.

Wedding dress?

Bakit pakiramdam niya ay naloko siya? Pinauwi ba siya sa kanila para mapagusapan ang kasal nila ni Kayden?

Kailangan na niya talaga mahanap ang soulmate niya.

    Pinatitigan niya si Kayden na wala man lang sinasabi. Akala ba niya hahanap silang dalawa ng paraan para itigil ang kasal? Bakit may damit ng involve?

    HINDI niya inalis ang panlilisik niyang tingin kay Kayden nang makarating sila sa shop. Kausap nito ang isang dress designer na babae habang nakaupo siya sa lounge ng shop.

Kinuha niya ang isang cookie nasa ibabaw ng coffee table at kinain ito. Na-i-stress na kasi siya sobra sa nangyayari. Ilang beses niya ba kailangan sabihin na ayaw niya mag pakasal sa ibang tao kung hindi sa taong binigay lang sa kaniya ng Maykapal?

"Babe, this is Mrs. Nova, your bridal stylist," saad ni Kayden.

    Hindi man niya gusto ang ginagawa. Tumayo pa rin siya para mag bigay galang dito pagkatapos ay pilit siyang ngumiti rito. "Hello," bati niya.

    "Ms. Ashley, what kind of dress do you like in mind?" Mrs. Nova asked her.

    Nahihiya na umiwas siya ng tingin dito pagkatapos ay binalingan si Kayden. Lagot talaga ito sa kaniya mamaya. Matapos lang sila, kakausapin niya talaga ang binata.

     "Uhm, may I see your designs?"

     "Of course, Miss." May lumapit na isang babae kay Mrs. Nova pagkatapos ay inabutan ito ng ipad. May pinindot ito saglit bago nito inabot sa kaniya.

    Umupo siya. Tumabi naman si Kayden sa kaniya. Nakikitingin din sa mga gown nasa tablet. Sa inis niya ay umatras siya palayo rito pero umabante naman ito palapit ulit sa kaniya.

    Siniko niya ito. Peke naman tumawa si Kayden habang nilagay nito ang kamay sa kaniyang baywang.

    She sighed. Kailangan niya ng mahabang pasensiya para hindi masapak si Kayden. Naloko na nga siya at napilitan pumunta sa shop tapos ngayon malaya pang humahawak si Kayden sa kaniya.

     Nasaan na 'yong dating, ayoko rin mag pakasal nito?

"Ito, I like this," saad niya sa unang gown nakita niya. Wala na siyang pakealam kung maganda ba 'yong napili niya o hindi. Basta matapos na ang lahat at makaalis na siya sa lugar na iyon.

    Tumango si Mrs. Nova at kinuha sa kaniya ang ipad pagkatapos ay inabot sa isa pang babae.

    "Please, come with us, Ms. Ashley para masukat natin ang gown."

    Pumayag na rin siya para kahit papaano ay makaalis siya sa tabi ni Kayden ngunit agad niya rin pinagsisihan iyon nang dalhin siya ng dalawa sa dressing room.

    May malaking salamin sa loob. Lumabas ang kasama nilang babae para kunin ang dress habang sinukatan naman siya ni Mrs. Nova. Nang matapos ito ay dumating ang assistant nito na may dalang ilang dresses.

"Would you like to try the gown, Miss?"

Pilit siyang ngumiti rito. Ilang beses na ata siyang pekeng ngumingiti sa mga ito. Nakakapagod na.

"Sure."

Pinasuot sa kaniya ang unang design ng wedding gown. Ang skirt ng gown ay semi-fitted at may slit sa kaliwang binti. Ang upper ay tube na may half off-shoulder sa kaliwang bahagi ng braso.

"Bagay po sa 'yo, Ms. Ashley. Paniguradong magugustuhan po 'yan ni Sir Kayden."

Pinatitigan niya ang sarili. Totoong maganda ang gown. Bagay din ito sa kaniya pero gaano man kaganda ang suot niya kung hindi siya masaya, wala rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top