Chapter 12

KINABUKASAN ay sabay silang kumain nina Samuel at Cooper sa cafeteria ng almusal. Paborito niya kasi ang lutong champurrado rito.

She was happily eating her champurrado and milk nang dumaan si Carter sa gilid nila. Tinawag ito ni Cooper ngunit hindi man lang ito lumingon sa kanila at nag patuloy lang ito lumabas.

"Anong problema ng kakambal mo?" she asked while eating her food.

    "Masama raw pakiramdam niya."

    "Ah, karma 'yon. Masama kasi ugali." Sinita naman siya ni Samuel dahil sa matabil niyang bunganga.

    "What? I was just stating the fact here."

    Totoo naman kasi.

    Baka nga ay isusunod na siya. Ang sama rin kasi ng tabas ng dila niya. Mana kay Carter.

    Umikot na lang ang mata niya pagkatapos ay nag patuloy sa pag kain. Nasa kalahati na siya nang makita niya si Bleu sa hindi kalayuan. Naalala niya 'yong utang niya rito.

    Tinaas niya ang kamay at pinalapit ito sa lamesa nila.

    "Hi, good morning!" bati nito sa kanila pagkatapos ay bumaling ito sa kaniya. Kinuha naman niya ang wallet at inabutan ng one hundred sixty-five si Bleu.

    "Thank you sa pagpapahiram!"

    "No worries." Kinuha nito ang pera sa kaniya. Sumanggi pa ang malambot nitong kamay sa kaniya na kina-init ng mukha niya.

    Nakita niya na tinaasan siya ng kilay ni Cooper. Hindi na lang niya ito pinansin. Ina-a-appreciate niya pa kasi ang magandang mukha ni Bleu sa kanilang harapan.

    "Nasaan si Grey?"

     Sino raw?

     "Kagabi pa masama pakiramdam no'n. Bibilhan ko nga ng lugaw. Baka gutom lang, hindi rin kasi 'yon kumain kagabi."

"Sino si Grey?" she asked.

    Sinubukan niya pa na kunwari na wala siyang pakealam sa kung sino pinaguusapan ng mga ito. For some reason kasi, bigla siya nag alala kung sino man 'yong Grey na 'yon.

"Ah, si Gory," sagot ni Bleu sa kaniya. "I mean, Greygory."

Nabuga niya ang kinakain ng marinig ang pangalan nito. Nanlilisik na tumingin si Cooper sa kaniya kung saan may ilang champurrado sa mukha nito.

"S-sorry."

Hindi niya mapigilan ang sarili na mapatawa. Tangina. Pagkatapos ay naalala niya pa na Greygory pala ang tunay na pangalan ni Gory. Tangina talaga! May pang-asar na siya!

    WEEKEND. Laundry day at dahil hindi siya nakapaglaba kahapon dahil kinita niya si Kayden ay ngayon siya mag lalaba.

    Nilagay niya sa laundry bag ang mga maduming damit. Maliban na lang sa kaniyang undergarments. Maaga niya ito nilalabhan at patagong sinasampay sa bathroom para hindi makita ni Cooper kahit alam nitong babae siya.

    Nakapaglaba na si Cooper no'ng Friday. Kaya, it was only her today.

    Nang makarating siya sa laundry shop sa loob ng campus ay nag bayad muna siya bago tumungo sa mga washing machine. May tatlong palapag ang laundry shop at kahit linggo na ay marami pa rin ang nag hahabol matapos ang gawain nila.

    Binaba niya ang dalawang laundry bag at pinasok ito sa loob ng washing machine nasa harapan niya. Kumuha rin siya ng powder detergent at binuhos ito sa machine pagkatapos ay in-on niya ito.

    Pinanood niya na umikot ang damit sa loob ng machine. Paikot-ikot ito. Nang mahilo siya ay umupo siya sa upuan sa waiting area nang mapalingon siya ulit sa kanan niyang banda.

There. Ando'n si Greygory, nakaupo habang may suot na sunglasses? Inangat niya ang ulo para tingnan kung may araw ba. Nakita niya lang ang ceiling at ilaw.

Binalik niya ang tingin dito. Nag tataka na pinatitigan niya ito. She smirked. "Ang taas ng araw, ha?"

Hindi ito lumingon sa kaniya. Kumunot ang noo niya. Tulog ba 'to? Umusog siya pagkatapos ay marahan niya nilapit ang kamay dito para kalabitin ngunit natigil sa ere ang kamay niya nang lumingon ito at hawakan ang kamay niya.

Hindi niya nakikita ang mata nito pero alam niyang nanlilisik na naman ito sa galit sa kaniya.

"Bitaw," she firmly said. Naiilang na kasi siya sa pagkakahawak nito sa kaniya.

"Who are you?"

Ha? Hindi nito alam ang pangalan niya? Nag pakilala naman na siya, didn't she?

"Gory? Are you still sleeping? My name is Ash," she said but he never stopped staring at her. Ano ba talagang meron?

Pabalang na binitawan ni Greygory ang kamay niya. For some reason, she wanted to hold him again. Umiling-iling siya. Kung ano-ano iniisip niya.

"Oh," naalala niya ang sinabi ni Bleu kanina. "Masama raw pakiramdam mo?"

"Yeah," mahina nitong sagot sa kaniya. Halata talaga rito na wala itong gana. Bigla niya tuloy nalapat ang kamay sa noo nito para alamin kung mainit ito.

Umatras si Greygory sa kaniya at halatang nagulat sa naging aksyon niya. Kahit siya ay nagulat din. Maybe it was her instinct?

"No need for that. I'm fine." Umatras pa ito sa kaniya. Nagkaroon tuloy ng dalawang bakanteng upuan sa pagitan nila. May nakakahawa ba siyang sakit?

"If you say so." Binalik na lang niya ang tingin sa mga machine sa kanilang harapan. Mukhang ayaw naman nito makipagusap. Hindi na lang niya ito pipilitin pa.

"So, anong club mo?"

Mabilis nalingon niya si Greygory nang mag tanong ito. Hindi ito nakatingin sa kaniya. Katulad niya kanina ay sa mga machine lang sa harapan nila ito nakatingin.

"Art. I'm from Art club"

"I see."

Umusog siya ng isang beses sa bakanteng upuan para mas mapalapit dito. May isang upuan na lang ang pagitaan sa kanila. Hindi niya mawari kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Do you like soccer? I mean, of course you do. You're a team captain from a soccer team."

"Not all team captain likes soccer but yeah, I love playing soccer."

"Talaga?" Hindi niya alam kung bakit siya natutuwa sa kanilang interaction. Lalo na kapag naririnig niya ito mag salita tungkol sa hilig nito.

"Yeah, actually there's a lot of university offering a scholarship for my playing."

"But?" she asked. She could hint a but there.

"Hindi pa nag o-offer 'yong gusto 'kong university. That's why I need to focus more on soccer."

Tumango-tango siya. Unti-unti ay naiintindihan na niya ito. Kaya pala masungit ito minsan dahil he wanted the best for his team. That way, magkakaroon ng chance itong makapasok sa gusto nitong university.

Nang lingunin niya ulit ito ay napansin niya ang pananalita nito ay unti-unti nang umaayos. Hindi na ito garalgal at pagod. Bumabalik na sa ayos ang tono ng pananalita nito.

"Umalis ka ba Ash kahapon?" Nilingon siya nito. Hindi niya ito mabasa. She wanted to see his eyes. Wala sa sarili na inalis niya ang suot nitong sun glasses.

Sumalubong sa kaniya ang nag tu-twinkle nitong mata. Punong-puno ito ng emosyon na hindi niya mabasa despite her heart was beating so fast.

"Ah, oo?" Kahit siya ay hindi sigurado sa kaniyang sagot.

"I see."

"N-nakipagkita ako sa mga kaibigan ko," nauutal niyang ani. Gusto niya tuloy makaltukan ang sarili.

"You really don't need to tell me." Umiwas ito ng tingin sa kaniya.

"But I want to!" she outbursts. Bumalik ang paningin ni Greygory sa kaniya. Halata ang gulat nito pero agad din ito nahimasmasan then tumango sa kaniya.

"What happened then?"

Sasabihin niya ba? Bakit kasi may urge siya na gusto niya mag kwento rito. Nakakainis. Pwede naman niya sigurong sabihin without telling she's a girl.

"Nakipagkita ako sa fiancé ko."

"Your what?!" Nagulat siya nang bigla ito sumigaw. Kahit ito ay nagulat din sa ginawa. Umayos ito ng upo. Tumikhim pagkatapos ay nag patuloy mag salita.

"May fiancé ka?" he asked. Bakit parang nahihirapan ito mag salita bigla? Halata rin ang pagkakainis nito. May nagawa na naman ba siya?

"Y-yes! Meron."

Hindi sumagot si Greygory sa kaniya bagkus ay nakipagtitigan lang ito sa kaniya hanggang marinig niya na tinawag ang pangalan niya. She looked up and saw Anthony walking towards them.

"Ash!" bati nito. Ginulo pa nito ang buhok niya. Magaling talaga! "Oh, nandiyan ka rin pala Cap. Hindi kita nakita."

Naalala niya ang hawak na sunglasses. Nahihiya na inabot niya ito kay Greygory.

"Yeah, nandito rin ako," malamig na saad ni Greygory sa teammate nito. Bumaling naman ulit si Anthony sa kaniya.

"Hindi na tayo nakakapagusap, little dude! Na-miss kita!" Inipit nito ang braso sa kaniyang ulonan at mas ginulo ang buhok niya.

Gulat siyang tumingin kay Greygory. Nahihiya dahil sa inaasal ni Anthony. Napansin niya na sumama ang tingin nito sa kanilang dalawa. Balak din ata nito alisin ang kamay ni Anthony nakahawak sa kaniya.

Hindi nga siya nag kamali dahil pinatigil ni Greygory ang kamay ni Anthony sa pag gulo ng buhok niya pagkatapos ay pinaghiwalay silang dalawa.

"Hindi tayo brutal na soccer player, Anthony."

"Oh, right!— sorry, Ash~" baling na saad sa kaniya ni Anthony. Umikot pa ang mata niya ng pa-cute na tinawag siya nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top