as you walk away.

“Huy, Bea! Uuwi na ba tayo?”

Napatingin ako sa kaibigan kong si Shai. During normal days, sabay kaming umuwi. But this day isn't normal! Finals na ngayon ng tournament between our uni and St. Dom.

“You can go home without me, Shai. May usapan kasi kami ng kapatid ko na aalis kami after class.” Pagdadahilan ko sa kanya.

She doesn't know what I am up to these past few days. Natatakot din akong ipaalam 'to sa kanya. She might think I am crazy. But definitely, I think that I am.

Hindi na siya nangulit. Agad akong nag-ayos ng sarili tsaka lumabas ng classroom. Sabay kaming naglakad palabas ng uni. Nang nakita ko ang driver nila ay nagpunta ako sa sakayan ng tricycle.

“Sa St. Dominic po, kuya.”

Saglit lang ang byahe dahil malapit lang ito sa university namin. Greatest rival ito ng university namin pero marami rin akong naging kaibigan sa university na yun.

“Beatrize! Dito ka, bilis!” One of my new friends said. Naeexcite akong dumalo sa kanila tsaka tiningnan ang players sa court.

Damn, ang lapit namin kay Dwight! He really looks soooo good. He's kinda sweaty dahil nagppractice siya kanina pa but ang bango niya pa rin tingnan.

“Go, Dwight!” Sigaw ko. I don't know if he heard me. Ang ingay kasi ng paligid, nakakainis.

“Hi, Beatrize! I thought you're here dahil sa uni natin but it turns out na you like Dwight from St. Dom.” Napatingin ako sa likod ko dahil may kablockmate ako na kumausap sakin.

So what kung sa kalaban ng uni namin ako kakampi? Men from our uni are all trash!

Mainit ang mata sa akin ng mga tao dahil sikat ako sa uni namin. But I don't care! Hate me all they want, wala akong pake dahil hindi naman sila si Dwight.

“Ex mo si Ivan, 'di ba?”

Hindi ko sila pinansin dahil magsisimula na ang laro. Yeah, captain ball ng uni namin si Ivan. Si Dwight naman ang captain ball ng St. Dom. Ivan was my ex and nagsisisi ako na pinatulan ko siya. What a waste of time and effort! Tinarantado lang naman ako non!

“Go, Dwight! Win this game!” Sigaw ko ulit. Pero nagulat ako nang napalingon ito sa gawi ko.

“OMG, Beatrize!” Tulak sa akin ni Cess. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. He's so good! Sobrang gwapo, ang maskulado, matalino, athletic, lahat nasa kanya na!

“Chill ka lang, Bea. Everyone knows na ex ka ni Ivan and we know na gusto nilang iniinis ang isa't isa.”

Hindi ako nakinig sa sinabi ni Ara. Like, why? Hindi naman siguro ganoong tipo ng lalaki si Dwight! Hindi ko nalang pinsansin ang sinabi ng mga kaibigan ko at sinuportahan na lang si Dwight.

Mabilis na natapos ang laro. Students who were from our uni are looking at me when they saw me jumping dahil nanalo ang St. Dominic. Pero wala na sila doon! They can gossip about me and I don't care about that.

“Kapag nanalo sila Dwight next game, champion na ang uni natin!”

Tumakbo ako papunta sa court. Isang laro nalang, champion na sila. I hope na siya rin ang MVP! He's the greatest player for me!

“Hi, Dwight!” Kinakapos na ako ng hininga sa kaba. He's tall. He's my ideal guy. His shoulders are so perfect. I really want him so bad.

“Hey.” Wika niya tsaka lumingon sa akin.

My mind went blank. Ito na yata yung napapanood ko sa kdramas. Yung nagsslow motion lahat at siya lang ang nakikita ko. Kahit ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay naririnig ko na! Wake up, Beatrize!

“Yes, beautiful?”

Oh, God. Tinawag niya ba talaga akong beautiful? Damn! Parang gusto ko na talagang magpaparty!

“Uh... Congrats.” Mahina kong wika. Nakatingin lang siya sa akin at parang naguguluhan dahil hindi niya ako narinig.

“Rats?” Tanong niya. I stopped myself from smiling.

“I mean congrats. Congrats sa panalo niyo.” Pag-ulit ko tsaka kinakabahang tumawa.

“Oh, thank you!” Sagot niya tsaka ngumiti.

Nanlaki ang mga mata ko nang may naalala ako. Binuksan ko ang bag ko tsaka nilabas ang nibake ko para sa kanya. Sabi ko sa sarili ko ay ibibigay ko ito sa kanya kapag nanalo sila.

“I baked some cookies for you. It's okay if you won't take–,” Napatigil ako sa pagsasalita nang kinuha niya sa kamay ko ang container.

“No. This one's mine. Thank you for your effort.” Wika nito tsaka binuksan ang container ng cookies. Napangiti ito nang naamoy ang nibake ko.

“Good luck to your next game, captain.” Kinakabahan kong wika. Hindi ko alam kung saan ko nahugot 'tong lakas ng loob ko.

“Thank you. Make sure that I'll see you if we'll win.” Ngumiti ako tsaka tumango.

Nagpaalam na ako sa kanya. He smiled then nodded. Nakangiti lang ako habang naglalakad pasakay sa tricycle. Siguro ay mukha akong tanga kakangiti.

Nang makauwi ako ay wala pa rin ang parents at kapatid ko kaya dumiretso ako sa kwarto ko. Maliit lang ang kwarto ko pero at least may sarili. Hindi kami mayaman, katamtaman lang. Sadyang pinag-aaral lang ako ng tita kong tiga-New Zealand.

Minsan, nanliliit ako sa sarili ko dahil hindi ako nakakabagay sa mga kaibigan ko. They're all rich. Puro hinahatid at sinusundo ng personal drivers nila. Puro mansion ang bahay. And Dwight is one of them. I heard na mayaman ang pamilya niya pero hindi binibigay ang lahat ng luho niya. I wonder why.

@captdwight
lebron xviii nike before championship cutie!

Napatingin ako sa twitter post ni Dwight. Agad kong nisearch kung magkano yung sapatos at nagulat ako. Saan ako kukuha ng ₱13k this week? Wala pa ngang isang libo yung laman ng wallet ko!

Kung ano-anong ideas yung nasa isip ko. Kinakabahan ako sa ginagawa ko pero kung hindi ko 'to gagawin, baka walang mangyari sa relationship namin!

Tinawagan ko si Shai. Tinanong ko kung pwede ba akong manghiram ng pera pero ang sabi niya, isang libo lang ang mapapahiram niya dahil naubos niya na kaagad ang weekly allowance niya kahit na Tuesday palang. Nigrab ko pa rin ito.

Wala akong choice. Nichat ko si Ara. Hindi pa naman ganon kakapal ang mukha ko para manghiram sa kanya dahil saglit palang kaming magkaibigan.

me: hi! if ever man na may need sa inyo na magpagawa ng school works, g ako. kahit abutan niyo nalang ako hehe may pinag-iipunan kasi ako. thank you, ara!

Kinakabahan ako habang hinihintay ang reply ni Ara. Madalas kong marinig sa schoolmates nila na maganda at matalino lang ako pero hindi mayaman. Dati, hindi ako nahihiya sa social status ko pero ngayong napansin na ako ni Dwight...

ara: yey, sure! my squad is actually searching for commissioners na kayang gawin yung school works namin. is it okay if output first before payment cause we're friends?

Napalunok ako. Payment first before output ang alam ko pero iggrab ko nalang dahil kailangan ko ng pera.

me: sure, ara. send me the details and i'll work on it na.

I got so busy to the point na muntik ko nang makalimutan ang game ni Dwight. Inuuna ko lagi ang school works ng mga kaibigan ko kaysa sa akin. Wala akong choice. Babayaran nila ako, eh. Hindi naman siguro maapektuhan ang pagiging rank 3 ko kung male-late ako nang kaunti sa pagpapasa ng akin.

“Two thousand. Is that okay, Bea?” Wika ni Ara. Hindi ko pinakita ang pagkadismaya ko.

Sampung five sentences na essay, five paragraphs, three powerpoint presentations at five activities sa chemistry ang sinagutan ko pero okay lang. Hindi naman ako makakapulot ng dalawang libo kung saan-saan. I had restless days and sleepless nights but it's okay. Ngayon lang naman 'to.

“Yes, Ara.”

Binigay ni Ara ang pera sa akin. Tinuon namin ang atensyon sa court dahil magsisimula na ang game. Dahil siguro sa pagod kaya hindi ako ganoon kaexcited na manood.

Fourth quarter na, tambak sila Dwight ng 30 points. We're getting worried na since five minutes nalang ang natitirang oras.

St. Dominic lost. Nakatingin lang ako kay Dwight dahil bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Nang tiningnan ko si Ivan ay kita sa mukha niya ang pang-aasar kay Dwight. Siraulo talaga. Bakit ko ba kasi yun pinatulan?

“Jo!”

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na narinig ko na naman ang walang kwentang endearment na yun.

“Jo! Bea!”

Napatingin ako sa court. Okay, Ivan's here. Papalapit ito sa akin pero hindi ako gumalaw. Tinaas ko lang ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

“Pinanalo ko yung laro para sa'yo...” Wika nito nang nakalapit sa akin.

“Stop saying bullshit things, Ivan. You did it for your ego, not for me.” Wika ko tsaka siya tinalikuran.

Naiinis ako! Hindi ko tuloy nakita kung nasaan si Dwight!

Ilang minuto akong naglakad paikot sa uni nang nakita ko si Dwight sa gate. Nakayuko ito at nakatingin sa sapatos niya habang naghihintay.

He's probaby tired and sad about the game. Lumapit ako at tumapat sa kanya. Parang hindi niya ako napansin dahil tinitingnan niya pa rin ang sapatos niya.

“Tss. Maganda pa rin sana kung hindi lang inapakan ni Santos.”

Nanliit ang mga mata ko. That's Ivan. What the hell did that trash do to Dwight's shoes?

Umangat ang tingin sa akin ni Dwight nang napansin niya ang presensya ko. Napangiti siya.

“Hi!” Bati ko sa kanya.

“Hey.” Tugon niya. Medyo malumanay ang boses niya. Looks like he's really tired.

“Tara, milktea? So you can freshen up.” Aya ko sa kanya. Kita ko sa ekspresyon niya na parang ayaw niya.

Yeah, maybe I'm weird. I'm acting as if we're close. But why not? It's not a date naman.

“Naubusan ako ng cash, eh. I still need to withdraw. Maybe next time.” Wika niya tsaka tumingin sa mga sasakyan na dumadaan sa harapan namin.

“My treat?” Tanong ko sa kanya.

“I don't make girls pay for me, Beatrize.” Wika niya. Napanguso ako. Kahit isang beses lang naman.

Hindi na ako sumagot dahil parang ayaw niya talaga. Napatingin ako sa kanya dahil bigla itong lumingon sa likuran ko. Napakunot ang noo niya na parang may kinaiinisan siyang tao na paparating.

“Alright, let's go. I'll make sure to treat you next time as well.” Wika niya tsaka ako hinila patawid sa pedestrian lane.

Pinigilan ko ang pagngiti ko. Tiningnan ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. His hand feels so warm.

“Wintermelon nalang sa akin, Bea.” Wika niya nang nakarating kami sa milktea shop.

Tumango ako tsaka umorder. Nawala lahat ng pagod na meron ako kanina. Kinikilig ako, gusto kong hampasin ang braso ni Shai. Sayang lang at hindi ko pa nasasabi ito sa kanya. But I'll make sure na sasabihin ko ito sa future. Maybe kapag alam kong nagkakamabutihan na kami ni Dwight...

We talked about the game. He's really quiet but I hope that I entertained him well. Random things lang ang sinabi ko sa kanya. I also encouraged him to do his best sa next game para sure na champion na sila. If matatalo ulit sila next game, one game remaining. Kung sino ang manalo sa larong iyon ay siyang champion. Best of three kasi.

“If ever you find me annoying, please do let me know so I know when to stop. I like you but I think I have to love myself more.”

Napatigil siya sa pag-inom at dahan-dahang napatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya.

“Well, I kinda like you too. I'm just too tired about the game that's why I'm like this...”

Gulat akong napatingin sa kanya. For real? Hindi naman ako nananaginip, 'di ba?

“I'm sorry if I can't express my feelings well.” Wika nito tsaka ako nginitian.

Pag-uwi ko ay nagulat ako dahil maagang umuwi si Mama. Nagluluto na ito ng dinner. Wala pa si Papa pati ang kapatid ko.

“'Ma, malapit na po ang birthday ko.” Wika ko habang papalapit sa kanya. Napatingin ito sa akin na parang gusto niyang ipagpatuloy ko pa ang sinasabi ko.

“Baka pwedeng iadvance yung pera ko? Hehe.”

Kada birthday ko kasi ay binibigyan nalang nila ako ng pera imbes na regalo. 'Pag may extra sila ay pera pati ilang make-up o damit ang binibigay nila.

“Sa Wednesday na, anak. Hindi pa sumasahod si Mama.”

Buong gabi akong nag-isip kung paano ang gagawin ko para magkaroon ng pera. Sa Tuesday na ang next game nila Dwight. Kapag natalo ulit sila, sa Friday na ang last game at doon na magkakaalaman kung sino ang champion.

Walang pasok ang Sabado at Linggo pero busy ako kakagawa ng school works ng iba. Sinabi ko na kasi kay Ara na kung may iba pa siyang kaibigan ay pwede kong gawin ang mga written works nila.

Ang sakit ng ulo ko. Araw-araw ay sinisipon ako dahil halos wala akong tulog. Pinipilit ko ang sarili ko na okay lang dahil kailangan ko ng pera.

“Hey, are you okay?” Tanong ni Dwight.

I asked him kung pwede ba kaming magmeet dahil sobrang stressed ko na lately. I just want to look at his face. Sabi ko sa kanya, kahit kaunting time lang. Buti nalang at okay lang sa kanya kahit na busy rin siya.

Sabi ko kahit sa park lang dahil nagtitipid ako pero sabi niya ay treat niya kaya pumayag ako na kumain kami sa resto.

“Yup. Medyo pagod lang.” Nagmake-up naman ako para takpan ang eyebags at breakouts ko dahil sa puyat pero medyo nacoconscious pa rin ako.

I don't know what happened pero may biglang tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at para bang emergency ang pinaguusapan nila dahil nagagahol ang pagsasalita niya.

“I'm sorry Bea but I need to leave. I'll make it up to you next time.” Wika niya tsaka tumayo at lumabas ng restaurant.

Nag-aalala ako para sa kanya. Hindi ko narinig ng maayos pero ang naintindihan ko lang ay "nagagalit na si coach."

Naputol ako sa pag-iisip nang dumating ang waiter at dala ang bill. Putcha. Oo nga pala, hindi pa kami nakakabayad. Nagbuntong hininga nalang ako tsaka naglagay ng pera sa bill. Nabawasan ako ng isang libo. Bahala na.

Monday ng madaling araw, gising pa ako. Inabot na ako ng araw, hindi pa rin ako tapos sa mga pinapagawa sa akin.

“Hello, Bea? Okay lang daw ba kung hindi pa makakabayad this day? Natalo kasi sa sugal yung kaibigan ko, eh. Baka sa Friday pa raw makakabayad.” Napabuntong hininga ako at pinakalma ang sarili ko. Tuesday na bukas! Paano ako makakabili ng sapatos nyan?

“Ara, ngayong araw ang usapan natin, eh...” Napapikit ako pagkatapos ko magsalita.

“Sorry talaga, Bea. Wala rin kasi akong pang-abono.” Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Hinayaan ko nalang at binigay sa kanila ang output bago pumasok sa uni. Nalate pa ako sa first subject namin.

Pagkatapos ng klase namin ay dire-diretso ako pauwi. Kahit si Shai ay hindi ko masabihan. Tanong siya nang tanong kung bakit biglang bagsak ang katawan ko pero sinabi ko nalang na wala akong ganang kumain lately.

Tuesday morning, nagising ako na mainit ang buong katawan ko. Nakita ni Mama ang sitwasyon ko kaya hindi niya ako pinapasok kahit na gusto kong pumasok. May game si Dwight ngayon. Paano kung manalo na sila ngayon? Sakto pa na wala ako!

Natulog nalang ako para makaabot ako kahit sa laro. Pero paggising ko ay mas lumala lang yata ang pakiramdam ko. Hindi ako makabangon ng maayos.

dwight: hey, pupunta ka mamaya 'di ba?

Napabuntong hininga ako. Hindi ako makakapunta sa gantong lagay ko. Nireplyan ko lang siya tsaka pinilit na matulog.

Umaga na nang nagising ako. Nang tinanong ko si Ara kung anong nangyari, sabi niya ay natalo sila Dwight. Mas maayos na ang pakiramdam ko kaysa kahapon kaya pumasok na ako.

Pagkatapos ng klase ko ay nagulat ako nang makita ko si Dwight na nag-aabang sa labas ng classroom namin. Naghalf day lang si Shai kaya wala na naman siyang alam sa nangyari. I feel so bad.

“Shall we take our relationship to the next level, Beatrize?” Tanong sa akin ni Dwight nang napunta kami sa park.

That's the happiest moment of my life. I am not completely okay but Dwight made my day. He looks cute nung nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko. We're just walking and adoring the view while we're holding our hands together.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa kama para maagang matulog. Nakapikit na ako pero nakareceive ako ng tawag kay Ara.

“Hello, Bea? I'm sorry for calling at this hour pero may emergency kasi. Bukas na pala yung presentation nung powerpoint namin sa philo. Kanina lang kami na-inform.” Nagmamadaling wika ni Ara.

Gusto kong umiyak pero kinagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang sarili ko. May sakit pa ako! Masakit pa ang ulo ko at namamayat na ako dahil sa stress tas ito na naman? Anong oras na, sampung powerpoint presentations pa ang gagawin ko! Kung sana iinput nalang yung contents pero hindi! Ako pa ang mag-iisip ng ilalagay doon dahil iba-iba sila ng topic!

“Paano ko magagawa agad yun bukas, Ara? Kulang na kulang ako sa oras. Hindi biro yung sampung powerpoint!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Marami rin kaming need gawin ngayon Bea so hindi ka namin matutulungan dyan. We'll pay you double nalang.” Sabi ni Ara.

Wala akong choice kundi gawin lahat. Wala akong tulog at ilang beses akong nagpalpitate dahil sa dami ng kape na nainom ko para pigilan ang sarili kong matulog kahit na ang sama pa ng pakiramdam ko. Inisip ko nalang na doble ang bayad nila sa akin.

Nang inumaga na ako ay binilisan ko na ang paggawa. Pakiramdam ko rin ay pangit ang kinalabasan ng iba pero wala akong choice. Agad kong sinend ang files kay Ara nang natapos na ako.

“Anak, okay ka lang ba?” Tanong ni Papa habang kumakain kami ng agahan.

“Opo, okay lang po.” Ngumiti pa ako para ipakitang okay lang ako kahit na sobrang sakit na ng ulo ko.

Nang natapos akong kumain ay tumayo ako. Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari pero narinig ko ang sigaw ng pamilya ko bago ako napapikit.

Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko ang lugar na pinaka ayaw ko sa lahat. Hospital.

“Anak, ano ba talagang nangyayari sa iyo? Nasstress ka ba sa uni mo, anak? Magpahinga ka naman. Kahit na mawala ka sa top 5 ng batch niyo, okay lang. Hindi naman namin hinihiling na mapabilang ka doon. 'Wag mong ipressure ang sarili mo dahil ganto ang kapalit kapag wala kang pahinga!” Hindi matigil si Mama kakasalita habang may luha ang mga mata niya.

Noon ko lang narealize kung gaano ako naging desperada para kumita ng pera. Pero worth it naman siguro kung para ito kay Dwight.

Friday ng hapon ay mas maayos na ang pakiramdam ko dahil sa pahinga at gamot. Hindi ako pumasok pero aattend ako ng game para na rin makuha yung bayad nila Ara sa akin.

“Five thousand. Thank you, Bea.” Nginitian ko nalang si Ara tsaka tinanggap bayad sa akin. Kahit pakiramdam ko ay hindi ito sapat sa dami ng pinagawa nila sa akin ay tinanggap ko nalang ito para wala nang away.

Nabigay na sa akin ni Mama yung pera para sa birthday ko pero hindi ko pa nabibili yung sapatos. Siguro ay bukas na ako bibili then sa Linggo ko ibibigay sa kanya. Linggo ang birthday ko at for sure ay dadalo siya. He's my boyfriend!

“This game is for you, baby.” Nanlaki ang mga mata ko nang hinalikan ako ni Dwight sa pisngi tsaka tumakbo pabalik sa court.

Nagsigawan ang mga tao at pakiramdam ko ay mabibingi na ako dahil sa ingay nila. I don't know what to say, actually. Hanggang holding hands lang kami. First time niya akong ikiss sa cheeks at first time niya akong tawaging baby.

Maganda ang naging laro pero nagkakainitan yung dalawang captain ball. I don't know what's up to Dwight and Ivan pero mukhang nagkakasakitan.

Nang tumunog ang buzzer ay tumalon kami nila Ara. Nanalo ang St. Dominic! Nanalo si Dwight!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumakbo papunta sa court at yakapin si Dwight. Niyakap niya rin ako pabalik at binuhat. Pinunsanan ko siya gamit ang puting towel na dala ko.

“I'm so proud of you, Dwight!” Natutuwa kong wika. Napangiti rin siya habang nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko ay ako ang pinakamagandang babae habang tinititigan niya ako.

“Reward?” Tanong niya sa akin.

Hindi na ako naghintay pa. Nakapikit kong hinalikan ang labi niya. Kumapit ako sa braso niya bilang suporta dahil naramdaman ko ang paghina ng kapit niya sa akin.

Humiwalay lang ako nang narinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao. Mas mukha pa silang kinikilig kaysa sa akin.

Hinayaan ko si Dwight na magcelebrate ng dinner with his team. Ang sabi niya ay sila-sila lang daw dapat ang nandoon at hindi magdadala ng girlfriends. Kahit pwede, hindi rin naman ako pupunta. As a team lang talaga dapat yung ganoong celebration. Hindi siya makakapagenjoy nang tuluyan kung dadalo ako dahil dagdag intindihin lang ako.

Saturday morning, late ulit akong nagising. Una kong nicheck ang messenger ko at nagulat ako sa dami ng messages pero dalawang chats ang nakakuha ng atensyon ko.

ivan: kahit ngayon pala ay medyo tanga ka pa rin sa pag-ibig. sabi mo dati, basura ako pero mas masahol pa sa akin yung pinalit mo haha.

ivan: ngayong champion sila at tapos na siyang inisin ako, get ready beatrize. he'll dump you for sure. he was my best friend and now we're enemies. alam na alam ko ang galawan niyan.

me: you said that he was your best friend so why judge him like that?

ivan: inagaw niya na sa akin si ara noon, bea. ginawa niya lang yon for fun. and now that he has you, he thinks that he pisses me off.

Si Ara? How come na hindi ko alam na naging ex niya pareho sila Ivan at Dwight? How come? At bakit hindi rin sinabi sa akin ni Ara na naging sila nung dalawa?

ivan: *sent a photo*

ivan: balita ko, kagabi 'to? victory party with girlfriends pero bakit hindi ikaw ang kasama?

Nang tingnan ko ang picture na sinend niya ay kinabahan ako. Mukhang latest nga ang picture. Yung hairstyle ni Ara, same ng ngayon. Yung built ni Dwight, katulad din ng ngayon. Nakayakap pa si Dwight kay Ara.

But kay Ivan na mismo nanggaling na ex ni Dwight si Ara. It might be an old picture, Bea! Don't cry! 'Wag kang maniwala sa basura mong ex.

Sunod kong tiningnan ang isang text.

mrs. gab: good morning, iha. malapit na ang releasing of report cards and nireready na kita. almost all of your teachers aren't satisfied with your works lately and lagi ka raw late magpass. from rank 3rd for the whole grade 12, you're ranked as 7th now. i tried talking to my co-teachers about it but wala na silang magawa, anak. may i ask what happened? may problema ba?

Tuluyan na akong naiyak. Ego ko yun, eh. Pride ko yun. Pagiging rank 3 na nga lang yung maipagmamalaki ko pero nawala pa. Consistent ako dati! Sapat na sakin yung rank 3, hindi ko na hinangad na mas tumaas ako doon.

Saglit akong nag-isip kung anong dapat kong gawin. Kinuha ko ang pera ko tsaka naligo at nag-ayos ng sarili. Pumunta ako ng mall para bilhin yung sapatos na gusto ng boyfriend ko. Nanghihinayang ako na hindi 'to nakaabot ng championship nila pero okay lang naman siguro 'to. Gift ko nalang sa kanya dahil he did great.

Pagkauwi ko ay nagpahinga ulit ako. Kinabukasan, maaga akong nagising. Unang bumati sa personal ang pamilya ko. Sa chat ay si Ivan at sa call ay si Shai. I got emotional dahil first birthday ko yon na boyfriend ko siya pero hindi niya kaagad ako binati. It's not required pero nakakatuwa na maramdaman yung ganoong feeling na pagpupuyatan nila yung pagbati ng birthday mo.

Nagsidatingan ang mga kaibigan kong inimbita maliban sa grupo nila Ara. Hapon na pero kahit ang boyfriend ko ay wala pa. Kinakabahan ako. Hindi online si Dwight.

Natapos ang party nang wala ang boyfriend ko. Pinapakita ko sa mga kaibigan ko na okay lang ako pero ang totoo ay hindi. Birthday na birthday ko pero hindi ako masaya.

Seven o'clock. Tumawag sa akin si Dwight. Finally!

“Hello?”

“Where are you? Can we meet up?” Bungad nito sa akin. Napangiti ako. Is he planning a surprise for me?

Todo ayos ako. Syempre naman! Baka mamaya may pa-balloons at flowers pa siya o kaya ay teddy bear. Ano pa ba? Cake? Cupcakes? Ring? Necklace?

Nang dumating ako sa park ay naabutan ko siyang nakaupo sa swing. Wala siyang dala na box or kahit ano. Walang pwedeng taguan nang malaking regalo dahil open ang area.

Ano ka ba, Bea? Baka mamaya, singsing or necklace yan.

Nang umupo ako sa tabi niyang swing ay wala siyang reaksyon. Nakaupo lang siya at nakatingin sa harapan niya. Bakit parang malungkot siya?

“Huy! Birthday ko ngayon, ah! Where's my gift, baby?” Nakangiti kong tanong sa kanya pero hindi siya gumalaw. Kahit ang labi niya ay hindi man lang natinag.

Tumayo ako tsaka naglakad para maghanap ng regalo niya kung saan-saan. Baka mamaya, may pa-hide and seek pa siya!

“Let's break up, Beatrize.”

Napatigil ako sa pagkilos. Nag-echo ang sinabi niya at pakiramdam ko ay tumigil ang pagfunction ng utak ko. No. He's just joking! Hindi naman April ngayon, ah?

Pinilit kong tumawa tsaka lumapit sa kanya.

“Stop playing around, Dwight! Where's your gift? Is it a ring? A neckla–,” Pinigilan niya ang kamay ko sa paghawak sa kanya.

“Stop it, Bea. I'm serious.” Noon ko lang narealize na mukha pala akong tanga. And actually, matagal na.

“I just used you so that I can make Ivan angry and distracted during the game.”  Wika niya habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.

“I'm desperate to be the MVP dahil last year ko na 'to.”

Unti-unting namasa ang mga mata ko hanggang sa blurry na ang lahat ng nakikita ko. Ang mga ilaw, mga puno, at kahit ang ekspresyon ng taong mahal ko, ni hindi ko makita kung anong nararamdaman niya habang naririnig ang mga hikbi ko.

Sobrang sakit. Bakit ganito? Bakit ganto yung isinukli niya sa akin? Sobrang dami kong nagawa para sa kanya. Hindi ko naman hinangad na pantayan niya yun pero sana man lang, hindi niya nagawa sakin 'to.

“May girlfriend ka ba ngayon?” Tanong ko sa kanya.

Kasi kung wala at hindi tama ang hinala ko, baka magawan ko pa 'to ng paraan. Baka higitan ko pa lahat ng nagawa ko kasi mahal ko siya, eh.

“Oo.” Bumagsak ang tingin ko sa lupa. Dami ng nagawa ko para sa kanya, may girlfriend pala siya? So, ang tagal ko na palang mukhang tanga para sa ibang tao!

“Sino?” Tanong ko sa kanya.

“Si Ara.”

Hindi ako umimik. Katahimikan lang ang namayani sa aming dalawa. Hindi ko alam kung papaanong nangyari 'to pero siguro ito na nga yung sign na tigilan ko na yung kahibangan kong 'to.

Naglakad ako pabalik sa swing na inupuan ko kanina at kinuha yung paper bag na dala ko. Tahimik ko itong inabot sa kanya.

“Suotin mo yan at umalis ka na pagkatapos.”

Naguguluhan niyang binuksan ang paper bag. Nang nakita niya ang laman ay gusto niyang magsalita pero tumalikod ako para tumigil siya. Naglakad ako pero maliliit lang ang mga hakbang ko.

Nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko siyang naglalakad palayo sa akin. Masakit makita na umalis siya nang wala man lang huling sorry at pasasalamat.

Baka tama nga si Ivan. Tanga pa rin ako sa pag-ibig. I wonder kung anong naiisip ng mga kablockmates ko tuwing nakikita nila ako. Baka nga maganda lang ako. Hindi na mayaman tapos tanga pa. Ubod nang tanga.

at least bago ang sapatos niya habang naglalakad siya palayo sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top