CHAPTER 8: I KNOW WHAT YOU ARE

Chapter 8: I Know What You Are

Isang linggo rin ang lumipas at naging payapa ang linggo ko. Maliban kay Iradessa na iiyak yata ang linggo na hindi ako pinapakialaman, no other stuff that ruin my week. Not even Semper. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya nang huli kaming mag-usap sa bar. Whatever it was, it stopped me from suffering with Semper's presence. Hindi na ako nagugulat kapag bigla na lamang siyang susulpot sa pinto dahil hindi na siya nag-aabang doon. Hindi na niya ako kinakausap, either through his mouth or my head.

Thank goodness na sa isang subject lamang kami magkaklase. Sa isang linggo ay tatlong beses lamang kami nagkikita sa klase. Hindi ko rin siya madalas makita sa campus. Hindi rin niya ako kinakausap nitong mga huling araw. Noong una ay nagtaka ako ngunit sa huli ay inisip ko na lamang na mas mabuti iyon. Nasa canteen ako ngayon at nagmemeryenda kasama si Nikki.

"Gurl."

I was munching on some chips, drown with the thoughts of why Semper was not following me. Don't get me wrong. Hindi ko siya nami-miss or what, nagtataka lang ako. Isa pa, I like the thought that he is following me or any other guy dahil pakiramdam ko ay makakatulong iyon upang magselos si Daven. Yes, you can say that I'm using Semper. Pero ngayong iniignora niya ako, Daven is cool with it. Ako pa ang nagseselos dahil sa ka-sweetan nila ni Ira! Magka-diabetis sana sila!

Napaangat ako ng tingin nang hinila ni Nikki palayo ang kinakain kong Chippy kaya sa mesa nag-landing ang kamay ko.

"Hey!" I tried grabbing the Chippy back, but she already put it on the table, beside her.

"Hay salamat, nakuha ko rin atensyon mo," sagot niya sa akin at kumagat sa kanyang dalang Snickers. "Anong problema mo?"

"Wala naman." No problem at all. Hindi ko na sinumbatan si Nikki tungkol sa pagsabi niya kay Semper na papunta ako sa gabing iyon. I know Nikki, she always plays the Cupid.

"Meron 'yan."

"Wala nga."

"Alam ko ano." She smiled naughtily.

"Wala nga." Nikki could be annoying at times. Ipilit ba naman na may problema? There's none. Definitely none.

"Nag-away kayo ni Semper, ano? Friendship over na kayo?" She began munching on my chips. "Sabihin mo nga, may kinalaman ba ang nangyari sa club?"

"Walang nangyari sa club!"

"So, si Semper nga." She smiled like she's saying she got me. "Anong pinag-awayan niyo?"

I sighed in surrender. "Hindi kami nag-away okay? Walang friendship over dahil hindi naman kami friends in the first place."

"Pero napansin kong nag-iiwasan kayong dalawa." There's no sense denying. Iniiwasan ko nga si Semper ngunit mukhang iniiwasan niya din ako. I don't really get him. One day he just talks to my head, come to my house and saved me from harm and from Daven and then disappear just because I told him about my dream. Ni hindi ko pa nga nalalaman kung ano siya, at mukhang hindi ko na malalaman.

"Nikks?"

"Hmm?"

"Don't you think Semper is a little weird? Sa tingin mo ba ay hindi siya normal?" I'm weird for asking such questions out of the blue. Maaring isipin niya na kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko.

"Now that you mentioned it... Sa tingin ko weird nga siya," Nikki said. "Sinong lalaki ang walang ibang kulay ng damit kundi puro itim?"

Wow Nikki. That's a point. "Maliban doon?"

"Wala siyang kaibigan. Ang ibig kong sabihin ay wala siyang kaibigan na kasabay kumain o anong kadalasang ginagawa ng mga lalaking kaklase natin. Ni hindi siya halos nakikipag-usap sa iba."

And that too.

"At kung makatingin siya kay Daven ay tila anumang oras ay susugod siya."

"What?!" Okay, I didn't know the last one. Nasa likuran ko siya nakaupo kaya wala akong ideya kung sino man ang tinitingnan niya.

"Napansin ko kasi na iba ang tingin niya. Akala ko sa'yo but when I checked, it's for Daven. Alam mo Violet, baka may gusto si Semper sa'yo at kaya ganoon ang tingin niya kay Daven ay dahil alam niya na ex mo si Daven. So that explain the glare," Nikki said, convinced with her own theory. But for me it wasn't like that. Walang gusto sa akin si Semper, alam ko. I am certain about it.

"May girlfriend na siya." He bragged to me about her girlfriend. Kesyo nasa simbahan daw ang girlfriend niya- ay mali. Napakagandang girlfriend niya pala. Napakagandang girlfriend na anghel sa paningin niya. Tsk.

"Nakita mo ba?"

"Hindi." At wala akong balak makita. I don't care about his girlfriend.

"Hindi naman pala eh."

"Her name's Jophiel."

"Tunog bakla."

Hindi ko sinagot ang sinabi ni Nikki dahil nakita ko si Iradessa sa counter at may dala siyang pagkain. She walked towards our direction and sat on the table next to us. Sa halip na kainin ang kanyang pagkain ay itinaas niya ang kanyang kamay na mayroong singsing. Simple lamang ang singsing na iyon at walang bato. It's more like a ring that is engraved with some names.

"Daven is so sweet," she said, turning her eyes on me. "Maganda ba, Violet?"
She showed her finger with a ring on it to me.

Si Nikki ang sumagot sa tanong nito. "Oo, maganda, pero ang dapat diyan ay itapon!" Her tone was a little weird though. Tumikhim siya at inayos ang kanyang boses. "Wow, memorize ko pa nga talaga ang declamation piece ko noong elementary. Daddy, ito nga pala ang award ko. Hindi ba, maganda? Maganda? Oo maganda, pero ang dapat diyan ay itapon! Huwag po-"

"Nikks!" I called out her name to avoid further embarrassment. Tiningnan naman kami ni Iradessa ng masama. She shifted her eyes to my direction.

"What did Daven give you?"

He gave me love. His time and everything. Hindi ko naman kailangan ng mga bagay. I don't need any jewelry. Nangangati lang ang katawan ko kahit na tunay pa iyon. I think they're kind of hassle too.

I looked at Nikki and picked up my chips. "Tayo na Nikks." And there's no way I'm living my Chippy here.

I'm not a war freak but Iradessa is tempting me to be one. She just knows how to annoy the hell out of me. Hila-hila ko pa rin si Nikki nang hinawakan niya ako sa braso.

"Ayos ka lang ba Violet?" Tila nag-aalala ang kanyang ekspresyon. Nikki and I are friends since I enter the university dahil parehas kami ng kurso dati until she shifts to engineering. We don't call each other as best friends but I guess that's what we are.

I raise my empty fingers to her. "Hindi ako mahilig sa singsing o kahit anong alahas."

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

I forced a smile. "I will be fine."

"That's my girl," she said kasabay ng pagpitik niya sa ilong ko.

***

Naging abala ako sa pagre-research kung kaya't madilim na nang nakalabas ako ng library. Malakas din ang ulan at sinabayan pa iyon ng pagkulog at pagkidlat.

Sumilong ako sa covered pathway sa labas ng university. Iilan na lamang ang estudyanteng naroon at katulad ko ay naghihintay din sila ng taxi na masasakyan. Okay, I never thought that it would rain tonight dahil halos magcrack na ang scalp ko kanina sa sobrang init. At dahil hindi naman ako gumagala kung saan-saan, hindi ako nagdala ng payong, at dahil wala akong payong... ugh. I will be drenched when I'll be home. Hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang inis. Nagpara ako ng taxi pero endangered species na talaga ngayon ang mga lalaking gentleman. Makikipag-unahan sila sa paghablot sa pinto ng taxi at tatalon papasok. Great, isn't it? Nakikipagtalo pa rin ako sa sarili ko kung lulusong ba ako sa ulan o maghihintay hanggang maabutan ako ng hatinggabi dito, and before I could choose of the two, isang puting sedan ang huminto sa harapan ko. Ibinaba ng driver ang bintana ng kotse at sumingaw doon ang nakangising mukha ni Iradessa.

"Violet, pasok ka na inside our car. You'll get wet with rain, sige ka!" she said with a grin. Nasa driver's seat si Daven. Hindi ito nakangiti, sa halip ay napakaseryoso ng mukha nito. Hindi ko tuloy mawari kung bukal ba sa loob nito ang paghinto.

Kahit pa siguro abutin ako ng taon dito, hinding-hindi ako sasakay sa iisang kotse kasama sila. May natitira pa rin naman akong pride sa sarili ko kaya kahit bumaha man ay hindi ako makikisakay sa kanila. Also, being in the backseat of the car with them is a torture. At hello? Close ba kami para yayain niya ako?

"May hinihintay ako." I'm a terrible liar but I did good this time. Well, I'm not really lying. Hinihintay ko na tumila ang ulan- it's still waiting, right? Congratulations, Violet. Gusto ko ring parangalan ang sarili ko dahil nagawa kong sumagot ng maayos.

"It's late. Baka mapaano ka pa dito sa labas," pagpupumilit niya. Hello? Why would she care? If I know gustong-gusto niyang makita ako na magtampisaw sa ulan. But of course, I know that riding at the backseat with them would give her more satisfaction.

Yeah, it's late. Baka mapaano pa ako diyan sa loob kaya wag na lang. No, baka maano pa kita. "Salamat na lang." Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Daven, why he isn't saying anything.

"I'm really waiting for someone," wika ko at nag-iwas ng tingin. Why can't they just leave me alone?

Sa huli ay sumuko na rin sila. Daven drove off while Iradessa was giving me a mocking smile. I didn't cry pero hindi ko maiwasang magselos. Ako sana ang nasa kotseng iyon and not Ira. Ipinilig ko na lamang ang isipin at pinara ang ang paparating na taxi na sa kabutihang palad ay huminto at nakasakay ako.

***

Nagising ako dahil sa maingay na tunog ng cellphone ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at inabot ang cellphone sa bedside table. Nang sulyapan ko ang digital clock ay ala una pa lamang ng madaling araw. Who the hell is calling me at this hour? Nagtatalo pa ang inaantok kong sarili kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi ngunit ng rumehistro doon ang numero ni Daven ay bigla na lamang akong nagising.

Yeah, it was Daven. Kahit na unregistered caller iyon, I know that it's Daven. Ilang beses ko nang ini-delete ang kanyang numero but who am I kidding? Mas memoryado ko pa nga ang kanyang numero kaysa sa sariling cellphone number ko!

Umayos ako ng upo at tatlong beses na huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.

"H-hello?"

"Violet..." Daven's voice was, how should I describe it? Wheezy? Maingay din ang naririnig ko kaya marahil ay nasa isang club siya ngayon. "Violet... take care of yourself."

Lasing siya, sigurado ako. But still I am swayed by his words reminding me that I should take care of myself.

My heart raced when I heard Daven said it. I can hear other noise ngunit tila naging blanko ang utak ko dahil sa sinabi ni Daven. Mahal pa ba niya ako? Why would he call me at this hour? May bahagi ng isip ko ang nagsasabing lasing lang siya ngunit mas gusto kong paniwalaan ang bahagi ng isip ko na nagsasabing matagal na niyang nais na sabihin iyon. I need to talk to him.

"Daven?" I heard his groan from the other line as well as his heavy breaths. "Daven, nasaan ka?"

I don't have to discuss what does it feels to be in a club dahil ganoon pa rin ang pakiramdam noong unang beses akong nakapunta dito. Nang tinanong ko si Daven kanina kung nasaan siya, ang sabi niya ay nasa Dowby's siya and then I found myself jumped into my jeans and shoes and took a cab towards Dowby's. Pagdating ko roon ay sinalubong ako ng maingay na tugtog ng musika. Ilang beses na bumuntong-hininga ako bago pumasok. Hopefully Mom and Dad will not wake up and find my room empty at sana rin ay makausap ko ng maayos si Daven. Ayaw kong magtagal dito dahil may pasok pa bukas. I let myself pass the crowd of people. Iba-iba na ang amoy nila but for them, it doesn't matter as long as they are enjoying the night.

Hinanap ko si Daven sa loob at matapos ang ilang minuto ay natagpuan ko siya. Nakasubsob ang ulo niya sa mesa habang nagkalat sa harapan niya ang ilang bote at baso. His companions must be in the crowd, dancing or doing whatever. I advanced myself towards him at tinapik ko siya sa braso. Itinaas niya ang kanyang paningin and I saw him smile in those cloudy eyes.

"H-heyy-y, you look like someone I know. K-kamukha mo si Violet, mas maganda nga lang siya sa'yo," he said with a smile bago muling sumubsob. Hindi ko maiwasang magblush, of course maganda ako sa paningin niya and it made me happy.

"Daven..." I sat beside him at inangat ang ulo niya ngunit inilagi niya iyon sa mesa but his face is facing me. His eyes were cloudy. "Ako 'to, si Violet."

"You even sound like her," he said and giggled. His hair was a mess and he looks so cute with his cheek pressed on the table.

Inilapit ko ang ilong sa mukha niya. His breath smelt like alcohol at sigurado akong lasing na ito. Kung sakaling mag-usap man kami, he will not be in his right mind since he is drunk.

"Umuwi ka na lang kaya," wika ko. Sinubukan ko siyang itayo ngunit sadyang mabigat siya. I tried again but we fell kaya napasandal ako sa couch na kinauupuan namin samantalang ibinaon naman ni Daven ang kanyang mukha sa leeg ko.

"A-nd you smell like her..." Nakapikit pero nakangising wika niya. "I miss her... I miss Violet so much..." He began to sob, and I felt my neck is wet with his tears. Umiiyak ba talaga siya? Iniangat ko ang mukha niya at tiningnan iyon. He really is crying! Paulit-ulit din niyang sinasabi na miss na niya si Violet, and hey, that's me.

His arms snaked around my waist and I felt his warm breath on my neck. It was a gesture which brings so many emotions in me. Hinayaan ko lamang siya sa ganoong posisyon. Gusto ko iyon dahil pakiramdam ko ay ayaw niyang malayo sa akin. I like it because it feels like I was owned by him and I own him. I touched his hair. I don't mind staying like this forever. With him. Only him.

Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon. Inayos ko siya ng pagkakaupo at nagpaalam na gagamit muna ng banyo. Paepal naman kasi ang ihi ko! Sa ganoong pagkakataon pa talaga napiling lumabas. Daven just sat there, adjusting his sight as well as himself. Tumayo ako at agad na tinungo ang banyo. Pagpasok ko sa isang cubicle ay may narinig akong pamilyar na boses na pumasok din sa banyo.

"I hate this! Richard called saying Daven was hugging a girl!"

Napatigil ako sa pagsasara ng suot kong pantalon. It was Iradessa's voice. Angry voice to be exact. Mula sa loob ng cubicle ko ay may ideya na ako kung ano ang ekspresyon ng mukha niya ngayon.

"Nakita mo ba kung sino?"

"Unfortunately, no. And if ever I did, manghihiram talaga ng mukha sa aso kung sino man ang babaeng iyon!"

Uh-uh. Warfreak. Hindi ako natatakot sa kanya... pero ayaw ko rin munang lumabas dito. Err, I don't know. Ayaw ko lang sigurong masangkot sa gulo lalo na at war freak si Iradessa.

"Sige na girl, go ka na dahil baka bumalik doon kung sino man ang babaeng iyon," sabi ng isang kasama ni Iradessa. "Saan ka ba kasi galing?"

"Trying to flirt with Semper."

"What?" exclaimed her friend and the same goes with my mind. What?! Really?! Ang landi talaga ng babaeng yan! Sana ay doon na lamang siya kay Semper! She must leave Daven. With me.

"At kumusta naman?" Isa pa tong kasama niya. Why are they giggling like crazy?

"I think he's gay."

"Ano?!" Okay, for the second time ay parehas ulit ang reaksyon namin ng kaibigan niya. Si Semper, bakla? "Paano mo naman nasabi?"

"He keeps on resisting me! Palay na nga ang lumalapit sa manok and hello? I'm not just a plain palay!" Iradessa's voice was annoyed. She must really hate the idea that Semper is gay amd rejecting her. Pero bakla nga ba si Semper?

"Baka naman wala lang sa mood, girl."

"I don't think so. He doesn't even respond to my touches. Ni ayaw niya akong halikan. Kahit wala sa mood ang lalaki, once I touch them, they will be aroused but Semper? Wala." Iradessa sounded so frustrated.

Sayang naman si Semper kung ganoon.

"Halika na nga, baka kung sino na naman ang lumapit kay Daven."

I heard the door closed at naghintay ako doon ng ilang sandali bago lumabas sa cubicle, but I almost scream to find Semper inside.

"Anong ginagawa mo dito sa loob?!" I shouted at him. Nasa loob siya ng CR ng mga babae at sa tapat pa mismo ng cubicle kung nasaan ako. So he's back into surprising me out of the blue.

"I thought you'd be surprise to see me behind the door kaya pumasok na ako," wika niya. Weh? Baka naman feel niya lang talagang sa CR ng mga babae pumasok. Maybe Iradessa is right. Semper is gay.

Tiningnan ko siya sa ibang paraan. It was a "I-know-what-you're-hiding-look."

"What?" he mouthed.

Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya papasok sa cubicle na nilabasan ko. I saw his eyes grew wider nang ini-lock ko ang pinto. "What are you doing?"

"I know what you are at alam ko na rin kung bakit inilalayo mo ako kay Daven," wika ko sa kanya. I just figured it all. Alam ko na kung bakit siya ganoon and why he is telling me not to attach myself to Daven. Natagpi-tagpi ko na ang lahat ng nga piraso- well except for him talking in my head. Napansin ko ang paninigas ng bagang niya.

"And you dared to trap yourself in this small space with me gayong alam mo na kung ano ako?" Seryosong-seryoso ang kanyang boses, and there was a hint of... anger? It looks like anger. Galit ba siya na alam ko na?

"Semper, look. Marami pa namang lalaki eh, can you do me a favor please? Huwag si Daven. He likes me, I mean he still loves me. Kaya please, do not come in between."

"Ano?!" He has the most surprised expression that I've ever seen.

"Sapat na si Iradessa. At ikaw naman... There's Silver or Richard and all other hot guys at school basta huwag lang si Dave-"

"Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"I just figured out the reason why you keep telling me to avoid Daven. I know what you are."

"Ano?"

"Bakla ka." Okay, I didn't expect that I will say it that easily. Nakakatakot naman kasi ang boses ni Semper eh! Pinagsisihan ko tuloy na nandito kaming dalawa sa loob ng masikip na cubicle.

"Bakla." He nodded and put his hands on his chin. "Bakla." Bumaba ang kamay niya at inilagay niya iyon sa kanyang beywang na para bang nafu-frustrate siya sa isang bagay.

"Oo, bakla. As in gay. Wala naman akong hinanakit doon, I mean I am not against third sex-"

"Third sex," he said in amusement, clenching his jaw.

"Supporter ako. Kahit na i-rally niyo na ipatupad na ang same sex marriage sa Pilipinas, susuportahan ko kayo but Semper..." I let out a heavy sigh. "Please not Daven."

He must really feel bad na alam ko na ang sekreto niya. His face cannot hide the frustration, shock and amusement. Hinawakan ko ang balikat niya at hinarap siya sa akin.

"Promise, wala akong pagsasabihan na kahit sino, your secret will be safe with me basta ba... Do not fantasize over Daven." I even raised my right hand bilang tanda ng panunumpa.

When he raised his eyes and looked at me, there was an unbelievable look. Maitim ang kanyang mata na tila ba sinasabing wala siyang nagustuhan sa mga sinabi ko. I should have added more color to it. Uh.

"I'm not gay and you have no idea what I am," his voice was cold like a piece of ice pouted on my neck. Humakbang siya papalapit sa akin at napaatras ako. At dahil maliit lamang ang espasyo doon ay naramdaman ko na ang malamig na naka-tiles na dingding na nasa likuran ko. My chest is about to burst, and I was saved by the loud knock on the door.

"Hoy bawal mag-sex sa loob ng CR! Lumabas kayo diyan!"

Oh no. I wasn't saved. I'm doomed.

#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top