Chapter 7


"Sandali!"


Pagtawag ko sa kaniya pero hindi niya ako narinig. Noong medyo napapalayo na siya sa 'kin ay napalinga na ako sa paligid at natatarantang napahawak sa straps ng bag at sinimulang maglakad nang mabilis para makasabay sa kaniya.


Nang medyo nakalapit na ako sa pwesto niya ay binagalan ko na ang lakad ko, tahimik lang akong nakasunod sa kaniya. Ang tanging naririnig ko lang ay 'yong pagkaluskos ng plastic bag na hawak niya at 'yong pagtapak ng mga paa namin sa mabatong sahig.


"Uhm, salamat." I thanked him even though he had no idea what it was for. "Sa'n ka pala nakatira? Bagong lipat ka lang ba rito? Ah, 'yong mansanas mo pala... ayos lang ba na sa Monday ko na lang 'yon ibagay sa 'yo? Sa Monday pa kasi i-de-deliver 'yong mansanas na ibebenta ni Mama."


Sa kabila ng pag-iingay kong 'yon ay hindi man lang niya ako pinansin. Little by little, I started to think that maybe that's how he really is, that he's not friendly, or he's just shy? Suplado? Hindi maganda ang mag-judge pero 'yon kasi ang pinapakita niyang ugali.


Napakagat na lang ako ng pang-ibabang labi at tinikom ang bibig. Nang maisip ulit 'yong nangyari kanina ay sinadya kong lumingon sa likuran, iginala ko rin ang mga mata ko sa paligid para kumpirmahin na hindi sila sumunod sa amin.


At hindi ko na talaga sila nakita pa. All I thought was that those hooligans saw something like a ghost behind me, and I thought that I might be wrong that they were afraid of him... because what reason do they have to fear him? Hindi naman siya nakakatakot.


Sa nakikita ko pa ngayon sa harapan ko, na sa likod ng halos pagtingala ko sa tangkad niya... 'yong siga niyang lakad habang nakasukbit lang 'yong isang strap ng bag niya sa balikat at nakakapit ang isang kamay niya ro'n...


Iyong pagkaluskos ng bitbit niyang plastic bag na may lomi sa tuwing tumatama 'to sa hita niya... kahit pa wanted na kriminal sa daan ay hindi matatakot sa kaniya dahil do'n sa pink na pink na plush bear keychain na nakasabit sa bag niya.


"Anong pangalan mo?" tanong ko matapos kong tumakbo patabi sa kaniya. Tiningala ko na siya sa gilid ko at nginitian siya. Agad namang lumubog ang ngiti ko nang makita 'yong earphones na nakasuksok sa tainga niya. That's why hindi niya ako naririnig!


Kinalabit ko na ang braso niya at marahan naman siyang napalingon sa 'kin, at gano'n pa rin ang mukha niya... para siyang walang emosyon habang kaunting naniningkit ang mga mata niya. I smiled at him and motioned him to remove the earphones from his ear.


Napakapit naman ako sa straps ng bag ko at mas lalo pang lumawak ang ngiti ko no'ng tumalima siya. Bahagya pang napatagilid ang ulo niya nang tanggalin 'yon, diretso lang ang tingin.


Nang magsasalita na sana ako ay napahinto na lang ako sa paglalakad no'ng binalik niya ulit 'yon sa tainga niya at lumihis ng lakad. Ni hindi ko pa nga nabubuka ang bibig ko ay umalis na siya.


"Hoy!" pagtawag ko sa kaniya pero tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay.


Hindi man lang siya nagsalita, hindi man lang niya muna pinakinggan ang sasabihin ko... at hindi pa ako pinansin. Napahiya ako! Tatanungin ko lang naman ang pangalan niya, e. Napanguso na lang ako at sinipa 'yong maliit na bato sa sahig.


Habang nararamdaman ko ang pagkapahiya sa dibdib ko, at tila pumapantay na ang nguso ko sa mga paa ko... ay napakagat na lang ako ng pang-ibabang labi nang mapagtanto itong lumang-lumang bahay na nasa harapan ko.


Pagka-uwi at bago ko binagsak ang katawan ko sa kama at tinitigan ang kisame ay inasikaso ko muna si Fufu, nilagyan ko ng cat food 'yong bowl niya at sinalinan ng tubig 'yong inumin niya. Nang nakatihaya ay tumatagilid-tagilid pa ang ulo ko habang iniisip 'yong nakita ko.


"Do'n siya nakatira? Matagal nang walang nakatira do'n, 'di ba?" pakikipag-usap ko sa kisame. Dumapa na ako sa kama at hinablot 'yong plushie na nasa uluhan ko, hinaplos ko muna ang ulo nito saka ito ginawang unan para sa baba ko. "So... bagong lipat nga lang siya."


Ngumiwi naman ang mukha ko nang may mapagtanto.


"Bagong lipat lang siya... hindi siya taga-rito kaya malamang, nag-a-adjust pa lang siya!" Naigulo ko na ang buhok ko sa pagkairita. "Mahihiya talaga siya! Sira-ulo, lapit ka ba naman nang lapit, e! FC? FC?!" napasigaw na ako sa sobrang kahihiyan!


Habang kumakain hay hindi ko pa rin mapigilang isipin 'yong ginawa ko! Nagtataka na lang din sila Mama kung bakit bigla-bigla na lang ako iritableng napapakamot ng ulo sa gitna ng pagkain. Nailayo naman ni Kuya Ikio 'yong plato niya.


"I don't have lice," sabi ko.


Pati sa paghilamos at pagbibihis, at kahit pa na pinapamadali na ako ni Wesley dahil alam niyang matagal akong kumilos... na-zo-zone out pa rin ako.


Ang mali ko lang kasi ay masyado ko siyang binibigla, I shouldn't have done that if I wanted to get close to him and be his friend. Ma-we-weirduhan lang siya!


Even though he is unfriendly, arrogant, and mad with the whole world or universe, still... I am still planning to be his friend. Gusto ko siya maging kaibigan.


At hindi naman 'to out of pity, hindi rin dahil sa nakikita ko siyang mag-isa ay gusto ko siya maging kaibigan... dahil 'to na gusto ko lang siya maging kaibigan. Iyon lang. There is nothing else.


Bukod do'n, kapitbahay namin siya at naniniwala ako sa kasabihan na, love your neighbor. At sa quotes na nabasa ko sa internet na, in a world that often feels disconnected, having friendly neighbors is a true blessing. Gaya nila Wesley.


"I can be his true blessing, or he can be my blessing," I said smiling as I faced Fufu on the bed. "We can be both either, right?"


Umahon na ako mula sa kama at tinungo 'yong cabinet, it used to look big to me before but now it suddenly got smaller in my eyes. Halos kapantay ko na nga 'to. Kinuha ko 'yong stripes na white and orange long sleeve ko saka 'yong dirty yellow na oversized shirt.


Tinanggal ko 'yon sa hanger at nilapag sa kama. Ang una kong sinuot ay 'yong long sleeve at sa ibabaw naman ay 'yong t-shirt. Nagtungo ako sa study table at kinuha 'yong dalawang bracelet ko at 'yong seashell na necklace, sinuot ko 'yon.


Pagkatapos ay inalis ko na 'yong towel sa ibaba ko at naghanap ng short. Sa paghahanap ko ay dumapo ang mga mata ko sa pamilyar na short, agad ko namang inalis 'yong ibang nakapatong at hinugot 'yon. At ito nga, ito 'yong jorts na hinahanap ko no'ng nakaraan pa!


Kung kailan talaga na hindi ako naghahanap ay do'n ko lang nakikita 'yong mga gamit ko. Nang makapagbihis ay humiga muna ako sa kama at hinihintay ang chat nila sa GC. Nag-scroll-scroll na lang din ako sa Facebook.


Habang nag-s-scroll ay muling dumaan 'yong post ni Wesley sa newsfeed ko. Sa kwarto niya 'to, wala siyang damit pang-itaas at naka-ski mask siya habang may umiilaw na headphones sa tainga niya. He dances a little pasunod sa background music na ginamit niya habang naka-topless.


Hindi ko pa 'to ni-re-react-an, sign na yata 'to para gawin 'yon. Pinusuan ko na lang 'yon at nag-scroll ulit. Bumungad naman sa akin 'yong isang post kung paano 'yong process ng paggawa ng piaya. Bigla naman akong natakam kaya shinare ko 'yon na may caption na, ube is my fave :))).


Ilang sandali pa ay nag-iingay na nga sila sa GC kaya pinatay ko na ang phone ko saka 'yon ibinulsa. Tumayo na ako at nagpaalam kina Mama. Bago kasi kami umuwi galing school ay nagkayayaan kami na pumunta sa LoveFest. At nakita ko na nga sila sa may gilid ng daan, sa ilalim ng ilaw ng poste na tinatambayan namin, ako na lang ang hinihintay.


"Uy." Pagpansin ni Wesley sa akin no'ng makalapit na ako sa kanila, maliit na nakangiting tiningnan niya pa ang kabuuan ko. Kita ko na bagay sa kaniya 'yong suot niyang baggy jeans, saka 'yong top niya na green plaid polo at white shirt naman sa ilalim.


At ayon, automatic na dumapo 'yong braso niya sa balikat ko, nakaakbay siya sa 'kin habang naglalakad na kami papuntang trycicle-an. Nang may madaanan kaming tindahan ay napahinto naman kami no'ng maglakad siya papunta roon.


"Saglit, may bibilhin lang ako," sabi niya. Napasunod na lang kami sa kaniya. At nakita na dahil sa tangkad niya ay yumuyuko pa siya para masilip 'yong tao sa loob. "Pabili po, piaya nga po. 'Yong ube."


I pouted off when he bought my favorite. Napaakbay na lang ako kay Emon habang pinapanood namin siyang bumili. At nang mapatingin ako kay Maddie ay ngitian ko siya, tipid naman siyang ngumiti pabalik. Ang ganda niya sa suot niyang floral na dress at knit blazer.


"Wala ka bang barya diyan? Sixty lang 'to, e," rinig kong sabi ng tindera.


"May barya ka, Mon?" tanong ni Wesley sa katabi ko. Naglabas naman ng wallet si Emon at inalis ko naman ang akbay ko para makakilos siya nang maayos. Pareho naman kaming napa-react ni Wesley no'ng makita namin 'yong laman ng wallet niya. "Ang dami mong pera! Ang yaman nito, oh. Tapos nagagalit kapag kinukuhanan ng isang siomai."


"Siyempre, paborito ko 'yon, e."


"Madamot tawag do'n, tanga," sabi ni Wesley matapos hablutin 'yong perang inabot ni Emon.


"Thank you, Emon." Napalingon naman si Emon sa 'kin nang sabihin ko 'yon, naguguluhan pa ang hitsura niya. Nakangiting nagtaas-kilay naman ako. "Bakit? Libre mo 'ko pamasahe, 'di ba?"


"Baliw," natatawang sabi niya lang. Agad ko namang binawi 'yong sinabi ko at sinabi na nagbibiro lang. "Hindi, sige. Ayos lang, libre na kita." Pero ini-insist niya talaga.


"Yown!" kaya natutuwang sambit ko naman at mabilisan siyang yinakap. "Thanks..."


"Magkano dala mo?" tanong bigla ni Wesley kay Maddie. Nasa kamay na niya 'yong piaya niya kaya naglakad na kami. Sa 'kin ulit siya tumabi.


"Bakit?" mataray na tanong pabalik ni Maddie sa kaniya.


"Basta. Magkano nga?"


Napairap na lang si Maddie. "One hundred, kasama pa 'to sa ipon ko last week." Nakita ko namang napahawak siya sa sling bag niya. "Tapos mababawasan pa dahil sa inyo."


"Ako na lang manlilibre sa pamasahe ni Isko tapos ikaw na lang kay Maddie," sabi ni Wesley kay Emon.


Nakita kong nagtaka si Emon do'n pero tumango na lang siya. "Okay," sabi niya.


Naramdaman kong umakbay ulit si Wesley sa 'kin at napatingala ako sa kaniya no'ng kinalabit niya ako gamit 'yong kamay niya na nakaakbay. Nagsesenyas siya sa 'kin gamit 'yong kilay niya pero ginaya ko lang 'yong ginawa niya no'ng hindi ko siya maintindihan.


Sumenyas ulit siya na para bang may hinihintay siyang gawin ko pero hindi ko matukoy kung ano 'yon kaya naningkit na lang ang mga mata ko habang iniisip 'yon. At hindi ko naman siya naintindihan lalo no'ng pabuntong-hininga siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin.


Habang nasa jeep ay binuksan na ni Wesley 'yong binili niyang piaya at sa halip na siya ang maunang kumuha ng isa at kumain niyon dahil sa kaniya naman 'yon ay binigay niya 'yon sa 'kin.


Hindi naman ako tumanggi at kukuha pa lang sana ako ng isa pero siya ang gumawa, hinayaan niya ako na ako ang humawak nito kahit pa na alam niya na patay-gutom ako. Inalok ko naman sina Maddie at Emon, at kumakain na nga kami niyon habang bumabyahe.


Pagkarating namin sa venue ng LoveFest na malapit lang sa gilid ng dagat ay napalibot naman ako ng tingin sa dami ng tao. At medyo nalungkot naman ako, we can't make it to the barricade dahil marami nang nag-umpukan roon. Hindi ko na tuloy makikita sa malapitan si Adie.


Sumama na rin kami sa umpok no'ng magsimula na 'yong concert. Hindi ko pa kilala 'yong unang banda na nag-pe-perform. Sa ibang school pa sila, colleges. Ang pagkakarinig ko galing pa silang San Juan, La Union at 'yong pangalan ng banda nila ay June, mismong pangalan no'ng bassist nila.


"We've been affiliated with the choir since we were kids... sa church po namin. And... our bassist, my childhood best friend! Siya mismo ang dahilan kung bakit nabuo ang June. He pushed us to dream big and to the limits," sagot no'ng lead vocalist sa tanong no'ng EmCee kung paano sila nabuo. Nagtanong pa ulit ito kung ano ba 'yong vocal type niya sa church. "Uhm, tenor po."


Matapos niyon ay hinayaan sila ng EmCee na magpakilala ulit sa mga tao at i-promote 'yong banda nila at 'yong social media accounts nila. Pagkatapos nilang magpakilala ay malakas naman akong humiyaw at pumalakpak, narinig ko rin sina Wesley.


Ilang banda pa ang nag-perform at ilang oras pa ang hihintayin bago namin makita si Adie, siya ang special guest ng LoveFest. At siya lang din naman ang dahilan kung bakit ako sumama rito, at siguro karamihan dito ay gano'n din sila.


"H'wag ka nga dito! Kaya hindi ako nagkaka-bebe dikit ka nang dikit sa 'kin, e," pagtaboy namang sabi ni Wesley kay Maddie.


Nasa gitna namin siya ni Wesley at sa kaliwa ng lalaki ay si Emon. Nakita ko namang pasiring na tiningala siya ni Maddie at si Wesley naman ay parang timang pa niya 'tong inasar gamit 'yong pagngiwi-ngiwi ng mukha niya, parang naghahamon pa ng gulo.


"Kapal mo!" ani Maddie saka niya 'to binunggo sa braso. Sa lakas niyon ay bumanda pa siya kay Emon at napahimas siya ro'n habang binubulong kung babae ba talaga 'yong bumangga sa kaniya. Tumabi na lang si Maddie kay Emon. "Mas marami pa rin reacts ng shared memes ko kaysa sa thirst trap mo."


Mabilis naman akong napatakip ng bibig para itago 'yong tawa ko pero 'yong kay Emon, halos gusto nang magpalamon sa lupa si Wesley sa sobrang lakas ng tawa nito. Nahawa naman ako sa tawa niya at napapalayo na lang ako sa kanila sa kahihiyan!


Binunggo-bunggo na nga siya ni Wesley para awatin. At no'ng hindi nagpaawat si Emon at ginaya niya pa 'yong dance steps ni Wesley sa post niya ay hineadlock na siya ng lalaki. Kumalma naman kami no'ng may nag-pe-perform na ulit sa stage.


"Ganyan ka pala sa 'kin, ah?" sabi ni Wesley kay Maddie sa gitna ng ingay.


"Talaga," walang pakealam namang sagot ni Maddie.


Pero hindi pa rin talaga nawawala 'yong pigil na tawa ni Emon kahit pa na may seryosong nagsasalita sa stage at tungkol pa 'yon sa nawalan ng partner dahil sa cancer. Nahahawa tuloy kami sa kaniya at hindi mapigilang mapatawa na rin. Sobrang nakakahiya na!


Noong mag-15 minutes break ay bumili ng makakain si Wesley at kaming naiwan ay umupo muna sa sahig. At buti na lang ay lagi akong handa. Nagdala ako ng scarf para gawin naming sapin sa puwetan. Bermuda grass naman ang buong lugar pero mas maigi pa rin na magsapin kami. Kung kani-kaninong paa na ang nakaapak dito.


At lahat naman ng tao sa lugar ay biglang nagsihiyawan noong tumugtog 'yong kanta ni Adie na Hoy!. Napahiyaw na rin ako dahil excited na rin ako na makita siyang mag-perform ng live! After nitong break ay siya na ang kakanta!


"May pinopormahan ka na ba?" Noong makabalik si Wesley ay 'yon kaagad 'yong tinanong ni Emon sa kaniya. Binunggo niya pa ang lalaki sa braso at naramdaman ko namang bumanda ito sa 'kin.


Habang pinapakinggan ko 'yong kanta ay bigla kong naramdaman 'yong akbay ni Wesley sa balikat ko. "Wala," sagot niya.


"Weh?" Hindi naman naniniwala si Emon do'n. "H'wag kayo maniwala diyan. Kung kami lang dalawa rito kanina pa 'yan nagtuturo ng pang girl fifty-nine niya."


"Girl fifty-nine?" naguguluhang tanong ko bago sumubo ng fried siomai na nasa cup.


"Code name ng mga fuckboy," sabi naman ni Maddie habang tahimik lang ding kumakain. Nakita ko namang binigay niya 'yong dalawang siomai niya kay Emon. Tuwang-tuwa tuloy ang lalaki. "May girl number one tapos may pang two, tapos sunod-sunod pa 'yon na madadagdagan."


"Gago, wala nga," todo tangging sabi ni Wesley. Kahit nakaakbay siya sa 'kin ay nakakakain pa rin naman siya, mais lang naman 'yong binila niya para sa kaniya.


Hindi naman ako makasabay sa pinag-uusapan nila kaya tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain at pakikinig no'ng kanta.


Nakaka-relate ako sa kanta, matagal-tagal na rin ko na palang crush si Toshi. Nagsimula 'to no'ng grade 7, bagong lipat lang din siya sa chool namin noon at ewan ko ba, kapag nasa malapit siya parang sumisikip 'yong paligid. Lumiliit 'yong mundo ko, dahilan para hindi ako makakilos ng tama.



Napapatameme ako bigla. At tanging pagtitig at pagtanaw lang sa kaniya ang nagagawa ko. Sinubukan ko na rin lahat ng paraan para mapalapit sa kaniya, gaya ng pag-add ko sa kaniya sa Facebook na agad ko namang dinelete 'yong friend request ko.



Pero matagal na rin kaming nagkakasalubungan ng tingin, pero hindi niya pa rin ako napapansin. Kaya no'ng kinausap niya ako ro'n sa Mahinhin Beach... mukhang sobra-sobra na 'yon. Pero dahil do'n ay mas humiling pa ako ng higit pa. I want him to know, that I like him.



"You look good together." Napahinto ako sa pagnguya no'ng sinabi bigla 'yon ni Maddie sa 'ming dalawa ni Wesley.



Awkward naman akong natawa bago nilapag ang hawak kong cup at umusog ng kaunti palayo kay Wesley. Naialis naman niya 'yong akbay niya sa 'kin at kita ko pa na awkward din sa kaniya 'yong tanong na 'yon. Nakita ko 'yong pagkuyom sa ere no'ng  kaninang nakaakbay na kamay niya at peke siyang natatawa habang hindi pa mapakali na napapahimas sa braso.


"What if kayo talaga?" gatong pa na sabi ni Emon!


Baliw!


"It'll never gonna happen," tipid na nakangiting umiiling-iling na sabi ko. "He's straight!"


"Straight ka?" kaswal na tanong ni Maddie sa katabi ko.


Habang nakangisi ay nagtaas siya ng mga balikat. "Hindi ko alam," sagot niya.


Agad namang napatakip ng bibig si Maddie at makahulugang mahinang tumatawa roon, si Emon naman ay hindi alam ang ire-re-react habang nakatutok 'yong kamao niya sa bibig. Mahinang tumatawa na lang din ako sa naging sagot ni Wesley. Sumasabay na lang ako sa kanila.


"Bro?" pang-aasar na sabi ni Emon.


"So may chance..." ani Maddie habang naglilipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa.


Napabitaw na lang ako ng pekeng tawa at naghimas ng batok bago muling kumain. Sa sobrang pagkailang ay isang buong siomai ang nasubo ko. Hindi ko alam kung bakit 'yon pa 'yong naging topic nila. Best friend ko lang si Wesley!


"Ewan..." sambit naman ng lalaki habang seryoso ang mukhang saglit na napatingin sa nakaumbok na pisngi ko dahil sa siomai na nasa loob. Napakurap naman ako. Seryoso 'yong mukha niya! Ang seryoso na nga ng kanta na nasa background tapos seryoso pa siya! Hindi ako sanay! Saka anong ewan? "Only time can tell. Darating din tayo diyan."


"Darating din kayo diyan?" pang-aasar pa ni Maddie!


At mas lalong kuminang 'yong mga mata nila sa 'ming dalawa dahil sa sagot na 'yon ni Wesley. Mas lalo ring sumeryoso 'yong mukha ng lalaki! Hindi ko na tuloy alam ang iaakto ko. With the meaningful things he says, I'm assuming things that I shouldn't!


"Darating din siya," sabi niya bigla at agad namang kumalma ang utak ko nang kumpirmahin niya na ibang tao 'yong tinutukoy niya! Nailabas ko naman ang tuwa ko sa paraan ng pagtawa ng pilit. "Pero ewan pa rin."


"Nakakakilabot!" Si Emon na umakto na parang mas nilalamig pa kaysa kinikilabutan. "Sa ibang universe yata 'tong Wesley!"


"I'm just saying na may chance though," sabi ni Maddie. "'Yong sagot mo, it falls to disregard of what gender, e. 'Yan lang 'yong pinupunto ko."


"Hmm," tatango-tangong saad ni Wesley. Um-agree siya sa sinabi ni Maddie kung kaya't napatahimik kaming tatlo. So... "Pero 'yong sa 'yo dumating na ata."


Bigla naman siyang nagturo gamit 'yong nguso niya, at na-e-estatwa na naman ako! Nakita namin sina Toshi pati 'yong tropa niya na ka-team ni Wesley sa basketball, na crush si Maddie. Kumaway lang 'yong lalaki kay Wesley na sinuklian niya rin naman ng pagkaway rin. Pero halata naman na paraan niya 'yon para matingnan si Maddie na nasa tabi ni Emon.


At habang nagkakagulo na 'yong mga tao noong si Adie na 'yong kumakanta sa stage ay napausog at umatras-atras naman ako bigla no'ng makita ko 'yong lalaki na sumingit sa gitna namin ni Wesley, may binubulong ito. At agad naman akong napalingon sa likod ko nang may mabangga ako.


Natagpuan ko na lang na si Toshi 'yong nabangga ko! Ngumiti lang siya at napayuko-yuko agad ako para mag-sorry sa kaniya bago muling hinarap sina Wesley na kinakausap pa rin ng lalaki. Nag-uunahan naman sa pagtibok ang puso ko, dumadagdag pa sa kaba ko 'yong pabango niya na sumasakop sa paligid. Nakakakaba 'yong presensya niya!


Pagkaalis nila at habang lumalapit ako patabi kay Wesley ay hindi ko namalayan na nakasunod lang ang mga mata ko kay Toshi na agad namang napansin ni Wesley.


"Ayos ka lang?" tanong niya kaya agarang tumama ang mga mata ko sa kaniya at tinanguan siya. Nagsalubong naman ang mga kilay ko no'ng mataray siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin.


"Ikaw? Ayos ka lang?" tanong ko na tinanguan niya lang din. Tumango-tango na lang din ako. "Okay... Ano 'yong pinag-usapan niyo?"


"Si, Galvin. Gusto makausap si Maddie do'n sa tabing dagat."


Napalingon naman ako kay Maddie, at nakita ko siya na hindi mapakali habang mataray na nakahalukipkip. Napalingon na rin si Wesley sa kaniya at maya-maya pa ay nakita na lang namin siya na umalis.


"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Emon.


"Wala ka nang pake do'n!"


Habang kinakanta na ni Adie 'yong Mahika, pansin ko naman 'yong pananahimik ng dalawa. Napanguso ako sa biglaang pagbabago nila at sumabay na lang sa pagkanta. Nang matapos na si Adie at hindi pa rin nakakabalik si Maddie ay nagpaalam na ako sa kanila na mag-C-CR lang.


Doble-doble na ang lakad ko at nilagpasan ko lang 'yong public toilet. Kanina ay tuwa at kilig pa ang nararamdaman ko pero halos napalitan na 'to ng kaba dahil higit ilang minuto na ring wala si Maddie.


Nang malibot ko na ang lugar ay nasipat ko na sila sa may gilid ng dagat. Agad naman akong nagtago sa likod ng puno ng buko. Nag-uusap pa rin sila. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko.


"Shhh!" sambit ko kina Wesley at napatago na rin sila sa likod ko nang makita sina Maddie roon. Sinundan pala nila ako.


Kahit gabi na ay naaaninag pa rin namin sila dahil sa liwanag na nanggagaling doon sa venue at buwan. Pinapanood lang namin sila. Seryosong-seryoso silang nag-uusap.


"Anong sinabi no'ng tropa mo?" biglang pagsasalita ni Emon.


"Kakausapin niya lang siya," sagot naman ng isa.


"Ba't mukha 'yang umaamin?"


"Shhh!" saway ko sa kanila.


Tumahimik naman sila at muli kaming napatingin doon. Ilang sandali pa ay napatakip na lang ako ng bibig sa gulat, at sina Wesley at Emon naman ay napa-react na parang sila pa 'yong mas nasaktan no'ng malakas na sinuntok ni Maddie 'yong mukha no'ng Galvin!


Agad naman kaming napatayo nang maayos no'ng hindi namin napansin 'yong paglitaw ni Maddie sa harapan namin. Halos lahat kami ay nagtataka sa ginawa niya sa lalaki, hanggang ngayon kasi ay umaaray pa rin 'to roon.


"Tinanong ko kung gusto niya ba ako o 'yong dibdib ko... sabi niya, oo," kaswal lang na sabi ni Maddie bago siya muling naglakad palagpas sa 'min.


"Ha? Pano kung 'yong tinutukoy niya pala ikaw, hindi 'yang ano mo?" tanong ni Wesley.


"Sinagot niya 'yon habang nakatingin sa dibdib ko!" singhal ni Maddie.


Tila kunektado naman kami sa isa't isa no'ng sabay-sabay na sumama ang mukha namin at nilingon 'yong gago roon. Wala 'tong ideyang nakatingin na rin sa amin. At pinakyu na nga siya ni Wesley sabay na umalis, sumunod si Emon, at ako naman ang huli.


Noong matapos ang event ay halos mapahiwalay na ako sa kanila dahil sa sobrang siksikan at dami ng mga taong nagsabay-sabay sa pag-alis. Napakapit na nga ako sa braso ni Wesley para makasabay sa kanila.


"Kilala mo naman si Maddie na hindi pumapansin ng mga lalaki, once na pansinin niya 'yon it means may sense siya sa kaniya. Pinuntahan niya pa nga 'yong Galvin do'n so nag-e-expect siya ng magandang outcome. Tapos gusto niya lang pala 'yong ano ni, Maddie? Ang bullshit. Kulang pa 'yong suntok na 'yon! Sarap niyang upakan! Teammate mo siya sa basketball dapat alam mo kung ano ugali no'ng Galvin. Kung hindi ko pa sila pinuntahan do'n baka ano pa 'yong mangyari... duda talaga ako do'n!" pagsasalita ko pero hindi naman siya umimik.


"Isko?!" Halos manlamig naman ako no'ng marinig ko 'yong boses ni Wesley sa likod ko.


Nakarinig naman ako ng tawa ng babae na katabi nitong lalaki na kinapitan ko. At agaran ko na  ngang inalis ang kapit ko sa lalaki at yumuko-yuko. "Ay, sorry po! Sorry! Sorry..." hiyang-hiyang sabi ko. Hindi ko na nakita ang naging reaksyon niya dahil hindi ko na siya matingnan sa sobrang kahihiyan!


Gustong-gusto ko nang magmura at magsisisigaw pero ginawa ko na lang 'yon sa loob ko habang nakayukong pinapatunog ang mga dalari at naglakad patungo kina Wesley. Napatakip na nga lang ako ng mukha noong nasa tabi na nila ako.


"Sino 'yon? Kilala mo 'yon?" tanong ni Wesley sa 'kin.


"Hindi!" Natatawa na ako pero nandoon pa rin ang kahihiyan ko sa nangyari! At nakita ko na nga ang naging reaksyon nila do'n, pinagtatawanan na nila ako bukod kay Wesley na seryoso pa rin. "Akala ko si Wesley, pareho kasi sila ng suot! Dinadaldal-daldal ko pa siya, kaya pala no'ng nagtatanong ako hindi nasagot!"


"Ang ganda pa ng kapit mo!" malakas na tawa at pang-aasar pa ni Emon sa 'kin.


"Si kuya naman hinayaan lang din ako..." Napapatakip na ako ng mukha ko! Hayop talaga!


Noong makauwi at habang umiinom ng tubig sa kusina ay bigla-bigla na lang akong natatawa at napapasapo sa noo ko sa tuwing naaalala ko ulit 'yong nangyari. Umabot pa na ganoon ang sitwasyon ko hanggang kinabukasan!


Kahit sa paghahanda para sa pagpasok ay naaalala ko pa rin. Sobrang nakakahiya! Sunod-sunod naman yata 'yong nangyayaring kahihiyan sa buhay ko. Kailan ba ako magkakaroon ng normal na araw?


Napahinto naman ako sa pagmemedyas no'ng pinuntahan ako rito ni Kuya Ikio sa sala, tinatawag ako. "Nasa'n 'yong bike mo?" Simpleng tanong lang 'yon pero agad akong nanlamig sa sobrang kaba.


"Bike?" I asked innocently before resuming putting on the socks.


"Nabagok ba 'yang ulo mo?" pagalit na sabi ni Kuya. I just bit my lower lip and could barely focus on tying my shoelaces. "Bike, 'yong binigay ko sa 'yo? Ilang araw ko nang 'di nakikita 'yon, ah?"


"Ah!" sambit ko at nang mapansin na mali ang pagkaka-sintas ko ay taranta kong tinanggal ulit 'yon sa pagkakabuhol, and I started to tie them again.


"Nasa'n?" I heard that Kuya Ikio couldn't prolong his patience anymore. "Ang tagal mong sumagot, ah? Sasabihin mo lang kung nasa'n! Hindi naman na dapat pinag-iisipan 'yong tanong na 'yon, Isko!" he yelled.


Takot naman akong napaayos ng upo. "B-Ba't naman sumisigaw, Kuya?" I managed to smile at him.


Tumayo na ako para kuhanin 'yong bag ko na nasa kabilang couch at noong isusukbit ko na sana ito sa mga balikat ko ay padarag naman 'yong hinablot sa 'kin ni Kuya at saka niya 'yon galit na galit na ibinalibag sa sahig.


"Sagutin mo!" sigaw niya, halos hindi ko na rin makontrol ang nararamdaman ko dahil sa sobrang takot sa kaniya. He seems like he's going to hurt me.


Nanginginig na ang bibig ko, at sumisinghap-singhap na rin ako dahil sa pagpipigil ko ng iyak. At noong balak ko sanang pulutin 'yong bag ko ay malakas niyang kinuyom ang uniporme ko para iharap sa kaniya.


"Nasaan?" mariing sabi ni Kuya habang nangangalit ang mga mata niya sa 'kin.


"Na... N-Nawala ko ho," nagawa kong sabihin 'yon kahit pa ramdam ko na ang pag-iyak ko.


"Ano?" Payukong napa-atras ako no'ng makita ko 'yong paglapit niya sa 'kin, he looks like he's really going to hurt me. "Pa'no... paano?!" 


"A-Ah..." I stuttered... Hindi ko alam ang sasabihin, I didn't know if I should tell the truth. It's too chaotic, I can't even think straight dahil sa takot ko kay Kuya.


"Hindi ka pa rin makasagot?" Napahakbang naman ako sa gilid ko nang malakas niyang tinapik ang braso ko. At doon ko na lang naramdaman ang pagluha ng mga mata ko. "Alam mo kung gaganyan-ganyan ka... iisipin ko na may iba kang pinaplanong sabihin. Nag-iisip ka ng ibang irarason mo!"


"M-May..." My heart was pounding in my chest, preventing me from speaking properly. Mabilis kong inayos ang sarili ko, pinilit kong punasan kaagad ang mga luha ko. "May... May kumuha niyon. No'ng pauwi ako... kinuha 'yon ng mga tambay do'n malapit sa may tambakan ng troso-"


"Tumingin ka sa mata ko! Tumingin ka!" Halos para na akong nayuping lata no'ng hinablot ni Kuya ang ID ko para hilain ako palapit sa kaniya. At ramdam ko pa ang pagbunggo ng kamao niya sa dibdib ko bago niya ako pinipilit na tumingin sa kaniya. My tears was streaming down on my cheeks as he slapped my chin repeatedly, he was forcing me to raise my head. "Tumingin ka! Tumingin ka, ha? Tumingin ka sabi..."


Habang umiiyak ay nagawa kong tumango.


"H-Hinarangan nila ako do'n tapos..." I said through my wailing voice, and I really couldn't look at Kuya. "Tapos hindi ko na alam... hindi ko na napansin na kinuha nila 'yon... T-Tinatakot nila ako no'n... S-Sin... Sinasaktan nila ako..." I confessed. Napatakip na ako ng mukha at humagulgol. "M-Matagal na nila 'kong sinasaktan do'n, Kuya... Kuya, natatakot ako..."


I cried so much na halos mabasa na ang buong mukha at mga palad ko. I didn't tell them that in a long time... I hid it for too long... hindi ko 'yon masabi-sabi dahil natatakot ako na baka may mangyang hindi maganda sa mga kabigan ko... kay Mama.


"So, maniniwala na 'ko diyan?" And I just removed my hands from my face and prayed repeatedly in my mind that I had just misheard him. Nagmamakaawa na ang mga mata ko kay Kuya. "Ang hirap mong paniwalaan, e. Hindi ka makatingin sa mga mata ko! Magsabi ka ng totoo... hindi na 'ko natutuwa... Isko!"


"Kuya!" I screamed.


At agad niya akong kinuwelyuhan. "Oh, ano?! Sumisigaw ka pa!"


"Kuya, tanga 'yan!" dinig kong walang pakealam na sabi ni Ate Ingrid. "H'wag ka maniwala diyan, marami na 'yang nawalang gamit kaya imposible na 'di mangyari 'yon kahit pa sa bisikleta niyan. Nalingat talaga 'yan sa school nila!"


"Ba't naman ako magsisinungaling?!" sigaw ko sa kaniya. "Totoo 'yong sinasabi ko!"


Agad akong napahiwalay sa kamay ni Kuya noong patulak niya akong binitawan, naramdaman ko pa ang pagtama ng hita ko sa center table. "Bakit ka sumisigaw ng ganyan?! Ate mo 'yan!"


"Nagsasabi naman talaga kasi ako ng totoo, e!" I cried.


He angrily pointed his finger at me. "'Di ba, sinabihan na kita na gamitin mo 'yong cable lock na binili ko para do'n sa bisikleta mo? Para kapag nando'n ka sa school mo at titatambay mo 'yong bisikleta sa loob o kung saan-saan hindi 'yon magagalaw ng kung sinu-sino! Hindi naman ako nagkulang na paalalahanan ka, ah, nawala mo pa rin?!"


"Kuya, totoo 'yon!"


"Tatanggapin ko pa na bobo ka, e!" sigaw niya. That word struck me hard. It hurts to death. "Kasi 'yong bobo magagawan pa ng paraan, matuturuan pa... pero 'yang pagiging tanga mo, Isko, sakit na 'yan!"


"Wala akong sakit! Kaya ako nakauwi nang gabi-gabi dahil do'n... at hindi ko naman talaga nabitawan sa ilog 'yong sapatos ko, e... kinuha nila 'yon sa 'kin! At kaya ako ilang araw na nagkukulong sa kwarto dahil ayokong makita niyo 'yong mga pasa sa mukha ko! Ayokong mag-alala kayo! Na-bully ako at pinagbantaan, sinsasaktan nila ako at nagsasabi ako ng totoo pero mas nagalit pa kayo sa 'kin dahil iniisip niyo na nagsisinungaling ako!" umiiyak na sigaw ko. "Dahil hindi ako makatingin sa mata mo pero, Kuya, tumatak na kasi sa isip ko na kailangan kong tumingin sa mga mata mo para lang malaman mo na nagsasabi ako ng totoo, e! Ginagawa ko na lang 'yon kahit pa nagsisinungaling ako!"


"Oh, tingnan mo? Umamin din. Matagal nang nagsisinungaling 'yan. Sabi ko sa 'yo, Kuya, e."


I shook my head firmly. "Totoong natatakot ako..." I could barely see them through the tears in my eyes. "Sinasaktan nila ako, matagal na! Nagsasabi ako ng totoo! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin?!"


"Isko!" Kuya yelled at me.


"Bakit mas nagagalit ka pa dahil nawala ko 'yong bisikleta? Dahil sa sinasabi niyong katangahan ko? Mas concerned pa kayo ro'n kaysa sa 'kin! Kuya naman... Kuya, bisikleta lang naman 'yon, e-"


Halos mabingi na ang mga tainga ko noong mabilis at malakas na dumapo 'yong mabigat na palad ni Kuya sa pisngi ko. And with the strong force of it, my face was even turned to the side.


Hindi na ako makapagsalita no'ng muli ko siyang nilingon, hindi ko na rin siya kayang tingnan bilang Kuya, pareho sila ni Ate Ingrid na nasa likod niya. Nagulat si Ate pero mas nakita ko pa na parang ayos lang sa kaniya 'yon... disiplina lang.


"Niregalo sa 'kin 'yon ni, Daddy!" sigaw ni Kuya. "Mahalaga 'yon sa 'kin, naiintindihan mo ba?!"


Tumango-tango ako.


"Sorry," pigil ang iyak na sabi ko at agad na yumuko. Ilang sandali rin akong ganoon bago siya muling tiningnan, in the way he held his forehead... I could see his dissapointment with me. "Kahit pala mamatay ako ay ayos lang basta ang mahalaga okay pa rin 'yong bisikleta dahil regalo 'yon ni Daddy."


"Pinagsasasabi mo?" Napalingon silang pareho sa 'kin. At lumapit na nga si Kuya Ikio noong makita niya akong naglakad para pulutin ang bag ko. "Bakit ka nagsasalita ng ganyan? Natutunan mo ba 'yan sa mga kaibigan mo? Alam mo, kaya ka nagkakaganyan dahil sa kakabarkada mo, e! Nagpapaimpluwensya ka sa mga 'yon! Sumasagot ka na nang pabalang! Nang pasigaw pa!"


"Wala silang kinalaman dito!" I shouted and kicked the center table before storming out of the house. I heard him yell my name pero hindi ko siya pinansin. Pati sa labas ay sinundan nila ako. Hinarap ko sila. "At kaya ako sumisigaw dahil parang hindi niyo 'ko naririnig! Hindi niyo naririnig 'yong nararamdaman ko, na natatakot ako at nagsasabi ako ng totoo! Hindi niyo 'ko pinapakinggan!"


"Ang drama mo, tanga!" sigaw ni Ate sa 'kin pagkalabas ko ng gate.


"Hindi ka na makakatanggap ng kahit ano sa 'kin!" singhal ni Kuya Ikio.


Muli ko silang hinarap. "Hindi naman talaga ako mahalaga para sa inyo!" malakas na sigaw ko sabay mabilis na tumakbo.


"Hinding-hindi na talaga! Tandaan mo 'yan, Isko!"


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top