Chapter 6


"Kuya, nakita mo ba 'yong jorts ko? Wala ba sa labahan?"


Pinuntahan ko si Kuya rito sa likod ng bahay para itanong 'yon. Ang pagkakaalala ko ay nilagay ko 'yon sa ibabaw mismo ng cabinet ko para makita ko agad 'yon at hindi na naman mawala, pero nang pagkatingin ko niyon doon ay hindi ko 'yon nakita.


"Jorts?" tanong niya habang nakatuon sa pagliliha no'ng silya na ginawa niya.



"'Yong short na maong," sagot ko.



"Wala. Naglaba ako kahapon wala naman akong nakita na gano'n," sabi niya na hindi man lang pinag-isipan kung napansin niya ba 'yon o nakita man lang sa kung saan. "Hanapin mo sa kwarto mo, baka na-misplace mo lang."



"Okay, thank you! Nice cut!" nakangiting sabi ko patukoy sa bagong gupit na buhok niya at saka bumalik sa kwarto para hanapin 'yon. Saglit naman akong napatanga sa kama habang iniisip kung saan 'yon napunta, hanggang sa lumayo na ang isipan ko.


Kampante pa ako ngayon dahil hindi pa nalalaman ni Kuya ang nangyari sa bisikleta. Kahapon lang ay tinambangan na naman nila ako at ninakawan ng pera, wala akong nagawa habang nakatingin lang sa bisikleta ko na nasa kanila. Umuwi pa ako na tsinelas na lang ni Wesley ang suot ko.


Iksakto rin na pagkauwi niya galing sa tinambayan nila ni Emon ay nakasalubong niya ako sa daan. Sinusubukan ko pang itago sa kaniya 'yong mga paa ko kahit kapansin-pansin naman talaga 'yon. Pagkadaan namin sa bahay nila ay pinahiram niya sa akin 'yong tsinelas niya.


Sinamahan niya pa ako pauwi dahil makikitambay at makikikain siya sa bahay. Habang naglalakad ay pinaulanan niya ako ng mga tanong tungkol doon. Sinabi ko naman sa kaniya na nasa bag ko 'yong sapatos ko at trip ko lang maglakad nang nakapaa, parang naka-free foot massage dahil sa mabatong daan.


Hinubad ko pa 'yong tsinelas na suot ko para ipaniwala 'yon sa kaniya. Naniwala naman siya at sinabyan na rin ako sa paglalakad nang nakapaa! Mukha pa siyang bata na nakikipagkarera dahil sa suot niyang puting sando at sinuksuok niya pa 'yong tsinelas niya sa magkabilang siko niya.


Nang mapansin ko ang oras na pa-alas kwatro na ay nagmamadali na nga ako sa paghahanap noong short ko sa cabinet. Halos magsikalat naman 'yong mga damit at shorts ko nang hindi ko mahanap 'yong jorts na kagabi ko pa pinlanong suotin.


Nang mahalungkat ko na 'yong buong cabinet at hindi ko pa rin 'to mahanap ay napagdesisyunan ko na 'yong brown cargo short pants na lang ang susuutin ko at cream over-sized shirt naman ang sa top, vintage ang print nito sa harap, sobrang cute rin kasi doodle na pusa ang naka-print.


Sinuot ko 'yong bracelet ko na gawa sa seashells, ito 'yong nabili ko no'ng pumunta kami sa Mahinhin Beach nina Wesley. Saka sinukbit sa balalikat 'yong sling bag na hinabi pa no'ng mga katutubo sa Kailugan. Meron 'tong pa-line at pa-zigzag na patterns na may iba't ibang kulay.


Sa ilalim ng stand mirror ay kinuha ko 'yong chunky sole sandals at sinuot 'yon bago muling tiningnan ang sarili sa salamin. Ngumiti ako ro'n at napasimangot sandali nang mapagtanto na sa bayan lang naman ang pupuntahan ko pero ganito ang suot ko.


"Alis na 'ko, Kuya!" Pero kinibit-balikat ko na lang 'yon. Mabilis kong dinampot 'yong menthol-infused massage oil sa table at sinilid 'yon sa bag saka pinet si Fufu na natutulog sa ilalim ng center table bago tumakbo palabas ng bahay. "Bye!"



"Ingat!"


Patakbo akong pumunta ng tricycle-lan at pagkarating sa palengke rito sa bayan ay nagbayad agad ako sa driver at pinuntahan 'yong inuupahang pwesto ni Mama. Nakita ko na nga siya na nagliligpit na no'ng mga paninda niyang prutas.


"Ma, ako na diyan!" sabi ko at inagaw sa kaniya 'yong buhat-buhat niyang kahon na may lamang mansanas.


"Kaya ko na." Napanguso naman ako no'ng ayaw niya talagang magpatulong at buhat-buhat na nilagay 'yon sa likod sa may tambakan nitong mga prutas. "Ligpitin mo na lang 'yong iba diyan."


"Ako na magliligpit nito lahat!" pasigaw na sabi ko sa kaniya para marinig niya ako ro'n. "Kailangan mo pa ng lakas para magturo ng mga makukulit na bata sa school bukas!"


"Hindi," sabi niya pagkalabas. Dumiretso siya sa mga lemon na akala ko dati na sa ibang bansa lang nabibili. Sa hindi kalakasan ay hinampas niya ang kamay ko kaya napabitaw naman ako sa hawak kong box. Sinimulan niyang ialis sa pagkaka-display 'yong mga lemon at inilipat sa plastic na box, ako dapat ang gagawa niyon. "Kaya ko."



"Hindi," paggagad ko sa sinabi niya at hinampas ko rin 'yong kamay niya. Inagaw ko sa kaniya 'yong box at ako na ang naglipat noong mga lemon. "Hindi mo kaya. H'wag kang feeling strong, 'Ma. Ganito pa naman 'yong mga napapanood ko sa TV, kunwari hindi nahihirapan 'yong nanay pero patagong umuubo na pala ng dugo."



"Hay, nako talaga... mga pinag-iisip-isip mo, Isko," natatawang sabi niya at binunggo pa ang braso ko at sabay bawi no'ng box sa akin. "Pwes, wala tayo sa TV. I am strong, mas strong pa sa kalabaw 'tong Mama mo. Saka tama na nga 'yang kadadaldal, mamimili pa tayo pagkatapos nito at naggagabi na rin. Pasara na 'yong iba baka wala tayong maabutan."


"Ako na nga," sabi ko at inagaw ulit sa kaniya 'yong box. Napahawak naman si Mama sa magkabilang baywang niya at mabilis na inagaw niya sa 'kin 'yon. Pero ihindi ako nagpatinag, inagaw ko ulit 'yon at sadyang binuhos sa kahoy na tray 'yong laman na mga lemon. Napa-react naman siya at nakangiting nag-peace sign lang ako. "Sorry."


Malalim na napabuntong-hininga na lang si Mama sa kakulitan ko, at wala na rin naman na siyang choice dahil uuliti ulit siya sa paglalagay ng mga lemon sa kahon dahil sa ginawa ko. Mapapagod lang siya lalo. Umupo na lang siya sa likuran ko at pinapanood ako sa pagliligpit.


"Nakausap ko 'yong Mama ni, Wesley, nakapili na raw siya ng strand?!" pagsasalita ni Mama doon sa labas habang inaayos ko naman ang pagkakatakip ng mga kahon para hindi mainsektuhan 'yong mga prutas. Pagkalabas ko ay sinagot ko lang ng tango 'yong tanong niya at niligpit naman 'yong mga orange. "Ah... pinupush through talaga nila na mag-law si, Wesley. Ang sabi din na para naman daw magkaro'n ng abogado sa pamilya nila?"



"Hmm. 'Yon na lang daw kasi kulang sa kanila, e. Sabi niya sa 'kin," sagot ko. "Mga ate, kuya niya doctor na, engineer, tapos police... makukumpleto na yata nila 'yong mga profession."



"Sabi rin ni Lorie na 'yon din daw habilin ng Mama niya bago 'to namatay. Lola ni, Wesley?!" Napahinto naman ako sa ginagawa at hinarap si Mama, nakita ko siya na minamasahe niya 'yong paa niya.



Saglit akong napatulala sa kaniya at ngumiti na lang nang makabalik sa sinasabi niya. "Naalala ko 'yon. Sinabihan daw siya ng Lola niya na bagay sa kaniya mag-abogado kasi marami daw siyang pinaglalaban sa loob ng bahay nila. Pala-sagot daw kasi."


Sabay naman kaming natawa.


"Grabe naman, matalino naman si, Wesley, eh." Tumango ako roon at pinagpatuloy ulit ang ginagawa. Matalino naman talaga si Wesley kaya tingin ko ay kaya niya 'yon! Kapag nag-seryoso siya sure ako mas successful pa siya sa 'kin. "Pero ibig naman ga niya 'yon?"



"Hmm," patangong sambit ko. "Mukhang gusto naman ho niya. Mukha naman siyang hindi napipilitan." Sana.


Tumango-tango naman si Mama. Nang matapos ako sa pagliligpit ng ponkan ay kinuha ko muna 'yong massage oil sa bag ko at inabot 'yon sa kaniya. Pamahid niya talaga 'yon sa paa niya, minsan kasi ay nakakalimutan niya talagang magdala niyon sa sobrang busy.


Nakangiting tinapik-tapik lang naman ni Mama ang braso ko tanda ng pasasalamat niya. Ngumiti lang din ako bago binuhat 'yong kahon ng ponkan at nilagay 'yon sa likod at sinimulang isara 'yong bintana ng tindahan at maglinis.


"'Yong mga ganyan, ah, sineseryoso dapat ang mga ganyang bagay lalo na future ang nakasalalay. Kung hindi mo gusto ang kurso o strand mo baka ikaw lang ang mahirapan. Hindi pwede na kung kailan nandoon ka na ay do'n mo pa lang na-realize na hindi mo pala gusto ang kurso mo. Mahirap mag-aksaya ng panahon, saka hindi lang panahon at pera ang nasasayang, kundi 'yong kaalaman niyo. Kapag kasi na hindi mo gusto ang inaaral mo ay wala ka sa focus para ma-adopt lahat ng tinuturo sa inyo. Ano na magiging bala mo kapag nakalabas ka na sa larangang 'yon at humarap ka na sa totoong mundo? Dapat na pinag-iisipan talaga 'yan."



Napakagat naman ako ng pang-ibabang labi habang nagwawalis. I reflected hard on what my Mom said, and I felt like I instantly lost my courage because it seemed that all I had done in choosing an academic path was just blinking my eyes.


Para akong nag-blind fold at kung ano man ang tinuro ng daliri ko ay 'yon na ang kukuhanin kong strand. Hindi ko pinag-isipan 'yon nang maiigi. Ang tanging nasa isip ko lang ay labanan ang takot ko sa math, ayon lang, wala akong goal na iba.



"Hmm," pagtangong sambit ko na lang.



"Ikaw, 'Nak?" Takang napalingon ako kay Mama. "May napupusuan ka na ba... nakaisip ka na ba ng strand na gusto mo talaga, ha?" Mom was smiling, she was happy to know what I wanted.



Napaiwas naman ako ng tingin kay Mama at saglit na napatulala bago nilagay 'yong hawak na dust pan at walis sa gilid saka tumayo ng diretso at nakangiting nag-taas noo.


"Ano sa tingin mo, Ma?" tanong ko. "Bagay din ba sa 'kin mag-humss? Maging lawyer? Doctor? Police? Engineer?"


Napatakip naman siya ng bibig para itago ang tawa niya dahil sa hitsura ko. Napanguso naman ako roon at sinimangutan siya. Inaasar niya ako.



"Hindi naman ako nagbibiro, 'Ma!" Ngumuso ako.



"Isko... 'yong strand o kurso, hindi 'yan accessories na binabagayan lang, tapos kapag nagbago na naman ng trend ay hindi mo na susuotin... ang malala ay papalitan mo pa," makahulugang sabi ni Mama. "It's a lifetime. Remember that it has time and goals that will lead you to your career in life and success."


Mas lalo pang sumimangot ang mukha ko at padabog na umupo sa pahabang kahoy na upuan. "Gano'n ba kakumplikado 'yon?" mahina kong sabi.


"Look at me, pangarap ko na talaga maging guro no'ng dalaga pa lang ako at ito, naging guro ako hanggang ngayon! A dream means a desire to achieve something without realizing it. I really did not expect that I would be able to achieve that. It is a thing that will keep us going. Ganyan 'yong magic ng pangarap," magiliw na sabi ni Mama.



I just smiled, still deep in my thoughts.



"Pero hindi mo ba nakikita sa sarili mo, 'Ma, na hindi ka lang magiging guro for life? I mean, sinabi mo sa 'kin noon na I can dream whatever I want and as many as I can. I just think na... dreaming to be like this and that is... beautiful, every profession has a beautiful purpose. Hindi ba 'yon sobrang cool? Haven't you thought of that?"



Mom exhaled with a smile before she stood up and sat next to me, ruffling my hair.


"Yes, dreams have no limits, it's boundless... but there is also something we call contentment." Napatingin ako sa kaniya, and she smiled sweetly at me. "Meron akong kayo, na mahal na mahal ko, at meron akong propesyon na mahal ko rin, at kuntento na ako... ro'n!" mula sa mataas na tonong sabi niya.



"Wow..." natatawang sambit ko naman at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Napakaswerte naman talaga namin..."


"Siyempre! Nagkaro'n ba naman kayo ng nanay na maganda," sabi niya pa.


"Aye... naks!" React ko.


"Napaka talino mo!" Gigil na inakbayan naman niya ako at ginulo ulit ang buhok ko. "Hindi ko alam kung ba't ka inaasar ng ate saka kuya mo na hindi. You know how to understand the feelings and capacities of others! Bagay sa 'yo maging guro din kagaya ko!"


"Eh?" Napalayo naman ako nang bahagya kay Mama at inalala 'yong sinabi niya. "'Yong strand o kurso ay hindi 'yan accessories na binabagayan lang, tapos kapag nagbago na naman ng trend ay hindi mo na susuotin-"


"It's a lifetime," pagpapatuloy ni Mama. "See? Naintindihan mo 'ko."


Gigil niyang pinisil ang pisngi ko at pakunwari ko namang hinigit ang mukha ko para ipakita sa kaniya na ayaw kong ginagawa niya 'yon sa akin. Sinabihan naman ako ni Mama ng maarte, medyo nasaktan ako ro'n kaya agad ko namang inamin sa kaniya na nagbibiro lang ako... At nag-aasaran na nga kami habang nagliligpit.


When the time comes for someone to ask me again what I want to be when I grow up, maybe all I can answer is that I don't know. That's exactly what comes to my mind when I hear that question. Perhaps my only dream right now is to live and let myself be orbited to not knowing what I want to do.


I hope soon, I can feel the magic of having a dream.


Nang masarado na namin ang tindahan ay nagpunta na kami sa kabilang side nitong palengke kung saan doon mabibili 'yong mga gulay, isda saka mga karne. Habang nasa likuran ako ni Mama ay hindi ko naman maiwasang lumipad ang isip ko tungkol doon sa nagpa-usapan namin.


At dahil do'n ay hindi ko maibalik ang sarili ko na maging masigla ulit! Para akong nalalanta kapag iniisip ko ang mga bagay na 'yon, nawawalan ako ng sigla at ayoko niyon. I continuously shook my head, and tried to get rid of my thoughts... hanggang sa huminto ako sa paglalakad.


"Ahh!" wala sa sarili kong sigaw.



At sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nasaksihan at narinig 'yong pagtahimik ng palengke! Nagpalipat-lipat ang tingin ko at narinig ko pa 'yong pagkaliskis ng bitbit kong mga plastic bag no'ng pumaikot ako para tingnan ang paligid, lahat sila ay nakatingin na sa akin. Nakakahiya!


"Ah-ahh..." Hindi ko na alam ang gagawin ko at napakamot na lang ako ng batok no'ng hinampas ni Mama ang braso ko, hiyang-hiya na siya sa 'kin! Pasalamat ay bumalik naman sa ginagawa 'yong mga nagtitinda, hindi na nila ako pinansin at umingay na ulit sila.


"Ah!" sigaw ko ulit, nakarinig pa ako ng hoy na parang galing pa yata 'yon sa malaking mama. Nakita ko naman si Mama na napayuko na at sinusubukang takpan ang mukha gamit ang kamay niya. Pumulot naman ako ng malaking bangus na nasa harapan namin. "Ito, 'Ma! Gusto ko ng sinigang na bangus... 'yong maasim na maasim!"


Bawat bigkas ko niyon ay pasigaw 'yon. Ewan ko, pinanindigan ko na 'yong ginawa ko! Pakiramdam ko kasi ay mas lalo lang akong mapapahiya kung hindi ko ipapaalam sa kanila na gano'n talaga ang pananalita ko... na kunwaring normal na gano'n na 'yon.


No'ng pinakita ko kay Mama 'yong hawak kong malaking bangus sa kaniya ay napakunot naman ang noo ko no'ng hindi niya ako tinitingnan, sadya niya pang iniiwasan ako. "M-Ma?" rinig kong nauutal na mahinang sabi niya. Parang nag-de-deny ang boses niya. "Ano ba nangyayari sa 'yo, utoy? May problema ka ba, ha? Nawawala  ka ba? Sino mga magulang mo?"


"Ma?! Anong sinasabi mo? Anak mo 'ko, uy!" salubong ang mga kilay kong sabi at sinenyasan siya na sabayan na lang niya ako sa ginagawa ko pero hindi niya ako naintindihan, nagkukunutan lang kami ng mga noo!


"Bibilhin mo ga 'yang hawak ng anak mo?!" sigaw naman ng tindera sa amin.


Sabay kaming napalingon sa kaniya at nakita kong tiningnan ni Mama 'yong presyo ng bangus. Nanlaki 'yong mga mata niya at napatanga na lang ako no'ng hinablot ni Mama 'yong bangus sa kamay ko at ibinalik 'yon sa pagkaka-display, at bago pa siya maglakad paalis ay pinunas-punas niya pa 'yong kamay niya sa damit ko!


"Hindi ko anak 'yan!" sabi niya ro'n at napaawang naman ang bibig ko sa nakita.


"Ma!" Nagdadabog ang boses ko at aligaga pa akong napapalinga-linga sa paligid bago na hiyang-hiya na tumakbo papunta kay Mama. "Sour! I want it to be so sour!"


Nakanguso lang ako habang nasa gilid kami ng kalsada at pumapara ng masasakyan. Kinukulit ako ni Mama, nag-so-sorry siya sa akin na may kasama pang pagbunggo sa braso ko. Nilingon ko naman siya at sinabi sa kaniya na hindi ako makapaniwala na sa mismong harap ng maraming tao ay tinanggi niya na anak niya ako!


"Kung sabihin ko kaya sa kanila na hindi kita nanay, matutuwa ka ba?" sabi ko sa kaniya na nasa kalsada lang ang tingin.


"Ayos lang," nang-aasar na sabi niya. 


Napalingon naman ako sa kaniya. "Eh?" Grabe, hindi ko maisip na may mas bully pa pala kina ate at kuya.


"Eh, kung bakit ka ga kasi sumisigaw na lang bigla? Sa maraming tao pa talaga, eh, kahit sino mahihiya sa ginawa mo." Napasinghap na lang ako at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Hay, nako, Isko. Tama na nga 'yan... bitbitin mo na 'yan kay may paparating ng jeep!"


Pakunwaring nagdadabog naman ako no'ng binitbit ko na lahat ng mga pinamili namin.


"Marj?!" Papara na sana kami ni Mama ng jeep pero agad na lang kaming sabay na napalingon sa gilid namin no'ng may tumawag sa kaniya. Nakita ko na matandang lalaki 'yon na nakalabas ang kalahati ng katawan sa bintana no'ng pick up truck. "Pauwi na ga kayo? Are na't sumabay na lang kayo sa amin!"



Napansin ko naman si Mama na nahihiya siya at hindi pa niya masabi nang maayos ang sasabihin niya. At noong alam ko na tatanggi siya ay mabilis kong binitawan ang bitbit ko sa kanang kamay ko at tinakpan ang bibig ni Mama, nagulat pa siya sa ginawa ko.


"Ah, sige ho!" malawak ang ngiti na sabi ko, halos hindi ko pa matago ang tuwa ko no'ng pinulot ko ulit 'yong mga pinamili namin at saka tumakbo palapit doon. Nang makarating ay hinarap ko si Mama ro'n na hindi na makatingin sa akin, kinakahiya na talaga niya ako. Kinawayan ko siya. "'Ma! Sa likod ako!"


Natawa na lang ako no'ng makita ko siyang napasapo na lang sa noo niya at walang nagawa kundi ang sumakay na lang din, nandoon siya sa may driver's seat. Hindi ko kilala 'tong mama pero ayos lang dahil magkakilala naman sila ni Mama, makakapagtiwalaan pa rin naman siya.


No'ng pumaikot ako para sumakay sa likod ay saka ko lang napansin na may iba pa palang nakasakay rito. Nasa unahan siyang tahimik na nakaupo, banda sa kaliwang gate nitong pick up truck, nakasandal ang likod niya sa uluhan nitong sasakyan.


Nang magtama ang tingin namin ay nginitian ko siya, sinesenyasan na tulungan niya ako na kuhanin 'yong mga bitbit ko para hindi ako mahirapang makaakyat. Pero ilang sandali ay napalitan na lang ng pagkapahiya ang mukha ko no'ng tumingin siya sa gilid niya at pumikit.


Hindi niya ako pinansin!


"Ah-ah..." I muttered and I awkwardly laughed.


Wala akong nagawa kundi ang tulungan na lang ang sarili na makaakyat, at no'ng maitabi ko na 'yong mga bitbit ko sa gilid ay umupo na ako rito sa kanang gate nitong truck. At no'ng pakiramdam ko na masyado akong malapit sa kaniya ay umusog pa ako palayo.


"Ayos ka na ba riyan, utoy?!" rinig kong tanong sa 'kin ni manong habang tinatapik 'yong pinto ng truck.


"Ah! O-Oho!" Ka Arvin ang pangalan niya, narinig ko 'yon no'ng magpasalamat si Mama sa kaniya.


Habang nasa biyahe at puro mga bahay lang ang nakikita ko ay hindi ko alam kung saan ko itutuon ang pansin ko. Nakanguso ako habang tinatambol-tambol ang mga hita ko gamit lang ang mga kamay. Nakakabagot ang paligid, hindi ako mapakali kapag ganito.


Nilingon ko naman 'yong lalaki na nasa kabila, hindi na siya nakapikit. "Uhm..." Kakausapin ko pa lang sana siya pero agad naman siyang nagsalpak ng earphones sa mga tainga niya. Naipit ko na lang ang mga labi ko. "S-Sorry."


I smiled awkwardly and looked away from him and just stared at the things in front of him. Nakasuot siya ng pang-alis, itong mga maleta na nakikita ko ay paniguradong sa kaniya. Bago lang din siya sa paningin ko.


Yumuko ako at palihim siyang tiningnan. Mukha siyang... siga sa daan dahil sa suot niyang may mixed na kulay black at blue na long sleeve checkered, itim na baggy pants sa baba. Lalo na sa dalawang bilog na hikaw sa tainga niya na na-lo-lock... at hindi lang pala sa isang tainga niya meron siyang hikaw, meron din 'yong kabila.


Iyong buhok naman niya... ang pagkakaalam ko, ang tawag sa gano'ng  hairstyle ay wolf cut. Pumapantay 'yong nakahating medyo kulot na bangs niya sa ilong niya, naka-hair bun siya. Matangos ang ilong. Malayong-malayo rin 'yong kutis at kulay ng balat niya sa 'kin, he looks like a rich kid with his porcelain skin.


At kung itutuon lang ang pansin sa mga mata niya, hindi sa buong mukha niya na mukhang siga... napaka-dreamy ng mga mata niya na may pagkasingkit at mapupungay. Pero... ganyan na ba 'yong uso na suotan at pormahan sa Manila? Makapal at mahaba ang buhok niya, naka-long sleeve, naiinitan ako para sa kaniya.


Marahan akong nag-angat ng ulo nang mapabaling ang mga mata ko doon sa kamay niya, nakapatong 'yong braso niya sa gate nitong truck at napanood ko kung pa'no lumitaw 'yong mga ugat sa kamay niya habang kinukuyom-kuyom niya iyon. Kitang-kita ko pa 'yong pagkinang ng silver na singsing niya roon.


Inalis naman niya ang pagkakapatong ng braso niya ro'n, at marahang napa-angat na lang ako ng tingin nang sadya niyang ibinulsa 'yong kamay niya. At namilog na nga ang bibig ko sa gulat no'ng magtama ang mga mata namin. Halos hindi ko pa alam ang gagawin ko sa pagkataranta kung kaya ay nagkunwari na lang ako na may hinahanap sa mga pinamili namin!


"S-Sa'n na ba 'yon..." nauutal pa na sabi ko habang binubuklat 'yong mga plastic bag. Narinig ko naman 'yong pagngisi niya. Napansin niya siguro ako na nakatingin sa kamay niya! "Ah!"


Napahiyaw ako at halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko sa kaba no'ng muntik na akong mapahiga no'ng biglang pumreno 'yong sasakyan. Pasalamat ay nakakapit agad ko sa gate! Habang nakakaramdam ng kahihiyan ay aligaga kong inayos ang sarili ko.


Nang makita ko siyang tahimik lang na nakatingin sa 'kin ay pilit akong ngumiti, I was fighting my embarassment. "A-Ayos lang ako..." Tumawa ako nang alanganin at napakagat naman siya ng pang-ibabang labi bago tumingin sa gilid niya, hindi ulit ako pinansin.


Huminto pala rito sa bilihan ng mineral water itong truck, at nakita ko pa sina Mama na bumibili na rin siya niyon. Habang naghihintay ay nilibang ko na lang ang sarili ko na pagmasdan ang tanawin, nasa kaligitnaan kasi ng bukid itong tindahan. Maya-maya ay naramdaman ko 'yong kalabit sa 'kin ni Mama.


"Hmm?" sambit ko pagkaharap sa kaniya. Nasa baba siya kaya medyo binaba ko naman ang tingin ko sa kaniya.


"Mansanas, bigay ni, Ka Lita." Inabot niya sa 'kin 'yong mansanas.


"Ha? Marami na tayong ganito, ah?" Tukoy ko sa hawak kong mansanas, malaki-laki rin 'to. Ngumuso ako. "Thank you."


"'Yon nga ang sabi ko, pero hindi maganda ang tumanggi. Kainin mo na lang habang nabiyahe," sabi niya saka siya pumaikot at sumakay sa loob.


Tahimik ko na lang na kinain 'yon habang hinihintay ang pagbalik ni Ka Arvin na nandoon pa rin sa tindahan at nakikipag-usap, nailagay na dito 'yong dalawang galon ng mineral at siya na lang ang hinhintay namin. Buti na lang din ay may mansanas ako, kahit papaano ay may ginagawa ako... ang hirap kasi ng walang kinakalikot habang may ibang kasama na parang galit pa yata sa mundo.


Nakita ko na meron din pala siyang mansanas, hindi pa niya kinakain... nakapatong lang sa maleta niya. No'ng makatatlong kagat ako ay mabilis akong napaharap sa likod ko non'g makita ng gilid ng mata ko 'yong baka na gustong abutin ang mansanas ko.


Hindi ko naman maiwasang matuwa at tumawa nang lumapit pa siya lalo sa 'kin. Malamyos ko namang hinaplos-haplos ang ulo niya at halos umabot na sa mga tainga ko ang ngiti ko no'ng cute na cute niyang kinakain 'yong binigay kong mansanas sa kaniya.


"Eihh..." mahinang pagtili ko habang natutuwang pinapanood siya at hinahaplos ang pisngi niya. "Ang bagal mo ngumuya! Sabihin ko kaya kay, Maddie, na magpaligsahan kayo?" pakikipag-usap ko.


Nang maubos niya 'yon ay napapababa naman ako ng tingin no'ng mahagip ng gilid ng mata ko 'yong mansanas sa gilid ko, narinig ko pa 'yong kumalabog. Malawak ang ngiti kong pinulot 'yon at nilingon 'yong lalaki, nakapikit na siya habang naka-krus ang mga braso.


"Sa kaniya na lang 'to? Binibigay mo na ba talaga? Seryoso?!" natutuwa kong tanong sa kaniya na sinagot lang niya ng pagpikit pa rin at hindi pagpansin sa akin.


At huli ko na lang naalala na naka-earphone pala siya, hindi niya ako naririnig! Pero kahit gano'n ay nagpasalamat pa rin ako sa kaniya at hinarap ko na 'yong baka. Tatlong beses ko pang hinagis at sinasalo ang mansanas na hinahabol namna niya!


No'ng nilapit ko sa kaniya 'yong mansanas ay humaba ang leeg niya para abutin 'to pero inilayo ko ito sa kaniya. Sinilip na ako ni Mama dahil rinig na rinig niya 'yong pagtawa ko. Natawa na lang din siya sa ginagawa ko sa baka.


"Hmm!" sambit ko at totoo nang binigay sa kaniya 'yong mansanas. I watched him eat and gave him a happy scratch on the head. I moved my knee to the side, still kneeling, so he could see the man who gave him the apple. "Mooo! Siya nagbigay niyan sa 'yo, mooo! Mag-thank you ka, mooo!"


Matapos kong sabihin 'yon ay halos mapatakip naman ako ng bibig sa sobrang tuwa at pagkamangha no'ng mag-mooo siya! At no'ng makabalik na si Ka Arvin sa truck ay inarangkada na niya agad ang sasakyan. Napakapit naman ako sa gate nitong truck at nagpaalam sa baka, habang papalayo na siya sa paningin ko ay tuloy-tuloy lang ako sa pag-babye sa kaniya habang kumakaway.


Noong mawala na sa paningin ko 'yong baka ay napaayos na ako nang upo. Agad din na lumandas ang mga mata ko sa lalaki... hindi na siya nakapikit at wala na ring earphones ang nakasuksok sa mga tainga niya... at ang mas bago pa ay nakita ko na rin 'yong ibang emosyon ng mukha niya... hindi na 'to blanko, aligaga ang mukha niya habang may hinahanap na kung ano.


"Thank you sa mansanas na binigay mo!" nakangiting sabi ko sa kaniya.


Napahinto naman siya sa ginagawa niya. Napabalik siya sa kinalalagyan, at may bago ulit akong nakitang emosyon sa mukha niya no'ng tiningnan niya ako... mukha siyang naguguluhan.


"Ha?" in a deep, cool tone of voice, he spoke.


"Oh? Nagsasalita ka!" I couldn't stop myself from getting excited when I finally heard him speak, and so well, I just now heard his voice. At that moment, I just quickly removed my smile when I saw his eyes which seemed to be getting colder. "Ah-uhm... 'yong mansanas na binigay mo do'n sa baka. Thank you. Binigay mo 'yon, 'di ba?"


Naglagay ako ng ngiti sa mga labi ko pero may pag-aalangan ko pang ginawa 'yon dahil sa nakakaintimidang tingin niya. Noong pagtitig lang ang sinagot niya sa akin ay may ilang ko namang nilawak pa ang ngiti ko at nagtaas ng mga kilay para itanong 'yon ulit sa kaniya ng pasenyas.


"Hindi?" Nagsalita na ako. Iritable siyang nagbuga ng hininga bago pasiring na nagsuksok ulit ng earphones sa tainga niya, hindi ako pinansin. And that's the answer to my question, he didn't give the apple. And I guess it just fell and I just thought that he gave it to me but he did really not.


Gusto kong sumigaw sa kahihiyan!


Pagkahintong-pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin ay mabilis kong pinulot at binitbit 'yong mga pinamili namin. Si Kuya Ikio na 'yong nagbuhat ng mineral water at ako na lang ang hinihintay na makababa para umandar na 'tong sasakyan.


Nang pababa na sana ako ay nanalo 'yong iniisip ko pa kanina, kung kaya ay huminto ako saglit at kumuha ng sibuyas na kasing laki ng mansanas at inilapag 'yon doon sa may maleta niya.


Napatingin naman siya ro'n at walang emosyon akong tiningala. I signaled him to remove the yellow-colored earphones from his ears, I tapped my ear twice with a smile. Salubong ang mga kilay niyang ginawa naman 'yon.


"Kakailanganin mo 'yan, mahirap makabili ng sibuyas dito," saad ko habang walang ka-iede-ideya ang mukha niya. Tumalikod na ako at bumaba ng sasakyan. No'ng umandar 'yon ay kinawayan ko pa siya. "Pamalit ko muna pansamantala sa mansanas mo! Babye!"


Natawa na lang ako no'ng makita ko ang pag-iling niya.


Sumunod na mga araw no'ng break time at hindi pa bumabalik sa regular ang klase dahil sa valentine's day, napagkasunduan namin na tumambay doon sa may open field kung saan do'n madalas ginaganap 'yong mga event ng school tulad ng team building, booths at intrams.


Tumambay kami rito sa ilalim ng puno at tuwang-tuwa naman sina Wesley at Emon noong maglabas ako ng blanket para ipangsapin namin, napapasayaw pa ang dalawa. Habang gano'n sila ay hiyang-hiya naman ako dahil ako lang talaga ang naglakas ng loob na magdala niyon dito.


Hindi ko pa alam kung allowed ba 'to rito. Pinilit kasi nila ako na magdala niyon.


"Dapat nagdala ka rin ng unan!" sabi ni Wesley na nakatihaya na katabi si Emon na kumportableng-kumportableng yinayakap siya.


"Saka kumot!" gatong naman ni Emon.


"Dalhin ko na lang kaya bahay namin?" napaismid na sabi ko na tinawanan lang nila.


Pinapagitnaan namin si Maddie na nakasandal sa puno, 'yong dalawa ay nasa kanan niya at ako naman ay nakaupo rito sa kaliwa niya. Lumipas ang ilang minuto ay nagkaniya-kaniya na nga kami ng ginagawa.


Si Maddie ay tahimik lang na nag-aaral, sina Wesley at Emon naman ay nakahiga pa rin at halos balutin na ng ingay galing sa phone nila 'yong buong field... naglalaro sila ng ML. At ako naman, naka-earphone lang habang nag-s-sketch sa sketchbook ko.


I silently sketch the entire field. I don't know how many sketches I've been doing ever since but there are only half of the blank pages of my sketchbook left. Talking about arts, I just like it. Kapag na ganito na gumuguhit ako... pagkatapos kong maiguhit ang subject ko ay hindi ko na 'to masusundan ng isa pa dahil pagkatapos kong gumihit ay nakaaramdam kaagad ako ng pagkabagot.



And that's not good because when I force myself to draw even when I don't feel like it... hindi maganda sa paningin ang kinalalabasan nito. Because of that, that's when I realized that I'm not for arts. Hobby ko lang. At hindi rin ako para sa mga sinasabi nila na bagay ako sa engineering at sa kung anu-anong program na may kinalaman sa pagguhit. Some people are telling me that I'm good at this, and that I should study engineering... isa na ro'n sina Uncle Morris.


Bukod doon, hindi ako magaling... marunong lang. Because no matter what I do, like trying to learn to master the different modes of arts, its different techniques and different coloring methods... like the others effortlessly could... I sucks. Hindi ako magaling sa kulay, kung sa'n sa tingin ko na maayos na ang ine-sketch ko pero kapag kinulayan ko na 'to... pumapangit lang.


I stopped shading the tree and took a breath. Napagtanto ko rin na hindi lang pala ako rito na gano'n, na hindi magaling kundi marunong lang... I think... that's how I am in most things.


"Hindi ka ba talaga sasali sa singing contest do'n sa kabilang barangay?" rinig kong tanong ni Wesley kay Maddie habang nandoon sa phone pa rin ang mga mata niya.


"Hindi na 'ko kumakanta," simpleng sagot naman ni Maddie sa kaniya.


"Ha? Bakit?" Pareho naman kami ni Wesley na nagtaka at na-curious kung bakit gano'n ang sagot ni Maddie. Naalis ko na ang earphones sa tainga ko para marinig sila nang maayos.


Nakita ko namang napairap si Maddie at mabilis na hinablot ang phone ni Wesley. Nagulat siya kaya napaalis siya sa pagkakahiga niya at umupo para takang tingnan si Maddie. At nawala na nga 'yong ingay na nanggagaling sa phone niya no'ng hininaan niya ang volume niyon.


"Naiingayan ako," walang pakealam na sabi niya matapos niyang ibato sa lalaki 'yong phone pabalik. "At ayoko sa boses ko. I hate it."


At nagtaka na lang din si Emon noong biglang hablutin ni Wesley 'yong phone niya at pinahinaan din ito bago siya muling humiga at pinagpatuloy ang paglalaro. Nagtatanong naman ang mga mata ni Emon sa akin na sinagot ko lang ng pagtaas ng mga kamay at balikat.


"Hindi ka ba sobrang competitive noon? No'ng elementary nga tayo puro boses mo lang naririnig ko sa school. Sa flag ceremony, sa teacher's day, sa valentine's day... pati sa mga kanto-kanto naririnig kita!" malakas na sabi ni Wesley.


Hindi naman sila nag-aaway sa lagay na 'yan, 'no? They won't start a fight again. I wish.


"Alam mo ibig sabihin niyan?" sarkasitikong ani Maddie at napalingon ako sa kaniya.


"Ha?" takang saad naman ni Wesley.


"Ibig sabihin niyan may tainga ka." Tinago ko naman ang tawa ko nang sabihin 'yon ni Maddie sa paraan ng pagtakip ng bibig gamit ang palad, si Emon naman ay bulgar na bulgar niyang inilabas ang tawa niya.


"Tss!" Wesley hissed. "Naalala ko rin no'ng elementary, binibida mo na nakapunta ka na ng EK!"


Naalala ko rin 'yon. Iyon 'yong araw na nag-uusap kami tungkol sa Enchanted Kingdom na nakita namin sa post sa Facebook. Biruin mo na halos lahat kami pinapangarap na makapunta ro'n at biglang siyang sumingit at random na sinabi na, ay, nakapunta na kami diyan, e. Hindi 'yan para sa mahihirap, ang mamahal ng foods diyan.


"Hmm?" Maddie said without bothering while her eyes were already on the book she was reading.


Napanguso naman ako at inilayo na ang tingin sa kanila. Tahimik kong pinagmamasdan ang paligid at halos hindi ko maibuka nang maayos ang mga mata ko dahil sa aliwalas ng paligid.


The light from the sun hitting the surroundings, and the trees that cast their shadows... along with the gentle wind that wanders all around... I witness how perfectly it matches the meaning of peace.


At that moment, napadako ang mga mata ko sa gilid ko at doon, sa may hindi kalayuan... I saw a familiar man sitting under the banaba tree. His head was leaning against the tree and his arms were folded across his chest. His eyes were closed, probably half asleep. I then noticed the familiar yellow-colored earphones on his ears... once again.


Habang naroon lang ang mga mata ko ay finlip ko ang page nitong sketchbook ko at agad na nagbaba ng tingin at nag-sketch dito. I turned my eyes to him and settled them down in the sketchbook, I was quietly doing that simultaneously as I heard Wesley and Maddie still talking about the singing contest.


"Totoo 'yon." Si Maddie.


"Tapos pangarap mo ulit makapunta. 'Di ba, second spot 'yon sa field trip natin?" Dinig kong tanong ni Wesley.


"Hmm," sambit naman ni Emon. "Sabi whole day raw tayo do'n."


"Ahhh!" Napahiyaw na sa ecitement si Wesley. "Whole day... sayang naman kung 'di ka makakapunta. Singing contest na lang sana 'yong pag-asa mo pero grabe, inayawan mo pa?"


"As if naman na ma-co-cover no'n 'yong fee sa field trip?" ani Maddie. "Three hundred to five hundred lang naman ang premyo ng mga pa-contest sa maliliit na barangay. One-eight ang kailangan ko."


"Eh? Nakita namin ni, Isko, na si, Mayor Tuazon, ang mag-s-sponsor no'ng event, 'di ba?"


Pinigilan ko ang kamay ko sa pagguhit at nag-aalangang nilingon si Wesley. "Hmm," pagtangong sambit ko. "5K para sa champion, 3K sa first place and 2K naman sa second placer," sabi ko lang at ibinalik kaagad ang atensyon sa pag-do-drawing.


"Oh?" Reaksyon ni Emon. "Edi, kahit 2nd placer ka lang... pwede na 'yon! Kasyang-kasya na sa fee ng field trip! May two hundred ka pa!"


"Oh, ano?" giit ni Wesley kay Maddie. "2K at EK na 'yon!"


When I was almost done sketching the man's hair in the distance, ay hindi ko pa rin naririnig ang pagsasalita ni Maddie. I bit my bottom lip and put the top eraser of the pencil I was holding onto it... I was wondering why his school uniform was in elementary, and if he was really new here or not.


"Okay."


Kung bago lang siya, I don't know if it's possible that our school accepts extremely late enrollees. Pero base sa nakikita ko na naririto siya, suot ang white polo-shirt at navy blue na short... with his wolf cut hair in a bun... hindi na dapat ako magduda pa.


"Isko?!" Mabilis akong napabalik sa sarili ko no'ng marinig ko ang pagsigaw ni Wesley. Nang mapalingon ako sa kanila ay agaran ko namang sinarado ang sketchbook ko, napansin ko kasi na doon nakatingin si Wesley.


"H-Ha?" Nauutal pa ako.


"May problema ba sa 'yo ngayon?" nakangusong tanong ni Wesley at nagsalubong pa ang mga kilay niya no'ng bahagya siyang lumapit sa 'kin. "Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo 'ko naririnig."


"Ha? Eh? W-Wala naman..." sabi ko lang at tuluyan ko nang isinilid sa bag ko 'yong sketchbook. Doon pa rin kasi nakatuon ang mga mata niya. Malabnaw naman akong ngumiti. "Bakit, ano ba 'yon?"


Saglit niya pa akong tinitigan bago may gumuhit na gitla sa noo niya. "Pumayag na si, Maddie, na sumali sa singing contest."


Nilingon ko si Maddie. "Weh?" mula sa mataas na tonong sambit ko at tamad naman siyang tumango.


I gathered all my energy to show them how I really feel, that I'm truly happy for Maddie. Excited naman akong gumapang palapit sa kaniya at nag-bow nang nag-bow habang naka-spread ang mga braso na animo'y sinasamba siya. At gumaya na nga sina Wesley at Emon sa akin.


"For so many years!" pakunwari kong naiiyak na sabi. Narinig ko naman ang dalawa na kunwaring umiiyak na rin at ginaya ang sinabi ko.


Nag-usap kami tungkol sa pagkanta niya, at habang papunta kami ni Wesley sa school ay pinag-uusapan namin kung paano namin siya matutulungan para makasama siya sa field trip... and this is the solution we came across along the way.



I didn't expect that Maddie would accept our offer to her since she told me the reason why she didn't want to sing anymore. Wesley and Emon are aware that they haven't heard Maddie sing for a long time... but the only thing they aren't aware of is her reason.


But here it is... after a long time that she stopped singing, she will show off her beautiful voice once again. Sa moment na 'yon ay nagawa kong ibaling ang tingin ko pabalik do'n sa lalaki, at napagala na lang ang mga mata ko no'ng hindi ko na siya nakita ro'n.


No'ng mag-uwian ay hindi ko ulit nakasabay sina Wesley, madilim-dilim na rin at kaunti na lang na estudyante ang nakakasabay ko sa paglalakad dahil late na kami pinalabas ng last subject namin. And instead of being afraid of what was expected to happen to me, my curiosity about the man earlier prevailed.


Matapos kasi na mawala siya kanina ay hindi ko na siya nakita pa sa buong school. At mahiwaga pa rin sa akin kung paano siya nakapag-enroll nang napaka late na. At bakit pang-elementary ang uniform niya? Sa ganoong pag-iisip ay bigla akong napahinto sa paglalakad at naialis na lang ang kapit sa straps ng bag.


"Tagal mo, ah?" nakangising sabi no'ng lider nila habang papalapit sila sa 'kin. Kahit pa na makikita na hindi siya galit, pero sa tono pa lang ng boses niya ay sigurado ako na muling babaon ang palad niya sa pisngi ko.


"Tang ina nito... Kanina pa namin hinihintay 'yong pera namin. Bobo ka ba?" sabat no'ng isang lalaki na nasa likod niya.


I stooped my head down, fearful of feeling the numbness of my cheek from the smack again. "Ah. L-Late na kasi kami pinalabas... saka, m-may pinagawa pa kasi sa 'min... l-long quiz... medyo mahirap kaya... natagalan ako sa pagsasagot..."


"Bobo ka nga!" Nagtawanan sila.


I was playing with my fingers, at sa sobrang lakas nang pagkuyom-kuyom ko nito ay pakiramdam ko ay mababalatan ko na ito. Kahit pa halos manlamig na ako sa sobrang takot ay nilakasan ko pa rin ang loob ko na mag-angat ng ulo.


"S-Sorry..." No'ng pag-angat ko ng ulo ay napahinto na lang ako sa pagsasalita.


Puno ng pagtataka ang mukha ko no'ng makita silang mas takot pa sa 'kin habang ang mga mata nila ay nakatingin sa likuran ko. Nakayuko silang umaatras, at napatakbo na lang silang lahat no'ng sumenyas 'yong lider nila sa kanila.


Nanginginig pa ang buong kalamnan ko nang lingunin ko ang lalaking lumagpas sa kanan ko... and I saw who they were looking at, and who made them feel like a scaredy-cat...


He was still in his elementary uniform while he was just quietly walking and carrying a plastic bag of lomi.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top