Chapter 5
WARNING: EXTREMELY SENSITIVE CONTENT. VIOLENCE. RAPE.
Halos mabingi ako at hindi maramdaman ang pisngi sa papamanhid nang malakas niya akong sinampal. No'ng marahas nilang hawakan ang mga braso ko para iayos sa pagtayo paharap sa lider nila ay takot na takot kong tinatago ang mukha ko. Iniiwas ko ang sarili ko na makatanggap ulit ng suntok o sampal.
"Ano nga 'yong sinabi mo?" I was shaking as I bowed and just backed away when I saw him walking towards me. Umatras ako nang umatras at naramdaman ko na lang sa likuran ko ang malaking troso. Hinarang ko agad ang mga braso ko sa mukha ko no'ng pabiro siyang umamba ng sampal. Nagtawanan sila at nasilip ko na kinalikot lang niya ang tainga niya. "Medyo nabibingi na kasi ako, e."
Wesley, Maddie, and Emon, they were not with me, I was all alone, and that only meant that I had no protection. Habang nagbibisikleta ako ay hinarangan nila ako at dinala rito sa bakanteng lote kung saan dito tinatambak 'yong malalaking troso. Malayo-layo pa sa bahay namin.
"Ah... pang ilan na ba 'to? Isa... dalawa... apat..." Nagbilang siya sa mga daliri niya. And I saw a smile on his lips and heard his deafening laugh... even the movement of it was so detailed in my eyes. There is no mercy in it. "Oh! Pang sampung ka na pala? Medyo humina na pandinig ko sa dami nang nasampal ko ngayon!"
"B-Bakit niyo ginagawa 'to?" My mouth quivered as I tried to stop from crying.
"H'wag mong ibahin ang usapan... Ano 'yong sinabi mo?!" Nakabibinging sigaw niya at noong umamba ulit siya ay napaakto kaagad ako. Para akong nayuping lata nang yumuko ako at hinarang ang mga braso. And still, they were still making fun of me for looking so scared.
"Hindi... Hindi ako magbibigay ng pera sa inyo!"
Matapos kong isigaw 'yon ay inaasahan kong tatama ang kamao niya sa kahit anong parte ng katawan ko, pero nakita ko siyang walang emosyong nakatitig lang sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan niya habang pinagmamasdan lang ako.
Pero kahit pa na hindi ko malaman ang laman niyon, alam kong iisa lang ang gusto niyang gawin sa 'kin... ang saktan ako. After a while, he just grinned as he boastfully blew air through his nose and rubbed his chin, restraining himself from beating me.
"Hindi?" he asked with wide eyes. Kahit sa paghakbang niya lang palapit sa 'kin ay naalarma na kaagad ako. Wala akong magawa, tanging pagnginig at pagsalag ng sarili lang ang nagagawa ko.
Noong sumigaw siya ay natataranta akong tumango-tango. I heard him snicker as he watched what was happening to me, terrified. Kahit sa pag-angat niya lang ng palad ay kinatakot ko na 'yon.
Sinenyasana niya 'yong lalaki na nakaupo sa troso, nakapamulsa ang mga kamay. Tumayo naman kaagad ito at nilabas ang nasa bulsa nito saka agarang inabot 'yon.
Nakayuko lang ako noong tumabi sa 'kin 'yong lider nila. At halos manghina na ang mga tuhod ko noong inakbayan niya ako. Gamit ang nakaakbay niyang braso ay tatlong beses niyang tinuktok ang gilid ng ulo ko.
Pinakita niya sa akin ang hawak niya, at phone ito na inabot sa kaniya noong lalaki. Nanginginig pa ang mga labi ko nang tingnan 'yong nasa screen ng phone, nakikita ko lang sa screen 'yong hindi naka-play na video. Mukhang nasa abandonadong building, maliwanag ang flash ng camera, may flash... gabi na ito.
Using his thumb, he played the video. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga lalaking nasa paligid namin, pagkarinig nila noong tili ng babae ay narinig ko silang nagsitawanan. Naramdaman ko naman ang pagsabunot ng lider nila at marahas na tinapat ang mukha ko sa phone.
Hindi ko maimulat ang mga mata ko kahit pa na binabantaan niya na panoorin ko ang video. Lumalagaslas na ang mga luha ko habang umiiling. Sila ang nasa video, pinapalibutan nila 'yong babae. She was still in her uniform, she was crying loudly, begging, and she was struggling to escape while a man was moving behind her... her plea was not spared.
"Tama na... a-ayoko..." bulong ko habang mariing pumikit at umiiling. "Tama na!"
"Tang ina! Panoorin mo sabi!" He yelled in my ear and they laughed loudly.
"Pakiusap!" I said in a wailing plea.
Mabilis niyang dinapo ang kamay niya pasabunot sa bangs ko, habang nakasabunot ang buhok ko ay pwersahan niyang inangat ang ulo ko. Sumisigaw siya na kapag hindi ko binuksan ang mga mata ko ay tutusukin nila 'to. Nang agad akong magmulat ay may nakaabang nang stick patusok dito.
Kahit pa nanghihina na ako at hindi na maiproseso ang mga nakikita kong nangyayari sa video ay wala akong nagawa kundi ang sundin sila. Nang matapos ay binitawan na niya ako at doon na rin ako napaluhod at napakapit nang mahigpit sa damuhan.
"A-Anong... Anong ginawa niyo sa kaniya?!" I screamed as I sobbed.
"Gago, Drave, 'di niya pinanood?!" Dinig kong sumbong noong lalaking nag-abot ng phone sa kaniya.
Mabilis naman akong napatayo no'ng maaninag ko ang paglapit no'ng Drave sa 'kin. Sinubukan kong makatakas pero napabalik na lang ako sa puwesto ko nang malakas na malakas akong sinipa sa dibdib ng kasama nila.
Naghahabol pa ako nang hininga ay agad naman akong sinabunutan ng lider nila at hinila pa ito para itayo ako. Habang nakasabunot ang kamao niya sa akin ay nangingitngit niya akong tiningnan.
"Sigurado ka na ba na hindi ka na magbibigay? Ha? Eh, pa'no 'to?" Pinakita niya sa akin ang phone niya.
"Hindi... h-hwag..." napapailing na sabi ko. I couldn't get my words straight and almost fainted when I saw Maddie on his phone. He left slid the screen, and I saw Wesley and Emon in it.
Nang makarinig ako ng pito sa gilid ko ay agad akong napatingin doon. Napakadilim ng paligid dahilan para hindi ko maaninag nang maayos ang mukha nito, pero napanood ko ang kamay niya na hawak ang balisong at pinaglalaruan ito. Umakto pa ito na marahas na sumasaksak sa ere. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko habang pinoproseso ang nangyayari.
Malakas akong tinulak ng lider nila at napadapa na lang ako sa sahig. Habang ipit ang labi at umiiling at nagmamakaawa sa kanila, aligaga kong kinuha ang bag ko at hinanap ang wallet ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko sa paghahanap.
"Ahhh..." umiiyak na singhal ko nang hindi ko mahanap kaagad 'yong wallet. I was sobbing while hearing their maniacal laugh. Nang mahanap ko ito ay mabilis akong gumapang palapit sa lider nila at nakaluhod na inabot ito. "G-Gawin niyo kahit anong gusto niyong gawin sa 'kin. Kunin niyo na 'to... Kunin niyo na lahat... kunin niyo na... h'wag niyo lang guluhin ang mga kaibigan ko. P-Paikusap..."
"Ito! Pwede ba 'to?!" Sa gitna ng pagmamakaawa ko ay sumingit 'yong lalaki, nakita ko siyang tuwang-tuwa na nakasampa roon sa bisikleta ko. Kinikilatis ang mga parte nito. "Ganda!"
"H'wag kang magulo diyan, Zachary!" Lumapit 'yong isang kasama nila roon. Nakikipag-agawan sa bisikleta ko. "Tang ina mo! Ako nakauna dito!"
Narinig ko naman ang pagngisi ng lider nila bago ito nakapamulsang naglakad paalis. Sumunod naman agad sa kaniya 'yong mga kasama niya. Ang iba, habang papaalis ay pinagkakaguluhan nila ang bisikleta ko.
Nakaluhod lang ako at pinapanood sila na tuwang-tuwa sa mga nakuha nila sa 'kin. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay doon na lang ako impit na napaiyak at hinang-hina na sumandal sa troso.
Gulong-gulo ang isipan ko at parang hindi ko na marandaman ang buong katawan ko sa sobrang panlalamig. Halos hindi ko na rin maramdaman ang panginginig ko at pagluha nang malubha ng mga mata ko.
My head was so messed up that I badly wanted to die it down, so I couldn't help but hit it with my fist a few more times. Until I just started crying with noise that almost flooded the air. Ganoon lang ang nangyayari sa akin hanggang sa namataan ko na lang ang sarili ko na nakatulalang naglalakad pauwi.
Nang may masipa akong bato ay napahinto ako at nagsimulang umiyak nang maalala ulit 'yong nangyari. Mariing kumuyom ang mga kamao ko at mabilis na yumuko para pulutin 'yong bato at saka ko ito malakas na hinagis patama roon sa bahay na wala nang nakatira.
After that, I just heard a loud crash with a sharp, ringing sound. Hindi ko sinasadyang patamaan 'yong bintana, nabasag ko ito. That wasn't really my intention, my hands are even not harmful! Napayuko na lang ako at umiiyak na patakbong umuwi.
Si Kuya Ikio ang nagbukas ng pinto para sa akin, pinagalitan niya ako dahil gabi na akong nakauwi. Pero mas tatanggapin ko pa na magalit siya tungkol doon kaysa sa nangyari.
"Napapadalas na 'yang pag-uwi mo ng gabi, ah?" istriktong sabi ni Kuya pagkasara niya ng pinto. Buti ay nagawa kong itago ang pisngi ko sa kaniya at dahil din sa sala na lang may ilaw. "'Di na uwi 'yan ng mabuting anak, Isko."
Kapag nalaman niya 'yon at pinagalitan niya ako tungkol do'n, hindi ko na alam ang iisipin ko... hindi ko kayang pag-isipan ng masama si Kuya Ikio. I just couldn't imagine that he is more angry with me than the people who did wrong to me.
"Sorry, ho," nakayukong sabi ko at saka na naglakad papuntang kusina para kumain matapos mahubad ang sapatos at makitang pumasok na sa kwarto si Kuya.
"Magsabi ka kay Mama do'n," dinig kong sabi ni Kuya.
Sa pagkain ay nararamdaman ko pa rin ang naiwang panlalamig sa dibdib ko at dahil na rin sa pag-iyak. Nang matapos ay pinuntahan ko si Mama sa kwarto niya at nagsabing nakauwi na ako. Tinanong niya ako na kumain na ba ako at sinagot ko naman 'yon ng opo.
The next morning, I was just sitting on the side of my bed in a daze, my mind and eyes were just drifting to the movement of the tree leaves yielded by the wind.
I'm thinking how I can solve the bike that I lost that Kuya Ikio gave me as a gift. Mukhang napaka halaga pa naman niyon sa kaniya. Pinaalalahanan niya pa ako na ingatan 'yon pero hindi ko nagawa.
"Nag-chat sa 'kin Kuya mo kagabi." Napakurap-kurap naman ako nang marinig kong magsalita si Wesley.
Naglalakad lang kami ngayon papuntang school. Pagkapunta ko kasi sa kanila ay nakita niya ako na walang dalang bisikleta. Tinanong niya ako kung bakit pero hindi ko sinabi 'yong totoo, ang dinahilan ko lang ay nasira ang kadena nito at matagal pa bago mapalitan.
Hindi namin kasabay sina Maddie at Emon dahil nauna na ang mga ito. Si Maddie naman ay kailangan talagang pumasok nang maaga dahil SSG Officer siya, pero si Emon ay hindi namin alam ang dahilan niya kung bakt siya maagang pumasok kahit pa magkaklase lang naman kami.
"Anong sabi?" tanong ko kay Wesley na hindi siya magawang tingnan. Lumilipad pa rin kasi ang isipan ko roon a bike.
"Hinahanap ka. Alalang-alala sa 'yo," sabi niya at binigay naman niya sa 'kin ang phone niya.
Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya at nang dumapo ang mga mata ko sa screen ng phone niya ay nakita ko 'yong mga messages ni Kuya Ikio. I saw three fat message boxes and four slim ones. Sa dami at haba ng iba ay 'yong pasabi nag-aaalala na mama saka kuya niya, ha? lang ang tumatak sa isipan ko. Ang lambing ng boses niya rito.
"Anong oras ka na ba nakauwi?" tanong ni Wesley pagkaabot ko ng phone niya sa kaniya at inakbayan niya ako.
"Ten na. Napadaan pa kasi ako kina Ate beng, eh." Pagsisinungaling ko.
"Ah! 'Yong nagtitinda ng ice pop? Malapit sa elem school natin dati?" I put a small smile on the other side of my lips and nodded. "Marami talagang kuwento 'yon! Ang hirap nga makaalis agad 'pag nagsimula na 'yong magtanong! 'Yong tanong niya may pa-follow up pa! Kulit din no'n, 'no? Kahit plastic na lang 'yong tawa ko aliw na aliw pa rin siya."
Tumawa naman siya sa sinabi niyang 'yon. Pangising umiling na lang ako bago humugot nang malalim na hininga at naglagay ng ngiti sa mga labi, saka ko siya mabilis na hineadlock at kinutusan at patakbong iniwan siya.
"Ang mahuli may tae sa puwet!" tumatawang sabi ko sa kaniya at nakita ko naman siyang sumigaw at hinabol ako para gumanti.
Wesley and Emon didn't go home with me yesterday, they were at their friend's house, hanging out to play ML. Hindi ko hilig ang video games kung kaya ay hindi ako sumama sa kanila at mag-isa akong umuwi noon. Si Maddie naman ay SSG Officer kaya kailangan pa siya sa school.
Madalas nang nangyayari 'yon sa amin, so I don't know what terrible surprises are going to happen next, with me.
Napahinto ako sa pagpupumiglas sa malaking braso ni Wesley na nakapulupot sa leeg ko at unti-unti ring nawala ang tawanan namin nang makita namin sa gate ng school 'yong lola na nagpo-protesta.
Lumuwag ang braso ni Wesley sa a'kin at sabay kaming napatayo nang maayos at marahang naglakad habang pinapanood na nagmamakaawa si Lola sa mga guard. May bitbit siyang banner na ang nakasulat ay Justice for Belle.
"Napaka bata pa ng apo ko!" umiiyak na pagmamakaawa ng lola. "Masayahing bata si Belle... hindi ako naniniwala na may sakit ang apo ko dahil pinalaki ko siya ng tama... Kahit pa iniwan 'yan ng mama niya, hindi ako nagkulang bilang lola niya!"
Habang nakaakbay sa 'kin si Wesley ay napatangay ako sa kaniya nang hilain niya ako papasok sa loob. Sinasabihan na rin kasi kami ng mga guard na pumasok na dahil nahaharangan na 'yong daan dahil sa mga estudyanteng nag-uumpukan at pinapanood ang nangyayari.
"Ilabas niyo 'yong gurong nagpahiya sa apo ko! Pinalabas niyo pa na may depresyon ang apo ko para pagtakpan 'yong kasalanang pamamahiya ng guro ni'yo!"
Sa paglalakad namin papasok sa loob ay hindi ko maalis ang tingin ko sa lola. Hanggang papuntang english building ay hindi mawala ang isipan ko sa nasaksihan, kinailangan ko pang tanungin ulit si Wesley kung ano 'yong sinabi niya dahil hindi ko 'yon narinig.
"Sabi ko, malapit na 'yong field trip!" Tiningala ko 'yong tarpaulin na nakapaskil dito sa englsih faculty. Binasa ko 'yong mga lugar na pupuntahan namin at kasabay namin sa araw na 'yon 'yong mga grade 1 to 3. "Sabay-sabay tayo magbayad ah, para tabi-tabi tayo!"
Tinanguan ko lang siya. Sa room ay nagkakahiyawan na ang mga kaklase ko nang makita nila na nasa kamay na ng president namin 'yong test paper sa science. Dahil alpabhetical 'yong sitting arrangement namin ngayong last quarter ay napunta ako sa second row, si Wesley ay nasa likuran naman ni Emon, doon sa 1st row.
Hindi kami magkakatabi at nakita ko naman sila na kinakabahan na rin sa results ng exam. Nang magtama ang paningin naming tatlo ay sabay pa sila na umaktong kinakabahan habang OA. na nakahawak sa dibdib na animo'y malakas ang pagtibok nito para tumalbog-talbog nang ganoon kalakas.
"Walang magkakatampuhan, ha?" sabi ko sa kanila. Nasa tabi ko na sila dahil nakipagpalitan muna sila ng upuan.
"Okay!" sabay-sabay nilang sagot.
Hawak ko 'yong papel ni Emon, at hawak naman niya 'yong kay Wesley. Hawak ni Wesley 'yong sa 'kin. Sabay-sabay kaming nagbilang ng tatlo at tiningnan ang hawak na papel.
"Ba't ang baba mo?" sabi ni Emon kay Wesley.
Agad naman niyang hinablot 'yon at tiningnan 'yong score niya. "Nagtaka ka pa? 'Di ko kaya maintindihan sulat mo, ang pangit ng sulat mo!"
Napabuntog-hininga na lang ako, sabi ko walang magkakatampuhan, e.
"Ikaw na nga kumukopya ikaw pa galit?" sagot naman ni Emon sa kaniya. Mukhang nasasaktan siya.
"Sino ba 'di magagalit eh, ang ayos-ayos nating pinagplanuhan 'to tapos ganito lang?" Nakukuha ko naman 'yong tampo ni Wesley, hindi nama kasi kalayuan 'yong agwat ko kay Emon, mababasa niya pa rin ang sagot ko pati na rin 'yong inaral naming sign language na A to E.
"Ayoko na,"sabi ni Emon at napatayo siya. Kunwari siyang nasasaktan sa sinabi ni Wesley. "Ayoko na kay Wesley, nagrereklamo sa sulat ko kapag may sagot na!"
"Ang plano kasi lakihan mo, eh!" mataas na tonog sabi ni Wesley, pero kahit tonong galit niyang sinabi 'yon ay may halo pa rin 'yon na natatawa siya.
Kinuha ko naman 'yong papel ni Emon para tingnan 'yong tamang sagot sa number 37, hindi kasi nalagyan ng tamang sagot 'yong akin. Sa parte na kasi 'to ay dito ako nagdadalawang isip sa isasagot ko. At tama nga ako na mali, tama sana 'yong sagot kong C! Pinalitan ko lang ng letter D!
Pinagsisihan ko 'yon hanggang sa mag-uwian kami! Sa paglalakad ay iniisip ko 'yon! Napaka sayang no'ng 1 point! Kung hindi ko lang pinalitan 'yong sagot ko ay iksakto 30 sana 'yong score ko! Napansin naman nila 'yong pananahimik ko kung kaya ay kinulit nila ako kung ano 'yong iniisip ko.
"Sayang ga 'yong laing..." Napahinto ako sa paglalakad sa narinig. Nilingon ko 'yong bahay na walang nakatira na ngayon ay ni-re-renovate na. "Dapat pala binaon ko kahapon, napanis laang, eh!"
"Isko, bakit?" curious na tanong ni Wesley at napapatingin na rin sila doon.
Gulat na gulat naman silang napahawak sa dibdib nila at napaatras pa noong sumigaw ako. Sabay-sabay naman kaming napalingon sa sumigaw ng hoy at galing 'yon doon sa mama na naglalagari. Nag-sorry naman kami agad at patakbong umalis.
"Sayang 'yong unang sagot ko!" Napapsabunot na ako sa buhok ko sa sobrang panghihinayang. Nasabi ko na sa kanila 'yong dahilan ng pananahimik ko.
"H'wag ka kay Wesley, kaka-debut lang ng score niya!" pang-aasar na sabi ni Emon. Natawa na lang din si Wesley at inambahan ng suntok si Emon. Nagbibiruan na nga sila. "Kahit anong corretion'g gawin niyan 'di na talaga magsisisi. Kinopya niya lang lahat ng sagot, eh!"
"Ang pangit pa rin ng sulat mo! Sulat na mukhang kulubot ng betlog!"
Sa sinabing 'yon ni Wesley ay napahagalpak ako sa kakatawa, at sa inis naman ni Emon sa kaniya ay nagpambuno na nga sila hanggang sa makarating kami sa bahay. Hanggang dito sa kwarto ko ay hindi pa rin sila tapos mag-asaran!
Hinayaan ko na lang sila na ganoon at inisip ko na lang ang sarili ko. Nagbasa-basa lang ako ng libro na bagong bigay sa 'kin ni Mama, ang binabasa kong encyclopedia ay tungkol sa rodents, a large group of animals.
Nakahiga ako sa kama habang nagbabasa niyon at maya-maya ay tumabi na sila sa akin at nakikibasa na rin. Pero ayon, kada may makikita silang picture ng hayop ay ginagamit nila 'yon pang-asar sa isa't isa.
Kamukha daw ni Emon 'yong member ng suborder hystricomorpha, 'yong capybara. Kasing kapal daw kasi ng pilik mata niya 'yong balahibo nito. Saka gano'n din daw 'yong mata niya katulad ng sa capybara, na parang may inaaninag sa malayo! Eh, malabo naman talaga kasi 'yong panginin ni Emon! Baliw nga.
Napuno naman ng tawanan ang kwarto ko dahil sa mga kalokohang ginagawa nila. Nang dumidilim na ay napagplanuhan namin na tumambay doon sa poste ng ilaw kaya naman no'ng matapos akong kumain at maghugas ng pinggan ay nagpaalam agad ako kay Mama saka kay Kuya Ikio. At gano'n pa rin si Kuya sa 'kin, na bago payagan ay papagilatan niya muna ako.
"What is heart attack?"
"Heart attack... is the attack on the heart?" sagot ko sa tanong ni Maddie.
Dumagundong naman 'yong tawanan nila Wesley saka Emon na nasa tabi ko. Halos hindi na rin sila makahinga sa kakatawa. Sa ilalim ng dilaw na liwanag galing sa poste ng ilaw, ay nasa harapan namin si Maddie.
Nakaupo kami sa sahig na tanging mga tsinelas lang ang sapin sa puwetan. Si Maddie 'yong nakaupo sa bloke ng kahoy habang hawak-hawak niya 'yong test paper namin sa science, ni-re-review niya kami kahit pa tapos naman na 'yong exam.
Napahinto naman kami sa pagtawa nang pakunwaring umubo si Maddie, seryoso ang mukha niya na kapag gumawa pa kami ng kalokohan ay pupunitin na niya 'yong mga papel namin sa kamay niya. Mabilis naman kaming umupo nang maayos at seryosong nakinig.
Bumuntong-hininga siya bago muling tinuon ang mga mata sa papel. "What is the difference between physical and chemical changes?" tanong niya sa 'min.
Napalingon naman kami kay Wesley noong mag-react siya, para pa siyang nakikipag-unahan sa amin sa pagsagot no'ng pasigaw siyang nagtaas ng kamay. "The physical change is physical while the chemical change is..."
"Chemical!" sabay-sabay naming sabi at nagtawanan ulit.
"Woohhh! Ang talino ko!" Napatayo na si Wesley sa tuwa at sumayaw pa! "Oh, yeah!"
Tumayo na rin kami ni Emon at sinabayan siya.
"Aye! Aye! Aye! Aye! Aye!" malakas na sigaw namin. "Sayaw, Wesley! Sayaw, Wesley!"
Sumayaw naman siya at nag-twerk pa! Pagkatapos niya ay para siyang may kung anong imagination na bagay sa kamay niya na hinagis naman niya kay Emon.
"Sayaw, Ester! Sayaw, Ester! Sayaw, Ester!" sigaw namin ni Wesley sa pangalan ng nanay niya.
At wala pang ilang segundo ay takot na takot kaming napabalik agad sa pag-upo at naghahampasan na kami para sawayin ang isa't isa na maging seryoso na at h'wag na mag-ingay dahil hindi na talaga natutuwa si Maddie sa amin. Umayos na kami at parang maamong tuta na tiningala si Maddie na nakataas na ang isang kilay.
Napabuntong-hininga na lang ulit siya.
"A physical change involves a change in the form or state of matter without a change in its chemical composition. Examples include, melting ice or..." paliwanag na sabi ni Maddie at sabay-sabay na lang kaming napatakip ng bibig noong biglang pinunit ni Maddie 'yong papel ni Wesley! Nakita ko naman siya na nakataas ang kamay, balak niya pa sanang pigilan si Maddie pero huli na siya. Nahati na 'yon sa dalawa! Para na siyang naiiyak. "Tearing paper. On the other hand, a chemical change results in the formation of new substances with different chemical properties. Examples include are burning wood, pagbabago ng kulay o temperatura, or rusting iron."
Pero kunwari lang naman na naiiyak siya, alam naman na din niya na hindi na rin mahalaga pa 'yong test paper namin dahil na-record na 'yong score noon. Walang pakialam na tumatawa na nga lang siya habang sinusundot niya 'yong tagiliran ni Emon kung saan do'n ito may kiliti.
"Ah!" Pag-react ko nang maintindihan ko kahit papaano 'yong paliwanag ni Maddie. "So sa physical changes katulad nitong papel na pinunit mo, may nagbago lang sa pisikal na hitsura niya pero papel pa rin siya. Sa chemical changes naman is permanent 'yong pagbabago niya like 'yong burning wood, which is 'di na babalik sa dati nitong hitsura."
"Diyos ka na no'n kung kaya mong ibalik," kumento ni Emon at simaan naman siya ng tingin ni Maddie.
"Hmm," pagsang-ayong sambit ni Maddie! Sa kaniya lang talaga ako tumatama! "And may category 'yon, nature of change and reversibility. So 'yong ice is made out of water siya, so even though na mag-melt siya, 'yon pa rin 'yong chemical composition niya, water. Reversibility, i-freeze mo 'yong tubig para gawing yelo ulit. Gano'n. Sa chemical changes, like kapag nag-bake ka ng cake, need mo ng ingredients like flour, sugar, and eggs para magawa 'yon. So may bagong substance na nabuo na tinatawag na chemical bond, but sa given example ko it is not easily reversible."
"Not easily reversible? May chance?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Wesley. "Pwede pa ba mabalik 'yon sa harina, asukal saka itlog?" tanong niya. Sabay namang bumilog ang bibig namin ni Emon sa pagkamangha. Naiintindihan niya rin! Matalino naman talaga siya, kulang lang din sa focus katulad ko.
"Wala akong sinabi na hindi, 'di ba? So pwede." Umikot ang mga mata ni Maddie. "Duh, iba na technology ngayon. Kahit ibalik ka nila sa pagiging fetus kayang-kaya nila."
"Eh?" Pag-react ni Wesley at nakita ko pa na nag-isip siya habang nakalapat 'yong daliri niya sa labi niya.
"Naniwala ka naman? 'Di ka na magbabago, ganyan ka na talaga. May pitik sa utak." Si Maddie. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang nakikipaglokohan sa 'min, matapos kasi no'ng pumunta kami sa Mahinhin Beach ay pansin ko talaga 'yong pananahimik niya bigla doon hanggang sa makauwi kami.
"Bakit? May problema ba sa 'kin, ha? Itong mukhang 'to?" sabi naman ni Wesley sabay turo sa mukha niya.
"Mukhang pigil na utot," dugtong na sabi ni Maddie at napatakip naman ako ng bibig para itago ang tawa ko.
"Mo blue," hindi naman nagpapatalong gatong pa ni Wesley.
Inirapan na lang siya ni Maddie at naglagay ulit ng seryosong mukha sa 'min. "So take note, chemical changes are not always reversible. Depende 'yon sa specific conditions. Kuha niyo na?"
"Whoa... I love science," sabi ko at natawa naman sila. Iyon na lang ang masasabi ko.
"So..." Mabilis kaming napalingon kay Emon. Sa dalang niyang magsalita habang nagle-lecture si Maddie ay kuhang-kuha niya talaga ang atensyon namin kahit pa na isang salita lang 'yong binanggit niya. "'Yong score natin sa final exam na nineteen, twenty-one, twenty-nine... chemical change?"
At humagalpak na nga kami sa kakatawa. Mas lalo pang lumakas ang tawa ko noong mapahiga na sa sahig si Wesley, nadumihan 'yong likuran niya. Todo pagpag tuloy siya niyon habang hindi pa rin maka-get over sa pagtawa. Napapahawak na ako sa tiyan ko dahil hindi na ako makahinga!
"Late ka nang tumalino, palyado pa," napapamasahe sa sintidong sabi ni Maddie.
Isang malalim na buntong-hininga na lang ang naisagot ni Maddie sa tanong na 'yon ni Emon, at para namang pasuko na talaga siya sa amin no'ng padabog niyang nilapag sa tabi niya 'yong mga papel namin. At nakita ko na nga siyang iritableng napasabunot sa buhok niya.
At para kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam niya sa amin ay nag-offer na kami sa kaniya na ililibre na lang namin siya ng fudgee bar at soft drinks. Tumayo na sina Wesley at Emon para bumili at nakabalik naman sila kaagad.
Makikita talaga ang pagkakaiba-iba namin sa hawak naming fudgee bar, ang flavor ng sa akin ay vanilla, 'yong kulay blue. Kay Wesley naman macapuno, 'yong kulay green. Kay Emon ay chocolate at kay Maddie naman ay 'yong kulay dilaw, milk 'yon.
"Pwede ba 'to?" Pagsasalita naman ni Wesley habang nagkukuwentuhan kami ng nakakatakot at kinakain 'yong fudgee bar. Pagkalingon ko sa kaniya ay bigla namang umihip 'yong malamig na hangin dahilan para umalingawngaw 'yong kaluskos ng mga dahon sa puno na nasa uluhan namin. "What is life? It is what I don't wanna live anymore."
Habang may laman ang bibig ko ay natawa ako sa sinabi niya. Shet, english pa 'yon, ah! "Dark..." natatawang sabi ko at muntik pa akong mabulunan.
Nang gabing 'yon ay yumakap ang mga tawanan, ang walang kabuluhan at may kabuluhang kwento namin sa paligid ng tambayan. That place... it seems that it has become our home, where we could smile and blow away the things we couldn't understand.
Somehow, they put my mind at ease and my heart in bliss. I then realized how joyful it is to have friends, and thus, I started to cherish the blessings of having them the most. I'm so glad that I met these wonderful souls.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top