Chapter 4
"Ikay magdidisisyete na kabagal-bagal mo pa rin, eh!"
Pagkaalis ko sa hawak ko sa bato ay narinig ko 'yong boses ni Kuya Ikio. I quickly moved my gaze to the door. Pinapamadali na naman niya ako. I let out a breath of irritation as I walked towards the bed to get my bag.
Nang maisukbit 'yon ay lumapit ulit ako sa table ko at pinagmasdan 'yong bato. Kinuha ko ito at pinag-iisipan kong dadalhin ko ba 'to sa school, at nang makapagpasiya ay naibaba ko na lang ulit 'yon.
Maybe it's not right for me to bring her anymore. Napangiti na lang ako ng tipid at kinuha 'yong lagayan ng cat food ni Fufu sa may gilid ng shoe rack. Ni-refill ko ang bowl niya at saglit ko lang siyang pinet bago lumabas ng kwarto.
Pagkasara ko ng pinto ay bahagya pa 'kong napatingala rito. Nakita kong umiindayog 'yong door sign kaya nilapat ko ang palad ko roon para mapahinto 'yon sa pag-swing. Saglit naman akong napahinto at binasa ang nakasulat.
Disturbance-free zone:
Violators will be forced to listen to
elevator music on repeat.
Nagtagpo ang mga kilay ko. Napansin kong bumaligtad at napalitan ang sign nito kung kaya ay binalik ko ito sa una nitong nakasulat.
Do not disturb:
I'm busy pretending to be productive.
Tipid naman akong natawa nang mabasa iyon. Since hindi pa tapos 'yong exams namin ngayong fourth quarter ay mas nababagay na 'yan 'yong nakapaskil dito. Pumito ako at nagsimula nang maglakad.
"Natulog ka na naman ga?!" rinig kong sabi ni Kuya Ikio habang naglalakad pa lang ako sa corridor.
Napahinto naman ako sa pagpito. "Pababa na!" malakas na sagot ko.
Pagkatapat ko sa kwarto ni Ate Ingrid ay agad kong ipinreno ang mga paa ko nang may mapansin ako sa pintuan niya. Tatlong hakbang ang ginawa kong pag-atras at iginiya ang katawan paharap sa pintuan niya.
Warning:
Knock gently to prevent emotional eruptions.
Enter at your own risk!
I sarcastically snorted. Nakita niya lang na may gano'n ako sa kuwarto ko, ginaya na niya ako? I can't believe that even though she hates me so much, she can still mimic what uniqueness I have! Walang originality! Saka dati naman ay hindi siya nagsasara ng pinto!
Muli kong binasa ang nakapaskil sa pintuan niya. I hissed. "Totoo ba?" What will happen if I knock loudly?
An idea immediately formed in my mind. Kinuyom ko ang kamay ko at hinanda ang mga paa para sa susunod na gagawin. Malakas kong kinatok ang pinto gamit ang kamao ko at nakarinig agad ako nang malakas na sigaw galing sa kaniya!
Mas malakas pa 'yon sa pagputok ng bulkan! Napaataras at napa-igtad naman ako sa takot nang marinig ko ang pagkalampag ng pinto! No'ng marinig kong tumunog ang door knob nito ay kumirapas na kaagad ako nang takbo.
"Isko! Napaka epal mo talaga!" sigaw ni Ate Ingrid habang nakalabas ang kalahati ng katawan niya sa pinto patingin sa akin. "Mamatay ka na!"
Tinawanan ko lang siya at hindi na siya pinakialaman. Nang makababa ako ay nakita ko si Kuya Ikio na naghahanda na ng almusal sa mesa.
"Libog-libuge naman ang lakad!" sabi niya pagkakita niya sa akin at sa halip na bilisan ko ang lakad ko ay mas lalo ko pa 'tong binagalan, 'yong parang naglalakad ako sa buwan!
"Moon... wa... lk!" slow motion na sambit ko.
Noong makita ko siyang namaywang at umigting ang mga panga, 'yong mukhang hindi na siya nakikipagbiruan ay tumawa na lang ako at binilisang maglakad paupo sa harap ng mesa. Nag-sorry naman ako at saglit na nag-peace sign sa kaniya. Napailing na lang siya.
"Umuwi ka nang maaga mamaya. Samahan mong mamalengke si Mama," sabi ni Kuya habang hinahandaan niya ako ng gatas.
"Okay!" nag-okay sign na sabi ko habang may laman pa ang bibig.
"Pinag-trip-an mo na naman 'yong Ate mo, siya nagluto niyang tapsilog, eh!"
I quickly stopped chewing. Napatingala naman ako roon sa itaas ng hagdanan at saka ibinalik ang tingin sa pagkain. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung magpapasalamat ba ako dahil nagluto siya ng paborito ko o hindi dahil buong araw niya akong sinungitan no'ng isang araw.
Hindi niya pa ako tinulungang mag-review sa science para sa final exam, kaya pakiramdam ko mababa ang makukuha kong score do'n. Sa dami ng rason ko ay deserve niya lang ng sala sa salitang salamat.
Kinibit-balikat ko na nga lang 'yon at binilisan na ang pagkain nang makita ang oras doon sa nakasabit na wall clock. Nauna na rin si Kuya Ikio sa pag-alis dahil tinawagan na siya ni Mang Alberto, kailangan na siya roon sa shop. Mabilis ko namang niligpit at hinugasn ang kinainan ko bago ako nag-toothbrush at nagsuot ng sapatos.
Patakbo pa akong pumunta sa likod ng bahay para kuhanin 'yong bisikleta na binigay sa akin ni Kuya Ikio. Pinatunog ko muna ang bell nito bago sinakyan. Nakita ko namang nakaabang na sa 'kin si Wesley doon sa harap ng gate nila.
Sumabay na siya sa pagbibisikleta ko at nag-unat siya ng kamao, nakipag-fist bump naman ako sa kaniya. Pagkadaan namin sa bahay nila Maddie ay huminto kaaagad kami.
"Kiriray!" mula sa buong-buo boses na tawag ni Wesley sa kaniya.
Wala pang ilang segundo ay bumukas kaagad 'yong pinto at iniluwa niyon si Maddie na nagmamadali sa pagsusuklay ng buhok palapit sa amin. Bago siya umangkas sa bisikleta ni Wesley ay pasiring niyang sinipa ang gulong nito.
"Kiriray ka diyan? Mama ko lang 'yon," sabi ni Maddie at natawa na lang ang lalaki.
Sumabay na rin si Emon sa amin na naghihintay sa ilalim ng poste ng ilaw, sa tinatambayan namin. And we split up after we got to school.
Ang naging kaklase ko pagtungtong ko ng Grade 10 ay sina Wesley saka Emon lang, nahiwalay sa amin si Maddie. She's in the higher section. Saka lang kami nakukumpleto at nagkakasama ulit kapag break time.
At no'ng break time habang naglalakad kaming tatlo sa corridor ay nagpaalam naman sa akin sina Wesley saka Emon na susunod na lang sila roon sa courtyard ng school na napapaligiran ng puno at malapit lang sa soccer field. Kanina pa raw kasi silang dalawa na ihing-ihi.
"Isko, may ibibigay daw si Kyler sa 'yo." Hinarangan naman nila Kurt ang dinaraanan ko, mga kaklase namin ni Wesley.
Nasa likod niya si Kyler na parehong ipit ang mga labi. Nagtataka naman ang hitsura ko no'ng nag-aalangan siyang lumapit sa akin, tinulak pa siya ng mga kasama niya para lang makahakbang sa pwesto ko.
Wala akong ideya kung bakit sila parang kinikilig at tinutulak-tulak pa nila ang kaibigan nila pabunggo sa akin. Nang maglahad ng kamao sa harapan ko si Kyler ay nag-aalinlangan pa akong magmuwestra ng palad para tanggapin 'yong ibibigay niya.
Pagkabigay niya sa akin niyon ay mabilis silang humagalpak sa kakatawa. Hindi naman maalis ang tingin ko sa hawak kong bato na may pentel na drawing, kamay na naka-fuck you. They saw me talking to River in 9th grade, and that's what they always teased me about until now.
Napakagat na lang ako ng pang-ibabang labi. At ilang sandali pa ay mabilis akong napa-angat ng tingin no'ng may humablot noon, at nakita ko na lang ang pagbato niya no'n kay Kyler! Sapul na sapul siya sa ulo, kaya kahit hindi ako ang tinamaan nararamdaman kong umalog 'yong laman ng ulo niya sa sobrang lakas niyon!
"Utak mo 'yan, 'di ba?" sabi ni Maddie. "Binabalik ko lang."
Umamba sila na susugurin nila si Maddie pero mabilis din silang napahinto noong makita na nasa tabi na namin sina Wesley saka Emon. Ang kinatatakutan nila ay 'yong height ng dalawa na parang kayang bumuhat ng tao gamit lang ang isang braso.
Hinila na lang ako ni Maddie paalis at nakasunod naman 'yong dalawa sa amin sa likod na palagpas na inangasan pa sila Kyler. Pagkaupo sa courtyard ay tinatanong ako ni Maddie kung bakit ko ga hinahayan sila na bully-hin ako.
Sinabi ko naman sa kanila na hindi ko sila hinahayaan, sadyang wala lang akong lakas para makipagtalo pa sa kanila. Paulit-ulit lang din naman kasi... nasanay na lang talaga yata ako. I'm really used to it.
"Okay!" I livened up the surroundings. "Malapit na career coaching! Alam niyo na ba kukunin niyong strand sa senior high?"
That day is approaching, hindi naman kami magkakahiwalay ng tuluyan dahil may ino-offer na ring senior high dito sa school namin, actually from kinder to senior high meron ang Fortune Valley Integrated School. Pero dahil sa iba-iba kami ng pangarap ay alam ko na magkakahiwalay-hiwalay ulit kami by academic and class terms.
Maybe the day will come when Wesley and I will be separated too, and I guess no one will defend me anymore. At base sa nakikita ko, senior high is stressful and overly time-demanding, so maybe we would get to the point where we rarely talk and spend time together. Perhaps, I should prepare for that as well.
"HUMSS," sabi ni Wesley habang nakahalukipkip at nakaapak ang isang paa niya sa marmol na upuan. "Mas malapit daw 'yan sa legal studies sabi ni Ate."
"Wow, mag-la-lawyer ka talaga?" I couldn't hide my joy. "Susundin mo 'yong kabilin-bilinan ng lola mo?" sabi ko.
Noong bigla silang kumanta lahat ng Laklak by Teeth ay agad naman akong marahang napa-head bang at sumabay sa pagkanta nila ng linyang kabilin-bilinan ng lola. Nagtawanan na lang kami noong ginawang high note ni Wesley 'yong mga kasunod na linya. Napaka-random talaga nila.
"Maddie?" Baling ko kay Maddie na tahimik na hinihiwalay 'yong taba sa laman sa ulam niyang chap suey. Kinakain naman ni Emon 'yong taba.
"HUMSS din," sabi niya.
"Ayee..." natutuwang sambit naman ni Wesley at naglahad siya ng apir kay Maddie.
Bumwelo naman niyon si Maddie pero agad niyang pinalitan 'yon ng fuck you habang marahan niyang nilalayo 'yon sa lalaki. Napa-react naman si Wesley at nagpakawala rin niyon sabay pasiring na suminghot at umupo.
"Emon?" tanong ko kay Emon.
"Si Emon, alam na!" Na si Wesley naman ang nagsalita. "Nasa business magulang niyan. ABM!" Tinutok niya 'yong dalawang kamay niya na nakapormang baril. He even clicked his tongue and winked.
"Stereotyping 'yan, ah," I said and saw Maddie roll her eyes, agreeing with what I said. "Nag-bu-business din si Mama pero 'di naman 'yan 'yong career inclination ko."
"Deep!" sabi niya at pabirong nalulunod. Ang dami niyang emotions! Sa isang araw yata mabubuo na niya 'yong mga emojis sa keyboard!
"Career inclination more like career interests," sabi ko.
"Ah..." Tumango-tango naman siya.
"Strand mo?" Sabay kaming napatahimik ni Wesley noong marinig naming magsalita si Maddie, tinatanong niya ulit si Emon.
Masyado na kasing lumayo ang usapan kaya sinalba ulit ni Maddie 'yong tanong na 'yon. Saglit namang huminto sa pagkain si Emon para isipin 'yong magiging sagot niya bago siya muling sumubo ng pagkain at nag-isip ulit. We were just looking at him, waiting for what he would say.
"Undecided," he said after thinking for a long time.
"May strand ba no'n?" Napatingin kami kay Wesley.
"Tinutukoy niya ata, GAS," sabi ko at tumungo naman si Emon.
"Ah..." Inosenteng tumango-tango naman siya bago ako nilingon at nginitian. "Baby ko," sabi niya sa akin! "Strand mo?"
Napatingin naman ako kina Maddie at Emon. Wala naman sila masyadong reaksyon sa tinawag sa akin ni Wesley at walang pakialam na nagtatanggal pa nga ng tinga si Maddie gamit ang dila niya habang naghihintay rin sa pagsasalita ko.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Inisip ko nang inisip kung ano ang kukunin kong strand pero bigla na lang akong na-stress! Hanggang sa napayuko na lang ako at inusog ko sa tabi ang baunan ko bago inilubog ang ulo sa lamesa.
"I don't know..." I said, giving up.
"Aww..." rinig kong naaawang sambit ni Wesley habang malamyos niyang ginugulo ang buhok ko. "Explora y Descubre! Explore and Discover. Very soon, mahahanap mo rin 'yong strand na para sa 'yo. Tiwala lang!"
Tipid na lang akong natawa sa sinabi niya. Sa kaka-rewatch namin ng animated film na Rango sa bahay ay naimpluwesnsiyahan na kami nito na mag-aral ng Spanish language! And Wesley likes to use the things he learned in every conversations.
"Bien." Nag-okay sign na lang ako sa kaniya habang nakadukmo pa rin ang ulo ko sa lamesa.
"La vita è bella," rinig kong mula sa malambing na boses na sabi ni Maddie.
Napaayos naman kaagad ako ng upo at tiningnan siya. Nagkatinginan na kaming apat at sabay-sabay na bumwelo, walang pakialam sa sasabihin at iisipin ng mga estudyante sa paligid.
"La vita è bella!" sabay-sabay naming sigaw.
Noong uwian ay tumambay ulit sa bahay si Wesley. Nilalaro lang din naman niya si Fufu kapag ganito na nagpapalipas siya ng oras sa kwarto ko at ako naman ay nagbabasa lang ng libro.
Nang maghapunan ay hindi ulit siya magkapagsalita dahil kasama namin si Mama, he is not exempt from our english-only policy dito sa bahay. Kung kaya ay tahimik na pinapanood niya lang kami na nag-uusap gamit ang salitang Ingles.
He could still understand, but when it comes to normal conversation, he is not that fluent yet. That's why he speaks less and only answers minimally whenever Mom and Kuya Ikio talk to him.
"Bye po, I'm going home na, Tita! Thank you so much for the food!" Paalam niya kay Mama na nasa kusina. Nagpasama pa siya sa akin dito sa baba para ihatid siya sa labas, nahihiya pa rin kahit matagal na siyang kilala nila.
"Please tell your Mom my thanks for the malunggay she gave!" sigaw ni Mama roon. "It was a bit too much so I used the rest to make a tea. I'll give her some tomorrow!"
"Okay po, Tita! Thank you po again!" sagot ni Wesley. Sinitsitan naman niya ako roon sa pinto, nagsusuot pa siya ng tsinelas niya. "Babye."
Tumango naman ako. "Hmm," sambit ko. "Bye." Bago siya umalis ay um-acting pa siya na parang nahihilo at na-no-nosebleed. Natawa na lang ako sa kaniya at nagsara ng pinto.
Noong bata ako ay hindi ko pa alam kung bakit may ganoong policy sa loob ng bahay at kung para saan 'yong malaking baboy na pinaghuhulugan namin ng pera sa tuwing makakapagsalita kami ng Filipino. Ngayon na kaya ko nang makaintindi, nalaman ko na para pala 'yon sa mga katutubong bata at pamilya roon sa Kailugan.
Every christmas ay ginagamit namin ang pera na nasa malaking piggy bank pambili ng mga regalo at pang noche buena ng bawat pamilya roon. Bumabyahe kami papunta sa bayan, maglalakad patawid ng ilog at paakyat ng bundok para puntahan 'yong maliit na kuminidad doon... para ipamigay 'yon sa kanila.
Sina Mama at Dad ang gumawa noong policy at rules na 'yon, which when I was just 1 year old... they were already doing that with Kuya Ikio and Ate Ingrid until it became our family tradition. Nakakalungkot lang dahil hindi ko nakilala si Dad hanggang sa magkaisip ako. I only saw his face in the photo and knew him from their stories.
Napabuntong-hininga na lang ako sa isipang 'yon saka muling tinago sa cabinet 'yong litrato ni Dad na binigay sa akin ni Mama noong 7 years old pa lang ako. Maybe someday, I'll get over it. I'll think less of Dad. Muli namang pumasok sa isipan ko kung ano ang strand na kukunin ko sa senior high school, nagtanong kasi ako Mama kanina tungkol doon.
At gano'n pa rin, hindi pa rin ako magkapag-decide. Hindi naman niya ako pinilit na pumili ng strand kaagad-agad, at sinabi niya na okay lang din naman sa kaniya na kahit anong strand ang kukunin ko. She just let me decide what I want, but it just made it harder for me to make a decision. I have no guide!
"Ano 'yan?" Napatingala naman ako kay Kuya Ikio. Nilapag niya sa gilid ko 'yong gatas na pinatimpla ko sa kaniya.
Using the palm of my hand, I slid the brochure on the table closer to him so he could see it. Program brochure 'yon na galing sa ibang school na nag-o-offer din ng iba't ibang tracks and programs for senior high and college.
Kinuha niya 'yon at matagal na binasa bago muling nilapag. "Ano kukunin mo?" tanong niya.
Bumuntong-hininga naman ako nang marinig ko ulit ang tanong na 'yon. Humalumbaba ako at tiningala si Kuya.
"Hindi ko pa alam pero ikaw, Kuya, ano sa tingin mo magandang strand para sa 'kin?" Without showing my teeth I smiled at him widely.
Napahugot naman siya nang malalim na hininga at namaywang habang nanliliit ang mga matang katingin sa akin, wondering what could be a good strand for me.
"Kahit ano. Basta ang mahalaga nag-aaral ka."
"Eh?" Napanguso naman ako. "Pareho lang kayo ng sinabi ni Mama."
My face sinks into the table, pasuko na ako! Ginulo naman ni Kuya Ikio ang buhok ko bago siya naglakad palabas ng kwarto ko.
"Ask your sister," sabi ni Kuya roon sa labas at napaayos naman ako ng upo at tumingin doon sa pinto. "Grumaduate na 'yon ng senior high!"
Tama! Hindi ko agad naisip na 2nd year college na pala si Ate Ingrid at sure ako na pinag-daanan niya na rin ang ganitong dilemma! I stood up aggressively when I realized that.
Mabilis naman akong tumakbo at pinuntahan siya sa kwarto niya. Pinreno ko ang mga paa ko nang makitang sarado ulit ang pinto ng kwarto niya. Kinontrol ko na rin ang sarili ko na huwag lakasan ang katok!
I raised my fist and closed my eyes tightly, biting my lower lip before knocking on the door. Binuksan ko ang kanang mata ko, nang wala akong marinig na eruption ay minulat ko na ang mga mata ko. Safe!
"Ate..." malumanay kong tawag sa kaniya at bumukas naman agad 'yong pinto.
"Ano?!" iritable niyang sabi.
I smiled sweetly at her and handed her the brochure. Pahablot naman niyang kinuha 'yon at parang wala pa yata sa segundo niyang tiningnan 'yon bago niya padabog na binigay ulit sa akin.
"Oh, anong meron?" tanong niya at naiiritang napakamot naman siya sa buhok niya. "Diretsahin mo na, Isko! May battery exam pa 'ko!"
"Ah, sorry. How did you decide on your strand? Saka ano sa tingin mo pwede para sa 'kin?" I smiled and twinkled my eyes.
"Gusto ko mag-nurse, 'di ba? Edi, nag-STEM ako!" pagalit na sabi niya kahit wala namang nakakagalit sa tanong ko. "Hindi ko na problema 'yong iyo! Ako ba mag-aaral para sa 'yo?"
"Hindi lang kasi ako makapag-decide... need ko lang ng suggestions mo-"
"Hindi ko alam!" Pagputol kaagad niya sa sinasabi ko at malakas na sinara 'yong pinto. Bahagya naman akong napaliyad sa lakas ng kalabog niyon sa mukha ko. "H'wag ka na mag-decide, 'di ka rin naman makakapasok sa college! Pang-tubero lang naman 'yang IQ mo!"
Flicked.
Something seemed to flick in my chest when I heard Ate Ingrid's words. Bakit naman niya kinumpara ang trabaho ni Dad sa akin? I wanted to speak more about what she said, but I felt that something was concealing my mouth.
Naibagsak ko ang katawan ko sa kama at yinakap si Fufu. I was just staring at the ceiling, thinking. I know that I'm not smart, I can't even perfect the exams and quizzes at school at all. How do I wish? I always get lower scores. It was really bad, so wrong in me, but I don't see anything wrong with Dad being a plumber.
"Kailangan niya bang sabihin 'yon?" pakikipag-usap ko kay Fufu. "Isn't it enough that I want to study because I want to graduate even though I'm not smart? Can't it be like that? Eh, ano naman kung maging plumber ako in the future? Mom said I can dream anything, 'di ba?!"
Napangiti na lang ako at gigili na yinakap si Fufu. Kung hindi nila ako matutulungan sa pag-decide ay hihingi na lang ako ng suggestions sa iba. Hinanap ko ulit 'yong group na sinalihan ko sa Facebook at nag-post ako ng question doon.
Iniwan ko muna 'yon at ginawa ang ritwal ko tuwing gabi bago matulog. Nag-half bath ako pagkatapos ay humarap sa salamin para mag-skin care habang nakikinig ng kanta.
Mumurahing products lang naman 'to na nabibili sa butika. Naka-sachet, at kahit pa na malapit na sa katotohanang mauubos na 'to ay tinitipid ko pa rin. Nang matapos ay dumagan ako sa kama at binalikan ulit 'yong post.
Isko Devino
3h · Shared with Public
/question/
hello, just wanna ask this po. thank you! :)
bakit kayo nag-humss/stem/abm/gas/tvl-he/tvl-ict?
PTPA.
15 reactions 11 comments
Binuksan ko 'yong comment section at mabilis naman akong napadapa nang makita ang pangalan nila! Parati na lang nila nakikita 'yong mga comments, reactions and posts ko sa mga groups!
Mon Al-Hassan
humss, ang makatao kasi ng tunog, nakaka-good samaritan.
3h Like Reply Share
Basa ko sa comment ni Emon! Mabilis namang lumawak ang ngiti ko pagkabasa ko niyon, tumatawa na ako sa isipan ko. Nakalimang haha react 'yon at pang-anim ako.
Wesley Lamont
MAG HUHUMMS AKO KASI WALANG MATH!
2h Like Reply Share
Comment ni Wesley na kahit anonymous pa niyang i-comment 'yon ay makikilala ko pa rin siya dahil sa typings niya. May ilang replies 'yon kaya agad ko namang tinap 'yon para basahin.
Maddie Sanchez
HUMSS*
1h Like Reply
Wesley Lamont
TYPO!
1h Like Reply
Maddie Sanchez
welcome
30m Like Reply
Wesley Lamont
HA?
29m Like Reply
Maddie Sanchez
nag thank you ka, di ba? so welcome??
15m Like Reply
Wesley Lamont
HAHAHAHHAHAH BUTI NA LANG MAGANDA KA
14m Like Reply
Wala naman sa huwisyo akong natawa pagkabasa ko roon sa conversation nilang dalawa. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na tumawa nang malakas dahilan para magising si Fufu.
"Sorry," sabi ko bago maingat na hinaplos ang ulo niya at muling nagbasa ng comments no'ng makita ko siya na kumportable na ulit.
Mon Al-Hassan
STEM pala. Matalino ako e.
30m Like Reply
Wesley Lamont
Nanghahamon! Spell Czechoslovakia?
28m Like Reply
Mon Al-Hassan
Czechoslovakia 😁
26m Like Reply
Wesley Lamont
Matalino nga!
25m Like Reply
Napatakip ako ng bibig at doon tumawa. Nagtipa naman ako ng reply at nakitang lumitaw rin sa screen ko 'yong kay Maddie.
Isko Devino
BWISIT KAYO!
3m Like Reply
Maddie Sanchez
🤦
1m Like Reply
I just tapped the back icon on my phone screen and read other people's comments. At dahil sa panlalarong comments nila ay mga nagsigaya na rin!
Ruth Bermejo
Nag ABM ako, hindi ko kasi alam gagawin ko no'ng enrollment
40m Like Reply Share
Juhairo Yan
currently taking STEM! may post-exam depression pa kasi ano nun e, sabi ko sa katabi ko patingin ng form mo kuha lang ako idea
2h Like Reply
I landed myself a facepalmed and just reacted to their comments with haha. Pumukaw naman sa atensyon ko 'yong Juhairo. Kapag ganito na nakikita ko na maganda ang profile ng mga nakakasalamuha ko sa socmed ay napapapunta na lang ako sa mga timeline nila. I'm just curious.
Saglit ko namang pinuntahan ang profile niya at tiningnan ang display photo. Nasa beach siya, nakatayo sa ilalim ng puno. Wala siyang suot na top, nakaitim na short lang siya at naka-white snap-back cap. Hindi kita ang mukha dahil masyadong naka-side view ang katawan at ulo niya, nakalingon siya sa dagat.
Famous, 2K reactions ang profile picture. Agaw pansin naman kasi talaga ang profile niya, maganda kasi ang katawan niya, hindi gano'n ka-muscular at hindi rin ganoon ka-chubby, he's just fit. Sinwipe ko ang profile picture niya para tumingin pa ng iba pero naka-private 'yon. Kung saan-saan na ako dinala ng curiosity ko kung kaya pati mga comments ay binasa ko na.
Kobie Ortega
I know now what grotesque means.
1y Like Reply
Juhairo Yan
oh, god. i can explainnnn
1y Like Reply
Juhairo Yan
we'll go home on fri! don't get mad at me pls 🛐
1y Like Reply
1 year ago na 'yon pero hindi man lang siya ni-reply-an noong Kobie. And he's so nice, sa dami nang nag-comment 'yong Kobie lang 'yong ni-reply-an niya. Nakapagpaliwanag na kaya 'tong Juhairo? Nagalit kaya 'yong Kobie? Bati na ba sila?
When I suddenly realized something, I just hit my forehead exasperatingly with my palm! I groaned. Nagsasayang na naman ako ng oras! Mabilis ko na ngang binack ang screen ng phone at nag-focus na sa pagbabasa ng mga response ng members sa group.
Inabot ako ng hating gabi na puro pang-do-dog show lang ang nababasa ko sa posts ko, hanggang sa may nag-comment na rin ng seryoso, at nagsunod-sunod na. Pero sa lahat ng nabasa kong opinyon at reason ng pagkuha no'ng strand nila ay isa lang ang tumatak sa isipan ko... 'yong kay Wesley!
"Weekend na!" Rinig kong malakas na sigaw ni Wesley sa labas. Napahinto naman ako sa pag-do-drawing at saka nagmadaling tumakbo papunta sa may binta para dungawin siya. Wala pa sa segundo nang makita niya ako ay lumawak na agad ang ngiti niya at nakataas ang mga brasong kumaway. "Pupunta ng bayan si, Papa! Tara sa Mahinhin Beach!"
"Weh?!" na-e-excite kong sambit. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko!
"Chat na lang kayo sa GC!" sabi niya saka siya pumadyak at paalis na pinaandar ang bisikleta niya.
Napakapit naman ako sa ibabaw ng bintana at mahabang sumigaw habang tumatakbo pababa ng kwarto. Pagkarating ko sa sala ay hindi ko pa man sinasabi kay Kuya Ikio 'yon ay nagsalita na kaagad siya. Sinigaw ba naman kasi 'yon ni Wesley kaya alam na agad ni Kuya kung ano ang ipapaalam ko sa kaniya.
Hininaan niya 'yong volume ng lumang-lumang TV na malapad pa ang likod. Kami na lang yata ang may ganitong klase ng TV sa buong mundo dahil sa sobrang outdated na nito.
"Anong gagawin mo do'n?" tanong niya habang nasa TV lang ang mga mata niya. Nanonood siya ng replay noong NBA.
Iyan pa naman 'yong pinaka ayaw kong tanong, hindi ko kasi 'yon masagot ng diretso. Kapag sinabi kong gagala lang kami at mag-bo-bonding ay tunog walang kwenta 'yon sa kaniya.
Hindi naman ako makasagot at kagat-labi na lang na napatingin sa sahig noong masungit niya akong nilingon. Napasunod naman ang tingin ko sa kaniya nang maglakad siya papasok sa kwarto niya.
"Please?" sabi ko paglakabas niya ng kwarto at ngumiti ako sa kaniya na hindi kasama ang mga mata.
Pagkasara niya ng pinto ay bigla siyang tumawa. "Hitsura 'yan?" sabi niya kaya agad kong pinalitan ang ngiti ko ng pagsimangot. "Oh, bili mo 'ko ng barnis sa bayan. 'Yong colorless. Sa 'yo na sukli diyan."
Dahan-dahan ay bumuka ang bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa palad na may hwak na halagang 250 pesos! Mabilis kong kinuyom ang kamay ko ay tumingala para sumigaw sabay na mabilis na yinakap si Kuya at patakbong umakyat ng kwarto.
Huminto ako saglit sa hagdanan at sinilip si Kuya sa baba. "Thank you! You're the best!" Nag-thumbs up ako sa kaniya. "H'wag ka muna mag-girlfriend para sa 'kin muna lahat ng pera mo!"
"Umayos ka," may pagbabantang sabi ni Kuya at nagsabi naman ako ng biro lang 'yon. "Umuwi ng maaga. Samahan mo ulit mamalengke si, Mama, bukas!"
Sa sobrang excited ko ay nakalimutan kong alalayan si Maddie na makaakyat dito sa likod ng pick up truck ng Papa ni Wesley! Nauna kaagad ako! Buti naman ay nasa tabi niya si Emon kaya siya na ang umalalay rito na makaakyat.
Umupo na kami at sumandal sa gate nitong truck. Katabi ko 'yong dalawang sako ng patatas na i-de-deliver ng Papa ni Wesly sa bayan, at nasa kabilang side naman sina Emon saka Maddie. Magkatabi sila. Ganoon pa rin silang dalawa, hindi pa rin sila masyadong nag-uusap.
Habang nasa biyahe ay hindi naman maalis sa mga labi ko ang ngiti. Nararamdaman kong lumalalimig na ang hampas ng hangin dahil papahapon na rin. Even though I have lived here for a long time, I still can't lose my awe at the beauty of this place.
Ang pinaka pabortito ko rito ay ang malawak na palayan at mga naglalakihang bundok na natatanaw roon sa malayo. Nang mapalingon ako sa bintana nitong sasakyan ay nakita ko namang masayang nag-uusap sina Wesley at no'ng papa niya.
Unti-unting nawala ang ngiti ko. Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko, bigla-bigla na lang akong nalulungkot kapag nakakakita ako ng ganoon. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ko no'ng makitang tahimik na nakatingin sa akin si Maddie.
Ngumiti ako sa kaniya, bumuntong-hininga naman siya at saka nag-iwas ng tingin. Nang makuwento ko sa kanila ang nangyari kay Dad ay madalas ko na siyang napapansin na sa tuwing may nakikita kaming tatay at kumpleto ang pamilya, nagiging concern siya bigla sa akin. Alam kong concerned siya kahit pa na umiirap 'yong mga mata niya kapag nahuhuli ko siya.
"Balikan ko na lang kayo mamaya," paalalang sabi ng papa ni Wesley sa amin bago ito naglakad pabalik doon sa sasakyan.
"Thank you po!" sabay-sabay naman kaming nagpasalamat.
Pagkasakay ni Uncle ay dinungaw niya ang katabi ko. "Jon!" Nag-unat ng braso si Uncle at sumenyas kay Wesley na parang inihahabilin kami nito sa anak niya.
"Sige na, Pa! Akong bahala!" Tama naman ako na ganoon nga ang sinenyas ng Papa niya. "Ingat!"
Pagkaalis ng Papa niya ay sabay-sabay naman kaming napaharap sa norte. Bumungad sa amin ang mga tao na naglalakad-lakad at kumakain sa mga stall na nasa kaliwa't kanan namin, nakahelera ang mga ito. Bawat cafe at stall ay may puno ng buko sa gilid, nililipad pa ng hangin ang mga dahon nito.
Mula sa kinatatayuan namin at sa padiretso nitong pinong buhangin na daan, sa dulo nito ay tanaw na tanaw 'yong dagat! Habang nagmamadali kaming naglalakad ay umaampiyas sa mga mata ko 'yong mga ilaw! Nang makarating kami sa gilid ng dagat ay sabay-sabay kaming napahinto at...
"Ahhhh..." sumigaw nang napaka lakas!
Sumigaw pa kami nang sumigaw na parang ngayon lang nabigyan ng kalayaang makalabas! Si Maddie naman na nasa gilid ko ay napapailing na lang sa ginagawa namin. Pinagtitinginan na rin kasi kami ng mga tao kaya siya na ito ang nahihiya para sa amin.
Dahil madilim na at nagka-isa kami na maglibot-libot na lang kaysa maligo ay napadpad kami sa Mahinhin Food Court. Classic lang ang hitsura ng lugar, 'yong gamit na mesa ay normal na nakikita sa loob ng bahay, ito 'yong plastic na mesang na-a-assemble ang paa. May apat na monoblocks. Sa gitna naman ay 'yong iconic na pang-vendor na payong, na parang color wheel.
At dahil may mga nakalasansan na mga puno ng buko at iba pang uri ng puno sa paligid ay mas lalong gumanda ang lugar. Idagdag pa 'yong mga retro light bulbs na nasa uluhan namin at 'yong alon ng dagat. Ayaw pa sana nilang pumunta rito at gumastos dahil nag-iipon sila pero nang makaramdam din sila ng gutom kakalakad, wala na silang nagawa.
"Kung 'di lang talaga tumunog kalamnan ni Emon 'di ako gagasto, e." Pagrereklamo ni Wesley sa gitna ng tahimik na pagkain namin. Nasa harapan namin ni Emon silang dalawa ni Maddie. Ang kaharap ko ay si Maddie.
"Bakit ako? Ikaw nga 'yong pumayag agad no'ng sinabi ni Isko na nagugutom siya," sabi ni Emon.
Napahinto naman ako bigla sa pagnguya nang marinig 'yon. Tumingin ako kay Wesley at nang magtama ang tingin namin ay nag-iwas ako agad! Wala namang meaning 'yon pero bakit gano'n siya kung makatingin? Sobrang awkward pa lalo noong pinagmamasdan lang kaming dalawa ni Maddie.
"Nag-iipon daw kuno para sa accesorries ng bike niya..." pang-aasar pang sabi ni Emon.
Mabilis namang dumakot ng kanin na may ulam si Wesley saka 'yon agresibong pinakain kay Emon. "Kumin ka na lang!"
Nang makita siyang nagkibit balikat at nagpatuloy na sa pagkain ay hindi ko na lang din 'yon pinansin. Habang ganoon kami ay kanina ko pa napapansin na tinatanggal na naman ni Maddie 'yong taba sa laman ng pork barbeque niya.
Binigay niya pa 'yong kalahati ng kanin niya kay Wesley. At kahit kalahit na lang 'yong kanin niya ay hindi niya pa rin 'yon nauubos, hindi katulad sa amin na tatlong subo na lang ay tapos na kami sa pagkain.
"Busog na 'ko. Maddie, gusto mo?" alok ko sa kaniya.
Hindi naman siya makapag-react, nag-aalangan ang mukha niya kung tatanggapin niya ba 'tong chicken inasal na in-order ko na halatang paborito niya dahil nakita ko siyang nakatitig siya doon sa menu niyon kanina.
Ibubuka pa lang sana niya 'yong bibig niya nang bigla namang hablutin 'yon ni Wesley! Agad na luminya ang mga kilay ko at nilingon ang lalaki!
"Ayaw niya ata. Ako, gusto ko," sabi niya pa habang nilalantakan na iyon. Magpo-protesta pa sana ako pero napasandal na lang ako sa backrest ng upuan nang makitang pinadausdos na ni Maddie 'yong plato niya sa gitna. Tapos na siyang kumain, ibig-sabihin tatanggi na siya kahit ano pang pagkain ang i-offer ko sa kaniya.
"Nakapili na 'ko ng strand!" pag-announce ko bigla.
Sumigaw bigla si Wesley, na kahit pati ako na kaibigan niya ay iisiping may kaaway siya dahil napaka agresibo noong sigaw niya at napapahampas pa ng mga kamay sa lamesa. Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao.
"HUMSS! HUMSS! HUMSS! HUMSS!" sunod-sunod na malakas na sabi niya, he was chanting that while pounding his fists on the table.
"GAS! GAS! GAS! GAS! GAS!" Gumaya na rin si Emon!
Habang natatawa ako sa hitsura nila ay hiyang-hiya naman si Maddie sa upuan niya. Napayuko na siya at tinakpan ang mukha gamit 'yong buhok niya. Hinihiling na yata niya na sana hindi na niya kami naging kabigan at nakilala. Mukha siyang nagsisisi.
"STEM!" sabi ko at ganoon na lang kabilis nagbago ang reaksyon nila, nagtataka. Walang tumama sa sinisigaw nila.
"Bakit?" Para namang ninakawan ng happiness si Wesley nang itanong 'yon. Alam ko rin naman na magiging ganyan ang reaksyon niya dahil magkaiba kami ng strand na kukunin, malabong maging kaklase pa kami. "May Math 'yon, 'di ba?"
"Lahat naman ng tracks meron! And that's the point, mas higher lang 'yong mathematical level ng STEM kaya 'yan 'yong napili ko. Bobo ako sa math, pero what if diyan pala ako mag-e-excel? Need ko lang i-stretch 'yong bottom line ng utak ko. Gusto kong ma-challenge!"
"'Yan 'yong trip na 'di ko gagawin," umiiling na sabi ni Wesley.
"Ang baduy," sabi naman ni Emon na napakagat ng karne sa hawak niyang barbeque.
"Hindi niyo naiintindihan si Isko," sabay-sabay kaming napatingin kay Maddie noong magsalita na siya sa wakas! Kanina ko pa kasi siya napapansin na tahimik, e. "Weakness niya 'yong math and good thing is na-identify niya 'yon to pinpoint kung ano 'yong pwede niyang gawin para malabanan 'yon. Kaya siya nag-decide na STEM ang kukunin niya dahil 'yon 'yong target niya to improve. At least siya in-approach niya 'yong math with a positive mindset, e, kayo? Ang gusto niyo lang kasi parating madali and puro shortcuts kaya walang pagababgo sa inyo."
"Ouch!" Napahawak naman sa dibdib si Emon at umaaktong nasasaktan.
At sa sinabing 'yon ni Maddie ay napabuka na lang ako ng bibig sa pagkamangha. Nakuha niya 'yong mga words na hindi ko masabi! Kaya naman ay sinabi ko na 'yon 'yong gusto kong ipaliwanag sa kanila, hindi ko lang ma-elaborate ng tama.
"Eh, so mag-e-engineering ka sa college?" tanong sa akin ni Wesley at nadagdagan na naman ang iniisip ko tungkol doon. Hindi ko 'yon masagot agad.
Pasarkastiko namang tumawa bigla si Maddie. "'Di ba in-educate ka na ni Isko na huminto ka na sa pagiging stereotypical person mo? In-assume mo agad na porket STEM ang kukunin niya is engineering na ang career choice niya. Oo, sa educational system ng bansa natin in senior high, meron talagang naka-align na malapit sa spesific college courses. Like for example, STEM strand, naka-align siya sa science or engineering-related courses in college na sinasabi mo. And oo, may prerequisites 'yong especific na kursong kukunin mo sa college-"
"Prerequisites?" inosenteng tanong ni Wesley.
"Something like, requirements," kalmadong sagot naman ni Maddie. At saka siya napabalik sa sinasabi niya, "And sa pagpili mo ng strand is makakatulong talaga siya para ma-meet 'yong prerequisites na 'yon sa college course na kukunin mo, but not necessarily naman na kailangan mong i-meet talaga 'yon. Hindi 'yon nangangahulugan na limitado ka na sa field na papasukin mo. Sa educational system natin, pwede ka pa ring pumili ng ibang program sa college kahit na hindi 'yon naka-align sa strand na kinuha mo. Choosing a specific strand is just a foundation, and it doesn't necessarily limit your options in college."
Napatanga ako sa mga narinig ko galing kay Maddie! Ang buong pag-aakala ko ay hindi na ako pwedeng pumili ng iba pang kurso sa college, na kapag STEM na talaga ang strand na enrolled ako ay bound na ako na maging engineer o kung ano mang courses ang naka-align doon. Hindi pala!
"So ano pang silbi nitong senior high kung pwede naman pala na gano'n? Hindi ba pwedeng diretso college na lang tayo?" tanong ni Emon.
"Holistic development, to enhance students skills regarding sa mga subjects na ino-offer sa senior high? Exploration of interests, kagaya ng ginawa ni Isko. Mahanda tayo sa career na kukunin natin, especifically? Marami pa, kayo na bahala mag-research."
"And advantage siya," pagsasalita ko at napatingin naman sila sa akin. Nakita ko namang tumango si Maddie. Um-approve 'yong matalino sa akin! "Like, gusto ni Wesley na maging Lawyer, so advantage sa kaniya 'yong strand na kukunin niya kasi may mga subjects sa HUMSS na closely related sa societal structures, government, saka legal systems. Hindi siya direct prerequisite for law school pero may advantage siya."
"Hmm," patangong sambit ni Maddie at palihim na napasuntok naman ako sa hangin! "May PolSci, and Economics 'yong HUMSS."
So pwede ko nang maalis ang takot ko! I will do my plan to make STEM as my practice ground to improve and grow! But I can still choose a college course even if it's not related to my strand! Kung sakaling ayaw kong mag-engineering or ano.
Grabe, once na ibubuka ni Maddie ang bibig niya napapatanga na lang talaga ako. Sa aming apat ay si Maddie lang ang seryoso sa pag-aaral kaya naman ay hindi na rin ako magtataka na mas matured siyang mag-isip kaysa sa amin. Hindi na nga sila nakaamik at natahimik na lang bigla.
Nagsabi na lang ako sa kanila na bibili ako ng drinks, nagpasabay naman si Wesley saka Maddie sa akin. Noong nasa kamay ko na 'yong kay Wesley ay muntik kong matapon 'yong laman nito nang may nakabangga sa braso ko.
"Oh, I'm sorry," dinig kong sabi ng lalaki at agad naman siyang dumistansya sa akin para maiwasan niya ako at hindi ulit mabangga kahit huli na.
Pagkalingon ko sa kaniya ay bigla kong pinagsisihan 'yon! Nandito siya! Halos maestatwa na ako nang makitang si Toshi 'yon! Nagtatago siya sa mga kasama niya, nahihiya yata na dahil sa kagaslawan niya habang bumibili sila ay nabangga niya ako. Nag-sorry naman ulit siya sa akin at pilit na napangiti lang ako pabalik.
"That tastes good," patukoy na sabi niya sa hawak kong strawberry shake pagkadaan niya sa likod ko.
Kakatanggap ko lang din niyon sa tindera at noong marinig ko 'yong sinabi niya ay hindi ko pa rin magawang ibaba ang kamay ko, napanganga na lang ako at malawak na napangiti! Hindi ako makagalaw at kinailangan pa na tanungin ako ng tindera kung ayos lang ba ako bago ako bumalik sa katinuan!
All my life, for so many years I secretly stared at him from afar, never even hoping that he would notice me, everything has changed now! He just noticed a plain one like me! And his voice! His voice sounds like a merman's incantation to my ears, it's like I'm floating in the peaceful sea.
Pagkabalik ko ay nakita ko na nasa kabilang table na sila ng mga kaibigan niya, sakto pa na nakaharap siya sa gawi ko! Mabilis akong umupo at walang tingin na inabot kina Wesley at Maddie 'yong drinks nila. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Toshi habang sumisimsim ako ng strawberry shake!
Ang gwapo niya pa rin kahit simple lang ang ginagawa niya, he's just scrolling on his phone. Even the light coming from his phone, highlighted how perfect his face was. Halatang malambot ang buhok, lumalagpas 'yong bangs niya sa makapal niyang kilay. He's just wearing a simple, over-sized white shirt and baggy pants but he still looks so elegant!
"Oh, bro. Is that Maui?" tanong ng katabi niya at inagaw pa nito 'yong phone ni Toshi.
Napalingon naman siya sa katabi niya at sinilip pa 'yong picture na tinitingnan nito. "Hmm," patangong simpleng sabi lang niya. He even looked so cute when he nodded!
"He changed a lot!" said the guy next to him, and I noticed the gesture of his hand as he zoomed in on the picture. "Look at those veins!"
It was as if Toshi's face soured when he heard what his friend said.
"You sound so smutty," he said coldly and immediately took back his phone. "People might think we're looking at dicks."
"Fuck you," his friend said laughing and I suddenly stopped sipping my drink. I think it's wrong that I'm listening to their conversation. "Veins on his hand! That's what I mean?"
"Still," Toshi said firmly.
"Chill... And oh, yeah. I still remember when we were in elementary school how he would choke me. Sa Laguna, bro." The guy gestured with his hand and stared at it as he seemed to be thinking about something before he put his arms around Toshi's neck. "Let him do that to me again now. I would spurt immediately."
"You shut up," striktong sabi ni Toshi at padarag na inalis ang akbay noong lalaki sa kaniya. Tumatawa lang 'yong mga kaibigan niya. "Your brain's too polluted."
"Ang tingin." Halos atakihin naman ako sa puso nang makitang nasa harap ko na nakaupo si Wesley! Napahawak pa ako sa dibdib ko bago mabilis na inayos ang sarili para hindi mahalata na nakatingin ako sa likod niya.
"Sa pagkain," sabi ko at tinuon na ang atensyon sa pag-inom ng drinks.
Tinanong ko naman siya kung bakit siya nakipagpalit ng upuan kay Maddie pero ang sabi niya lang na trip niya lang kaya hindi ko na siya kinulit.
Dinadaldal na niya ako at kahit pa na nagagawa kong makinig sa mga sinasabi niya ay hindi ko pa rin maiwasang ituon ang pandinig ko sa taong nasa likuran lang niya.
"You guys are friends, right? Tell him I missed him."
"I can't." Dinig kong sabi ni Toshi.
"What do you mean you can't?" I think those were the only sensible words I heard from his friend.
Pamilyar sa akin ang pangalang Maui. Parang narinig ko na 'yon. Nahihirapan lang akong tandaan kung saan. Mas lalo naman akong naintriga sa tanong na 'yon at hinintay rin ang isasagot ni Toshi.
"We're not friends anymore."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top