Chapter 2
WARNING: SENSITIVE CONTENT.
Hindi na sana ako ma-ga-grounded at magkukulong lang dito sa loob ng bahay ng sabado at linggo kung hindi niya pinilit kay Mama na huwag akong payagang maglaro sa labas hangga't hindi ko pa naaaral 'yong math at napapalitan ang sagot ko sa homework ko. Nalaman ni Kuya Ikio 'yong tungkol do'n.
Sumasakit na ang pwet ko dahil kanina pa ako hindi makaalis sa number two na pinapa-solve sa 'kin ni Kuya. Kanina pa rin ako nalulula sa mga numbers na nakikita ko! They were like flying around my eyes! Solving division problems, wow, gusto-gusto talaga nila na nahihirapan ako!
Noong hindi ko na makayanan ay padabog ko na lang na tinapon ang hawak kong lapis at sabay na tumakbo patungong kama at ibinaon ang mukha sa unan.
"Ayoko talaga ng math!" I screamed. "I hate this subject the most!"
Pagkatapos kong sumigaw nang mahaba ay tumihaya ako. I looked at the paper on the table, it was like a monster laughing at me! Napalingon naman ako sa pinto no'ng makita ng gilid ng mata ko si Ate Ingrid, nakasilip siya ro'n.
"Kuya! Hindi nag-aaral si, Isko!"
Napatayo agad ako at umupo sa swivel chair. "Hindi, ah! Number two na nga 'ko, e!"
Nilapitan niya ako sabay na hinablot 'yong papel na pinag-so-solve-an ko.
"Magtatanghalian na, nasa two ka pa rin?" Padarag niyang nilapag 'yon saka siya nakakabanas na tumawa. "Kahit kinder kayang-kayang sagutan 'yan, eh!"
"Do'n ka na nga!" Pagtaboy ko sa kaniya.
Noong halos magtanghalian na ay tinulungan na ako ni Kuya Ikio na sagutan 'yong iba. Number 1 hanggang 3 lang nasagutan ko at may namali pa 'kong dalawa. Habang i-ne-explain niya 'yon at kahit na minsan naiinis na siya sa 'kin dahil paulit-ulit kami sa number 2, sa huli ay sabay na lang kaming napabuga ng hininga matapos kong maintindihan at masagutan lahat 'yon.
"Yes! Pwede na 'kong lumabas!"
"Hindi," sabi ni Kuya roon sa pinto. "Pagkatapos mong kumain, matutulog ka. Walang lalabas!"
"No... linggo naman, eh..." I shouted and quickly ran and hugged Kuya Ikio's thigh. I begged him to let me go out and play with Wesley but he just laughed at me, and I just ended up lying on the floor in frustration when I got off his thigh. Lumapit sa 'kin si Fufu and then I acted to cry. "Fufu!"
I didn't do anything else after lunch, I was just watching some videos of cute cats on the internet. While browsing and digging, I discovered that Fufu can't be fed leftovers and bones.
Agad naman akong pumunta sa kwarto ni Kuya at sinabi 'yon sa kaniya. Sinuggest ko sa kaniya na bumili na lang kami ng cat food para safe si Fufu but he did not agree with me. He strongly refused! Magastos daw 'yu-on!
"Wala munang phone," sabi niya at hinablot ang cellphone ko. Nagbabanta ang tingin niya. "Matulog ka na do'n..."
Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad papunta sa kwarto sabay na ibinagsak ang katawan sa kama at pinet si Fufu. Because of the singing crikets and cicadas along with sparkling of wind chimes at the window that filling the air in the entire house, my eyes are slowly blinking as sleepiness engulfing me.
Napapikit na ako nang bigla ko namang narinig 'yong pito ni Wesley! My eyes instantly widened. I jumped out of bed and quickly went to the window. Nakita ko siya ro'n sa labas na nakangiting kumakaway. He was signing for me to come out and in a low voice, I told him that I could not. Hindi ako pinayagan ni Kuya!
Pero no'ng makita kong winawagayway niya 'yong hawak niyang dalawang mini net na panghuli ng isda, ay napakapit na ako sa ibabaw ng bintana sa sobrang tuwa.
I quickly took River from my bag and then pocketed it. I quietly walked out of my room, and when I crossed Kuya Ikio's room, I tiptoed for me not to wake him, until my escape was successful!
"Let's go..." We both shouted excitedly.
Mabilis kaming tumakbo papuntang ilog sa may tulay, rinig na rinig ko pa 'yong maliit na tabo na tumatalbog sa maliit na baldeng bitbit ni Wesley. Nang marating namin ang ilog ay napahiyaw na kami habang patakbong bumababa ng hagdanan.
Naghubad na kami ng tsinelas sabay na inabot ko 'yong isang net kay Wesley. Pagka-apak ko sa tubig ay hindi ko na nga napigilang mapahiyaw sa tuwa. Ilang araw na rin kasi akong nakakulong sa bahay!
Habang nanghuhuli kami ng mga isda ay nagkukuwento lang ako kay Wesley no'ng mga nangyari sa akin habang wala siya sa school, pati na rin 'yong nangyari sa akin sa bahay kung bakit hindi ako pinayagan ni Kuya Ikio na lumabas.
"Did you know she wants to hatch in our enemy's territory?" sabi ko sa kaniya at tinuwid ang likod matapos mapagod sa kakayuko.
"Ha?" Medyo naguluhan pa siya nang sambitin 'yon habang nakayuko pa rin at tiningala lang ako. "Sa maraming halimaw? Sa faculty?"
"Hmm!" pagtangong sabi ko. "Gusto niyang mapisa do'n. Buti na lang hindi ako nagtagal do'n."
Napatingin naman ako sa net niya no'ng sumigaw siya, nakahuli siya ng tatlong maliliit na isda. Sinundan ko siya no'ng pumunta siya sa balde para ilagay doon 'yong mga nahuli niya. Napa O naman ang naging expression ko dahil sa sobrang excitement. Nakita ko na nakahuli siya ng goldfish!
Hindi naman talaga 'to goldfish na nakikita namin sa palabunutan at tindahan ng mga isda... tinatawag lang namin 'tong goldfish dahil may kulay ang buntot nito. Sometimes there is blue mixed with orange. May violet din at kumikintab na silver. They are so colorful that we call them goldfish.
"Siguro h'wag mo na siyang dalhin sa school para 'di siya mapahamak," sabi niya habang nakatingin lang din sa mga isdang nahuli namin.
"Okay!"
"Kapag napisa siya do'n, tapos nakita siya ng mga tao... i-de-destroy siya ni, Ma'am Cora!" What he said scared me.
"No!" Umiling ako. "I won't let that happen!"
"I-promise mo na iingatan mo siya!"
"Hmm!" I nodded firmly.
"Hinding-hindi mo siya pababayaan! Kahit pa na isakripisyo mo ang buhay mo sa ngalan ng ating emperyo at kay River, hindi-hindi ka mag-aalinlangan!" Kumuha siya ng sanga at kunwaring hiniwa ang palad niya. Inabot naman niya ang palad ko at ginawa rin 'yon sa 'kin at sabay na nagkamayan kami.
"I will take care of her until she hatches!" I pledge to our empire!
Nagpatuloy na kami sa panghuhuli. Kahit pa na nakakapaso na 'yong init ng araw at pakiramdam ko na nasusunog na ang balat at batok ko ay hindi pa rin kami tumigil. Hindi na rin isda ang hinuhuli namin, nanghuhuli na rin kami ng maliliit na alimango.
"Ano na pala nangyari sa kuting na napulot natin?" tanong ni Wesley habang nakatakip ang mga palad niya sa gilid ng mga mata niya para mas maaninag pa 'yong mga isda sa tubig.
"Si Fufu?"
"May pangalan na siya?" Napaayos siya ng tayo.
"Oo!" I couldn't help but laugh at what happened the day we saw Fufu on the side of the road near the school. "Nakaisip na 'ko ng pangalan niya no'ng nahawakan mo 'yong pwet niya na may tae!"
Natawa na rin siya nang maalala 'yon.
Napahawak naman siya sa chin niya, nag-iisip. "Fufu? Ah! No'ng sinabi kong may pupu!" Sabay naman kaming natawa.
Noong makita namin na marami-rami na ang huli namin ay napagpasiyahan namin na tumambay muna roon sa lilim ng puno. Mabato ang paligid kaya nagsuot na kami ng tsinelas.
Wesley picked up a stone and threw it in the river, ang inaasinta niya ay 'yong nakalitaw na malaking bato na nasa gitna ng ilog, tatlong beses niyang natamaan 'yon. At gano'n na lang din ang ginagawa namin habang nakaupo.
"'Di ba, ayaw ng mama mo sa pusa?" tanong niya.
"Hmm, no'ng una. Pero pumayag naman si, Mama," sabi ko sabay nagbato ng bato sa ilog. "Sinabi naman ni Kuya Ikio na kami naman mag-aalaga, e. Saka sa kwarto ko naman siya nakalagay. Sa may banyo rin siya tumatae. Ako rin naglilinis kaya walang problema."
"Mamaya pag-uwi punta ako sa inyo. Gusto ko siya makita." Wesley smiled at me.
"Okay!" sambit ko. "Pero may isa pa tayong problema."
"Hmm?"
"Napanood ko sa YouTube na hindi pala pwedeng pakainin ng tira-tirang pagkain 'yong mga kuting. Bawal rin sila sa maaalat. Parati pa namang may asin 'yong ulam namin."
Nag-alis siya ng tingin sa akin at doon niya itinapon ang mga mata niya sa ilog, napaisip siya sa sinabi ko. "Siguro kapag ako 'yong kumuha kay Fufu hindi siya tatagal ng isang araw," sabi niya.
"Bakit?"
"Meron kami sa bahay isang tray ng itlog maalat. May nakasabit pa sa kisame na daing saka tuyo. 'Di ba, maaalat 'yon?"
My brows met. "Oo." Naguguluhan ako sa kaniya.
"Mamamatay siya agad sa 'min! 'Yon palagi naming ulam, e." Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Saglit naman siyang napatahimik bigla. "Hindi kaya gano'n rin kami?"
I turned to him when he suddenly spoke. "Ang alin?"
"Baka mamatay kami agad kasi kain kami nang kain ng maaalat, e."
Takot na takot ang hitsura niya at siguro nga tama siya, sabi niya na 'yon 'yong palagi nilang kinakain. Delikado raw kapag palaging maalat 'yong kinakain! Nabasa ko pa sa google na, excessive salt intake has been linked to conditions such as high blood pressure, which is a risk factor for heart disease and stroke!
Nagkatinginan kaming dalawa.
"No!" I yelled.
"Mama!" Naiiyak naman siya.
And my screams and his cries filled the whole area. Sinabi ko naman 'yon sa kaniya at halata pa na nagkamali ako dahil mas lalo pa siyang natakot no'ng malaman niya ang mangyayari kapag palaging kumakain ng maaalat. Napasigaw na lang siya ulit at sinabihan ako na h'wag na 'yon pag-usapan.
"Plano kong bumili ng cat food. Mas okay daw 'yon sa kanila, e."
"'Yon naman pala, e! Edi, ayos!" I heard life in his voice.
"Kaso may problema."
"Ulit?" And it quickly died down.
"Wala akong pera." I pouted. "Mahal 'yon, e!"
"Ah! Ito!" May hinugot naman siya sa bulsa niya na nasa loob ng varsity short niya. I thought my problem would be solved, but it wasn't. Pinakita niya sa akin 'yong hawak niyang limang piso.
Napabuntong-hininga naman ako at sinabi sa kaniya na nasa one hundred 'yong cat food!
"Hay!" angil niya. Halos mapahiga na siya sa sobrang stress. "Ang hirap naman!"
"Mag-iipon na lang siguro ako. 'Yong binibigay ni Kuya Ikio sa 'kin na sampung piso, itatabi ko. Nagbabaon naman ako ng kanin, e."
"Ah! Oo nga!" It was as if a light bulb appeared on the top of his head no'ng mag-react siya na parang may sulusyon nang naisip. "Magbenta kaya tayo ng candy sa school o kaya gummy worms katulad ng kay, Flo?"
My face scrunched up. "'Di ba, sabi niya mahal 'yon? Pinagmamayabang niya pa nga na binili niya 'yon ng four hundred kahit one hundred lang naman 'yon. Saka, kaya nga rin hindi tayo makabili ng cat food kasi wala tayong pera."
"Oo nga pala..." His tone of voice sounded giving up its weapons. "Mag-iipon ka pa, 'di ba? Pa'no 'yan, matagal pa bago ka makaipon ng one hundred. Hindi kaya patay na niyan si, Fufu?"
I faced him and gave him a small punch on his arm, napahimas siya ro'n kahit hindi naman 'yon kalakasan. "H'wag ka magsalita ng ganyan..." sabi ko.
"Sorry..."
Nag-isip pa kami ng pwedeng solusyon, but almost all of Wesley's suggestions didn't even make sense. All he could think of was for us to sell sweets even though we didn't have the money to start it! Gusto naming magkapera pero 'yong hindi sana kami gagastos at magta-trabaho.
Sabay na lang kaming bumuntong-hininga at napagpasiyahang umuwi na. Kahit na wala na kaming naisip na iba pang paraan, ayos lang, what matters to me is to know that he is also concerned about Fufu. We both just want Fufu to be safe. Maybe it will come eventually that we'll just find another way soon.
"Hoy, Luli!" Napahinto kami sa paglalakad paakyat ng hagdan no'ng humarang si Maddie sa harapan namin, kaklase at kapit-bahay namin siya. Nakakrus ang mga braso niya. "Basa na naman ba brief mo kaya ka um-absent?"
"Hindi, 'no!" Sumama agad ang hitsura ni Wesley.
"Dinediny mo pa talaga? Saka ang feeling mo, as if naman na nag-bi-brief ka. Luli!"
"Luli?" tanong ni Wesley sa akin na nasagot ko lang ng pagtaas-baba ng mga balikat. Hindi ko rin alam.
"Hindi niyo alam ibig-sabihin ng Luli?" Pasarkastikong tumawa si Maddie. "'Yan 'yong pinaka worst na tawag sa school. Luli, lulubog-lilitaw. Absenero. Bobo. Absenero ka kasi kaya pati 'yan hindi mo alam."
"Ako bobo?"
"Oo!"
"Mo mukha mo!" singhal ni Wesley sa mukha ni Maddie.
"Talaga?" Mataray namang bumaba si Maddie palapit sa amin. "Eleven nga sagot mo sa one plus one."
I heard Maddie snicker before she let out an annoying laugh. Halos katunog na ng tawa niya 'yong asong naipit sa pinto. Kita ko naman na adwang-adwa na si Wesley sa mga pang-aasar niya.
"Dragon slayer. Gerero." Ngumisi siya. "Ang iisip-bata. Nagsama pa talaga kayong dalawa na bagsak sa math."
"Eh, ano?" naghahamon na sabi ni Wesley. "Crush mo nga 'yong uhugin sa room natin, eh."
"Si Josh?" tanong ko agad kay Wesley. Crush ni Maddie si Josh? Pero crush ni Josh si Joy, 'yong best friend niya.
"Oo," natatawang sabi naman niya.
Umakto naman si Maddie na mananakit na no'ng sabihin 'yon ni Wesley. Pero hindi naman natakot si Wesley at tinitigan lang niya siya, hanggang sa napaismid na lang si Maddie at binunggo 'yong balikat ni Wesley no'ng dumaan ito palagpas sa amin.
"Repeater!" malakas na sigaw ni Maddie ro'n sa may gilid ng ilog.
Napasinghal na lang si Wesley at saglit na pinanood si Maddie na kumakanta roon. Singer si Maddie, sumasali siya mga contest ng barangay, at siya din 'yong laging kumakanta sa tuwing may event sa school namin. At kaya siya nandito ay dito kasi siya parating nag-e-ensayo.
Napalingon naman ako kay Wesley no'ng pinahawak niya sa akin 'yong balde na may lamang isda na nahuli namin. Bumaba siya at tahimik na lumapit sa pwesto ni Maddie. Nakita kong pumulot siya ng malaking bato kaya napakilos ako sa kinatatayuan ko.
Hanggang sa narinig ko na lang 'yong malakas na pagsigaw at pag-iyak ni Maddie no'ng mabasa siya matapos ibato ni Wesley 'yong malaking bato sa harapan niya. Sumabog 'yong tubig at tumama 'yon lahat sa kaniya. Ang masama pa ay parang nalasahan niya pa 'yon.
"Pweh!" Halos mapaiyak na siya.
"Si Isko 'yon!" patakbong sabi ni Wesley at hinawakan na niya ang palapulsuhan ko para itangay ako sa pagtakas niya.
"Mama mo pilay!" sigaw ni Maddie sa akin.
"Susumbong kita kay Tita, ah! Teacher 'yon!"
"Samahan pa kita!"
Wesley and Maddie are just like a fuse and a bomb, na kapag sa tuwing magtatagpo silang dalawa ay para bang may kung ano sa loob nila at gano'n na lang kabilis sumabog at walang hinto sa pagbabangayan. Malaki pa ang nagiging damage dahil kahit pati ibang tao na nasa paligid nila ay nadadamay. Katulad ng nangyari sa 'kin.
"Tinawag ba talaga ako ni, Ma'am Cora, ng gay-on?" tanong niya sa akin habang nilalakaran na namin 'yong patok namin. Nakikita ko pa sa kalayuan na papalubog na 'yong araw at 'yong liwanag na kulay kahel ay tumatama sa balat namin.
"Luli?"
"Anla!" asik niya. "H'wag mo 'yan banggitin sa harapan ko kay nangangati bigla kamao ko, eh."
"Sorry!" Nag-peace sign naman ako. "Hmm. 'Yon 'yong tinawag sa 'yo ni, Ma'am. Tinawag ka niyang... gano'n no'ng nasa faculty ako. Nga pala, kaya pala ako nando'n kasi mali 'yong homework na ginawa natin."
"Mali?" hindi makapaniwalang sabi niya. Tumango naman ako at naintindihan naman niya kaagad. "Okay. Pero kahit na. Dahilan ba 'yon para maliitin niya tayo? Narinig ko rin na pinahiya ka niya. Nagkamali lang naman tayo, e, hindi naman natin sinasadya."
"You're right!" I said.
"Sabi niya pa sa 'kin no'n, no'ng 'di ako makasagot sa math, disappointed daw siya sa 'kin kasi akala niya matalino ako kasi nag-re-recite ako no'ng first quarter. Ala hoy, ako ngay nag-expect sa i-yo," paggagad niya sa boses ni Ma'am. "Sabi niya. Eh, mahirap naman talaga 'yong pinapasagot niya sa board! Kahit si Luke top one natin 'di nga makasagot!"
"Hmm!"
"Kaya tinamad na 'kong pumasok dahil sa kaniya," sabi niya.
Iyon pala ang dahilan niya kung bakit siya lumiliban ng klase. Kaya nagtaka talaga ako no'ng uma-absent na siya, hindi naman talaga siya gano'n no'ng grade 5 kami.
"Gerero... Dragon Slayer... mali ba 'yon?" dinig kong bulong niya.
"Ano ba gusto mo maging paglaki bukod do'n?" tanong ko at napalingon naman siya sa akin bago siya ngumuso at nag-isip ng isasagot.
"Sabi ni Lola, magaling daw ako sumagot-sagot saka magrason. Ang hilig ko raw ipagtanggol sarili ko, kaya bagay raw sa 'kin maging abogado," sabi niya. "'Yon na lang kukunin ko paglaki. Ikaw?"
Ako? Ano'ng pangarap ko paglaki?
I didn't know why until I was walking on the way to our house, that question kept running through my mind. Before Wesley and I parted ways, he first looked for a bottle for me to put my fish in it, kung kaya habang nilalaro ng paa ko itong maliit na bato ay pinagmamasdan ko 'tong bote sa isang kamay ko na may lamang mga isda.
"What really is my dream? Hmm?" I was talking to them.
When they just responded by swimming peacefully, my mouth just grew a few meters longer. Naibaba ko na ang kamay ko at pinagmasdan itong lumang bahay na nasa harapan ko. Mukhang wala nang nakatira dahil napaka dilim sa loob at sira-sira na.
Does this house dream of being a lively house again? If so, we are the same, I want to be lively again and not think about any uncertain things. It's frustrating to think of a specific dream that I want to be! It's just making me feel worried. I just heaved a sigh and went home.
"Galing ka na naman sa ilog, 'no?" I almost froze when Kuya Ikio appeared after I opened the door. "Sinundo ka na naman ni, Wesley!"
"No po!"
"No po..." He mimicked my words. At hindi ko alam kung saan siya natawa dahil nakatingin lang siya sa mukha ko at sabay na binaling ang mga mata sa ibaba. "Ikay bibitligan ko diyan, eh! Huli ka na, oh!"
Napatingin naman ako sa hawak kong bote no'ng ngumuso si Kuya ro'n. Tinago ko pa 'yon sa likod ko pero hindi na ako nakakuha pa ng lakas na tumingin sa kaniya. Bisto na 'ko! And what I expected, he punished me again. He made me answer ten math problems!
While looking at those numbers, I seemed was suddenly hypnotized and got sleepy. Suko na 'ko! Napadukmo na lang ako sa table at pinagmadan 'yong mga isda na payapang lumalangoy, nakapatong sila doon sa may cabinet.
Habang kumakain kami ng hapunan ay si Kuya Ikio ang naglipat sa kanila ro'n sa lumang fish bowl. Pinapanood ko lang ang paglangoy nila hanggang sa napapikit na ako.
"Natutulog ka na naman! Isko! Gumayak ka na! Gusto mo gay pumarine pa 'ko riyan?!" sigaw ni Kuya Ikio sa labas ng bahay.
My eyes snapped open. Napa-angat naman ako ng ulo at bumaba sa swivel chair sabay na tumakbo patungo sa kama at inabot 'yong bag. Pagkasukbit ko nito ay nagmamadali akong bumaba at sinalubong si Kuya sa labas.
Monday na naman!
Umangkas ako agad sa bike niya at binaybay na namin ang daan papuntang school. Doon din kasi ang daan niya papunta sa shop. Sa tuwing pasok namin ay ito ang pinaka gusto ko sa lahat, ang ihatid ako ni Kuya gamit ang bike niya.
"Whoo-hoo!"
Napapahiyaw na ako dahil sa malamig na hangin na humahampas sa balat at mukha ko! The wide rice paddies and big mountains in the distance, and the sun is peeking out from behind the mountains are so amazing!
Pagkarating sa school ay mabilis akong bumaba ng bisikleta at nagpaalam kay Kuya. Patakbo naman akong pumasok sa loob at umakyat sa third floor. Hindi pa naman ako late pero gusto ko lang kasi makita 'yong sunrise sa room.
"Wesley!" Tawag ko kay Wesley no'ng makita ko siya sa upuan niya. Pumasok na rin siya!
Malawak ang ngiti niyang kinawayan ako. Patakbo naman akong pumunta sa upuan ko, sinabit ang bag sa harapan saka umupo at nilingon siya sa likuran. Hindi na siya nakapunta sa bahay kahapon kaya tinanong ko siya kung ano 'yong dahilan.
Sinabi naman niya sa akin na hindi na raw siya pinayagang lumabas ng bahay dahil gabi na kaya napatango na lang ako. No'ng saglit akong natulala habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan 'yong tanawin saka sunrise sa labas ay kinalabit niya ako.
I turned my body towards him. He asked me about Fufu at baka mamayang uwian ay sumama siya sa akin sa bahay, makikitambay lang siya kasi ayaw niya pang umuwi. Saka gusto niya din makita si Fufu.
"Nasa meeting si, Ma'am!" Nakarinig ako ng mga hiyawan galing sa mga kaklase namin. Napatingin naman kami kay Joy noong malakas niyang tinapik 'yong board. "Wala daw mag-iingay! Maglilista ng noisy si, Maddie!"
"Bakit siya maglilista?" sabi ni Flo na nasa first row.
"'Di naman 'yan officer, eh!" sabi naman ng katabi niya.
"Mag-best friend kasi!" Nagsimulang umugong 'yong pang-aasar ng mga boys sa likuran.
"Pake mo ba?" magkakrus ang mga brasong sabi ni Joy. "Wala ngang mag-iingay, 'di ba? Lista mo 'yan, Maddie."
"Sige," pairap na sabi naman ni Maddie bago niya sinulat 'yong pangalan ni Flo sa board, sa ilalim na may nakasulat na malaking NOISY.
Nakita kong hindi na nakalaban si Flo. Naramdaman ko ulit ang pagkalabit ni Wesley sa akin kaya napaharap ulit ako sa kaniya. Inurong niya ang upuan niya palapit sa akin.
"Nakaisip ka na ba?" pabulong na tanong niya.
I hummed. "Pinasagot ako ni Kuya Ikio ng ten math problems. Apat na division, tatlong addition, dalawang subtraction, saka isang multiplication," sabi ko. "Sobrang hirap, kaya 'di na 'ko nakaisip ng paraan."
"Ah! Sumakit bigla utak ko. Mas lalo kong naramdamang bobo ako. Ah!" Natawa naman ako no'ng umakto siya na sumasakit 'yong ulo niya. Tinapik niya ang balikat ko. "Mas mabigat na problema nga 'yan. Okay, okay... dama kita."
I laughed a little. He's being silly today.
"Ikaw, nakaisip ka na ba? 'Yong hindi tayo gagastos, ah," pabulong ko ring sabi.
"Uhm... magbenta kaya tayo ng lemonade? 'Yong sa napanood natin sa Phineas and Ferb? Nasa'n si Perry?" Tumawa siya na para bang nanalo sa palabunutan ng sisiw. "Tapos ipapangalanan natin ng Wes and Bo lemonade stand! Wow! Ang talino ko pala?"
Napabuntong-hininga naman ako. "Sa'n naman tayo kukuha ng mga lemon? Sa ibang bansa lang naman may gano'n, e."
"Ay, bobo. Oo nga..." Napakamot na lang siya ng ulo. "What if babana cue?"
I squinted my eyes, he was being unreasonable now. "Wala tayong pera."
"Tinapik?"
"Walang pera."
"Fishball?"
"Sa bayan pa 'yon nabibili."
"Cheese stick na hindi naman talaga cheese 'yong palaman?"
Napahinto ako at inisip 'yong sinabi niya. "Harina?"
"Oo," sabi niya at natawa.
Umiling naman ako. "Pera, pera, pera..."
"Gummy worms ni Flo?"
"Ha?" What he said made me sit up straight. "Anong gagawin mo?"
He brought his face close to mine, and his face had an evil expression. "Mamayang recess nanakawin ko 'yon sa bag niya tapos benta natin."
"Uy!" impit kong sabi. Napalinga naman ako sa paligid. "Masama ang magnakaw."
"Joke..." sabi niya at umayos ng upo habang mahinang tumatawa.
He said it was a joke, but from what I could see on his face, that was half-meant!
"Wesley, lima!" Sabay kaming napalingon nang sumigaw si Maddie.
"Ba't nandiyan ako?" nagtatakang tanong ni Wesley.
"Six," mataray na sabi ni Maddie at nagguhit ulit siya ng isa pang linya sa board.
I heard Wesley whispering a protest behind me. Hindi niya matanggap na nakasulat sa board 'yong pangalan niya kaya naman ay sadya akong sumigaw at agad namang sinulat ni Maddie ang pangalan ko.
Saglit kong nilingon si Wesley at nakita ko siyang mulat ang mga matang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako at nag-okay sign sa kaniya. Ginawa niya rin 'yon habang namamanghang tumatango.
"May alaga kayong pusa?" Nakarinig naman ako ng bulong galing sa katabi niya, si Emon. Malaki ang mga mata niya, makapal at mahahaba ang pilik mata, makapal rin ang kilay. Al-Hassan ang apelyido niya, may lahi siyang bumbay. Siya lang din ang maputi sa klase namin.
"Hmm," patangong sambit ko.
"Ako rin," he whispered. "Bawal sila sa buto saka tira-tirang pagkain. Saka sa gatas na pangtao."
"Oh?" I reacted. Nakita kong lumapit na si Wesley sa amin para marinig ang pinag-uusapan namin. "Alam mo rin?"
"Oo. Second pet ko na si Lily, namatay kasi 'yong una kong alaga, eh, dahil do'n," sabi niya pagkatapos ay may hinugot siya sa bulsa niya. He pulled out some money. "Ito. Ambag ko pambili niyo ng cat food."
"Whoa?" Mabilis namang hinablot 'yon ni Wesley at pinagmasdan. "Fifty? Ang yaman mo talaga! You're the best!"
"Ten!"
"Anla?" atungal niya bigla. "Bakit ten na 'yan? Tss! Kapag 'yan nadagdagan pa, mamaya ka sa 'kin."
"Eleven, sagot mo sa one plus one," sabi ni Maddie. Mahinang nagtawanan naman ang mga kaklase namin.
Noong mag-uwian ay sabay kaming naglakad ni Wesley papunta sa bahay. Habang naglalakad ay mabilis naman kaming napahinto no'ng madaan namin itong tindahan ng mga cute na pusa. Kaharap namin itong salamin na transparent.
Nakatingala kaming nakatingin doon sa may cat wheel, katabi nito ay 'yong maliit na ferris wheel na may mga dagang laruan na nakasakay. Sa ibaba naman ay duyan ng pangpusa. May pusa pang cute na natutulog doon.
"Ang mahal nga..." rinig kong sabi ni Wesley at nakita kong nakayukong nakatingin siya doon sa sako ng cat food na may price. Umayos siya ng tayo at inakbayan ako. Sabay pa kaming napabuntong hininga.
"Tara na," pag-aya ko sa kaniya.
Naglakad na ako at naramdaman kong natanggal ang akbay niya sa akin kaya naman ay napahinto ako at nilingon siya. Nakita kong nandoon na siya sa hindi kalayuan, kinakausap 'yong mamang nagtitinda ng ice candy.
Pagkatapos ay nakangiting siyang tumakbo palapit sa akin sabay na inakbayan ako at hinila sa paglalakad niya. "May alam na 'kong pwedeng gawin!"
"Meron na? Ano?" tanong ko pero mapang-asar na umiling lang siya. "Ang daming alam! Sabihin mo na!"
"Basta!" sabi niya. "Ako na bahala. Kargo na kita do'n!"
Napaismid na lang ako. Pagkarating namin sa bahay ay si Fufu kaagad ang hinanap niya. Nilalaro niya si Fufu gamit 'yong laruang ginawa ko. Manipis at mahabang stick 'yon na nanggaling sa walis tingting, sa dulo niyon ay may nakataling plastic na mahaba na hinahabol ni Fufu.
Ganoon lang siya habang nagbabasa ako ng libro. Hanggang sa inabot na siya ng gabi at dito na rin nakikain sa amin. I was thinking about the secret he mentioned all night, and he even looked so happy as if the way he thought of it was really effective.
"Magkano?" tanong ng batang lalaking estudyante na nasa lower level namin.
"Bente dalawa," sabi ni Wesley.
Nagtatakang napatingin naman ako sa kaniya no'ng sinabi niya 'yon.
"Ha? Ang mahal naman! Ice candy lang 'yan tapos bente?"
Siniko ko na siya dahil nagrereklamo na 'yong bata. Nilingon naman niya ako pero saglit lang dahil mas natuon ang masamang paninitig niya roon sa bata. Nakita ko namang nagbibilang sa daliri 'yong bata.
Nag-angat siya ng tingin sa amin. "Bente dalawa, bale kapag isa binili ko sampu lang?"
"Alam mo naman pala, eh."
"Huy!" saway ko kay Wesley pero hindi niya ako pinansin.
"Oh, ano? Bibili ka ba? Maglalako pa kami."
Nakita kong naiiinip na siya dahil nag-isip ulit 'yong bata. Segundo rin ang lumipas bago ito nakapag-isip at naglabas ng sampung piso sa bulsa.
"Sige, pabiling isa," sabi no'ng bata at inabutan niya kaagad ito ng ice candy.
Matapos ay napasunod ako kay Wesley noong maglako ulit siya at sumisigaw ng special ice candy sampu lang isa. Ako ang nagsusukli sa mga bumibili dahil ako ang taga-hawak ng pera.
"Hindi tayo makakabenta kapag ginanyan mo sila," sabi ko sa kaniya.
"Nagtatanong pa kasi siya, e, may presyo na ngang nakalagay, oh!" Dinuro niya 'yong malaking nakasulat sa harapan ng styro box. "Ang laki-laki! Kanina ko pa rin sinisigaw na, special ice candy sampu lang isa!"
Ngumiwi ang mukha ko at sabay na napahawak sa tainga noong malapit sa mukha ko siya sumigaw. Tama naman siya pero hindi naman tama na sungitan niya 'yong bumibili.
"Kahit na," sabi ko habang nililinis ang tainga. Nabingi na yata ako!
"Pasalamat siya 'di ko ginawang kinse isa." Rinig kong bulong niya. Natawa naman ako.
This is the plan and strategy he came up with! Ang maglako ng ice candy! Hindi ko pa sana mahahalata ang laman ng bag niya sa klase kung hindi niya pinakita sa akin na styro box 'yon. Pinagkasya niya talaga at isang notebook at lapis lang ang dala niya.
Noong recess ay nagbenta siya sa room niyon pero hindi naubos lalo nang biglang sumingit si Maddie at binantaan kami na isusumbong niya kami sa principal, kaya no'ng mag-uwian ay ito, nilalako namin 'yong marami-marami pang natira rito sa labas ng school.
Hindi ko masabi na effective na 30 pieces ang kinuha namin para ilako, dahil parang natutunaw na 'to pero marami pa rin ang hindi pa nabebenta! Sinabi ko kasi sa kaniya na 20 pieces lang ang kunin pero hindi siya nakinig, nagpumilit siya sa may-ari na 30 pieces ang kukuhanin namin.
"Upo muna ako!" nagmamakaawa na ako sa kaniya no'ng maramdaman kong nangangalay na 'yong mga paa at tuhod ko kakatayo at lakad!
Hindi pa man siya pumapayag ay tumakbo na ako papunta sa lilim ng aratilis at agad na umupo sa may upuan na malaking tabla ng kahoy. Napatingala ako sa kaniya pagkarating niya sa pwesto ko.
"Five minutes lang, ha?"
"Oo! Oo!" Parang ngayon lang ako pinagbigyan ng isang bagay sa tono ng boses ko. "Five minutes lang, promise!"
Tumango naman siya at umupo na rin sa tabi ko. I looked up, closed my eyes, and then let out a long breath. It really felt so good to be sitting! Best part 'to ng pagbebenta namin!
Habang nakangiting nakatingala ay inunat ko ang mga paa ko at winagayway 'yon. Inangat ko ang palad ko at sinusubukang hawakan 'yong liwanag na sumisilip sa likod ng mga dahon.
"One, two, three..." Napababa ako ng kamay at tingin no'ng marinig kong nagbibilang si Wesley, binibilang niya 'yong mga natira pang ice candy. Nakita ko na lang siyang frustrated na suminghal. "May eighteen pieces pa na 'di nabebenta!"
"Eighteen pa?" Wala siyang buhay na tumango. "Pagod na 'ko..." sabi ko at nang magkatinginan kami ay sabay na nga kaming malakas na kunwaring napa-iyak.
"Ayoko!" With only the hum of the wind to be heard, and the rustling of leaves, a fearful yell broke the deep and long silence. I could even hear the slap from almost a mile away from us.
Sampal ba 'yon? Agad na kaming napalingon doon sa kalayuan at nakitang may batang nakahandusay sa sahig. He was surrounded by five tall men. Iba ang uniforms nila sa amin, pang-high school 'yon.
"Hoy!" sigaw ni Wesley no'ng makita niyang kinuwelyuhan 'yong bata at akmang susuntukin.
Mabilis naman akong napatayo at napatakbo na rin pasunod sa kaniya pagkatapos niyang pumulot ng bato at tumakbo papunta sa mga 'yon. Sumigaw siya at sinalubong ang mga ito. Napigilan niya ang pagsuntok no'ng lalaki sa bata.
I thought they were going to attack us too, pero no'ng makalapit kami sa kanila ay nakita na lang namin na napaatras ang isang paa no'ng lalaking kumwelyo kay Emon! May maangas pang lumapit sa amin.
"Ano, ha? Ano?!" paghahamon ni Wesley.
May binulong naman 'yong kasama nito at saka nila kami pinagtinginan. Kumuyom na ang kamao ko para ihanda ang sarili. Ilang sandali pa ay sabay na lang kami nagtaka ni Wesley no'ng umalis at tumakbo ang mga 'to.
"Eh?" nagtatakang sambit ni Wesley at natawa na lang siya. "'Yon na 'yon? Ah... takot sila sa 'kin!"
"Hindi sa 'yo," sabi ni Emon matapos ko siyang tulungan sa pagtayo.
"Pa'nong hindi? Tumakbo nga sila no'ng makita nila ako, e!" Wesley burst out laughing.
Nagmamayabang siya. Mas inuna niya pa talaga 'yon kaysa isipin ang lagay ni Emon. Ngumiwi naman ang mukha ko no'ng makita ko 'yong pamumula ng pisngi niya! Mukhang masakit 'yon! I was right, I really heard a slap!
"Si Isko 'yon," sabi ni Emon. Agad akong napatingin sa kaniya at nagtaka sa sinabi niya. "Teacher daw 'yong mama niya, e."
Dahil kay Mama? Kaya sila mukhang natakot at tumakbo dahil kilala nila si Mama? Ibig-sabihin si Mama mismo ang nagligtas sa amin? Will they be afraid even if we just mention her name? Wow!
Narinig ko namang napasinghap si Wesley at hindi pinakinggan ang sinabi ni Emon. Pinipilit niya pa na siya ang dahilan kung bakit naduwag ang mga 'yon hanggang sa makarating kami sa may isang poste ng ilaw.
Umupo kami sa ilalim nito kung saan may malaking bloke ng kahoy. Hindi kami nasisinagan ng araw dahil natatakpan din naman ito ng mga dahon galing sa malaking puno na nasa likod namin.
Mula rito at sa harapan ay tanaw namin ang malawak na malawak na palayan, at sa malayo naman ay mga bundok. The big clouds and the chirping of birds are reigning the whole area!
"Lola!" tawag ko sa Lola na dumaan. May atang-atang siyang mabibigat na kalakal. Huminto naman siya at binitawan muna ang mga dalahin niya. "Ice candy po muna kayo, oh."
"Ay, nako... wala akong pera, utoy," malambing na sabi niya.
"Ay, hindi po. Libre na po 'yan. Galing po 'yan sa kaniya," sabi ko sabay turo kay Emon. Ginagamot siya roon ni Wesley, nilalapatan 'yong pisngi niya gamit 'yong ice candy.
"Hello, po!" Nakangiting kumaway naman sila.
At ganoon ang nangyari, si Emon ang bumili ng ice candy na hindi namin nabenta. Iyong iba ay pinanggamot sa pisngi niya. Habang kumakain ay nakatanaw kami sa tanawin, at dahil marami 'yon ay pinapamigay namin 'yong iba sa mga dumadaan.
Nadaanan pa kami ni Ate Ingrid na nagtataray. Una ay binabantaan niya pa ako kay Kuya Ikio na isusumbong niya pero no'ng inabutan namin siya ng ice candy ay natahimik na lang siya bigla, humingi pa siya ng dalawa bago naglakad paalis.
"Walang thank you!" sigaw ko at inirapan niya lang ako.
Nakita ko pa na sa kabilang kanto siya pumasok. Para sa boyfriend niya 'yong isa! Sumunod na araw ay nagbenta pa kami ni Wesley ng ice candy. Natuto na rin kami na h'wag humango ng 30 pieces niyon. 20 pieces na lang ang kinuha namin at hanggang sa binibilang na namin ang naipon naming pera sa bahay.
"One hundred fifty..." Pagbibilang ni Wesley sa kinita namin. Nakaupo kami sa sahig dito sa kwarto ko at nakalatag naman 'yong mga pera. "Three hundred..."
"Four hundred fifty!" malakas na sigaw namin. "Waahh!"
Our voices almost echoed throughout the house. Naka-four hundred fifty kami! Plus 'yong ambag pa ni Emon no'ng isang araw at ipon ko!
Pinagplanuhan namin agad 'yong pagbili ng cat food saka no'ng maliit na ferris wheel. Isa at kalahating kilo ang bibilhin namin. Sa akin pinahawak ni Wesley ang pera at sinabi niya na aabangan na lang niya ako doon sa may tindahan, hindi raw kasi siya papasok bukas.
Kaya kinabukasan habang nagkaklase ay hindi ko na magawang makinig pa sa ni-le-lesson ni Ma'am Cora, excited na ako na makabili ng cat food at laruan ni Fufu!
No'ng mag-uwian ay nakipag-unahan na ako sa mga kaklase ko na makalabas. Mabilis na pagkaway na lang din ang nagawa ko kina Josh. I was running and jumping for joy when someone suddenly kicked my back.
Sobrang lakas noon kaya napa-aray ako no'ng bumulagta ang katawan ko sa sahig. Hindi ako agad nakatayo at may humila na lang sa 'kin papasok sa eskenita at malakas akong tinulak pabunggo sa pader.
I almost lost my breath and prayed that was the only thing to happen, but as soon as I darted up to look at them, I was quickly welcomed by a strong punch in the face. I feel like my cheek is burning.
"Teacher nanay nito? 'Yong pilay?" Dinig kong tumawa silang lahat.
"M-Ma..." I felt a pain in my chest when I spoke.
I tried to hold on to the wall and used it to stand up. That's what I could only do while seeing them laughing and looking at me wailing.
"Mama..." I silently called Mom. I'm so scared.
"Pero ang sexy pa rin no'n, 'no, kahit iika-ika maglakad."
"Witwiw..." someone whistled. "Sarap pagnasaan."
Nang makatayo ako ay agad kong nilingon ang nagsabi no'n. Nanginginig na ang mga labi ko sa sobrang emosyon na nararamdaman. "H-H'wag niyong binabastos Mama ko!" sigaw ko at napahandusay muli sa sahig no'ng sinuntok uli ako no'ng lalaki.
"Takot sila Ace do'n? Eh, babae lang din naman 'yon!" They laughed. "Mahihina mga babae!"
I was gasping for air when he kicked me in the stomach. Hirap na hirap akong makahinga habang puwersahan nilang inaagaw ang bag ko. Umiiyak na ako... sobrang takot na takot. Am I going to die?
Habang humahanap pa rin ng tamang paghinga ay pinilit ko ang sarili ko na kumilos nang makita silang hinahalungkat ang laman ng bag ko. Hanggang sa nakita ko na lang na hawak na nila ang pera namin ni Wesley!
"H'wag... H-H'wag 'yan!" humahagulgol na sigaw ko. Nang makatayo ay agad nila akong hinawakan sa magkabilang braso ko. "Akin na 'yan! Ibalik niyo 'yan sa 'kin! Ibalik niyo!"
I was crying loudly, begging them, I was struggling, I couldn't stop myself from shouting and begging. Mahalaga ang pera na 'yon. Kay Fufu 'yon, e!
Agad akong napahugot ng malalim na hininga no'ng sintok niya muli ang tiyan ko. He boastfully approached me, he slaps my cheek. When I looked at him, I noticed the scar above his eyebrow, on the right.
"Bakit, ha? Magsusumbong ka?" Nakangising tumango-tango siya. "Subukan mo. Iksakto ro'n mamaya sa kanto na madilim na madilim, sa talahiban, aabangan namin 'yong Mama do'n."
Sa kanto? Na madilim? Alam nila? Alam nila na doon lagi dumadaan si Mama?
"Ano... anong gagawin niyo?!" I shouted.
"Ugh... ugh..."
Bigla akong nabingi sa ungol na 'yon. My world suddenly went into slow motion. As my eyes getting blurry dahil sa namumugto kong luha ay nakikita ko silang nagtatawanan. Their laughter was exploding in my ears.
"Literal na iika-ika talaga 'yon pag-uwi!"
"Ano, susubukan mo pa rin ba?" The man showed me a creepy grin bago niya sinenyasan ang mga nakahawak sa braso ko.
Binitawan nila ako at sabay na malakas na sinipa naman ng lalaki ang dibdib ko. Iniwan nila ako habang nakahandusay at hirap na hirap huminga. No'ng umayos na ang lagay ko ay humihikbi kong inayos ang mga gamit ko at sinilid sa bag.
Mabilis kong pinuntahan ang tindahan at agad akong huminto sa paglalakad nang makita ko si Wesley doon na naghihintay. Nawala ko 'yong pera! Gusto ko 'yong sabihin sa kaniya pero napayuko na lang ako at humikbi at mabilis na tumakbo pauwi.
Habang umiiyak ay pumulot ako ng bato sa tapat nitong sira-sirang bahay. Handa na sana akong batuhin ang bahay nang makarinig ako ng sigawan sa loob.
"Sisirain mo na lang ba talaga ang buhay mo, ha?!" Napahigpit ang kuyom ko sa batong hawak ko sa sigaw na 'yon.
"Hindi ko nga 'yon ginawa! Bakit ba ayaw mong makinig sa 'kin?!"
"Sumasagot ka na?! Ha?!" Agad na humakbang paatras ang mga paa ko no'ng makarinig ako ng pagkabasag ng mga plato. "Pa'no ako makikinig? Nanay mo 'ko, malalaman ko lahat ng ginagawa mo! Nagsinungaling ka. Sabi sa 'kin ng teacher mo hindi ka naman daw pumasok, ha? Sumasama ka sa mga adik na binatilyo sa labas! Nakikita kita! Nag-aadik ka na rin ba, ha?!"
"Ma!" malakas na sigaw ng lalaki mula sa loob.
"Sa'n ka na naman pupunta?! Bumalik ka dito!" My eyes saw that the door spit out a tall man. Naka-uniporme siya at nang makalapit siya sa gawi ko ay nakita ko ang mga pasa sa mukha niya. "Maui!"
Tahimik ang mukha niya nang lagpasan niya ako pero napaharap na lang ako sa kaniya no'ng bigla siyang huminto. Taka ko siyang tiningnan noong makita siyang nakatingin lang din sa akin.
Habang nakapamulsa ang mga kamay niya ay nilapitan niya ako. Nakayukong napaatras naman ako. Nang marinig ko ang pag-ngisi niya ay tiningala ko siya. He also had the same grin like the guy who beat me!
No'ng gumalaw siya ay agad kong inalarma ang hawak kong bato, kung kaya noong pinisil ng daliri niya ang pisngi ko ay agad akong napa-aray at binato siya. My heart beat doubled when I saw his forehead bleeding!
He was shortly stunned as I was too. He put his finger in the flowing blood and gazed at it, and when I heard him snicker, my eyes just widened. Hindi ko alam ang iaakto ko nang makita siya na gano'n, parang wala lang sa kaniya 'yon!
"Hindi ka nila pwedeng makita na ganyan," sabi niya patukoy sa pasa ko sa pisngi. Each word has the flow of his deep and mellow voice, malayo sa barumbado niyang mukha. "Iisipin nila na masama ka." He grinned, shook his head, and walked away.
I closed my eyes, remembering the tone of his voice... His voice doesn't sound like a bad guy in that small stream.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top