Chapter 19


"Ano daw nangyari?"


Na-delay si Mama sa paghihiwa ng papaya no'ng makita niya ang pagdating ni Kuya Ikio. Narito kami sa sala, nakaupo ako sa sahig habang naghihimay ng dahon ng malunggay. Tinutulungan si Mama na ihanda 'yong mga sahog para sa tinola. Si Ate Ingrid naman ay nasa couch, she was doom scrolling through social media. It's like the volume bar of her phone is almost filling up, it was making so much noise.


Naroon pa si Kuya sa labas, inaayos ang sarili pati 'yong mga gamit niya. Tinatanong siya ni Mama kung ano ang nangyari sa pinuntahan niya. Sa narinig ko kaninang umaga habang nakahiga ako at nakatulala lang sa bintana ay tinawag siya ni Uncle Morris para magpatulong na magkabit ng salamin.


"Napag-trip-an no'ng mga binatilyo 'yong computer shop nila..." pagsasalita ni Kuya Ikio habang naroon siya sa kwarto niya. "Pinagbabato ng ihi saka tae, tapos binasag pa, eh!"


"Grabe naman 'yan sila?!"


When I put my fingers and thumb together on the malunggay stem, it made a popping noise when I pulled the leaves out. I had no idea that pulling out the leaves of the malunggay would be this serious and require a lot of hard work.


Mom was very meticulous about it. She even told me that I should be careful and pay attention when removing the leaves so that the small portions of the stems don't come together. And I listened. So here I am, wearing the other me. It's as if that kid came from another dimension. I just got serious about something.


There were three thin stems left, I removed the stalk and then played with them. Mukha 'tong paa ng T-Rex, kung kaya ay na-distract ako sa ginagawa at pinaglaruan ko 'yon na kunwari ay naglalakad ito nang dahan-dahan. Ganoon lang ako habang sina Mama at Kuya Ikio naman ay nag-uusap pa rin tungkol doon.


"Palala na nang palala na talaga karamihan sa mga kabataan ngayon!"


Nagputol pa ako ng mga tangkay para gawin 'yon na mga puno sa paligid. I had them stand on the edge of a large tupperware container na pinaglalagyan ko ng nahimay na malunggay.


"Baka naman ginawa nila 'yon kasi sobrang sungit ni Tito Morris sa kanila," I said in a whisper while my mind was in another world.


I raised my head when Mom suddenly snatched the stem I was playing with. The corner of my lips just stretched to one side as she removed the stems I had planted one by one from the edge of the container. Kunot-noong sinenyasan niya ako na ipagpatuloy ko na ang paghihimay ko. She seemed angry at what I said... which was half true... or a whole complete truth?


I never liked Tito Morris. Mayabang siya, hobby niya'ng mangmata ng ibang tao, at ang mas malala pa ay ang mangmata sa mismong kamag-anak niya pa. He can also speak ill of his own family. No'ng new year, no'ng nag-inuman sila nina Kuya Ikio saka ng iba pa naming relatives sa harap ng bahay namin, narinig ko 'yong pinag-uusapan nila tungkol sa pagiging malambot ng isa niyang anak.


Sinabi niya kina Kuya na kung maging bakla man daw si Kuya Josiah ay bubugbugin niya muna daw ito at lulumpuhin bago payagan. Nasa bintana at sofa ako noon, nanonood ng palabas sa TV, kasama si Kuya Josiah. If I heard what they were talking about, he heard it too. It's just so much worse for him to hear that... he might realized that his father is a monster.


Well, he's not just a monster. That same day, he said he also sees me as soft. Then he told Kuya Ikio to do the same to me—to discipline me—just as he said he'd beat Kuya Josiah to death if he found out that his son was different. If we're different. He's more than cruel and a monster. He's a soul killer.


"Lima... lima sila nando'n. Buti na lang nakita 'yong mga 'yon sa CCTV. Hinahanap na 'yon ng mga tanod ngayon."


"Baka naman nag-aadik 'yong mga 'yon!" mula sa masungit na tonong boses na sabi ni Ate Ingrid.


"Eh, sino ba'ng matino ang gagawa no'n?" It turned out that Kuya had already changed his clothes and his arms were crossed over his chest as he leaned against the wall of his room, facing us. "Gumanti daw, eh, ang sabi. Nakaaway na daw 'yon ni Brixton." Bunsong anak ni Tito Morris, kakambal ni Brixi na kasing taray rin ni Ate Ingrid. "Barumbado daw talaga. Pumapasok na pulang-pula 'yong mga mata."


Atre Ingrid smirked scornfully. "Adik nga."


"Sabi may lider daw 'yong mga 'yon, eh. Kasing edaran lang daw ni Wesley," sabi ni Kuya Ikio. He implied Wesley's name. The moment he started speaking by adding the names of those who were acquainted with me, I could tell immediately where their conversation would go. "Pareho pa ng school na pinapasukan nila Isko."


When I heard my name, I popped out the malunggay leaves along with the stem. My thoughts of being in another world seemed to be swallowed up by the hole—darkness, and I didn't know why that place was so scary even though there was no one there. And voices... I could only hear voices... I could only hear their noises.


Mom slapped my hand. I was a little startled when I looked up at her.


"Sabi ko himayin mo nang maigi, eh. Nakikinig ka ba?" Pagsita ni Mama sa 'kin. "Kayo, Isko, ah! H'wag kayo magbabarkada ni Wesley ng mga gano'n sa school ninyo. Baka malaman-laman ko na lang na nag-aadik ka na rin!"


Nag-aadik?


How could Mom say that? Did they ever see me doing something bad that could break their hearts? Did I ever say something wrong to them? Yes, I made one mistake, as they say, as Kuya Ikio said... I just lost the bike that Dad gifted him but... did I ever say that I didn't care when I lost it? Did I ever hurt them? Say these things to them?


All I've done my whole life is be a kid... a son? Worry about what will happen to me in the future. Afraid that if I don't succeed, I'll fail them. That's why I still cling on, hold on, and force myself to go to school even though it makes me sick to wake up because I want to find my dream... Because if I ever have to find my dream, I'll help them with what I have but... in all of that, is this really all what they just see of me?


"Wala kang alam diyan, 'Ma..." nakangising sabi ni Kuya.


"Maayos ba kayo sa school ninyo, ha?" Mom asked.


I looked down. "Hmm," I simply said, nodding.


"Tingnan mo naman kung pa'no sumagot, oh!" Kuya Ikio pointed his finger at me, he starts getting angry again.


"Mga sagutan pa lang alam mong 'di nakikinig, eh," gatong na sabi ni Ate Ingrid. "'Ma, tingnan mo, darating 'yong araw magtataka ka kung bakit palaki na nang palaki 'yong hinihingi niyan..."


"Ang sabihin mo matakot ka na, 'Ma," sarkastikong natatawang dagdag na sabi ni Kuya. Bahagyang nakayukong palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Sa bahay na 'to... ngayon ko lang napagtanto, na ni isa... ay wala na akong kakampi. There are four of us here, but I feel like I'm completely alone. "Kakahingi lang niyan ng one-fifty no'ng isang araw, 'di ba?"


But that's a contribution to the costume we'll make for the cheer dance.


Nag-react si Ate sa sinabi ni Kuya, until they told so many things about me that I couldn't understand. Lahat ng sinasabi nila ay hindi ko pa nagagawa... hindi ko magagawa—hinding-hindi ko magagawa. Pero ang tingin nila sa 'kin ay magagawa ko 'yon... at nagawa ko na ang mga 'yon. But I can't figure out when, or if those are true. I can't remeber, I'm so sorry I can't. I don't know when they started to see me that way.


"Umayos kayo, ha?" Mom firmly reminded me.


"Hmm." I just nodded.


Even though I did nothing wrong, I'm still just someone that they could not trust.


"Ang tahi-tahimik mo na... dati hindi ka naman ganyan," huling pagpansing sabi sa 'kin ni Ate habang nasa hapag kami.


I thought about that question all the way to my room, and through getting ready for bed. It lingered as I washed my face, pulled on my pajamas, and even while I practiced drawing. It stayed with me until I was lying in bed, staring at the ceiling, thinking... that when did I start to stop every word in my mind from coming around my mouth to speak?


When have I been so quiet?


My thoughts circled back to that same point even though a teacher was discussing in front of all of us. Even though we should have listened because it had a connection to the steps we would take after we finished this grading, I still couldn't seem to focus. Ang tahi-tahimik mo na... dati hindi ka naman ganyan. But what was I like then?


What actually are those things that changed who I was before? How did I end up like this?


Noong mag-uwian ay nawala ang iniisip kong 'yon no'ng mapalingon ako sa kanan ko. Narinig ko 'yong pagbubulungan ng mga estudyante rito sa tabing daanan nitong maliit na field para sa archery. Kumapit ako sa sling ng bag ko at saka nilingon 'yong direksiyon na pinag-uusapan nila. Through the chain link fence, nakita ko roon na may malalaking camera ang nakapalibot sa isang estudyante, there were also staff members interviewing him.


"'Yan ba 'yong, Raizen?"


"Hmm, nanalo siya sa Regional Meet. Sixty meters distance winner siya. He actually set the bar high, nag-score siya ng 278 out of 300 points."


"Wow... Eh, 'yong mga nasa likod, sina Galvin saka Waki 'yon, 'di ba?"


"Hmm!"


"Gwapo silang lahat pero ang pogi no'ng isa!"


"Sino? 'Yong mas matangkad ba sa kanila? 'Yong nakasalamin?"


"Oo!"


"Si Toshi," mahinang sabi ko at bigla naman silang napalingon sa 'kin.


Napaalis sila sa pagkakakapit sa fence dahil sa gulat nang marinig nila ako sa likuran nila. Umalog at tumunog pa 'yong fence! My eyes just went round. Nagulat din ako sa ginawa ko dahil 'yong nasa isip ko lang ay naisaboses ko pala! Kaagad naman akong umiwas ng tingin at saka nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari. 


There are many people who are really famous at this school, not just because they have good looks, but also because they are talented. Ewan ko ba, hindi ko ma-imagine kung bakit ako nandito... tingin ko pa na parang halos lahat sila dito ay matatalino, which is ang buong akala ko ay kaya kong makipagsabayan pero hindi pala.


Ni wala nga 'kong maambag na talento sa school na 'to... Si Maddie nasa konseho, si Wesley MVP ng basketball, si Emon... mayaman siya at close niya 'yong mga teacher dito... Ako, ordinaryo lang. How funny I still have the guts to like Toshi even though I know he's extremely out of my league.


Nilingon ko si Toshi doon sa malayo... Pero sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kaniya? Ngiti niya pa lang ngayon, saka 'yong mga mata niya na naniningkit, ay para na 'kong lumulutang sa ere... He looks like an angel who fell to the earth to be seen and loved by all.


I woke up when Emon suddenly tapped my shoulder. "Isko, una na kami..." pagpapaalam na sabi niya sa 'kin rito sa labas ng gate.


Tatambay ulit siya kina Castro. Tipid na ngiting kumaway lang ako sa kaniya noong patakbo siyang pumunta sa kanila. Habang nakasunod lang ang tingin ko kay Emon ay napadako ang mga mata ko roon sa kabilang gilid ng kalsada.


It seemed like something had erupted in my chest all of a sudden. My heart pounded loudly, each thud echoing in my ears, wild and relentless. A jolt of fear just crawled up through my body, making me suddenly frozen in place.


Humigpit ang kapit ko sa sling ng bag ko nang makita sila roon na nakatambay, nasa direksyon ko ang mga mata nila. Matalim ang titig noong lider nila sa 'kin, at nakita ko pa na bahagya niyang pinakita sa 'kin kung ano 'yong suot ng kamay niya... brass knuckles 'yon.


Am I going... to die today?


"Bata!" I quickly turned around to face the person who called me. I could barely blink as I couldn't believe he was here in front of me, again. "Tutulala ka lang ba diyan?"


Napayuko ako nang sabihin niya 'yon. I didn't notice that I was looking at him for a long time. Nang mag-angat ako ng ulo sa kaniya ay nakita ko na nasa likuran ko na siya nakatingin. He was looking there at the group of thugs. They all had the same look, it seemed like they all wanted to kill me but they just couldn't.


"Mauna ka," malalim ang boses na utos niya sa 'kin.


"H-Ha?" naguguluhang sambit ko.


I asked him what he meant by me going first but he just stared at me without any emotion. Sinunod ko na lang ang sinabi niya, nauna ako sa kaniya. Habang naglalakad ay sinilip ko siya sa likuran ko. Nakapamulsa ang mga kamay niya na hindi inaalis ang tingin sa 'kin, nakita ko siyang tahimik na nakasunod sa likuran ko.


Gano'n lang siya no'ng malagpasan namin 'yong malaking lote na tambakan ng mga troso. Iyong tulay, malaking bahay, malawak na palayan, bahay nina Emon, kay Maddie, at Wesley.


Humawak ako sa magkabilang straps ng bag ko, at maya't maya ko siyang nililingon sa likuran ko. I had no idea that being in different positions would feel like this. I used to see him in front of me, just following his lead. But now, it was him walking behind me, following me. It's quite odd, but I feel so safe.


Even though he accepted my plea for help, I couldn't help but still think less of him, knowing he was just forced into doing it. What's more, all of this is just a deal. But in these moments, as he walked behind me, making sure that no one could get near me—get too close... he wasn't just taking me home—he was also protecting my freedom.


Huminto kami sa paglalakad noong nasa tapat kami ng bahay niya. Sinabihan niya ako na maghintay muna rito sa labas bago siya pumasok doon. I was just playing with the small pebbles on the floor with my feet while waiting for him.


Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ro'n pero no'ng pagkalabas niya, nakita ko na bitbit na niya 'yong mga notebook niya. Pagkalapit niya sa 'kin ay napalahad kaagad ko ng palad, at saka niya padarag na ibinigay 'yon sa 'kin bago siya naglakad ulit para ihatid ako pauwi.


"Wait," pagtawag ko sa kaniya. Nang huminto siya at hinarap ako ay nakita niya ako na nakatayo pa rin dito sa harap ng bahay niya. "Ah... Ano, ano kasi... A-Ayoko pang umuwi."


Matagal niya akong tiningnan, mukhang wala siyang kainte-interes sa sinabi ko habang ganoon lang siya at noong nilapitan niya ako. Tumingin siya doon sa kalsada na daan pauwi sa 'min at sabay na nilagpasan ako.


"Hmm," walang ganang sabi niya. He went the other way, leaving me here. "Kaya mo na 'yan."


"Maui," I called him by his name.


Patagong tipid naman akong napangiti noong huminto siya. Ibinulsa niya ang kaniyang mga kamay at saka niya ako hinarap, bahagyang salubong ang mga kilay.


"Pumunta ka kung sa'n mo gustong pumunta," sabi niya. He looked really uninterested in everything.


"Hanggang anong oras ka sa lomihan?"


"Bakit?" he quickly replied. Hindi ako sumagot. Nagtaas lang ako ng mga kilay para pasenyas na itanong ulit 'yon sa kaniya. Nakita ko naman siyang napayuko nang kaunti no'ng maintindihan niya ang sinasabi ko. Maangas siyang nag-angat ng ulo sa 'kin. Taas noong bumuntong-hininga pa siya na parang napipilitang magsalita. "Hanggang magsara 'yong tindahan."


"Oras?"


He tilted his head a bit, furrowing his brows without leaving his gaze on me. "Kung strikto 'yong mga magulang mo bakit hindi ka na lang umuwi?" he asked. "Ano bang gusto mong mangyari?"


"Ha?" Nagsalubong na rin ang mga kilay ko sa tinanong niya sa 'kin.


Napatanga ako sa sahig. Anong gusto kong mangyari?


"Magpapaalam ako." Napaangat ako ng tingin sa kaniya no'ng magsalita siya. "Ihahatid kita pauwi bago mag-alas nuwebe."


"Talaga?!" Para na akong mapapatalon sa tuwa!


Ayoko pa kasing umuwi. Sa mga oras na 'to ay alam ko na parehong nasa bahay na sina Mama at Kuya Ikio. No'ng nakaraan lang din ay nagtalo na naman sila tungkol doon sa negosyo. Kaya sigurado ako na hindi pa sila tapos doon at nagtatalo na naman sila tungkol doon hanggang ngayon. Ayokong makarinig ng sigawan.


Umirap siya bago tumalikod at naglakad paalis.


"Siguraduhin mo lang na gagawin mo 'yong mga assignment ko," sabi niya ro'n.


Napatingin ako sa notebooks na hawak ko, notebooks niya, at saka ako malawak na napangiting tiningnan siya. Sa hitsura niya, he looks like someone you really can't approach or even talk to. Na totoo naman. I've never even seen him talk to anyone else. Gano'n na gano'n siya no'ng una kaming magkita. Pero may kakaiba sa kaniya ngayon. He's so easy to please today.


"Oh! Ikaw ga iyon?" Tila gulat na gulat na reaksyon noong may-ari nitong food cart nang pansinin niya ako rito. Napahinto pa ako sa pagsasagot ng assignment no'ng bigla niyang inilapag 'yong dala niyang tray sa mesa at saka siya umupo sa harapan ko. "Totoo ba 'to, Maui, ha? May kaibigan ka na talaga?!" sabi niya sa lalaki na nagliligpit na ng mga upuan.


Hindi siya pinansin ng lalaki, seryoso lang na nagliligpit. Muli akong hinarap ni Ka Ading. Nalaman ko 'yong pangalan ng boss niya no'ng tawagin niya 'to kanina para ipaalam ako rito sa table. Nahihiyang nagtatago pa 'ko sa likod niya no'n habang pinapaalam niya ako.


"Mukha kang matalino, ah?" Naubo naman ako ng walang dahilan! "Mukhang kakatapos lang din ng klase niyo, gumagawa ka na agad ng homework? Masipag rin, eh!"


My throat suddenly itched when I heard that! Tuloy lang ako sa pagklaro ng lalamunan ko habang iniisip 'yon. Hanggang mukhang matalino na lang ho talaga ako. Simula no'ng tumuntong ako ng Grade 10, mas lalo kong naramdamang bobo ako, eh.


Saka kung makita lang talaga niya 'tong ginagawa ko... sigurado ako na mahihiya na lang siya para sa 'kin. Basic lang naman 'tong assignments na ginagawa ko, eh. So I wonder why he can't answer them... Maybe he's just really busy?


"Akalain mo 'yon? Mali naman pala 'yong iniisip ko na mga batang pasaway laang sa kanto 'yong magiging kaibigan mo!" patamang sabi ni Ka Ading sa kaniya. Mapang-asar pa siyang tumawa. "May matalino ka palang kaibigan!"


I cleared my throat. "Bakit naman po ganyan 'yong nasa isip niyo tungkol sa kaniya?" tanong ko habang nagsasagot na noong assignment niya sa English. Question and Answer.


"Kasi naman, parati kasi 'yan natatawag sa guidance. Bullying lagi ang inirereklamo. Galit na galit na rin teacher niyan, eh. Baka isang tawag na laang, maririnig ko na kick out na 'yan siya sa school niya."


"Gano'n po ba 'yong tingin niyo sa kaniya?"


"Siyempre naman hindi!" tumatawang sabi ni Ka Ading. "Kako eh, hindi naman ako tumatanggap ng tao na hayok gumawa ng gulo. Kaso, no'ng tinatanong ko naman kung totoo ba 'yong mga 'yon, hindi nagsasalita."


Binitiwan ko na ang lapis ko at saka umupo nang diretso.


"Gusto niyo po ba talaga malaman 'yong totoo?" malawak ang ngiti kong sabi.


"Oh?" pag-react na sambit ni Ka Ading. Palihim siyang tumango para itago na interesado siya sa ginagawa no'ng empleyado niya sa school. "Ano ga iyon?" pabulong na sabi niya.


Nakita ko namang napalingon si Maui sa 'kin, nandoon siya sa cart, biglang hininto 'yong ginagawang pagliligpit noong mga gamit. I saw him rested his hands on the counter, making his posture leaned slightly forward as his gaze was steady and fixed on mine.


The way he looked at me, ay hindi naman gano'n ka-harsh. There was a quiet firmness in his eyes, but they were still gentle and soft. He just didn't want me to tell things or stories about him, that he'd rather keep to himself.


I looked at Ka Ading, and then I smiled broadly. "Ako na lang po 'yong gawin niyong basehan!" I winked and clicked my tongue at the same time.


Natawa naman siya roon. Habang tuwang-tuwa si Ka Ading sa 'kin ay nilingon ko si Maui roon, nakita ko siyang pairap na bumuntong-hininga saka nagpatuloy sa pagpupunas noong counter. Baka natuwa, hindi ko siya binisto, eh.


"Ano ga pangalan mo, utoy?"


Bumalik ang tingin ko sa taong kaharap ko. "Isko, po!"


Without showing my teeth, I smiled so wide that it seemed like the corners of my lips could stretch all the way to my ears.


Napangiti naman si Ka Ading sa 'kin at saka niya gigil na ginulo ang buhok ko. "Napaka poging bata naman are nitong kaibigan mo, eh!"


Turns out he was actually nice, not like when I first met him here. Mukha siyang masungit sa lahat. Pero buti na lang ay hindi niya ako nakilala. Ako pa naman 'yong natulog dito sa table buong maghapon na isang lomi lang ang binili!


Nang matapos sila sa ginagawa ay naitabi ko ang mga gamit sa table at saka 'yon sinilid sa bag nang mapansin na nakakasagabal 'yon. Naglagay kasi si Ka Ading ng lomi, sisig saka kanin sa table ko, inaya niya kaming kumain muna bago umuwi.


Tatanggi sana ako pero no'ng makita ko siyang biglang umupo sa harapan ko ay napabalik ako sa pagkakaupo. He brushed up the sleeves of his shirt, revealing his muscles. Hindi ko siya nakitang nahihiyang magsandok noong mga pagkain palagay sa plato niya. 


"Hindi ako 'yong pagkain." Napakaurap naman ako sa sinabi niya!


Taranta akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at saka ko hinarap si Ka Ading na nasa gilid namin. I thanked him with a smile. Nakita ko naman na natawa si ka Ading doon sa sinabi niya. What's in his brain to say something like that? Sa harap pa mismo ni Ka Ading na sobrang tatay ang dating!


Maya-maya no'ng kumakain na sila ay napansin niya 'ko na hindi ko pa rin magalaw 'yong akin, nahihiyang umamin naman ako sa kanila na hindi ko pa rin talaga alam kung pa'no kumain ng lomi. Madalas kaming kumain nito nina Wesley pero pinapanood ko lang sila kung pa'no 'to kainin. Hindi ko pa rin kabisado.


Palihim na buntong-hininga naman siyang umirap at nakita ko na lang na hinanda niya 'yong toyo, kalamsi saka siling labuyo sa platito ko. My mouth dropped a little at the sight.


"Para 'di agad lumambot 'yong toppings, ihihiwalay mo siya sa ibang lagayan." He even demonstrated kung pa'no 'to i-prepare at kainin.


Nang tingnan niya ako ay mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.


"Hmm!" patangong sambit ko na nagkukunwaring tutok ako sa tinuturo niya pero sa kaniya talaga ako nakatuon kanina! 'Di ko mapigilan, ngayon ko lang kasi siya nakita na ganito.


Nilagyan niya no'ng mixed sauce 'yong noodles at nilagyan niya rin 'yon ng toppings bago niya 'yon tamad na kinain habang nakatingin lang siya sa 'kin.


"Iuulam mo 'yong toppings sa noodles," mula sa malalim na boses na sabi niya. Napangiti naman kaming pareho ni Ka Ading. "Lalagyan mo rin paunti-unti no'ng sauce na ginawa mo."


"Ginawa mo," nakangiti kong sabi sa kaniya.


Paiwas ng tinging marahang tumango naman siya sabay na tinulak 'yong mangkok sa 'kin, hindi na niya ako pinansin. He started eating without looking at me. Sa hitsura niya pa parang ikamamatay niya kapag napatingin siya sa 'kin. Pero natawa naman ako nang kaunti sa naging reaksyon niya.


Habang kumakain kami ay ako 'yong naging pinaka main course ng usapan... Maraming tanong sa 'kin si Ka Ading, 'yong mga tanong niya pa ay parang, ang pagkakaalam niya ay matagal na kaming magkakilala o magkaibigan nitong empleyado niya. At nadagdagan pa 'yon no'ng biglang dumating si Sir Jude.


Pagkakita pa lang niya kay Sir Jude na nag-pa-park ng motor ay awtomatiko siyang tumayo at nagtungo roon sa cart. Tahimik na inasikaso niya 'yong pagkainan ni Sir habang nakaupo lang si Sir Jude at pinapanood siyang kumilos. Parang kabisado na niya ang gagawin, parang palagi 'tong nangyayari. Muscle memory na niya yata 'to.


"Ano ga pangalan mo?"


"Isko po."


"Ah, Isko... Devino?"


"Opo!"


"Ah, ikaw 'yong magaling mag-drawing..." papuring sabi ni Sir Jude.


Tinago ko ang ilang ko habang nakangiti akong tumawa nang mahinhin sa sinabi sa 'kin ni Sir. "Thank you po..." Magaling talaga?


Ang buong akala ko ay hindi ako makikilala ni Sir Jude. Hindi naman kasi ako masyadong nakikipag-usap sa mga teacher sa school at parang tatlong beses pa lang yata siya na nanging substitute teacher namin pero natatandaan niya pa rin ako... Natatandaan niya ako sa hitsura pero hindi sa pangalan.


"Having friends wasn't always bad. They could help you in some ways... mentally, emotionally, and physically." Sir Jude's words made me smile. "Kapag may kaibigan ka... minsan, hindi mo mararamdaman na nag-iisa ka. That's one of the benefits. Kaya thankful kami na naging kaibigan mo si Isko... Mabait 'yan si Isko sa school..." He patted Maui's shoulder.


"Masipag nga rin are iyan," dagdag na papuring sabi pa ni Ka Ading. "Agarang gumagawa ng homework! Gumawa 'yan dito kanina. Tatlo, tatlong notebook pa 'ata 'yong nakita ko, 'di ba?"


"Opo..." nahihiyang sagot ko. Tumingin naman ako sa gilid ko para itago 'yong tawa ko. "Hindi naman po 'yon sa 'kin, eh..." bulong ko.


Nakita ko naman na parang mananakit na ng tao 'yong kaharap ko habang nakatingin siya sa 'kin. Agad akong napaayos ng upo. I then just gave him a wide smile as I wiggled my brows. Masungit na nag-iwas naman siya ng tingin.


Nalaman ko na totoong guardian niya si Sir Jude, sa kung ano ang dahilan? I didn't delve too deeply into it. Masaya na 'ko na malamang may tumitingin sa kaniya. Sinabi rin sa 'kin ni Ka Ading na Tito niya, na Tito niya rin pala 'yong naghatid sa kaniya rito... si Ka Arvin.


"Kaya talaga 'yong mga kaibigan... blessings sila. Mahalaga sila sa buhay natin. Mahalaga sa buhay mo si, Isko." Mas lalo akong napangiti nang sabihin 'yon ni Sir. Nagsisipalakpakan na 'yong mga tainga ko sa naririnig!


My smile immediately faded when Maui put his bowl down with a thud and sat up straight with his eyes on the table. Tinanong siya ni Ka Ading kung ano ang problem pero hindi siya nagsalita. Right, what made him look like he was insulted?


"H'wag mong ikumpara 'yong buhay ko sa inyo ni Papa," may diing sabi niya kay Sir Jude! Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napasunod kami ng tingin sa kaniya no'ng bigla siyang tumayo. Tiningnan niya ako. "Hindi ko 'yan kaibigan."


Tamad na naningkit ang mga mata niyang niligpit ang pinagkainan niya at saka siya malditong nagtungo doon sa likod ng cart. Why do I look like I'm an insult to him? May nagawa ba 'ko do'n?


"Hindi naman siya gano'n..." may pag-aalala ang boses na sabi ni Sir Jude habang naroon sa lalaki ang mga mata niya.


"Totoo!" May sigla ang boses ni Ka Ading. "'Di nga makabasag pinggan 'yong pagiging tahimik no'n habang kumakain kami rito, eh... Kaya nakakapanibago na marinig 'yang magsalita ng lagpas dalawang linya."


He did speak for more than two lines, but it was like he really hated me.


"Kapag gano'n na nagsasalita siya... Ibig-sabihin lang no'n, kumportable siya sa 'yo."


Totoo ba?


"Hindi lang nakikita sa hitsura niya pero napaka-soft na bata niyan ni Maui," sinserong nakangiting sabi sa 'kin ni Sir.


Sinisigurado talaga nila na hindi ako masasaktan doon sa inakto no'ng bata nila. Humugot na lang ako nang malalim na hininga.


"Hmm!" Nakangiting tumango naman ako sa kanila. "Mukha lang siyang 'di namamansin... Mukha siyang walang pakealam saka maldito pero..." Labas ang mga ngipin akong ngumiti sa kanila at saka inangat itong mangkok ng lomi. "Siya po 'yong naghanda nitong lomi ko!"


Malamyos na natutuwang tumawa naman sila.


"Wala po 'yong bayad!"


Even then, I know I won't be able to win his soft spot immediately. But that doesn't mean that it won't happen... I guess? But when it happened, at least, the only thing I have about him is that, even though he speaks straightforwardly, he can't hurt me like what others did. So I think... me, messing with him, is going to be a long ride. Well, I was already hopped on it. Honking along!


"May mga kaibigan ka ba?" Nakangusong tanong ko sa kaniya dito mula sa likuran niya. We went back to our usual spot.


Matapos niyang sabihin 'yon kay Sir Jude ay biglang parang may nabuhay na kung anong elemento sa katawan niya, sumungit siya lalo. Kaya hayon, kahit pa na hindi ko pa natatapos ubusin 'yong pagkain ko ay napasunod ako sa kaniya no'ng bigla siyang umalis nang walang paalam.


Ilang kanto na lang ay malapit na niya akong mahatid sa bahay namin. Habang naglalakad kami kanina do'n sa palayan... nagulat ako sa kaniya no'ng bigla siyang nag-sorry sa 'kin. He apologized as if he had dug it up from the deepest depths of the earth... he was struggling to bring the word sorry to the surface. It barely escaped his lips.


Nag-sorry siya kasi natapos ko 'yong assignments niya pero hindi niya ako nahatid pauwi bago mag-alas nuwebe. Sinabi ko naman na hindi na niya kasalanan 'yon, saka nag-enjoy naman ako kasamang kumain sina Ka Ading at si Sir Jude. Nag-enjoy ako, kasama siya... sila? Basta. Marunong din pala siyang humawak ng mga salita.


"Hoy!" pagtawag ko sa kaniya no'ng hindi niya pinansin 'yong tinanong ko.


"Wala."


"Wala? Ah... ako lang talaga."


"Ikaw?"


"Hmm! Ako lang. Magkaibigan na tayo, 'di ba?" nakangisi kong sabi. I insisted that we're really friends even though he has declared to the people who are important to him that we're not. "Alam mo na bahay ko. 'Yong pangarap ko. Section ko. Kilala mo na 'yong mga kaibigan ko. Kilala mo na crush ko. Marami ka nang alam sa 'kin. Marami na rin akong alam tungkol sa 'yo."


"Sa'n naman nanggaling 'yon? Sa 'kin? May nasabi ba 'ko sa 'yo?"


"Na... magkaibigan na tayo?" I bit my lower lip. He really knows how to answer back. Such a talent, truly. "Uhm... wala."


I stopped when he suddenly turned and quickly walked towards me to snatch his notebooks from my hands. Napakurap ako sa bilis nang pangyayari.


"Hindi porket marami ka nang alam, ay kilala mo na kung sino ako." Inangat niya 'yon para ipakita sa 'kin. "Kaya lang tayo magkasama kasi kailangan mo 'ko saka kailangan kita. 'Yon lang 'yon."


"Pero-"


"Kailangan mo lang ako, ganyan kita kilala." His eyes darkened. "Magkaibigan? Sino ka ba? Ni hindi ko nga alam pangalan mo."


"Isko Boie Devino, sixteen years old," I said. His eyes, now, clouded with confusion. "Mag-se-seventeen sa darating na March 21. Nakatira sa Barangay San Kahel. Same school tayo ng pinapasukan. Like, cats. Dislike, mga..." Napababa ako ng tingin at nag-isip. "Tao?" Tiningala ko siya. "Ikaw, sino ka ba?"


Parang malapit nang magsalubong 'yong mga kilay niya habang nakatitig lang siya sa 'kin at naguguluhan. He just let out a sarcastic sigh at sabay na pairap na tumalikod at naglakad. Mahina akong tumawa bago siya sinundan.


"Maui, uhm..." I patted my lips with my forefinger. "Mukha kang eighteen... twenty? Nineteen?" Ang tangkad niya masyado, siguro nasa... "Twenty? Mukhang tama naman. Nakatira rin sa Barangay San Kahel. Same school. Same like. Eh, dislike?" tanong ko. Hindi siya nagsalita. Para pa siyang iritableng naglalakad. "Hoy, ano 'yong ayaw mo?"


Sabay kaming napahinto noong nasa tapat na kami ng bahay namin. Maangas siyang hinarap ako. Mukha siyang nainis bigla.


"'Yong ayaw mo?" tanong ko ulit.


"Ikaw," sabi niya. Matama niya akong tiningnan sa mga mata.


Maya-maya ay umirap 'yong mga mata niya sabay na naglakad siya pabunggo sa braso ko. Bahagya naman akong napahakbang sa gilid, at napaharap pa ang katawan ko sa kaniya no'ng mahawi niya ako sa pagbunggo niya sa 'kin.


"Kung ayaw mo sa 'kin, so bakit mo tinanggap 'yong pakiusap ko sa 'yo na tulungan ako? Hindi ba ibig-sabihin niyon na nag-aalala ka? May pake ka sa 'kin!"


Huminto siya, hinarap niya ako.


"Pake? Sino ka naman para gawin ko 'yon?" His face twisted in a sarcastic expression. "Hindi naman kita girlfriend o kung ano para maging special ka sa 'kin."


Hindi ako nakaimik doon.


Napatanga ako sa sahig. Ilang saglit ay nakita ko na lang siyang naglakad na paalis. Napahugot ako nang malalim na hininga. And a smirk of amusement just tugged at the corners of my mouth as I watched him walk away. Talaga ba? I laughed to myself.


He doesn't care about me, huh? Does he? Really?


With my hands casually tucked into my pockets, I followed him from behind, letting my steps echo deliberately. Para may kaunting drama, ay sadya kong dinapa ang sarili ko at nagkunwaring malakas na umaray sa sahig. I even faked my cries.


Naglagay kaagad ako ng malawak na ngiti no'ng makita ko siyang agad na huminto at hinarap ako. I caught him! I couldn't wipe the smile off my face as I got to my feet, brushing the imaginary dust off my clothes with exaggerated movements.


"Thank you!" I tapped my chest like a gorilla and gave him an okay sign with a smile.


He's worried!


Malawak ang ngiti kong kumaway ako sa kaniya at saka ako tumalikod at patakbong pumasok sa gate. Hindi muna ako dumiretso sa loob ng bahay, pumunta pa ako sa gilid ng bakod para silipin siya roon. Nagtago ako sa likod ng halaman.


Nakita ko siyang nakatayo pa rin doon. Nakamaywang siyang nakatingin lang do'n sa kinatatayuan ko kanina. Napaangat siya ng ulo, at humugot ng malalim na hininga bago umiiling na naglakad paalis.


Mabilis akong nagtago noong malapit na siya sa puwesto ko.


"Binabaliw mo 'ko..."


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top