Chapter 18


"Ahh!"


Nagtalo ang sigaw namin ni Ate Ingrid sa buong bahay noong biglang mawalan ng kuryente. In the twinkling of an eye, and just as quickly as the darkness swept over my entire room. Nakasabay pa namin sa pagsigaw 'yong mga kapitbahay at mga bata na nasa labas.


Mabilis naman akong umahon mula sa kama at nagtungo sa bintana para tingnan sila roon. Pagkadungaw ko ay nakita ko na nga sila na nagsisitalunan at hiyawan habang pinapailawan sila noong mga nanay gamit ang flashlight ng cellphone.


At nagkalat na nga 'yong kanya-kanya nilang ilaw noong magsilabasan ang mga kapitbahay namin para tumambay sa labas. Nang makita ko na may ibang bata na tumambay malapit sa halaman na pinapalago ni Kuya ay nagbukas na rin ako ng flashlight at kinawayan sila gamit 'yon.


"Hoy! Hoy..." Sabay-sabay naman silang napatingala sa 'kin. "H'wag kayo diyan sa madilim... Baka may kumalabit sa inyo diyan, sige!"


Taranta naman silang nagtulakan at tumitiling tumakbo doon sa mga matatanda. Nakita ko pa na nadapa 'yong pinakamaliit sa kanila at naiwang umiiyak doon. Hindi ko naman napigilan ang paghalakhak ko, tumatawa akong agad na tumakbo patungong kama para magtago. I heard their moms scolding them.


Hindi pa humuhupa ang pagtawa ko nang bigla namang lumiwanag 'yong screen ng phone ko. Tumatawa kong binuksan 'yon, nabasa ko na chat 'yon sa 'kin ni Wesley.



Kababasa ko pa lang ng message niya sa 'kin nang mapalingon naman ako sa bintana no'ng marinig ko 'yong pagpito niya. Agaran akong napatayo noong marinig ko rin 'yong pagtawag sa 'kin ni Emon. Awtomatikong lumawak ang ngiti ko no'ng makita ko sila doon sa ibaba, waving their phones with the flashlight on.


"Tara tambay!" pag-ayang sabi ni Wesley. Suot na naman 'yong paborito niyang jersey na Lakers.


"Saan?!"


"Dating gawi!" sabay nilang sabi.


"Eh, si Maddie?!"


Namaywang si Wesley, nagsasalubong na 'yong mga kilay niya. Nangangawit na 'yong batok sa pagtingala sa 'kin. "Puntahan natin!"


"Sige!"


I quickly left the window and took off my boxer shorts then put on the jersey shorts that Wesley gave me. Patakbo naman akong bumaba at pinuntahan si Kuya Ikio na nasa kusina, naghuhugas ng pinggan. Gamit niya 'yong gasera na ginawa niya no'ng nakaraang araw. Mahigpit ko siyang niyakap sa likod niya.


"Ano 'yon?" He wasn't surprised anymore, he already knew who was hugging him.


"Do'n lang kami sa poste," pagpapaalam na sabi ko.


"Bahala ka."


My smile grew even bigger, reaching my ears. "Sankyu!" sabi ko sabay bitaw sa yakap at patakbong lumabas ng kusina.


"Umuwi nang maaga!"


"Yes, boss!"


Patakbo kong nilabas sina Wesley. Nang marating 'yong puwesto nila ay nakita ko na may dala pala siyang bike. Hindi niya ako sinabihan agad, gusto ko pa man din sana mag-bisikleta kaso nasa kwarto ko pa 'yong susi ng kandado no'ng bike. Tinatamad na 'kong umakyat at hanapin 'yon.


"Tara," ani Wesley.


"Power up!" Malakas ko namang hinampas 'yong matambok niyang puwet. Napaaray siya at napahimas doon, nasaktan siya pero tumatawa naman. Nasanay na yata. Pasampa pa lang sana siya sa bike niya nang agawin ko naman 'yon sa kaniya. "Pagamit ako!"


Ipit ang mga labing ngumiti siya at saka niya pinaubaya 'yon sa 'kin. Tuwang-tuwa naman akong sumampa ro'n saka 'yon pinatakbo. Dahan-dahan ko lang 'yong pinapatakbo para makasabay ko pa rin sila.


Maya-maya ay natigilan ako no'ng biglang hinila ni Wesley 'yong puwetan ng bisikleta. Wala pa niya akong kahirap-hirap na hinila gamit 'yong isa niyang kamay saka siya umupo sa likuran.


"Paangkas..." naglalambing ang boses na sabi niya sabay kapit sa magkabila kong bewang.


Napasinghap na lang ako at saka sinimulang ipadyak 'yong pedal. Pero tatlong pedal lang 'yong nagawa ko, napahinto na kaagad ako.


"Ang bigat!" hinihingal na pagrereklamo ko. Nilingon ko siya sa balikat ko. "Bigat ng betlog mo!"


"Gago..." natatawang sabi niya.


Natawa na lang din si Emon doon. Napababa naman si Wesley.


"Ganito na lang... upo ka," sabi niya habang nakaturo sa katawan nitong bisikleta. Gusto niya akong umupo ro'n. "Upo ka diyan..." Walang kaalam-alam naman akong sumunod. Umupo ako ro'n at bahagya kong iniyuko ang katawan ko no'ng sumampa siya sa upuan sabay hawak sa magkabilang handle ng bike. Nakaupo siya sa upuan, ako naman sa bakal. Para na tuloy siyang nakayakap sa akin! "Mon! Angkas ka."


Isang utos lang 'yon ni Wesley ay tuwang-tuwang umangkas naman kaagad si Emon.


"Ako magpapadyak?" Tiningala ko si Wesley. And he had to look up so he wouldn't hit his chin on my head. Ngumiti lang ang kumag. "Sira, edi, mas lalong bumigat!"


Ang daming alam!


"'Di 'yan... nakaalalay naman kami, eh," sabi niya patukoy sa pagpadyak nila sa sahig. Pangiwi na lang akong humarap sa kalsada.


Sinimulan ko nang ipadyak 'yong pedal habang tinututok ko 'yong flashlight sa daan. Sa una ay nahihirapan kami at pagewang-gewang pa. Pero hindi namin mapigilan ang matawa dahil para kaming mga mukhang tanga sa ginagawa namin. Kapag pababa ay sabay-sabay kaming tumatawang sumisigaw dahil sa bilis nang takbo namin!


Parang sa ikatlong subok lang yata namin nagawang patakbuhin nang maayos 'yong bike at no'ng medyo mataas na 'yong kalsada... ang naging ending, si Wesley pa rin 'yong kumukontrol, ako pa rin 'yong pumapadyak sa pedal, si Emon, nagtutulak na siya!


Hindi na nakasakay si Emon hanggang sa marating namin 'yong bahay nina Maddie. Inalis na ni Wesley ang pagkakawahak niya sa handle ng bike, at nakaupo pa rin siya para makababa ako na hindi 'yon tumutumba.


Bukas ang pinto ng gate nila Maddie kung kaya ay pumasok na lang kami sa loob nang walang paalam. Dito sa pinto ay napansin ko 'yong panlalaking sapatos na nasa tabi. Ibig-sabihin lang no'n ay may bisita sila. Tinawag namin siya pero segundo ang lumipas ay hindi pa rin siya sumasagot.


Sumilip na kami sa bintana para tingnan kung may tao ba sa loob. Naramdaman ko naman 'yong pagtakip sa akin ni Wesley at sabay na nagturo siya sa isang direksyon. Sabay kaming napalingon doon ni Emon, nakita namin si Maddie na nakatyo sa harap ng kwarto ng mama niya, nakatapat 'yong gasera sa kurtina.


"Psst! Maddie!" Gulat siyang napalingon sa 'min nang pasitsit ko siyang tinawag. Aligaga niya pang nailayo 'yong gasera sa kurtina. "Anong ginagawa mo?" pabulong na sabi ko.


Mabilis siyang naglakad para ibaba 'yon sa maliit na table.


"W-Wala," sabi niya. "Bakit?"


"Tara, tambay tayo do'n sa poste!"


Hinintay pa namin siya na magpalit ng suot at no'ng papunta na kami doon sa tambayan ay inangkas siya ni Emon sa bisikleta. At para mabilis kaming makapunta roon at makasabay sa kanila, nagmataya-taya na lang kami ni Wesley.


"Men are the most dangerous thing that has ever existed in this world." Maddie's words came from a hushed voice as she gazed up at the dark, dreary night sky.


We were both sitting on the log, under the tree and the light pole. Pinag-uusapan namin 'yong nangyari doon sa faculty office habang sina Wesley at Emon naman ay tuwang-tuwa na nagluluksong baka sa harapan namin, nasa gitna sila ng daan.


Nadatnan namin siya roon na umiiyak at sumisigaw... tinanong namin siya kung ano'ng nangyari pero hindi siya nagsalita. Dinala siya no'ng mga teacher sa labas, at sumunod no'n ay hindi na namin alam kung ano ang nangyari. Nakita pa namin na basag 'yong bintana at nagsikalat 'yong mga gamit at upuan sa office.


Ngayon ay tinanong ko ulit siya tungkol doon pero hindi niya pa rin ako sinasagot. 'Yang mga salita lang ang binigkas niya. I rested my eyes on the silhouette of the mountain in the distance, and let out a sigh. To be young is supposed to be fun. How could she be broken at a young age.


"Aalis ako sa lugar na 'to," after we were silent for a while, Maddie spoke.


Napaalalay ako ng mga kamay sa inuupuan namin na troso at saka siya nilingon.


"Sa'n ka pupunta?" tanong ko. I saw her biting her lower lip while shakily massaging her hand. There was a long pause before I spoke. "Sa'n mo... gustong pumunta?"


"Kahit saan..." Tumingala siya at muling pinagmasdan 'yong mga bituin. "Basta malayo sa lugar na 'to."


I set my eyes on Wesley and Emon, watching them bicker. That's what I've been asking for ever since, when my Kuya Ikio and Ate Ingrid were always scolding me, despising me, I really wanted to leave this place. And those demons, every time their hands and feet hit my body... I wanted to run far away.


"Bakit?"


Sana hindi gano'n ang nararanasan ni Maddie. I hope she is not suffering.


"Ayoko na sa lugar na 'to."


"Isn't it..." I turned to look at her. "There are still men in that place no matter where you go?"


Napatingin siya sa 'kin, nagtagpo ang mga mata namin. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang pagbabadya ng mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. She looked down for a while and then put her eyes in front of her again, she pursed her lips.


"Hmm." She nodded. "Tama ka. It's not this place... that I don't like... 'yong mga tao." She smiled in pain. "Then... Then the things that happened to me in this place. Gus... Gusto kong makalaya."


"You better go." She suddenly turned to me. I looked right into her gloomy eyes. They are now sparkling, catching the flashlight's beam as it reflects off her tears. She was in tears. "You must go."


Agad siyang umiwas ng tingin sa 'kin at nagpunas ng mukha. I could hear her breaths hitching while she was laughing. Nang maayos na niya ang kaniyang sarili ay nakangiti siyang tumingala.


"Pero hindi ko alam kung saan ako pupunta," sabi niya. "I'm just a girl and nothing more. I have nothing. Hindi ko alam ang gagawin."


"Magplano ka, Maddie."


"Hmm," patangong sambit niya. "Meron na. Siguro 'yong pagkanta na lang ang meron ako... Gusto kong gamitin 'yon para kumita, o, 'di kaya, para yumaman? Kapag nangyari 'yon, makakaalis na 'ko rito." She laughed a little. "That's where I'm good at... but not good enough."


"Hmm?" I glanced at Maddie, nagtatanong ang mga mata ko. "Bakit?"


"'Yon pa lang naiisip kong plano, I want to join in competitions and auditions pero... may mas magaling pa sa 'kin. Kaya malabong mangyari 'yon." She took a long breath, then exhaled and smiled painfully. "Tama si Mama. There's no future in singing."


"'Yan 'yong... sinabi ng Mama mo?" tanong ko. Mapait siyang nakangiting tumango. "Nanay mo ba talaga siya?"


Tumawa lang siya sa sinabi ko.


Aren't mothers supposed to want what's best for their children? So why are they the ones pushing them to go through this hell? Is it really about they do what's best for their children... or just what's best for themselves? What kind of mother does that? No mother nor parents should ever look down on their child.


"You're not good enough... you're not good enough," I whispered. I intertwined my own fingers and leaned slightly, resting my elbows on both thighs. I looked at Maddie over my shoulder. "For you. Is it true what they said that you're not good enough?"


She looked at me with those eyes that seemed like a star that had lost its light. "Totoo. Totoo na may mas magaling pa kaysa sa 'kin."


I nodded slowly, the weight of her words settling in my chest, and then I turned my gaze back to the mountains. Those words were already heavy on me, how could it be like on a person who experiences that?


"I may not know where you come from. Pero sinabi nila 'yon saka narinig mo." I bit my lower lip. I can't blame her with that. "The worst part is, it stays with you. Kahit pa wala na sila sa paligid mo... your mind becomes your worst enemy... pushing you to chase perfection, o 'yong sinasabi nila na good enough... hanggang sa inabuso mo na 'yong sarili mo kapag nagkakamali ka. Sleep evades you, and the weight grows heavier until your very soul feels worn out, begging for peace."


I picked up the leaf that fell before me and played with it.


"You're not good enough, ihinto mo na lang 'yan! Whatever you do, is senseless." I mimicked. "It echoes... 'yong mga sigaw na 'yon sa paligid... but when you look around, hinanap mo kung sa'n 'yon nanggaling... you've seen no one. Sometimes, the real enemy lies within. Pero kung sarili mo na lang ang meron ka, bakit mo pa 'to kakalabinin?"


I looked at Maddie. Her eyes were just glued to the floor, she was silently listening to me.


"Yes, there is someone better than us... but no one can ever do it like you do." I smiled a little. "It's your voice, Maddie."


Tumingin si Maddie sa 'kin, and a moment later, I just saw a bright smile arise on her lips. Those were like a sunrise. Napangiti na lang din ako sa kaniya, at sabay naman kaming natawa no'ng makita naming nadapa si Emon sa paghahabulan nilang dalawa ni Wesley.


No'ng gabing 'yon ay naglaro kami ng chicken fight, si Maddie saka ako 'yong pasan-pasan. Nakapasan si Maddie kay Emon at ako naman ay kay Wesley. Karga lang kaming dalawa sa likod no'ng mga lalaki dahil 'di nila kaya kapag nasa balikat nila kami nakapasan. Nakailang ulit kaming nagbungguan saka nagtulakan ni Maddie hanggang sa sila 'yong unang nabuwal.


Hindi pa kami mahinto sa pagtawa ni Wesley no'n habang karga niya pa rin ako dahil sa pagkaplakda nilang dalawa ni Emon sa sahig. Dura pa nang dura si Emon dahil medyo nasubsub 'yong nguso niya sa sahig at nalasahan niya pa 'yong buhangin.


"Umaambon ba?!" nakangiwing tanong ni Emon. Nagpapagpag na sila ni Maddie ng katawan.


"Laway mo lang 'ata 'yon, eh!" pang-aasar ni Wesley. 'Di pa rin ako binababa! Tinatapik ko na nga siya sa balikat niya, eh, para sabihing ibaba na muna niya ako.


"Parang 'di nga ambon! May amoy, eh!" pang-aasar na sabi rin ni Maddie.


"Luh?" nakabusangot na reaksyon ni Emon.


Sabay-sabay kaming napalahad ng palad para pakiramdamn kung umaambon ba talaga. Hanggang sa naibaba na lang ako ni Wesley no'ng umuulan na. Tawa lang kami nang tawa noon habang tumatakbo pauwi.


I just hope I can also do what I said to Maddie.


***


Sabay-sabay na nagliwanag 'yong mga ilaw ng poste sa gilid ng kalsada. Labasan na ng mga estudyante.


My hand was outstretched beyond the roof of the waiting shed where I had taken shelter, just by the school gate. I let the ample raindrops fall onto my palm, their cool touch grounding me as Maddie's words echoed in my mind. Each drop seemed to carry an odd solace like they were washing away something heavy in me—cleansing not just my skin but my soul.


The sky was crying so hard and loud today. Her rivers of tears, kept me rooted here in the waiting shed, unable to leave. Even if I have an umbrella with me, baka mabasa pa rin ako dahil humahampas 'yong pabugso-bugsong hangin. But now her tears have softened as if she had now been comforted by those running clouds.


While my hands were still outstretched, I turned to my left when I heard the laughter of the students. They were happily exiting the gate. I know that everyone has their own story... But how it would feel like to be as free as them?


"Kapag ang isang tao daw na hindi ka tinatawag sa pangalan mo tapos bigla na lang niyang ginawa 'yon, ang ibig sabihin daw no'n is gusto nilang magkaroon ng interaction sa 'yo... in a romantic way."


"Talaga ba..."


"Or, gusto niya sirain 'yong barriers ninyong dalawa para mas mapalapit siya sa 'yo."


"Parang subtle flirting lang?"


"Oo!"


As their numbers dwindled, I saw someone—a tall man silently standing on the other side of the school gate. My mouth gaped slightly when I saw him with his palm outstretched, mirroring mine, feeling the rain.


He was hidden by the umbrella he held. But for a moment, he lifted it, and there I saw his face emerge from the blurry surroundings of the falling rain. And his eyes—those unblinking eyes, dead eyes—locked onto mine.


"Maui?" It was a whisper. My voice was in disbelief.


He was here.


My heart skips, and the air thickens, the rain suddenly feeling colder against my skin. He's the hardest one to look at, but with his gentle and pale face, those eyes, made it impossible to look away. My previously open palm has now caressed my chest... This unnatural beats again?


"Sa likod ka lang," I seemed to have woken up when he spoke, quickly removing my hand from my chest. His voice sounded like a threat, but he was still unseated by what he did today... he accepted it.


Binulsa niya ang kabila niyang kamay at saka siya tumalikod at umalis. Taranta ko namang binuksan ang payong ko at saka patakbong sinundan siya sa likuran niya. Tuluyan nang namaalam ang araw. I could clearly see how the raindrops were streaming through the light of the lampposts... they were like fireflies flying around.


I stared at the tall man in front of me. He was wearing a dark gray sleeveless shirt, the cut of his sleeve reaching to his waist. Sa suot niyang itim na short ay napansin ko 'yong bagay na nasa bulsa niya, nakalitaw 'yon nang kaunti. Ang sa pagkakaalam ko... apron 'yon ng lomihan na pinagtatrabahuan niya.


Ginawa ko ang pinangako ko sa kaniya na sa likod niya lang ako. Nalagpasan namin 'yong malawak na lote kung saan doon tinatambak 'yong mga troso. Nadaan din namin 'yong tulay... 'Yong malaking bahay na may mataas na gate... 'Yong eskenita na palagi niyang dinadaanan... Malawak na palayan. Bahay nina Emon, sumunod ang kina Maddie... 'yong bahay nila Wesley, 'yong sa kaniya... 'yong poste na tinatambayan namin, at...


"Dito na lang," sabi ko pahinto rito sa ilalim ng poste, sa harap ng bahay namin. Napahinto siya at hinarap ako. Maya-maya ay napalingon siya sa bahay namin no'ng makita niya akong nakatingin doon. "Thank you."


He looked at me, his gaze steady as the raindrops lingered between us. Why? He was just looking at me and didn't say a word, but it felt like he was talking in his mind. It seems like he's recalling something... or someone?


"Hmm," patangong sambit niya. His voice was barely audible but sharp enough to cut through the silence.


I no longer know what to say other than thank you. Napaikot ako no'ng nilagpasan niya ako. Pinanood ko siyang maglakad palayo. He put the umbrella in his other hand and then he placed the other one in his pocket. Maybe he was cold.


"Sabihan mo lang ako kung kailan mo gustong magpagawa..." sigaw ko sa kaniya roon. He didn't look back. He didn't even make a sign or anything to show his answer. He just continued to walk, numbly. "Maui," I whispered.


Ang hirap naman! I groaned in my mind. Today's Saturday and is sunny, instead of entertaining myself with fun things like playing and wandering outside with my bad friends... I just spent all of my time practicing the coloring.


Buntong-hininga kong binitawan ang lapis ko at saka sumandal sa backrest at pagod na tumingala. Napangiti na lang ako nang mapagtanto na ganito pala kaganda 'yong harapan ng bahay namin... Malalago 'yong mga halaman at bulaklak na nagsisilbing gate ng bahay... and this pine tree that I look up to, is happily sheltering me from the scorching sun.


[Colors want to belong to a family. They need other colors around them to have any kind of meaning.]


The tutorial I was watching on YouTube is still playing. Nag-unat ako ng katawan at saka muling binalik ang atensyon sa ginagawa. But what is the real meaning of my work now? All I see here is how I was satisfied when my sketch turned out beautifully, but suddenly, it turned ugly when I colored it.


My medium is a prisma colored pencil. It has an eraser, so it's basically an erasable colored sketching pencil. It was gifted to me by my Tita Margie, my Mom's sister who lives abroad. Gamit ko lang din 'yong luma kong sketchbook.


There is no case even if the medium is ordinary... it's really up to the artist how they use it and how talented they are... but I still don't seem to have any of that. I always say and remind myself that... just always trust the process, but the outcome is always not good.


Malalim na lang akong napahugot ng hininga at saka padarag na nilipat sa panibagong page 'yong sketchbook. Nagsimula ulit akong mag-sketch. Inalis ko na 'yong tutorial na pinapanood ko, nagpatugtog na lang ako ng kanta, I Lied by Lord Huron and Allison Ponthier.


Ini-sketch ko 'yong front yard namin. Natapos ko ang sketch ko na kulay kahel na 'yong langit. I snatched up my sketchbook at pinasadahan nang maiiging tingin ang gawa ko... Napangiti naman ako dahil maganda ang kinalabasan. Nang mapadako ang tingin ko sa color pencils ay nawala ang ngiti kong nailapag na lang 'yon sa mesa.


I want to become a better artist. I want to find what potential I have... but what if drawing isn't really my passion? What if... What if it's just a hobby? I don't even know what my dream is.


"Isko." Napatingala ako kay Kuya Ikio. "Patapon are nito sa likod pagkatapos mo diyan," tukoy niya sa trashcan na nilagay niya sa tabi ko.


"Hmm," pagtangong sambit ko naman.


Nang maligpit ko ang gamit ko ay binitbit ko na rin 'yong trashcan para itapon 'yong basura sa likod. Pagkataktak ko nito sa mga tambak na basura ay napansin ko 'yong basag na glass wine ni Mama, putol na ang paanan nito. Kinuha ko naman 'yon nang may maisip ako na pwedeng gawin.


Buong gabi ay niliha ko ang puwetan niyon para maalis 'yong crack nito. Kinabukasan ay pinagpatuloy ko ang pagliha niyon dito sa likod bahay kung saan gumagawa si Kuya Ikio noong mga cabinet o upuan. Liha lang ako nang liha hanggang sa nawala na 'yong basag nito, kuminis na ang puwetan.


Gumamit ako ng dremel na ginagamit ni Kuya sa pagkurba at pag-ukit para makagawa siya ng design sa upuan. Kumuha ako ng palangana at nilagyan 'yon ng tubig. Nilublob ko 'yong glass wine at doon ko maingat na binutasan ang puwetan nito. Sinabay ko na ring lagyan ng butas 'yong mga maliliit na seashells na nakolekta ko sa Mahinhin Beach.


Nang matapos ay dali-dali akong umakyat ng kwarto at umupo sa tabi ng study table. Kinuha ko 'yong puting yarn, tinali ko 'yon sa maliit na stick ng kahoy. Nilagyan ko ng excess 'yong yarn para maitali ko sa dulo nito 'yong white folder na pa-bookmark ang disenyo. Nag-calligraphy ako ro'n na La vita è bella, sa harapan, at sa likod naman ay La vita è amore. At para hindi 'yon mabasa, I covered it with a plastic cover from my notebook when I was in grade 9.


Sa gitna naman nitong yarn ay tinali ko doon si River. She's just a cute size rock, so she can't break it. Gumupit pa ako ng dalawang yarn at ginamit 'yong mga seashells bilang beads. Pagkatapos ay tinali ko 'yon doon sa stick kasama no'ng una kong ginawa. Sumunod ay dinrawingan ko 'yong loob ng glass wine ng waves symbol at saka ng spiral lines gamit 'yong kulay blue na pentel. Sa pinakadulo ay nilusot ko sa butas no'ng glass wine 'yong yarn, hindi 'to lumusot diretso dahil nahaharangan 'yon ng stick!


Dali-dali ko namang binuhat 'yong bangko at nilapag 'yon sa baba, sa may gilid ng bintana. Hinabol pa ni Fufu 'yong buntot noong yarn. Pumatong ako sa bangko at saka maingat na sinabit sa itaas itong gawa kong wind chime. As soon as I let go of it, my smile just reached the sky when I saw it being gently swayed by the wind... her voice was also so mystical.


"Maganda ba?!" masayang pakikipag-usap ko kay Fufu, nasa ibabaw na siya ng bintana, pareho naming tinitingala 'yong wind chime. I caressed Fufu's head. "Silence means yes," I whispered and then softly nudged the tail to awakened the chime, its notes spilling into the air.


"Bonbon!" Napababa ako nang marinig ko si Wesley. Pagkaharap ko sa pinto ay nakita ko na kasama niya si Emon.


Mabilis naman akong nagtungo sa study table para kuhanin 'yong phone ko, at nabasa ko na nga doon na pupunta sila dito para tumambay... at para makikain na rin, 'yong isa. Hindi ko na napansin 'tong phone ko dahil sa ginagawa.


"Ba't 'di nag-re-reply?" tanong ni Wesley sa 'kin habang naglilinis ako ng table. Nasa kama ko na sila!


"Naligo ba kayo? Nagpagpag ba kayo ng paa? Naghugas?!"


"Naman!" aniya.


"Baka kagagaling niyo lang sa basketball, ah?!" singhal ko. "Papalabhan ko sa inyo 'yan."


"Palabhan mo kay, Emon!"


"Uy, kumpleto ligo ko! Gaya mo pa 'ko sa 'yo! Hilamos lang sa mukha 'yong ligo sa 'yo, eh!"


"Gaya mo pa 'ko sa 'yo!" Diniinan ni Wesley 'yong sinabi ni Emon. "Amoy napisat na surot ka nga!"


"Amoy panis na laway ka naman," ganting sabi ni Emon.


"Mama mo!" nasa phone ang mga matang batong sabi ni Wesley.


"Papa mo!"


"Tita mo!"


"Tito mo!"


At hayan na nga sila!


"Pamilya mo!" sigaw ni Wesley sa mukha ni Emon.


"Buong angkan mo!"


"Buong lahi mo!" asik ni Wesley.


Parang magdidikit na 'yong mga noo nila sa pang-iinis!


"Kuya mo!" si Emon.


"Ate mo!"


Napaharap naman ako sa kanila no'ng bigla silang huminto. Nakita ko si Emon, salubong ang mga kilay na nakatingin lang kay Wesley.


"Only child ako," sabi niya.


"Ay."


Lugi ako kapag nakipagtalo ako sa mga 'to. Una pa lang ay talo na ako... wala akong tatay. Tumambay sila dito sa kwarto ko hanggang maggabi. Natanong din nila sa 'kin kung ano 'yong nangyari sa 'min ni Maddie doon sa bakanteng lote ng school, no'ng araw na nagkagulo sila Maddie at no'ng mga kaklase namin. Nalaman nila 'yon dahil kalat na 'yon sa room namin at section nina Maddie.


Ang nabanggit ko lang sa kanila ay nag-away 'yong grupo ni Jessa saka si Maddie dahil kay Christy. Hindi ko sinabi 'yong totong dahilan. Matapos no'ng gulong 'yon ay di ko na alam ang kasunod na nangyari, 'di ko na alam kung ano 'yong napag-usapan nila sa guidance office. And Maddie was also quiet about it.


Kinabukasan, no'ng dismissal ay naghintay ako sa labas ng room nila. Kaunti na lang din ang estudaynte sa campus pero 'di pa rin sila pinapauwi ng teacher nila. Maya-maya ay napaayos ako ng tayo no'ng magsilabasan na 'yong mga kaklase niya. At napakaway naman ako nang makita ko siya kasama sina Joy. Lumapit sila sa 'kin.


"Sunod ka na lang," sabi ni Joy kay Maddie saka niya kami nilagpasan kasama 'yong iba pa niyang mga kaibigan.


"Wala kang kasabay?" tanong sa 'kin ni Maddie.


Narito kami ngayon sa corridor, nakasandal paharap sa railings. Nasa malayo lang ang tingin namin, nakatingin sa kalangitan. Even though it was still early in the dawn, darkness has already settled in because of the dark clouds covering the sky.


"'Di pumasok si Emon," sabi ko at napangisi lang siya roon.


Hindi ko na dinagdagan ang sinabi ko, alam na kaagad niya kung bakit hindi ko makakasabay si Wesley. I looked at Maddie, I saw her smiling while her eyes were all over the campus.


I wanted to ask her about what happened... gusto ko siyang tanungin kung ano ang totoong dahilan para makita ko siya na nasa ganoong sitwasyon ulit... like what happened in the faculty office back then... and there at Mahinhin Beach, but I couldn't open my mouth.


"Naaala mo ba 'yong sinabi ko sa 'yo dati?" She turned to me, still smiling.


"Hmm?"


"Baka raw magkaro'n ng audition dito sa school para sa singing competition! Reality TV show 'yon ng isang network."


"Talaga? 'Di ba, kapag sumali ka sa ganyang contest... may chance ka pa ring sumikat kahit hindi ka manalo?"


"Hmm," patangong sambit niya. She looked ahead, her eyes narrowed as she looked up at the sky with a smile. "'Yon na lang yata ang pag-asa ko para makaalis dito."


I see hope in her smile and eyes... but there seems to be something wrong with them... it seems like that's all she sees as her last hope.


"Maddie." Nagtatanong ang mga mata niyang nilingon ako. "Ano ba talaga... 'yong nangyari do'n sa bakanteng lote? Tungkol lang ba talaga 'yon... kay Christy?"


The smile on her lips disappeared so quickly. I got worried. Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang umatras at hinugot ang phone niya sa bulsa.


"Ah! Hinahanap na nila ako," sabi niya habang naroon lang ang mga mata. Agad niyang binulsa 'yon.


Halata ang pagkabigla niya, at halatang iniiwasan niya na pag-usapan 'yon. Her phone was upside down. Nakayuko siyang nilagpasan ako.


"Maddie," I called her.


Huminto siya, segundo ang lumipas bago niya ako nakangiting hinarap. "Hmm?"


"You'll be okay," I said.


She pressed her lips, smiling. She took a deep breath then bent her head down for a moment and looked at me again.


"I'm afraid of who I am becoming," she said, her voice trailing off into the silence, and then she paused, finding her words from the stillness. "But I'll be okay."


She smiled at the end before turning her back on me and leaving. She was afraid of who she was... becoming? What really happened to make her say that?


Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko sa gilid ng mata ko 'yong lalaki, nandoon ulit siya sa puwesto niya, tahimik na nakasandal sa pader. He was still in uniform.


When he turned to me, his eyes still didn't fail to sweep me up like the sea waves... The waves are harsh but they still carry a sense of peace.


"Nandiyan ka na." Napakurap ako nang marinig siyang magsalita.


"Ah, hmm," patangong sambit ko. Malayo-layo ang distansya sa kaniya. I won't put myself anywhere near his distance, I made a promise. "Sorry, natagalan ako. Kinausap ko pa kasi 'yong kaibigan ko, si Maddie."


"Hmm," simpleng sambit lang niya. Binulsa niya ang mga kamay niya at hinarap ako. "Nagmamadali ka ba?"


"Ha?" My brows met. I reacted to that so that he could clarify what he was asking me but he just continued to look at me, not saying anything. Anong meron? Is he inviting me to something? It's very rare. Napababa ako ng tingin. "Ah, hindi naman."


Matapos kong sabihin 'yon ay narinig ko na lang 'yong yapak niya. At nakita ko na lang siyang naglakad na paalis. Nakasunod lang ako sa likuran niya, nagtataka ako dahil sa ibang kalsada siya dumaan. Palayo 'to sa bahay namin.


Huminto kami saglit sa maliit na tindahan, nakayuko siyang nagtatawag ng tindero doon sa maliit na bintana. Napakapit naman ako sa straps ng bag ko nang makita 'yong binili niya. Is he really into smoking at this age? Gusto niya bang mamatay agad?


Nang magpatuloy ay napatulala na lang ako sa gilid ko nang madaanan namin 'yong school namin no'ng elementary. Hanggang sa nakaharap at nakatingala na ako sa signboard no'ng pumasok siya roon sa pet shop, na tindahan rin ng mga pet food. Tambayan ni Paws shop 'to.


This is the shop where we bought toys for Fufu. Naghintay ako sa labas habang naroon siya sa loob, nakikipag-usap pa sa tindero. Ang pagkakarinig ko ay bumili siya ng dalawang kilo ng cat food. Kanino naman kaya 'yon? Wala naman akong nakitang pusa sa bahay niya.


Nang mabagot ay hinarap ko na lang 'tong malaking tanke ng aquarium, pinanood ko na lang 'yong mga isda na lumangoy. I could name them! Those are tiger barbs. They're called tiger barbs because they look like tigers with those black stripes on their bodies, and because... they're also semi-aggressive.


Kasama nila 'yong mga glofish tetra. Iba't iba 'yong kulay nila, may pink, yellow, green, blue saka orange. Nag-go-glow sila dahil sa ilaw nitong aquarium. Tuwang-tuwa ko namang kinatok itong aquarium gamit ang hintuturo ko.


"Nagugutom yata sila..." mahina kong sabi nang makita ko 'yong isa na parang naghuhukay sa buhangin para makahanap ng pagkain.


Habang ngingiti-ngiti akong mahinang tumatawa ay napadako ang mga mata ko doon sa lalaki. Through the glass of this aquarium, I saw him on the other side, hands in his pockets, looking at me. Nawala naman kaagad ang ngiti ko at napaayos nang tayo.


Napanguso ako. Ano 'yon? He looked like he was looking at me with a smirk. Nang-aasar pa yata. Nagtatakang tumingin naman ako sa kaniya no'ng makita siyang lumapit dito sa aquarium. Nasa kabila siya at may kung anong kinuha roon. Maangas na inabot niya 'yon sa 'kin.


Dilat ang mga matang napatingin ako sa inaabot niya, at saka siya tiningala. "Pwede?" pabulong kong sabi.


"Walang makakakita," sabi niya patukoy doon sa tindero. Walang makakakita, kasi nakaharang siya sa paningin no'ng tindero!


I smiled widely. Tuwang-tuwa ko namang kinuha 'yong lata na fish food ang laman saka maingat na tinaktak 'yon para pakainin 'yong mga isda. Bahagya siyang yumuko para panoodin silang kumain.


I looked at him and laughed a little when we saw that the fishes were eating it. Nakita ko naman siyang tipid na tipid na napangiti roon. It seemed like a little light was peeking through his face. Marunong naman pala siyang ngumiti!


Pinagmasdan namin ito habang hinihintay na matimbang 'yong binili niyang cat food.


Ganito pala ka importante ang buhay ng bawat nilalang sa mundo... This fish tank alone is beautiful because of its birthed form. There are green plants dancing along with the flying bubbles... corals of different kinds and tiny white stones in it. It's a little miniature world. But it cannot be forbidden that it is much more beautiful because it contains wonderful fish... It is much more beautiful because it has life.


"I think, deserve ng mga tao ang ma-extinct," sabi ko. "O, mawala?"


"Hmm?"


We both straightened up.


"Tingnan mo..." I puckered my lips in the direction of the small flat-screen TV. The greenery, scenery, and animals are showing there. "Maganda na sila kahit walang tao."


Tipid siyang ngumisi. Nilingon niya ako saglit sabay na umiling na may ngisi pa rin sa labi. Tipid na lang akong natawa sa naging reaksyon niya. Nang masupot na 'yong binili niya ay bigla siyang naglakad paalis, tinawag na siya no'ng tindero dahil iniwan niya 'yon doon.


Umawang ang bibig ko. "'Yong ano-"


"Bitbitin mo," sabi niya pagkalagpas niya sa 'kin.


"Ha?!" pag-react na sabi ko. Halos magdikit na ang mga kilay ko habang nakatingin lang sa kaniya na papaalis. Inutusan pa 'ko?!


Habang nakasunod lang sa kaniya at bitbit 'yong dalawang supot ng cat food ay nakita ko siyang bahagyang umupo sa gilid ng kalsada. Napahinto naman ako at sinisilip 'yong bagay na nasa harapan niya.


He turned his head to look at me. "Akin na!" utos niya sa 'kin doon. Ang tinutukoy niya ay 'yong dala kong cat food.


Mabilis naman akong naglakad. Pagkalapit at pagkaabot ko niyon sa kaniya ay nakita ko 'yong pusa na lumilingkis sa paa niya. Dumakot siya ng cat food at saka niya pinakain 'yon sa pusa. Nagdakot pa siya no'ng may lumapit pa na dalawa!


"Oh, meron pa do'n, oh!" Tinuro ko 'yong pusa na nakatago do'n sa talahiban. Mukhang mailap 'yon sa tao.


Sinaklot niya 'yong isang bag ng cat food sabay na inabot 'yon sa 'kin. He was letting me to feed the cat there. Napangiti naman ako at saka tinanggap 'yon. Nang matapos kami sa lugar na 'yon ay nagpakain pa kami sa mga nadadaanan naming stray cat.


May nakita akong natutulog na kuting sa gilid ng trashcan. I imitated the kitten's voice and then gave her the cat food. She woke up in surprise, and she was aggressively eating while making a crying-like sound. We both witnessed how hungry she was.


"Do you want more..." I talked to the kitten while stroking her head. She slept hungry.


We continued to stroll to find more stray cats. We feed them, even if it's not much... at least that made me happy because they got something to eat today.


"Gawain mo na ba talaga 'to?" tanong ko sa kaniya. "Palagi mo ba 'tong ginagawa?"


Nasa ilalim kami ng poste ng ilaw, pinapanood kumain 'yong mga pusa. Pareho kaming nakaupo, nakakrus ang mga braso kong nakapatong sa tuhod ko. My chin was resting on my arms that were on my knees.


"Minsan lang," sabi niya, nasa mga pusa ang tingin. "Kapag kaya ng pera ko."


Tumangu-tango ako. Ngumuso ako at saka maingat na hinaplos 'yong ulo nitong kulay orange na pusa.


"Gusto ko rin sana gawin 'to... kaso bente lang 'yong baon ko araw-araw." I laughed a bit. "Ano nagtulak sa 'yo para gumawa ng ganito?" Tuwang-tuwa kong pinet 'yong ulo ng pusa. "Nagpapakain ng mga cute na pusa..."


"Naaawa ako sa kanila."


Napalingon ako sa kaniya. "Hmm?"


"Gusto ko silang iuwi," sabi niya. "Lahat sila, pero 'di ko sila maaalagaan nang maayos."


This man... I didn't know that he had this side. Pero tama ako, hindi siya gano'n kahirap kilalanin. He may look like a rock, tough and emotionless, but he still has a soft spot.


"Ito lang 'yong magagawa ko," dagdag niya at saka siya naglagay ulit ng pagkain sa sphagetti box. Nang mapalingon siya sa 'kin ay agad naman akong nag-iwas ng tingin. "Mas mukhang ako yata 'yong nakakaawa kesa sa kanila, ha?"


"Ha?" I confusedly looked at him, blinking my eyes.


Saglit niya akong tinitigan bago siya sarkastikong natawa nang kaunti at tumayo sabay na naglakad paalis. Tama ba yung nakita ko? Tumawa siya?! How many emotions are there that I haven't unlocked from him yet? Napatawa naman ako ro'n. Tumayo na ako at sinundan siya sa likuran niya.


"Pa'no kung... paglaki mo, bumili ka ng malaking lote tapos do'n mo sila patirahin?" sabi ko sa kaniya. "Kapag matanda ka na, marami ka nang pwedeng gawin. Magagawa mo na 'yong mga bagay na gusto mo. Masipag ka magtrabaho... Alam kong may pera ka na sa panahong 'yon, pwede mo na silang pakainin ng kahit anong gusto nila."


I just spoke and he just kept walking.


"Iuwi mo 'yong mga pusa, 'yong mga ligaw na pusa gaya no'ng mga nakilala natin. Iparamdam mo sa kanila na may nagmamahal sa kanila... kahit minsan lang." I put my hands in my pockets and stared at the floor. "Kung pwede naman, iligtas mo sila sa lumalalang mundong 'to."


May mga tao pa rin talagang kaya silang saktan. I fear for the cats in the near future. How their lives would be with people by then?


Before that time came, they had to think and figure out about this first. If cats had already disappeared from this world, how many people would have lost their lives by now?


"'Yan 'yong gusto mong gawin?" Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya.


Nabasa niya ako.


"Hmm!" sambit ko. I even smiled and nodded as if he could see me. That's one of the things I want to do when I grow up.


"Ako rin," I heard him mumbled.


I beamed.


Huminto ako sa paglalakad. "Maui!" I called his name, not in a whisper anymore. Napahinto siya, at marahan akong hinarap. "Pwede ba kitang... tawagin sa pangalan mo?"


I smiled at him. Though I know he's the kind of person who turns down pleas... I still have strong hopes that this second time around, he'll accept mine, again.


"Nagawa mo na." My smile just grew wider when he said that.


He did.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top