Chapter 16


"Beat... beat... beat," I mumbled.


The moon was shining down through the trees and all over the place. It was a full moon. Only its light and those lampposts spaced far apart illuminate the surroundings. The icy cold wind swept along our route, causing the leaves of the surrounding trees to rustle and their shadows to flutter.


Habang nakasunod lang sa kaniya, nakakapit ang mga kamay sa straps ng bag, at walang imik na nakatingin lang sa likuran niya, ay litong-lito ang isipan ko. Marahan akong napahawak sa kaliwang dibdib ko, pinapakiramdaman ang tibok ng nasa ilalim nito.


My gaze went to the floor. Nagsalubong ang mga kilay ko... normal na 'to ngayon. Inalis ko ang pagkakahawak ko sa dibdib at muli siyang pinagmasdan na tahimik na naglalakad sa harapan ko. Bakit parang biglang nag-slow motion 'yong tibok ng puso ko no'ng makita ko siya?


I hissed at that thought. My face scrunched up as I realized something else. Honestly, it's not just my heartbeat that suddenly went into slow motion... it's... it felt like everything, everything was suddenly slowing down... from the moment I saw him.


Natawa na lang ako.


But how could I think of something like this after what happened? I must be depressed, right? I looked up at the moon... I then breathed out. Perhaps those miserable events... just made me crazy. I snickered. I couldn't feel anything... I was afraid of what it was.


Kahit itong pagngisi ko ay hindi ko naramdaman ang pagkirot ng sugat ko sa labi. This craziness of mine seems to have dulled my senses... Halos hindi ko na nga maramdaman 'yong sakit ng mga natamo ko.


Nagtapon ako ng tingin sa kaniya. 'Yong tanong na 'yon ay parang hindi naman talaga dapat 'yon para sa akin... Sino ba talaga siya? He's like a raging blizzard that can't be tamed, but if you manage to get through from the bottom of him... you'll find a warm shelter there.


I know he's warm-hearted, and I think he just doesn't know it.


"Thank you." I halted. Nakita ko siyang napahinto sa harap ng gate ng bahay niya, naiwang nakahawak ang kamay roon. He turned to me, his face was still emotionless. Thanks again... and again. Don't worry. I will find a way to repay your kindness. Thank you for always saving me even if I don't deserve it.


Saglit akong napayuko at saka buntong-hiningang pinag-angatan siya ng tingin. Tipid ko siyang ngitian bago ibinulsa ang mga kamay at naglakad paalis. Nakatingin lang siya sa 'kin habang naglalakad ako patungo sa puwesto niya, at nanatili siyang gano'n hanggang sa malagpasan ko na siya.


"Uuwi ka nang ganyan?"


The crushed stones on the floor made a crunching sound when I halted my feet. Agad ko siyang hinarap, nagtatanong ang mga mata ko. He just gave me a very manly look before he turned his eyes away from mine. Ilang saglit ay nakita ko na lang siyang pumasok sa loob ng bahay, iniwang nakabukas 'yong gate.


Saglit akong napatitig sa bahay bago nagtungo sa gate at pumasok sa loob. Nag-aalangan pa ako na buksan ang pinto. I don't understand why he suddenly became so allowing... he had been pushing me away all along. Could he be hiding something under his sleeve? But what could I fear about him? It's not like na may makukuha siya sa 'kin.


Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nililigpit 'yong kalat sa lumang center table. Parang mga piyesa 'yon ng computer o cellphone. Nililipat niya ang mga 'yon doon sa parang likod na kusina nitong bahay. Nakatayo lang ako rito sa gilid ng pinto habang naglilinis siya ng mga kalat.


Napalibot ang tingin ko sa buong bahay. Sa likod ay nakita ko 'yong mga sampayan, halos lahat ng kasuotan ay sa kaniya lang. Sa kusina ay may dadalawang plato lang, isang baso at mangkok. Kaunti lang din ang kagamitan niya para sa pagluluto. There's just one small gas stove. Walang sign na may iba pa siyang kasama rito. He truly is the only one living here.


He truly has no family.


"Do'n ka," sabi niya padaan sa harapan ko. He was instructing me to sit on the floor, facing the center table.


Tahimik naman akong nagtungo ro'n, umupo at sabay na nilagay sa tabi ang bag. Napasunod naman ako ng tingin sa kaniya no'ng kinuha niya 'yong gasera na nasa harapan ko, inilipat niya 'yon doon sa kusina. Para siyang kuya ko na inaasikaso ako.


Kahit walang ilaw ay naaninig pa rin namin 'yong paligid nitong bahay dulot nang walang kahit ano mang kurtina ang nakatakip sa bintana na nasa likuran ko. Pumapasok 'yong liwanag ng buwan dito, at saka 'yong ilaw ng poste sa labas. I could even stare the moon here.


Napatingala naman ako roon sa basag na bintana na ako ang may kagagawan. Mula ro'n ay lumulusot 'yong liwanag ng buwan patutok sa notebook at ballpen na nakapatong doon. May upuan din na nakatapat sa mga gamit... parang ginawa niyang study area ang puwesto na 'yon.


Gulat naman akong napaharap no'ng hinagis niya pabagsak sa harapan ko itong kit. Tiningala ko siya at nakita siyang inaabot 'yong parang tali na nakasabit sa kisame. He pulled it down, making a clicking sound, and then the light bulb lit up.


Nagtungo siya sa sofa, umupo at kinundisyon ang sarili bago humiga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at saka siya pumikit, hinahayaan lang ako rito. Natuon naman ang pansin ko sa mangkok at kutsara na nasa gilid nitong luma at pandak na lamesita... mukhang gagamitin niya sana 'yon sa lomi.


I turned to him, and my mouth just left with a gap as my eyes took in his face.


The soft light from the bulb bathed his skin in a warm, amber glow. His face is as beautiful as the moonshine. I slowly placed my palm over my chest, and after a few seconds, I felt my heart beat... unnaturally, once again. I took my hand away swiftly. Agad ko namang ginising ang sarili ko paiwas ng tingin sa kaniya.


"May gusto ka bang bilhin?" tanong ko. Hinintay ko siyang sumagot pero hindi niya ako pinansin. Kakapikit niya lang, kaya hindi pa 'yan siya tulog. Binuksan ko 'yong bag ko at saka kinuha ang wallet. Tumayo na ako. "Sabihin mo lang. Ako na bahalang bumili. May pera pa naman ako-"


"Ayusin mo 'yang sarili mo," in his deep voice, he spoke. His eyes are still closed. Nagmulat siya ng mga mata, sabay na nilingon ako. I should probably get myself used to his death stares. "Pagkatapos, umuwi ka na."


Matapos niyon ay nilagay niya sa kabilang side ang kaniyang mukha. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at bumalik na lang sa pagkakaupo saka nagsimulang maglinis ng sarili. I shouldn't have said anything. Kinuha ko ang phone ko, saglit na tiningnan ang sarili roon sa camera bago kinuhanan ang sarili. I just kept the camera open, I used it as a mirror.


Hindi ko siya magawang istorbohin at tanungin kung mayro'n ba siyang salamin, kung kaya ay 'yon na lang ginamit ko. Matapos malinisan 'yong pumutok kong labi ay napansin ko naman 'yong healing ointment sa kit na kakaunti na lang ang laman. Halatang gamit na gamit 'to dahil pisat na pisat na ang katawan nito. Kinailangan ko pa 'tong pisilin para lang makuha 'yong natitirang laman.


Nang malagyan ko ang daliri ko niyon, my face was wincing in pain as I rubbed the wound on my lips of it. Saglit pa akong napatitig sa sarili ko sa screen. He was right... hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang hitsura ko. I look awfully sick.


Punong-puno pa ng dumi ang mukha ko. Agad naman akong naghanap ng panyo sa bag. Ilang halughog pa ang ginawa ko bago naalala na nakalimutan ko palang magdala noon. Buntong-hininga na lang akong napahawak sa uniporme ko. Saglit akong napatitig dito, at pupunasan ko na sana ang mukha ko gamit niyon nang bigla naman siyang umahon at nagtungo roon sa likod.


Natigilan ako at nagtatakang sinundan siya ng tingin. Pagkabalik niya ay may dala na siyang bimpo saka palangana na may lamang tubig. Inihagis lang din niya 'yon sa mesa at saka siya umupo sa sofa. May hinugot siya sa bulsa niya at nakita kong sigarilyo 'yon. Inipit niya 'yon sa mga labi niya, at sisindihan na sana niya 'yon nang mapahinto naman siya at pinansin ako. I blinked.


"Gusto mo ako gumawa?"


Napakilos naman ako agad nang marinig 'yon. Hindi ko namalayang pinapanood ko na pala 'yong kilos niya. I just cringed at that thought. Hindi ko na siya pinansin at nilublob ko na nga lang 'yong bimpo sa palangan at sinimulang linisan ang mukha ko. My face got wet from those tears, and when the ground kissed me multiple times, some dirt got stuck there, while they beat me over and over.


No'ng matapos ay hindi ko namalayang matagal na pala akong napatitig sa mukha ko sa screen... Hindi ko rin napansin na may nagbabadyang luha ang magkabilang gilid ng mga mata ko. I noticed him just watching me. Kaagad ko na lang tinaob ang phone ko at pinatay 'yon saka mabilis na nilinis 'yong kit at palangana.


"Teka." Nasukbit ko na ang bag ko sa balikat ko, aahon na sana ako para umalis nang bigla naman niya akong pinahinto.


Napabalik ako sa pagkakaupo, nagtataka siyang tiningnan. While not taking his eyes off me, he smoked and puffed out a cloud of smoke before placing his cigarette on the ashtray. Bote ito ng gin na basag ang katawan at 'yong puwetan ang ginawa niyang ashtray.


Tumayo siya sa gilid ko, kaunti lang ang distansya niya sa 'kin. He placed himself at this distance kung kaya ay nagtataka ko siyang tiningala. It was as if I was facing a building and looking up at its top.


Mapungay ang mga mata niyang nakayuko lang siya sa 'kin habang nakapamulsa ang magkabilang kamay. "May nakalimutan ka," aniya.


"Ha?" I said confusedly, still looking up at him.


Naiilang akong napaiwas nang tingin sa kaniya at bahagyang napababa ng tingin no'ng bigla siyang marahang yumuko habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. Maya-maya pa ay nakangiwing nahigit ko ang dibdib ko no'ng bigla niyang pinisil 'yon gamit ang hintuturo. I hissed. I suddenly felt a sting there. I also felt a burning pain in my stomach when I moved.


I don't know how he found out, but he probably noticed that I also got bruises there because of those traces of shoe dirt on my uniform. Niluhod niya ang isa niyang tuhod, at napalingon naman ako sa gilid ko no'ng gadangkal na lang ang mukha niya sa 'kin.


Ilang sandali ay naramdaman ko na tinatanggal na niya sa pagkakabutones ang uniform ko. I could feel his fingers touching the skin on my chest. Suddenly, I had trouble catching my breath... It feels strange.


"A-Ako na," I stammered and panicked, putting my body on the other side, causing him to stop, and leaving the two buttons unbuttoned. Ako na ang nagpatuloy sa pagtanggal noon.


Hinubad ko ang uniporme ko, naiwan na lang ang sando. Saglit pa akong naiilang na napalingon sa kaniya, hinihintay niya ako na hubarin din 'yon. Being half naked in front of someone else... I'm not used to that. At bakit siya nag-i-insist na tulungan ako? Hindi naman ako tuluyang nalumpo para gawin 'yon.


Iling na napabuntong-hininga na lang ako at hinubad na rin ang sando ko. Aabutin ko na sana 'yong ointment para pahiran ang pasa ko sa dibdib nang bigla naman niya akong inunahan sa pagkuha niyon.


Naiwan ang kamay ko sa ereng nagtataka siyang tiningnan. Seryoso siyang naglalagay na non'ng ointment sa daliri niya. Lalagyan niya ako niyon? Sa dibdib ko?! Napangiwi na lang ang mukha ko no'ng tinungo niya ang likuran ko, ang pag-aakala ko na sa dibdib ko niya 'yon ipapahid.


I didn't know that I had bruises there too.


He was focused on rubbing the bruises on my back, while I was unconsciously focused on his face. His face was too close to mine that I could even hear his breathing. I could smell him too... he has that very manly smell. Ngayon ko lang din napansin 'yong nunal niya sa ilalim ng kaniyang mata.


I was drowning in that sight and did not even notice what would happen next. My eyes widened in surprise when he looked at me. Mabilis akong tumingin sa gilid ko. Nataranta ako, hindi ko na alam kung saan itutuon ang mga mata ko. I could even feel my face heating up.


I was too occupied with what happened. Nalaman ko na lang na nakatayo na pala siya at inaabot na sa akin 'yong ointment.


"Abot mo na 'yan," sabi niya, patukoy sa pasa sa dibdib at tiyan ko. Bigla naman akong nagising at agad na inabot 'yon. Maangas siyang bumalik sa pagkakaupo. "Wala raw gusto."


Napahinto ako sa paglalagay ng ointment sa daliri ko.


Salubong ang mga kilay kong tiningnan siya. "May sinasabi ka?"


He took the cigarette out of his mouth without taking his eyes off of me. Muli niyang nilapag 'yon sa ashtray at saka siya bahagyang yumuko at pinang-alalay ang magkabilang siko sa kaniyang mga hita. I don't know if he's glaring at me or he wasn't dahil sa normal na singkit ng kaniyang mga mata na parang parati 'tong may kasamang pagbabanta.


"Bakit ka sumunod?" tanong niya.


Ang tinutukoy niya ay 'yong pagsunod ko sa kaniya rito sa loob.


"Sinabihan mo 'ko."


Ngumisi siya. "Ganyan ka ba kabilis magtiwala sa iba?" With a grin on his lips, he gazed deeply into my eyes. "Hindi ka ba natatakot?"


Binalik ko ang tingin sa kaniya, at natawa nang kaunti ro'n sa sinabi niya. "Ano bang dapat kong ikatakot?" You seem like a bastard, yet you couldn't even kill an insect, I can see.


He leaned against the backrest of the sofa. He tilted his head, still grinning. "Hindi mo ba nakita 'yong nangyari kanina?"


My face softened. "Nakita ko." It's not the first time I've seen them so scared of seeing you.


He nodded slowly.


"May rason kung bakit sila umakto ng gano'n. Pwedeng takot silang mabugbog tulad mo... o baka, mamatay." You knew they were evil, so you did that. That's the reason for the two possibilities that you have. "Hindi ako 'yong taong mapagkakatiwalaan mo."


"Ah-"


"Bakit ka naniwala na hindi ko kayang makipaglokohan sa mga bakla?" Pagputol niya sa akma kong pagsasalita. Biglang nanuyot ang lalamunan ko. "'Yong hamak na tulad ko, wala kaming arte sa gano'ng bagay."


Malagkit niyang tiningnan ang katawan ko. Napanood ko pa ang pagbaba at angat ng tingin niya roon. A look of thirst suddenly arose across his face and eyes.


Marahan akong napayuko sa nakita. Sa ilang minutong pananahimik ay marahan akong tumango-tango, nakita ko na may likidong tumulo sa ibabaw ng mesa. Naglagay ako ng ngiti sa labi at saka tumayo, pinako ang tingin sa kaniya. Napalitan ng pagtataka ang kaniyang mukha, probably after seeing me in tears.


Habang ganoon ay nanghihina kong tinanggal ang sinturon ko. I could feel my chest full of emotions, which is why even taking off the belt made it hard for me in doing so. Hanggang sa napahinto na lang ako nang bigla niyang mariing hinawakan ang palapulsuhan ko.


He stopped me.


I let out a laugh and then pushed him. Napalayo siya. I had already taken off the belt and was about to remove the button and unzip my pants when he immediately stopped me again. Malakas ko siyang tinutulak palayo sa 'kin ngunit pilit niyang hinahawakan ang braso at palapulsuhan ko. Pinipigilan ako sa pagsunod ko sa gusto niya.


Nagkakasakitan na kami at sa lakas niya, at bigat ng kaniyang mga kamay ay nadala ako sa malakas niyang pagtulak sa 'kin. Napahandusay ako sa sahig, at doon ako iyak-tawang pinapanood siyang hingal na nakatingin lang sa 'kin. Naguguluhan siya sa inaasal ko.


"Bakit parang takot na takot ka?!" tumatawang sabi ko. "Kala ko ba, 'yong hamak na katulad mo, 'di maarte?!"


Nakita kong kumuyom ang kaniyang kamao. Napatingin siya sa gilid niya at maya-maya ay saka siya bumalik sa pagkakaupo at nanigarilyo. Tumihaya ako, nasa kisame ang mga mata. Muli akong tumawa, hanggang sa unti-unti 'yong nahaluan ng paghagulgol. And he just let me.


What's the point of living?


Para namang walang purpose itong buhay ko, eh. Wala akong talento, wala akong gusto, hindi ko alam kung ano ang papangarapin ko dahil hindi ko alam kung ano 'yon. I don't really know what to do. I'm not happy. I don't have much, but only that I'm stupid. All I can see is that I'm hurting, and I will continue to be hurt... until the end of my story.


Living is just pain.


"Parang... Parang wala na yatang saysay 'tong katawan ko, eh... itong buhay ko." So do whatever you want to do with it. Hurt it, cripple it, torn it into pieces... everything.


And everything that happens in the world only teaches me not to fear death.


I burst out laughing as my eyes were still full of tears. Maya-maya ay umupo na ako na parang walang nangyari. Pareho kaming natahimik nang matagal. Nasa sahig lang ang mga mata niya. Did i just cry in front of him? I snickered. Tang ina.


Malawak ang ngiti kong pinulot 'yong ointment sa sahig, nalaglag 'to nong mabunggo namin 'yong mesa. I gestured it to him, saka ko siya ngitian nang malawak. "Tuloy ko na, ah?"


Napahiran ko na ang mga pasa ko habang siya ay tahimik pa rin.


"Pa'no mo nagagawa 'yan?" pagsasalita niya bigla. I turned to him, napahinto ako sa pagbubutones ng uniporme ko. "Nagagawa mo pa ring ngumiti."


Napangisi ako. "Bakit naman hindi? Libre lang naman 'yon..." I laughed a bit. "Parati ko nakikita 'yong kulimlim sa mukha mo." Especially those eyes, which seemed have no life at all. "Bakit 'di mo i-try?" I'm wondering what you look like when you have that shine on your face.


I smiled at him.


He stared at me, and I noticed his jaw was clenched. Tumayo na lang ako at sinukbit sa likod ang bag. He must have thought that everything was just a joke to me. I faced the door and was ready to leave.


"Hindi ko na lang siniseryoso 'yon," sabi ko.


Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko ang mabilis na yapak niya sa likod ko. At napadampa na lang ang mukha ko sa pinto nang idukmo niya ako roon sabay na pinihit patalikod ang braso ko.


Mabigat ang paghinga ko habang pumapalag sa kaniya, ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakaipit ko sa pinto. I groaned as I watched him slowly bring the cigarette butt closer to my eyes.


"Natatakot ka?" He said it in almost a whisper. Sinusubukan ko pa ring makakalag sa kaniya "Sinasaktan ka nila... Hindi ba seryoso 'yon?!"


He pressed his elbow on my back, at sabay na kinalagan niya ako. Pasigaw ko siyang hinarap at saka siya malakas na tinulak dahilan para mapalayo siya sa 'kin. Mabigat ang paghinga ko habang nakakuyom ang mga kamo at matalim siyang tinitigan.


"Alam mo na natatakot ka... at alam mo 'yong totoo," mariing sabi niya.


My tears fell quickly.


At bago pa niya ako makitang umiyak ulit ay mabilis akong lumabas ng bahay. I banged the door shut. Sa kalagitnaan ay napahinto ako. I faced the door, tears still pouring down my cheeks as I looked at the floor... thinking deeply. I cracked my knuckles. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko papasok ulit sa bahay. Napatingin na lang siya sa akin.


"Pwede mo ba akong ihatid pauwi?" I blurted. "I... I want to become a better artist. Gusto kong gumaling sa pagguhit... Maging abogado? Police? O, kaya doctor. Guro? O, baka maging engineer!"


Yumuko ako at humugot nang malalim na hininga saka siya muling pinag-angatan ng tingin.


"Gusto... Gusto kong malaman kung ano... kung magiging ano ako sa hinaharap!" I cried. "Palagi nilang sinasabi sa 'kin na bobo at tanga ako, na mababa lang ang IQ ko, at hindi ako makakapagkolehiyo... wala akong mararating! Pero kahit 'yon  man lang... kahit 'yon lang ay sana malaman ko 'yon!"


When I find it, I'll cherish it my whole life. And if possible, I would like to help this world, too. So I want to go to senior high... I want to go to college... I want to graduate... without letting my fears of them hold me back.


I will try my hardest if you believe in me.


"Please?" I begged. "Promise, sa likod mo lang ako."


Habang nasa likuran lang ako nina Wesley at Emon, nakasunod sa kanila papuntang CR sa dulo nitong second floor... nakalubog lang ang mga mata ko direkta sa sketchbook na hawak ko, patuloy pa rin sa pagguhit. Discussion ng teachers at pangdadaldal lang nila Wesley at Emon ang nagpapahinto sa 'kin sa pag-drawing.


Sumandal ako sa railings at hinayaan lang sila na pumasok doon. Inaya pa ako ni Wesley kung iihi din ba daw ako pero ang sinabi ko lang sa kaniya ay hindi at hihintayin ko na lang sila rito sa labas. Sinabi ko 'yon na hindi siya magawang tingnan... nakatuon lang sa ginuguhit.


Nang matapos ay umayos ako sa pagkakasandal sa railings saka inangat 'yong sketchbook para tingnan nang maiigi 'yong ginuhit ko. Pinagtapat ko ang gawa ko sa phone ko, kung saan doon ko tinitingnan 'yong pinag-pa-practice-an ko na anatomy. It's different poses.


Kagaad kong binulsa ang phone ko saka pinunit 'yon. "Ang pangit!" paanas na asik ko. It seems like the torn papers of my sketchbook were thicker than the remaining pages.


I crumpled it, at ibabato ko na sana ito roon sa likod nitong building nang mapahinto ako at naibaba na lang ang kamay no'ng makita ko si Christy. Nando'n siya sa baba at nakasandal sa pader, nakatingin sa isang gawi na parang may hinihintay.


Hindi siya nakauniporme. Hindi siya pumasok. But what is she doing there? I was about to open my mouth to call her pero naisara ko na lang ang bibig ko no'ng makita kong malawak ang ngiting nilapitan siya ni sir Arnel.


Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit sila nandiyan? They were talking in a place where there were no people... they were in a hidden place. May kung ano silang pinag-uusapan. Kanina ay pareho silang nakangiti pero ngayon ay pareho na silang seryoso.


Napatigilid ang ulo ko habang maiiging tintingnan si Christy, yumuko siya at nakita kong gumagalaw ang mga balikat niya. Seryosong napatingala naman si sir Arnel habang nasa bewang ang mga kamay.


"Tara na!" Agad naman akong napatingin kay Wesley na kalalabas lang ng CR. Nagtaka ang mukha niya nang makita ako na parang gulat. "Bakit?"


Pupunta na sana sila sa puwesto ko nang kaagad ko naman silang inaya na pumuntang field. "Bilisan na natin... baka kanina pa nando'n si Maddie," ani ko palagpas sa kanila at saka nagpatuloy sa pag-drawing.


As my eyes remained glued to my sketchbook, si Wesley ang nag-guide sa 'kin papuntang field. Nakaakbay siya sa akin na para bang minamaneho niya ako, iniiwasang mabunggo kung kanino at kung saan.


"Hear me out," pagsasalita ni Emon habang may nginguyang puto sa bibig. "Tinatamad na 'ko mag-aral."


"Mali..." iritadong bulong ko. I then irritably suck my teeth. I tore the page, crumpled it up, and put it aside. Kaagad akong nagsimula ulit sa pagguhit.


"This is my hear me out!" malakas na sabi ni Wesley. "Hindi ko talaga gustong pumasok... gusto ko lang 'yong thought na pumapasok ako hindi dahil sa pag-aaral, pumapasok lang ako... para mag-saya."


Umalingawngaw ang hiyaw ni Emon sa sobrang tuwa niya sa sinabi ni Wesley. Sinisigaw niya pa kay Wesley 'yong mahal na mahal mo talaga kami.


I bit my lower lip hard as I compared my work to the reference I was trying to imitate. Iritable akong napagulo ng buhok. Muli ko na namang pinunit 'yon at saka nilapirot. I quickly started drawing again.


Ah... I'm so bad with teeth! Nahihirapan ako sa kamay! Hindi na naman pantay 'yong mukha! Mali na naman 'yong labi! Mali! Mali, mali, mali, mali! Punit, sabay crumpled at isinantabi. Muli ulit akong gumuhit.


"At ang nagkamit ng unang puwesto para sa patimpalak na poster making na may temang FIlipino: Wikang Mapagbago sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2017 ay si... Isko Boei V. Devino!"


"Ang nagkamit ng ikalawang pwesto ay si... Isko Boei V. Devino!"


"And the third place winner is... Isko Boei  V. Devino!"


"Para sa nagkamit ng ikatlong pwesto ay si... Isko Boei  V. Devino!"


"The third place is... Isko Boei V. Devino!"


"The third place winner of the poster-making contest 2022, in the junior high category, is... Irish C. Panaligan!"


"The second place winner is... Shenna M. Rodriguez!"


"Moving on... For the first place winner... the champion of poster making contest 2022, in the junior high category is... Isidro B. Ocampo!"


Is... Isidro... Ocampo. Isidro B. Ocampo. Hindi Isko Boei V. Devino. Isidro B. Ocampo. Pero... Pero Grade 7 pa lang siya, 'di ba?


I was suddenly lost in my drawing... Maya-maya ay isa-isa ko 'yong pinagpupunit at nilukot.


"Ayos ka lang?" Napaangat ako ng tingin kay Maddie. Iisa lang ang lamlam ng kanilang mga mata habang nakatingin sila sa akin, nag-aalala.


"Ha? Hmm," nakangiting patangong sambit ko. I showed them the ones I had torn. "Namali." I laughed a little.


Tumango lang sina Maddie at Emon. Si Wesley naman ay nagpatuloy sa pagkain habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. Humugot ako nang malalim na hininga, saka mabilis na sinara ang sketchbook at sinilid 'yon sa bag.


"Hmm," Wesley uttered, placing his phone by my side with an earphone plugged in.


Nakalitaw na 'yong subscription music player niya at 'yong paborito kong kanta, Kislap by Jikamarie. Saglit naman akong napangiti sa kaniya saka 'yon kinuha at sinuksok 'yong earphones sa magkabilang tainga. Hininaan ko lang ang volume niyon para marinig ko pa rin sila.


Here's a thing, napansin nila 'yong bangas ko sa labi at pisngi... they've noticed it many times, it happened many times but I still make them believe my lies. Kahit sina Kuya Ikio at Mama. I told them that I tripped when I ran home and hit my face in the gravel.


"Ay, may naalala pala ako-"


"Hear me out!" pinutol ni Maddie si Wesley. "Sana naging pipe na lang kayo."


Hear me out? Isn't a cake trend where they're confessing their romantic interest by decorating cakes with paper cutouts of their crushes?


"Ang sama, eh..." Nasasaktang pag-react ni Emon. "Hindi mo kami maiintindihan niyan kung gano'n. Baka hanap-hanapin mo 'yong boses namin na masarap sa pandinig."


"Yuck... I can do sign language," ani Maddie. I recalled that she was part of the school's program where deaf and hearing-impaired students were blended into the students na nakakarinig. "Kaya okay lang. Ang mahalaga, walang maingay."


Nakangising napaiiling na lang si Emon. "Ano na 'yong naaalala mo?" pagpansin niya kay Wesley.


"Ah, 'yon pala. Naalala ko na malapit na pala 'yong singing contest sa kabilang barangay!" Tiningnan ni Wesley si Maddie na busy na ngayon sa pagbabasa. "Ready ka na ba?"


"Hindi ko alam," diretsahang sagot ni Maddie.


Nakita ko naman siyang napaalis ang tingin sa binabasa at bumuntong-hininga. She must be worrying about something. She had stopped singing for a long time, and now she will make her voice heard again in the world... alam ko na may kaakibat 'yong takot. But she is already a winner, even if she doesn't win. Her fear... it's hard to cope.


"Sorry kung mag-iingay kami." Sabay-sabay kaming napalingon kay Wesley. Ngumiti siya nang malawak at nagtaas ng mga kilay. "Nando'n lang kami."


Nakita kong napangiti nang tipid si Maddie roon.


"Champion 'yan... si Maddie 'yan, eh!" sabi ni Emon.


Maddie just rolled her eyes. "Bakit niyo ba 'ko hinihintay?" sabi niya, inilalayo ang usapan. "May pambayad naman na kayong tatlo sa field trip, ah? Mala-late na kayo niyan... baka mapunta na kayo sa ibang section o bus."


"'Yon nga 'yong plano, eh!" may laman pa ang bibig na sabi ni Wesley. "Magpapa-late kami tapos kapag may pera ka na, sabay-sabay na tayo magbayad para magkakasama tayo sa bus."


"Mga baliw talaga kayo." Maddie crossed her arms over her chest, sighing. "Pa'no kung hindi ako manalo?"


"We'll be cheering you on every step of the way!" I smiled at her. Tahimik siyang napatingin sa akin. Nilagay ko ang magkabilang palad ko sa gilid ng pisngi ko saka isinigaw ang pangalan niya. "Kahit mawalan pa kami ng boses ayos lang!" I know you'll shine like the star you are.


Natawa naman siya sa ginawa ko at sina Wesley saka Emon ay gano'n din.


Maddie sipped the apple juice through a straw while smiling, matapos ay tiningnan niya kami isa-isa. "La vita è bella," aniya.


"La vita è amore!" sabay-sabay na sigaw namin ni Wesley saka Emon.


Napakuskos naman ng tainga si Maddie, nabingi na yata dahil sa 'min. Nagtawanan na lang kami. Noong mag-uwian ay nagkasabay-sabay kaming umuwi. Parang first time lang din nangyari 'yon dahil madalas, kami ni Emon o Wesley lang ang nagkakasabay nitong mga nakaraang araw.


"Nag-cutting ka," tanong sa 'kin ni Wesley. Nauna nang nakauwi sina Emon saka Maddie, itong si Wesley, gusto niya akong ihatid. Ngayon na lang daw ulit kami nabuo sa pag-uwi, eh, baka masyadong nasiyahan sa nangyari. "Anong ginawa mo no'n?"


"Wala," sagot ko.


"Wala?"


"Hmm. Kailangan ba meron?" kunot ang noong sabi ko. "Umuwi ako sa bahay, nagkunwari ako na masakit tiyan ko. Ayoko lang talaga pumasok."


"Nag-effort ka pa talaga na pumuntang school, ah..." sarkastikong sabi niya. Pabirong siniko niya ako.


No'ng makita ko na 'yong poste ng ilaw sa tapat ng bahay namin ay huminto ako at hinarap siya. "Sige na. Dito na lang, baka mapalayo ka pa."


Tiningala ko siya, at nakitang tahimik lang na pinagmamasdan ako. Bigla siyang tumahimik, ingay ng kuliglig sa gabi na lang 'yong naririnig ko. Napansin ko na parang mas lumevel up 'yong pagtingala ko sa kaniya. When did he grow up all of a sudden, huh?


"Bonbon."


"Oh?"


He looked down. "Kung... Kung may bagay na nagpapahirap sa 'yo o nagpapagulo sa isipan mo... pwede kang magsabi sa 'kin." Napatanga ako sa sinabi ni Wesley. "We're not just friends sharing beautiful moments... we're friends in every way. Kaya magsabi ka lang, ha?"


And when did he learn to speak English fluently?


I smiled. "Ha? Sinasabi mo?" I jokingly slapped his muscled arm. "Wala, ah. Wala naman!" I lied. Lumingon ako sa kabilang direksyon. "Okay lang ako."


"Talaga?"


Nilingon ko siya. "Hmm," may pagkukumbinsing sabi ko.


When has anyone ever said they're not okay?


He nodded slowly, and his face sank down. "Buti..." rinig kong bulong niya.


Malakas ko naman siyang tinapik sa balikat, tumingkayad pa ako para matapik 'yon. Gulat siyang napaangat ng tingin sa 'kin.


Ngumiti ako. "Babye na," pakaway na sabi ko at saka siya tinalikuran. I looked back at him, and saw him still standing there, smiling a bit at me. Kinawayan ko ulit siya at saka ko siya nakitang nakangiting kumaway rin pabalik.


I threw my eyes in front. I put my hands in my pockets and stared into nothingness. He noticed it... again.


"Pumila kayo nang maayos!" malakas na sabi ni Andrea sa 'min dito sa corridor. Science ang subject namin ngayon, at iksakto naman na nag-ha-handle din ng mga proyekto sa school si Sir Racas. "Ano ba, ang iingay niyo!"


Isa siya sa mga nag-ma-manage ng school planting programs, kung saan magtatanim 'yong mga elementary at junior high students ng mga gulay at halaman sa bakanteng lote nitong school. Pero sa halip na 'yong ibang sections na hawak niya 'yong dapat maglinis doon sa likod ng Math Building, kami ito ang naisipan niyang isama.


Naisip niya 'yon kahit pa na naghahabol siya ng lessons sa 'min. Kaya ang ilan sa mga kaklase namin ngayon ay tuwang-tuwa na parang ngayon lang nakalabas sa hawla. Wala na naman kasi kaming gagawin bukod sa paglilinis noong bakanteng lote. For sure, maghaharutan lang sila doon.


I'm so jealous, I wish I could be as happy as them. As happy as them and not thinking about anything other than that.


"Umayos na kayo!" pagsaway ulit ni Andrea.


Hindi kami makaandar dahil sa kakulitan nila. Dito pa lang sa pag-aayos ng pila ay nahihirapan na si Andrea na patahimikin sila. Pa'no pa kaya kapag nadoon na kami.


"Isko..." Napaangat naman ako ng ulo no'ng tawagin niya ako. Habang nakamaywang ay taas kilay niyang sinenyasan 'yong hawak ko.


Hininto ko na nga lang 'yong pag-drawing ko at saka sinara 'yong sketchbook sabay na pumasok ulit sa room para isilid 'yon sa bag. Pakarating namin sa likod ng Math Building ay nakita ko na hindi lang pala kami 'yong maglilinis, kasama namin 'yong section ni Maddie. Hawak din pala ni Sir Racas 'yong section 1.


"Nasa'n 'yong dalawa?" tanong ni Maddie sa 'kin habang tinutulungan akong magbuhat nitong malaking kahoy para itabi 'yon doon sa tambakan ng mga kalat.


"Absent 'yong isa. Pinanindigan 'yong sinabi niya na tinatamad na talaga siya mag-aral," sabi ko sabay alalay sa pagbaba no'ng kahoy. "Nasa training naman ngayon si Wesley."


"Wala talagang pagbabago sa taong 'yon," paanas na sabi ni Maddie. Nagpapagpag na siya ng mga kamay habang pabalik kami doon sa kabilang side. Tutulong naman kami sa pagbubunot ng mga damo.


"Masipag naman 'yon," sabi ko na ikinakunot ng noo niya. Hindi ako kayang paniwalaan. "Masipag um-absent." Sabay kaming natawa.


Wala na naman akong kasabay umuwi ngayon. I heaved a sigh. Matapos ang ginawa kong pagmamakaawa sa kaniya, at 'yong paghingi ko nang tulong ay hindi pa rin ako sigurado kung tinanggap niya ba 'yon o hindi. Sinabihan ko siya na hintayin ako sa harapan ng gate sa oras kung kailan ko rin siya nakikita roon sa eskenita.


Kinumbinsi ko pa sina Wesley na tumambay lang saglit dahil may hinihintay pa ako, at para na rin sana makumpirma ko na tinanggap niya 'yong pagmamakaawa ko. But time passed and nothing happened, he didn't show up. He didn't even leave a sign that he had waited. Mabuti na lang ay nakasabay ko sina Wesley noon sa pag-uwi.


Swerte ako no'ng araw na 'yon, pero ngayon... hindi ko na kailangan isipin pa kung ano ang mangyayari sa 'kin. But what should I expect from him? We barely know each other, we were not even that close at all. And he's just a scumbag as he said. I shouldn't be expecting anything more.


"Phone mo?" tanong ko kay Maddie habang naglalakad na kami papunta roon sa kabilang side naman ng pagbubunutan namin ng damo.


"Bakit?"


"Lagay ko lang number ko sa contact mo. Nagpalit ulit ako ng sim, eh." Kaninang umaga lang ay bigla na namang sumuko 'yong sim ko, bigla na lang 'yon nawalan ng signal at naguly-tuloy na. Napabali tuloy ulit ako ng panibago.


"Para namang may mangyayari sa 'kin," sabi niya sabay abot no'ng phone.


"May mangyari man o wala... we still need to be sure anyway," sabi ko at tinipa ang numero ko sa contact niya.


Pagkatapos ay nag-umpisa na kami sa pagbubunot ng damo habang 'yong ibang mga lalaki naman ay inatasan ni Sir Racas doon sa mabibigat na gawain, sila 'yong nagpuputol no'ng mga matatas na ligaw na damo at saka nagbubuhat no'ng mga nakakalat na malalaking bato.


"Tingnan niyo tama ako, wala na naman si Christy ngayon." Napalingon ako sa likuran ko no'ng marinig ko 'yong binulong ni Jessa. "No'ng Tuesday, after ng P.E. natin, nagpapalit ng uniform sina Celestina no'n, narinig nila si Christy umiiyak sa CR. Saka bago 'yon, nakita siya ni Zaia na sinabay daw siya ni sir Arnel sa pag-uwi."


Sir Arnel? Nagpatuloy ako sa ginagawa habang naririnig silang nagbubulungan sa likuran namin ni Maddie.


"Ano nangyari?" tanong ni Angelica.


"Chinat ni Christy si Zaia, nag-pt daw siya do'n sa CR., tapos nag-positive. Si Sir Arnel 'yong nakabuntis."


Natigilan ako. Gano'n din ang naging reksyon ni Maddie. Magkaibigan sina Maddie at Christy, naging kaklase niya si Christy no'ng grade 9. Si Sir Arnel 'yong Adviser nila. I know that this may be very disturbing for her as it was for me.


"Hindi niya pa raw alam kung sasabihin niya ba sa mga magulang niya o hindi na. Natatakot daw siya kasi 'yong tita saka tito niya 'yong nagpapaaral sa kaniya. Nakikituloy lang din siya do'n. Eh, bawal nga siya mag-boyfriend sabi ng tita niya. Kaso ayon... mas malala 'yong nangyari... nabuntis siya. H'wag kayo maingay, ah?"


"'Di ba single naman si, Sir?" dinig kong tanong ni Kyla. "Papanagutan ba raw?"


My brows creased.


"Feeling ko oo," pagsagot ni Angelica. "Sobrang special kaya ni Christy kay, Sir. Tuwing na-la-late nga siya ng submission, pinagbibigyan agad siya ni Sir, eh. Samantalang sa 'kin, kailangan pahirapan pa!"


"Ang sabi oo," ani Jessa. "Sabi ni, Sir, kay Christy h'wag na lang daw ipaalam. Sikreto na lang daw."


"Okay lang 'yan, naniniwala pa rin ako sa age is just a number." Narinig ko silang kinilig sa sinabi ni Kyla. Age is just a number?! "Sina Papa saka Mama nga naging sila no'ng sixteen pa lang si Mama tapos si Papa nasa twenty-six na. Kasal pa rin sila hanggang gayon."


Ha?


"Crush na crush nga ni Christy si, Sir, eh." Humagikgik pa si Jessa. "'Yong crush niya may chance na maging asawa niya. Swerte!"


Ano?!


Agad kong nilingon si Maddie, pagkatingin ko ay wala na siya sa tabi ko.


"Hoy." Narinig ko na lang 'yong boses niya. Nasa likuran ko na siya, kaharap na sina Jessa. Nagtatakang nakatingala sila sa kaniya. Napatayo naman ako. "Kaibigan niyo si Christy, 'di ba?"


"Oo, bakit?" salubong ang mga kilay na sagot ni Jessa.


Sarkastikong napangisi naman doon si Maddie. "Talagang um-oo ka matapos niyong pag-usapan patalikod si Christy?!" sigaw niya.


Nakita ko naman na lahat ng estudyante rito ay napahinto sa ginagawa at natuon ang pansin sa gawi namin.


"Eh, ano bang problema mo?!" mataray na pagsabat ni Angelica. "Ikaw ba? Ikaw ba 'yong pinag-uusapan dito?!"


"'Di porket SSG Officer ka naninigaw ka na lang basta-basta!" asik ni Jessa.


"Tapang-tapangan ka na naman porket may kapit ka," ani Kyla.


Maya-maya pa ay napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Maddie, napayuko rin siya na parang nagpipigil. Ilang sandali pa ay nakita ko na lang siya na mabilis na pumulot ng mga lupa saka niya 'yon pinagbabato kina Jessa. Tanging pagtili na lang ang nagagawa nila no'ng lahat sila ay mapuwing doon.


"Kaibigan niyo siya... Kayo dapat ang magpoprotekta sa kanya!" sigaw ni Maddie.


At para naman akong naestatwa sa kinatatayuan no'ng ngayon ko lang siya makitang galit na galit habang lumuluha.


"Ms. Sanchez!" Pasugod na sana sina Jessa sa kaniya nang agad namang lumapit si Sir Racas sa kanila. "Anong nangyari? Ba't nagkakabatuhan na kayo?!"


"Age is just a number?!" lumuluhang sigaw ulit ni Maddie. Hinarangan na siya ni Sir Racas. Sinusubukan na rin siyang pakalmahin ni Sir. Pero lahat kami ay nagulat na lang noong tinulak niya si Sir. "H'wag mo kong hawakan!"


"Maddie..." sinubukan ko siyang lapitan ngunit tinulak niya lang din ako. Wala na siya sa kontrol.


"Years in prison are numbers! Mga bobo!" she screamed. "Nakakadiri kayo!"


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top