Chapter 15
WARNING: VIOLENCE.
"Sino... ka... ba... ta... la... ga?"
You are the only one who can rewrite my story
The only one who can rearrange my heart beat
Is you
I lowered my hand and stared intently at the drawing, still hearing the song I had played. I sketched what happened last night, inabot na ako ng kinabukasan kakaisip sa kung ano 'yong ibig niyang sabihin ro'n sa sinabi niya. Dinala pa ako ng mga katanungang 'yon rito sa gilid ng sapa.
I was currently lying in the middle of wild flowers. I placed the sketchbook on my chest. Napatitig ako sa mga bulaklak. Iba't iba ang uri nila, sa pagkakaalam ko ay cosmos at wild daisies ang mga 'to. May kulay dilaw, orange at puti. They were dancing on top of my face as the clear sky was in the background. I was just looking deep into it.
I was too restless at home, pakiramdam ko ay para na akong nabubulok sa kwarto. Sa sobrang haba na ng panahon ko na parating naroroon ay para na 'kong mababaliw. So I was thinking of leaving the house to enjoy the silence outside... alone.
But I seemed like it was hard for me to enjoy the silence, nadagdagan ang iniisip ko dahil doon sa sinabi niya. My mind was overwhelmed by all that noise. Matapos niyang binuhos sa sahig 'yong mga gamit ko, at ang ilan pa sa mga nilipad kong test papers ay napadpad sa kanal... babatuhin niya lang ako ng gano'ng klase ng tanong?
Ang lalim!
Sino ba talaga ako? Naiangat ko ang hawak kong sketchbook, saka itinutok ang lapis doon sa character na ini-sketch ko... sarili ko 'yon, kaharap 'yong lalaking nagpagulo ng gabi at araw ko. Gumuhit ako ng speech bubble at itinapat ang lapis sa loob niyon.
"Hin... di... ko... rin... a... lam, eh," pagsasalita ko habang sinusulat 'yon.
I should have said that last night but he didn't let me. He just left so suddenly na parang walang nangyari. What exactly does he want to say, though? It was as if he had seen someone he had known before, but this someone... did not recognize him. Pero... totoo ba? Have we met before?
Sighing, I just spread my arms and stared at the sky. Sa ginawa kong 'yon ay natumba 'yong mga bulaklak dahil nadaganan 'yon ng mga braso ko. Maybe, if I were the bird flying around in the sky, I would see myself here lying on the flowers as if I just formed a snow angel.
Since you've stepped into my life
Like someone brought the vision to the blind
Every time that you smile
Like the sun that shines in the midnight sky
Napatingin ako sa phone ko na nasa gilid, tamad akong tumagilid para abutin 'yon. Nang makuha ay muli akong tumihaya saka pinuntahan 'yong music player, I was so deep in thought that I forgot to put the player on shuffle mode.
Malalim ulit akong napabuntong-hininga bago nailubog ang kamay na may hawak na phone sa dibdib, the song I first played was still playing. I hissed and my face just winced as I realized something. Ngayon, alam na niya na hindi lang iisa 'yong sketch ko sa kaniya. Sobrang swerte ko naman talaga!
Napasabunot ako sa sarili at kaagad ding napatitig ulit sa kalangitan. Yeah, right. He already knows the fact that my sketch of him is not just one... pero bakit kaya hindi na 'yong may gusto ka ba sa 'kin ang lumabas sa bibig niya? Like it was as if that was the default thing he would say every time he saw me. He has changed now. I sighed. Alam na talaga niya na marami akong sketch niya...
"Oh, shit!"
Agad akong napaahon at tumayo saka mabilis na pinulot 'yong sketchbook at sumbrero ko. Patakbo akong umalis sa kinahihigaan at saglit na huminto para pumulot ng bato saka 'yon malakas na hinagis doon sa sapa. Napangiwi na lang ang mukha ko no'ng hindi 'yon tumama sa kahoy na nakalitaw.
Tumakbo ulit ako patungo sa bisikleta na nakaparada roon sa puno ng mangga, bisikleta 'to ni Wesley na hiniram ko sa Mama niya. Wala siya no'ng pumunta ako sa kanila kaya sa Mama na lang niya ako nagpaalam. Mabilis kong nilagay sa basket 'yong mga gamit ko at sinuot ang sumbrero bago sumampa sa bisikleta at matulin 'yong pinatakbo.
The wheels of the bicycle squeaked when I pressed the brake. I stepped on its stand saka bumaba at tinungo 'yong gate ng bahay niya. Napahinto naman ako. Am I still in the right frame of mind? Ano ba talaga ginagawa ko dito? I bit my lower lip before turning back, wondering if I was doing the right thing.
May dapat lang naman akong i-clear sa kaniya, eh.
Muli akong humarap sa sa bahay at nag-aalangan pang humakbang sa gate. Huminga muna ako nang malalim bago naglakad papunta roon sa pinto. Nag-angat na ako ng kamao para kumatok, pero agad ding napahinto no'ng makaramdam ng kahihiyan. At bakit parang kabado ako? May dapat ba 'kong ikakaba? Wala naman!
May sasabihin lang naman ako, e!
Inayos ko na ang sarili ko at naghanda. Kinailangan ko pang bumwelo bago ko nagawang katukin 'yong pinto. Kumatok ulit ako no'ng wala akong narinig na kung ano sa loob o sign man lang na may tao roon. Ilang beses ko pang ginawa 'yon pero wala talagang lumabas.
Napabuntong-hininga ako at napansin 'yong bintana sa gilid. Salubong ang mga kilay ko na bumaba ng hagdan saka tinungo 'yon. I could hear the crunching of the tall grass as I stepped towards the window. Tumingkayad ako para masilip 'yong loob. Hindi ako makapaniwala na nakasilip ako ngayon sa bahay ng ibang tao! Dito pa talaga mismo sa basag na bintana na ako ang may pakana.
Napakapit na ako sa bintana para maalalayan ang sarili at mas makita pa 'yong loob. Sa bungad ay nakita ko 'yong sofa, halata na ang kalumaan nito at 'yong disenyo pa nito ay parang katulad no'ng kina Lola, vintage ang hitsura noon, sunflowers ang naka-embroidery. May ilaw pero may gasera rin?
Napansin ko naman sa gilid 'yong TV na kapareho ng sa 'min... TV 'yon na malapad ang likod. Dito sa bintana ay kaharap ko 'tong mga gamit niya pang-school, isang lumang notebook at lapis. Sa gilid naman ay may lumang radyo. Halos lahat ay luma. Wala pang kabuhay-buhay ang bahay dahil kakaunti lang ang laman, and there is no color around.
"Tao po!" I called to announce that someone was outside.
Naghintay ako ng ilang segundo pero wala pa ring sumasagot. Sinusubukan kong nakawin ang pagkakataon dahil nakita ko na may kwarto sa loob at may likod bahay pa 'to. Baka nando'n siya, o baka may ibang tao pa ro'n na kapatid niya pero no'ng magtawag ulit ako ay wala talaga.
"Anong ginagawa mo?"
Napahiyaw ako. And it felt as if I had been electrocuted in my place, causing me to quickly pull my hands away from the windowsill and turn around upon hearing that voice. Napahawak ako sa dibdib, my heart even gave a startled jump against my ribs. It suddenly beat abnormally!
I blinked, slowly, as though trying to convince myself that what I was seeing wasn't just a trick of my imagination. Ngunit ayon, masyadong klaro ang lahat at nakita ko pang kumurba pataas ang isang kilay niya sa 'kin habang nakapamulsa. Until his eyes found mine, and my breath just hitched.
His presence alone steal the air around. Kanina ay sobra ang pagkagulat ko na halos ikahinto na ng paghinga ko... Ngayon ay parang mas sumisikip lalo 'yong hangin dahil sa nakakapanikip-dibdib naman niyang presensya.
"K-Kailangan mo pa ba talagang manggulat?" I managed to breathe out, my voice barely audible over the rush of blood on my face. Nararamdaman ko, nag-iinit na ang mukha ko. He just caught me sneaking! At hayan na naman 'yong paninitig niya na tumatagos sa buong pagkatao ko. "Ah... Anong ginagawa ko dito? Uhm... ano lang... ano..." Nagdadahilan ang mukha ko.
Nakita ko siyang sinuri ang hitsura ko, tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Napansin ko naman na sa sumbrero ko na siya nakatingin. Maya-maya ay bahagya niyang itinagilid ang kaniyang ulo habang taas-kilay na nang-aakusa akong tinitigan.
"Hoy, hindi! Hindi, ah!" pagtangging sabi ko habang winawagayway ang mga palad para kumbinsihin siya na mali 'yong iniisip niya. Naiilang akong tumawa. "Wala akong masamang binabalak! Saka kung magnanakaw man ako, mas pipiliin ko 'yong malaking bahay, 'no."
Unti-unting nawala 'yong pilit kong tawa, and I just pressed my lips together when I saw him straighten up and slightly raise his chin. His sharp eyes remained focused on mine. I think he was mad, mad!
"Ah! Hindi! I mean, ano... Mali 'yon, mali! Erase, erase, erase! Ah... ano kasi..." My mind was full of thoughts, but I couldn't put a single one of them into words. Napayuko na lang ako at napangiwi ng mukha. Napasilip ako sa kaniya at sabay na nahihiyang tipid na nginitian siya. "May nasabi na naman ako na hindi maganda, s-sorry?"
"Isko?" Agad naman akong napaayos nang tayo at nilingon 'yong taong tumawag sa 'kin.
At nakita ko na si Wesley 'yon, kasama sina Maddie saka Emon na nagtataka na ring nakatingin sa 'min. Salubong ang mga kilay na nilingon naman ni Wesley 'yong lalaki, napatingin ako rito at nakitang nakikipagtalo na rin 'to ng tingin sa kaniya. Bakit mukha silang seryoso?
"Anong ginagawa mo diyan? Magkakilala na kayo?" magkakrus ang mga brasong tanong sa 'kin ni Maddie.
Napaawang naman ang bibig ko. Right, what am I really doing here?! "Ah..." Hindi ko alam ang sasabihin! Mabilis na lang akong humakbang at tinungo 'yong pwesto no'ng lalaki. Pagkarating ko sa gilid niya ay saka ako tumingkayad para maabot 'yong balikat niya. Naramdaman ko naman 'yong masamang paninitig niya sa 'kin. Nakangiting nilingon ko sina Wesley. "Yes, oo! Magkakilala na kami! 'Di ba?"
"Kilala?" dinig kong mahinang sabi ng katabi ko mula sa malalim na boses. His tone even conveys a sense of threat. "Sino ka ba?"
"H'wag ka na lang magsalita..." I managed to whisper while smiling at them.
"Ikaw dapat 'yon."
I tilted my head to bring my mouth a little closer to his ear. "Shh! Pagbigyan mo na 'ko. Ngayon lang naman 'to, e." Tinuro ko naman siya, nakaakbay pa rin ang isang braso ko sa kaniya. "Siya! Siya 'yong nakuwento ko sa sa inyo na nakasabay namin ni Mama pauwi. 'Yon 'yong araw na pinasakay kami ni Ka Arvin, 'yong kaibigan ni Mama."
"May nakuwento ka?" naguguluhang tanong ni Maddie.
"Meron ba?" rinig kong pabulong na tanong ni Emon sa kaniya.
"Wala ka namang nakuwentong gano'n, ah?" seryosong sabi naman ni Wesley. Hindi ko matukoy kung galit ba siya o kung ano.
"Ah... wala ba?" I awkwardly laughed. Habang gano'n ay nagbabalanse ako ng pagkakatingkayad para hindi maalis ang akbay ko sa katabi ko. Pero mahirap 'yon gawin, sobrang tangkad niya, nasasakal ko na siya nang hindi sinasadya. "Oh, okay. Ngayon, meron na."
Wesley scoffed sarcastically, sina Maddie saka Emon naman ay saglit lang na natawa.
"Bitaw." I heard this man warn me.
Naririnig ko sa boses niya na parang handa na siyang manakit. Inalis ko naman ang akbay ko sa kaniya at mabilis na dumistansya. Nakita ko 'yong malamig niyang mukha habang inaayos 'yong nalukot niyang damit.
"Uhm..." Nakangiting inabot ko 'yong braso niya para tapik-tapikin, animo'y tropa lang. Natigilan naman ako no'ng hinawi niya ang braso niya at agad akong napatameme noong tiningnan niya ako. Bakit ganyan siya kung makatingin? Para siyang... nandidiri sa 'kin. Nag-aalangan akong tumawa. "Ah, sige. A-Alis na 'ko!"
Habang naglalakad patungo sa gawi nila Wesley ay hindi ko naman mapigilang mapakuyom ng kamao. I want the earth to open up and take me, sobrang nakakahiya. Ang dami ko nang kahihiyang ginawa sa harap niya!
Inangat ko na 'yong bike stand saka 'to hinila. Paalis na sana kami pero napahinto na lang at sabay-sabay na napalingon kay Maddie no'ng mapansin namin na naiwan siya ro'n... nakatingin lang sa lalaki na papasok na sa loob ng bahay.
"Mad-"
"Hoy," pagtawag niya ro'n. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para kuhain ang atensyon niya. Napaharap naman 'yong lalaki sa kaniya. "Maui?" ani Maddie at walang buhay lang na nakatingin 'yong Maui sa kaniya. He didn't even wonder why Maddie knew him. "Gusto mo sumama?" Inangat ni Maddie 'yong dala niyang supot ng ticnap notnac.
Lahat kami ay natigilan sa pagpansin ni Maddie sa kaniya. Tahimik naman akong nilingon noong lalaki, nagtatanong ang hitsura ko. Saglit na bumaling 'yong tingin niya kina Wesley at Emon bago siya walang pakealam na tumalikod at pumasok sa loob ng bahay. He could even ignore Maddie!
Napangisi naman si Maddie ro'n. "Kauri ko ba siya?"
"Bye, sa nakasabay ni Isko saka ni Tita!" pagkaway na sigaw ni wesley nang makita niya 'tong lumitaw sa bintana.
"Whoa... ayos, ah!" Tinapik ko 'yong bag ni Wesley. Naglalakad na kami papuntang bahay. Nagplano pala sila na mag-movie marathon sa GC. Hindi ko lang nabasa 'yon dahil busy ako kanina. "Dala mo laptop mo ngayon."
"May problema ba? Kilala mo ba talaga 'yon?" Bigla niyang pinreno 'yong bike na hila-hila niya. Napahinto naman kami. Salubong ang mga kilay kong tiningnan siya, at agad ko namang hinila 'yong bike niya para magpatuloy sa paglalakad.
"Anong mukha 'yan?" atungal ko sabay na binitawan 'yong biskleta. Narinig ko namang natawa sina Maddie.
Wesley hissed. "Sinasaktan ka ba no'n? Ang sama kasi kung makatingin, e." He seems like he badly wants to punch the man.
"Sinabi ko na kanina... Nakilala ko siya no'ng pauwi na kami ni Mama. Dalawa kaming nasa likod ng truck," paliwanag ko. I pouted as I remembered something. "Ang kulit nga no'ng naging first interaction namin, e..." Napahinto ako kaagad no'ng maalala ko na naman 'yong kahihiyang ginawa ko. May pag-aalangang natawa na lang ako. "Sorry kung ngayon ko lang nasabi. 'Di naman kasi masyadong mahalaga 'yon." I looked at Wesley. "Ano pala papanoorin natin?"
Seryoso ang mukhang napatitig siya sa 'kin, at hindi ko naman siya naintindihan no'ng buntong-hininga siyang umiling. "Zombie apocalypse. 'Yong Alive," parang tinatamad na sabi niya.
I gave him a greater amount of energy than his when I heard what we were going to watch. Dinaldal ko lang sila tungkol sa reviews no'ng movie hanggang sa makarating kami sa bahay. Narinig ko na 'yong movie na 'yon, maganda raw 'yon. Pagkatungtong namin sa harap ng pinto ay sapatos lang ni Ate Ingrid ang nakita ko.
Saglit lang kaming nagpaalam kay Ate Ingrid sa taas, pinayagan niya naman kaming tumambay sa kwarto ko basta h'wag lang daw masyadong maingay. Kalmado si Ate ngayon. The world is really full of things I don't understand. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila, parating iba 'yong mood nila kapag may ibang tao. And when no one's around, they suddenly change and revert to their unusual behavior.
Pagkapasok namin sa kwarto ko ay inayos muna namin 'yong mga dala nila, lalong-lalo na 'yong dalang laptop ni Wesley. Para makapagsimula kami ay sina Wesley saka Maddie 'yong pinagluto ko no'ng ticnap notnac sa baba, si Emon naman ay siya 'yong nag-set up no'ng laptop ni Wesley sa center table. Bumaba pa ako saglit para kuhanin 'yong isang lamesa sa likod bahay para doon ilagay 'yong mga pagkakainan namin.
Sinabay ko na rin 'yong mga plato, baso, pitsel at saka kutsara na gagamitin namin. Habang nag-aayos dito sa kwarto ay nakita ko sa labas na umuulan na nang malakas. Napaayos naman ako ng tayo habang nando'n lang sa labas ng bintana nakamasid, hindi pa kami makakapagsimulang manood nito... mas malakas pa 'yong tunog ng ulan kaysa sa speaker na meron ako.
"Ang lakas ng ulan," dinig kong mahinang sabi ni Emon. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ng isang kamay 'yong phone at naroon sa labas ang tingin niya.
Nagtungo naman ako sa study table para sipatin 'yong phone ko. Dala naman ni Wesley 'yong phone niya kung kaya ay tinawagan ko siya. Sinagot naman niya kaagad.
[Bakit...] Wesley spoke in a baby talk voice. Natawa naman ako dahil nakaharap 'yong camera kay Maddie, nakaupo siya sa do'n sa mesa at nangungulangot. Naibalik naman ni Wesley 'yong camera sa kaniya no'ng susunggaban na siya ni Maddie ng suntok.
"Gusto niyo maggatas?"
[Ako, oo. Ikaw?] tanong ni Wesley kay Maddie. Segundo rin bago ko narinig 'yong boses ni Maddie. [Siya din daw.]
Hinarap ko naman si Emon na nag-s-scroll lang sa cellphone. "Ikaw, Mon?"
Nag-angat naman siya ng tingin sa 'kin. "Hmm," pagtangong sambit niya lang.
I put my eyes back on the phone screen. "Timpla kayo apat. Nasa ibabaw ng cabinet lang 'yong lagayan, sa pinaka una. Ingat, baka mabasag mo mga glass wine ni Mama."
[Okie,] said Wesley. I then hung up the call.
Ilalapag ko pa lang sana ang phone ko sa table nang bigla namang lumitaw 'yong naka-bold na message sa messenger ko. I then suddenly felt like I was crushed under the weight of fear when I recognized the person who sent me the message.
Natataranta kong tinap 'yong home sa screen at saka tinungo 'yong notification center para do'n tingnan 'yong message. Aligaga ko pang sinwipe down 'yong message bar para mabasa 'yon ng buo.
Drave Mendoza
Kamusta?
Sent a video.
Napakagat ako ng labi para pigilan ang takot ko. Nanginginig pa ang hinlalaki ko habang kumukuha ng lakas na tingnan 'yong message at video. Mariin akong napapikit bago 'yon nagawang pindutin. The chat head opened. Nag-aalangan kong pinlay 'yong video... Nang pindutin ko 'yon ay bumungad sa akin 'yong kamay no'ng lalaking estudyante.
Kitang-kita ko kung paano ito magmakaawa sa kanila habang pinaglalaruan 'yong kamay niya sa mesa ng penpen de sarapen, gamit ang balisong. Lahat sila ay tila demonyong nakapalibot sa kaniya, nagsisitawanan habang siya ay halos mapuno na ng luha ang buong mukha. I quickly pressed the x button, only to see his new message.
Drave Mendoza
May tatlong araw ka na lang
HHAHAHAHAHAHA
Humigpit ang kapit ko sa phone. Maya-maya pa ay nakita ko na lang na may tumulong likido roon. Kaagad ko namang pinunasan ang luha ko at pinatay ang phone saka ito inilapag. Malalim ang paghinga ko nang saglit akong pumikit bago hinila pabukas 'yong aparador nitong table.
I looked at the envelope that contained the money, it was the field trip fee that Mom gave me. I took it and stared deeply at it. Hindi nagtagal ay gulat kong nailapag ito at naisara ang aparador no'ng may biglang bumagsak na plastic bag sa harapan ko.
Napatalikod kaagad ako. "Mon!"
It was Emon. His lips were pressed together while he was just looking at me. Wala man siyang sinabi na kung ano pero base sa nakikita kong hitsura niya at mga mata niya na maamo... he probbably telling sorry's to me.
Sumenyas siya roon sa plastic bag na nasa table. Humarap naman ako roon at saka kinuha 'yon at binuklat para tingnan ang laman. Agad naman akong ngingiti-ngiting napatingin sa kaniya.
"H'wag ka na lang maingay sa kanila, ha?"
"Uy... Emon..." hindi makapaniwalang anas ko. Tatlong piaya ube flavor 'to. 380 grams pa, ito yata laman ng bag na dala niya.
Napalingon naman ako sa pinto no'ng makita ko ro'n si Wesley, dala na 'yong ticnap notnac. Si Emon naman ay biglang hinablot 'yong plastic bag na hawak ko saka mabilisang pinasok 'yon sa loob ng aparador para itago. Hinarap niya si Wesley at napaakbay naman ako sa kaniya para magkunwari na walang tinatago. Wesley was looking at us suspiciously.
"Ano 'yan, ha?" paghahalungkat na tanong niya habang inaayos 'yong pagkain sa mesa. Mukha naman kaming tanga ni Emon na sabay na nagsabing wala. Masyado kaming halata! Wesley just tsked then raised a brow to us. "Tulungan niyo si Maddie do'n, hoy!"
Para namang hinabol ng aso si Emon no'ng bigla siyang kumaripas palabas para salubungin si Maddie sa baba. Nang maayos na lahat at medyo humina-hina na 'yong ulan ay nagsisiksikan na nga kami sa kama habang nanonood, may kaniya-kaniyang kumot pa kami sa katawan.
At 'yong promise namin kay Ate Ingrid na hindi kami mag-iingay ay hindi namin nasunod 'yon! Nababalutan na ng sigaw namin itong kwarto. Dinaig pa nina Emon saka Wesley si Maddie kung makatili, parang sirena ng ambulansya ang bibig. Napapasabunot pa si Emon sa 'kin habang natatawang sumisigaw. Gumaganti lang din ako.
"Bati na kayo?" Pagpansin ni Maddie sa 'min ni Emon. Pareho naman kaming napahinto sa pagtawa, at napangiti na lang do'n.
"Ha?" nagtatakang sambit ni Wesley. Naibaba niya pa 'yong kinakain niyang tinapay na may palamang ticnap notnac. "Nag-away kayo?"
"Ito, oh," paturong sabi ni Maddie kay Emon. "Okay lang daw na lait-laitin 'yong lalaki no'ng mga kaklase ko. Sabi niya pa na biro lang daw 'yon." She hissed at him. "Patay lang talaga sense of humor mo. Kung tutuusin, wala ka nga niyon, e."
Emon just lost his smile.
"Sino?" curious na tanong ulit ni Wesley. "Sinong lalaki?"
"'Yong kanina," ani Maddie.
"Hindi kami nag-away," pagsabat ko.
"Hmm!" Napalingon kaming lahat kay Emon. His face looks like he's utterly guilty. "May nasabi lang talaga ako... na mali. Maling-mali." He looked at me, smiling a bit. "Pinaiyak pa kita no'n. Sorry."
"Hmm." I nodded as I smiled a little.
Wesley suddenly circled his arm around Emon's neck. Bahagya pa kaming napalayo ni Maddie dahil nasa gitna na namin sila, nagkukulitan. "Bilis mong lumaki, ah? Marunong ka na umamin ng pagkakamali!" ani Wesley habang kinikiskis niya ang kaniyang kamao sa bunbunan ni Emon.
"Isko, may binubulong 'yong best friend mo, oh!" natatawang sumbong ni Emon sa 'kin. Napapatawa na kami ni Maddie dahil sa kakulitan nilang dalawa. Maya-maya ay sinenyasan ako ni Wesley na kilitiin ko si Emon sa tagiliran niya na agad ko namang ginawa. Nakisali na rin si Maddie. "Kapag pinaiyak daw kita ulit gugulpihin niya daw ako! Ahh!"
Umalingawngaw na naman ang ingay at tawanan namin sa kwarto ko. Nang matapos namin 'yong movie ay doon lang kami tumahimik. No'ng umulan nang malakas sa labas ay tahimik lang namin 'yong pinanood sa bintana habang kumakain ng piaya at umiinom ng gatas, at habang balot na balot kami ng iisang kumot. Fufu, was in Wesley's lap, sound asleep.
Medyo madilim-dilim na rin sa labas bago tumila 'yong ulan. Nauna nang umuwi sina Maddie saka Emon. May tatapusin pa palang assignment si Maddie na ipapasa bukas. Muntik niya pa 'yong makalimutan, buti na lang ay nagtanong si Wesley sa 'min kung may assignment ba kaming gagawin... do'n niya lang biglang naalala. Si Emon naman ay maaga lang talaga siya umuuwi para hindi mapagalitan ng Mama niya.
Si Wesley, para siyang nag-ha-hibernate sa sobrang himbing ng tulog niya sa kama ko at boses pa talaga ni Mama ang nagpagising sa kaniya. Nagising siya bigla no'ng sinabihan siya kung gusto niya bang sumabay sa 'min kumain. Um-oo naman siya kaagad. 'Di man lang nagdalawang-isip. 'Di ko nakitaan na nahihiya, kahit kaunti man lang. Napangisi na lang ako doon.
I'm really happy to have them in my life... It never gets boring, and it feels like they have faded everything in me... away. I guess, I can't say that the world hates me totally.
"Isko!"
"Uy..." Nagkangiting pagkaway ko para batiin pabalik 'yong kaklase ko na pumansin sa 'kin rito sa mataas na gate. Kaklase namin siya noon nina Wesley saka Emon, no'ng elementary. Si Josh, 'yong natalsikan ng ice pop sa mukha na crush ni Maddie noon.
Ilan taon na rin na dumadaan-daan lang sila sa school gate namin, sila-sila nina Julian saka Luke. Nakakasalubong lang namin sila nina Wesley at Emon pero hindi na kami masyadong nagpapansinan. Iba pa sa kaklase namin no'ng elementary ay hindi ko na rin makilala, kung kaya ay napapangiti na lang ako sa kinakatayuan ko ngayon, natatandan niya pa rin pala ako.
Nakanguso akong nakasunod lang ng tingin kay Josh na papalayo na ang distansya sa akin. Hanggang sa namilog na lang ang bibig ko nong mahagip ng paningin ko 'yong tao na kanina ko pa hinihintay. Kalalabas lang niya do'n sa eskinita.
Napahawak na nga ako sa straps ng bag ko at saka humakbang pabwelo para patalon na abutin 'yong isang tangkay ng bougainvillea bago patakbong sinundan siya. Mula sa likod niya ay nakapamulsa ang mga kamay kong pinagmamasdan lang siya. Hindi ko alam kung pa'no ko siya lalapitan.
What possibilities does he have in mind right now? Una, he saw me secretly looking at him. Ikalawa, nalaman niya na dinrawing ko siya ro'n sa OB. Pangatlo, alam niya na hindi lang iisa 'yong drawing ko sa kaniya... pang-apat, panglima at kung ilan man 'yan... lahat ng 'yon ay pwede niyang isipin na may gusto ako sa kaniya. Idagdag pa na nakita niya akong nakasalip sa bahay niya.
That was his first and last impression of me.
Binilisan ko ang lakad ko para makalapit nang kaunti sa kaniya at sabay na nag-angat ako ng kamay. Puno ng ilang at kaba ko siyang kinalabit sa balikat niya. Agad naman akong kukurap-kurap na napahinto no'ng tumigil siya sa paglalakad. Marahan niya akong nilingon mula sa balikat niya. Napaawang ang bibig ko no'ng makita ko 'yong pagtalim ng mga mata niya sa 'kin.
Did I press the wrong switch?
"Ano..." I spoke, and he turned to face me completely. "'Yong nangyari kahapon. Hindi ako pumunta do'n para sa kung ano... Saka 'yong nasabi ko pala..." I paused. "Sorry... ulit. Pumunta ako do'n para sana... sabihan ka na mali 'yong iniisip mo tungkol do'n sa mga drawing ko-"
"Ano ba iniisip ko?"
My mouth just fell open. "Na..." How can I put that into words? I just pressed my lips. "Na may gusto ako sa 'yo."
Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko. Nakita ko siyang buntong-hiningang umirap sabay na tumalikod para maglakad palayo. Saglit akong nagyelo sa kinatatayuan bago ko siya ulit sinundan. Hindi ako makapaniwala... siya lang 'yong lalaki na una kong nakitang umirap sa 'kin!
"Hoy, saglit!" Our footsteps are so heavy that I could even hear them. "Gusto ko lang linawin lahat. Do'n sa old building... hindi ko naman talaga intensyon na i-drawing ka nang palihim, eh."
Kinailangan ko pang huminto sa pagsasalita dahil hindi ko na masabayan ang paglalakad niya. He was walking at twice my pace. Parang mas matangkad pa yata 'yong biyas niya kaysa sa height ko tapos mabilis pa siya kung maglakad.
"Sadyang hindi ko lang talaga alam kung pa'no ka lapitan... para sana magpaalam ako sa 'yo kung pwede kitang i-sketch. Kaya ayon..." Nagtago na lang ako. "Task lang naman 'yon na pinapagawa ng adviser namin sa club-"
Nanlaki ang mga mata ko at para akong kambing na nanigas dahil sa gulat no'ng padarag niyang sinara 'yong gate. I felt like a door had been slammed shut right in my face. Kinalma ko ang sarili ko at saka naglakas-loob na binuksan ang gate at sinundan siya.
"Saka hindi kita sinundan. Nakita lang kita do'n. Coincidentally. Hindi ko alam na nandun ka. Saka 'yong sa ano naman..." Napangiwi ang mukha ko nang mahirapan ako sa kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya 'yong tungkol doon sa sketch ko sa kaniya... 'yong nasa building namin siya. "Nakita ko lang na... maganda ka maging subject. Wala lang 'yon..." I just brushed off that thought.
Napahinto siya. Napanood ko 'yong pagbulsa niya sa mga kamay niya saka siya maangas na hinarap ako. Is he mad? His face looks relaxed again, but its aura still feels odd to me... it's as if it's silently killing me.
"Wala?"
"O-Oo!" patangong sambit ko. "Walang ibig-sabihin 'yon lahat. Promise."
"Punitin mo," sabi niya.
I furrowed my brows, struggling to understand his words. "Ha?"
He steps forward in my direction, causing the little pebbles on the floor to crunch. Napapaatras ako dahil sa mga mata niya na blankong nakatingin sa 'kin. I couldn't tell what he was trying to do.
Punitin ko? Ang alin? Is he referring to my sketches of him? Huminto siya. Hindi ko na maidiretso ang tingin ko sa kaniya.
"Gusto mong paniwalaan kita?" I looked up at him. "Punitin mo... lahat."
A gap was left between my lips when I couldn't say what I wanted to say. Napatingin ako sa gilid ko, kagat ang pang-ibabang labi. Gusto niyang punitin ko lahat 'yon. I just bowed and played with my fingers.
"Uhm," I uttered. "Ano-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumalikod at mabilis na naglakad patungo sa pinto.
"Alam ko na hindi ikaw 'yong may gawa no'n!" Napahinto siya. Naiwan ang kamay niya na hawak ang doorknob. "'Yong estudyanteng na-bully sa dump site... Hindi ikaw 'yon."
Napanood ko siyang napayuko. Segundo siyang gano'n bago niya binuksan ang pinto, mabilis na pumasok sa loob at mabigat 'yong sinara. Tama ako, 'di ba? Hindi ikaw 'yon.
Buntong-hininga kong binuksan ang bintana para pumasok 'yong hangin sa room. At the same time, I sat down and put my arms on the desk and rested my head on it while observing the school's surroundings.
Napatulala ako sa pagiging kalmado ng paligid... naghahalo 'yong kulay green na mga dahon no'ng puno sa sinag ng araw. Hindi pumasok si Emon, si Wesley naman ay nasa training. Busy rin si Maddie. I sighed. Pumasok kaya siya? Makakasabay ko kaya siya ulit?
Ilang minuto ring nakatulala lang ako bago natuon ang pansin sa labas ng corridor no'ng marinig kong nagkakagulo na 'yong mga kaklase naming babae.
"Oh, my god! Nandito talaga sila Raizen sa building!" Boses ni Jessa 'yon. Parang nandoon pa yata siya sa hagdanan, nagmamanman. "Hayop, nakita ko si Galvin!"
"Ang OA niyo, nasa first floor lang naman!" ani Kyla habang nakadungaw sa railings.
"Tanga paakyat na sila! Si Waki nandiyan din!" Patakbo namang pinuntahan ni Angelica si Christy na nagkatambay sa pinto. "Padaan na sila!" patiling sabi niya.
At napalingon na lang ako roon sa taong pinagkakaguluhan nila no'ng lumitaw ito roon sa bintana. Nakapamulsa ang mga kamay nito habang taas-noong naglalakad. 'Yong isa naman ay nakaakbay sa kaniya. Iyong Galvin lang ang kilala ko sa kanila.
"Christy Mae Dela Rosa sa lahat ng social media!" tumatawang sigaw ni Jessa. At ini-spell out niya pa talaga 'yon ng buo. Pinagtawan na nila si Christy. Nahihiya namang pumasok nang tuluyan si Christy sa room.
"Para kayong tanga!" nahihiyang sabi ni Chirsty.
Ilulubog ko na sana ang mukha ko para ibalik ang atensyon sa labas nang matigilan naman ako no'ng makarinig ako ng pamilyar na pito. Muli ko silang nilingon at nakitang nakikipag-usap na sa mga lalaki na nasa kabilang section.
Kahit pa na nagsisitilian ang mga kaklase ko ay tila mas malinaw pa rin sa pandinig ko ang pito na 'yon... That was the only thing that lingered in my ears. Kanino... galing 'yon? No'ng mag-uwian at habang naghihintay rito sa mataas na gate ay iniisip ko pa rin 'yong pito na 'yon.
Hindi ko pa naman gusto ang ganitong klase ng pakiramdam na alam ko sa sarili ko na narinig ko na 'yon pero hindi ko lang matandaan kung kailan, saan, at kanino ko narinig 'yon. Napaalis naman ako sa pagkakasandal at agad na sinundan 'yong lalaki, binura na lang ang iniisip kanina.
"Hoy!" nakangiting pagbati ko patabi sa kaniya. Pumasok siya!
Hindi niya ako nilingon, hindi niya ako pinansin. Kakaway pa lang sana ako sa kaniya nang bigla naman siyang naglakad nang mabilis, at saka naglagay ng earphones sa tainga niya. Ganoon lang siya hanggang sa marating namin ang bahay niya.
Napatanga na lang akong nakatitig sa bahay niya. Dahil yata ro'n sa ginawa ko ay mas lalo niyang dinistansya 'yong sarili niya sa 'kin. Kinabukasan ay inaghan kong pumasok para hintayin siya sa canteen.
At no'ng hindi ko siya nakitang pumila o kumain do'n ay pinuntahan ko siya sa OB, only to see nothing. Napag-alaman ko na lang na hindi pala siya pumasok no'ng masuri ko 'yong buong building ng elementary. Swerte ko dahil hinatid ako ni Wesley pauwi gamit ang biskleta niya.
Sumunod pang araw ay hinantay ko ulit siya pero hindi na sa malaking gate, sa mismong gilid na ng eskenita na palaging niyang dinadaanan. Nakasabay ko ulit siya, binati ko pa siya pero gano'n ulit ang ginawa nya sa 'kin... hindi ako pinansin. Ni wala man lang paglingon.
Nasabi ko na sa kaniya ang totoo... pero parang ayaw niya pa rin akong paniwalaan. Ano pa ba dapat kong gawin bukod do'n? Hindi naman na sana big deal 'to sa 'kin pero ang i-claim niya na may gusto ako sa kaniya dahil do'n sa mga sketch ko? Parang 'di naman tama 'yon.
Pa'no ko masisimulang maging kaibigan siya, e, kung ang tingin naman niya sa 'kin ay hindi 'yon ang intensyon ko? I just want to be his friend, but he thinks that I'm weird. This really needs to be cleared out.
"Oh?" Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko siyang palabas na ng gate.
He's in a P.E. uniform. May earphones sa tainga. Nakasukbit ulit sa isang balikat 'yong bag habang tila wala na naman siyang pakealam sa mga tao na nasa paligid niya.
Nakita ko naman sina Wesley, Emon saka Maddie sa gilid ng mata ko na napahinto rin at napasunod pa nang tingin doon sa direksyon na tinitingnan ko. Nilapitan nila ako.
"Bakit?" tanong ni Wesley sa tabi ko.
"Ah..." sambit ko habang marahang umaatras. Nilingon ko sila. "Una na kayo! May pupuntahan lang ako saglit!" tumakbo na ako papunta roon sa labasan.
"Anong oras na, baka ma-late ka-"
"Sige, ingat!" rinig kong sigaw ni Emon pasingit sa pagsasalita ni Wesley.
Patalikod na kumaway lang ako sa kanila. Pagkalabas ko ay hindi ko na siya makita dahil sa sobrang dami ng estudyante. Kahit pa na matangkad siya at pang-elementary 'yong P.E. uniform niya ay nahirapan pa rin ako. Ilang paglingon-lingon pa ang ginawa ko bago ko siya nakita doon sa poste ng ilaw, nasa malayo na.
Agaran akong tumakbo, at habol-habol ko ang hininga ko no'ng masundan ko na siya. Hindi ko pa magawang magsalita dahil parang naubusan yata ako ng hangin sa katawan. Idagdag pa na tirik ang araw at hindi pa maysadong mapuno itong kalsada. Nakakahingal.
"Hoy!" I managed to utter. "Teka lang!"
Ang bilis niyang maglakad! Parang saglit lang akong pumikit para huminga, nakatatlong magkakahiwalay na bahay kaagad 'yong nadaanan namin. Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin ulit. Hanggang sa natigilan ako no'ng marating namin'yong bahay nina Emon, at nakita ko na lang siyang tumatawid na roon sa palayan.
At habang tahimik na nakaupo ay pinapanood ko na siya ngayon, nag-aasikaso no'ng mga customer. Mulat na mulat ang mga mata ko na pinapanood lang siya, hindi ko inaasahan na dito pala siya nagtatrabaho. He was still in his uniform while wearing an apron. Seryosong-seryoso sa ginagawa. Hinugot ko ang phone ko sa bulsa at tiningnan ang oras... napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtanto ang oras, sarado na 'yong gate ng school.
Nakangusong naghalumbaba ako habang pinapanood ulit siya. Ano pa ba pwede kong gawin kundi ang maghintay na lang dito sa kaniya. Napasinghal ako sa isipan ko. I've been anticipating what it's like to skip class... Masaya ba? Exciting? Lahat ng 'yon ay 'di ko naramdaman. Ganitong cutting pala ang mararanasan ko. I let out a sigh. Tumayo ako para um-order, hindi kasi pwede na tumambay lang dito. Kailangan may bibilhin ka dahil maraming gustong mag-occupy ng table.
Siya ang nag-abot ng binili ko at napansin ko naman na hindi niya talaga ako nililingon. Pagkabalik ko sa table ay binagalan ko lang ang pagkain ko... hindi ko alam kung hanggang anong oras siya rito kaya naglabas na lang din ako ng yellow paper at nagkunwaring nag-aaral.
"Kilala mo ba 'yan? Kanina pa 'yan nandito't nakahilata, eh."
Agad akong napamulat ng mga mata at napaahon no'ng may pumitik sa noo ko. Salubong ang mga kilay kong napahimas doon. Naguluhan ako no'ng mapansin kong bukas na ang mga ilaw sa paligid at nakaligpit na rin 'yong mga table.
"Nakakaabala ka na." Napatingala ako sa nagsalita. He frowned at me, saka siya nakapamulsang umalis.
Napaupo naman ako nang diretso at parang tulog pa rin talaga ang utak ko. Napalibot ulit ako ng tingin sa paligid, sinisigurado kung tama ba 'tong nakikita ko. Naligpit na lahat ng tables, sa 'kin na lang ang hindi!
"Ah!" Natataranta akong tumayo at hinarap 'yong may-ari na nagliligpit na no'ng cart. "Sorry! Sorry, ho!"
Inismiran niya ako. "Anla ahoy! H'wag sa akin... Do'n..." Nginuso niya 'yong lalaki na papalayo na. "Do'n sa kaniya! Sa kaniya ka mag-sorry, utoy."
"Ho? Bakit ho?"
Napahinto ito sa ginagawa at namaywang. "'Yang table na 'yan, na tinulugan mo... chinarge niya sa kaniya 'yan."
"Ha?" Naguguluhan ako.
"Ano ba't..." Iritadong bumuntong hininga si Manong. "Wala siyang sasahurin ngay-on!"
Mabilis akong napalingon sa gawi niya bago natatarantang niligpit ang gamit sa table at saka mabilis na pinasok 'yon sa bag. Patakbo akong nag-sorry ulit kay Manong.
"Hoy!" pagtawag ko sa lalaki. "Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko no'ng masundan ko siya. Why is he suddenly nice to me!
Huminto siya at hinarap ako. His furrowed brow was still there. "Tigilan mo na 'yang panggugulo mo sa 'kin..." I can also see that his jaw is tense. May pagbabanta pa ang mga mata niya. "Tigilan mo na 'ko. Pwede ba?"
Hindi ko namalayang nakatulog ako ro'n... At 'yong table na 'yon ay chinarge niya pa sa sahod niya. Bumaba sobra ang pride ko dahil hindi ko masabi sa kaniya na sana ay hindi niya ginawa 'yon, dahil wala naman akong pera para mabayaran 'yon. I'm really bothering him.
Napatanga na lang ako sa sahig. "Sorry." Ulit.
I heard him hiss, and I just stared up at him as he started walking again. Agad ko namang siyang sinundan.
"Thank you!" sabi ko rito sa likuran niya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. "Si Toshi 'yong gusto ko." Hindi ito ang tamang oras na sabihin 'yon pero nandito na ako, kailangan nang matapos 'to.
Bumagal ang lakad niya, hanggang sa napahinto siya at hinarap ako.
Naphinto rin ako. I smirked. "Mukhang kilala mo na siya. Oo, siya 'yong gusto ko. 'Yong matangkad na maputi na may lahing hapon. Kilalang-kilala sa school. 'Yong humila sa braso ko sa old gym... Wala lang talaga 'yong drawing ko sa 'yo." I smiled ear to ear. "At oo, hindi ako katulad mo na hindi pumapatol sa kapwa lalaki... Bakla ako."
Nakangiti lang ako habang siya naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin. He would hate me more, right?
"Ano ngayon?"
Nawala ang ngiti ko. "Ha?"
Napatanga ako sa kinatatayuan ko no'ng tumalikod lang siya at naglakad. Hanggang sa makarating kami sa kalsada ng barangay namin ay hindi niya ako sinagot.
Hindi ko alam kung negatibo ba 'yong sinabi niya o hindi dahil putol 'yon! Kung ang ibig-sabihin niya, eh, ano ngayon kung bakla ka? May masama ba ro'n? Mas okay pa na ganyan 'yong narinig ko kaysa putol na parang tunog insulto sa 'kin.
Tumabi ako sa kaniya. "Hindi mo naman ako pinandidirihan, 'di ba?" That the way you looked at me way back in your house was not like you were disgusted with me, right?
I saw his eyes narrowed. He bit his lip for a moment before sighing, irritated. "Kaya kitang saktan ngayon kung oo."
Agad na lumawak ang ngiti ko sa tuwa. I looked down at the floor. Thinking about what he said, I just smiled softly while pressing my lips together.
"That won't do." Tiningala ko siya. "I mean, 'yong sinabi ko sa 'yo do'n sa kagubatan. Wala nang bisa 'yong pinromise ko. I already talked to you, at naging maingay na ulit ako. Gano'n ka rin sa 'kin."
Tinapon ko ang tingin ko sa harapan. I never told anyone tungkol sa pagka-crush ko kay Toshi. Sa kaniya ko pa lang nasasabi. Pati ang kung ano ako.
I laughed a bit. "Alam mo na sikreto ko. Ikaw lang ang nakakaalam no'n. Kaya simula ngayon..." Hinarap ko siya. Kinuha ko ang kamay niya na malakas naman niyang hinigit habang masama siyang nakatingin sa 'kin. Sa halip na matakot ako sa hitsura niyang galit ay nakangiting binunggo ng kamao ko 'yong isa niyang kamay. Tiningala ko siya. He looked confused. "Magkaibigan na tayo."
I flashed a smile at him. Marahan, at unti-unti kong nakita 'yong pagkalma ng kaniyang mukha habang sa akin lang siya nakatingin. His eyes, his face... he looked like he was dreaming.
Until the moment I said goodbye to him, it didn't disappear. That night, I was reeling with unbidden joy... but fool me, I almost forgot that everything has a limit.
"Okay lang na matakot, okay lang din kabahan, at mas lalo na ang maguluhan. Nakakatakot talaga 'yong mga bagay na bago lang sa 'tin... tama ba?"
The classroom lights were on. It's dark and sprinkling outside. Our substitute math teacher today speaks in front of us for our upcoming moving up.
"Pero hindi ba't mas nakakatakot na maabandona ang mga pangarap natin? Hindi natin nalaman kung anong potensyal ang meron tayo." Sir Jude looked at Wesley. "Malay natin, si Wesley magiging sikat na basketball player pala? Si Mr. Montales, magiging mahusay na manunulat. Isa sa inyo ay nabubuhay nang simple, pero sobra-sobra na pala 'yon sa kanila." He suddenly looked at me. "Ang maging masaya. To be happy is to live!" Then he turned back to our classmates. "Maraming malay kaya bakit hindi natin subukan nang subukan para malaman ang mga 'yon?"
To be happy is to live?
"So experience new things... tap those beautiful ideas. Try to stay strong. Live the moment. Don't let your life be unlived."
Live the moment. Don't let your life be unlived. Try to stay strong. But I was trying so hard.
"Hindi muna ako makakasama," paalam ko kina Wesley rito sa labas ng gate habang ang mga mata ay naroon lang sa grupo na nasa kabilang kalsada. "May gagawin pa pala ako."
"Ha? Kanina lang pumayag ka, ah-"
"Sige, Isko, kami na lang muna!" Tinakpan ni Emon ang bibig ni Wesley at hinila niya 'to papunta na ro'n sa bagong café.
"Sige, Isko." Nilingon ko si Maddie, nakangiting kumaway siya sa akin at sumunod na lang siya sa kanila.
Tila nabingi ako... A sharp ringing sound pierced my ears as I watched them walk away. And it seemed that all the students around me were gradually getting farther, and farther.
"Putang inang 'yan..." I saw how angry his face seemed, it could no longer be compared to a wild animal because even a lion can feel fear... but he wasn't. Dinala nila ulit ako rito sa ilalim ng tulay. Pinapalibutan nila ako habang kasama kong nakahandusay sa sahig ang mga gamit at bag ko. "Ganyan ka na ba kabobo para maiwan 'yon? 'Di lang pala 'to bobo e, tanga rin!"
To be happy is to live. But happiness doesn't last.
"S-Sorry..." umiiyak kong sabi sabay iwas ng tingin sa kanila. Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi at labi ko, pagkirot din ng dibdib at tiyan ko.
Hinawakan no'ng dalawang lalaki ang magkabila kong braso para patayuin. Naramdaman kong humigpit ang kapit nila roon no'ng bumwelo itong lider nila sa harapan ko.
Isa, dalawa, tatlong malalakas na sampal ang natanggap ko. I even saw him wincing while shaking his hand dahil sa lakas nang pagsampal niya sa akin. Hanggang sa malakas niyang sinipa ang dibdib ko at muli akong napahandusay sa sahig.
It's only a temporary emotion.
"Kunin mo," habang nakaalalay ang mga kamay sa tuhod na tumatawang sabi nito. Malademonyo siyang ngumiti nang malawak sa 'kin. "Naiwan mo 'yong pera sa bahay niyo... Kaya kunin mo... Sasamahan ka namin."
Mariin akong napapikit, at napahikbi na lang nang malamang walang saysay 'yong naisip ko sa pag-iwan no'ng pera. Nagsitawanan sila, and all I could do is cry and feel the pain.
And this sadness didn't rush away. It seems permanent.
Walang buhay at nakatulala lamang ako habang binabagtas ang daan papuntang bahay. Ang ilan sa kanila ay nasa likuran ko... nakasunod sa 'kin. Iyong lider nila, he was next to me... laughing at me.
Why does it feel like the world only hates me?
Ilang saglit ay napaigtad na lang ako no'ng may tumama sa ulo nito. Marahan akong napalingon sa kaniya. Plastic bag 'yon na may lamang lomi... malakas ang pagkakaputok niyon, sumabog ang laman nito sa ulo at buong likuran niya.
"Putang ina!" nakabibinging sigaw nito sabay na nangingitngit sa galit na humarap sa likuran.
Napalunok ako nang may namuong ideya sa isipan ko kung sino ang bumato noon. I was in tears. Marahan akong humarap sa likuran, at kaagad na nagtama ang aming mga mata.
"Binalaan ko na kayo, 'di ba?"
My tears just fell when I saw him. At lumagaslas na lang nang matindi ang mga luha ko no'ng makita ko silang napapaatras, at sabay silang takot na nagsitakbuhan lahat.
"Maui," I called him, he stared at me.
His emotionless eyes, fixed on mine, somehow managed to touch my soul more deeply than any hands could.
[Beat... beat... beat...]
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top