Chapter 14


"Ma, akyat lang ako do'n sa kubo!"


Pagpapaalam ko mula rito sa labas ng bahay ni Kapitan Reynante. Nakatayo ako rito sa harap ng bukas na pinto, direktang nakatingin doon sa loob, pinapanood sina Mama, Kuya Ikio at Ate Ingrid na nag-aayos noong mga ipang-re-regalo namin sa mga katutubong bata.


Bahay ito nina kapitan, kubo 'to na moderno. Dalawang palapag 'to at maganda ang pagkakagawa ng gate nila, hindi mismong kahoy ang ginamit nila... ang ginawa nilang pangbakod ay mismong naka-trim na mga halaman. Ang kilala ko lang sa mga halaman na nandito ay 'yong santan.


"Kumain ka muna!" rinig kong sabi ni Mama roon sa loob habang naglalakad na ako palabas.


Napahinto naman ako at hinarap siya. "Mamaya na lang pagkababa namin..." sabi ko sabay na muling naglakad palabas.


Mamaya, after ng klase noong mga bata ay susurpresahin namin sila. Pagkatapos nilang mag-recess ay sasabihan sila ng guro nila na gagawa sila ng saranggola kina Kapitan Reynante, tuturuan sila nina Kuya Ikio at Ate Ingrid. Pero hindi lang talaga 'yon ang mangyayari.


After they fly a kite, we will surprise them with the gifts we bought. Sikreto naming ilalagay 'yong mga regalo sa upuan nila habang nagpapalipad sila ng saranggola. Kasama rin namin 'yong mga magulang nila na nagluluto na ngayon ng mga pagkain. Magkakaroon ng maliit na pagsasalo-salo.


"Magandang umaga ho," payukong pagbati ko sa ale na nagwawalis sa harapan ng bahay niya. Ngumiti lang siya sa 'kin.


Alas siete pa lang ng umaga, at nakita ko pa na papasikat pa lang 'yong araw na natatakpan ng kulay abo na ulap. At hindi lang nag-iisa 'yong nagwawalis sa lugar, may nagwawalis din rito sa daanan. Sumasabay 'yong tunog ng pagkaluskos no'ng mga walis tingting sa huni ng mga ibon. Naririnig ko pa 'yong mga tawanan ng mga bata na naroon sa ilalim ng puno ng religiosa, naglalaro ng piko.


Umaga pa lang ay busy na ang mga tao rito. May nakasalubong pa akong mga lalaki na may bitbit na mga lambat, baba sila para mangisda roon sa Sitio Baybayin... hindi kalayuan sa lugar. May nadaanan pa akong kubo at sa labas ay may mga matatandang babae at dalaga na nakaupo roon sa gawa sa kawayan na papag, naghahabi sila ng kumot, basket at 'yong sling bag na suot ko ngayon.


"Good morning ho!" pagbati ko sa kanila. Lahat naman sila ay agad akong binigyan ng matatamis na ngiti at bumati pabalik, tuloy pa rin sa paghahabi.


"Isko!" puno ng tuwa ang boses ni Ate Liway. Naibaba niya pa 'yong ginagawa niya saka siya napatayo at nilapitan ako.


"Hello, po!" Hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti, at napasunod ako ng tingin kay Ate Liway noong magtungo siya sa loob ng bahay. Pagkalabas niya ay nakita ko na nga siya na may bitbit na isang supot ng santol saka kaimito!


"Pakiabot na laang sa Mama mo, ha? Sa inyo lahat 'yan..." malawak ang ngiting sabi ni Ate Liway.


Hindi ko naman alam ang iaakto ko habang tinatanggap ang mga 'yon sa kaniya. Nakakahiya. Parang ang dami rin ng mga 'to! I have to tell Mom to give him a little gift in return.


"Thank you ho," nakangiting sabi ko na lang. Yumuko pa ako nang bahagya saka ako nagpasalamat ulit at nagpaalam sa kanila.


Sa paglalakad-lakad ko ay unti-unti na ring sumisilip 'yong araw sa likod ng mga ulap. Until the light has already managed to escape, which is now gently hitting the trees, resulting in a scattered light which appeared to become brighter dahil sa usok na nagmumula roon sa pinagsusunugan no'ng Ale na umpok ng mga tuyong dahon. Those are like light staircases leading up to heaven.


Naaalala ko no'ng elementary pa 'ko, we lived with them for a week. Even though the time we were here was very short, what I learned from them a long time ago was full of knowledge about values and life. Nanirahan na 'yon sa akin. Isa sa nasaksikan ko sa kanila ay 'yong nagtutulungan sila sa paggawa ng isang bahay na walang kahit ano mang kapalit na pera. Nakakatuwa dahil itong bahay na nakikita ko ngayon sa gilid ko ay kasama kami nina Kuya at Ate na tumulong para mabuo ito.


Napakamapagbigay nila, na kapag binigyan mo sila ng kahit anong tulong, papalitan din nila 'yong binigay mo sa kung ano ang meron sila. Pinaramdam nila sa 'min na masarap pala 'yong pakiramdam na maging mabuting tao. The people here are truly friendly, kind, and seem more educated than others who have completed their degrees. Their lives are simple, but their smiles show true happiness.


I let out a sigh after realizing some foolish things.


They simply live their lives quietly, but why are some people still able to hurt them? Isa 'tong napakagandang lupain at lugar, pero bakit gusto nila 'tong sirain? I've been hearing in the news for a long time that they want to install some big infrastructure here. Puwersahan silang pinapaalis ng mga 'yon, forcing them to leave this home. Mag-aanim na taon ko na ring naririnig ang ganoong klase ng balita.


"Sunod na lang ho kayo doon pagkatapos maglaro ng mga bata, ha?" Pamilyar ang boses na 'yon sa akin. "Okay, sige... Thank you ulit, Ate Onay..."


Pagkalabas nito sa gate ay sabay kaming dalawa na napahinto.


"Hello po, Ma'am Jaz... Good morning po," pagbati ko.


"Hi, Isko! Good morning..." Masayang pagpansin ni Ma'am Jaz sa akin, malawak pa ang ngiti niya no'ng nilapitan niya ako at sumabay sa paglalakad ko. Kita ko na may bitbit din siyang supot ng prutas gaya ng sa 'kin. "Paakyat ka rin?" she asked in a soft voice.


"Yes po," nakangiting sambit ko naman.


"Naku, pagkakaguluhan ka na naman ng mga 'yon," she said with a laugh. Napatawa na lang din ako roon. "Si, Ma'am Marj?"


"Ah, nando'n po kina Kapitan Reynante, nag-aayos ng mga regalo."


"Aww..." she uttered a word, saying that she was sorry. "Hindi ako nakasama sa inyo na mamili ng mga regalo, sorry..."


"Okay lang naman, Ma'am. Nando'n naman kami nina Kuya Ikio no'ng namili si Mama," I said smiling and she just gently patted me on the shoulder.


"Buti sumama kayo. Thank you sa inyo, ah... Palagi niyong napapangiti 'yong mga bata. Sobrang priceless ng ginagawa ninyo..." She smiled.


"Ikaw rin naman, Ma'am." I smiled back at her. 


Si Ma'am Jazlyn, tatlong taon na siyang nagtuturo rito at siya ang palaging kasama ni Mama sa tuwing may aasikasuhin sila para sa gagawing program. Madalas siya ang kasama ni Mama na mamili noong mga regalo pero no'ng nakaraan lang ay hindi siya nakasama dahil siya mismo ang pumunta sa munisipyo para kausapin 'yong mayor sa mangyayaring outreach. Kapitan Reynante was actually the one who usually took care of it, pero nagkasakit siya no'ng araw na 'yon.


Hindi pala ganoon kadali 'yong paggawa ng program, kailangan kasi ipaalam muna na align sa government policies iyon o sa pangangailangan ng kuminidad. Marami pala ang process na dapat gawin bago kami makapagsimula, may mga papel na dapat asikasuhin. Lalong-lalo na 'yong pagkuha ng permit. At si Ma'am Jaz ang nag-asikaso lahat ng 'yon.


Naalala ko rin na may mga kaibigan siya na pumunta rito noon, nagbigay tulong sila sa mga katutubo rito. Nagkaroon ng medical mission noon at nakilala ko 'yong kaibigan niya na Professional Nurse, nagpakilala siya sa 'min nina Mama. Mukha siyang masayahin... para siyang anghel dahil sa sobrang bait at palangiti pa. Lahat sila ay masayang nakisalamuha sa mga nakatira rito, kagalang-galang at napaka propesyonal nila.


"Ambo. Papasok sa school?" Napalingon naman ako sa taong tinawag ni Ma'am Jaz. Estudyante, ang tantsa ko ay nasa highschool na ito, same as me who's in grade 9 level. May dala 'tong lukot na lukot na notebook na nakabuklat, may nakasulat na nanlilimos ng tulong.


"Opo," nakangiting sagot niya saka isinilid sa lumang-lumang bag 'yong notebook. Nakita ko na napapayuko siya at hindi makatingin ng diretso kay Ma'am Jaz, nahihiya.


"Okay, sige. Ingat, ha?" Ngumiti lang siya at lumagpas na sa 'min. "Sabado ngayon..." mahinang sabi ni Ma'am habang naroon pa rin sa estudyante ang mga mata niya. I can see the sadness on her face creeping up. "Si Ambo," biglang pakikipag-usap niya sa 'kin.


"Po?" Hindi ko siya naintindihan agad.


"Nakita mo 'yong dala niyang notebook?" tanong niya na tinanguan ko lang. Mabigat ang pagkakabuntong-hininga niya, napatulala pa siya sa harapan. She smiled a bit, not the kind that shown happiness but rather one that indicated sadness. "Alam mo na siguro kung para saan 'yon. Parehong bulag ang mga magulang niya, 'yon na lang din 'yong kaya niyang gawin masuportahan lang 'yong pag-aaral niya. Saka... matulungan 'yong mga magulang niya. Limitado lang ang pampublikong serbisyo ang meron tayo, kaya isa si Ambo sa mga bata na napilitang maghanap ng sariling paraan para lang mabuhay."


"May..." She looked at me, questioning. "May tumutulong din po ba sa kanila kahit papa'no?"


She pressed her lips. "Hmm, 'yong mga tao rito. Tinutulungan sila sa pagtatanim ng mga gabi sa bakuran nila. Pinangpapalit nila 'yon sa bayan para sa isang sakong bigas." Napakalayo ng bayan mula rito. Tatlo o apat na oras ang lalakarin bago 'yon marating. "Pero kung pinansyal ang pag-uusapan... halos lahat sila rito ay magkakapareho ang estado sa buhay."


Pareho kaming napalingon sa isang tabi noong makarinig kami ng magkakasunod na ubo na galing sa bata, nakaupo ito sa pintuan ng maliit na kubo. Her arms and legs are thin, a swollen belly, and her face is full of dirt. Nilapitan siya ni Ma'am Jaz at masaya niyang binigyan ito ng prutas na dala niya. Pagkabalik niya ay saka kami nagpatuloy sa paglalakad paakyat.


Saglit pa akong napalingon sa bata bago siya hinarap. "Pero... Ma'am, ang sabi... may batas na dapat hindi tayo nag-aabot ng pera o kahit anong tulong sa kanila, 'di ba?"


She smiled slighty while nodding. "Don't give alms to beggars..." Humugot siya ng hininga bago tumingala at nilingon ako. "Hindi 'to para kaawaan sila, o sabihin na dapat magbigay ka ng tulong sa kanila sa tuwing mag-aabot sila ng sobre. This is for you to know that they are also just victims."


I thought about it deeply. "Hmm," I just voiced.


"Bukod do'n, kung iniisip natin na kapag ba na magbibigay tayo... ay sasayangin lang ba nila 'yon?" I looked at her, waiting for the next thing she will say. "Isn't the more important point is that you heartfully help, regardless of how they will use it?"


And nobody's aware of how they will use it.


Parati kong naririnig na huwag tulungan ang mga nanlilimos sa daan, na mas malaki pa ang katawan ng mga ito kaysa sa kanila at dapat na magtrabaho sila... and I agree with those nuances... when I have never heard Ma'am Jaz's worldview.


She did not impart that we should pity and help them... rather, she left a message that it's still up to us whether we will help them or not. And yes, not everyone deserves our help, but it doesn't mean we should stop to help.


"Naniniwala ka ba na ang dekalidad na edukasyon ay para sa lahat?" tanong niya.


Napatungo naman ako sa sahig at iniisip 'yon nang malalim. Tunay nga ba na ang edukasyon ay para sa lahat? Why do I need to think about that if it's really true? Can't I answer that right away if it's really for everyone? I felt Ma'am's palm touch my back for a moment.


She smiled as he looked ahead. "No'ng nasa college ako... I can't even imagine why all that is happening to me. Sobrang hirap na hirap ako noon, naranasan kong mag-aral habang nagugutom at nag-aalalaga ng mga kapatid!" she laughed a bit. She added a jest to what she said but it was still filled with a sad event. "Minsan walang kuryente, kaya dapat talaga na i-make sure ko na puno lagi 'yong battery ng phone ko. Ganoon 'yong estado ko habang 'yong iba kong mga kaklase... ang pinoproblema lang nila ay 'yong mga lessons na nahihirapan sila. Mostly, sa math. 'Yong iba naman, malaya sila na nakakapag-swtich ng kurso o pumili ng course na gusto nila... mayaman at matatalino!"


She took a deep breath and looked around for a moment.


"Habang ako... I was just... trying. Trying hard to be outstanding in the class, pero kahit anong subok ko ay hindi pa rin pala talaga ako magaling at nahihirapan talaga ako sa pinag-aaralan namin... ang nagagawa ko lang no'n ay ang lumaban... Kailangan, e."


I snapped my knuckles. I also don't know why I can't feel the joy of studying... I don't know where it will take me, I'm not sure what I want to do either. I can't even see myself as anything much. Honestly, I like doing nothing, but I'm not happy seeing anyone who knows what they want to do while I don't. So all I can do is, try, try, and try... because I need to.


"Nagtrabaho ako noon at huminto pa ng isang taon para makapag-ipon at ipagpatuloy 'yong nasimulan ko. Hanggang sa... napag-isip-isip ko na hindi naman pala talaga ganoon kahirap ang pag-aaral... sadyang mahirap lang talaga kami." Napatingin ako sa kaniya nang marinig 'yon. "Marami akong dapat isipin bukod sa pag-aaral. Kaya kung mayaman lang talaga kami noon, iisipin ko na lang talaga ay ang pag-aaral... hindi ang pera. O, kung paano kami makaka-survive bukas... at sa mga susunod pa."


Malabnaw siyang ngumiti. Naialis ko ang tingin kay Ma'am Jaz at saka inisip 'yong mga sinabi niya.


"Siguro... para ito sa lahat kung walang mahihirap," I said.


I looked at her and saw her smiling at me, she nodded and then gently patted me on the back. I think, that's really it?


The sun's scattered rays softly hit our skin as we continued walking. The sun had completely risen. Mas lalo ding naging busy ang mga tao sa lugar.


"Ma'am."


"Hmm?"


"Why do they want to destroy this place?" ako naman ang nagtanong.


She looked around and make some thought. "Because... the people here are powerless... and there are evils who want to take advantage of their weakness," she said. My eyes turned to her in question. "They are powerless, karamihan sa kanila ay salat sa kaalaman, kaalaman sa numero at sa pagbabasa ng timbang, kaya nadadaya ang mga ito... Dahil do'n, inabuso 'yon ng mga oportunista."


I nodded.


"And they are poor, so many of them are desperate to get up in life... somehow. So these evils offered them a large amount of money to take their place and turn it into a mine... magpahanggang ngayon. Pero may nanindigan na huwag ibigay ang lupain na 'to... ipinaliwanag nila na matapos nilang makuha ang pera ay ano na ang kasunod no'n? Sa labas, mas lalo silang mahihirapan. Wala silang tahanan doon at walang maipapangakong magandang buhay para sa kanila." She smiled. "Pasalamat, dahil may mga taong pumrotekta sa kanila at sa lugar hanggang ngayon."


Every time I hear injustices, I always feel a tingle within me.


"And why do they want to take their home... so badly?" bulong ko.


"There's a lot of absurdity in this world, right?" Napalingon ako kay Ma'am, narinig niya ako.


Nang marating namin ang kubo ay dinig na dinig na namin 'yong boses ng mga bata roon sa loob, at natatanaw nga namin sila roon sa malawak na bintana na nagkakagulo. Masayang nagbabatuhan noong crumpled papers.


Naphinto naman ako noong hinarap ako ni Ma'am Jaz. "Naguguluhan ka pa rin ba sa kukunin mo sa senior high at college?" tanong niya. After some thought ay tumango lang ako. May sinsiredad naman siyang ngumiti at tumango rin. "To be honest... I never dreamed of being like this... to be a teacher to those beautiful children without getting paid. Sa paghihirap ko noon, sinong hindi maghahangad ng maraming pera, 'di ba?" Pareho kaming natawa roon. "Siguro... naiintindihan ko lang sila... at ayokong maranasan nila 'yong mga naranasan ko. I don't want them to be like me... powerless."


Ma'am Jaz's words silenced me, and my eyes just fell to the floor.


"Maybe someday..." I looked up at her. "You'll find this as your home too, Isko?"


Ang maging guro? Napatingin ako roon sa mga bata. Kaya ko bang maging guro? Magiging epektibo ba ang kaalaman ko para sa kanila? Will I be a good teacher? Do I have important values ​​to give to them? Can my heart be able to give enough understanding and meet their needs as a knowledge-starved child?


Ngumiti si Ma'am Jaz sa 'kin at saka ako napasunod sa kaniya noong maglakad na siya papunta sa kubo. I pulled myself out of that thought when I saw Tonton staring at the window while playing with the phone made of a tin can and string. Palihim kong nilapitan ang pwesto niya.


"Wala pa rin si, Teacher Lyn?!"


"Shh! H'wag na kayo maingay... nandiyan na si, Teacher Lyn!"


"Good... morning... Teacher... Lyn!"


"Mama," rinig kong sabi ni Tonton. Nasa gilid niya ako, nagtatago. Nilaglag niya 'yong isang pares no'ng telepono, ginawa niya 'tong pamingwit at pain. Kinuha ko 'yon at saka tinapat sa bibig. "Mama, gusto ko na umuwi..."


"Tonton!"


"Oh!" Napakapit siya sa bintana at iniluwa ang sarili roon para silipin ako. "Si Kuya Isko! Nandito si Kuya Isko!"


Narinig ko na nga nagkagulo sila roon sa loob, at maya-maya pa ay patakbong umalis si Tonton at saka niya ako nilabas at tuwang-tuwang hinala papasok sa loob.


"Kuya Isko! Kuya Isko!" magkakasabay nilang hiyaw habang masayang tumatalon-talon, pinapalibutan na nila ako!


Ilan pa sa kanila ay hinihila-hila ang damit ko, kinikiliti at kaniya-kaniyang hila sa braso ko. Hindi ko naman mapigilang matawa at mapahiga na lang sa pagsuko sa sobrang kakulitan nila. Naririnig ko na lang na masayang tumatawa si Ma'am Jaz habang pinapanood kami.


This small and warm hut full of colorful decorations and artworks... has become their second home, where they can get knowledge that will be so priceless. Ngunit hindi rito ang tunay nilang paaralan... walang papel rito na makakapagpatunay na sila ay nakapagtapos.


But with this little knowledge, they can use it as a big safeguard... and so that they don't become powerless.


***


I was pulled away from leaning on the wall of this school gate when I heard Wesley ringing the bell of his bike. Malawak ang ngiti niya sa 'kin doon sa kalayuan at hanggang sa marating niya ang pwesto ko. Naka-jersey pa rin siya, hindi na nakapagpalit ng uniform... halatang nagmadali.


Umapak siya sa sahig. He then removed his hands from the handle and turned his body slightly to face me properly. "Kanina ka pa?" with a hushed voice, he asked.


Habang nakahawak sa magkabilang strap ng bag ay salubong ang mga kilay kong sinipa 'yong gulong ng bisikleta niya, nagtataka naman ang naging reaksyon niya.


"Maaga kami pina-dismiss! Five-thirty dapat nasa bahay na 'ko, e, nakahiga na sa kama!"


"Ah..." Ngumiwi ang mukha niya at nahihiyang kumamot pa sa ulo. "Pinag-dribbling drills pa kami ni coach, eh..."


"Bukas ka na lang sana dumating!"


"Oo na, oo na..." Winawagayway niya ang kaniyang palad sa harapan ko, mahinahong pinapakalma ako. "Kasalanan ko na. Sorry?"


"Tss!" I hissed.


Ngumiti lang siya at guguluhin na sana niya ang buhok ko nang mabilis ko namang naiwas 'yon sa kaniya. Nakita ko naman siyang nakangising tumatawa habang nakatingin sa akin.


"Ang sungit," dinig kong bulong niya noong mag-iwas siya ng tingin. "Tara," sabi niya at sinenyasan ako na umangkas sa likuran.


Hinubad niya rin 'yong gym bag niya at saka siya maamong nakangiting inabot 'yon sa akin. Buntong-hiningang tinanggap ko naman 'yon saka sinuot at umupo na sa likod ng bisikleta niya.


Bumubwelo pa lang siya sa pagpadyak nang makita naman namin si Emon. "Mon, sama ka? Kain?!" pag-aya ni Wesley.


Napahinto si Emon at hinarap kami. Hindi pa siya nakasagot agad doon, saglit niya akong nilingon. "Kayo na lang. Tatambay kami kina Castro, eh."


Tinanguan lang 'yon ni Wesley, at mas nauna pang nakalabas si Emon kaysa sa amin dahil bigla siyang nagmadali sa paglalakad. He looked like he was under the waether. Napansin rin 'yon ni Wesley. Nag-e-expect siya na makikipagtalo at asaran pa si Emon sa kaniya pero iba ang nangyari ngayong araw... nothing like that happened. And it's not normal for them.


After I showed my outburst to them, it was like we were back to square one... where we didn't know each other. Mula buong period at no'ng mag-break time ay hindi kami nagpansinan ni Emon. I'm not actually mad at him, and maybe because of what I did, he just thinks that I was at kaya siguro hindi niya ako magawang kibuin.


Hindi ko lang nagustuhan 'yong pagsang-ayon niya sa pangmamaliit noong mga kaklase ni Maddie. But when I had time to think alone, I couldn't determine if I was just too sensitive and that's why I couldn't keep up with his humor... or, because Emon was really right that there was a problem with me so I acted that way. Or, am I just really overly sensitive? Or both? I don't know.


Bumaba na ako no'ng marating na namin 'yong cafe. Kinandado pa ni Wesley 'yong bike niya rito sa paradahan, at nang matapos ay saka niya kinuha sa 'kin 'yong mabigat niyang gym bag. He ordered for me and I was just waiting for him here at the table.


'Yong disenyo ng cafe ay vintage na bahay na tinayuan lang ng negosyo. May dilaw na apat na wooden tables sa labas at ang bakod nitong bahay ay purong halaman lang din. Tamang-tama lang sa mata 'yong dilaw na liwanag no'ng mga bumbilyang nakapalibot sa cafe. We wouldn't be blinded by it.


Ilang sandali ay umupo na siya sa harapan ko. Sa postura niya ay kapansin-pansin talaga kung sino 'yong mas matangkad sa 'min. 'Yong table ay nasa dibdib ko na pero sa kaniya ay nasa bewang niya lang 'to. The chair and table are too small for him, yukong-yuko na nga siya habang nakasandal ang mga braso niya sa mesa... at habang... pinagmamasdan ako. Pinagmamasdan ako? Nakangiti pa ang sira!


"Ano?!" asik ko.


He left the resting position of his arms on the table and leaned slightly, still staring at me. "Whoa..." he uttered a word as if he were amazed. "Nakikita ba talaga kita?"


Ha?


He stretched out his hand, and as if I was like a puppy when he gently scratched my chin.


Padarag ko namang hinigit ang mukha ko. "Stop!" I blurted out. "Pinag-ti-trip-an mo ba 'ko? Para sa'n naman 'yon?!"


"Ah!" Nag-aalangang tumatawa siya. "Sinisigurado ko lang kung totoo ka."


I hissed. "Kung anu-ano na naman 'yang sinasabi mo," nakangiwing mukha na sabi ko. Tumawa lang siya. Pareho kaming napaayos ng upo noong dumating na 'yong pagkain. Milktea saka takoyaki ang mga 'yon. Libre niya! At halos maluha na nga 'ko no'ng sumubo na ako no'ng takoyaki... Ewan, basta iba talaga lasa ng pagkain kapag libre! "Jon."


"Oh?!" It seems like he was caught in the act when I called him.


"Gulat na gulat ka naman diyan?" nagtatakang tanong ko.


"Ngayon lang ulit kita narinig na tawagin ako sa second name ko," rason naman niya. "Nakakapanibago lang."


I just tsked. "As an athlete..."


"Hmm?


"Iniisip ko lang, pa'no niyo napagsasabay 'yong pag-aaral niyo saka 'yong pagiging athlete? Isang paragaraph pa nga lang nagagawa ko sa essay pagod na 'ko, eh. Wala pa sa three sentences 'yon," curious kong tanong.


"'Yong best trick lang..." He stopped mid-sentence. "Simple, ine-enjoy ko lang."


"Pareho?"


"Siyempre 'yong paglalaro."


I grimaced. "Kailan ka ba magsasalita na hindi puro kalokohan?"


"Now." Tumaas ang isang kilay ko habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Napanood ko naman siyang sumubo noong takoyaki at umiiling pang ngumisi sa 'kin. Hinintay ko talaga ang sasabihin niya. "Kailan ba tumaas score ko sa exams saka quizes? Madalas malapit sa katotohanang betlog 'yong mga 'yon tapos iniisip mo na napagsasabay ko?" Nakangising umiling ulit siya.


Napangusuo naman ako. "Hindi ka naman bagsak."


Napahinto siya at nag-isip. His scores are indeed as low as mine, but he's not a failure in his overall performance. So I'm curious.


Pinagkrus niya 'yong mga braso niya sa dibdib. "Ba't ba gustong-gusto mo malaman?"


I frowned. "Gusto ko lang. Bakit? Bawal?"


I'm just in awe of the way he is, that even though he has other things to worry about, he still manages to juggle them well. Samantalang ako, iisang talento na nga lang ang meron ako pero mabilis pa akong mawalan ng gana kapag nakatapos ako ng isang guhit lang.


"Okay," sambit niya. Tumango-tango, handa na akong sagutin nang maayos. "1st, dapat may source ka... Mahalaga 'yon. Obvious naman na si Emon 'yong source ko. Siya tagasagot ng assignment, ako naman 'yong tagakopya. 2nd, i-close mo lang 'yong mga teacher, pagbibigyan ka na ng mga 'yan."


Is that so?


"Unless kung pogi ka o may hitsura..." bulong ko. Unfortunately, I always noticed that the world is kinder to those who have pretty faces. I saw that Wesley's face suddenly lit up. Narinig ako! Kaya bago pa niya masabi 'yong kalokohan na nasa dulo ng dila niya ay nagsalita na kaagad ako, "Hindi ka ba na-s-stress?"


He was paused. Ngumusu siya, segundo niya pa akong maintrigang tinitigan at nag-isip saglit bago umiling.


"May gamot ako diyan," kaswal na sabi niya. Nagtatanong naman ang mukha ko. Gamot? Maya-maya ay yumuko-yuko siya habang nakatingin sa 'kin, sinisenyasan ako na lumapit. May ibubulong. Napalinga naman ako sa paligid dahil parang seryoso 'yon at mukhang hindi 'yon pwedeng marinig ng iba. I moved closer to him. He even covered his mouth with his palm. "Masturba-"


"Ah!" Agad akong napalayo! While the disgust was creeping all over my face, I watched him laugh stupidly at my reaction. Is it appropriate to say that in public?


My face stayed creased as I watched him chuckle ceaselessly, at mabilis naman 'yong napalitan ng pagkalma at panlalaki ng mga mata no'ng makita kong dumaan sa likod ni Wesley si Toshi! Napahinto at napalingon siya sa 'kin!


Nang mapansin ni Wesley ang naging reaksyon ko ay hindi ko na narinig 'yong tawa niya at napalingon na lang din siya sa taong nasa likuran. It was as if the world suddenly slowed down when I saw him smile and walk towards us... Hindi naman malakas ang hangin pero tila nalagyan ng effects ang paligid dahilan para liparin 'yong malambot niyang buhok!


"Wesley, right?" tanong niya sa taong nasa harapan ko. Tumango naman si Wesley habang nasa pagkain lang ang atensyon. At mabilis naman akong napababa ng tingin no'ng nakangiting nilingon ako ni Toshi! "Uhm, can I join you guys?" He gestured with the bubble tea he was holding.


Tiningala naman siya ni Wesley, nakangiti lang si Toshi sa amin habang hinihintay niya kung sino ang papayag sa 'ming dalawa. Napatingin naman ako kay Wesley no'ng makita ko siyang tinitigan ako, nagtaas naman ako ng isang kilay para tanungin siya kung anong meron.


"Hmm," patangong sambit niya habang na sa 'kin pa rin ang tingin. At narinig ko namang natutuwang umupo sa kanan namin si Toshi.


"I won't be staying long..." Mukhang ngangangapa pa si Toshi sa 'min, given dahil hindi naman kami totally na magkakilala... We're just school mates. But he's amazing, he has the courage to approach us. Ngayon ko lang din napagmasdan siya nang malapit... masyadong perfect ang kutis niya... sobrang flawless! "I just want to clear something up. I... just wanted to tell you something."


"Ano?" I heard Wesley say impatiently, unable to even look at Toshi. Kanina naman ay hindi siya ganyan.


"Ah, especially you, Wesley," said Toshi with concern.


Nagawa nang lingunin ni Wesley si Toshi. "So?" His voice is quite provoking and so are his eyes!


Galit ba siya? Is it because he was Galvin's friend? But he doesn't have to be unreasonable! We all know that Toshi doesn't take sides with any of us.


"I heard na na-settle na 'yong gulo... but I just want to apologize to you again for what my friend did to you... and to Maddie."


Sabay naman kaming napalingon kay Toshi, he looked sincere.


"We've been friends with him since childhood... we literally treat each other like brothers." He smiled a bit. "Galvin has been interested in your friend for a long time now, and we know him... he doesn't know how to accept rejection-"


"Kaya nangkukupal na lang siya ng gano'n-gano'n?" Wesley blurted out. He scoffed. "Gago pala siya, eh."


"No. No..." Toshi said cautiously. Umismid naman si Wesley roon. "I'm not defending what he did... it was really, really wrong... he just hurt someone," ani Toshi. Pareho kaming hindi nakaimik ni Wesley. Halos hindi ko na rin magalaw ang pagkain ko dahil sa seryoso silang pareho. "Gusto ko lang humingi ng sorry sa inyo since he's our friend... whatever mistake he made is also ours. And I want you to know that not all of us are capable of hurting someone, and at this point... we'll do what we can to help change the bad behavior that our friend has."


Nilingon ako ni Toshi at napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya, sunod ay nilingon niya si Wesley na tahimik na rin katulad ko. Hinihintay ni Toshi ang magiging response namin roon sa sinabi niya. At halos mapatalon namang kaming pareho ni Wesley noong bigla-biglang tumayo si Toshi at yumuko!


"Please, give us a chance?!" malakas na sabi niya! Napatingin na 'yong ibang naririto sa pwesto namin!


Agaran namang hinila ni Wesley 'yong braso niya para paupuin siya. "Wala ka sa bansa mo... hindi namin ginagawa 'yan dito," paanas na sabi niya sa lalaki. "Magmumukha lang kaming bully rito, eh!"


"Ah, I-I'm sorry," sabi ni Toshi at para naman siyang nakokonsensya sa ginawa niya dahil mukha siyang nahihiya.


"Depende 'yon sa kaniya," magkakrus ang mga brasong sabi ni Wesley, patukoy sa akin!


Nilingon naman ako ni Toshi at hindi naman ako makaimik kaagad! Bigla ba naman niyang pinasa 'yon sa 'kin?! Dilat ang mga matang tinuro ko ang sarili ko at pinagtaasan lang ako ni Wesley ng isang kilay.


"Ah..." nauutal na sambit ko! Nakakapanghina talaga kapag dumidirekta 'yong mata ni Toshi sa 'kin! Naiilang na nakangiting tumango na lang ako.


Nakita kong napangiti na lang siya at nag-thank you sa 'ming pareho. Walang pakealam namang humigop lang ng milktea si Wesley. We all fell silent after that.


"You... You were the one who tried to hit Galvin with the tumbler, right?" Pagpansin bigla ni Toshi sa 'kin.


"Ah..." I voiced and laughed awkwardly at the same time. 'Yon pa talaga 'yong naalala niya! I nodded shyly. "Hm-hmm... s-sorry pala do'n-"


"No. No, no, no..." Toshi blurted.


Umubo naman si Wesley at matamang nilingon si Toshi. "Bakit?" Parang naghahamon ng gulo!


"Uhm... It's not a big deal, we actually talk about it. Galvin." He looked at us. He then smiled a little. "You just did it out of anger... and as a defense. I know. On the other side, actually, it seems nice... and I think you're cool." Napatingin naman ako sa kaniya at mabilis ding nag-iwas no'ng magtama ang mga mata namin. "You'll do everything just to rescue your friends and... more especially, to protect them."


I smiled and couldn't look at him as I nodded.


"Hmm." Hmm?!  Why do words always find ways to decline whenever I need them? Whenever I'm in front of him!


"By the way, I'm Toshi," nakangiting pagpapakilala ni Toshi sa 'kin kahit kilala ko naman na siya, matagal na! Naglahad pa siya ng palad. Tipid naman akong napangiti, at aabutin ko pa lang sana ang palad niya nang mabilis naman 'yong ninakaw ni Wesley.


"Wesley," nakangiting sabi niya rito!


"Ah... Y-Yeah..." Kita kong nag-aalangang nakangiting tumango-tango na lang si Toshi.


I formed a frown at Wesley, asking that what's going on?! Nawala naman 'yong ngiti niya at binitawan na 'yong palad ni Toshi saka bumalik ulit sa kinakain, hindi ako sinagot!


"What's your grade level? Where's your building? Ah, your section?"


Sobrang daming tanong! Bakit naman kaya? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko!


"Pareho kaming grade 10," seryoso ang boses na pagsagot ni Wesley. Ibubuka ko pa lang ang ibig ko! Sumubo siya ng isang buong takoyaki. "Magkaklashe kami... 'Yong section namin? Hindi mo na 'yon para malaman."


Ha?!


"Oh, I see..." tatango-tangong sambit ni Toshi. "I often see you in the field with a sketchbook in your hand... are you somehow part of a school club?"


"Ah-"


"Art club." Sabay naman kaming napalingon ni Toshi kay Wesley. Ano ba talaga'ng nangyayari?! "Sa art club siya," sabi niya at tinuro ako gamit 'yong pangtuhog sa takoyaki sabay na sumubo ulit niyon.


I saw Toshi's lips pressed together and then he just smiled and looked at me. "Do you have... any pets?"


"Ha?" naguguluhang tanong ko. He gestured to the bag on my lap and saw that he was referring to the fur clinging to it. Naiilang na tumatawang pinagpagan ko naman 'to at saka ibinababa. I noticed that he was looking at my belly. "Si-"


"Fufu," Wesley interjected again. "Pusa namin."


He just looked at Wesley, the smile was still there. Kita ko naman na parang timang na ngitian ni Wesley si Toshi!


"Ah..." Toshi just nodded. "You seem to like to finish each other's sentences..." He forced a laugh. "You must know each other so well."


"Uhm-"


"Si, claro que si!" Wesley just spoke again! Nag-Spanish pa ang timang! "Naghiraman na nga kami ng brief niyan, eh!" And my mouth just fell open when he casually disclosed that. Mga bata pa kami no'n! Patagong mariing napapikit na lang ako sa sobrang kahihiyan! "Ganyan kami ka-close," mayabang na saad niya pa!


"Oh..." Toshi just uttered a word. "That close... It's nice!"


Nang makakuha ako ng lakas at handa ko nang depensahan ang sarili ko ay saka naman kami napalingon sa labas nang biglang may bumusina!


"Ah! Uhm, I'm... I'm sorry..." Toshi stood up and hurriedly cleaned his area. "It's my Dad. I... I need to go."


"Sige, sige..." si Wesley ulit. "Ingat kayo ni Dad."


Naglakad na siya roon at nilingon niya pa kami sabay na nakangiting kumaway sa 'min. "Thank you! Bye... Isko."


Ha?!


Pa'no? Pa'no niya nalaman... Napakapa naman ako sa ID ko at doon ko napagtanto na kanina ko pa pala siyang napapansing nakatingin dito! Nilingon ko siya roon, agad akong ngumiti at kakaway pa lang sana ako kay Toshi nang bigla namang humarang si Wesley.


"Bye..." kumakaway na sigaw niya!


Hanggang sa hindi ko na nga nakita pa si Toshi. Narinig ko na lang 'yong pagsara no'ng pinto ng kotse. He was completely disappeared from my eyes!


"He's our friend... so whatever mistake he made is also ours." Wesley snickered. He even imitated Toshi's voice. "Tss! Nasa frat ba 'yong mga 'yon?"


"Ano 'yon?!" singhal ko at agad naman siyang napaharap sa 'kin no'ng may kalakasan kong hinampas 'yong ulo niya. Nakangiwi ang mukhang naghimas-himas siya ro'n. "Hindi mo 'ko pinapatapos magsalita! Problema mo?"


He curved his side lips, nag-isip pa sa simpleng tanong na 'yon! Maya-maya ay napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya no'ng bigla siyang tumayo saka hinagis sa hita ko 'yong gym bag niya at sabay na tinalikuran ako.


"Argh..." He stretched out his body. "Inaantok na 'ko... Uwi na tayo," sabi niya ro'n!


Hindi na naman ako sinagot!


Binisikleta lang niya 'yong daan pauwi... nadaan pa ulit namin 'yong school bago 'yong malawak na palayan sa gilid. At no'ng medyo matirik na ang kalsada ay huminto na siya, hindi na 'ko kayang buhatin. Pagkababa ko sa bike niya ay inasar niya pa 'ko na magbawas daw ako ng timbang. Eh, samantalang siya 'to ang mas malaki kaysa sa 'kin! Tinuhod ko naman 'yong pwet niya at tumatawang naghimashimas naman siya ro'n.


He was just talking to me while he was pulling his bike uphill. Naitanong ko naman sa kaniya kung pa'no nangyari na gano'n lang kabilis naayos 'yong nangyaring gulo sa gym, at nasabi niya sa 'kin na in-advise-an sila ng coach nila. Dapat hindi nila ginagawang kalaban ang isa't isa dahil sa larangang 'yon ay sila lang din ang magkakampi... at iisa lang naman ang morale focus nila... ang manalo sa laro nang malinis.


Wesley added that sports are not just about the game, it's also about how you accept defeat... just like accepting your mistake on the court and making it a motivation to improve. And so when they hurt someone, they should acknowledge their mistakes by asking for forgiveness, learn from it, and move forward together, just as teammates must after a setback.


And that's what they did to each other as well as to Maddie. Tinawag pala nila si Maddie para imbitahan ro'n sa gym noong humina-hina 'yong bagyo, at lahat sila, kasama ang buong team niya at coach, ay humingi sila ng sorry sa kaniya. Pinangunahan din pala 'yon no'ng captain nila, 'yong Galvin.


"Gagi, alam mo ba kung ano hitsura namin no'n? Para kaming miyembro ng kulto..." I could hear Wesley's voice in the background, but my full attention was focused solely on the alley where the man often passed by. "Awit." All I knew was that he was talking about Maddie.


Noong madaanan namin 'yon ay hindi ko namang mapigilan ang mapalingon... At agad namang bumagal ang paglalakad ko nang hindi ko inaasahang makita siya roon sa 'di kalayuan. May bitbit siyang plastic bag na may lamang styrofoam lunch box. Tahimik na naglalakad.


"Nasa harapan namin siya, nakatayo lang. Tapos kaming lahat nakayuko sa kaniya..."


"Ah, Wesley." Pareho kaming napahinto rito sa harap ng bakod ng maliit na bahay. Nagtatanong naman ang mukha niyang nilingon ako. "Mauna ka na muna."


Mabilis na pumorma 'yong gitla sa noo niya. "Bakit ako mauuna?"


"Mauna ka na lang..." sabi ko.


"Magkalapit lang naman 'yong bahay natin, ah?" Napakapit siya sa strap ng gym bag niya at bahagyang tumingala habang maigi akong tinitigan, binabasa ang mukha ko. "Bakit ako mauuna?"


"Basta mauna ka na!"


"'Di ba pwedeng sabay tayo?"


Napabuntong-hininga naman ako bago iritableng napagulo ng buhok at saka siya hinawakan sa braso para hilahin palayo. "Do'n ka na..."


"Sabi mo sabay na tayo, ah?" nakangusong sabi niya.


Nabitawan ko naman siya. "Ikaw may sabi no'n!"


"Kinakausap kita nang maayos, ah." Seryoso ang boses niya.


"Ikaw naman talaga 'yon, ah? Problema mo?" I frowned. Kanina pa siya ganyan. Pumunta na ako sa likuran niya at saka siya tinulak. Napaabante naman siya. "Mauna ka na... Do'n, do'n..."


He look over his shoulder to see me, naroon pa rin 'yong pagnguso niya habang tahimik lang na nakatingin sa akin. It looks like he's still debating whether to go first or insist that he doesn't want to!


"Okay," he just said after a long thought.


Naglakad na nga siya.


"Ingat..." sabi ko naman na ikinahinto niya.


Nilingon niya ako. "Ingat," may diing sabi niya. Sinasabi na ako dapat mismo ang mag-ingat sa 'ming dalawa.


"Hmm," pagtangong sambit ko lang.


Tipid na ngumiti lang lang siya. "'Ge," sabi niya at nagtaas ng kamay sabay sampa sa bisikleta at pinaarangkada 'yon paalis.


Naghintay ako rito sa pinaghintuan namin. At sa paglalaro ko ng maliit na bato gamit ang paa ay napaangat ako ng tingin noong malagpasan niya ako. Napasunod ako ng tingin sa kaniya. Wala siyang suot na earphones.


Sinundan ko siya, nasa likod lang niya ako. Hindi ko magawang sumabay sa paglalakad niya. Alam ko na hindi niya 'yon ginawa.


"Ano..."  I think that all of my courage came from the deepest place before I could pull it up and speak!


Napahinto naman ako sa paglalakad noong makita ko siyang biglang huminto no'ng marinig ako. Wala akong maiimik noong marahan siyang pumaikot paharap sa 'kin at tinitigan ako.


Napakurap-kurap naman ako at napayuko na lang, iniiwasan ang mga mata niya. Noong marinig ko 'yong pagkaluskos ng dala niyang plastic bag ay kaagad akong nag-angat ng tingin at napahakbang na lang paatras nang makitang nasa harapan ko na siya.


"Ah..." Nagtatanong ang mukha ko. I don't know what's on his mind, or what he would do.


Maya-maya ay napagilid na lang ako noong puwersahan niyang sinaklot ang bag ko. Walang kahirap-hirap niyang nahablot 'yon sa 'kin at sabay na mabilisan niyang binuksan 'yon at tinaob-taob dahilan para matapon lahat ang laman sa sahig.


"Hoy!" halos pasigaw na sabi ko. Kalat na kalat 'yon sa sahig at nakita ko pa na nilipad ng hangin 'yong ibang test papers ko.


Mabilis kong nilapitan ang pwesto niya at padarag na inagaw sa kaniya ang bag ko. Mabigat na ang paghinga ko dahil sa galit na nararamdaman. Nakita ko pa siyang nakapamulsa at walang pakealam na hinahalukay ang gamit ko gamit lang ang paa.


"Ano ba!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tulakin siya. Napalayo naman siya nang kaunti.


Puno ng galit ang mga mata kong tiningnan siya. I was still breathing heavily. Lumuhod na ako para pulutin ang mga gamit ko. Naaninag ko naman siyang lumapit sa 'kin at dinampot ang sketchbook ko. Agad akong napatayo.


Agresibo niyang binubulatlat 'yon, may kung anong hinahanap. He was probably looking at my sketch of him, when he was at the Old Building... pero wala naman 'yon do'n. Personal sketchbook ko ang kinuha niya!


Dinig na dinig ko kung gaano kabigat ang kamay niyang binubuklat ang mga pahina niyon, para na 'yong mapupunit!


"Ibalik mo sa 'kin 'yan," may pagpipigil sa sariling sabi ko. Naghintay ako pero hindi niya pa rin binabalik. Napanood ko lang siyang napahinto at tila may kung anong nakita roon, nakatitig lang siya sa isang pahina. Kumuyom na ang kamao ko. "Ibalik mo na. Akin na... Akin na sabi!" Pwersahan kong hinablot 'yon sa kaniya.


Hindi ko na mapigilang maidiin ang hawak ko sa sketchbook ko dahil sa sobrang galit. Nag-iinit na ang mukha ko habang nakatingin lang sa kaniya. Maya-maya nang mapansin ko na sa sketchbook ko pa rin siya nakatitig ay naiangat ko na ito para tingnan 'yong tinitingnan niya rito.


It felt like an icy-cold water was poured over me as the heat I felt quickly chilled down when I saw this sketch of him. Ito 'yong sketch ko noong nasa harapan siya ng building namin... nakaupo sa ilalim ng puno.


"Sino ka ba talaga?" Mabilis akong napaangat ng tingin sa kaniya no'ng marinig 'yon.


I thought he was speaking to himself, ngunit nakita kong malalim siyang nakatingin sa 'kin. It was just now that I saw his face like this... his lips were slightly parted as he was just looking at me. His brows are relaxed but slightly furrowed. I even saw that his chest are slowly moving... malalim ang paghinga niya.


I couldn't tell if it was full of unease or if he was showing his emotional vulnerability. Especially those eyes of him... I can't determine if that is a hint of sadness dahil ngayon ko lang nakita na malamyos itong nakatingin sa 'kin.


"Ha?" naguguluhan kong tanong.


Nakita ko naman siyang yumuko, segundo rin ang lumipas bago siya tumingin sa gilid niya. For a few moments, he looked at me. Matunog siyang ngumisi na para bang hindi makapaniwala sa kung ano, at sabay na maangas na naglakad palayo.


Puno ng katanungan ang isipan kong nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Sino ba talaga ako?


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top