Chapter 13


Even though half of my body was already doused, I still had my fingers on tight to the handle of my umbrella, hoping not to get totally soaked by the heavy downpour.


The rainwater splashed as I hustled through the puddles to get to our gate. I pushed the door of it but it was locked. Agaran kong inabot ang lock nito. After unlocking the wooden gate's latch, I quickly opened it, rushed to the front door, and shut the umbrella.


[Isang matinding pag-ulan at malakas na hangin ang nagdulot ng pagbaha sa iba't-ibang bagi ng bansa, kasama na rito ang Metro Manila...]


I don't know why, but the static voice emanating from Mom's radio is making me feel so down. I then bit my lower lip hard to stop myself from making any noise... the noise of me sobbing.


"Nasa'n na ba raw siya?! Macaroni saka evap. lang 'yon! Parang bigat na bigat pa yata!"


I heard Kuya Ikio roaring inside the house. I leaned over to my side, pushing to look at him even though he was inside. When did I hear him worry about me? I bowed my head and could not stop myself from making a sobbing noise.


[Simula alas onse pa ng gabi, sa ilang lugar sa Quezon City ay nakakaranas na rin ng patuloy na pag-ulan. Nagdulot na ito ng matinding pagbaha sa ilang pangunahing kalsada... tulad na lang sa Maria Clara St., na ang ilan pa sa mga motorista at commuters ay tuluyan na ngang hindi makadaan.]


Segu-segundo akong napapatingala mula sa bubungan ng bahay namin para panoorin 'yong malakas na pagbuhos ng ulan... umaampiyas na 'to sa pintuan. I felt myself getting soaked here on the side of our door, but I still couldn't go inside as my eyes could not stop bursting into tears.


I took a deep breath before shakily taking the phone out of my pocket and checking its condition... and then I just saw that its glass was broken. It was even so bad... parang kabuuan yata ng screen ng phone ko ay basag na basag.


[Mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi kinakailangan, at siguraduhing handa ang mga gamit pang-emergency tulad ng flashlight, pagkain, at tubig...]


As I sniffled heavily over a fit of crying, I put my phone in my pocket and tried to towel off my body with my hand... I took a deep breath before trying to put my face in a normal state. I wiped the tears from my eyes, quickly twisted the doorknob, and went inside.


[Manatiling nakatutok sa balita para sa karagdagang abiso mula sa mga awtoridad.]


Nakita kong napatayo si Kuya Ikio roon sa sala, he watched me ran over to the kitchen. Mom was slicing the chicken breast and some ingredients at the sink, she didn't notice me coming in. Only then was her attention drawn to me when she heard me tossing things on the table.


My plan to quickly drop the plastic bag with macaroni and evaporated milk on the table, and run up to my room so they wouldn't see my condition... just went south when I saw Mom's eyes softly staring at me. I was frozen in place... but my mind and heart wanted to approach her as badly as I wanted to cry on her shoulder.


I could see the worry in her eyes, and after she wiped her hands on her apron which had a stale and hardened grease sticking to it, I just dropped my head down when she worriedly asked what had happened to me. She moved a bit closer but halted when she saw me take a step back.


I turned my other cheek to hide the sharp pain pulsing there. Mom asked me once again but I didn't respond to her, not even being able to look her in the eyes.


"Isko?"


She was ready to come over when she noticed that my body was soaked with rain, but I just turned my back on her and hurriedly ran to my room. Kuya Ikio was already in the kitchen when I passed his way, and I could feel his eyes crisping up as they glared at me. I could even feel it all around.


"Napakabastos mo talaga, e, 'no?!" That yell came from the kitchen, though I still heard it here in my room. He heard me hurl the ingredients and probably saw them scattered on the table.


I went to my study table. As soon as I opened its drawer, I could hear things clattering inside. I carefully sorted through the scattered items to find the film. After finding it, I proceeded to the side of the bed, where I reached under it to grab the box containing the Polaroid camera and the pictures I had captured.


I picked up the camera, sat on the corner of the bed, and loaded it with the films I had taken. I stretched my arm to place the camera at a distance, leaving an inch or so of space, and focused it directly on my face. My hand was shaking as I tried to press the button... I could even feel the warm tears streaming down both of my cheeks.


Before long, when I pressed the button properly, and as fast as my eyes could close, the blinding light filled my entire room. I heard the slipping sound of the film as the camera was spitting it out. Matapos ay kinuha ko ito at saka nilagay sa isang tabi ang camera.


Holding my picture, my eyes were still filled with tears while waiting for my appearance in the film. It was so quiet that I could almost hear myself scratching my own fingers. When my face appeared, I bowed my head and firmly closed my eyes. After holding myself back for some minutes, I just sobbed... soundly.


Noong mag-gabi ay pinuntahan ako ni Mama rito sa kwarto ko, pinaalalahanan niya ako na bumaba na para maghapunan. She didn't come inside, she was right there in front of the door saying another thing that our class is suspended tomorrow.


Umabot ang hating gabi ay saka ko lang nagawang lumabas ng kwarto. Bumaba ako at tinungo ang kusina. Ang nasa isip ko ay magsasandok na lang ako ng sopas sa kaserola pero napadako ang pansin ko sa mesa.


Binuksan ko 'yong pangtakip ng pagkain, at nakita ko na lang 'yong bagong init na sopas at bagong hiwang mansanas... Napahinga ako nang malalim. I then just bit my lower lip, trying to stop myself from crying, but my tears just quickly spilled over.


"Mom, please... peel some apples for me..."


"Just peeling them?"


"Cut them in two as well!"


"Why two? Do you have someone to give them to?"


"Yes! One is mine and the other half is for you!"


It was three days that the clouds continued to cry. Tatlong araw din na nagkulong lang ako sa kwarto ko. Fixing myself, eating, drinking water, reading some encyclopedia books, and spending the entire night lying in bed looking through my phone was everything I did.


I can read what Wesley, Emon, and Maddie are talking about on our GC. but I didn't open it... All I do is look at their conversations in the notification center. Natutuwa si Emon na tatlong araw na-suspend ang klase namin dahil sa bagyo at iksakto pang tinamaan 'yong Monday na dapat nandoon kami sa guidance office.


Hindi ko alam kung naging pareho ba ang sitwasyon namin noong malaman din ng mga magulang nila 'yong nangyari sa gym. I'm not wishing it would have turned out the same as it was for me... I just find it... that they're lucky dahil wala akong nabasa na gano'n mula sa kanila... and maybe, I'm just miserable.


I took a deep breath before turning off the phone and placing it on the side table. Tumihaya ako at matagal na tumitig lang sa kisame. After a while, the ceiling lit up. Nanggaling ang liwanag na 'yon sa phone ko na agad ko namang tiningala at inabot.


Nabasa ko sa screen 'yong message na galing sa GC. ng club na sinalihan ko, art club. Heads up na kailangan naming pumunta ng school bukas nang maaga... Maagang-maaga, by 7:00 am. ay dapat nandoon na kami. It's already three o'clock in the morning. Oh, I hope I can get there early.


My eyes were still open until I checked the wall clock and saw that it was six o'clock in the morning. Bumangon kaagad ako at 'yong mga art mats, at red na t-shirt muna ang inasikaso ko. I put them all in my bag, but the stuff almost didn't fit inside so I just sacrificed the two books that we won't need today... Filipino and Social Science.


"Sobrang aga mo, ah?" bungad naman sa 'kin ni Saint matapos kong pumasok dito sa arts and crafts room nang nakayuko dahil sa kahihiyan.


Walking into a room full of students who are all focused on the teacher who is speaking in the front, is one of the moments I hate the most. Kahit kalahati pa lang ng katawan ko ang nakapasok sa loob ay napansin kaagad nila ako.


"Ano na nangyari?" I asked almost in a whisper as I sat down next to him. I removed the hat from my head and placed it carefully on the table, afraid that I might make an unwanted noise and everyone, even the teacher, would notice me.


"Saint." Sasagutin na sana ni Saint ang tanong ko nang mapabaling naman siya kay Ma'am Cauaria.


"Ma'am?"


"Sabihan mo na lang 'yang katabi mo kung ano 'yong mga gagawin after ng task," Ma'am said as she arranged her things on the table. Kakaupo ko pa lang pero parang paalis na yata siya.


"Ah, si Isko, Ma'am?" Saint asked with a soft smile.


"Yes," Ma'am said in a monotone. Her eyes under her glasses were fixed on me. I just pressed my lips and bowed a little. Was she mad?


"Okay, po."


Tinunon na niya ang mga mata niya doon sa kabilang helera ng lamesa. "James, Clarence. Samahan niyo nga 'ko do'n sa storage room, pasuyo. Kunin natin 'yong mga materials for printing."


Pagkalabas ni Ma'am kasunod 'yong mga tinawag niya ay awtomatiko namang napalingon sa 'kin si Saint. Kaklase ni Maddie si Saint, pareho silang nasa higher section. Noong first day namin dito sa art club ay siya ang nakatabi ko no'n kung kaya ay siya lang din ang nakakausap ko... Ako lang din naman ang dinadaldal niya, e. Dahil do'n, naging close kami.


"So bakit ka late?" nakataas ang mga kilay na tanong niya.


"Galit ba si, Ma'am?" malayong sagot ko sa tanong niya.


Napatagilid naman siya ng ulo at nag-isip nang malalim. "Muntik na."


"Muntik na?"


"H'wag kang kabahan, hindi naman 'yon dahil sa 'yo, e," he said and I was relieved. He smirked before putting his arm on the backrest of his chair so that he could face me properly. "May gumamit daw no'ng screen printer tapos hindi hinugasan. Ayun, natuyo 'yong pintura sa screen."


"'Yon ba 'yong... No'ng pina-demonstrate ni Ma'am sa 'tin 'yong pag-print ng t-shirt? No'ng nakaraan?"


"Hmm," sambit niya.


Napakagat naman ako ng pang-ibabang labi at dilat ang mga matang nag-iwas ng tingin sa kaniya. It was me and Clarence! After no'ng art session ay pumunta kami rito sa room para subukan ulit 'yong screen printing, ginamit namin 'yon sa mismong lumang t-shirt na dala niya. Hindi na namin naisipang hugasan 'yon... We didn't know that it was supposed to be like that!


"Buti na lang may extra pa do'n sa storage room..." pagsasalita ni Saint. And I forgot that my face had subtitles, so I immediately turned to him when I could no longer hear his voice. Nakita ko 'yong magkasalubong niyang kilay habang nakatingin siya sa 'kin. He seemed to have read me enough. "Ikaw 'yon, 'no?!"


"Ha?!" agrisibo kong sambit. Bahagya naman siyang napaliyad. Kahit pa ayaw kong ipahalata sa kaniya na kinakabahan ako ay parang halatang-halata pa rin dahil sa reaksyon ko! "Pa'no mo nasabi na ako 'yon? Eh, magkasama tayo no'ng araw na 'yon, ah? Nando'n pa tayo sa bench ng quad! Pinag-uusapan niyo pa nga ni Clarence na nakita niyo 'yong panty no'ng matanda na nakaangkas sa trycicle no'ng pagpunta niyo rito sa school-"


"Oo na. Oo na..." Pagputol niya sa pagsasalita ko. Nakikita ko sa mukha niya na para siyang narindi sa lakas ng boses ko. He had a deep line between his brows, but his voice was still soft when he cut me off. He adjusted his glasses with his index finger. "Aksidente 'yon... Kung magsalita ka parang intensyon talaga naming tingnan 'yon."


I reacted with Oh, and my shoulders seemed to sink before pouting. "Sorry," I sincerely apologized.


"Ba't mukha ka namang malungkot?" Tumawa siya nang kaunti habang pinapanood ang hitsura ko.


Nagsinungaling ako, e. Ang gusto ko sanang isaboses sa kaniya pero idinaan ko na lang 'yon sa pagtawa at pag-ayos nang upo. Napangisi na lang siya at may inabala nang iba. Kinuha niya 'yong art mats. niya sa bag. Ako naman ay nakatulala lang na pinag-lalaruan itong hawak kong itim na sumbrero.


"Sabi pala ni Ma'am kanina, after natin ma-print t-shirts natin... proceed na tayo sa paggawa ng task," paalala niya sa 'kin habang nag-re-render siya ng kung ano sa sketchbook niya.


He was talking about our t-shirt's self-printing, which will be the official uniform for our club. Isa sa naging katanungan namin na kung bakit hindi na lang kami mag-provide ng payment para mag-pa-print na lang sa mismong nag-p-print ng t-shirt, pero ang sinabi ni Ma'am ay mas makakapagbigay 'to sa 'min ng knowledge kung paano ba ang process nito manually... To make it have a sense na nasa art club talaga kami.


"'Yong task pala natin is, i-sketch lang natin 'yong mga bagay na nakikita natin dito sa loob ng school..." pagsasalita ni Saint habang nakatuon naman ako sa mga gawa niya. "Then after, ipapasa na rin natin 'yong take-home task na binigay ni Ma'am no'ng nakaraan kasabay ng gagawin natin ngayon."


Iyong assignment na 'yon na tinutukoy niya, ay guguhit kami o gagawa ng likha na sa loob ng isang linggo, kung ano man ang mga pangyayari sa buhay namin ay 'yon ang magiging concept ng piece namin. It's just like a journal entry that we will bring to life through art, or we're going to interpret it by art.


"Ano meaning niyan?" Pagpansin ko sa huli niyang tiningnan. Napaayos naman siya ng upo at patanong akong nilingon. I flipped the pages of his sketchbook back to where I noticed his art, the one was very colorful... well, almost all his creations are colorful. I pointed and tapped my finger there. "Niyan."


It was two colorful hearts, they were connected to each other and it even showed there that it had the same beat. It has three colors, which are red, blue and gold. Kapansin-pansin 'to sa 'kin dahil maganda ang pagkakaguhit at kulay niya, at noong nakaraan lang ay nagbasa-basa rin ako sa encyclopedia ko ng human body.


"Ah! The Heartbeat Resonance Theory. It's about... how you were destined for each other," sabi niya sabay balik ulit sa ginagawa. My eyes flashed a question, napansin naman niya 'yon. Napaayos siya ng upo at bumuntong-hininga habang nakatingin sa sariling gawa niya. "'Yong tibok kasi ng puso natin, pwedeng masyadong mabilis o mabagal. Or 'yong pattern naman is pwedeng inconsistent. Usually, meron tayong unique resonance frequency breathing rate, which is between 4.5 and 7.0 breaths per minute. Nabasa ko pa na sabi ng mga researchers na 'yong waveforms ng pumping motions ng puso natin is unique sa mga tao at pwede raw 'yon magamit as biometric modality. Katulad ng fingerprints, ginagamit siya for authentication purposes." Saint looked at me smiling.


Nagtatanong pa rin ang hitsura ng mukha ko. "Pa'no siya connected do'n sa heartbeat resonance theory na tungkol sa destiny?" I asked curiosly.


He pouted, and looked at the art again before turning back to me. "Lahat tayo may unique heartbeat pattern, and meron lang na nag-iisang tao sa buong mundo na 'yong tibok ng puso niya ay perpektong sumasabay sa pagtibok ng puso mo," I looked at him as he said. "It said that when these two people meet..." He raised his fists and brought them together. "...their hearts beats in a perfect harmony," sabi niya at pinatibok 'yong dalawang kamao ng sabay. He sank his fists and smiled at me. "Signifying that they were destined for each other."


I looked at his artwork. I wanted to express how awed I was by his masterpiece, pero hindi ko 'yon naisaboses dahil doon. It would be fascinating if this were true. It's way more pretty and romantic than just knowing each other.


"'Yong sa 'yo?" Napatingala ako kay Saint. He smiled and raised an eyebrow.


"'Yong sa 'kin?" naguguluhang tanong ko.


He smirked. "'Yong assignment mo?"


"Ah..." patangong sambit ko kasabay na nilabas ang sketchbook at pinakita sa kaniya ang gawa ko.


Nakangiti niyang kinuha 'yon padausdos sa kaniya. Napanood ko naman kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, the smile on his lips slowly disappeared, napuno na 'yon ng pagtataka. He even flipped a few pages to look at my other works.


"Bakit sila ganito?" tanong niya bigla, eyes are still in my artworks.


"Ha?"


"Iisang kulay lang 'yong ginagamit mo..." anang niya. He raised his eyes to me. "Black."


Napaawang ang bibig ko. Sasagutin ko pa lang sana 'yong tanong niya nang bigla namang magsalita si Ma'am Cauaria roon sa pinto. Dala-dala na nina Clarence 'yong dalawang bagong printing materials. At hindi ko na nga nasagot ang tanong ni Saint dahil abala na kami sa pag-print ng mga t-shirt namin.


I know why he's curious about my works, because we have been taught the different modes of arts and the basic elements in coloring... maybe it's just odd to him dahil hindi ko man lang ba na-apply ang mga 'yon? O, kahit pa na hindi 'yon ituro sa 'min ay kahit sino naman ay marunong magkulay. Sa katotohanan niyan, hindi ko rin alam ang isasagot ko sa tanong niya. 


Naunang natapos mag-print sina Saint at Clarence. Naroon na sila sa labas, hinihintay na lang akong matapos. Nang matapos ako sa pag-print ay tinabi ko sa t-shirt nila ang akin para patuyin ang pintura bago nagmamadaling kinuha ang gamit sa table at saka sila nilabas.


"Dito ako," pagpapaalam na sabi ni Clarence sa 'min nang mapadaan kami rito sa Pimentel Building.


Luma na rin ang disenyo ng building dito. Sa gitna ay may malaking fire tree, at nakapaligid naman 'yong mga marmol na lamesa roon na tinatambayan ng mga estudyante ngayon. Clarence sat there and started sketching the group of friends at the other table.


Sa paglalakad namin ay maraming bumabati kay Saint, ang ilan ay kaklase niya, 'yong iba naman ay nakakakilala lang sa kaniya. Maputi siya at may hitsura talaga. At kunsabagay, dalawa sila ni Maddie na kilala ang acuity nila. It's one of the big attractions for some.


When we reached the quad with the marble tables, sinabihan niya ako na dito na rin ang spot niya. Umupo na nga siya at sinimulan nang i-sketch 'yong dahon sa table na natatamaan ng sinag ng araw na nakasilip sa puno.


"Do'n lang ako banda," sabi ko sa kaniya habang nakaturo roon sa kabilang building.


"Hmm. Okay," he just replied without looking at me. He just focuses on what he's doing.


Nakangusong tumango lang ako at naglakad na papunta roon sa tinuro ko. Pagkarating ay napatulala lang ako sa isang tabi, pinapanood ang paligid nitong building. Walang kung ano rito! I only see some trees around, at mga estudyante at guro na busy sa loob ng classrooms.


I just walked again to look for a place to find my subject. Nag-ikot-ikot pa ako, at halos lahat na yata ng buildings ay naikot ko na pero ni isa man lang ay wala akong nahanap na magandang i-sketch... Iba pa sa mga club members namin ay naunahan na ako ng spots.


Saka, halos lahat yata ng parte ng school ay na-sketch ko na rin! They're in my personal sketchbook. Napahinto na lang ako rito sa old building at buntong-hiningang tumingala. I was captivated for a moment by the tree limbs with beautiful leaves fluttering in the mild breeze before some part of this place caught my eye.


Hindi ko pa nasubukang maghanap doon sa likod kaya agaran naman akong gumawi roon. I haven't been here for almost a month, I think once I could be here again it could have been different... but it wasn't. I could not get over how beautiful it was to see the sunlight shining on the trees, and the trees were singing along with the sound of my steps on the grassy ground.


Naglakad-lakad pa ako hanggang sa napahinto na lang ako. Bumilog pa ang bibig ko, hindi ko inaasahan na makikita ko ulit siya rito. Nakaupo siya sa sirang upuan, at napangiti naman ako nang makita ko 'yong hitsura na na nasa hindi maayos na posisyon.


He is wearing earphones while quietly watching the cat sleep in his other arm. Hindi pa siya gumagalaw, halatang ayaw niyang alisin 'yong braso niya para hindi magising 'yong pusa. I carefully and silently hid in the tall plant next to me and started sketching them in my sketchbook. Tatlong araw ko lang siyang hindi nakita pero humaba na kaagad nang kaunti 'yong buhok niya.


And I don't know why, but it feels so foreign to see his eyes... his face. Why is it so comforting, even though it's a warm nine o'clock in the morning? The world's temperature is just mild. Or is it not hot because of the wind blowing? It feels so warm and comforting, even though he has the coldest presence I know.


"Isko!" Nabali ang dulo ng lapis ko nang marinig ko ang sigaw na 'yon! Dilat na dilat ang mga mata kong nilingon si Saint! "Tapos ka na?! Patingin ng iyo!" sigaw niya ulit, nakangiting nag-jo-jog palapit sa 'kin!


Napasigaw na lang ako sa isipan ko at agresibong naisara ang sketchbook nang makitang nakalingon na siya sa pinagtataguan ko! Salubong na ang mga kilay, eh! Papalapit pa lang sana si Saint sa 'kin nang mabilis naman akong tumakbo palagpas sa kaniya habang tinatago ang mukha gamit ang sketchbook.


"Anla?!" rinig kong nagtatakang sambit ni Saint doon! "Isko!"


Ngumiwi ang mukha ko. Mariin na lang na napapikit at saka huminto bago siya binalikan at sinaklot ang palapulsuhan niya para hilain siya palayo. Tagong-tago pa ako roon! Siya lang din naman pala ang makakapaglaglag sa 'kin!


"Tapos ko na 'yong akin niyon tapos padiretso ako no'n sa CR., nakita kitang pumasok do'n sa OB. Kaya after kong mag-CR. pinuntahan kita do'n," pagpapaliwanag ni Saint noong tanungin ko siya kung paano niya nalamang nasa likod ako ng old building.


Nilapag naman ni Clarence 'yong tinapay sa gitna ng table, apat na ensaimada 'yong pinasabuy namin ni Saint sa kaniya. Kinuha ko 'yong akin at pinatong ko 'yon rito sa sketchbook na nasa tabi ko. Pagkatapos naming ipa-check ang gawa namin ay sumabay kami sa mga estudyante rito sa canteen na mag-recess.


"Nga pala, ba't parang natatranta ka kanina no'ng tinawag kita?" tanong ni Saint sa 'kin. Kinakain na namin 'yong dala naming baon. "Hinila mo pa 'ko palayo. May nakita ka ba?" 


Napaisip ako sa tanong niya. Pa'no ba 'yon sagutin?


"Pumunta kayo sa OB.?" We looked at Clarence. He suddenly said that with some fear crawling all over his face. Lumapit siya nang kaunti sa 'min, may ibubulong. "May nagpakamatay na estudyante ro'n nong nakaraang taon lang. Hindi ba kayo natatakot?"


"Ah. Oo, 'yan!" They leaned back on the backrest, quite startled by my sudden voice. "Kaya ako natataranta kanina, saka kaya kita hinila kasi parang may anino akong nakita do'n sa sirang mga upuan."


Napatitig namang silang dalawa sa 'kin, nagtatanong kung seryoso ba ako sa sinabi ko. Kitang-kita ko pa na para silang nanigas sa takot. Maya-maya ay pilit na natawa na lang si Saint at saka niya kami inayang kumain na lang. Takot na takot sila, e, wala namang anino 'yong mga multo.


"Isko," pagtawag niya bigla sa 'kin. "Pero bakit ka nga late? First time ko lang malaman na nangyayari din pala 'yon sa 'yo," sabi niya. Natawa naman silang pareho ni Clarence. Buong alam kasi nila ay palagi akong on time pumunta or kung hindi man ako on time ay masyado namang maaga.


"Ah..." Napahinto ako sa pagkain.


Why was I late? Sinubukan ko pa kasing hanapin 'yong sumbrero ko sa kwarto na halos mahalughog ko na ang kasuluk-sulukan niyon ay hindi ko pa rin 'yon makita. Doon pa lang ay naubos na ang oras ko. I even went to Maddie's house to borrow hers, only to find out that she didn't wear a hat.


Tinakbo ko pa ang bahay ni Emon, at sinabihan lang din niya ako na wala siyang sumbrero. Hanggang sa si Wesley ang napuntahan ko na mayroon. I went through all of that trouble just for the hat, and just so that I could hide and protect myself from them.


"Kami ni Clarence 'yon," sagot ko na malayo sa tanong ni Saint. Hindi ko kayang sagutin 'yon, kaya ililigaw ko na lang sila palayo sa tanong na 'yon.


"Ha?" Nagtaka naman siya, the same as Clarence.


Tiningnan ko si Clarence, at nakatingin na rin pala siya sa 'kin kaya nagtama ang mga mata namin. Nakuha na kaagad niya ang gusto kong sabihin. We both decided and agreed on this while we were on our way here at the canteen.


"Kami 'yong nakaiwan sa screen printer na may pintura," pag-amin niya kay Saint.


Nagtaka naman kami no'ng makita naming tumawa bigla si Saint.


"I know," sabi niya.


"Ha?" sabay naming sambit ni Clarence.


He searched for something in his bag. And he showed us his T-shirt... with the same print as Clarence's. He put it back in his bag.


"Nakita ko kayo no'n. Ginaya ko kayo. Nakalimutan ko ring hugasan 'yong printer." Pag-amin niya rin! Malokong napngiti naman siya, at sabay-sabay na nga kaming tumawa. Napahinto naman kami no'ng bigla siyang mag-react na parang nakakita ng multo sa likuran ko. Bumilog ang bibig niya, at nanlaki pa ang mga mata. Mabilis niyang hinablot ang sketchbook ko sabay na binuklat 'yon at may pinakita sa 'min. "Siya 'to, 'di ba?!" Turo niya.


Mabilis akong napalingon sa likuran ko, at para naman akong nagsisi bigla no'ng ginawa ko 'yon! Agad akong umiwas nang tingin sa kaniya. Nandito siya! Nakapamulsa ang mga kamay na nakapila siya ro'n malapit na malapit lang sa puwesto namin! Nakatingin siya sa hawak ni Saint!


"Oo nga!" namamanghang sabi pa ni Clarence. "Tingnan mo! Kahit 'yong mga mata niya kuhang-kuha mo..."


Mabilis naman akong tumayo at inagaw 'yong sketchbook ko kay Saint. Sinilid ko nang mabilisan 'yon sa bag ko. Nakita ko naman na nagtaka sila sa inasta ko. Pero hindi ko na sila inintindi pa!


"Tapos na 'ko! Bye!"


Nakayuko akong naglakad paalis, at ngingiwi-ngiwi pa ang mukha ko habang nagdadasal sa isipan ko noong mapansin na sa mismong pwesto niya lang ako pwedeng makadaan, nagsisiksikan na ang mga estudyante rito!


Narinig kong tinawag ako nila Saint doon pero bahala na sila diyan! Nang nasa harapan na niya ako ay saglit ko pa siyang inangatan ng tingin. He was coldly looking at me! Pagkalagpas ko sa kaniya ay naramdaman ko pang sinundan niya ako ng tingin!


"Bata."


Napahinto kaagad ko sa boses na 'yon! Hindi ko siya magawang lingunin, nararamdan ko na rin na parang palapit na siya sa 'kin. Kung kaya ay nagkunwari na lang ako na hindi siya narinig at tumakbo na lang hanggang sa marating ng mga paa ko 'yong bench sa quad.


Pagod akong napaupo, habol-habol pa ang hininga dahil sa pagtakbo. Alam kong nagtaka siya sa ginawa ko, pero wala na akong pakealam! Kapag nagtagal pa ako roon baka ang gawin niya pa ay ipalaam sa lahat na gusto ko siya kahit hindi naman!


Napadukmo na lang ako ng mukha at doon suminghal. May maidadagdag na naman siya sa I-like-him list niya. And how many times have I told a lie today? Hindi ko na mabilang! I just got back to school, but it seems like there's still a lot to happen!


"Ano nangyari sa 'yo no'ng mga nakaraang araw? Hindi ka nag-se-seen sa GC. Miss na miss ka na nga daw no'ng boy best friend mo, eh. Nasa'n na daw baby ko," mapang-asar na sabi ni Emon. Tinawanan niya pa ako.


Agad ko namang nilabas ang phone ko saka pinuntahan ang messenger niya. Nasilip niya ako sa gagawin kong pag-call sa kaniya kaya nag-sorry naman siya nang nag-sorry. Hindi ko na tinuloy. Mahinang siniko ko na lang ang braso niya. Rank kasi ang nilalaro kaya takot na takot.


"Hindi na 'ko masyado nagbubukas ng messenger," sagot ko sa unang tanong niya bago nagsuot ng isang earphones at nagpatuloy sa pag-sketch.


"Nalaman na rin ba ng Mama mo 'yong nangyari sa gym?" tanong niya ulit.


Napahinto naman ako.


Humalumbaba akong nilingon siya. "Hindi ba tinawagan 'yong Mama mo ng head ng guidance?"


"Hindi," mabilisan niyang sagot. That question was easy for him, while I had to weigh what was in my mind just so I could answer correctly. Ngumisi siya, nasa phone ang mga mata. "Gawa-gawang number lang 'yong binigay ko."


"Eh?" Napadiretso ako nang upo. "Ba't 'di mo kami binigyan ng ideya no'n?"


"Pa'no ko kayo masasabihan, eh, ang layo-layo niyo ni Wesley sa 'kin no'n?" rason niya. "Takot na rin ako kay Haling no'n. Halos 'di na nga 'ko makagalaw, eh, malilingonan ko pa kaya kayo?"


"Tss!" I hissed.


"Wait," aniya. Sinulyapan niya ako. "So, tinawagan 'yong Mama mo? Ano nangyari?"


Nagsitaasan naman ang mga kilay ko, hindi inaasahan na mas may ihihirap pa pala siyang itatanong sa akin. Hindi ako nakasagot, napaiwas lang ako ng tingin sa kaniya. Kukulitin pa sana ako ni Emon sa tanong na 'yon nang bigla namang may naghampas-hampas nang malakas sa board. Napaupo kaagad ang mga kaklase namin, sabay-sabay rin silang nagsitahimikan. Napahinto pa sina Castro sa paggigitara. Nabaling na ang atensyon namin doon.


"Mag-che-check daw si Ma'am ng notebook!" pag-announce ni Andrea, president namin.


"Sinong Ma'am?!" magkakasabay at sunod-sunod na tanong ng mga kaklase namin kung kaya ay napahampas ulit si Andrea sa board.


"Ma'am Faith!"


Umapaw kaagad sa buong katawan ko ang kaba. Natataranta kong hinarap si Emon para hiramin ang notebook niya sa Science. Nakalimutan kong kumopya sa kaniya! Napansin ko naman na hindi lang pala ako 'yong hindi pa nakatapos ng notes doon, marami-rami din kami. Kaya naghintay naman si Andrea doon sa table para sa 'min.


"15 minutes lang. Pinapakuha na agad 'to sa 'kin ni Ma'am, eh."


"Sabay mo na lang 'yong akin pagkatapos mo kumopya," ani Emon. Hindi ko na siya mapansin, my hand is as fast as a race car. "'Yong kay my loves pasa mo na rin pala, nasa bag ko."


When Andrea was speeding us up, at nakita ko na ako na lang ang nagsusulat at hinihintay, I just dropped my ballpoint pen. Sumuko na ako kahit pa kulang pa 'yon ng tatlong topic! Wala na sa 100 ang score ko!


Bahala na! Tumayo na ako at nagtungo sa harapan para ipasa ang sa 'min. Nang pabalik na ako sa upuan ay tinawag ako ni Andrea kaya napabalik din ako agad papunta sa kaniya.


"Tulungan mo 'kong magbuhat," sabi niya sa 'kin! Ang layo-layo ng faculty nila Ma'am tapos nasa 3rd floor pa? Ayoko! Hinarap ko naman si Castro na nasa harapan namin at tatawagin ko pa lang sana siya nang bigla namang hinarangan ni Andrea ang mukha ko ng notebook. "Don't call a friend. Pinapatawag ka rin naman sa guidance, eh. Kasama 'yong tropa mo."


Pagkarating namin sa building ng senior high ay pareho naman ang hitsura namin ni Emon na hindi maipinta sa inis, nahahaluan pa 'yon ng kaba. Mas lalo na siya na naputol ang paglalaro niya at nalaman na hindi pa rin pala siya ligtas na ma-guidance. Nasa likuran lang kaming dalawa ni Andrea, nakasunod sa kaniya.


Matapos naming maibigay 'yong mga notebook kay Ma'am ay dumiretso na kaagad kami sa guidance office. Hindi pa kami nabigyan ng oras na makapag-prepare ng sarili dahil magkatabi lang ang guidance office at faculty nila Ma'am.


Sobrang tahimik ang loob, kakaiba pa sa pakiramdam 'yong lamig na binubuga noong aircon. Nakita namin 'yong iba pa rito na kasama roon sa gulo, nakayuko silang lahat. Pakiramdam ko ay para akong nasa korte!


Si Wesley naman ay hindi ko matukoy kung paano siya biglang nabuhayan nang makita kami. Parang wala pang kakaba-kaba siyang naramdaman no'ng tumabi siya sa 'kin, patagong nakangiting saglit na hinaplos niya ang ulo ko.


"Sila lang 'yon?" may pagka-istriktang tanong noong Head kay Maddie. Isa-isa niya pa kaming tiningnan.


"Yes, Ma'am." sagot ni Maddie. Tumango-tango naman 'yong Head at saka ito bumaling sa papel na nasa table niya. May binabasa at sinusulat na kung ano roon.


 "Ay, nako, Sir..." At halos lahat yata kami ay napaangat ng ulo nang biglang umalingaw-ngaw ang boses na 'yon rito sa loob ng office. May yakap-yakap na mga papel 'yong teacher habang nakatingin ito ro'n sa nakaupong guidance counselor. Hindi ko makita ang dinuduro nito, nahaharangan niya 'yon. "Napakatigas ng ulo niyan. Pagkasalpak na pagkasalpak pa lang niyan dito, may nag-report na kaagad na may binangasan 'yan do'n sa likod ng quad!"


Natanaw ko namang pilit na nakangiting tumango-tango 'yong guidance counselor at magalang niyang pinagmuwestrahan ito ng palad na nagsasabing hayaan na lang niya na siya na ang umayos ng gulo. Kung kaya naman ay agad na umalis na lang 'yong teacher at nagtungo na sa kabilang desk.


Pagkabalik ng tingin ko roon sa sinisigawan no'ng teacher, dalawang beses ko pa 'tong nilingon para kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko... Him? When I turned to him, he was already looking at me, causing us to meet our gazes.


Marahang-marahan siyang bahagyang yumuko habang nakatingin pa rin 'yong mga mata niya sa akin. Pareho ko namang naipit ang mga labi ko, mabilis na umiwas ng tingin at kunwaring walang alam sa nangyari habang may kung anong hinahanap sa kisame.


"Tuloy mo," sabi noong guidance counselor sa kaharap no'ng lalaki. Nagsasalita ang Head na nasa harapan namin, ngunit ang buong atensyon at pandinig ko ay naroon sa kabilang desk.


"Bandang alas dose ho 'yon, papunta ako sa CR.. Pagkadaan ko ho doon sa may likod ng quad, may bigla hong humablot ng salamin ko, saka ako hinila sa mapunong lugar. Parang sa dumpsite na ho 'yon. Pinipilit niya hong kunin 'yong pera ko, tapos no'ng 'di ko ho binigay... bigla na lang niya ho akong sinuntok saka... saka sinipa-sipa sa tiyan."


Ha? Nagawa... niya 'yon? Napakamarahas naman noon. Is that why they are afraid of him for that reason? Nang mawala sa pandinig ko ang boses ng Head ay napadako ako ng tingin sa kaniya, at nakita ko na nga 'tong mataray na nakatingin sa akin, her head was slightly bowed while her eyes were darting on me. Napayuko naman ako agad sa takot.


"Buong allowance ko ho 'yong kinuha niya sa 'kin..."


Ngunit kahit pa nakayuko ako, I made a way so that I could still peek on the other desk. I tried to throw my eyes to my side to look at them. Katabi niya 'yong Sir Jude, hindi ko alam kung ano ang koneksyon nila pero dahil nandoon si Sir, siguradong siya ang tumayong guardian nito ngayon.


Nakita ko siyang tamad na tamad na nakaupo lang, nasa sahig ang mga mata. Hindi ko man lang nakikita sa kaniya na na-gui-guilty siya sa ginawa niya sa estudyante. Tahimik lang siya.


"Ginawa mo 'yon?" dismayadong tanong no'ng guidance counselor sa kaniya. Lahat sila naghintay sa isasagot niya, at maging ako, pero nagtaas lang siya ng tingin sa kaharap niya at hindi nagsalita.


I can't even tell if there are words forming in his mind, or there really aren't any dahil sa hitsura niya na parang wala talaga siyang pakealam sa nangyayari.


Hinarap na siya ng guardian niya. "Maui?"


Maui?


"Parang may mga kasama pa ho siya no'n..." Nakayukong humihikbi na 'yong estudyante. Nakikita ko pa ang paglalaro nito ng kaniyang mga kamay sa hita. "Hindi ko lang ho sila maaninag no'n kaya 'di ko ho matukoy kung sinu-sino sila. Pinagtatawan ho nila ako habang... habang hinuhubaran ho nila ako ng pantalon."


"Sa side mo, and on your side..." Binalik ko na ang atensyon ko sa harapan. Biglang bumigat ang dibdib ko, parang nadaganan ito ng mabigat na bagay. Hindi ko na makayanang panoorin siya at pakinggan ang kwento niya. "Lahat kayo naggantihan. Pare-pareho kayong may kasalanan. You don't want the trouble to escalate, that's what you all said. Ayaw niyo rin na madamay pa 'yong mga magulang niyo rito. Nakapagtawaran na rin both parties, right?"


"Yes, Ma'am," sabay-sabay nilang sagot.


Tumango-tango naman ang Head at bumaling ulit sa papel na nasa table niya. Is he really that kind of person? Katulad lang siya... no'ng mga 'yon? He is no different.


"Sulat ang pangalan, pirma." Pinadausdos ng Head 'yong papel palapit sa gilid ng table niya, at isa-isa na nga silang nagsipila para pumirma. "Okay, humayo kayo at magpakalalaki!" paalala ng Head sa 'min matapos naming makapirma na lahat. "Samahan niyo na rin ng magpakabait."


"Yes, Ma'am..."


"Yes kayo nang yes, baka pagkalabas niyo pa lang dito nagpuputukan na naman kayo ng mga nguso ni'yo?" biro ng Head sa amin. Natawa naman silang lahat at nagpasalamat habang papalabas ng office


"Bonbon!" Napahinto naman kami nina Maddie noong marinig namin 'yong pagtawag ni Wesley sa 'kin. Nag-jog siya dito sa corridor palapit sa 'min, naka-jersey pa. "Sabay tayo uwi mamaya," pag-aya niya. Para sa 'ming lahat 'yong sinabi niya pero sa 'kin lang siya nakangiting nakatingin.


"Hindi ako pwede," sagot ni Maddie. "Didiretso pa 'ko sa bahay ni Ma'am Jen. I-fa-finalize pa namin 'yong magiging layout ng newspaper."


"Ako-" Boboses pa lang sana si Emon nang bigla naman siyang akbyan ng lalaki. Masyado pang mabigat 'yong pag-akbay niya kay Emon, kitang-kita ko na napaaray siya ro'n na parang nayuping lata.


"Hintayin na lang kita sa gate," sabi niya sa 'kin sabay na nagtaas ng kilay.


"Hmm," pagtangong sambit ko naman at napasunod na lang kami ng tingin sa kaniya noong pa-jog ulit siyang bumalik doon sa mga kasama niya.


Natawa naman ako nang makita ko 'yong nanggagalaiting mukha ni Emon habang nakatingin siya kay Wesley. If Wesley had stayed here for a bit longer, I'm sure that their voices would have echoed throughout the corridor, arguing.


"'Yon na 'yon?" Pagsasalita bigla ni Emon. Sumasabay ang boses niya sa ingay noong mga kuliglig sa paligid. Nasa tabi kami ng quad, kung saan may mga puno sa magkabilang gilid namin. The sun is beaming, so we walk under the shade of the trees. "Pinasulat lang 'yong pangalan tapos pirma? Tinatakot pa tayo no'ng Haling, mabait naman pala 'yong Head!" Napangisi siya. "I'm so lucky, man..."


Emon heaved a sigh of relief, and the I was the luckiest person in the world was written all over his face. Pagulat na tinuro ni Maddie 'yong harapan niya, bigla namang napayuko si Emon dahil sa gulat, in that most vulnerable position of him ay binatukan siya ni Maddie. Umaaray na napahimas na lang siya ro'n. I just laughed softly.


"1st... warning," sabi ni Maddie at nilingon niya kami ni Emon. "Kapag lumagpas kayo ng 3rd, kick out kayo agad."


Tumango lang ako doon at si Emon naman ay nagtanong-tanong pa tungkol sa warning na 'yon. Humugot ako nang malalim na hininga bago ibinulsa ang mga kamay at bahagyang tumingala. He bullied a student? Is he a man who can do that?


What about the things he said to me? It felt like every word he uttered penetrated my true feelings. They seemed so genuine. I can even see that he's very careful in what he says and does. And it was as if he couldn't even talk to people, he could only say two sentences... and if someone approached him, he would push them away. But he still managed to hurt one. How?


"Anong meron do'n sa kabilang desk?" Napalingon sila sa 'kin.


"Hmm?" patanong na sambit ni Maddie. She looked at the floor for a moment when I didn't respond, and I saw that she directly understood what I was referring to when she nodded her head. "Ah... 'Yong katabi ni Sir Jude, siya 'yong nakita natin no'ng nakaraan, 'di ba?" She looked at me over her shoulder. 


"Hmm." I nodded.


"Last, last week ng Friday, bandang tanghali. Binully niya daw 'yong estudyante ro'n sa dumpsite." Last, last week ng Friday? Imposible... no'ng bandang tanghali ay nakita ko siya roon sa harap ng building namin, nakaupo siya ro'n sa ilalim ng puno. That was also the day I sketched him. "Siya pala si Maui."


"Ha?" I was surprised to find out that Maddie knew him.


"Lagi ko naririnig pangalan niya sa room namin. Ginagawa siyang pang-asar na crush siya ng mga kaklase ko." I observed Maddie's face fall suddenly. She crossed her arms over her chest. "Kaedad niya si Wesley pero nasa grade 3 palang siya. 'Yon 'yong pinang-aasar nila."


Nilingon niya ako at napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya, at pareho na kami ngayon na tahimik na nakatingin lang sa sahig. Anong problema nila? Bakit nila siya pinagtatawan dahil do'n?


"Lungkot mo, ah? Crush mo rin 'yon?!" narinig kong pang-aasar pa ni Emon kay Maddie.


"Ginagawa siyang katatawanan..." Seryoso ang boses ni Maddie.


I still can't lift my head.


"Tss! Okay lang 'yan..." Emon said with a laugh. "Saka bully naman siya, eh!"


Napahinto na ako sa paglalakad. Hindi rin nila ako napansin dahilan para maiwan nila ako ritong nakayuko. Okay lang 'yon? When Emon said that, it felt as if a sudden turmoil erupted inside me, and it seemed like it was beyond my control.


"Walang okay doon!" malakas na sabi ko. I raised my head and saw that they had stopped, facing me with a puzzled look. "Wala tayong alam kung bakit nando'n siya sa sitwasyon na 'yon... Pa'no kung... Pa'no kung kabilang siya sa mga biktima ng realidad?"


I hate it! Hindi ko na naman makontrol ang sarili ko, nararamdaman ko na ang panginginig ng mga labi ko... And bit by bit... I just started to tear up.


"Maraming mga bata o estudyante ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil hindi sila kayang suportahan ng mga magulang nila. May ilan pa na nagtitinda sa mga delikadong kalsada o lugar, nagpapakahirap para magkaroon ng dagdag na kita masuportahan lang 'yong pag-aaral nila. Isa siya sa mga taong gustong makapagtapos ng pag-aaral para may maipagmalaki siya sa sarili niya, at matupad 'yong mga pangarap niya. Nangangarap lang din siya katulad natin... kaya anong nakakatawa ro'n?!"


"Isko?" Emon stepped a bit closer to me, but he stopped at once, clearly unsure of what action he was going to take. He was floored by what he saw. "Umiiyak ka ba?"


"Hindi ko kayo maintindihan..." Yumuko ako at mabilis na pinunasan ang mga luha. I sniffled. "H'wag niyo rin siyang hinuhusgahan agad na bully siya," I said shakily and looked up at them again. "'Yong estudyante mismo ang nagsabi na wala siyang maaninag no'n dahil malabo 'yong paningin niya!"


Matapos kong isigaw 'yon, at kita ko na nag-aalalang lalapitan na sana ako ni Maddie, ay mabilis akong naglakad palihis sa daan nila habang pilit na pinupunasan ang mga mata na patuloy pa rin sa pagluha.


"No'ng nakaraan pa yata siya may problema, eh..."


"Ikaw 'yong problema!"


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top