Chapter 12
TW: ABUSE.
"Don't make basketball as a way to vent! Sa harap pa talaga mismo ng coach ninyo?! That's so immature and disrespectful!"
When the classroom adviser, also a form prefect of discipline yelled those words at us, it seemed as if every vein in his neck would burst in anger. Their coach was just next to the blackboard, scrutinizing the scene. And we were all standing still, as we were not supposed to make any movements that would make it seem like we had broken any laws.
"I will say things that you can't say to your parents or even your friends because you, too, don't care to display that bad behavior here in this school! I don't give a shit if you get hurt since you deserve it just as much as what you all did! Why would I? Naturingang nasa field ng sport, where you should know how to show sportsmanship pero wala, puros hangin lang ang laman ng utak! Yabang lang!"
Despite having their own names at school, some of them couldn't lift their heads, or show a defensive mug just like when they were in the middle of a basketball competition. Their captain couldn't even do it either, unable to look directly at the person who was yelling inside this empty and dusty classroom. We were all like offenders who had been found guilty.
"Mga bastos kayo, e. Nagkakagulo kayo sa ganito lang na kaliit at simpleng bagay... Fighting over a girl? What? Naisip niyo ba 'yan? That's the most stupid thing to do!"
As soon as I heard that appalling word, I firmly raised my head... and I just saw that I was the only one who did so, a reason why my place was so conspicuous that even the classroom adviser immediately turned a bad, disapproving look at me.
I gazed directly into his eyes, which were as sharp as a knife, battling mine. Mula sa pagkakaalalay ng mga kamay niya sa lumang-lumang podium ay marahan, ngunit puno ng awtoridad niyang pinagkrus ang mga 'yon sa ibabaw ng kaniyang dibdib at pinagtaasan ako ng kilay. Before he could speak and throw spiteful words at me, I felt Wesley gently patted my head... pinapakiusapan ako na huwag nang pumatol.
Muli ko na lang iniyuko ang ulo ko at ibinaling ang mga mata sa bintana. Mula sa bintana at ang ilalim nito na may kulang na dalawang jalousie, I saw the plant there that was clearly dying.... mayroon na lang 'tong isang dahon na natitira. I just stared at it as the classroom adviser's yell continued to echoe throughout the room.
"Nakakahiya kayo... Sobrang nakakahiya! And if the school director finds out about this... mga magulang ninyo... everyone, the school itself will be much more ashamed of all of you!"
After the classroom teacher yelled, I saw the last remaining leaf fall off. Iksaktong dumapo 'yong dahon sa ulo ni Maddie noong humampas ang malakas na hangin at magsilaglagan ang mga 'yon mula sa puno. Naialis ko naman ang pagkakakapit ko sa strap ng sling bag ko at saka siya nilapitan at tahimik na kinuha 'yon para tanggalin.
We were now walking home, and neither of us said a word. We are all dead in a world where only the sound of the breath of wind, the rustling of trees, and our footsteps hitting the floor can be heard.
Nasa malayo lang ang tingin ni Wesley habang bitbit ng isang kamay niya 'yong gym bag na nasa likod ng balikat niya. Nakapamulsa naman ang mga kamay ni Emon sa suot niyang green cargo pants, nasa baba ang mga mata. Magkahawak naman ang mga kamay ni Maddie na nasa likuran niya. We all just fell silent, walking at a slower pace, lost in our thoughts.
Standing up for yourself doesn't mean you are seeking revenge... you're just defending yourself. At least that's what I believe and think. But when the classroom teacher said words that could change someone's life, I couldn't protect myself and Maddie. I felt powerless, like a tame puppy, afraid that if I unintentionally bit a person and barked up, I would surely just get hurt and end up being disrespectful.
Why is it easier for some people to be spiteful, but being understanding is tougher for them? It feels like they are making the world less gentle as the way it shouldn't be. It's as if when you try to be a good person, they won't be happy about it, and when you speak, they won't listen. It seems like all they want is to see you hurting, as if every child deserves more pain.
Bumagal ng lakad si Maddie, at kung kanina na nasa likuran lang niya ako at nakasunod lang sa kanila, ay siya na ito ang pumalit sa puwesto ko. Sa tatlong hakbang ko ay sabay-sabay kaming napahinto nina Wesley at Emon sa paglalakad... narinig na lang namin siyang humikbi bigla sa likuran.
Rinig na rinig ko ang pigil niyang hikbi, at no'ng marinig ko na may kasama na itong ingay at sakit ay napakagat na lang ako ng pang-ibabang labi at hinarap siya. Nakita ko siyang nakayuko, nakakuyom ang mga kamao sa laylayan ng kaniyang damit.
She looks helpless.
We couldn't get close to her as she continued to sob, and we all didn't even know what to do when we saw her crying soundly and hurtfully. Sa puntong 'yon ay hindi na namin siya kayang tingnan, napatingala na lang si Emon, at naibaba na lang ni Wesley ang gym bag niya habang nakayuko.
"Thank you..." was all she managed to say over her loud sobbing.
Tears quickly streamed down my cheeks. Saglit akong napakuyom ng kamo at yumuko. Agad akong lumapit sa kaniya at nilapat ko ang kamay ko sa balikat niya habang nakaharap sa likuran niya, only using my thumb, I tried to comfort her. This the least I can do to assure her that we are just by her side.
In that moment, I just felt her tight hug encircle me... Napatingin na lang ako sa gilid ko at doon lumuha nang tahimik. Maya-maya ay lumapit na rin si Wesley, he gently caressed Maddie's head. Then Emon came too, nakatalikod lang siya sa amin. And there, Maddie's crying on my shoulder just grew louder... and sounded more painful.
Yet it sounded like this was the first time that her heart was touched with so much care.
"Palapag na lang," payo ng kahera sa akin.
Agad naman akong umabante at nilagay sa counter 'yong mga pinamili ko. Tatlong crossini na magkakaiba ang flavor saka tatlong delight at isang malaking chichirya ang mga 'yon. Kukuhanin na sana ng kahera 'yong isang crossini nang bigla namang may naglapag ng chocolate flavored Nutriboost sa counter, nabaling bigla ang atensyon niya ro'n.
Agad namang nagsalubong ang mga kilay ko at tiningala ang lalaki na nasa gilid ko. Ngunit para naman akong nakakita ng multo, hindi ako makagalaw sa gulat nang makitang siya ang may gawa niyon. He casually fished for money in his pocket, and when he found it, he just dropped it on the counter before taking what he bought and leaving.
Hindi makapaniwalang napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. At salubog ang mga kilay na napasinghap sa kayabangan niya. Mayabang, masungit, magagalitin, siga, walang manners... what other personality is there that he hasn't unlocked yet? Ah! I almost forgot, he was looking at me weirdly at the gym... he has a weirdness too.
Pagkalabas ko ng maliit na grocery store, habang naglalakad, ay salubong ang mga kilay ko, at mas nangunguna ang nguso kaysa mga paa. I'm not sure what's not right with him, he stares at me so seriously as if I owe him a lot. Pero meron ba? Ano? Parang wala naman... Wala talaga!
Nakabalik na kaagad ako sa tambayan namin at sabay-sabay naman silang napalingon sa akin nang makita nila ako. Nakaupo sila sa malaking bloke ng kahoy, magkatabi sina Emon saka Maddie. Umusog naman nang kaunti si Wesley para makaupo ako sa tabi niya.
"Ba't ang tagal mo naman?" bungad sa 'kin ni Wesley pagkaupo ko sa tabi niya at nilabas ko naman sa plastic 'yong mga pinamili ko saka inabot iyong sa kanila.
"Traffic," sagot ko.
Natawa naman sina Emon saka Maddie ro'n pero si Wesley ay inismiran lang ako. Nang mero'n na kaming pagkain sa mga kamay namin ay para namang iisa lang ang isipan namin nang sabay-sabay kaming humarap patanaw sa malawak na palayan at sa mga ulap na nasa likod ng mga bundok. Sabay din naming tinusok 'yong straw sa delight at saka humigop niyon.
"Gusto niyo sunugin natin 'yong school?"
Napalingon ako kay Wesley nang sabihin niya 'yon. Blanko lang ang mukha niya habang naniningkit ang mga matang nakatanaw pa rin sa malayo. I just threw my eyes back to the clouds.
"Kailan?" tanong ni Emon.
"Sa bakasyon."
"Anong plano?" tanong ko.
Nilingon ko naman si Wesley. Nandoon pa rin sa malayo ang tingin niya habang naka-stuck naman sa bibig niya 'yong straw ng delight na iniinom niya. Kumagat at ngumuya pa ako ng crossini bago siya nakitang tumangu-tango na parang may naisip nang plano. Sinenyasan niya kami na lumapit nang kaunti sa kaniya para pakinggan siya.
"Bago magbakasyon... Nananakawin ko 'yong ID saka relo ni, Sir Haling. Tapos sa gabi, first week ng May... Tandaan niyo 'yan first week ng May," pabulong niyang sabi. Sabay naman kaming tumango ni Emon. Si Maddie naman ay nakita kong nagtatakang nakatingin lang sa 'min. "Gagayahin ko 'yong pormahan ni, Sir. Tapos dadaan tayo do'n sa likod ng old building, papalibutan natin ng gas 'yong buong school... Si Emon sa English Building, tapos si Isko naman do'n sa Building ng Senior High. Liliyaban ko muna pinaka una 'yong discipline's office, tapos iiwan ko mismo sa pinto 'yong relo. Kapag nakita niyong nasusunog na 'yong discipline's office sabay niyo nang liyaban 'yong inyo tapos takbo agad. 'Yong ID naman, kunwari nalaglag niya 'yon do'n sa archway."
"Nakabonet dapat tayo para 'di makita mukha natin sa CCTV," mahinang suhestiyon ni Emon.
"Siyempre kasama na 'yan sa plano!" angil ni Wesley.
"Seryoso ba kayo?" Sabay-sabay naman kaming napaayos ng upo at nilingon si Maddie.
Napangisi na lang kami nang makitang seryoso talaga siya sa tanong niya tungkol doon sa plano ni Wesley. Iyong mukha pa niya parang naniniwala talaga siya na kaya naming gawin 'yon, kung kaya ay hindi na napigilan ni Wesley na matawa na ginatungan pa ni Emon nang paghalakhak.
"I mean kung seryoso kayo, sasama ako," ani Maddie na nagpahinto sa pagtawa namin.
Kapag sina Wesley saka Emon ang nagsasalita ay tiyak ako na may kasama 'yong biro, kung kaya kapag ganito na sensitibo ang pinag-uusapan namin ay hindi ko 'yon maseryoso. But when it comes to Maddie, we might believe what she says.
Seryoso pa ang mukha niya nang sabihin 'yon dahilan para pare-pareho kami nina Wesley na natahimik na lang at hindi alam ang iaakto o sasabihin. Maddie turned her eyes to the distance and then continued eating innocently and silently. Kahit sa pagnguya niya ay para siyang may malalim na pinaplano.
Maya-maya pa ay napatago na lang siya sa hawak niyang crosinni at doon tumawa. Sabay-sabay na lang kaming nag-aalangang napa-react ng ah at pilit na tumatawa pasabay sa kaniya. Pinag-usapan na nga nila 'yong nangyari roon sa gym pati na sa mga sinabi noong classroom adviser na si Sir Haling.
And they felt the same way as I did when Sir Haling said those things about Maddie. They also wanted to speak back but couldn't because he had a position in the school. As for Galvin, Maddie didn't want to make the issue worse than it already was, so we just nodded to her, agreeing that we shouldn't make any more trouble about it.
"Kinakabahan na 'ko sa lunes..." biglang sabi ni Emon. At this moment, the white clouds have already vanished, they have been replaced by gray ones. Malakas-lakas na rin ang simoy ng hangin... I can even sense a chill in the air, which seems like a sign that it will rain soon. At hindi ko alam pero, naaamoy ko rin na parang uulan na talaga. "Ma-ki-kick out kaya tayo?"
"Possible," sagot naman ni Maddie sa tanong ni Emon.
Nakita ko naman na bigla na lang nanlumo 'yong mukha ni Emon, napabuga pa siya ng malalim na hininga. "Ngayon na narinig ko 'yan galing pa mismo sa SSG officer, mas lalo akong kinakabahan!"
Kitang-kita nga sa kaniya, namumutla na siya. Matapos kasi nang mahabang panenermon no'ng classroom adviser ay hiningi nito 'yong pangalan saka number ng mga magulang namin. At bago niya pa kami pinaalis ay nagbitaw pa siya ng nakakapanindig balahibong paalala sa 'min, maghanda raw kami pagdating ng lunes.
Kahit sino naman ay kakabahan doon lalo na kami na ngayon lang naransang ma-guidance. Iyong kahit nasita ka lang kasi nagtapon ka ng warapper ng candy sa school tapos biniro ka pa na ipa-pa-guidance ka dahil doon, sobrang kabado ka na... pa'no pa kaya ngayon na may kasalanan talaga kami na mas malala pa.
"Mas natatakot pa 'ko sa Mama ko," sabi ni Wesley na nakaunat na ang mga paa at nakaalalay 'yong mga kamay sa inuupan. Nasa malayo pa rin ang tingin.
"Eh..." malakas na reaksyong sambit naman ni Emon. "Ayan din pala... Yari din ako kina Mama saka Papa..." He just realized that now.
Nag-aalala sila na mapagalitan sila ng mga magulang nila, at sa katotohanan ay kagabi pa ako nag-aalala rin kung ano ang gagawin ni Kuya Ikio sa akin once na malaman niya 'yong ginawa ko sa loob ng school. Hindi lang yata 'yon ang isisigaw niya sa akin, baka idadamay niya rin sina Wesley. Hindi nila ako paniniwalaan nina Ate Ingrid.
Thay have been so hard on me, but I guess I can still say na may karamay pa rin ako sa loob ng bahay. At least I know that there's still someone who could truly understand me... nandiyan naman si Mama. Naging topic na nga nila 'yong mangyayari sa kanila kapag nalaman 'yon ng mga magulang nila.
Hindi lang din naman 'yon ang inaalala ko... what the students would say about what happened in the gym is another thing that replaying in my mind. Ni isa nga sa amin ay hindi pa magawang magbukas ng socmeds dahil doon, sunod-sunod pa ang tanong ng mga kaklase namin sa GC.
"May nag-video kaya sa nangyari?" tanong ni Emon na nakapag-isip sa amin nang malalim.
"Parang, e," sagot ni Wesley.
"Papatayin talaga ako nina Mama..." anang ni Emon. "May bago na naman siyang ilalagay sa history niya!"
"Hindi lang naman punishment matatanggap niyo..." Napalingon naman kami kay Maddie. "I mean, kaya kayo pinatawag sa guidance para imbestigahan 'yong nangyari. So may chance kayo na ipaliwanag 'yong side niyo. Both parties naman may kasalanan..."
At nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila... Hindi ko na rin kasi mapigilan ang mapatulala habang nag-iisip nang malalim at nakatingin lang sa kawalan. While I heard their voices in the background, and the straw was still stuffed in my mouth, wala sa huwisyong napadako ang mga mata ko sa gilid ko nang may nasulyapan akong tao.
Nagtagpo ang tingin namin! Agad naman akong napaiwas nang makilala kung sino 'yon at saka inalis ang hawak na delight na nakatutok sa bibig ko... Nailapag ko ang kamay ko sa mga hita ko at naiilang na nakangusong nagtambol-tambol lang doon habang hindi makatingin sa kaniya at nagpapatay malisya.
Nang tuluyuan na siyang makarating sa harapan ko ay napayuko pa ako, sinusubukang magtago sa kaniya. Noong makalagpas na siya ay doon lang ako nakakuha ng lakas na mag-angat ng ulo at sundan siya ng tingin... He has a bag of lomi again... at ano 'yon? Bakit gano'n? Bakit gano'n 'yong naramdaman ko? Hindi ko magawang makakilos nang maayos kapag nandiyan siya... na-a-anxious ako!
"Kilala mo 'yon?" I'm like a deer caught in the headlights no'ng marinig ko ang pagpansin ni Wesley. Nakatingin na silang lahat sa 'kin.
Umiling kaagad ako. "H-Hindi," pagsisinungaling ko. "Na-curious lang ako... Bago lang siya sa paningin ko."
Bakit ga parati niya akong napapansin?!
"Ah..."
Tumango-tango na lang siya, ganoon din si Maddie at dinaldal na ulit sila ni Emon. Hindi na rin kami nagtagal sa tamabayan, umuwi na rin kami agad, biglaan kasing bumuhos ang ulan. Napakaripas pa kami nang takbo dahil isang bagsakan lang din ang pagbuhos niyon na halos kasing laki na ng jolen ang patak!
Nang marating ang gate ay nakaamoy pa ako ng adobong ulam na niluluto ng kapitbahay. After I got to the door and while wiping myself so they wouldn't see that I got wet from the rain, I was already anticipating what our dish for tonight would be. Natakam ako bigla sa amoy noong adobo kaya hinihiling ko sa utak ko na sana ay masarap din ang ulam namin.
"Ma!" masaya kong pagtawag kay Mama pagkapasok ko sa loob. Tinawag ko pa ulit siya pero hindi siya sumagot.
Nang marating ko ang sala ay napahinto naman ako no'ng makita siyang tahimik na nakaupo sa sofa, nasa phone ang mga mata. Nakita ko naman si Kuya Ikio na nakasandal sa poste ng hagdan, magkakrus ang mga braso sa dibdib at nasa sahig ang tingin.
Si Ate Ingrid naman ay patagilid na nakaupo sa couch, nakapatong ang mga hita sa arm rest... Sumisimsim ng kape sa pabortio niyang tasa habang nasa phone lang din nakatuon ang atensyon. Saglit lang niya akong matalim na tiningnan. Inosente akong nakatayo lang, walang kaalam-alam at naguguluhang nakamasid lang sa kanila.
Tahimik lang sila ngunit puno ng bigat ang bahay. Pinapanood ko lang kung paano tingnan ni Mama 'yong phone niya, kitang-kita sa kaniyang mukha na marami siyang iniisip. At nakita ko na lang na nilapag niya 'yon sa center table saka ako tahimik na nilapitan.
Puno nang pagtataka at pagtatanong ang mga mata ko nang tingnan siya, 'yong blankong mukha ni Mama habang nakatingin lang siya sa 'kin... halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. At bahagya na lang akong napagilid nang bigla niyang hinampas ang braso ko. Wala akong kamuwang-muwang na napatingin na lang sa kaniya.
Habang ganoon pa rin ang hitsura ni Mama ay inulit niya pa 'yon. Nanginginig na ang labi ko nang malakas na niyang hinahampas-hampas ang braso ko. Ang nagagawa ko na lang ay subukang salagin ang mga 'yon gamit ang braso ko. Hanggang sa pigil na napaiyak na lang ako no'ng sumisigaw na si Mama habang hinahampas ako.
"Anong ginawa mo... Anong ginawa mo!" Buong lakas na hinigit-higit ni Mama ang kwelyo ko. I couldn't recognize Mom seeing her aggressively shouting and pulling my collar. "Isko!"
"Ma..." nanginginig ang boses na pagtawag ko kay Mama. Para naman siyang natauhan sa ginawa at may pagsising binitawan ako, napapaatras na si Mama palayo sa akin.
"Bakit ka huminto, Ma?" ani Ate Ingrid na nasa likuran na ni Mama. "Tama lang 'yan! Dagdagan mo pa! Kulang pa 'yan! Tama nga lang din na saktan 'yan para magtanda, eh!"
Gulong-gulo na ang isipan ko sa ginagawa nila sa 'kin at mas lalo pang lumakas ang pigil na pag-iyak ko nang makita ko si Kuya Ikio na lumabas ng kwarto, may dala-dala siyang sinturon. Nang makita kong inabot 'yon ni Kuya Ikio kay Mama ay maingay na ang pag-iyak ko, nakayukong umaatras palayo sa kanila.
Nagmamakaawang umiiling ako kay Mama habang nakatingin lang siya sa sinturon. Gusto kong magsalita, gusto kong sabihin kay Mama na natatakot na ako sa kanila... Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko at sabihin kung ano ang totoong nangyari do'n sa gym, but I'm afraid that once I open my mouth... they'll do more than just hitting me.
After a bit, I just balled up my fist and closed my eyes tightly when I saw that Mom had turned around and was just seated back, refusing to take the belt that Kuya Ikio was handing her.
"Sabihin mo... Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Mama sa 'kin na tanging paghikbi lang nang maingay ang naisasagot ko sa kaniya. I can feel my Mom's sharp gaze on me. "Bakit mo ginawa 'yon?! Bakit mo ginawa?! Magsalita ka, Isko! Bakit?!"
Halos mapaigtad ako sa kinatatayuan no'ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Mama. Nang magawa ko siyang tingnan ay agad din akong hindi makatingin ng diretso sa kaniya, napahawak na lang nang mahigpit sa laylayan ng damit at humikbi.
"Kung nandito lang sana ang Papa ninyo..." Mom spoke in pain.
Even Kuya Ikio and Ate Ingrid were left speechless by her words... They both stared at the floor at once, as if they had just remembered something. Something that holds a major place in their lives. Something that means a lot to them... someone who's very important to them.
"Ginawa ko naman siguro lahat para mapabuti kayo at hindi kayo matulad sa ibang bata na naging bulakbol, bayolente at barumbado. Pero bakit... bakit parang nagkulang pa rin?"
May buong pigil ang pag-iyak ko at basang-basa na ng luha ang mukha ko habang nakatinging umiiling kay Mama.
"Naging masama ba 'ko, Isko? Ha? Naging masama ba 'ko sa inyo?!" Mom cried. I bent down and shook my head again. "Naging ganyan ka, e!"
"Bakit mo sinisisi sarili mo, Ma? Choice naman niya 'yan!" direktang sigaw ni Kuya Ikio sa 'kin. "Pinili niyan maging ganyan... magpaimpluwensiya sa mga barkada niya! Kung gusto niyan gumawa ng gulo, gagawin niya 'yan! Kahit pa pagsabihan mo hindi 'yan susunod! Sobrang tigas ng bungo! Wala na ngang respeto 'yan sa 'kin saka sa Ate niya, e... Kapag kakausapin, kung 'di man sasagot, sasagot naman ng pabalang saka pasigaw!"
"May mali na talaga diyan sa anak mo, Ma..." Si Ate Ingrid. Walang kamuwang-muwang akong napgalipat-lipat nang tingin sa kanila nina Kuya Ikio... my eyes were shooting questions about what they were wording to me. "Ganyan na nga, mahilig pa gumawa ng gulo... Hilig din niyan magsinungaling. Ewan ko ba sa ugali niyan, sobrang kakaiba. 'Di lang tatanga-tanga, bobo pa."
"Ingrid!"
"Totoo naman, Ma, e! Simula pagkabata niyan ganyan na 'yan! Parang kulang-kulang, e!" When I heard that, I soon clenched my fists and pressed my lips tightly. "Kanino ba nagmana 'yan?"
Mabilis akong naglakad patungo sa center table at padarag na dinampot ang tasa saka 'yon malakas na binato sa sahig. Sumabog ang tasa at nagsikalat pa ang mga parte saka bubog nito. Dinig kong napatili at napaiwas pa si Ate Ingrid nang binato ko 'yon, her whole mind was that I would throw it directly at her.
They were all silenced by what I did, looking at me with shock and confusion in their eyes. Nothing is wrong with me... there's nothing wrong with me... there's nothing wrong with me... there's nothing wrong with me! There is nothing wrong with me!
I immediately ran up to my room... I then heard Kuya Ikio yelling at me. And when I was about to shut the door, he kicked it really hard and outrageously beat me with a belt... while still deafeningly yelling at me.
"Tama lang talaga sa 'yo na saktan, e!"
Umalingaw-ngaw ang kalabog sa kwarto ko nang pwersahan niya akong pinahiga, at doon ay tinaggap ko na lang ang mga sunod-sunod na palo ni Kuya.
I must believe why you are feeling gloom
But I was left crying under your bed of lies.
Then you whispered in the dark room
"As the world hates us, leafless trees are still alive."
Sunday morning with the big hand wall clock pointed at 10, outside, there was a light drizzle with the wind blowing, and Fufu sleeping silently and peacefully here on the windowsill... I just sat in the old chair, stretching apart from the world while making art at the window.
But why does sunlight hurt in the afternoon?
As you said, it was supposed to make me feel alive
Why does rain keep me hanging inside my room?
Engulfed myself with a dusty blanket to survive
My mind was solely on what I was doing while listening to a song through the earphones stuffed in my ears. I did some sketching first and what I focused more on was the man's face... I had made the base of his hair and was just polishing it.
You said the leafless trees are still alive
Just like dead birds can still fly
You reminded me to smile and not to die
Hearing your whispers over the din in July
I looked like a tiny little sleeping fawn
Under the dying tree's branches that creep and cry
In the swaying tall grass, I seem to have grown
That's what you see, while I'm still wondering why
And even though there is a song playing in my ears, I can still hear in my mind the sound of the pencil lead rubbing against the paper as I render the man's features in each shade.
Why does sunlight hurt in the afternoon?
As you said, it was supposed to make me feel alive
Why does rain keep me hanging inside my room?
Engulfed myself with a dusty blanket to survive
Why does sunlight hurt in the afternoon?
As you said, it was supposed to make me feel alive
Why does rain keep me hanging inside my room?
Engulfed myself with a dusty blanket to survive
I guess leafless trees are not alive
Just like the dead birds cannot fly
And you only thought me to die
Hearing your noises every July
Ang sinunod ko namang ginuhit ay ang ibon... a dead bird. Ganoon lang din ang ginawa ko... nag-sketch muna ako saka ko ito pinolished at nilagyan pa ng ibang detalye.
I must believe why you are feeling gloom
But I was left crying under your bed of lies.
Then you whispered in the dar kroom
"As the world hates us, leafless trees are still alive."
You said the leafless trees are still alive
Just like dead birds can still fly
You reminded me to smile and not to die
Hearing your whispers over the din in July
I looked like a tiny little sleeping fawn
Under the dying tree's branches that creep and cry
In the swaying tall grass, I seem to have grown
That's what you see, while I'm still wondering why
Why does sunlight hurt in the afternoon?
As you said, it was supposed to make me feel alive
Why does rain keep me hanging inside my room?
Engulfed myself with a dusty blanket to survive
Why does sunlight hurt in the afternoon?
As you said, it was supposed to make me feel alive
Why does rain keep me hanging inside my room?
Engulfed myself with a dusty blanket to survive
I guess leafless trees are not alive
Just like the dead birds cannot fly
And you only thought me to die
Hearing your noises every July
Shading after shading, that's all I'm doing after I've drawn the dead trees that surrounded the man and the dead bird.
The man was sitting on the ground, without a cover on his entire body. He was collecting and plucking the feather off the dead bird, then stabbing his back with its sharp tip.
He was surrounded by dead birds and eerie, lifeless trees in a complete atmosphere of darkness... No leaves adorn the trees. Everything was dark... and empty.
Why does sunlight hurt in the afternoon?
As you said, it was supposed to make me feel alive
Why does rain keep me hanging inside my room?
Engulfed myself with a dusty blanket to survive
I guess leafless trees are not alive
Just like the dead birds cannot fly
And you only thought me to die-
Saka na lang ako napahinto sa pag-sha-shade at naitanggal ang nakasuksok na earphones sa tainga nang makita ng gilid ng mata ko si Mama na nakasilip sa pinto at doon kumatok para kuhanin ang atensyon ko. Nilingon ko siya.
"Isko, bili ka nga ng macaroni... isa't kalahati. Tapos evap.. Magluluto ako ng sopas mamaya," nakangiting sabi ni Mama na tahimik ko lang na tinanguan. Naglakad naman siya papasok at inilapag 'yong pera sa study table. "Lagay ko na lang dito, ha?"
"Hmm," pagtangong sambit ko bago siya nagpunas ng basang kamay sa suot niyang apron at umalis.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya at saka binalingan ng tingin 'yong pera na nasa table bago malalim na bumuntong-hininga at kinuha ang phone. Napatulala pa ako saglit bago nilagay sa shuffle mode 'yong music player at tumayo para gumayak.
Habang nakikinig ng kanta ay pumunta ako sa maliit na grocery store malapit lang sa bahay nina Wesley. At noong mabili ko 'yong inutos ni Mama, at no'ng pagkalabas ko ng store ay napatingala ako sa kalangitan... nakita kong mas lalong lumakas 'yong ulan.
Naibaba ko na lang ang hawak kong payong. Hindi ako pwedeng sumulong, baka mabasa lang ako pati ang phone ko. Kita ko pa na paiba-iba ng direksyon 'yong hangin kung saan natatangay din 'yong malakas na ulan. Nagsisisayawan pa 'yong mga puno.
Pumunta na lang ako sa isang tabi at pinanood ang malakas na buhos ng ulan. Hindi rin kasi pwede na tumambay ako sa mismong harapan ng grocery dahil sa labas nito ay may naka-display ding mga paninda. Mga mantika 'yon, itlog, magkakaibang kilo ng bigas, nakasabit na mga plastic cups, makukulay na gummies, at saka prutas.
I heaved a sigh. The rain was so severe that I could almost barely see the whole place. I could even see the trees dancing madly, colliding with each other, and making an unknown noise along with the sound of the blowing wind. Why does nature seem to be telling me what's really happening inside of me?
While staring up and leaning against the wall, I pouted and puffed out my cheeks, moving away from sitting from deep thought. Habang ganoon ay hindi ko napigilang huwag lingunin 'yong tao na nasa tabi ko, his cigarette smoke was polluting the surroundings.
Pagkalingon ko sa lalaki ay agad na nawalan ng hangin ang pisngi ko, as unexpected as a bubble bursting off. Matagal akong nakatingin lang sa kaniya, hindi makapaniwala sa nakita. Napansin ko na siya kanina rito pero hindi ko siya nakilala agad dahil sa bagong gupit niya na buzz cut.
He was wearing an ordinary shorts. A black shirt on top, which sleeves were rolled up. His biceps were showing every time he smokes a cigarette. Sa dalawang ring na hikaw niya, mukhang-mukha talaga siyang siga. Inalis ko na ang tingin sa kaniya no'ng humithit at bumuga siya ng usok.
"Wala ka talagang gusto?"
Napalingon ako sa kaniya no'ng marinig ko siya nang kaunti. Tinanggal ko naman agad 'yong isang earphone sa tainga ko. "Ha? Ano?"
He cooly blew out a smoke and turned to look me directly in the eyes. "Hindi mo talaga ako gusto?"
"Eh?!" Tumaas ang boses ko, at natawa na lang nang maproseso 'yong tinutukoy niya. Nag-iwas siya nang tingin. Napangisi naman ako. "May gusto? Ako? Sa 'yo? Anong klaseng tanong 'yan? Hindi mo pa ba nagagawang tumingin sa iba? Kahit 'yong... napatingin ka lang by accident... ganyan?" I hissed. "Imposible kung hindi."
Inalis ko na ang tingin sa kaniya. Hindi ko mapigilang matawa.
"Nakatitig ka," dinig kong walang kabuhay-buhay niyang sabi.
"Ah!" Natauhan naman ako bigla at napayuko na lang. Nakulong niya ako sa sinabi niya! Hindi ako makakapa agad ng isasagot dahil totoo naman! Napanguso ako. "O-Oo! Magkaiba nga sila... Magkaiba 'yong titig sa tingin!" Tiningala ko siya. "Pero, eh, ano naman ngayon sa 'yo kung nakatitig ako? Hindi ba pwedeng bago lang sa 'kin 'yong hitsura mo? Napatitig ako out of curiosity?" Tukoy ko sa gupit niya. Nakita ko naman 'yong mukha niya tulad noon na tila nagtataray. "Saka, por que ba kapag nakatitig ako, may gusto na kaagad ako sa 'yo?" pabulong na sabi ko.
Umayos siya nang tayo habang kaunting nakatingala pa rin.
"Tatlo," sabi niya mula sa malalim na boses. Nagtatanong naman ang mga mata ko. Nagtaas siya ng isang daliri. "Tumitig ka dahil may gusto ka sa 'kin..." Mabilis na kumunot ang noo ko. The tip of his cigarette lit up when he smoked, he then gestured his two fingers to me where the cigarette was stuck. "May gusto ka sa 'kin kaya tumitig ka kasi gusto mo 'kong makausap," he boastfully said.
I teasingly snickered. Saglit pa akong napatago ng mukha para doon tumawa bago siya muling tiningala. Natatawa pa rin ako! "'Yong... Nasa'n 'yong pangatlo?"
I saw his Adam's apple move when he swallowed. "Dahil gusto mo 'ko, curios ka."
Napayuko na ako at muling tumawa. Pailing-iling na tumingala ako para pahupain 'yon. Nilingon ko ulit siya. Wala naman akong nakitang kahit anong reaksyon sa mukha niya, ni hindi man lang nainis.
"Inisip mo lahat nang 'yan dahil lang sa pagtitig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Favorite word mo 'yong gusto, ano?" sabi ko pa, hindi ako pinansin.
Nakatingin lang siya sa kawalan. Tumingin na ako sa harapan at ngingisi-ngisi habang iniisip 'yong sinabi niya. Ang lakas din pala talaga nang loob nito, ano? May tama rin.
"Ganyan ba lagi 'yong iniisip mo tuwing may tumitingin sa 'yo? Siguro kapag may tumitig sa 'yo... iniisip mo pa rin na may gusto sila kahit ji-na-judge ka lang talaga nila. Delikado... iba na pala kapag tumititig ka sa isang tao, may gusto ka na agad," I teasingly said and shook my head as I tsked a few times. "Ah! 'Yong sa gym!" Napaatras ako nang kaunti at hinarap siya nang may maalala. "Nakita kita... tinititigan mo rin ako no'n! So ibig-sabihin niyan may gusto ka rin sa 'kin?" biro ko.
Hinintay ko siyang magsalita pero hindi niya pa rin ako pinansin, kung kaya ay tinawanan ko na lang siya at bumalik ulit sa pagkakasandal.
I scoffed. "Sinundan mo pa 'ko ng tingin... Aminin mo na..." mahina kong sabi.
Nakangisi akong lumingon sa kaniya pero agad na nawala 'yon at napalitan ng pagtataka ang mukha ko nang makita siyang nakatitig na sa 'kin. As he leaned in my direction... those sharp-edged, narrow eyes were staring right at mine.
He suddenly bent down a little causing me to be stunned and left speechless. Naestatwa ako, ngayon ko lang siya natingnan nang ganito kalapit... sobrang lapit. His eyes... seemed to have many languages... it was full of them.
"Ah..." Nauutal na ako! "B-Bakit, ha?" I managed to ask amid his intense gaze. I even fought his eyes so he wouldn't notice that his gaze was affecting me.
"Namumula ba?" Naguluhan ako sa tanong niya. "'Yong pisngi ko tulad ng sa 'yo?"
Mabilis akong napaiwas nang tingin! Sinubukan kong magsalit pero tarantang napapanguso at napapakapa na lang ako ng pisngi... hindi ko na alam ang sasabihin! Napakapa ako sa mga pisngi ko. Shit... he saw me like this! Nasilip ko siyang kaswal na bumalik ulit sa pagkakasandal... parang walang nangyari!
"H-Hoy! Ano 'yon?" Para naman akong naaaning noong tumawa ako nang pilit, at napapunas naman siya ng braso niya nang pabiro ko siyang sinundot ng basang payong doon. "Nagbibiro lang naman ako, e. Saka... mainit, 'no! Dala lang 'to ng panahon! Ang init pa rin kaya kahit umuulan!" palusot na sabi ko at nagpaypay pa gamit ang kamay.
Nakita ko naman siyang maangas na tumangu-tango lang sa sinabi ko. Sabay na humaba ang nguso ko at nagsalubong ang mga kilay ko paiwas nang tingin sa kaniya. Inangat ko naman ang dala kong supot na may lamang macaroni at evap., sabay na gigil na gigil na nilamukos 'yon.
Huh?! He's not believing me, right?!
Nakangusong naibaba ko na lang 'yon at bumuntong-hininga, sinabayan na siya sa pananhimik niya. Inisip niya talaga na may gusto ako sa kaniya... Tss! Tamaan na lang ako ng kidlat, 'no! Hindi ako pumapatol sa mukhang kanto!
I mean, hindi naman siya totally mukhang kanto at kanto-boy, hinding-hinding ko lang talaga siya papatulan. Hindi ko kaya. Never! But... why do I seem to be affected to his gaze? Tss! Noway! I just screamed in my mind and shook it off.
Si Toshi lang nakakagawa niyon sa 'kin.
Maya-maya pa habang tinatanggal ko ang earphones sa phone ko ay mabilis ko namang naibulsa 'yon at saka hinanap sa gallery 'yong picture. I just remembered something.
"Hoy," pagtawag ko sa kaniya nang mahanap ko na 'yon.
He turned to me. I showed him the photo I shot from the utility post last week. Saglit lang naman niya 'yon na tiningnan, so I took my phone back and looked at this photo with a frown. He is a beautiful cat and innocent only for people to do that to him. His owner must be very sad, and they are aching to see him.
"Nakita ko sila." Pagsasalita niya bigla.
Tiningala ko siya. "Hmm?"
Hindi pa siya sumagot, humihit lang siya sa sigarilyo niya. He then breath out a cloud of smoke. "Bumili sila ng bago... Para sa anak nila."
A weight immediately settled in my chest. Marahan naman akong napabalik ulit ng tingin sa picture na pinagmamasdan ko... Bumili sila... ng bagong pusa? Not much time has passed yet... and he was replaced that quickly? Huminto na kaagad sila sa paghahanap sa kaniya? Sumuko na kaagad sila? Kinalimutan na lang nila siya... nang gano'n kabilis.
Tama siya.
Nilingon ko siya para sabihin sana 'yon nang mapatanga naman ako non'ng makita ko siyang nakatingin lang sa gilid ko. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, at naitago ko na lang ang braso sa likod ko no'ng malaman na sa pasa ko pala siya nakatingin.
I faked my cough to get his attention, and I could see that he seemed to have woken up when he suddenly looked away from my arm and calmly cast his eyes on the front.
After a bit, I caught an image of him out of the corner of my eye, he was glancing at me as if he were cautiously checking something. Until I just noticed that he threw his still-half-smoked cigarette on the floor and stepped on it.
"Bata." Napatingala ako sa kaniya. Bata?! Umalis siya sa pagkakasandal bago nakapamulsang naglakad palayo. "H'wag mo silang hayaang saktan ka... Hindi 'yon tama," sabi niya roon.
It was starting to drizzle now, and as he was leaving... I just followed him quietly with my eyes while settling my thoughts on what he had said.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top