Chapter 10


From the background of the utility pole I was looking up at, I could see the dark clouds moving slowly across the sky. My attention was drawn to the poster attached to the pole, half of which was flapping in the wind.


"Missing... Mochi."


Agad na lumipat ang tingin ko sa gilid ko nang marinig ang pagsasalita ni Wesley. Inakbayan niya ako at nakatingala na rin silang lahat doon sa poster na tinitingnan ko kanina. Naniningkit pa ang mga mata nila dahil sa silaw ng kalangitan.


"February 26, 2024. Last seen at 6 PM," basa ni Maddie roon habang ang isang kamay ay nakasilong sa ibabaw ng mga mata.


"Kahapon lang, ah?" Para namang namamangha ang boses ni Emon nang sabihin 'yon.


I fished up my phone in my pocket and immediately slid its camera. Kiunuhanan ko ito ng litrato at nang matapos ay nagtataka naman ang mukha ni Wesley habang nakatingin siya sa akin.


"Try kong i-post... baka makatulong," pagpapaliwanag na sabi ko na tinanguan niya lang.


I lied.


"May substantial reward!"


Sabay-sabay naman kaming napalingon kay Emon nang marinig 'yong pagsigaw niya. Kita ko na nakangiti pa siya habang nakaturo roon sa presyo ng reward. Agad namang nawala ang ngiti niya at may ilang na tumatawa habang nagpalipat-lipat ang tingin sa 'min.


"Masaya ka?" seryosong tanong ni Maddie sa kaniya, nakahalukipkip.


Napakamot na lang siya ng batok. Inalis naman ni Wesley ang akbay niya sa akin saka niya pinulupot ang malaking braso niya sa leeg ni Emon. Habang ganoon ang postura nila ay agresibo siyang hinila ni Wesley.


"Mayaman na kayo, garapal ka pa rin?!" ani Wesley. Emon just laughed pleadingly as he patted Wesley's arm.


Maaga kaming pumasok dahil nag-chat si Wesley sa GC namin kagabi, masyado pang maaga 'yong pag-chat niya na halos idamay pa kami sa pagpupuyat niya. Nagsabi lang siya na kung hindi ba raw namin siya na-mi-miss. Nagda-drama pa siya sa 'min na ang sabi, kala ko ba strong tayo since 2019? Pero siya naman ito ang busy at hirap nang mahagilap.


No'ng gabi rin ay napagkasunduan namin na pumasok nang maaga at magkita-kita na lang doon sa tambayan. It's only during that period that we can all be together, as everything will return to normal in the afternoon.... May kaniya-kaniya na kaming gagawin sa loob ng school. At noong magkita nga kami ay nagkaayan na rin kami na kumain ng lomi sa may malapit lang kina Emon.


Mula sa bahay nila Maddie ay apat na kanto pa ang nalagpasan namin bago namin narating 'yong bahay nila Emon, at 'yong food cart na lomihan naman ay kinailangan pa naming tumawid sa palayan na nasa likod bahay nila. Mabuti na lang ay hindi umulan kagabi, tuyo 'tong lupa na tinatawiran namin, hindi maputik.


Pagkarating ay marami-raming mga motor ang bumungad sa 'min sa entrance, at ibig sabihin lang niyon ay marami ring tao. 'Yong lugar na pinagtayuan nila ng lomihan ay parang random lang nila 'tong napili, para 'tong lote na for sale at binili nila para rito lang.


Ang ikinaganda naman sa lugar ay hindi na masyadong kinakailangan ng malawak na tent para masilungan ang mga tao, 'yong simpleng malaking payong lang ang gamit nila na nasa gitna ng mesa dahil napapaligiran naman ang lugar ng malalaking puno.


"Hawakan mo," biglang pasuyo ni Wesley sa akin nang makahanap kami ng table.


Ang tinutukoy niya ay hawakan ko 'tong dalawang upuan na bantay sarado niyang kinakapitan. Ginawa ko naman agad ang sinabi niya at nakita ko na lang na 'yong upuan na uupuan sana ni Emon ay maangas niya 'yong binuhat at tinakbo sa malayo saka niya 'yon binigay sa iba.


"Lintek na 'yan... Bwisit ka, Wesley! Ang gara mo!" para namang maiiyak na si Emon noong tinungo niya 'yong upuan doon. Hiyang-hiya pa siyang kinukuha 'yon pabalik mula sa babae, tuwang-tuwa pa naman 'yon kanina nang offer-an siya ni Wesley niyon. Kita ko na payuko-yuko na lang na humingi ng sorry si Emon.


Tumatawang nakabalik na nga si Wesley at umupo sa hawak kong upuan. "Crush ka lang niyan, 'te!" sigaw niya pa bago ako nilingon at tinapik 'yong upuan sa tabi niya. 


Siya naman ang nag-urong ng upuan para maayos akong makaupo. Tatlo kaming nakatingin lang kay Emon. Habang naglalakad siya palapit sa puwesto namin at bitbit ng isa niyang kamay 'yong upuan ay hindi niya binababa 'yong kamay niya na naka-fuck you direkta kay Wesley.


"Sira-ulo ka, 'yong trip mo nakaka-badtrip!" pikon na atungal ni Emon pagkaupo niya sa tabi namin.


"'Di ka man lang naawa kay Ate, e. Nakakahiya ka, Mon, wala ka man lang ka-gentle-gentle dog sa katawan mo," Wesley said with his arms folded and tsked a few more times.


"Talaga... wala akong upuan, e. Walang babae-babae rito... first come first get."


"Kayong dalawa ang nakakahiya," masungit na sabi ni Maddie at napairap na lang siya.


Pinag-usapan na namin kung ano 'yong lomi na o-order-in. Pinag-isa-isa na kasi nila 'yong bayad para sina Wesley saka Emon na lang ang o-order doon. Ang napili lang nina Emon saka Maddie ay regular at 'yon din sana ang pipiliin ko pero kinulit ako ni Wesley na i-try ko raw 'yong lechon lomi.


Sinabi ko naman sa kaniya na ang mahal niyon at nahiya na lang ako dahil wala naman sa plano ko na iparinig 'yon sa kaniya, sadyang totoo naman talaga na mahal 'yon at hindi kasya ang pera ko pero nagsabi siya sa 'kin na siya na lang daw ang magdadagdag ng kulang.


Tumanggi ako pero mas nasunod pa rin siya. "Dadagdagan ko na nga lang... Kulit," sabi pa niya habang naglalakad na papunta roon sa food cart, dala na 'yong bayad namin.


Nakabalik naman sila agad at sila na rin ang nag-serve noong pagkain. Habang kumakain ay nagbibiruan lang kami at nagkukumustahan na para bang taon rin ang lumipas nang hindi kami nagkikita, e, two weeks lang naman 'yon.


Nang lumalim ang usapan namin ay nagtanong si Wesley tungkol roon sa issue na nangyari kay Maddie. Nasabi na rin naman 'yon ni Maddie sa 'min ni Emon kung kaya ay medyo binusy ko na lang ang sarili ko sa pag-sketch ng paligid habang pinag-uusapan nila 'yon.


"Parang hindi yata okay na sinabi ko 'yon sa inyo," rinig kong sabi ni Maddie.


"Ha?" rinig kong takang sambit naman ni Wesley.


"Hindi ba paninira rin 'yong ginagawa ko sa kaniya since kinukuwento ko 'yong negative side niya sa inyo-"


"Hindi," pinutol agad ng lalaki ang pagsasalita ni Maddie. "Nagsasabi ka lang ng totoo."


"No'ng nakuwento ko kasi sa inyo 'yong mali niya, hayan, ganyan 'yong nagiging response niyo sa kaniya. And I feel bad kasi hindi ko naman intensyon na maging masama 'yong tingin niyo sa kaniya since misunderstanding lang talaga ang nangyari. It's nobody's fault."


"Mabait ka lang kasi... Tingnan mo, mas iniisip mo pa magiging take ng mga tao kapag nalaman nila 'yong totoo tungkol sa kaniya hindi mismo sa kung sino 'yong nasira. Ikaw 'yon, e."


Nag-scoop ako ng lomi at sinubo 'yon. Habang ngumunguya ay inililibot ko ang paningin ko sa paligid, naghahanap ako ng subject. Pagkatingin ko sa kanan ay nakita ko 'yong lalaki, maganda ang postura niya... nakasandal ang braso niya sa mesa habang nakahilig naman paharap ang katawan niya roon sa food cart.


While watching the vendor prepare the lomi he ordered, he gestured with a waiting hand as he repeatedly tapped his fingers on the table. Sa table ay may dalawang bote ng softdrinks ang nakapatong doon. Agad akong nagbuklat ng pahina sa sketchbook ko at sinimulang i-sketch 'yong lalaki kasama 'yong  kabuoang setting.


"Okay lang ba talaga?"


"Tama 'yong sinabi ni, Wesley. Okay lang 'yon..." narinig kong nagsalita na rin si Emon.


"Bakit sila, inisip ba nila na magiging okay ka lang sa ginawa nila sa 'yo?" opinyon ni Wesley.


"Ayaw lang ni Maddie na mag-escalate at lumaki 'yong issue. Saka magsabi kayo ng masasamang salita kay Avril," sabi ko naman habang nakatuon pa rin sa ginuguhit.


Nilingon ko ulit 'yong lalaki, 'yong top niya ay dark grey na sleeveless shirt na may kalakihan ang hiwa sa magkabilang gilid. Iyong pang-ibaba naman niya ay simpleng itim na baggy sweatpants. No'ng random na sumagi lang sa isip ko na huminto muna sa pag-s-sketch at sumubo muna ng lomi ay bumaling ang atensyon ko roon.


"Pero tama ba na i-post pa nila 'yon? Well in fact 'yong ginawa nila is defamation saka cyberbullying? These two are big words. Pwede silang makasuhan niyon," magandang punto ni Wesley.


"Idol! Mahal na kita. I will hire you as my lover lawyer!" malakas na sabi ni Emon. Nasilip ko namang nag-fist bomb pa ang dalawa. "In the future!"


"Masyado kang advance, ah... baka pagkapasa ko pa lang ng board gagawa ka na agad ng krimen?" Napangisi naman ako sa sinabing 'yon ni Wesley.


"'Di na kita mahal!"


"Okay lang."


Dalawang subo pa ang ginawa ko bago muling itinuon ang mga mata sa pahina at doon sa lalaki. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa page at sa lalaki, at sa halos doon na lang nakatuon ang atensyon ko ay naririnig ko na rin 'yong pagkaskas ng lapis sa papel.


Huminto ako saglit para angatan sila ng tingin. "Ang ibig ko lang sabihin... or what Maddie mean is... ginagawa niyo rin kasi 'yong ginagawa nila kaya parang wala kayong pinagkaiba sa kanila."


Nagsasalita kasi sila ng kung anu-ano rin tungkol kay Avril na parang wala silang pinagkaiba sa mga nang-insulto kay Maddie. Kaya gano'n na lang kung ma-guilty si Maddie, hindi naman talaga 'yon ang intensyon niya na maging response namin.


"Hmm," pagsang-ayong sambit naman ni Maddie. Napansin ko na wala pa rin sa kalahati ang nababawas niya sa lomi... she really wanted to get those things off her chest. "Ayoko 'yong may maging masama sa 'min, ang gusto ko lang mangyari ay maayos 'to. 'Yon lang."


Napatango-tango naman si Wesley habang nasa baba ang tingin. Saglit lang din 'yong pananahimik niya dahil para siyang biglang nabuhayan nang agresibo siyang mag-angat ng tingin. Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa pagguguhit.


"Pero nakakagigil lang, e! 'Yong gigil ko 'di na alam kung sa'n ko dapat ituon. Alam mo 'yon? Valid pa rin naman yata 'tong gigil natin kaya 'di maiiwasan na makapagsalita tayo ng masasama, 'di ba?"


"Kahit ako rin, eh." Si Emon.


Huminto ulit ako at sumubo ng dalawa, at noong pagkalingon ko sa lalaki ay sabay na napahinto sa pagguhit ang kamay ko at sa pagnguya naman ng pagkain ang bibig ko nang makitang direktang nakatingin na siya sa mga mata ko!


Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makilala 'yong lalaki at agad na nag-iwas ng tingin sabay mabilis na sinara ang sketchbook. Napalakas naman ang pagsara ko niyon kung kaya ay lahat sila biglang napahinto at napalingon sa 'kin, nagtataka sa reaksyon ko.


"Gusto niyo soft drinks?" I flashed a wide smile at them so that it would not be obvious that I was hiding something behind my reaction.


Nakangiti pa rin ako habang hinihintay ang magiging sagot nila... at nakita kong nangsususpetyang napatango na lang si Wesley sa 'kin. Pakunwari naman akong tumawa bago tumayo at humugot ng pera sa bulsa.


Nang maglalakad na sana ako papunta roon sa food cart ay saka ko lang naalala na nandoon pala siya! Ewan ko ba. Mali ang naidahilan ko... sa sobrang pagkataranta ay 'yon na lang ang naisip kong dahilan!


Muli kong hinarap sina Wesley at lahat naman sila ay nakatingala na sa akin, nagtatanong pa ang mga tingin nila. Habang ganoon ay pinapatunog ko lang ang mga daliri ko at nag-iisip ng pwedeng idahilan ulit.


"Bakit?" takang tanong ni Wesley. Bigla naman siyang nagmuwestra ng mga palad niya sa harapan ko na parang sumasalo ng tubig. "Natatae ka ba? Oh."


"Hindi!" singhal ko sabay hawi noong palad niya.


Iritableng napakamot na lang ako ng ulo at tinalikuran na sila. Habang naglalakad at pagkalagpas ko sa pwesto ng lalaki ay hindi ko magawang umakto ng normal! Parang lahat yata ng muscles ko sa katawan ay naningas dahil sa kaba, idagdag pa na nararandaman kong nakatitig lang yata siya sa akin sa likuran ko!


"Tatlong soft drinks ho," mabilis na sabi ko na kay Kuya lang ang tingin. Natawa naman si Kuya sa akin bago siya nagtungo sa likuran nitong food cart.


Habang hinhintay 'yong binili ko ay hindi ko alam kung paano ko ilalagay ang sarili ko sa maayos na sitwasyon! Parang kapag may ginawa akong kilos ay magiging weird na kaagad ang tingin niya sa 'kin... dahil kanina pa lang... alam kong 'yon na ang iniisip niya!


After a while, I fell to my side when someone suddenly stood beside me. Noong gumilid ako ay hindi ko man lang iniba ng direksyon ang mga mata ko, kung kaya no'ng makita ng gilid ng mata ko kung sino 'yong tumabi ay agad akong napatingala sa kaniya at saka rin mabilis na nag-iwas ng tingin.


Hindi ako mapakali habang alam ko sa sarili ko na nasa tabi ko lang siya... Napapasulyap-sulyap lang ako sa kaniya. Gusto kong magsalita at dipensahan ang sarili ko sa nangyari kanina pero hindi pwede, nangako ako sa kaniya na hindi ko na siya guguluhin at hindi ko na siya kakausapin!


"May sasabihin ka?"


Habang mulat na mulat ang mga mata ay mabilis akong napatingala sa kaniya. At bago pa niya ako matapunan ng tingin ay agaran ko namang iniwas ang mga mata ko at tinuon 'yon sa harapan saka na natatarantang umiling.


I repeatedly tapped my thigh. Kuya 'yong soft drinks ko!


"Ako meron," malamig na sabi niya.


Nag-aalangan naman akong napatingala ulit sa kaniya at hinintay 'yong sasabihin niya, my eyes are still wide open. No'ng okay na 'yong order niyang lomi ay pinapanood ko lang siya habang nakikipag-usap kay Manong. Nang matapos ay binitbit na niya 'yon at hinarap ako.


"Tigilan mo na rin 'yong pagtitig sa 'kin," sabi niya sabay lagpas sa akin!


Agad namang napaawang ang bibig ko. Napahawak na lang ako sa dibdib at sinundan siya ng tingin habang maangas siyang naglalakad palayo... Nasaktan ako ro'n, ah!


"You can hurt, too. You can hurt, too... Nakita na namin 'yon..." Rinig kong bulong ni Wesley habang nakatingin siya kay Maddie. Tungkol pa rin sa issue 'yong pinag-uusapan nila habang naglalakad na kami papuntang school.


Pareho kaming apat, nandoon pa rin sila sa issue at ako naman ay nando'n pa rin sa nangyari kanina. Hindi naman talaga ako nakatingin... Hindi ko rin siya tinititigan! Kung alam ko lang na siya 'yon ay hindi ko 'yon gagawin! Wala akong alam na siya pala 'yong inaakala ko na ibang tao. Nasanay ako na naka-uniform siya... malay ko ba!


"Masyado kang mabait, parang gusto mong tulungan 'tong mundo. Eh, hindi naman mali ang maging selfish lalo na sa ganitong sitwasyon."


Sabi na nga ba na 'yon talaga ang iniisip niya tungkol sa akin! I just shook that thought out of my mind at nag-focus na lang sa pinag-uusapan nila Wesley.


"What do 'you mean?"


"I mean, disregard kung ano magiging response mo, dahil ikaw mismo 'yong naging target of oppression nila," ani Wesley. "You've been hurt. And kung ano man magiging take mo, that's your response sa ginawang pananakit nila sa 'yo. At hindi ibig sabihin na nagsasalita ka ng masama na totoo naman tungkol sa kanila ay sinusubukan mo silang saktan pabalik, you're just seeking understanding and resolution."


"Aye... Anong vitamins mo, Wes?" biglang singit namang sabi ni Emon. "Tumatalino ka na, e."


"Paracetamol," sagot ng lalaki na ikinatawa naman namin ni Emon. Pabirong siniko ko ang tagiliran ni Wesley.


"Uhm, saka 'to, emotional venting 'tong ginagawa natin... Sa nabasa kong Self-Help Book, nakakatulong 'to for emotional relief," dagdag ko sa sinabi ni Wesley. Habang nasa harapan ang mga mata ay malalim akong napabuntong-hininga bago nilingon si Maddie na nasa tabi ni Emon. "And we don't have to pretend to be invisible to hide kung ano man 'yong nakakasakit sa 'tin. If you're mad, hurt, or sad... just feel what you feel. That's how we human beings are. And don't think that when you fight back equates that you're taking revenge, that you're bad too... you're not... you're just defending yourself."


I saw that Maddie smiled slightly.


"Psychology ka naman ngayon, Isko?"


"Psychologist!" Iritableng kinotongan na ni Wesley si Emon. Matapos niyon ay bumalik ulit sila sa pagiging seryoso. "Saka itong usapan na 'to... sa 'tin sa 'tin lang din, hindi natin pinapakalat o ine-escalate kaya iba kami sa kanila." Pinunto pa talaga ni Wesley 'yong salitang iba para ipadama 'yon sa akin.


Napaisip naman ako.


"In-encourage ka pa nga ni Isko na ayusin 'to personally, which is 'yon 'yong 'di nila kayang gawin," dagdag niya.


"Sa lahat ng sinabi niyo para in general..." singit ko sabay na nagmuwestra ng kamay sa harapan nila. Senyales 'yon na dapat pakinggan nila 'yong sasabihin ko. Nilingon naman nila ako, hinihintay ako. "Putang ina na lang nila."


"'Yan ang gusto ko..." Tuwang-tuwa naman akong inalog ni Wesley gamit 'yong braso niya na nakaakbay sa akin. Si Emon naman ay ganoon din ang naging reaksyon, gigil niya pang ginulo ang buhok ko. "Kuha mo!" Naglahad si Wesley ng kamao at binunggo ko naman agad 'yong akin sa kaniya.


"Putang ina nila." Sabay-sabay na lang kaming napahinto at napalingon kay Maddie noong marinig namin 'yon! "Putang ina niyong lahat!"


Para naman kaming naestatwa noong sinigaw niya pa 'yon! At noong makita namin siya na parang nabuhayan at unti-unting pumuporma 'yong ngiti sa labi niya, tila lahat kami ay nahawa ro'n. Hanggang sa nagsitawanan na kami! First time kong marinig magmura si Maddie ng ganoon kalutong!


"Mabuting impluwensya ka talaga, e!" Natatawang hinampas ni Emon si Wesley sa dibdib. 


Napahawak ang lalaki ro'n, nasaktan, pero sa halip na gumanti siya ay pinasa niya 'yong hampas sa akin! May kalakasan din 'yon at gusto ko pa sanang lakasan 'yong sa akin pero mahina lang ang ginawa kong pagpasa ng hampas kay Maddie sa may braso niya.


Hanggang sa tumatawang nagpapasa-pasahan na lang kami ng hampas at nagtatakbuhan para makaiwas sa susunod na manghahampas... palakas na kasi nang palakas 'yon! We filled the surroundings with laughter, until everything got back to normal. Naging busy ulit sina Wesley saka Maddie kaya no'ng mag-Friday ay si Emon na lang ulit ang nakasabay ko sa school.


At simula no'ng Valentine's Day ay parang hindi pa rin talaga bumabalik sa normal ang klase dahil karamihan sa teacher naqmin sa ibang subjects ay busy pa rin. Nag-asign nga lang si Ma'am Faith ng magsusulat sa blackboard noong magiging lecture namin next meeting. Matapos niyon, nagpaalam na siya sa 'min, may pupuntahang seminar.


Kapag ganito na may pinapasulat ay hindi ako makahabol agad... parati akong nahuhuli dahil sa mabagal ako magsulat at lalo na't maya't maya rin akong na-di-distract sa paligid ko. Idagdag pa 'yong katahimikan ng buong campus na natatanaw ko mula rito sa bintana, tirik na tirik rin ang araw.


Kaya kung kanina ay ballpen ang hawak ko, ngayon naman ay lapis na 'yon. Kokopya na lang ako sa notes ni Emon. Kita ko naman na seryoso siyang nagsusulat din katabi sina Castro. 


I was sketching the little bird resting on the branch of the tree, noticing its form... it looks like a hummingbird with the same pointed beak, but the only difference is that, the bird I see has yellow feathers on the chest and the back of its body is green.


Naka-focus lang ako sa pagguhit sa ibon nang bigla namang marahang namilog ang mata at bibig ko, nahagip ng mata ko 'yong lalaki. Naroon siya sa ilalim ng puno... nakaupo sa marmol na nakapalibot rito na nagsisilbing upuan.


Agad akong napaayos nang upo at naibaba ang hawak na lapis. Nasa second floor kami pero natatanaw ko pa rin siya dahil 'yong ibon na ginuguhit ko kung saan ito nagpapahinga ay 'yon din 'yong puno na sinisilungan niya.


"Tapos na ba lahat?!"


"Hindi pa!"


His hands are propped on the marble chair, at dahil sa tangkad ay kinailangan niya pang iunat 'yong mga hita niya para maging kumportable ang upo niya. He once again has an earphones on his ears while he was silently looking to the side, observing the surroundings.


Agad akong nagbuklat ng page sa sketchbook ko at dinampot 'yong lapis sa gilid nito saka sinimulan siyang iguhit. I saw his bag right next to him... oras ng klase ngayon... siguro ay pang-umaga siya, and probably he's just resting there for a while.


While sketching him, I noticed how the dreamy sunlight that shone through the trees danced around him... The sun's rays seemed to rest comfortably on his shoulders, and as if the tree's shadow gave him a sense that the world was kind. One provides the appropriate warmth, while the other provides comfort... The world appears to be talking to him pleasantly.


But I hope they do also listen.


Ang ginawa kong sketch ay portrait niya... tapos ko na siyang iguhit at ang huling ginagawa ko na lang ay tinatama ang shade at detalye ng kaniyang mga mata... Napatagilid ang ulo ko nang may mapansin ako rito.



It wasn't the way his brows met that gave him the expression that he seemed mad at the world... nor was his face that gave him the expression that he seemed to have no life left in it... it was certainly his...



I made a quick slight two strokes in his eyes before taking my eyes off of it, at noong pagkalingon ko sa kaniya ay wala sa sarili akong napahiyaw at mabilis na umupo sa sahig patago! Nagtama ang mga mata namin! He saw me in such a situation again!


"Ano 'yon?!"


Mabilis naman akong napaangat ng tingin noong marinig 'yon... at nakita ko na nga lang na lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa 'kin! Natatawa pa sila sa hitsura ko na parang nahuling binabangungot ng gising!


Mabilis ko namang kinuha ang ballpen sa desk ko. "'Ballpen ko... nahulog," naiilang na sabi ko. Natawa naman sila.


Awkward na natawa na lang din ako at saka tila uod na pagapang na tumayo pabalik sa pagkakaupo... I even tried to make sure that my head didn't stick out of the window so that he wouldn't see me there!


Sa mga oras na 'yon ay palihim akong sumisilp sa bintana para lang tingnan siya kung naroon pa ba siya, at halos minuto rin na hindi maayos ang pagkakaupo ko dahil matagal-tagal din bago siya umalis do'n!


Sa paglabas ng school noong mag-uwian, habang nakapayong ako ay sapu-sapo ko pa ang batok ko dahil sa pangangalay nito. Sumasakit pa ang ulo ko sa kakaisip na baka makumbinsi niya ang sarili niya na may gusto talaga ako sa kaniya.


Napabuntong-hininga na lang ako at napasapo ng mukha. Pagkaalis ko ng palad ko rito ay agaran ko namang binagalan ang lakad ko noong makita ko siyang lumabas doon sa may eskenita. And maybe I can call myself lucky today, dahil walang nag-abang sa akin doon sa gate ng school... at marami rin akong nakasabay na estudyante pauwi... at nakasabay ko ulit siya sa paglalakad.


Dalawang kamay na ang ginawa kong pangkapit sa handle dahil nangangalay na 'tong kanang kamay ko sa bigat nitong payong na dala ko, idagdag pa na malakas-lakas din ang buhos ng ulan at kailangan ko pang ilagay sa tamang direksyon ang payong para hindi ako mabasa.


At that moment, I just followed him quietly... and just as I promised him that I would not disturb him ever again even though I was afraid that bad things might happen to me... malayong-malayo ko nang idinistansya ang sarili ko sa kaniya.


Hanggang sa nakita ko na lang siya na lumiko na roon papasok sa loob ng bahay nila. At naiuwi ko ang sarili ko nang buo. Kinabukasan ng tanghali ay pinuntahan ako ni Kuya Ikio sa kwarto ko, pinapaalalahanan na puntahan si Mama sa palengke para tulungan ulit siyang magsara ng tindahan.


Tahimik na paglingon at tango lang ang sinagot ko kay Kuya. May mabibigat din kasing dala si Mama sa tuwing umuuwi siya, kahon 'yon na mga nabulok na prutas na ipanghahalo sa pagkain ng baboy. Mas maganda talaga na may aalalay sa kaniya, napapadalas na rin kasi 'yong pagsakit ng paa niya.


Matapos mananghalian ay nag-asikaso kaagad ako ng sarili. Hinanda ko na rin 'yong mga dapat kong dalhin lalo na 'yong massage oil na nakalimutan na namang dalhin ni Mama. Pinadalhan din ako ni Kuya Ikio ng biko na hinatid noong Mama ni Wesely dito sa bahay.


Pagkatapos ay dumiretso na ako ng sakayan at narating ko naman agad 'yong tindahan. Pagkababa ko ng jeep ay agad akong napahinto sa isang tabi noong marinig kong may kausap si Mama, nasa likuran niya lang ako at kaharap naman niya 'yong may-ari ng pwesto na nirerentahan niya.


"Hindi naman tama na wala na naman kayong maiaabot sa 'kin... Napag-usapan naman na natin na dapat magbayad kayo sa tamang oras. Maayos naman pag-uusap natin..."


"Baka pwede mo pa naman kami bigyan ng panahon, Ka Marivic... Sayang naman din 'tong mga prutas na-kakadeliver lang din sa 'kin," dinig kong pagmamakaawang sabi ni Mama.


Akma ko na sanang tatawagin si Mama pero no'ng makita ko 'yong naging reaksyon ng kausap niya na nagkrus ng mga braso at pinagtaasan siya ng isang kilay ay saglit na napaawang na lang ang bibig ko.


"Kung ito 'yong pinagkakakitaan mo, eh... itong renta naman ang sa 'kin!" sigaw noong babae.


Nakita ko naman na halos yumuyuko na si Mama sa pagmamakaawa. "Hindi lang talaga tumiming 'yong buwan na 'to, Ka Marivic... Kaka-exam lang din ng anak ko na na nasa kolehiyo, eh..." 


"Abay, may pamilya rin ako! Apat ang pinag-aaral ko... Tatlo pa ang nasa kolehiyo! Eh, baka ang mangyayari niyan, pare-pareho na tayong magutom? Nako! Bubula na lang talaga ang mga bibig namin hindi pa rin kayo nakakapagbayad!"


Mabilis na kumuyom ang kamao ko no'ng pinahiya na niya si Mama sa maraming tao sa paninigaw nito at malakas na dinuro niya pa ang balikat niya. Rinig na rinig ko pa ang paglukot ng plastic bag na dala ko na may lamang biko sa loob.


I was heated up, and before the nasty thoughts in my head could rule me, I just turned around and walked off heading for a light pole which was a bit away. Pagkarating ay dito ko nilibang ang sarili ko sa panonood ng mga sasakyan na dumadaan.


Until I just focused my eyes elsewhere. My eyes stuck there, staring in that one odd direction... I don't know what my face looks like, pero kung sakaling may makakita sa 'kin na kilala ako, they might think that I was fed up because my face showed no emotions at all.


Nilingon ko sina Mama roon sa tindahan... nang makitang hindi pa sila tapos ay muli kong ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata ko. Ilang minuto na palingon-lingon lang ako sa kanila hanggang sa naglakad na ako pabalik at sinalubong si Mama na nagliligpit na ng paninda.


"Bhie!" When I unexpectedly showed up in front of her and cheerfully called her, she almost gripped her chest in so much surprise. Inangat ko ang dala ko. "Biko! Bigay ni Tita Lori."


"Ikaw, h'wag mo 'kong ginugulat ng ganyan, ha..." pagrereklamo ni Mama sabay hablot ng dala ko. "Gamuntikan na kita mabato nitong guyabano, eh!"


Ngumiwi naman ang mukha ko nang makita 'yong patusok-tusok noong guyabano, ang sakit tingnan ng mga 'yon. Nakangiting nag-sorry na lang ako bago siya inaya na kainin na muna niya 'yong biko at ako na lang ang magpapatuloy sa pagliligpit niya.


Nang mailigpit ko na lahat ng paninda ay inutusan naman ako ni Mama na kuhanin 'yong isang kahon noong mga nabulok na prutas... Hindi ko naman mapigilan ang mapatahimik dahil parami na nang parami 'yong mga prutas na hindi nabebenta.


Noong nakaraang araw ay wala pa sa kalahati ng kahon 'yong mga nabulok pero ngayon ay umabot na 'to ng isa. Bumuntong-hininga na lang ako at agad na binuhat 'yon palabas. Pagkabalik sa loob at habang inaayos ang pagkakapatong noong mga kahon ay may napansin naman ako sa may bandang kanto... tatlong kahon 'yon ng prutas.


Tinungo ko 'yon agad dahil baka nailagay lang ni Mama 'yon doon. Binuksan ko muna para tingnan ang laman... Nang makita ay agad akong napahinto. Puno ng pagtataka ang mukha ko bago tiningnan 'yong isang kahon na nasa tabi nito. Binuksan ko rin ito, kasunod naman ay 'yong isa.


"Hindi na talaga mabenta mangga ngayon..." Napalingon ako kay Mama roon sa labas. "Isang kahon rin 'to... Sayang, nabulok lang lahat..."


Napaayos naman ako nang tayo at napayuko... Agad ko ring tinaas ang ulo ko para magpigil. Minabuti kong inayos ang bigat na nararamdaman ko sa paraan ng paghilamos ng mukha at pagsampal dito bago naglagay ng ngiti sa labi at lumabas.


"Ma, okay na!" nakangiting sabi ko.


Nginitian naman ako ni Mama pabalik at nauna ako sa kaniya sa paglalakad palabas bitbitbit 'yong kahon, pero agad rin akong napahinto noong mapansin siya na may kinukuha na kung ano doon sa bag niya.


"Hmm," sambit niya at nagmuwestra ng sobre sa 'kin. Binaba ko naman ang dala ko at takang tinanggap 'yon. "Sumama ka."


Sa sinabing 'yon ni Mama ay nagkaroon na agad ako ng ideya kung ano 'yon kaya sinilip ko ang laman ng sobre at nakitang pera ang laman nito. Magsasalita na sana ako para sabihing hindi ako sasama pero pinatahimk niya kaagad ako gamit ang hintuturo niya.


"Sumama ka... nag-promise ako kay Wesley na isasama kita," sabi niya. Lumabas na siya at inayos ang pagkakasara ng bintana. Sumunod naman ako. "Pumunta 'yon dito no'ng nakaraan. Galing siya sa basketball competition diyan lang malapit sa school nitong bayan. Tinulungan ako no'n na magligpit saka magbuhat ng mga bitbitin... mga tatlong araw din siya na dumadaan dito. Tinulungan din ako no'n na magbantay." Nilingon ako ni Mama. "Sabi ko ba't ga napaka bait niya? Eh, kaya, dahil may kapalit... Ayan!" turo niya sa hawak kong sobre. 


"Ma?" Para naman akong bata na nagdadabog. "Sa kaniya ka talaga nangako?"


"Hindi naman sa gano'n..." Pabirong tinawanan naman niya ako. "Pampalubag-loob ko na 'yan sa 'yo... e, simula ga naman no'ng mag-elementary saka mag-grade 9 ka hindi ka nakakasama sa field trip!"


Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang ngumiti na lang.


"Akala ko ayaw mo na sa 'kin, e. Mas pinili mong maging anak 'yong isang 'yon," natatawang sabi ko.


"Kunsabagay, napaka gwapong bata ni Wesley... Pwede rin!"



"Ma..." Para naman akong paiyak na.


Habang nasa jeep at bumabiyahe pauwi ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Mama na parang halos uumagahin na sa jeep dahil sa lalim nang tulog ... nakikita ko pa na payuko-yuko na rin ang ulo niya. Mabuti na lang ay nagagawa niya pang kumapit sa handle ng jeep.


Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at ibinaling ang atensyon sa labas... habang humahampas ang hangin sa gilid ko ay humahampas rin 'yong mga bagay na nasa isipan ko.


It hit me hard and drove me to realize why I felt so awful and guilty every time I got finances or even just a present from Mom, Kuya Ikio, or somebody else. At bakit sobra-sobra ang pagsisisi ang nararamdaman ko na maging masaya dahil makakasama ako sa field trip? Why do I regret being so happy?


At sa tuwing binibigyan nila ako ng suporta ay parating gusto kong tumanggi.


"Ganyan pala kasunduan niyo ni, Ka Joani? Ma, ano ba naman 'yan? Luging-lugi ka, ah?" dinig kong sumbat ni Kuya Ikio roon sa kusina habang inaayos ko 'yong mga gamit ni Mama rito sala. "Anim na libo 'yong renta tapos ikaw sumalo noong apat na libo? Eh, ang kinikita mo lang sa pagbebenta ng prutas halos natatapon lang. Isang kahon na ng prutas na bulok 'yong pinapakain niyo sa mga baboy!"


"Ikio... normal lang 'yon sa mga nagnenegosyo... Gano'n talaga, may panahon na malakas ang kita pero may panahon din na humihina..."


"Anong normal do'n, Ma? Kasasabi mo pa nga lang na di na rin kinakaya nina Ka Joani 'yong renta do'n. Ano pang mangyayari sa 'yo niyan, e,  malabo pang tumuloy 'yon sa pagtitinda... Normal pa ba na malugi ka?"


Kahati ni Mama sa renta ng pwesto si Ate Joani na kapitbahay lang namin. At kaya ganyan na pagalit 'yong naging reaksyon ni Kuya Ikio ay ngayon niya lang kasi nalaman 'yong tungkol doon sa hatian ng bayad sa renta... siya rin kasi ang sumasalo ng dalawang libo at si Mama na ang bahala sa isa at sa mga prutas na binibenta niya.


Ngayon na malabo nang makabalik pa sa pagtitinda sina Ate Joani, pinagtatalunan na nila Kuya saka ni Mama ang tungkol doon. Halos tatlong buwan na rin kasi niyang sinasalo 'yong renta nila.



"Hindi mo 'yon sinabi sa 'kin, ang sabi mo lang fifty-fifty kayo sa renta!"


Nang matapos ako sa ginagawa ay saglit akong umupo sa sofa, at napahinga na lang nang malalim no'ng marinig 'yong palakas nang palakas na boses ni Kuya.


Maya-maya ay napaalalay ang isang kamay ko sa sofa no'ng biglang may malakas na tumama sa gilid ko. Hinagisan ako ni Ate Ingrid ng bag niya at walang pakealam na taas kilay siyang dumiretso sa kusina.


"Ihinto niyo na lang ho kaya 'yan?!"


"Hindi... Hindi ako hihinto sa pagtitinda..."


I took a deep breath. I just stood up, went up to my room, and stuffed the earphones in my ears.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top