Two

The closer you look, the less you'll see.

-Now You See Me

 

TWO

Pagdating ng Le wish ramdam ko ang tingin ng ibang mga empleyado na parang gusto kong isa-isahing tanggalin sa trabaho. Ba't ba hindi nila maalis-alis ang sakit nilang 'yan?

Pero hindi ko kailangan magpaapekto. Pinilit kong huwag na lang silang pansinin. Kung pagsasabihan ko sila, ako lang ang magmumukhang tanga dahil pinakita ko lang na apektado ako. Kung patatalsikin ko naman sila, ang kompanya naman ang mawawalan.

Mas nilakihan ko na lang ang mga yabag ko papunta sa opisina ni Gian. "You'll see, Carly.." mahinang sambit ko kay Carl na sumama muna sa'kin para sa napag-usapan namin.

Pagpasok namin, naabutan na namin si Gian na abalang nakaupo at may mga binabasang papers. Sa kabila ng tunog ng pagbukas ng pintuan at ilang yabag namin ni Carl, hindi man lang inangat ni Gian ang kanyang ulo na nakaconcentrate pa rin sa pagbabasa.

Nang tinignan ko si Carl, tumaas ang kilay nito na parang hudyat na ng napag-usapan  namin.

Tumikhim ako para maramdaman man lang ni Gian na may pumasok sa opisina niya. At nangyari rin nga nang inangat niya ang  ulo at nakita ako.

Pero nadismaya ako ng muling ibinalik nito ang tingin sa hawak nitong papers.

"Hi, Gi." di ko na napigilang bumati ng una. Kapalit nga lang niyon ay ang mapanuksong tingin ni Carl na parang ikinawagi niya sa napag-usapan. May isang bala pa naman ako.. Kailangan lang na si Gian ang unang humalik sa'kin.

Ako na ang lumapit kay Gian dahil abala ito at walang panahong tumayo man lang. Nang makalapit na ako at ilang segundong parang hindi pa rin ako nararamdaman ni Gian kahit alam nito na naroon ang presensiya ko, muli akong nagparamdam. "Hi, Gi. Hello, I'm here..."

"Hi." sagot ni Gian pero hindi na nito inangat pa ang sariling ulo. "Just put it there.."

"Huh? Alin ang ilalagay ko?" Naguguluhang tanong ko sa kung anong tinutukoy nito.

"The food." Sagot nito na nagbigay hint sa utak ko.

Mahinang tawa ang pinakawalan ni Carl na alam ko kung para saan. Sanay na si Gian na araw-araw ko siyang dinadalhan ng pagkain, kaya nakabisado na nito ang daily-routine ko sa kanya.

Tinaasan ko lang ng kilay si Carl na hindi nagpapatalo. Hinahanap-hanap ni Gian ang luto kong pagkain para sa kanya. Kaya walang dahilan para magpatalo ako kay Carl.

Binalik ko kay Gian ang tingin ko na hindi nakatingin sa'kin. "I'm sorry Gian.. I forgot. Naiwan ko sa bahay. Napakatanga ko nga para maiwan ko 'yon. Masarap pa naman 'yon, dahil 'yon 'yong pabori—"

"It's okay, Aries. Actually, okay rin nga lang kahit hindi mo na ako dalhan ng pagkain araw-araw dito."

Natigilan ako sandali. Pero nakabawi din agad. "No, Gian.. it's okay, wala namang kaso sa'kin. Kung iniisip mo na abala sa'kin 'yon... you don't have to worry about that."

"Kung 'yan ang gusto mo."

Binalik ko kay Carl ang lihim na pagtawang binigay niya sa'kin. Pero natigilan din ako ng muling nagsalita si Gian.

"If you don't mind Aries.. Napaka-busy ko talaga ngayon. Let's just talk later, after work."

Hindi ko gusto ang naririnig ko kay Gian, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa parang hindi naaayon ang nangyayari ngayon sa gusto kong patunayan kay Carl.

Hindi ko naman iniisip na pinagtatabuyan ako ni Gian ngayon, dahil alam kong matrabaho lang talaga siya ngayon. Hindi ko rin magagawang mainis sa kanya, dahil kung may kinaiinisan man ako, 'yon ay si Carl at sa pakanang reality check nito.

"Okay, I know you're busy.. sa labas muna ako."

Kikilos na sana ako pahakbang palayo nang muling kinuha ni Carl ang atensyon ko while mouthing the word KISS.

Lumapit muli ako kay Gian at tinapat ko ang mukha ko sa level ng mukha niya. But I'm not going to do the first move. I'm waiting him to do that. At sana naman nakukuha niya kung anong ibig sabihin ng paglapit ko sa mukha niya. 'Yon nga lang...

"Why?" walang ideyang tanong ni Gian habang napapalakas na ang tawang naririnig ko kay Carl.

Nadismaya na ako. "Nothing!" at walang tinging lumabas ako ng opisina ni Gian na malalakas ang yabag na parang batang nagtatampo.

Kasunod ko lang si Carl na nasa likod ko. "Wag mong sabihing napikon ka?" Biglang sumeryoso ang mukha ni Carl at nawala ang kaninang mapanuksong ngiti nang makita ang itsura ko. "Umiiyak kaba?"

I am. Apektado ako! Malamig na ba talaga sa'kin si Gian?

"Anong ibig sabihin nang nangyari kanina?"

"That was nothing. Natural lang na reaksyon 'yon ni Gian dahil busy siya." Kung titignan si Carl, parang punung-puno ng pagsisisi ang mukha nito sa mga reality check na pinagsasasabi nito kanina. "Isa pa, kung anong mga tinanong ko sa'yo kanina, biro lang 'yon.. huwag mong seryosohin.."

"But what if you're right, Carly? What if..." napabuntong hininga ako. "..tama lahat 'yong mga tanong mo. Iisa lang ang sagot doon. Hindi na gaya ng dati si Gian sa'kin. Nanlalamig na siya."

Ngayon ko rin lang na-realize. Hindi ito ang unang beses na hindi ako madalas pansinin ni Gian. Noong isang buwan pa o nakaraan.. Hindi ko maalala kung kailan o eksaktong araw o buwan nagsimula.

At si Carl ang unang nakapansin niyon. Dahil alam niya ang nangyayari. Kinukwento ko sa kanya ang lahat. At dahil bulag ako o nagbubulagbulagan, si Carl ang mas nakakita ng problema, ng totoong nangyayari. At kinailangan pa niyang magtanong at magsalita bago ko marealize.

Gusto kong kumpirmahin ang lahat. Ayokong isipin na ganun na nga sa'kin si Gian. Hindi sapat ang nangyari. Ayoko pang maniwala.

Maya-maya lang, nang matapos rin si Gian sa kanina niyang ginagawa, muli akong bumalik para kausapin siya.

"Hi, Gi.. May gagawin kaba mamaya after work?" Plano kong yayain si Gian na lumabas.

"Uuwi para magpahinga." Muling maikling saad ni Gian na parang lagi na lang pagod at hindi interesado sa kung ano mang balak kong pagyaya.

Lumapit ako sa kanya at pinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya para imasahe. "Masyado kanang subsob sa trabaho. Dapat siguro mag-relax ka rin. Actually, may plinano na akong 2 weeks vacation para sa'tin dalawa para naman..."

"Aries, hindi ako pwede. I'm busy." Putol agad ni Gian sa magandang plano ko. "Isama mo na lang si Sizzy or si Lexi. Kayo na lang."

Gusto kong magtampo sa naririnig ko ngayon kay Gian. Trabaho ba talaga ang dahilan sa pagtanggi niya o dahil sa nanlalamig na talaga siya sa'kin. Ayoko 'tong isipin pero hindi ko mapigilan.

"Gusto ko ikaw ang kasama ko, Gian. Kaya pagbigyan mo naman ako, kahit ngayon lang. Pwede mo naman iwan ang kompanya ng ilang sandali lang..."

"I'm sorry pero hindi talaga pwede Aries."

Ngayon rin lang ako ulit nasaktan ng ganito. Wala na ba akong halaga sa kanya?

"Ayokong ilagay ka sa mahirap na sitwasyon Gian pero.. kailangan mong pumili..  kapag hindi mo ako pinagbigyan sa 2 weeks vacation na hinihiling ko, sasama ang loob ko... Magagalit ako sa'yo..."

"Aries—"

"Pumili kana, Gian.. Your work? Or me? Which one..?" Dito ko mapapatunayan kung mahalaga pa rin ako kay Gian.

"I'm sorry Aries. Kung pipiliin ko man ang work, hindi nangangahulugang—"

"Nangangahulugan lang 'yon na mas importante ang trabaho mo kaysa sa'kin. 'Yon lang 'yon." Hindi ko na napigilang lakasan ang boses ko. Pero agad ko ring nagawang pakalmahin ang sarili ko. "But I'm giving you a chance to change you're mind... Your work or me?"

Ang totoo, mahirap sa'kin ang gawin ito, at ang paulit ulit na tanungin si Gian kung anong pipiliin niya.

"Hindi lang 'to basta trabaho, Aries.. Kompanya natin 'to. Le wish ang pinag-uusapan natin dito."

Hindi ko na napigilang mapaluha. Nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap marinig sa mismong bibig ni Gian ang bagay na pinaka-hindi ko gustong marinig. Para na rin niya akong isinantabi sa isang gilid.

"Bakit ako? Hindi lang naman ako basta lang, Gian. Girlfriend mo ako at—"

"At inaasahan kong ikaw ang makakaintindi sa'kin. So, please Aries tigilan mo na ang—"

"Okay! Titigil na ako!" pasigaw pa ring saad ko na mas malakas kanina. "Ako na lang ang magbabakasyon mag-isa. Di na kita pipilitin pa.. dahil mukhang hindi ka naman magpapapilit." Tumalikod ako para umalis.. pero tumigil ako matapos ang ilang hakbang. Dahil umaasa pa rin akong biglang magsasalita si Gian para sabihing nagbago na ang isip niya.. Pero wala.

Mabigat na ipinagpatuloy ko ang paghakbang palabas. Parang naninikip ang dibdib ko ng sobra sobra dahil sa pangyayaring 'to. Ang hirap tanggapin na nangyayari 'to..

Bigla kong pinahid ang mga luha ko nang mapansin kong may ilang empleyado ang nakapansin sa'kin.

Bigla kong inayos ang sarili ko at mabilis akong umalis ng Le Wish.









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top