Twenty-two
Love always protects.
-1 Corinthians 13:7
TWENTY-TWO
Maganda ang gising ko simula kaninang umaga. Hindi ako mapakali at makapaghintay, para sa mamayang pagdating ni baby Xion. Kung may gusto man akong mangyari ngayon, ‘yon ay ang pabilisin ang oras para makita siya. Simula ng dumating siya sa buhay ko, binawi niya ang lahat ng sakit na naramdaman ko. Sa kanya nalipat ang buong atensyon at pagmamahal ko. Sapat na siya para sa’kin. Sa kanya lang, masayang-masaya na ako.
Muli kong tinignan ang phone ko sa pang-labing dalawang beses. Wala pang sagot na message mula kay Jake. Di lang kasi ako mapakali kong nakakarga ba niya ng maayos ang anak ko, o napapadede ba niya ng tama.. para akong masisiraan ng ulo sa kakaisip.
“Ate, ang ganda!”
Sigaw ni Sizzy nang ilabas ko ang pinamili kong pangsanggol na damit kahapon.
“Why pink?” singit ni Gian na napansin agad ang kulay ng lahat ng bawat damit. “Hindi pa naman natin alam kung babae o lalake. Paano kung hindi pala babae?”
“Hinulaan ko lang. Lakas ng kutob.” Sagot ko na may pagbibiro.
“Binase mo sa kutob?”
“Actually kuya.. Tinignan naming sa Chinese birth calendar.” Singit naman ni Sizzy. “Accurate ‘yon. At kung magkamali man.. Eh di, isusuli ko na lang kay Ate Aries, baka sakaling baby girl ang maging anak niya. Malapit na rin naman siguro yon.”
“Tumigil ka nga, Sizz.” Awtomatikong reaksyon ko. Uminit bigla ang pisngi ko. Kung alam lang nila kung gaano ka-diskomportable lalo na.. Errr.
Tinigilan nga ako ni Sizzy, pero bumaling naman siya kay Gian. “Ikaw, Kuya? Kailan mo balak.. para naman may playmate na ‘tong baby ko.”
Napatawa si Gian. “Kung playmate lang naman ang hanap mo, marami diyan.. Hindi pa ganun kakunti ang populasyon para mamroblema ka ng ganyan.”
“Syempre, mas maganda kung magkakalapit lang ang edad ng mga anak natin. Para naman parang magkakaibigan lang sila. Diba?” bumaling-baling si Sizzy sa’min ni Gian. “Bigyan niyo na ng pinsan ang anak ko, please..”
Napapalunok ako sa mga lumalabas sa bibig ni Sizzy. Parating lang naman ang pinsan ng magiging anak niya. Pero hindi na niya kailangan pang malaman ‘yon o ng kahit kanino sa kanila.
“Para ka pa ring bata Sizz. Grow Up!” Tumayo ako para bumalik na lang sa kwarto. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako, nang muli akong tinawag ni Sizzy. Hindi ko na sana siya papansinin, pero..
“Ate, may message ka sa phone. Si Kuya Jake. Babasahin ko na..”
Awtomatikong napaharap ako. Alam kong may pagkapakialamera si Sizzy pagdating sa pagbabasa ng message. Bigla akong napatakbo sa kanya.
“NO! no, no..” sigaw ko sa sobrang taranta. Sa pagmamadali ko, hindi ko na nakita ‘yong dulo ng mesa na tumama sa binti ko. Hindi ko magawang tumayo ng maayos sa sakit, kaya napaupo na ako sa sahig.
Awtomatikong tinulungan naman ako ni Gian na iupo sa sofa. “Ba’t di ka kasi tumitingin.. at bigla’t bigla kana lang tumakbo.”
Hindi nawala sa isip ko ang phone ko na baka basahin ni Sizzy ang message at magkaalaman na sa pinakasisekreto kong bagay.
Binalak kong hablutin mula kay Sizzy ang phone ko, pero mukhang agad na niyang napansin ang gagawin ko. “Sizz, akin na ‘yong phone ko.”
Tumaas ang kilay niya na may mapanghinalang tingin. “Bakit? Anong meron sa message ni Kuya Jake na hindi namin pwedeng malaman?”
Nagkalokohan na!
Biglang umiba ang klase ng tingin sa’kin ni Sizzy at Gian dahil sa kakaibang ikinilos ko. At ramdam kong walang balak tumigil si Sizzy para malaman niya ang dahilan.
“Sizz please.. Give it back to me!” Natataranta ulit ako nang may kislap sa mata ni Sizzy.
“Sasabihin mo ba o babasahin ko ‘tong message?”
“Holy Shit, Sizz.. One Word, PRIVACY!” Di ko na mapigilang mapasigaw.
Sa halip na makumbinsi ko si Sizzy, mukhang mas lalo lang siyang nag-isip ng kung ano. Kay Sizzy lang ako nakaharap, kaya hindi ko alam kung ganun din ang reaksyon ni Gian.
Nang dinadahan-dahang tinitignan ni Sizzy ang phone ko na sinasadyang itorture ang utak ko, napapadasal ako na sana lumindol, o magkasunog o kung ano pa man para lang mapigilan si Sizzy. Hanggang sa..
Halakhak ni Sizzy ang nangibabaw sa bawat sulok ng bahay.
Naguluhan ako bigla dahil alam kung walang nakakatawa sa kung ano mang nabasa o nalaman niya sa phone ko.
“Why Sizz?” tanong ni Gian na tulad ko naguguluhan. “Anong nalaman mo?”
Lumapit sa’kin si Sizzy at binigay ang phone ko. “Ate, hindi ko naman mababasa, may password..”
“SHIT!” Sambit ko sa sarili ko. Ba’t nakalimutan kong may password nga pala ang phone ko! Gaga..
Nakatingin sa’kin ang dalawa na hindi nawawala ang kakaibang tingin sa’kin. Pero ako ang unang umiwas ng tingin. Dahil masakit pa rin ang binti ko, iika-ika akong umakyat sa kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag nang marating ko ang kwarto ko. Pag-isipan na nila ako ng kung ano, huwag lang mangyaring malaman nila ang pinakatatago-tago ko.
Nang buksan ko ang phone messages ko na galing kay Jake, mabilis akong kumilos para magbihis. Makikita ko na ulit si Xion.
xxx
“Xion!” Sigaw ko nang makita ko na si Jake na karga-karga ang anak ko. Wala nang luluwang pa sa ngiti ko. Sinalubong ko siya agad ng sunud-sunod na halik. “Oh my! Isang buwan ko lang siyang hindi nakita pero parang ang laki-laki na niya.”
Nangingiti rin si Jake. “You’re right, Aries. May disiplina ang anak mo.. Di pinasakit ang ulo ko. Tulog lang ng tulog.”
“Thanks Jake. Ang dami mo ng nagawa sa’kin. Makakabawi rin ako.”
“Dapat lang..”
Galing Airport, dumiretso na kami kay Carl na inaasahan na rin ang pagdating ng anak ko. Masyado siyang nabigla noong isang araw ng sabihin ko sa kanya ang totoo na may anak na nga ako. Sinabi ko rin ang paglilihim ko sa pamilya ko tungkol sa bagay na yon. Ang hindi ko na lang nagagawang sabihin kay Carl, ay ang kung sino ang ama. Hindi na kasi siya masyado pang nagtanong nang sinabi ko na hiwalay na kami. Inakala na rin niya na hindi niya kilala.
Pagdating na pagdating namin sa apartment ni Carl, agad na niya kaming sinalubong. Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam ko ngayon dahil parang kumpleto na ulit ang buhay ko. Bukod kay Jake, malaki rin ang pasasalamat ko kay Carl na pumayag sa hiling ko sa kanya.
“Aries, aalis muna ako. Susunduin ko lang si Yaya Mina sa kanila.” Pagpapaalam ni Jake.
“Pero baka pagod kapa sa byahe.. pwede naman sigurong..”
“No, it’s okay. Walang problema sa’kin. Mabilis rin lang naman.”
“Thanks Jacob.” Tanging nasabi ko sa kanya sa dami na ng nagawa niya sa’kin. “Ingat kana lang sa pagmamaneho. Baka bigla kang makaidlip while driving.. mahirap na.”
“Sige.. I’ll go now.”
Pagkaalis na pagkaalis ni Jake, biglang tumabi sa’kin si Carl na may mapanghinalang tingin. Simula pa kaninang dumating kami, napansin ko na pabaling-baling ang mata niya sa’min ni Jake.
“Bakit?!” Sita ko kay Carl na may ngiti sa labi. Buhat-buhat niya si Xion.
“Si Sir Gian ba ang ama ni Xion?.. O ‘wag mong sabihing nilihim mo rin sa’kin noon na may namagitan sa inyo ni Sir Jake..?”
Kung may kinunan man ng mata at labi si Xion, ‘yon ay hindi ako, kundi si Gian. Unang tingin pa lang sa kanya, si Gian na ang makikita.. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung inakala agad ni Carl na si Jake ang ama, dahil malaki rin ang pagkakapareho nito kay Gian. Kung ipagtatabi nga naman si Jake at Xion, parang sila rin talaga ang mag-ama. At isa pang bagay na nagpakumbinsi pa siguro kay Carl ay dahil si Jake ang kasama namin ngayon.
“Ano bang pinagsasabi mo Carl.. Walang namagitan sa’min ni Jake.”
Tumawa siya. “Binibiro lang kita.. Para kasi kayong one family nang dumating kayo kanina..”
Sa kabila ng pagpapatawa ni Carl, nanatiling seryoso ang mukha ko dahil sa ideyang pumapasok sa isip ko. “Am I bad mother?.. Ganun na ba ako kasama para itago si Xion ng ganito.. nililihim ko siya sa lahat.”
“Aries.. siyempre hindi.”
“Ayokong dadating ang araw na isipin ng anak ko na ikinahihiya ko siya, dahil hinding-hindi. Kung tinatago ko man siya.. ‘yon ay dahil sa ‘yon ang tingin kong tama. Magugulo lang lahat ulit.. Masyado na akong nasaktan. Ayoko ng masaktan.. at mas lalong ayokong dumating ang panahon na pati ang anak ko, masasaktan rin.”
“Natatakot ka ba na hindi siya tanggapin ng ama niya?”
“Tanggapin man o hindi si Xion ng ama niya, hinding-hindi magbabago ang desisyon ko na ilihim siya sa kanya. At alam kong, ipagpapasalamat pa ni Gian na ginawa ko ‘to.”
“Pero..”
“Carl, Ayoko na siyang pag-usapan pa. Ayoko rin sanang mababanggit pa siya bilang ama ni Xion. Dahil kung may ugnayan na lang kami ‘yon ay ang pagiging magkapatid namin. Wala ng iba.”
xxx
Nagising ako sa sunod-sunod na tunog na tawag mula sa phone ko. Di ko namalayang nakatulog na ako ng tatlong oras habang binabantayan si Xion na namahimbing ring natutulog.
Nang tignan ko ang phone ko, may 3 miscalls galing kay Gian. At isang message rin galing kay Sizzy.
From: Sizz
Ate, san ka? Gabi na, Umuwi kana. Galit kba sakin?
Napabuntong hininga ako. Balak ko sanang umuwi na lang madaling araw bukas, pero mukhang kailangan ko ng umuwi muna. Iniisip ni Sizzy na nagalit ako sa kanya kaninang umaga. Siguradong hinihintay ako nyon sa bahay.
Bago pa man ako lumabas ng kwarto, pumasok na si Carl.
“Carl, kailangan ko munang umuwi.. Nandito na rin naman si Yaya Mina. Pakitignan-tignan na lang si Xion. Pasensya na rin sa abala.”
“Don’t worry, Hindi ‘to abala para sa’kin. At masaya nga ako na may kasama na rin ako dito, at isang anghel pa. Si Sir Jake pala.. nakatulog sa sala, sa sobrang pagod na rin kasi siguro.”
Pagkalabas namin ng kwarto, naabutan ko nga si Jake na mahimbing na natutulog. Nilapitan ko siya para gisingin, nang mapansin kong medyo mainit siya.
“Jake, okay ka lang..Mukhang may sinat ka..”
Tumayo na rin siya na walang iniindang sakit. “I’m fine. Wala lang ‘to.”
“Uwi muna tayo. Mukhang hinahanap na rin ako sa bahay.”
Bumaling ako kay Carl para muling magpasalamat. Kinausap ko rin si Yaya Mina para sa mga ilang bilin tungkol kay Xion. Ilang sandali rin lang umuwi na kami ni Jake sa bahay.
Nang nasa tapat na kami ng pintuan, napansin ko ulit na hindi talaga maganda ang pakiramdam ni Jake na nakahawak sa ulo at namumutla.
“Masakit ba?” tanong ko agad sa kanya. “Gusto mo masahehin kita?”
Bigla akong nakonsensiya. Kung nagkakaganito man si Jake, mukhang sarili ko lang naman ang dapat kong sisihin.
“No. I’m okay. Papahingahin ko na lang ‘to.”
Kinuha ko ang braso ni Jake at pinatong ko sa mismong balikat ko para alalayan siya. Biglang napangiti si Jake sa ginawa ko.
“Hindi ako nahihilo at hindi ako ganun kalala. Ang OA mo naman mag-alala.”
“Sa ayaw mo’t sa hindi, aasikasuhin kita. Ako pa rin ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. So let me take care of you. Pagkakataon ko na rin naman ‘tong makabawi sayo..”
Magsasalita pa sana si Jake nang hindi ko na pinagbigyan dahil binuksan ko na ang pinto at hinila ko na siya papasok. Hindi ko na rin siyang hinayaang pumalag pa sa pagkakaalalay ko sa kanya.
Nang makapasok na kami, si Sizzy at Gian ang nasa sala. Mukhang hinihintay talaga nila ako gaya ng inisip ko.
“Anong nangyari kay Kuya Jake?” maagap na tanong ni Sizzy na may pag-aalala. “At akala ko, sa susunod pang araw ang balik mo galing resort.”
Inalis ni Jake ang braso niya sa balikat ko. “Wala. I’m fine. Masyado lang OA si Aries.”
“No, I’m not.” Agad na saad ko. “Kung makikita mo lang ngayon ang itsura mo Jacob.. Namumutla ka.”
“But I can still walk. Di mo na ako kailangan pang alalayan.”
“I told you.. sa ayaw at sa gusto mo, aasikasuhin kita.”
“Xiaries..”
“Jacob..” pagmamatigas ko na nauwi sa isang tawa. “Fine!” sukong saad ko. “Go to your room now. Di na kita aalalayan pa. Dadalhan na lang kita ng gamot.”
“Finally..” nagbibiro pang saad ni Jake bago tuluyang umakyat ng kwarto niya.
Bumaling ako kay Sizzy at Gian. “May gamot ba tayo dito? Saan nakala-..” Bigla akong natigilan dahil sa kakaibang tingin ni Gian. “Bakit?”
“Saan ka nga pala galing?” nasa boses ni Gian ang pang-uusisa.
“Ahm, magkasama kaming lumabas ni Carl. At nagkasalubong rin lang kami ni Jake ngayon ngayon lang sa harapan ng bahay nitong pauwi na.” bumaling ako kay Sizzy. “Hindi rin pala ako galit sayo Sizz. Wala sa’kin ‘yon.”
“Ba’t hindi mo sinagot mga tawag ko?”
Bigla akong napagod sa kakasagot sa tanong ni Gian. “Pwede bang mamaya na lang ‘yan.. kailangan ko ‘yong gamot..”
Nang tangkang aalis ako para maghanap ng gamot, pinigilan ako ni Gian sa braso.
“Bakit?”
“Ako na ang kukuha ng gamot at ako na rin ang magbibigay kay Jake.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top