Twenty-three
Pain makes you stronger, Fear makes you braver, Heartbreaks makes you wiser.
TWENTY-THREE
Matapos naming mag-agahan, handa na sana kaming umalis ni Gian papasok ng Le Wish nang makita kong pababa na ng hagdan si Jake na nakabihis na para rin pumasok.
“Jake, papasok ka? Diba dapat nagpapahinga ka lang muna.” Lumapit na rin ako sa kanya para tignan kung mainit pa siya.
“See? I’m perfectly fine.”
“Pero di ka man lang ba mag-aagahan?”
“Pagdating na lang doon.”
“No.” agad na pigil ko. “Magbaon kana lang ng pagkain.. Cause I know, na hindi mo gagawin ang sinabi mo.” Bumaling ako kay Gian na naghihintay pala sa’kin. “Mauna kana lang. Kay Jake na lang ako sasabay.”
Tumango lang si Gian at walang sabing lumabas na ng bahay. Patakbo rin akong pumunta ng kusina para ihanda ang pagkain na para kay Jake. Ilang minuto lang, bumalik na ako kay Jake sakay ng kotse nito.
“You don’t have to that, Aries. I told you I’m fine.”
Umiling ako. “Isipin mo na lang na makulit mo akong yaya ngayon araw na ‘to. Ginagawa ko ‘to dahil ako ang may kasalanan kung bakit ka biglang nakakaramdam ng ganyan. Kaya hayaan mo na ako, makabawi man lang.”
Nang magtangkang muling tumanggi si Jake, hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon. “Pwede bang daan tayo sandali kay Xion.. gusto ko lang siyang makita bago pumasok sa Le wish.”
“Sure. Gusto ko ring makita si Xion.”
Dumaan nga kami kay Xion para makita siya at napakasandaling minuto umalis na rin kami.
“Jake, naisip ko lang.. Mas maganda siguro kung aalis na ako ng Le Wish. Para naman mas marami na ang oras ko kay Xion.”
“At anong idadahilan mo?”
“Bubuksan ko ulit ‘yong flowershop ni Mommy. At least, sarili ko ang oras ko. Mas madalas kong makakasama si Xion. What do you think?”
“That’s a good idea.” Bumaling sa’kin si Jake para tignan ako pero walang siyang ibang sinabi.
“Bakit?”
“Pinapahanga mo lang ako, Aries. Nagagawa mong mabuti ang papel mo bilang isang ina.”
I smiled. “Thanks.”
xxx
“You’re ten minutes late, Ms. Secretary! At nang dahil sayo, hindi ako nakapunta sa appointment ko kay Mr. Rodriguez.”
Sa tono at mukha ni Gian, mukhang bumalik na naman ang pagiging strikto nito to the highest level. Nasaan na ‘yong mahinanhon at mabait na Boss noong isang araw lang?
“I’m sorry. Ayusin ko na lang. I’ll set again an appointme-”
“Kung sa’kin kana lang kasi sana sumabay, hindi mangyayari ‘to!”
“Kung hindi ako ang secretary mo, hindi ‘to mangyayari.” Pagtatama ko. “Siguro mas magiging maganda kung tanggalin at palitan mo na lang ako para..”
“NO!” mariing hindi pagpayag ni Gian.
“Pero sayo na rin nanggaling na palpak ako at di ko nagagampanan ng maayos ang trabaho ko. Isa pa, napag-isip-isip ko na rin naman na umalis na talaga sa Le Wish dahil..”
“I said NO. Hindi kita tatanggalin. At hindi ka aalis.”
Tinignan ko ng direkta sa mata si Gian. “At bakit hindi?”
Biglang natigilan ng ilang sandali si Gian na parang nawalan ng isasagot. “W-wala pa akong ipapalit sayo.. Hindi ako pwedeng mawalan ng secretary ngayon. Not now..”
Umaliwalas bigla ang mukha ko. “Then, kapag may kapalit na ako, pwede na akong umalis right away?”
Walang sinagot si Gian na ikinainis ko na.
“One Week, Gian! I’ll stay here, one week.. meron o walang kapalit, aalis ako.”
“NO!” sigaw ni Gian na salubong ang dalawang kilay.
Mas lalo akong naguluhan sa inaakto ni Gian. Bigla na rin akong nahawa sa mataas na temperature niya. Hindi ko gusto na sinisigawan niya lang ako ng ganito.
Buong inis na tinignan ko si Gian. “Kung ayaw mo.. ngayon na ako mismo magreresign!”
Walang pagbibiro sa boses ko at balak ko ngang totohanin. Mabilis kong kinuha ang bag ko sa mesa at nilagpasan ko si Gian. Mabibilis ang hakbang ko papuntang pintuan, kaso bago ko pa man tuluyang mabuksan para makalabas, bigla rin itong lumagapak pasara.
Galit na hinarap ko si Gian. Pagkaharap na pagkaharap ko, natigilan ako bigla dahil sa kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa’t isa na hindi sinasadya.
Pero hindi rin ako nagpaapekto, at agad ko siyang tinulak palayo. Kayang kaya ko ng kontrolin ngayon ang emosyon ko. At hindi ko hahayaang mangyari muli na mahulog ako kay Gian dahil lang sa simpleng magnet at atraksyon na nararamdaman ko. Natuto na ako!
Nakita ko ang malaking pagbabago kay Gian na biglang lumambot at huminahon na ang mukha kumpara kanina. “I’m sorry kung nasigawan kita.”
“And?” naiinip na tanong ko sa bagay na gusto kong marinig.
Nagpakawala ng buntong hininga si Gian na parang labag sa loo bang sasabihin. “Fine. Payag na ako. One week.”
Buti naman.
Tinignan ko muli Gian na may pagpapangaral. “You know what.. Naiintindihan ko na strikto kang Boss. Pero sa tingin ko, kailangan mo ring bawas-bawasan ang pagiging masungit mo. Dahil wala talagang tatagal sayo kung lagi kang ganyan.”
Tumango si Gian na hindi ko mapaniwalaan na nakikinig sa sinasabi ko. Sinamantala ko na ang pagkakataon.
“At ‘wag ka ring masyadong sumubsob sa trabaho. Matuto ka ring magrelax.. Makakatulong ‘yon para hindi ka rin masyadong ma-stress at maging bugnutin.”
Tumango ulit si Gian. “Okay. I’ll do it.” Sandaling tumigil si Gian saka muling nagsalita. “May gagawin kaba mamaya after work?”
Umiling ako. “Wala. Bakit?”
“Then, samahan mo ako. Isasama na rin kita sa pagrerelax.”
“What?” gulat na reaksyon ko.
“Like what you said, wala ka namang ibang gagawin. So, samahan mo ako..”
“May pupuntahan pa pala ako.” Madaliang pagdadahilan ko. Hindi ko ipagpapalit ang oras ko mamaya para kay Xion. “Naalala ko.. may.. may pupuntahan nga pala kami ni Jake mamaya. So, hindi ako pwede.”
“Saan?”
Gusto kong batukan si Gian sa pang-uusisa na naman nito na parang nakagawian na niya. “Sa flowershop. N-nagpapasama ako sa kanya. Plano kong muling buksan ‘yon.. kaya gusto ko ulit tignan.”
“How about this weekend?”
Wala na ba siyang ibang mayaya?
“I don’t know. Baka..may biglaan akong lakad.” Shit. Wala akong ibang maisip na dahilan.
“Kung ganun, tuloy tayo.. kung wala kang lakad sa weekend.”
Kunot noong tinignan ko si Gian. “Ba’t di mo tawagan ang mga models mo? May available naman siguro sa kanila..”
Humakbang paatras si Gian para umupo sa mesa niya. Umiiling-iling siyang sumagot. “No more models.”
“Tama ba ang naririnig ko?” Sinabayan ko ng nakakainsultong tawa. “Kaya pala ang init ng ulo mo ngayon..”
“Wala ‘yong kinalaman sa pag-init ng ulo ko kanina. ‘Cause YOU’re the main reason why.”
Sa kung paano ako sisihin ni Gian, parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. “Babalik na naman ba tayo sa pagiging late ko..”
“Hindi lang sa pagiging late mo, Aries..”
May kung ano sa tono ni Gian ang hindi ko maintindihan, pero di ko na lang pinansin pa. “Bakit ka nga pala biglang nawalan ng interes sa models mo?” pagbabalik ko sa usapan para humaba pa ang oras na wala akong ginagawang trabaho. “Sila na ang nagsawa?”
Bahagya akong nagulat ng hindi pinatulan ni Gian ang pagbibiro ko ng isa ring biro. Nanatiling seryoso ang mukha niya na diretso lang ang tingin sa’kin. “Dahil may isang taong nagpabago sa’kin..”
“Yay!” Sarkastikong saad ko para biruin si Gian. Pero nang makita ko kung gaano pa rin siya kaseryoso, parang hindi pa rin ako makapaniwala. “Really, Gian?! Seriously?”
Wala na siyang sinagot kaya tuluyan na akong naintriga. “So, Nakalimutan mo na si Hailey?.. or Don’t tell me, natutol mo na siya sa kasal niya.. Nagkabalikan na kayo?”
Tinignan ako ni Gian na parang ang hina ng utak ko para sa edad ko na hindi makaintindi. “Paano naman napasok si Hailey dito?.. Hindi pa rin ba malinaw sayo na wala ngang namamagitan sa’ming dalawa. Walang-wala na kami.”
Kung hindi si Hailey, that means.. ibang babae? Then who? Huling beses na may nagpabago noon kay Gian ay nang maging seryoso siya kay Chloe. Sino naman kaya ngayon?
“Whoever is she.. Well, thanks to her. Mababago na rin ulit ang imahe ni Mr. Gian Castaňeda na isang kahihiyan sa pamilya. Maipagmamalaki na rin kitang sabihin kahit kanino na kapatid kita..Yay!”
Inaabangan ko ang kahit na anong ngiti, tawa o pabalik na biro mula kay Gian, pero walang kahit isa sa inaasahan kong reaksyon ang sinukli niya. Tanging pagtitig lang ang ginawa niya na nabasahan ko na parang may kung anong biglang lungkot sa mata niya.
May nasabi ba ako? Hindi naman siya maramdamin para masaktan sa kahihiyan na sinabi ko.
“A-are you okay?” lumapit ako sa kanya. “Did I say something?”
“Nothing.”
Bigla akong naramdaman na may dinadala nga si Gian na kung anong hindi ko alam. “Do you have a problem? O may gumugulo ba sa isip mo?..”
“Kung alam mo lang..”
Nabahala ako bigla sa naging sagot niya. “What is it?.. Tell me..”
Umiling-iling si Gian na parang natauhan. “Nothing.” Tumayo siya, at lumabas na ng pinto.
Naiwan akong napapaisip kung anong pwedeng pinoproblema ngayon ni Gian. For sure, hindi ang kompanya, hindi sa pamilya.. sa babae ba niya?!
xxx
“May sineseryoso na ngayong babae si Sir Gian?” Unang reaksyon ni Carl na hindi rin makapaniwala matapos ko sa kanyang ikwento ang nangyari kanina lang na umaga.
Tumango ako. “At seryoso si Gian nang sinabi niya ‘yon. Ang hindi ko lang alam ay kung sino.. Dahil wala pa naman siyang dinadala sa bahay o sinasabi man lang.”
Tumaas ang kilay ni Carl at bigla akong kinalatis.
“What?” sita ko sa klase ng tingin niya.
“Anong naramdaman mo matapos mong marinig mula kay Gian ang bagay na ‘yan?”
“Nothing.” Awtomatikong sagot ko sa makahulugang katanungan ni Carl. “Kung iniisip mo na nasaktan ako o nagselos o kung ano pa man.. You’re wrong. Like what I told you, kapatid ko na lang siya. At kung sino man ang bagong babae niya ngayon, masaya ako para sa kanya.. I’m sure, she’s especial for him, lalo na’t nagawa niyang pabaguhin si Gian.”
Pumapala-palakpak si Carl sa narinig niya sa’kin. “And I’m happy for you, Aries. Finally! Ready na talaga ang puso mo..”
“Para saan?”
“Sa muling pagtibok para sa tamang lalaki..”
Ngumuso ako. “Sana nga..”
Biglang binatukan ako ni Carl. “Gaga, buksan mo kasi ‘yang nagbubulag-bulagan mong mata, Aries.”
“Ano?!”
“Buksan mo ‘yang mata mo, Bulag.” Naiinis na tumayo si Carl na parang bigla na lang nawalan ng pasensya sa’kin. “Mauna na ako. Bye!”
“Wag mong sabihing may gusto ka sa’kin Carl?!” natatawang sigaw ko kay Carl bago siya tuluyang makalayo. Nang umabot sa pandinig niya ang pahabol kong mensahe, humarap siya para lang umirap at tuluyan ng umalis.
Napapahalakhak na lang akong mag-isa dahil sa ginawa ni Carl. Ang pagkendeng at pagrampa niya ang malinaw na sagot niya sa tanong ko.
“So Happy?”
Natigilan ako sa pagtawa at napabaling ako sa likod ko. Hindi lang si Gian ang nakita ko, kundi pati si..
“Chloe?” Bahagyang nasurpresa ako kay Chloe na matagal-tagal ko na ring hindi nakikita simula ng magkahiwalay sila noon ni Gian.
Kung ganun, siya ang tinutukoy ni Gian na sineseryoso na ulit niya ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa pa ako. Naalala ko lang kasi kung gaano kaselosa si Chloe noon. Nagkaroon kami ng alitan nang madiskubre niyang may gusto ako kay Gian. Siya ang itinuturing kong Hailey the second. Pinagkaiba lang nilang dalawa, anghel si Hailey, at siya naman ang demonyita. Pero baka nagbago naman siya ngayon.. Dahil kung pagseselosan pa niya ako ulit.. ewan ko na lang.
“Hi, Aries!” Masayang bati ni Chloe. “Ngayon ko rin lang narinig kay Gian na nandito kana pala. Isang buwan rin kasi akong nagbakasyon sa Hongkong.”
Pinag-aaralan ko ang mukha ni Chloe kung may bakas na naman ng kaplastikan tulad noon, pero parang totoo naman ang pinapakita niya sa’kin.
“Ahh.. Nice to see you again, Chloe. You look great.”
“Thanks. You too. Tatlong taon na rin ang dumaan nang huli kitang nakita. Anyway, mukhang mapapadalas na rin naman ang pagkikita natin ngayon..”
“Dumalaw ka rin sa bahay.” singit ni Gian sa usapan na maluwang ang ngiti.
“Okay. I’m free this weekend. Isa pa, plano ko naman talaga..” biglang naputol ang sasabihin ni Chloe. “I have to go..”
Pagkaalis ni Chloe, naiwan ang mata ko kay Gian. Nakatingin din siya sa’kin na maluwang ang ngiti. “Why, Aries?”
“Di mo sinabi sa’kin na si Chloe lang pala ang tinutukoy mo kanina..” ngumiti ako para sa kanya. “Kung ganun.. nagkabalikan na pala kayo.”
“Chloe and I?” Umiling-iling si Gian. “Hindi kami nagkabalikan. At hindi rin siya ‘yon.”
“What? Pero..”
“Wala bang nasabi sayo si Jake?”
Mas lalo akong naguluhan. “Tungkol saan?”
“Hindi ako ang pinuntahan ni Chloe dito.” Hinawakan ni Gian ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kabilang direksyon kung saan pumunta si Chloe. At mula sa kalayuan pero abot tanaw pa rin, nakita kong nag-uusap si Chloe at Jake.
Bumaling ako ulit kay Gian para kumpirmahin ang isang bagay. “Chloe and.. Jake? Pero.. Kelan pa?”
Nakangiting tumango si Gian. “Just this year. Nagkatampuhan at naghiwalay sila nitong nakaraang buwan. Kaya umalis si Chloe ng bansa, para siguro lumimot. But here she is again.. Mukhang siguradong magkakabalikan sila ulit.”
Napapanganga ako. Di lang ako makapaniwala dahil wala ngang nababanggit si Jake na kahit ano. “Are you sure? Or pinagtitripan mo lang ako.. Parang imposible lang kasi.”
Chloe & Jake? Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang ganitong ideya. Ngayon lang..
Biglang nawala ang ngiti ni Gian sa sinabi ko. “Ano naman ang hindi kapani-paniwala doon?”
“It’s CHLOE. I never like her. Paano siya nagustuhan ni Jake?”
Noon pa lang na hindi na maganda ang tingin k okay Chloe, madalas si Jake ang napagkukwentuhan ko kung gaano kaplastic at hindi makatotoo ang pinapakita ni Chloe. Minsan na ring sumang-ayon si Jake, kaya di ko maintindihan kung paanong.. Anong nangyari?
“Excuse me! She’s my Ex.” maagap na sita ni Gian. “So anong ibig sabihin sa eksakto mong sinabi na Paano siya nagustuhan ni Jake?”
Gusto kong matawa sa itsura ni Gian na di ko inakalang mao-offend ng sobra sa sinabi ko. Parang bigla tuloy akong ginanahan na inisin siya.
“Hello?! Lahat naman na babae, nagugustuhan mo.. Wala kang standard. Basta model at maganda at sexy, okay na sayo..”
“So you’re telling me na wala akong standard, at si Jake meron?”
“Absolutely.” Pang-iinis ko pa.
Biglang bumalik ang ngiti ni Gian. “Did you forget..?”
“Forget what?”
“YOU’re my EX, Aries.” Pagpapaalala nito na may pagngisi. “Kaya para mo na ring sinabing wala ka rin sa..”
“SHUT UP!” awtomatikong sigaw ko. Parang biglang napasa sa’kin ang inis ni Gian na ngayon ay tumatawa-tawa na.
Nang hindi pa tumigil si Gian, nanggigil na ako sa inis. “Don’t you ever mention that again! There was no You and I..”
“Really?” nawala na ang tawa ni Gian pero hindi ang tuloy na pang-iinis. “Gusto mong ipaalala ko sayo kung paano kapatay na patay sa’kin.. You even propo-..”
“STOP!!!!” Galit na sigaw ko. Kulang na lang sampalin ko si Gian. “Pwede Ba! Hindi na ako natutuwa..”
Sumeryoso na ang mukha ni Gian na hindi rin nagustuhan ang inaakto ko. “Bakit hindi mo kayang pag-usapan?”
Para akong pinukpok sa ulo ng isang bato at natauhan. Bakit nga ba?
“Sabihin mo nga Aries..” wala akong kawala sa mapanitig na mata ni Gian na parang pilit binabasa ang nasa utak ko. “Apektado ka pa rin ba hanggang ngayon?”
“WHAT?!” mabilis na reaksyon ko. “Of course NOT. That was two years ago. At kung ano mang nangyari noon.. Binura ko na Lahat. Kaya wala tayong dapat pag-usapan na tungkol doon.. dahil walang-wala na ‘yon. At MAGKAPATID tayo..hindi magandang pinag-uusapan natin ang bagay na yon.”
At ayoko ring may maalala si Gian tungkol sa nangyari sa’min. At pinaka-ayokong malaman niya ay ang pagkakaroon niya ng anak sa’kin.
Biglang nanahimik si Gian matapos ang binigay kong rason sa kanya. Kung ano mang epekto ng sinabi ko sa kanya, hindi ko mabasa sa mukha niya.
Sunod ko na lang na napansin, magksabay na kaming bumalik sa opisina at balik sa kakaunting minuto na natitira sa naiwang trabaho. Tahimik na ang kahit sino sa’min na wala ng nagtangka pang magsalita o buksan nag nangyari kanina.
Nang matapos din ang oras na hinihintay ko, mabilis na akong nagpaalam kay Gian.
“Sa’kin kana sumabay.” Alok ni Gian na tumayo na rin para kunin at suotin ang coat niya. “Hindi ka rin naman masasamahan ni Jake sa flowershop dahil sigurado ako na may date pa sila nun ni Chloe.”
Wala naman talaga akong balak na dumaan ng flowershop. Ano bang pwedeng idahilan??
“Hindi na pala ako dadaan sa flowershop ngayon. Bigla kasing nagyaya si Carl na magpasama sa’kin ngayon. Importante daw eh.” Hindi ko na hinayaan pang magtanong o mag-usisa si Gian kaya nagmadali na akong umalis. “Bye.. Una na ako.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top