Twenty-Seven

I hate the moments when suddenly my anger turns into tears.

 

TWENTY-SEVEN

Sumunod na araw, parang balik na ulit sa normal ang lahat na parang wala lang nangyari. Kung meron man, ‘yon ay pagkakadagdag ni Xion sa miyembro ng pamilya ng Castaňeda. Nakita ko kung gaano siya katuwaan ni Dad at Sizzy na halos hindi siya hiwalayan ng tingin. Siya ang unang apo, kaya hindi ko sila masisisi kung halos panggigilan nila ang anak ko.

Dahil alam na rin nila ang tungkol kay Xion, hindi na pinayagan pa ni Dad na mapalayo pa sa kanya ang unico hijo niya, kaya tuluyan na siyang lumipat sa bahay.

Magaan na rin kahit papaano sa’kin ang ganito dahil hindi na nga kailangan pang magtago at palihim na kitain si Xion.

“Cute-cute talaga ni Xion!” makailang ulit ng sigaw ni Sizzy na hindi natigil ang panggigigil. “May pinsan na rin ang anak ko! Yohooo. Sinong mag-aakala na inunahan pala akong maglandi ng isa diyan..”

“Di hamak naman na mas bata ang edad mo nang mabuntis ka noh!” Di ko napigilang patulan si Sizzy na nagsisimula na namang mang-asar. “Kaya mas nauna kang maglandi.”

Nang makita ni Xion na papalapit si Jake  na tanging pamilyar sa kanya ang mukha, nagtatatalon siya na maluwang ang ngiti at tinawag pa si Jake. “T-tito. Tito. Tito. Ake.”

Agad namang napuna ni Sizzy ang sinabi ni Xion. “Ba’t Tito ang tawag niya kay Kuya Jake?”

Si Dad at maging si Gian na kanina pang walang kibo ay napalingon kay Xion na paulit-ulit ngang tito ang tawag kay Jake.

“Nakasanayan lang ni Xion.” Agad na pagtatakip ko. “Nalito kasi siya noon sa sabay na pagtawag kay Jake at Carl.. hanggang sa di na namin natama.”

“Hindi pa rin tama na hayaan mong masanay.” Pangarala agad ni Dad. “Kapag lumaki na ‘yan, mas lalong mahirap ng baguhin.”

Nakahinga ako ng maluwag ng naniwala naman sila agad at wala ng naghinala o nag-usisa pa.”

Inagaw naman ulit ni Sizzy kay Jake si Xion at sinimulang turuan. “Xion, call him Daddy. That’s your daddy Jake.”

Napapatingin ako kay Jake kung komportable lang ba sa kanya ang pagtawag sa kanya ng daddy.. pero mukhang wala rin lang sa kanya na natutuwa rin lang.

Hanggang karga pa rin si Xion ni Sizzy, tinuro naman niya si Dad. “That’s your Lolo. Yes, Low-lo.”

Pumapala-palakpak din si dad na gustong-gusto rin ang tawag sa kanya ni Xion na inuulit ulit ang turo sa kanya ni Sizzy.

Hanggang sa matapos kay Dad, lumapit naman si Sizzy at Xion kay Gian. “He’s your Ti-to. Tito Gian!”

Iniwas ko na ang tingin ko dahil parang gusto kong makonsensya sa pagpapaniwala ko sa lahat sa isang kamalian. Tinatawag ni Xion ang sarili niyang ama na tito.

“Tama na ‘yan Sizz.. Idala mo na dito sa’kin si Xion ng mapakain na rin.”

Parang walang narinig si Sizzy sa sanabi ko, at nilapit pa niya kay Gian si Xion. “Kargahin mo naman kuya si Xion..”

Bakas sa mukha ni Gian na hindi siya natutuwa. “Ano ba naman Sizzy.. Nakita mo namang kumakain ako.”

“Kuya, sige na.. Paano mo natatanggihan ang anghel na ‘to. Parang ikaw rin nga lang noong baby ka pa oh.” Tuloy ang pamimilit ni Sizzy na hindi inaalis sa harapan ni Gian.

“Sizz, please..” Tumayo bigla si Gian at lumipat ng upuan para siya na mismo ang lumayo.

Sa lahat si Gian ang hindi pa lumalapit kay Xion kahit isang beses. Naiintindihan ko kung may tampo man sa’kin si Gian na hindi rin ako pinapansin simula noong mangyari ang gabing ‘yon, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganun din siya kay Xion.

Sa kabila ng paglilihim ko kay Gian ng pagiging ama niya kay Xion, ayoko rin naman na ganitong hindi siya malapit sa bata. Sa mata niya, pamangkin pa rin niya ito, at dapat lang na maging malapit siya kahit papaano tulad ng kung panu kagaan ang loob niya kay Trixie na inaanak lang niya.

Wala man lang bang nararamdamang lukso ng dugo si Gian?

Shit. Why am I thinking this?!

Tumikhim bigla si Dad na may intensyong agawin ang atensyon naming lahat. “May gusto pa sana akong hilingin.. sa inyong dalawa Aries at Jake.”

Bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkakasabi at pagkakatitig ni Dad. Ang bagay na iniisip kong magiging komplikasyon.

Ngumiti ng matamis si Dad. Ngiting kinababahala ko. “Gusto ko sana kayong.. magpakasal!”

Shit.

Nagkatinginan kami ni Jake na kami lang ang nagkakaintindihan. Habang humiyaw lang si Sizzy na sang-ayon din. Lagi na lang ba siyang kinikilig at sumasang-ayon sa lahat? Noong isang araw lang nasa kay Chloe ang boto niya.

Nang walang nagsalita sa niisa sa’min ni Jake, muling nagsalita si Dad. “Aries? Jake? Huwag niyong sabihing ayaw niyo.. Meron na kayong anak at dapat lang na makumpleto ang pamilya niyo ng isang basbas ng kasal.”

Pamilya. Kasal. Basbas.  Ohh. Big words.

“Parang.. masyadong maaga pa para diyan..” pagrarason ko.

“Maaga? Nasa tamang edad na kayo. May anak na nga kayo.” Natigilan si Dad at inalis ang salamin niya. “Mahal niyo naman ang isa’t isa diba?!”

That’s the Big question.

Hindi kami muling nakasagot ng maaga ni Jake na parang naninimbang kung sino ang sasagot sa’ming dalawa sa tanong.

“Yes of course they do.” Sagot ni Gian na ngayon rin lang ulit nagsalita. “They love each other Dad. You don’t have to ask.”

Lumuwang muli ang ngiti ni Dad. “Then good. Magpapakasal kayo, as soon as possible.”

“Wedding bells are ringing..” sigaw ni Sizzy.

xxx

Nakakailang beses na akong pabalik-balik ng lakad. Di na naman ako mapakali matapos ang sinabi ni Dad kanina na siyang ikinabahala ko ng sobra.

“Aries?!” tawag sa’kin ni Jake na mukhang nahihilo na rin sa pagmamasid sa ginagawa ko. “Are you okay?”

Tumigil na rin ako. “I’m perfectly fine.”

“No you’re not!” agad na balik ni Jake. “Kung tungkol ‘to sa kasal..”

“About that..” pagpuputol ko sa kanya. “Okay lang sa’kin ang ikasal.. Payag ako. Ikaw lang ang inaalala ko..”

“Paano kung sabihin ko sayo na walang problema sa’kin at payag rin akong maikasal sayo?!”

Napalunok ako. Natigilan ako sandali pero agad ding nakabawi. “Then, Great!” biglang sagot ko. “W-wala tayong problema..”

“Nababaliw kana ba, Aries?!” Biglang parang bumagsak ang mukha ni Jake na malinaw na hindi gusto ang sinabi ko. “Hahayaan mo na lang ba talagang makasal ka sa’kin? Kahit labag sa loob mo?”

“I’m sorry Jake.. kung nadadamay pa kita sa problema kong ‘to. I’m sorry kung napipilitan ka rin lang ng dahil sa’kin.”

 “Hindi ako ang napipilitan dito, Aries.. IKAW. Nakikita at naririnig mo ba ang sarili mo?” Lumapit pa sa’kin pahakbang si Jake para mas matitigan ako ng malapitan. “Aries, Ano ba talaga ang ikinatatakot mo na malaman ni Gian ang totoo? Bakit kailangan mo kailangang maging desperada ng ganito at magpakasal sa’kin na labag sa loob mo?”

Sumentro ang mga tanong na ‘yon ni Jake sa mismong puso ko.

“Sabihin mo nga Aries.. Mahal mo pa ba siya?”

“Hindi.” Umiling ako ng paulit-ulit. “Nakalimutan ko na siya. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Dalawang taon na ang nakalipas. Ang tagal na nyon.”

“Sino ba ang kinukumbinsi mo, Aries? Ako o ang sarili mo?”

Biglang parang napagod ako sa diskusyon namin ni Jake. “Jacob, Wala akong kahit sino mang dapat kumbinsihin. Believe it or not.. Wala na akong nararamdaman sa kanya.”

“Then why?” muling tanong ni Jake na hindi na ako tinitigilan na parang nililitis ako. “Why you can’t tell him the truth? Di naman niya sayo ilalayo si Xion. Mananatili ka pa ring ina niya. Ang mangyayari rin lang, kikilalanin niyang ama si Gian. Magiging ama siya sa sarili niyang anak. Kaya ano ang ikinatatakot mo?!”

Biglang nanghina ang tuhod ko at napaupo ako sa kama. Hindi ko na magawang tignan si Jake dahil bumubuhos na ng luha ang mga mata ko.

“Dahil..” Hindi ko magawang iangat ang ulo ko. “Dahil ayoko ng masaktan pa. Dahil iniiwas ko ang sarili ko sa sakit na naramdaman ko noon na halos hindi na ako makaahon.. Dahil natatakot ako na.. na bumalik ulit ang lahat na naramdaman ko para sa kanya.. Natatakot ako para sa sarili ko.. na baka umasa na naman ako sa bagay na mahirap mangyari. Dahil baka maging makasarili na naman ako tulad ng dati. Baka makalimot na naman ako na kapatid ko lang siya..at mauwi sa pagpapantasya na..”

Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang niyakap ako ni Jake at muli’t muli nanging sandalan ko ang balikat niya.

“Paano kung mahal ka pala niya at handa siyang..”

Pinatigil ko bigla si Jake sa sinasabi niya. Umiling-iling ako.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top