Twenty-Nine

PISTANTHROPHOBIA: the fear of trusting someone.

 

TWENTY-NINE

Isang linggo na ang nakakaraan pero walang nagbago sa malamig na pakikitungo sa’kin ni Gian. At ganun din ako kay Jake na hindi ko pa kinakausap. Nagpatuloy ang walang kibuan at iwasan sa pagitan namin na ikinatahimik ng bahay.

“Ate, Hanggang kelan niyo ba balak maging ganito? Dahil nababagot na ako dito sa bahay.. Hindi ko kayo nakakausap ng sabay-sabay, dahil galit pa rin sayo si Kuya Gian, ganun ka rin kay Kuya Jake. Sinusubukan ka niyang kausapin, pero umiiwas ka. At ikaw naman, hindi mo man lang sinusubukang kausapin si Kuya Gian. Huwag niyong sabihing aabutin ‘to ng taon.. Dahil ako naman ang magagalit sa inyo! Nakaka-stress kaya.. kung alam niyo lang.”

“Sizzy.. Wala akong panahon ngayon na makinig tungkol sa bagay na yan..” kasalukuyang abala ako sa pag-aasikaso para sa paliliguan ni Xion. Nang matapos ako, lumabas ako para kunin si Xion.

Si Yaya Mina lang ang nakita ko, at wala si Xion. “Yaya, Nasaan si Xion?”

“Kinuha sa’kin ni Gian kanina pa. Lumabas sakay ng kotse. Walang nasabi kung saan pupunta.”

“Ano?!” agad na saad ko. “Ba’t di man lang nagpaalam sa’kin?”

Sumulpot si Sizzy sa tabi ko. “Paanong magpapaalam, hindi nga kayo nagpapansinan diba?! Yan ang sinasabi ko kasi..”

Binalewala ko ang sinabi niya. “Pero hindi pa naligo yong bata.. at hindi pa kumain. Paano kung matagalan yon.. paano kung magutom?!” Pinagtaasan ko ng kilay si Sizzy. “Tawagan mo nga siya.”

“Ba’t ako? Ba’t hindi ikaw?”

“Sizz!” pagbabanta ko sa kanya.

“Okay. Relax.” Umalis na nga si Sizzy para kunin ang phone niya at tinawagan si Gian. Bumalik siya ulit. “Walang sumasagot. Naiwan niya ang phone dito sa bahay.”

“Shit!”

“Ate, kalma. Hindi ibang tao si Kuya Gian. Hindi niya pababayaan ang sarili niyang anak.”

Walang nagawa ang pagpapakalmang sinabi ni Sizzy sa’kin dahil hindi humupa ang pag-aalala ko kay Xion at inis ko kay Gian. Halos mawalan ako ng pasensya sa matagal-tagal na minutong paghihintay sa pagbalik nila. Dumaan ang isang oras bago sila dumating.

Pagkarating na pagkarating palang nila, galit na kinuha ko kay Gian si Xion. “Pwede ba next time, ‘wag mo ng gagawin pa ‘to!”

“What?!” sagot ni Gian na hindi nagustuhan ang sinabi at inaakto ko. “Pinagbabawalan mo ba ako sa sarili kong anak?!”

“All I’m just saying is.. Isipin mo rin ‘yong bata bago mo tangayin na lang basta.. O magpaalam man lang, mahirap ba ‘yon?!”

“Tangayin?!” pag-uulit ni Gian sa salitang ginamit ko na tanging tumatak sa utak niya. “Hindi ako kidnapper, Aries! Ama ako ni Xion.. incase na nakakalimutan mo!”

Biglang sumingit sa’min si Sizzy at kinuha sa’kin si Xion. “Pwede bang kumalma lang kayo. Mag-usap kayo ng maayos.”

“Wala na kaming dapat pang pag-usapan.” Sagot ko agad. Nang tangkang muli kong kukunin si Xion kay Sizzy, biglang pinigilan ako ni Gian.

“Yeah. Why don’t we talk!” Hindi paghingi ng pirmiso kundi isang pag-utos ang pagkakasabi ni Gian na bakas ang inis sa mukha. “Dahil gusto kong isiksik sa utak mong ‘yan.. na may karapatan ako sa anak ko, at wala kang karapatang pagbawalan ako na gawin ang kung ano mang gusto kong gawin sa anak ko!”

Umiling ako ng pagtanggi. “Wala na ako sa mood ngayon para diyan!”

Lalong hindi nagustuhan ni Gian ang sinagot ko. Bigla na lang siyang lumapit sa’kin at walang sabing binuhat ako. Ilang beses akong pumalag, pero hindi ko nagawang makawala. Mabilis at walang kahirap-hirap na naakyat niya ako sa hagdan at pinasok sa kwarto niya.

“Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa.. kaya pwede ba?!” sigaw ko sa kanya ng maibaba rin niya ako.

Naniningkit na tinignan ako ni Gian. “Ba’t ba ikaw pa ‘tong galit at nagmamatigas! Kung tutuusin, ako lang ang may karapatang magalit dito, dahil sa ginawa mo!..”

“Mas galit ako sa sarili ko Gian!” balik na sigaw ko sa kanya na puno ng emosyon. “Dahil marami akong dapat pagsisihan! Na sana noong umpisa pa lang.. hindi na lang kita minahal.. na sana, hindi ako nagpakatanga sayo!!!”

Wala ng lumabas na kahit anong salita mula sa bibig ni Gian. Natigilan siya sa sinabi ko. Titig na titig lang siya sa mukha ko.

“Hindi mo alam kung gaano mo ako sinaktan! Ni hindi mo nga alam na may nangyari sa’tin diba?! Sabihin mo nga.. may naaalala kaba?!”  Matigas ang bawat labas ko ng salita. Parang bumalik ulit ang eksaktong sakit na naramdaman ko noon.

“Hindi diba..” sagot ko sa sarili kong tanong. “Gusto mong ipaalala sayo?!” Ramdam ko ang sunud-sunod na pagdaloy ng luha ko habang masakit na inaalala ang nakaraan. “That night you were drunk. Yon yong araw matapos akong magmakaawa sayo at sinabi kong magpapakamatay ako kapag hindi mo ako pinili.. Nagpakalasing ka noon at alam kong si Hailey ang dahilan.. gusto mong makalimot sa kung paano kang natali sa’kin.. at nagawa mo nga. That night, wala kang ibang nakikita at binabanggit kundi si Hailey.. Inakala mong ako si Hailey… at masyado kitang mahal, at masyado akong tanga, para hayaang akalain mong ako siya.”

Matapos kong masabi at mabushos ang lahat, nakita ko ang malaking pagbabago sa mukha ni Gian. Isang malaking pagsisi ang tanging nababasa ko sa mga mata niya na nangingilid ng luha.

Humakbang siya palapit sa’kin at hinablot ako para yakapin. Mahigpit na mahigpit na parang hindi na ako makahinga. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nanginginig siya kasabay ng mahihinang iyak.

“I’m So Sorry..” tanging nasabi niya at paulit ulit na binabanggit niya.

“Wala kang dapat ipaghingi ng tawad, Gian.” Biglang nawala ang bigat ng loob ko. Habang yakap ko si Gian, ramdam ko ang pagsisisi niya na hindi ko hiningi o hinihingi sa kanya. “Kung meron mang dapat magsisi, ako lang ‘yon.”

Kumalas bigla sa’kin si Gian, pero hindi ang mahigpit na pagkakahawak niya sa bewang ko. “Don’t ever say that.” Sinabi niya ‘yon mata sa mata at sa napakalapit na mga mukha namin. “Hindi mo alam kung gaano ako nagsisisi.. sa ginawang pagpapakawala ko sayo.”

Naalala ko bigla ang eksaktong sinabi ni Hailey sa’kin na tumutugma sa sinasabi ngayon ni Gian. Pero nananatiling blangko ang mukha ko.

“Aries.. Makinig ka..” mas nilapit pa ni Gian ang mukha niya. “Hindi ko alam kung maniniwala ka pero.. Noong umalis ka, saka ko lang nakita kong gaano ako Katanga! Una, hindi ko alam kung bakit o anong nangyayari sa’kin dahil hindi ko magawang maging masaya kay Hailey.. Na sa bawat araw, ramdam kong may kulang.. At natagalan pa ako na marealize na ikaw lang pala yon.”

Hindi ko magawang kumurap. Kahit malinaw na naririnig ko mismo sa bibig ni Gian ang bagay na yon.. ang hirap pa rin paniwalaan. “Kung sinasabi mo lang yan para..”

“Sinasabi ko ‘to sayo ngayon dahil ito ang totoo.” Mas humigpit pa ang hawak ni Gian. “Nang bumalik ka dito at isipin ko pa lang na nakalimot kana, hindi mo alam kung gaano ako nagsisisi. At mas nagsisi at nasasaktan ako, sa bawat araw pang dumaan na wala akong magawa kundi ang tignan kana lang, at umakto bilang kapatid.”

Umiling ako kasabay ng pagpipilit kong kumalas kay Gian pero hindi niya ako pinagbigyan.

Mas lumapit pa siya para siguraduhing hindi ko maiiwasan ang tingin niya. Walang kasing seryoso ang mukha ni Gian. “Aries.. Mahal kita.. Mahal pa rin kita..”

Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa eksaktong narinig ng dalawang tenga ko. Matagal ko ng hindi inisip na darating pa ang araw na maririnig ko pa ulit ang salitang yon mula kay Gian.

“Aries?” mahinang tawag ni Gian na masusing binabantayan ang reaksyon ko.

Umiling muli ako bilang sagot na hindi direktang nakatingin sa kanya.

“Wala na ba talaga?”

“Wala na.”

“Your words don’t mean a thing, I’m not listening.” Mariin ang pagkakasabi ni Gian. “Kung may magagawa pa ako..

“Pagod na ako, Gian. Ayoko na.” Nakikiusap na sambit ko.

Takot na ako.. Takot na akong pagkatiwalaan pa siya.. takot na akong mahalin pa siya..

Dahil takot na akong masaktan pa.

Alam kong sa lahat ng tao, si Gian ay may pinaka-kakayahang saktan ng sobra ang puso ko. At ayoko ng maranasan pa ulit yon.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top