Twenty-Four

Take away the pain from yesterday.

 

TWENTY-FOUR

Nang lumabas ako sa Le Wish, dumiretso na ako agad kay Xion na pinakananabikan ko na namang makita. Kung ganitong araw-araw akong pumapasok sa Le Wish at kailangan ko ring magpakita lagi sa bahay, tatlo o apat na oras lang lagi sa bawat araw na magkakapanahon ako na makita si Xion. Pero dahil sa aalis na rin ako ng Le wish, mas magkakaroon ako ng panahon sa kanya na nananatiling lihim pa rin siya.

“Bakit di mo na lang ako hinintay kanina.. pupunta rin naman ako dito.” Saad ni Jake na kasunod ko rin lang dumating. Agad siyang lumapit kay Xion at nilaru-laro.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa date nila ni Chloe. Pero mas gusto kong sitahin si Jake tungkol sa hindi man lang niya pagkukwento sa namamagitan sa kanila ni Chloe.

“You and Chloe, huh..” tinignan ko si Jake ng tingin na nangangailangan ako ng detalye dahil wala akong kaalam-alam. “Hindi ka man lang nagkwento..”

Bahagyang nagulat si Jake na may alam na nga ako. Pero agad rin siyang nagsalita. “There’s nothing going on with us..”

“That’s not what I heard.” Tumaas ang kilay ko. “Come’on Jacob..”

“That was months ago. And we’re not getting back. Nilinaw ko na sa kanya lahat kanina na wala na talaga.”

Masyadong limitado at bitin ang pagkwento ni Jake. “That’s it.. Wala kanang ikukwento kung paanong naging kayo.. Kung paano mo siya nagustuhan.. bakit kayo naghiwalay.. Things like that..”

“You really want to know?”

“Yes, Of course. I want to know.” Mas lalo akong naintriga. Si Jake ang taong masekreto, hindi siya ganun kadetelyado sa mga bagay-bagay.

Biglang tumahimik si Jake na parang hindi makuha kung saan magsisimula. At kung kelan parang handa na siyang magsalita, saka naman biglang umiyak si Xion.

“You’ll tell me later..” pagbabanta ko kay Jake bago ko siya tinigilan.

Bumalik na muli kay Xion ang atensyon ko para patahanin. Maya-maya din, matapos siyang kumain, at kaunti pang laro, bigla na rin siyang napagod at nakatulog. Nang mahimbing na ang tulog niya, saka rin lang kami ni Jake umalis para umuwi na rin sa bahay.

Nasa tapat na kami ng gate ng bahay at handa na akong pumasok nang bigla akong pinigilan ni Jake.

“Bakit?” inaantok na tanong ko. Ramdam ko na ang pagod.

“Sasabihin ko na sayo ang gusto mong malaman kanina.” Seryosong saad ni Jake na nagpabuhay sa inaantok kong pandinig. Bigla’t bigla, naging intersado ako dahil magbubukas na rin siya sa wakas.

Muling nagsalita si Jake. “Tinanong mo ako kanina kung paano naging kami, at kung bakit kami naghiwalay ni Chloe.. Well, there’s only one reason for that..”

Tumigil si Jake na ikinainip ko. “Which is?”

“YOU.”

Naguluhan ako bigla. “Wha- Me? At paano naman..”

“Aries..” pagpuputol sa’kin ni Jake na hinuli ang tingin ko. Sinigurado niya na nakatingin ako sa kanya. “Nakalimutan mo na ba ang mismong sinabi ko sayo nang umalis ka ng bansa two years ago..”

Hindi ko na magawang makapagsalita. Di ko na alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko ‘to inaasahan.

Hinawakan ni Jake ang magkabilang pisngi ko para siguraduhing hindi ako iiwas ng tingin. “Aries.. kung hindi mo na naaalala, ipapaalala ko ulit..”

 “Aries, Gusto kita. Hindi bilang kapatid, kundi higit pa doon. Noon at hanggang ngayon.”

Pinagpawisan ako bigla. Kitang-kita ko ang seryoso at sinseridad sa mukha ni Jake. Malinaw na hindi siya nagbibiro.

Di ko pa rin alam kung anong sasabihin ko. Ba’t ba nangyayari ‘to..

“Sinabi ko sayo noon, na maghihintay ako. Ginawa ko.. pero napagod rin ako, dahil akala ko, hindi kana babalik.. Sinubukan kong ilipat kay Chloe ang nararamdaman ko para sayo, but it didn’t work out. It’s still YOU.”

Sinubukan kong magsalita pero walang boses na lumabas sa boses ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko na hindi ko masasaktan si Jake. Dahil minsan na akong nasuot sa posisyon niya nang ginawa ko rin ang tulad na ‘to kay Gian.

Naglabas si Jake ng mapag-unawang ngiti. “Gaya ng sinabi ko rin sayo noon, hindi mo kailangang magsalita ng kahit ano, Aries. Hindi ako humihingi ng sagot mo. Sinasabi ko ‘to, para ipaalam sayo.. Para magparamdam, at makita mo rin ako.. At sana.. Hayaan mo lang ako sa nararamdaman ko para sayo. Huwag mo sana akong pagbawalan.”

Para akong matutunaw sa kung paano niya ako titigan. “B-bakit ako?.. May anak na ako.. isa pa, aalis din ako..”

“Dahil gusto na kita noon pa man. At mas lalo kitang nagustuhan ngayon dahil nakita ko kung gaano kabuti at karesponsableng ina.”

“Pero.. it would be unfair kung paaasahin kita sa walang kasiguraduhan..”

“Mas unfair sa’kin kung hindi mo ako hahayaan. Hindi mo man ako mahalin, tatanggapin ko.. Basta sa ngayon, gusto ko lang hayaan mo akong mahalin ka. Yon lang. Kontento na ako. Huwag mo lang ako ipagtutulakan palayo.. dahil mas masakit ‘yon.”

Halos magmakaawa si Jake sa kung paano niya ako tignan. Naramdaman ko na lang na niyayakap na niya ako. “Let me love you..”

Bigla na lang akong napaluha na parang hindi ko na hawak ang emosyon ko. That’s the exact words na minsan ko ng sinabi kay Gian.. pero hindi niya ako hinayaan. At alam ko kung gaano kasakit ang tanggihan.

Beeeeep.

Isang busina ng sasakyan ang nagpahiwalay sa pagkakayakap naming dalawa.

Bumaba ng sasakyan si Gian at lumapit sa’min. “Ba’t nandito kayo sa labas?”

“Kararating rin lang namin.” Maagap na sagot ko.

Hindi inalis ni Gian ang tingin niya sa’kin. “Magkasama kayo? Akala ko sumabay ka kay Carl?”

“Ganun na nga, sumabay ako kay Carl. Pero, may pinuntahan pa siya na kakilala niya kaya, nagpasundo na lang ako kay Jake.”

Wala ng sunod na itinanong pa si Gian at tumahimik na. Pero sa kabila ng pagkawala ng pang-uusisa niya, napansin kong may mapanghinala sa klase ng tingin niya.

Magkakasunod na kaming pumasok sa loob ng bahay.

xxx

Handa ng matulog ang katawan ko, pero hindi ang utak ko. Hindi ko magawang makatulog dahil sa gumugulong bagay sa isip ko. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang nangyari kaninang pag-amin sa’kin ni Jake.

Hindi ko inakalang mangyayari ulit ang bagay na ‘to. Kung ano mang naramdaman ko noon kay Gian, siya namang nararamdaman ngayon ni Jake sa’kin.

Dapat ko bang buksan ang puso ko para kay Jake? Paano kung hindi mangyari? Paano kung masaktan ko lang siya? Hahayaan ko ba siya, tulad ng gusto niya???

Let me love you..

Hindi maalis sa utak ko ang apat na salitang iyon. Should I let him?

I don’t know.. Ayoko munang mag-isip.

Biglang parang gusto kong ilublob ang ulo ko sa tubig. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa pool dahil wala akong ibang gustong mangyari kundi ang marelax ang pag-iisip ko.

Nang nasa harap na ako mismo ng nang-aanyayang tubig, hindi ako nag-aksaya na magpalit ng damit. Inalis ko lang ang pink pajama na suot-suot ko at hinayaan ko lang ang maluwang na puting t-shirt ko.

Tumalikod ako sa pool at tinaas ang magkabilang braso. Pinikit ko ang mga mata ko at dramatikong bumagsak sa tubig na nakatalikod.

Dama ko ang paglapat ng likod ko sa tubig at tunog ng pagbagsak na masarap pakinggan kahit na nabalot na ng tubig ang tenga ko. Dinama ko pa lalo ang tubig sa paglublob ko at paglangoy ng paulit-ulit hanggang sa maaabot ng hininga ko.

Nang iahon ko ang ulo ko mula sa tubig, panandaliang natulala ako nang makita kong nakatayo si Gian sa kaninang kinatatayuan ko.

Shit.

He’s only wearing swimming trunks. And already wet from head to toe. Kaya nangangahulugan lang na nauna siya sa’kin at umalis lang sandali.. at mukhang para kumuha lang ng alak na tanging hawak nito ngayon.

“Hey, Mermaid..” Bati ni Gian na mukhang nasurpresa rin sa pagsulpot ko ng biglaan sa pool. Umupo si Gian sa gilid ng pool saka lumagok ng alak.

“Papatayin mo ba ang sarili mo?! Hindi ka pwedeng magswimming ng nakainom.”

Nang tuloy-tuloy pa rin sa paglagok ng alak si Gian, lumangoy ako palapit sa kanya. Tinangka kong agawin ang baso, pero hindi ko nakuha.

“Pwede ba GIAN! Tigilan mo na yan. Lalasingin mo ba talaga ang sarili mo?!” Hindi ko mapigilang mag-alala.

Muling tumagay at uminom muli si Gian na hindi ko na naman napigilan. “Kahit magpakalasing ako, ayos lang.. Hindi ako malulunod dahil alam kong sasagipin at hindi mo naman ako pababayaan diba?!”

“Kung hindi lang kita kapatid..”

“Hindi tayo magkapatid..” maagap na pagtatama ni Gian sa di ko natapos na pahayag.

“Lasing ka na nga!” Muli kong tinangkang agawin ang alak kay Gian pero muling hindi ako nagtagumpay. Muli na naman siyang uminom.

Ngayon ko lang nakita si Gian sa mismong harapan ko na ganito na parang walang control sa pag-inom. May problema ba siya?

“Ano bang rason, ba’t ka napainom ngayon at nagpapakalasing ng ganyan?”

Ngumiti ng mapakla si Gian. “Kung alam mo lang..”

Yon din ang eksaktong salitang sinagot niya sa’kin nang tinanong niya ko siya kaninang umaga. Bigla akong nabahala. “Huwag mong sabihing may sakit ka?! Malubha ba? Nakamamatay?! What?!”

Tawa lang ang tanging sinagot sa’kin ni Gian.

“Sira ka talaga! Ba’t di mo na lang kasi sabihin sa’kin..”

Muling uminom si Gian saka nagsalita. “I’m a DAMN FOOL..”

“I Agree.” Ako naman ang tumawa ng malakas. Pero agad rin akong natigilan nang napansin ko ang malalim na titig ni Gian. “Sorry.. You’re not fool. Binabawi ko na!”

“Yes, I am!” muling saad ni Gian sa napakaseryosong boses na hini nawawala ang malalim na titig. “And I just deserve this.. pain I’m feeling!”

“What are you sa-..” hindi ko na natapos ang tanong ko nang biglang tumayo si Gian at mabilis na binagsak ang katawan sa tubig ng pataob at walang balak igalaw o ikampay ang braso at binti.

Mabilis kong kinilos ang sarili ko palapit sa kanya at inahon siya sa tubig. “GIAN! Papatayin mo ba talaga ang sarili mo?!”

“Paano ako mamamatay, hindi pa nga ako nalulunod, sinagip mo na ako.”

“Lasing na lasing kana..” Pinilit kong ipinapatayo si Gian pero masyado siyang mabigat. Hanggang sa nawalan ako ng pasensya. “Pwede ba umayos ka! Tatawagin ko na nga lang si Jake para humingi ng tu-”

Biglang tumayo si Gian at inakbay ang braso niya sa balikat ko. “Kaya ko na ang sarili ko, alalayan mo na lang ako.”

Inalalayan ko nga si Gian papunta sa kwarto niya na hindi masyadong nahihirapan dahil hindi siya masyadong nagpabigat.

Pagkapasok namin sa kwarto, dineretso ko na siya sa banyo at inabutan ng robe. Aalis na sana ako nang muli niya akong tinawag at nagrequest pa ng kape.

Talaga naman.

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang hiniling niya. Nang muli akong bumalik sa kwarto na may dalang kape, nasa kama na si Gian.

Tinapik-tapik ko siya sa mukha. “Inumin mo na ‘yong coffee mo.”

Minulat ni Gian ang namumulang mata niya, pero parang hindi niya narinig ang sinabi ko. Uulitin ko sana nang inunahan na niya akong magsalita.

“I’m so stupid to let her go..”

Mahina, pero malinaw ang narinig kong iyon mula sa bibig ni Gian. Sa kung paano rin niya bigkasin ‘yon, naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.

“Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?”

Hindi sinagot ni Gian ang tanong ko, pero sapat na ang nasasaktang reaksyon niya para mabasa ang sagot.

Kung sino mang babae ang dahilan, siguradong mahal na mahal niya.. base sa kung gaano siya nasasaktan ngayon.

“It’s all my fault.. I messed up!” muling sambit ni Gian na nagsisimula ng bumagsak ang luha. “I’m so stupid.. Now, I can’t have her back.. Nakalimutan na niya ako.. May iba na siya.”

Niyakap ko si Gian nang hindi ko na kinaya na nakikita ko siyang umiiyak, sa unang pagkakataon. “Sshh..”

Naramdaman ko na rin lang na bumubuhos na rin ng luha ang sarili kong mga mata. Naramdaman ko ulit ang pamilyar na sakit..




______________________________

pople: Gian,You should have bought her flowers, and held her hand.. You should have gave your hours, when you have the chance.. Now, how can you clean up the messed you’ve made?

______________________________


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top