Three
Love is not a straight path. It is bumpy, has sticks and stones, twists and turns.
THREE
Tinotoo ko ang binitiwan kong salita. Mag-isa akong nagbakasyon sa San Agustin. At hindi ako makapaniwala na hindi man lang gumawa ng paraan si Gian para kausapin man lang ako.
Muling tumulo ang mga luha ko. Nasaan na ang dating Gian na kilala ko? 'Yong taong laging nasa tabi ko.. yong taong hindi magagawang saktan ako ng ganito.
Mabilis kong pinahid ang luha ko nang mapansin ko ang anino na papalapit sa'kin.
"Huwag mo ng itago ang luhang 'yan.. May problema ba?" inabot ni Jake ang isang panyo sa'kin. "Wag mong sabihing nagkakaproblema kayo ni Gian?"
"Wala na siyang pakialam sa'kin, Jake. Mas halaga sa kanya ang trabaho.. Pinili niya ang trabaho over me. Bakasyon lang naman ang hinihingi ko sa kanya. Mahirap ba 'yon?"
"Aries, intindihin mo na lang siya."
"Pinipilit ko, pero ang hirap. Alam mo kung bakit? Dahil hindi man lang niya ako kinakausap. Kung tutuusin, madali lang naman akong kausap kung sinubukan man lang sana niya. Pero parang—" halos hindi ko masabi ang salitang nasa isip ko, "..parang hindi na ako importante sa kanya.."
"Huwag mong isipin 'yan..hindi mo alam kung gaano ka kaimportante. Sinong tao ang hindi magpapahalaga sa'yo, Aries... I'm sure agad-agad 'yon mare-realize ni Gian na maling hinayaan kana lang niya mag-isa dito."
Niyakap ko si Jake. "Hindi naman ako nag-iisa dito. Nandito ka naman." Masaya ako na may isang kapatid pa rin akong matatakbuhan sa ganitong sitwasyon.
"Well, I'm glad na napadpad ka rito. Matagal na rin kitang hindi nakikita. Magtatagal kaba rito?"
"Na-miss mo lang ako eh." Pinisil pisil ko ang pisngi ni Jake na parang mukha lang ni Gian ang pinaglalaruan ko. "Two weeks."
Biglang sumeryoso ang mukha ko ng may biglang pumasok sa isip ko.
"Why?" pansin agad ni Jake.
"Bigla ko lang naisip.. Paano kung di maayos ang sa pagitan namin ni Gian.. paano kung mangyari sa'min ang nangyayari sa normal na relasyon na.. nagkakahiwalay at di na muling nagkakabalikan.. Paano kung ganoon?"
"Tanga na lang si Gian kung pakawalan ka pa niya."
"Paano nga kung tanga siya at mangyari nga 'yon?" muli kong sinanday ang ulo ko kay Jake. "Paano?"
"May ibang taong handang sumalo sa'yo kapag nangyari 'yon."
Natawa ako sa pampalakas na mga salita ni Jake. "At sino naman 'yon?... Dahil kung sino man siya.. Sana mahulog agad ang loob ko sa kanya pagdumating ang araw na sinalo niya ako. Para wala akong poproblemahin na sakit."
Walang salita at tanging mahigpit na lang na yakap ang sinagot sa'kin ni Jake. At gaya lang ng dati, napakomportable ako sa kanya.. "Thanks, Jacob.. You're the best bro in earth!"
"Jake?" naisip ko na sa tagal na laging pinapakinggan ako ni Jake sa mga problema ko at mga pagdamay nito sa lahat na nangyayari sa buhay ko, parang nakalimutan ko na baka siya rin naman ang nangangailangan ng tulong at pagdamay ko.
"Hmmm?" tanging sagot ni Jake para iparamdam na nakikinig pa siya.
"Matagal ko ng hindi nakakamusta ang buhay mo.. How are you?"
"Fine. Gaya lang naman ng dati. Nag-eenjoy naman ako dito sa resort at sa pagpapalago pa nito."
"I can see that. Sikat na ang Castaṅeda Resort.. at patuloy pang nakikilala.. thanks to you! Magaling ka talaga sa mga ganitong bagay na pagpapatakbo. Siguro kung pinapatakbo mo rin ang Le Wish, baka hindi ganoon ka-busy si Gian. Bumalik kana lang kaya.. Kaya mo naman sigurong pagsabayin ang pag-manage ng dalawa."
"Para isipin ni Gian na inaagaw ko naman ngayon ang kompanya at kung anong meron siya? Ganoon ba?"
Oo nga naman. Siguradong hindi hahayaan ni Gian ang matapakan siya ng ganoon. Kahit maayos na sila ni Jake bilang magkapatid, siguradong mababalik ang alitan ng dalawa kapag nagkataon.
"You're right." Pagsasang-ayon ko kay Jake. "Anyway.. back to your life, kumusta naman 'yong babaeng gusto mo? Mahal mo pa rin ba siya? Hanggang ngayon umaasa ka pa rin ba?"
Minsan isang beses lang nabanggit sa'kin noon ni Jake na may mahal rin siyang tao.. ang dahilan kung bakit di niya magawang magmahal ng iba. Kung sino? 'Yon ang hindi ko alam. Sa kabila ng pagiging open ko sa kanya sa buhay-pag-ibig ko, siya naman ang napakasarado sa pagbigay ng kahit anong maliit na detalye tungkol sa babae at sitwasyon niya.
"She's fine.." limitadong sagot nito na napakaramot magbigay ng mas mahaba-habang pahayag.
"How fine is she?.. married, taken, single, may sabit... tell me, Jake! Malay mo may maitulong ako.. Gaya ng love-advice.."
"She's taken.. but recently it's getting complicated, between her and his guy of course.. not with me! So.. what love-advice can you offer?"
Mas sumeryoso pa ang mukha ko sa pag-iisip. Wala akong ibang gusto kundi ang matulungan si Jake. "Kung nagkakaproblema sila ng karelasyon niya, then that's a good sign na hindi ka sumuko. Pero hindi ko sinasabing umeksena ka sa relasyon nila.. dahil mas maganda kung wala kang magiging kinalaman sa paghihiwalay nila. Mas maganda kung maghihintay kana lang. Mahirap pero ganun talaga kung mahal mo.. Mahirap umasa, pero 'yon ang panghahawakan mo para magawa mong maghintay."
Napatingin sa'kin si Jake na mukhang pareho kong napakaseryoso din. Pero wala itong sinabi at nananatiling tahimik lang.
"Isa pa, tanga na lang siya kung hindi ka niya makita." Dagdag na saad ko na ginagaya ko lang ang sinabi nito kanina.
Ikinangiti iyon ni Jake. "Paano kung tanga nga siya dahil hindi niya ako makita-kita."
"Dalawa lang naman 'yan.." daig ko pa ang ekspertong tagapayo dahil sa boses ko na sadyang ginawan ko ng buhay na parang isang DJ lang. "It's either, bulag siya.. or hindi ka nagpaparamdam. Sabihin mo nga, alin ba doon?"
Muling tumahimik si Jake pero agad ding naisipang magbigay ng sagot. "I think.. both."
Ako naman ngayon ang napangiti na malapit ng maging tawa. "'Yon lang Jake. Dobleng problema mo 'yan.. Kaya simulan mo ng magparamdam para mapansin ka niya. Gagawin mo ba?"
"Gaya nga ng sabi mo.. huwag muna akong umeksena sa relasyon nila. Ayokong makasira ng relasyon.. Malaki ang respeto ko sa kanya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top