Ten
You change for two reasons. Either you learn enough that you want to or you have been hurt enough that you have to.
TEN
Tatlong araw na lang bago ang kasal ni Sizzy, pero ngayon pa lang ako makakauwi dahil hindi naging madali sa’kin na iwan ang dapat kong iwan at ang trabaho ko. Dahil sa biglaan ang mga pangyayari sa pagbabalik ko, magiging biglaan din ang pag-uwi ko na tanging kasal lang ni Sizzy ang pakay ng maikling bakasyon ko.
Ilang oras lang hindi ako makapaniwalang nasa teritoryo na naman ulit ako ng Pilipinas matapos ang taong lumipas.
“XIARIES!”
Nilibot ko agad ang mga mata ko sa paligid nang marinig ko ang malakas na tawag sa pangalan ko. At sa isang gilid, nakita kong kumakaway-kaway si Jake.
“JACOB!” sigaw ko sa pangalan niya habang ginagaya ko ang paraan ng pagtawag niya sa’kin.
Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ang taong isa sa naghihintay sa pagbabalik ko. Maluwang ang ngiti nito. Kung may nagbago man sa itsura ni Jake, ‘yon ay ang buhok nito na mas bumagay sa kanya. At kung may hindi man nagbago sa mukha nito, ‘yon ay ang pagiging hawig pa rin nito sa kapatid na si Gian.
“Disappointed kaba na ako lang ang sumalubong sa’yo ngayon? Nagtataka kaba kung bakit wala sila ngayon?” Nakangiting tanong ni Jake habang isa-isa niyang pinasok ang mga gamit at maleta ko sa kotse.
Ito ang bagay na gusto ko pang itanong kay Jake. Hanggang ngayon talaga, nababasa pa rin nito ang iniisip ko.
“Yup. Where are they?” Sigaw ko para marinig ni Jake dahil pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Bumalik sa normal na lakas ang boses ko nang pumasok na rin si Jake ng kotse. “But I’m not disappointed you know.. Hindi naman ako matampuhin dahil lang dito.”
“Buti naman na hindi kana matampuhin..” Binuhay ni Jake ang kotse. “Dahil ‘wag kang mag-expect na may surprise na welcome home party sa’yo..”
“Ok. Maganda naman na nabalaan mo na ako. So I don’t have to expect.” Nangingiting saad ko. “Isa pa, alam kong busy talaga ngayon ang mga tao dahil sa nalalapit na kasal ni Sizzy..”
“Actually, may nangyari ngayon lang kaya biglang tanging ako na lang ang sumalubong sa’yo ngayon..” biglang sumeryoso ang boses ni Jake. “Kanina lang pumutok ang balitang hindi na matutuloy ang kasal ni Sizzy.”
Napanganga ako.
“You heard it right, Aries.” Patuloy ang pagmamaneho ni Jake na pinalipat lipat ang tingin sa daan at sa reaksyon ng mukha ko. “Umatras si Reid sa kasal.”
“What?!” halos hindi ko pa makuhang makapag-isip ng diretso. Pinaglalaruan ba ako ni Sizzy para lang umuwi ako? “Paano?”
“Alam mo naman siguro na buntis si Sizzy kaya lang siya pakakasalan ni Reid, diba?”
Tumango ako. Alam ko ‘yon. Nabanggit sa’kin ni Sizzy na buntis siya kaya agaran ang kasal na mangyayari.
“Pero alam mo ba kung bakit nabuntis si Sizzy?”
Pinagmulatan ko ng mata si Jake na hindi ko na alam kung pinaglalaruan lang ako. “Paano nga ba nabubuntis ang tao?!” balik na tanong ko kay Jake sa nakakalokong tanong nito.
Pero natahimik ako nang makita kong seryoso pa rin ang mukha ni Jake at hindi siya nagbibiro. “Wag mong sabihing iba ang ama ng pinagbubuntis ni Sizzy, dahil babatukan ko ang babaeng ‘yon!” halos maisigaw ko ‘yon.
“Hindi. Si Reid ang ama.”
Sumakit lalo ang ulo ko sa hindi ko na maidugtong na usapang ito. “So Paano? Pwede ba Jake, sabihin mo na lang ng diretso.”
“Nalaman rin lang namin ang katotohanan kanina lang.. Pinikot ni Sizzy si Reid. Kaya parang sinadya o plinano ni Sizzy na mabuntis, para hindi matuloy ang kasal ni Reid na engage na pala sa girlfriend nito.”
“Holy Shit!” Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Ito ang hindi nabanggit sa’kin ni Sizzy. Buong akala ko mahal siya ni Reid kaya iniwan nito ang girlfriend para sa kanya.
“Kaya, magulo ngayon sa bahay. At hindi na ako magtataka kung aabutan natin ang tulad ng sitwasyon nang iniwan ko sila kanina. Dad and Gian can’t handle her. Pinagpipilitan niya ang gusto niya. At mabuti na lang ngayon ka dumating, dahil kahit ako, hindi ko alam kung anong gagawin kay Sizzy.”
“Pakibilisan..” Tanging nasabi ko kay Jake dahil wala akong ibang gustong mangyari kundi ang makarating sa bahay.
Sinunod na lang ni Jake ang gusto ko. Mas binilisan pa niya ang takbo at ilang sandali lang nasa bahay na kami. Halos patakbo akong pumasok sa loob at sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses na alam kong galit ‘yon na boses ni Gian.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Sizzy, natigilan ako sa naabutan kong sitwasyon.
Nakakaawa ang itsura ni Sizzy habang nakahandusay sa isang gilid habang hindi maipaliwanag naman ang mukha ni Gian na may hawak na bote ng isang gamot.
“Tigilan mo na ‘to Sizzy! Sa tingin mo makakatulong ang gagawin mo? Nahihibang kana ba?!” sigaw ni Gian sa kapatid.
“Si Reid lang ang gusto ko. Siya lang naman.”
Mabilis na kinuha isa-isa ni Sizzy ang nagkalat na gamot sa sahig, at tangkang isusubo nang muling napigilan ni Gian.
Malinaw ang nakikita ko. Gusto kong tumakbo kay Sizzy at tumulong sa pagpipigil sa kanya. Pero di ko makilos ang binti ko, dahil parang sarili ko lang ang nakikita ko. Halos parehong sitwasyon na pinagdaanan ko noon nang halos sumagi sa isip ko ang magpakamatay.
“Kuya, kung ayaw mo akong magpakamatay, kumbinsihin mo si Reid, Kuya Gian. Sabihin mong pakasalan niya ako!” pagmamakaawa ni Sizzy na kumurot ng sobra sa puso ko.
Mas lumapit pa si Gian kay Sizzy na kitang kita ko kung gaano nahihirapan sa nakikita nitong sitwasyon ng kapatid. “I will, Sizz. Matutuloy ang kasal niyo. Don’t worry.”
Mas lalong parang kinurot ang puso ko. Si Gian ang uri ng taong handang gawin ang lahat para sa kapatid niya. At minsan na rin niyang ginawa sa’kin ang ganitong bagay.
Naramdaman ko na lang na may luhang dumadaloy sa pisngi ko. Parang ngayon ko lang nakita kung gaano ako makasarili noon nang magmakaawa rin ako kay Gian na huwag akong iwan at pakasalan ako na hindi man lang inaalala ang nararamdaman nito. At ang masama pa, nangyayari ulit ‘yon ngayon kay Sizzy.
Mabilis kong pinunas ang luha ko at lumapit sa dalawa. Pareho naman silang natigilan sandali sa paglitaw ko. Pero hindi naman sila ganun kabigla dahil alam naman nila na ngayong araw naman talaga ang pag-uwi ko.
“Let me talk to her.” Mahinang pakiusap ko na pinagbigyan naman ni Gian, pero hindi ito umalis.
Nang tinignan ko si Sizzy, punong-puno ng luha ang mata niya. Sa kabila ng matinding lungkot sa mata niya, nakuha niyang ngumiti ng makita ako na parang nakakita siya ng kakampi at makakaintindi sa kanya.
Si Sizzy mismo ang mabilis na yumakap sa’kin at sunud-sunod ang pinakawalang hagulgol. Damang-dama ko ang pagdurusa niya kahit hindi ko eksaktong alam ang mga nangyari. Dahil higit sa lahat, ako ang nakakaalam ng hapdi, ng sakit, ng kalituhang nararadaman ni Sizzy.
“Sshh.” Kahit ako hindi ko na rin kayang magsalita dahil sa nadala na rin ako sa pag-iyak. Hindi ko kayang nakikita siya ng ganito.
Ilang oras kami sa ganoong ayos na magkayakap, umiiyak. Patuloy ang pagcomfort ko kay Sizzy hanggang sa mapakalma siya. At ilang sandali pa, nakatulog na rin siya.
Dahan-dahan akong kumilos para iwan muna si Sizzy. At sa paglabas ko ng kwarto, naroon naghihintay at nag-uusap si Jake at Gian.
Umupo na din ako sa tabi nila pero napansin ko na may kulang. “Where’s dad?”
“Natutulog siya.” Sagot ni Gian. “Pinainom ko kanina ng pampakalma. Mahirap sa kanya na makitang ganito si Sizzy. Makakasama sa kanya.”
Hindi ko alam na napakalaking problema pala ang inuwian ko ngayon. Bigla ko tuloy naisip na mas magiging madali sana kung buhay pa si mommy.
“Naisip ko lang,” pagsisimula ko. “What if, isama ko na lang si Sizzy sa States pagbalik ko. Kailangan niyang makalayo muna dito..”
“Babalik ka ulit sa States?” agad na reaksyon ni Jake na parang ang pag-alis ko lang ang narinig.
“Ang totoo, one week lang talaga dapat ako dito, dahil may trabaho akong naiwan.”
Hindi ako pwedeng magtagal sa Pilipinas.
“Hindi ako papayag na isama mo si Sizzy.” Komento naman ni Gian sa suggestion ko. “Baka nakakalimutan mong buntis siya. At pananagutan ‘yon ni Reid, sa ayaw at sa gusto niya.” Bahagyang tumigil si Gian saka muling nagsalita. “Pwede pa naman siguro nating pakiusapan si Reid. Buntis si Sizzy, at siya pa rin naman ang ama. Kaya kung ang pagpapakasal..”
“NO way!” mariing di pagsang-ayon ko. “Hindi natin ipipilit si Sizzy kay Reid! Labas na dito si Reid.. Walang kasal na mangyayari.”
“Pero siya ang ama.. at may karapatan tayong maghabol.”
“Hindi tayo maghahabol!” tumataas na ang boses ko. At parang malapit na rin kaming magbatuhan ni Gian. “Hindi ‘yon sapat na rason. Paano naman si Reid? Kawawa naman ‘yong tao..”
“Paano naman si Sizzy? Hindi ba kaawa-awa ang kapatid natin? At ang magiging anak niya..”
“Marami ng single mom sa mundo!” halos ipagsigawan ko ang pangangatwiran ko. “Kayang-kaya ni Sizzy na buhayin ang anak niya. At nandito tayo para sa kanya at tumayong..”
“Diba aalis ka rin lang naman?”
Hindi ako nakasagot sa buwelta ni Gian. Parang bigla’t bigla napunta sa isang debate ang pag-uusap namin. At pareho na ring umiinit ang ulo namin na hindi namin namamalayan.
“Enough!” pumagitna si Jake sa’min na tanging kalmado. “Hindi tayo ang magdedesisyon para kay Sizzy. Dahil sa huli, alam naman natin na siya pa rin ang masusunod dito.”
“So, hahayaan na lang natin siyang ipagpilitan ang sarili niya sa kasal na pilit tinatalikuran ni Reid? Hahayaan natin siyang magmakaawa o lumuhod para pakasalan? Ganun ba?”
“Hindi.” Tumingin si Jake sa’kin saka muling nagsalita. “Si Sizzy ang madedesisyon. Pero nandito tayo para linawin, paliwanagan at palawakin ang pag-iisip niya para humantong siya sa tamang desisyon.”
Jake has a point. At kung may taong pakikingggan niya, ako ‘yon. Dahil mukhang sinusundan lang niya ang naging yapak ko. Kailangan kong ipakita sa kanya ang daan para makalabas. At una kong dapat ituro ay kung paano muna tumayo matapos siyang matisod.
“Okay. You’re right.” Pagsang-ayon ko kay Jake. “At gagawin ko ang lahat para makumbinsi siyang hindi na ipilit pa ang kasal.”
Cause I know it’s wrong. Gusto kong paliwanagan si Sizzy na hindi niya kailangan pang magmakaawa para makuha ang taong gusto niya. Na dapat pakawalan na lang niya. Isuko na niya. Gaya ng ginawa ko. Dahil ‘yon ang mas tama.
Kung may mas nakakaintindi man ng pinagdadaanan ngayon ni Sizzy, walang iba kundi ako. Dahil nakikita ko ang sarili ko noon sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top