Six

Kapag nagmahal ka ng sobra-sobra asahan mong sobra-sobra rin kapag nasaktan ka.

                   

SIX

Hating-gabi na pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Matapos ang pag-uusap namin ni Hailey, patuloy pa ring hindi matahimik ang pag-iisip ko. Kumbinsido ako sa sinabi ni Hailey na wala siyang balak makigulo sa kung ano mang meron kami ni Gian. Naniniwala ako doon. 

Pero sa ngayon, ang tanging gumugulo na lang sa pag-iisip ko ay ang nararamdaman ni Gian. Gusto kong paniwalaan na mali ang iniisip ko tungkol sa nararamdaman niya. Pero paano ko ipapaliwanag sa sarili ko ang nakita ko.. ang kislap sa mata ni Gian sa sandaling nakita ko siyang kasama si Hailey.. ang espesyal na pagtingin na hindi ko na maramdaman sa kanya ngayon. At ‘yon ang mas nakakabahala.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Mahimbing na ang tulog ni Louisse na siyang kasama ko sa kwarto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at walang ingay na lumabas.

Dama ko ang biglaan lamig na bumalot sa balat ko. Pero hindi ako bumalik sa loob para kumuha ng jacket o magpalit ng makapal na damit. Pinagpatuloy ko ang paglakad sa tahimik na lugar na iilan na lang na tao ang nakikita ko.

Sa gitna ng madilim na parte sa bandang unahan dahil tanging iisang ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag, hindi nakaligtas sa paningin ko si Gian na kabisado ko na ang pangangatawan kahit pa nakatalikod.

Humakbang ako palapit sa kanya. Handa na ako. Handa na ako na malaman at marinig ang totoo. Kahit masakit.

“Hindi ka rin ba makatulog?” tanong ni Gian sa’kin ng maramdaman ang presensiya ko. 

Tumango ako na hindi ko alam kung nakita nito dahil sa medyo may kadiliman sa pwesto kung saan kami nakatayo. “Ikaw? Ba’t hindi ka makatulog? Marami kabang iniisip?”

Gusto kong yakapin si Gian o hawakan man lang kahit kamay man lang niya. Simula ng bumalik ako matapos ang linggong bakasyon, hindi ko pa ‘yon nagagawa sa kanya. O mas dapat sabihing hindi pa niya ginagawa sa’kin.

Kailangan ba talaga ako ang unang lalapit? Hahawak? Yayakap? Hahalik? Hindi man lang ba siya nasasabik na makita ako? 

“Marami. Sa dami di ko na alam kung anong uunahin.”

Kasali na ba roon sa isipin niya sa nararamdaman niya para kay Hailey?

“Pwede mo namang sabihin sa’kin. Nandito lang naman ako kung gusto mo ng kausap. Makikinig ako. Just like before.. sinasabi mo ang lahat.”

“May mga bagay na hindi mo maiintindihan, Aries. Tulad sa trabaho at..”

“At nararamdaman mo..” putol ko sa sasabihin niya. “Pwede mo bang sabihin kung anong nararamdaman mo, Gian? Pilit kong iintindihin, para maayos ang lahat..”

Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha ni Gian dahil sa medyo madilim. Pero pakiramdam ko nakakunot ang noo niya ngayon. “Anong sinasabi mo, Aries?”

“Nasasakal kana ba talaga sa’kin Gian? Masyado na ba akong nakabuntot sa’yo? Nagiging sobra na ba ang lahat? O nagkukulang ba ako?”

“What are you saying Aries?” 

“Sabihin mo lang kung anong tingin mo sa’kin.. Tatanggapin ko. Gusto ko lang maging totoo ka.”

Tumahimik si Gian. Hindi segundo kundi minuto. 

“May mali na ba sa’kin Gian? Sabihin mo, dahil handa akong magbago para sa’yo.” 

“Walang mali sa’yo Aries..”

“Kung ganun.. Bakit ka nagkakaganyan, Gian? Ba’t parang hindi na kita maramdaman? Ba’t parang mali na lang ang ginagawa ko? Ba’t parang kulang lahat na pinapakita ko sa’yo? Ba’t parang hindi ka na masaya?” 

Tuluyan ng nawala ang control ko sa emosyon ko. Kahit hindi nakikita ni Gian ang mga luha ko, alam kong nararamdaman niyang umiiyak ako.

Niyakap niya ako. Ang hinihintay kong yakap mula sa kanya. 

“I’m sorry, Aries. I’m really sorry.”

Lalong nanghina ang tuhod ko. Lalong bumagsak ang mga luha ko. Lalong kumakawala ang ingay ng iyak sa bibig ko. 

Dahil alam ko kung para saan ang sorry na ‘yon. Pero parang ‘yon ang hindi ko kayang tanggapin. Mahirap intindihin. Parang bigla kong gustong magsisi sa pagtatanong ko, sa pagkompronta ko. Hindi pa ako handa na marinig ang hindi ko gustong marinig.

“Aries, maniwala ka.. Hindi kita gustong saktan. Ikaw ang pinakahuling taong ayokong masaktan. Mahalaga ka sa’kin...”

Tumatak sa utak ko ang huling sinabi niya. Mahalaga pa rin ako sa kanya. Pero kahit anong pagpapaniwala ko sa sarili ko, alam kong may dapat ipag-alala. 

Bigla akong hinarap ni Gian, cupping my face. “Mahal kita.. Aries. Kaso.. Ang problema lang..”

“Mahal mo rin siya diba? Mas mahal?” mahirap bigkasin ang bawat salitang parang tatapos sa paniniwala ko ano mang oras. “Hindi nawala ang pagmamahal mo kay Hailey diba?”

Muling niyakap ako ni Gian. Mas mahigpit. “Pero huwag mong isipin na hindi kita minahal, dahil mahalaga ka sa’kin. Kung ano mang naramdaman ko sa’yo noon, totoo ‘yon. At hindi ko rin alam kung bakit biglang..” hindi matuloy ni Gian ang eksaktong salita na hindi na rin niya kailangan pang ituloy dahil alam ko na rin naman. “Kung ako rin lang ang masusunod.. ikaw lang ang gugustuhin ko.. Kaso ang hirap.”

Napaiyak ulit ako. But this time, wala ng pagpipigil. Wala akong pakialam kung masyado mang malakas. I just want to let it all out. Dahil ang sakit na. Hindi ko na makaya. Kapag pinigilan ko pa, alam kong sasabog at sasabog din.

Mahabang minuto rin akong yakap ni Gian. At ramdam ko rin naman ang paghihirap niya at kagustuhan niyang burahin ang kung ano mang sakit na pinagdadaanan ko. Pero hindi ‘yon kaya mabura ng sorry o yakap.

“I’m sorry, Aries.” Pag-uulit ni Gian na mas mahina na nga lang ngayon na isang bulong. “Hindi kita gustong saktan, pero nangyari pa rin. Kaya ayoko ng masaktan kapa at makakabuti siguro kung…”

Nahinto ang pag-iyak ko sa hindi magandang sasabihin ni Gian na pinaka-hindi ko gustong mangyari. Ang bagay na pinoprotektahan ko at pinakiingatan na hindi mauwi sa wala.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Gian para makita ang buong mukha niya.. “NO! I won’t let that happen.. Hindi ako pumapayag!” mariin ang bawat pagbitaw ko ng salita.

Hindi ko kayang mawala sa’kin si Gian. Hindi ko matatanggap. At hindi ko makakayanan. Buo ang paniniwala kong siya ang makakatuluyan ko. Wala akong ibang gugustuhin na mapangasawa at maging ama ng magiging anak ko kundi si Gian lang.

Hinawakan ni Gian ang magkabilang pisngi ko para makiusap. “Please, Aries.. Magiging mabuti kong maghihiwalay muna tayo. We both need this. Trust me..”

“NO!” sigaw  ko. “Para ano? Para bigyan ka ng pagkakataon na balikan si Hailey.” Hinding hindi ako papayag!

“Hindi ‘to dahil kay Hailey, Aries. This is about you and me. Paano natin mapagpapatuloy ‘tong relasyon na ‘to kung.. kung may problema sa nararamdaman ko, at hindi ka rin naman matatahimik dahil alam mo ang bagay na ‘yon.”

“NO! Pwede nating ituloy ‘to. Kaya kong kalimutan ‘to.. I’m willing to start over again. Gian, kaya kong magtiis, magpanggap, maghintay, para lang sa’yo. Kaya kong gawin ang lahat. Kaya kung sundin ang ano mang gusto o hilingin mo.. ‘wag lang ang maghiwalay tayo.” 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya’t nagawa kong lumuhod sa harapan niya.. “Please..” magmamakaawa ako kung kailangan. Kaya kong magpakatanga para sa kanya.

“Anong ginagawa mo?!” Mabilis akong tinayo ni Gian. “Hindi mo kailangan gawin ‘yan. Dahil walang problema sa’yo.. ako ang may problema. Aries, believe me, pareho nating kailangang maghiwalay. I’m sorry.. Ayokong saktan ka pa. Masasaktan ka lang kong ipagpapatuloy pa natin ‘to.”

Unti-unting binitawan ni Gian ang mga kamay ko. Sa mga sandaling iyon, ramdam ko na wala na talaga akong magagawa. 

Pero habang pinagmamasdan siya habang humahakbang palayo para iwan ako.. Hindi ko talaga matanggap.

“Gian!” muling tawag ko sa kanya bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.. at maalis sa buhay ko. “Kapag iniwan mo ako ngayon.. I swear, magpapakamatay ako!”

Hindi lang ako nananakot, dahil handa kong totohanin ang sinasabi ko. 

Mabilis na bumalik sa’kin si Gian at tinignan ako na parang hindi makapaniwala. “Wag na wag mong gagawin ‘yan, Aries.” Sigaw ni Gian na parang hindi alam kung papagalitan ako o aamuhin. “That’s the stupidest thing na narinig ko sa’yo..”

Muling niyakap ko si Gian. “I mean it Gian. Gagawin ko sa oras na iwan mo ako..” Hindi ko hahayaang magkahiwalay kami kahit pagiging makasarili pa ang ginagawa ko. 

“Sabihin mong hindi mo ‘ko iiwan, Gian.. sabihin mo please..”

Sa oras naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Gian sa ulo ko, alam kong napapayag ko na rin siya. “I won’t leave you..”

Kahit mahina at parang mahirap para kay Gian ang sabihin ang pangakong ‘yon.. nasiyahan at parang nabuhayan ako. Kahit papaano naramdaman kong he still care about me. Mas mahal man niya si Hailey, masaya na ako na may pagmamalasakit pa rin siya sa’kin.

“Umuwi na tayo sa bahay, please.. Ngayon na..”

“Okay.”





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top