Seventeen
When someone hurts you, cry a river, build a bridge and get over it.
SEVENTEEN
Sumunod na mga oras, naging tahimik muli ang bawat sulok ng kwarto. At dahil sa distracted pa rin ako, hindi ko magawang magfocus sa ginagawa ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na binibilang ang bawat pag-ikot ng segundo sa wallclock. Natigil lang ang ginagawa ko nang may pumasok.
Napabaling ako sa babaeng hindi ko kilala. Dahil nasa loob din mismo si Gian na nadatnan nito, hindi na siya lumapit pa sa’kin at diretso na sa taong pakay niya.
Sa unang kilos palang nito na lumapit at humalik kay Gian, nagkaroon na ako ng ideya kung anong kauganayan ng babae sa kanya.
Hindi na ako magtataka kung isang model na naman ang babae dahil sa ganda ng tindig, tangkad at pangangatawan nito. Idagdag pa ang kakaibang ganda na parang may ibang lahi.
Mukhang nabalik na naman ang pagiging babaero ni Gian na minsan na naging ugali nito noong unang heartbreak niya kay Hailey. Kung ganun, hindi na nakapagtataka kung si Hailey na naman ang dahilan ng pagbabago ngayon ni Gian sa hindi pagseryoso sa relasyon.
“Why are you here?” agad na tanong ni Gian na parang hindi ikinatuwa ang surpresang pagbisita sa kanya ng babae.
“I just want to see you. Almost one month na kitang hindi nagpapakita sa’kin.”
Mukhang hindi malinaw sa babae na flavor of the month lang siya at hindi na interesado sa kanya si Gian.
“I’m in work right now, Pia. I’ll just call you later. I’m busy.”
Sa halip na umalis at sundin na lang ang sinabi ni Gian, umupo pa ang babae na parang walang balak umalis. Napunta sa’kin ang atensyon nito nang mapansin rin niya ang presensiya ko.
“New secretary again?” puna nito na mas lumabas na pahayag ang sinabi nito kaysa sa tanong. Mukhang alam nito ang papalit-palit na secretary ni Gian na nangangahulugan lang na madalas itong dumalaw sa kompanya.
Kinilatis ako ni Pia mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo nito pagkatapos. “Don’t tell me Gian na double job ang ginagampanan ng secretary mo, Ang sipag naman.” Tumingin it okay Gian at bumaling din ulit sa’kin. “Kaya ba nagsasawa kana sa’kin?”
Para akong nabastos sa direktahang pananalita ng babae sa mismong presensya ko. “Excuse me?!” mataray na saad ko. “Ibato mo sa sarili mo ang mga sinabi mo. Dahil hindi tayo magkapantay!” bumaling ako kay Gian habang nakataas ang isang kilay ko. “Pwede ba Gian! Palabasin mo na ‘tong babae mo!”
Hindi makapaniwala si Pia sa pagiging matapang ko na isang mababang empleyada lang naman. “And who are you to say that? Kung makapagsalita ka parang kung sino ka. Hindi talaga tayo magkapantay dahil model ako, at ikaw.. secretary lang!”
Bago paman ako sugurin ng babae, naagapan na siya ni Gian. “Huwag kang mag-eskandalo dito, Pia. Isa pa, tinatapos ko na ang kung ano man sa tingin mo tayo.”
Pilit na kumakawala si Pia na umuusok na sa galit. “Sino ba siya sa’yo Gian? Sabihin mo nga! Ipinagpalit mo ako sa isang secretary lang!”
Nginitian ko siya ng mapakla. “Why don’t you tell her, Gian, kung sino ako sa buhay mo. Tell her..”
Tumingin ng diretso si Pia kay Gian na nag-aantay ng sagot.
Hindi ko alam kung bakit ang tagal ni Gian magsalita na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. Kaya ako na mismo ang nagsabi.
“Hindi ako secretary lang dito..” Hindi ko hiniwalayan ng tingin si Pia dahil gusto kong makita ang susunod na magiging reaksyon niya. “I’m his Sister! Kapatid ko si Gian. Magkapatid kami!”
Kitang-kita ko kung paano natigalgal si Pia sa sinabi ko na ikinapahiya niya.Una parang hindi ito makapaniwala, pero nang makitan nito ang kumpirmasyon mula sa tingin ni Gian, naniwala na rin ito. Halos hindi siya makapagsalita, at umalis na lang bigla na hindi man lang nagsorry sa’kin o sa nasabi niya.
“Great, Gian!” sarkastikong saad ko kay Gian na kami na lang ulit matapos umalis si Pia. “Great!”
“Get back to work..” Muling utos nito sa’kin na malamig ang boses.
Malaking pagpipigil ko sa sarili kong bibig pero hindi ko magawang hindi magsalita ng kung anong nasa utak ko. “I just can’t believe na pinagpalit mo lang si Hailey sa kung sino na lang.”
Parang isang sapak ang salitang binato ko kay Gian na ikinaiba ng timpla nito. Hinawakan niya ang braso ko na ramdam ko kung gaano kahigpit pero sa paraang hindi ako nasasaktan. “Anong gusto mong gawin ko?”
Direktang nakatitig sa’kin si Gian. Mata sa mata. Pero hindi ko magawang mabasa kung anong eksaktong nararamdaman niya. Pero parang nahihirapan siya sa kung anong pagpipigil niya.
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Gian. Ano nga ba ang gusto kong gawin niya?
Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak ni Gian sa braso ko, hanggang sa tuluyan na siya ng bumitaw. “Aries, wala na kami ni Hailey. And please, stop acting like you’re our cupid. Hindi mo masasalba ang wala na.”
Lumabas si Gian ng opisina at naiwan akong nakatayo sa dating posisyon. Sa pag-alis ni Gian, parang saka lang ako nakahinga ng normal. Pero dama ko pa rin ang kamay niya sa braso ko. Sa oras na ‘yon parang.. gusto kong yakapin si Gian. Pero ginising ako muli ng huling sinabi niya.
He’s right. Hindi ko masasalba ang wala na.
Nang matauhan din ako matapos ang ilang sandali, inayos ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim.
Mali ang ginawa ko. Hindi na dapat ako nakialam pa. At mas lalong hindi ko dapat sinabi ‘yon kay Gian. Wala akong karapatan. At dapat lang na umakto ako bilang kapatid. Hindi bilang kupido at lalong lalo na hindi bilang ex-girlfriend.
Nang oras na para umuwi, pinili kong hindi muna dumiretso ng bahay. Sumama muna ako kay Carl sa bahay nito, para man lang mahanginan kahit papaano ang utak ko.
“So akala mo talaga si Gian at Hailey ang ikakasal.” Natatawang saad ni Carl matapos kong ikuwento ang nangyari. “So, nagulat ka! Kasi, sa tuwing magbabalak akong ibahagi sa’yo ang chapter ng relasyon ng dalawa, pinipigilan mo ako. Tapos sasabihin mong nagulat ka!”
Ilang beses na ngang tinangka noon ni Carl o ni Sizzy na magbigay balita sa nangyayari kay Gian at Hailey pero ako itong sarado. Pakiramdam ko mas mabuting wala akong alam. Dahil hindi na kailangan pa.
“Tapos ngayon.. umaakto ka na parang kupido sa dalawa na dapat ibalik ang relasyon na hindi mo rin nga nasundan ang takbo ng pagsasama nila.” Tuloy ang pagsasalita ni Carl na walang tigil. “Sabihin mo nga, Nagsisisi kaba na pinakawalan mo si Gian kay Hailey..dahil nalaman mo ngayon na napunta rin pala sa wala ang pagsasakripisyo mo?”
“No.” maagap na sagot ko. “Kung ano man ang ginawa ko, tama ‘yon. At hindi pagsasakripisyo ang ginawa ko. Sarili ko ang pinalaya ko..”
“Nakalaya nga ba?”
“Nakalaya naman..”
“Kung hindi ka kumbinsido sa sarili mo na nakalaya kana.. Lumaya ka ulit.” Hinawakan ni Carl ang kamay ko. “Sayang naman ‘yang beauty mo. Gusto ko rin makita kang ngumiti ulit gaya ng dati. At mangyayari ‘yon kung bubuksan mo ulit ‘yang puso mo.. Ngayon na!”
Napatawa ako sa huling sinabi ni Carl na exaggerated ang pagkakabitaw ng salita. Pero muling sumeryoso ang mukha ni Carl.
“Hindi ako nagbibiro, Aries.. Buksan mo lang ‘yan. Sigurado akong may sasalo sa’yo..”
Mula sa pagtawa, napalitan ng guhit ng ngiti ang labi ko. Parang ngayon lang maliwanag na pumasok sa isip ko ang gustong iparating ni Carl. Simula ng umalis ako ng bansa hanggang ngayon, hindi ko binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na buksan ang puso ko sa iba. Masyado kong nilayo ang puso ko, dahil sabi ko noon hindi pa ako handa.. Pero siguro nga, kailangan ko ng subukan ngayon. Dahil baka ‘yon na lang ang natatanging solusyon para tuluyan na akong makalaya at maging masaya.
Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Carl sa’kin hanggang sa pag-uwi ko sa bahay. At hindi ko inakala na ang pagbukas ng isipan ko sa ideyang iyon ay agad na inaksyunan ng tadhana.
Pagpasok ko palang ng bahay, napansin ko na ang isang hindi ko kilalang lalake na kasalo ng lahat sa hapunan maliban kay Jake na wala dahil nasa San Agustin para asikasuhin ang resort.
“C-come here, A-ries.” Agad na tawag sa’kin ni Dad. “Th-this is Phil.” Pagpapakilala nito sa binatang katabi niya. “A-nak siya ng ni-nong Ja-son mo.”
“Hi, Aries.” Inabot ni Phil ang kamay niya sa’kin. “We met before. That’s when I was ten years old. At di kita masisisi kung hindi mo na ako nakikilala.”
Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya, habang pinagmamasdan ko ang mukha niya.
Malinaw pa sa maliwanag na buwan na naaalala ko siya “Yeah, right! You’re Phil. Paano ba naman kita hindi matatandaan.” Napahalakhak ako nang makita ko ang hindi maipaliwanag na reaksyon nito. “Ang sama ko sa’yo noon diba? I’m sorry kung ngayon lang ako makakapagsorry sa’yo after so many years.”
“I’m g-glad na mag-kasun-do na k-kayo nga-yon.” Singit ni Dad na parang abot tenga ang ngiti.
Sa ngiting iyon ni Dad, mukhang nagkaroon ako ng ideya kung para saan ‘yon. Pero pinili ko na lang na hindi intindihin.
Nagpatuloy ang kwentuhan habang naghahapunan. Hanggang sa nagpaalam na rin si Phil sa’min. Nang makaalis siya, saka ko lang nalaman mula kay Dad na siya pala mismo ang nag-imbita kay Phil para sadyang ipaglapit sa’kin. At may pakiramdam akong masusundan ulit ang pagkikita namin.
“What was that?!” biglang baling ko kay Sizz. Tinutukoy ko ang nangyaring pag-imbita kay Phil.
Kanina pa umakyat na si Dad sa kwarto niya para magpahinga. Kaya ngayon ko rin lang napapahayag ang hindi ko gustong ideya ni Dad.
“Dad is giving you more reason to stay.” Si Gian ang sumagot na mukhang nakwentuhan ni Dad. Mukhang nakalimutan na niya ang nangyaring pangingialam ko kanina.
Binigyan ako ni Sizzy ng hello?-look. “Iniisip ni Dad na kung maging matagumpay ang matchmaking na ginagawa niya sa’yo, hindi kana aalis pa. Dito kana makakapangasawa at dito kana maninirahan permanently.”
“That won’t happen.” Siguradong sagot ko. “Dad is so, ridiculous.”
“Pero, Ate.. Hindi pa ba pasado sa’yo si Phil? He’s a goodlooking Doctor! Ano pa ba ang hahanapin mo?.. Kaya hindi ko rin naman masisisi si Dad. Kahit naman ako, magmamakaawa rin ako sa’yo na sana si Phil na lang. Para dito ka nalang forever!”
“What if, baliktarin natin ang sitwasyon. Paano kung sa’yo pinagpipilitan ni Dad si Phil? What would you feel?”
Nag-isip pa talaga si Sizzy ng ilang sandali bago sumagot. “Pwede kong sabihin kay Dad na sa’kin na lang si Phil?..”
“Sizzy!” Halos sabay kami ni Gian sa pagsita sa bunso naming kapatid na nakapagsasalita pa talaga ng ganun sa kabila ng estado niya. Alam naming nagbibiro lang siya, pero hindi pa rin magandang pakinggan dahil parang seryoso ang pagbitaw nito.
“Relax!” nakataas ang dalawang kamay ni Sizzy. Hanggang sa nasundan na lang ng tawa nito na hindi namin alam kung anong pinanggalingan. Tumigil lang siya nang sitahin namin siya sa pamamagitan ng tingin. “Natatawa lang ako sa inyo. Namiss ko na pinagagalitan niyo ako ng sabay. Ang kaibahan lang ngayon, para kayo si Mom and Dad. So cute!”
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ni Sizzy. Dahil malinaw na may halong panunudyo sa’min. O ako lang talaga ang naapektuhan?
Bigla na lang akong napatingin kay Gian na nakatingin rin pala sa’kin. Pero mukhang pinili na lang niyang hindi intindihin ang sinabi ni Sizzy. “Alam mo naman Aries kung ano ang dahilan kung bakit ginagawa sa’yo ‘to ni Dad. Kaya, intindihin mo na lang siya. Ayaw ka lang niyang umalis.”
Tumango ako dahil may punto si Gian. Biglang nawala ang pagkainis ko kay Dad. Gusto lang niya akong manatili at hindi na muling umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top