One

Hindi sapat kung kulang at masama naman kung sobra. Paano ba maging sakto ang pagmamahal na handa mong ibigay?

ONE

Nakabihis na ako at nakapag-ayos. Hinihintay ko na lang ang pagdating ni Carl dahil sabay kaming pupunta sa Le Wish. Araw-araw, halos parating ganito na lagi na lang kaming magkasabay. Inseparable.

Lumipat na ng bahay si Carl noong nakaraan pang buwan malapit rin lang sa lugar namin. Kaya daig pa namin ang magkambal na laging magkasama.

Well, hindi tulad ni Carl, hindi ako empleyado ng kompanya na obligado na araw-araw na pumasok. Nakagawian ko na lang na sumabay sa kanya dahil araw-araw ang pagdalaw ko kay Gian para makita siya at maghatid ng pagkain. Gusto ko siyang nakikita at nakakasama parati kahit sabihin pang nagkikita naman kami sa bahay matapos ang trabaho.

Masaya ako sa nangyayari sa'min ni Gian. Halos magdadalawang taon na ang pagsasama namin. Bagay na isang pangarap lang sa'kin noon.

Noon pa man kahit pinalaki kami na magkapatid, iba na talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Pareho kaming magulang dahil sa ampon lang ako. Pamilya ko ang pamilya niya. Isang pamilya kami pero alam ko sa sarili ko na higit pa sa kapatid ang trato ko sa kanya.

Sa murang edad, dama ko na ang pagtibok ng puso ko na hindi panandalian kundi pangmatagalan. Marami akong pinagdaanan dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Sa panahon na nasaktan ako ng sobra, pinili ko na lang na kalimutan siya kasabay ng pag-alis ko sa bansa.

Pitong taon din 'yon.. Pero sa pagbalik ko, ganoon pa rin at wala man lang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Ilang beses akong paulit-ulit na nahulog sa kanya... pero ilang beses din akong pinagtulakan ni Gian.. ilang beses niyang sinabing hanggang kapatid lang ang tingin niya sa'kin.

At sa ilang beses na 'yon, natutunan kong bumitaw. Pero sa huli kong pagtangkang bumitaw sa nararamdaman ko sa kanya... Ayun.. Hindi ko inakalang sasaluhin niya ako. Minahal rin niya ako. Matagal man ang naging proseso.. pero minahal pa rin niya ako. At para sa'kin, hindi siya nahuli.. dahil 'yon ang tamang oras at panahon na binigay sa'min.

Napatunayan ko lang na Love waits. Hindi man para sa'kin ang pagmamahal noon ni Gian, pero dumating din sa puntong sa'kin rin pala siya babagsak. Siya ang First Love ko.. Una't huling lalaking mahal at mamahalin ko.

Kaya, totoo nga naman talaga.. First love never Dies. Dahil hindi namatay-matay ang pagmamahal ko sa kanya.

Mahal na mahal ko siya.. sobra!

One last glance sa salamin, at nagawa ko ng lumabas sa kwarto ko para maghintay na lang kay Carl sa baba. Pero bago pa man ako bumaba ng hagdan, narinig ko ang parang mahinang pagsigaw mula sa kwarto ni Sizzy. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon, at patakbo akong pumasok sa kwarto niya.

Una inisip ko na baka may kung sinong nakapasok sa bahay at may kung anong ginagawa ngayon kay Sizzy. Pero nang makita kong walang ibang tao at nakahiga lang siya habang nakapikit, patuloy na umuungol at tinatawag ang pangalan ni mommy...

"Sizzy! Sizz..." ginising ko agad si Sizzy habang tinatapik tapik ang mukha.

"Mom!!!" huling sigaw ni Sizzy bago tuluyang nagising na basang basa ng pawis at sunud-sunod na dumadaloy ang luha.

Agad ko na lang siyang niyakap.

"Ssh..." pagpapakalma ko sa kanya. "It's okay.."

"Ate Aries, Pinaginipan ko na naman si Mommy!"

Patuloy ko na lang na niyakap si Sizzy. Masakit na nakikita ko si Sizzy na nagkakaganito. At naiintindihan ko kung bakit. "Wala na si Mommy sa'tin.. pero masaya na siya kung nasaan man siya ngayon."



Isang taon na ang nakararaan simula ng mamatay si Mommy. Naging masakit sa'min ang mawala siya, pero si Sizzy ang pinakaapektado sa lahat dahil na rin siguro sa bunso siya at bata pa siya para mawalan ng ina.

Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Sizzy. "Pinaginipan mo naman si Mommy?" pag-uulit ko sa sinabi niya. "Madalas ka bang binabangungot?"

Tumango si Sizzy bilang sagot saka nagsalita. "Noong kamamatay lang niya, madalas. Ngayon rin lang ulit nangyari ito. Miss ko na kasi siya.."

Hindi ko na napigilang umiyak sa narinig ko kay Sizzy. Dahil kahit ako, ganun rin naman. Kahit hindi ko siya tunay na ina, ramdam ko ang sakit ng isang anak na nawalan ng magulang. Pantay ang naging trato niya sa'min kahit sabihing hindi nila ako tunay na anak. Pinalaki niya ako na puno ng pagmamahal at naging maswerte ako dahil doon.

"Me too, Sizz." Nagyakapan na lang kami ni Sizzy. "Pareho lang tayo."

"I love you, ate." Ginawaran ako ng halik ni Sizzy sa pisngi. "Promise me, hindi ka rin aalis. Hindi mo ako iiwan."

Natawa ako. "Siyempre naman. Anong akala mo sa'kin, maagang mamamatay? Ilang beses ng nanganib ang buhay ko, pero eto pa rin ako.. buhay!"

Hindi ko makakalimutang muntikan na akong mamatay noon. Dahil sa aksidenteng nangyari sa'min ni Hailey, nagkaroon ako noon ng malubhang sakit.

"Alam ko kung bakit hindi ka namatay.." malambing na sambit ni Sizzy na tumayo. Unti-unti akong nagiging emosyonal sa susunod na sasabihin niya. "Masamang damo ka siguro, ate!"

Bago pa man ako maka-react, mabilis na itong tumakbo sa banyo habang malakas ang tawa. Parang maliit lang na bata kung umakto at hindi isang dalaga.

"Salbaheng bata!" sigaw ko nang hindi ko maabutan ang paghabol sa kanya dahil sinarado na rin niya ang pinto ng banyo. Nagbabalak pa sana akong gumanti nang marinig kong dumating na si Carl na siyang hinihintay ko. "Lintik lang ang walang ganti, baby sister! Humanda ka pagbalik ko.. I need to go now. Bye!"

Patakbo na akong kumilos, nang maabutan ko si Carl na kausap si Daddy. Kahit gaano kabakla si Carl kumilos at magsalita, natutuwa naman ako na hindi nahihirapan si Daddy sa pakikipag-usap sa kanya.

"We'll go now, Dad!" humalik muna ako sa kanya bilang pamamaalam. "Please Dad, kung ako talaga ang paborito mong anak, iganti mo na lang ako kay Sizz. Bye!"

Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Dad nang hinablot ko na si Carl palabas at sumakay na kami ng kotse.

Sa kalagitnaan ng takbo namin, napasimangot ako nang may maalala ako na nakalimutan ko sa pagmamadali.

"What's wrong?" pansin ni Carl sa pagkalkal ko sa malaking bag na dala ko. "May naiwan ka?! Hay naku.. hindi na tayo pwedeng bumalik huh. Malayo na tayo, sayang ang gas ko.. at male-late ako!"

"Hindi ko nadala 'yong niluto kong food for Gian."

May kasamang pagbabanta ang tingin ni Carl bago nagsalita. "Hindi tayo babalik para diyan. At isa pa, nangyari na rin siguro 'yan para makatikim rin naman si Gian ng ibang luto bukod sa luto mo. Baka nagsasawa na."

Tumatak sa utak ko ang huling sinabi ni Carl. "Hinding hindi siya magsasawa sa'kin. At isa pa, Ganun talaga pagmahal mo ang isang tao, dapat pinararamdam mo sa kanya. Sa pagkakaalam ko, hindi ako nagkukulang sa pagpapakita ng Care and Love!"

"Ayun.. pero huwag mong araw-arawin, baka sa kasobrahan, magsawa.." kung hindi lang nakahawak sa manibela si Carl, tiyak na nakapamewang ito. "Kahit nga ang mga tsimosang empleyado sa Le Wish ay iniisip na isa ka na raw na OBSESSIVE girlfriend.."

Napakunot ang noo ko. "Pinagtsi-tsismisan na naman ba ako ng mga empleyada? Hindi ba talaga nila ako titigilan?"

Si Carl ang mata at tenga ko sa loob ng kompanya, kaya ko nalaman na medyo matagal na pala akong pinag-uusapan ng mga empleyada sa kompanya sa tuwing nakatalikod ako. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanila para pag-usapan nila ako. Well, nagsimula ang isyu ng maging kami ni Gian. Bagay na hindi katanggap-tanggap sa makikitid na utak nila dahil kahit ampon daw ako, magkapatid pa rin kami. See? Mga pakialamera... Anong alam nila sa buhay namin? Mga empleyada lang naman sila.. Palibhasa, pinagpapantasyahan rin nila si Gian.

"Pero alam mo Aries, sa lahat ng sinabi at tsinismis nila sa'yo.. infairness, 'yon lang ang makatwiran.. Obsessive ka nga.. Di mo ba pansin?"

Binato ko ng panyo si Carl. "Hindi ako Obsessive!!! Caring at Loving lang!"

Umiling-iling si Carl. "Then, Define Obsessive, Sige nga, Xiaries Castaṅeda? In just one word, define Obsessive.."

"Baliw.. at hindi ako ganun."

Ikinatawa ng malakas ni Carl ang naging sagot ko. "Kaya naman pala hindi mo maamin sa sarili mo na Obsessive ka dahil hindi mo matanggap ang sarili mong pakahulugan." Pumitik pitik ang mga daliri ni Carl sa manibela sa paraang nakakainis. "Kung ako naman ang tatanungin mo sa definition ng obsessive in a positive way.. 'Yon ay SOBRA. Ganoon ka Aries, sobrang magmahal. So, masasabi mo na ba ngayong Obsessive Girlfriend ka?"

Tumango ako. "Fine. Kung 'yon ang definition mo, okay.. Payag na akong ikabit sa pangalan ko dahil hindi ko naman makakaila na sobrang mahal ko lang talaga si Gian."

Muling tumawa o mas dapat sabihing ngumisi si Carl na parang naisahan ako. "Now, let's describe SOBRA.. It's Exaggerated, Over, Stalker, Linta.. At malapit na malapit na sa nakakasakal o nakakasawa!"

"ME?!" taas kilay na tanong ko.

"Oo. Ganun ka kay Gian. Believe me Aries... kailangan mo ng tanggapin 'yon, para mabago mo na ang ugaling 'yan.."

"And why would I do that? Wala akong nakikitang mali sa ginagawa ko."

"I'm sorry Aries kung iba man ang naging tingin mo sa suggestion ko. Pero nag-aalala lang naman ako sa'yo.. at sa sarili ko na rin.."

Napatingin ako ulit kay Carl. "At paano ka naman napasama dito?"

"Eh kasi.." namewang na ang isang braso ni Carl na hindi na napigilan ang pagbitaw sa manibela. "Sa tuwing umaabot sa pandinig ko ang masasamang tsismis tungkol sa'yo, nanggigil ako, Aries. At alam kong sa susunod na hindi na ako makapagpigil pa.. Aries, makakapatay ako. At sa bilangguan ako pupulutin. Gusto mo bang mangyari sa'kin 'yon? Huh.."

Isang lagapak ng tawa ang pinakawalan ko. Kahit kailan hindi pa talaga pumapalya sa pagpapatawa si Carl. Pero hindi nito nababago ang pag-iisip ko.

"Kung ikaw at ang mga tsismosang empleyada ay apektado.. Well, si Gian, hindi.. Wala siyang sinasabi sa'kin. Kaya wala akong gagawing changes sa sarili ko. Ako ang masusunod sa kung paanong paraan ko ipapakita ang pagmamahal ko kay Gian."

"Baka hindi lang niya sinasabi kundi pinaparamdam." Singit ni Carl. "Ask yourself.. Nagiging malamig na ba sa'yo si Gian? Dahil kong Oo, that means nakakasakal o nakakasawa na ang inaakto mo para sa kanya.."

"Nope!" Maagap at mabilis kong sagot.

"Paano mo nasabing hindi?" tumaas pa ang kilay ni Carl. "Let's be specific.. Lumalabas-labas pa ba kayo gaya noong dati? Date? Watching movies together?"

"Yes. Of course. Last week actually. Nanood kami ng sine."

"Yon ay dahil pinilit mo siya. Diba sinabi mo sa'kin na kinulit mo siya ng apat na oras bago siya pumayag.. How about a Date? Nagdate ba kayo recently?"

"Yup. Yesterday."

"Aries. hindi 'yon date gaya ng ginagawa niyo dati...isang party event ang pinuntahan niyo." mabilis ulit nag-isip si Carl. "Madalas ka pa ba niya tawagan o itext?"

"Hindi na kailangan.. oras-oras na kami nagkikita."

"Kapag nagkikita kayo, gaano kayo kahaba mag-usap?"

"Mahaba."

"Ilang oras?"

"I don't know. Hindi ko naman inoorasan ang bawat pag-uusap namin."

"Pero aminin mo.. Hindi masyado dahil sa tuwing sinusubukan mo, lagi siyang busy o pagod sa trabaho. Right?" Pumipitik pitik pa sa mesa ang mga daliri ni Carl na parang nasa gitna ng debate. "Sweet pa ba siya sa'yo? Like flowers..kiss..or i-love-you-words?"

"At anong tingin mo sa'min teenagers?"

"So you mean, hindi na?!" sigaw ni Carl na nahuli ang dila ko.

"I didn't say no. Yes of course."

"Alin doon?.. Yes sa flowers, kiss or i-love-you words?"

"No, sa flowers..Yes sa kiss and i-love-you-words. Satisfied?" malapit na akong mapikon sa humahabang question and answer test ni Carl.

"But you're the one who did the first move... right?"

Hindi ako nakasagot. Ayokong isipin na tama nga si Carl na nanlalamig na sa'kin si Gian, pero kung ibabase nga sa mga tanong ni Carl...

"Confirmed." Saad ni Carl na nasagot ang lahat ng tanong nito sa isang makahulugang pagtahimik ko.

"I didn't say NO!" bigla akong naging defensive. "This is nonsense Carl." Hindi dapat ako magpaapekto.

Mukhang naramdaman din ni Carl ang biglang pagbago ng mood ko. "Aries, wala akong masamang hangad sa pagtanong ko. Ang akin lang naman.."

"Stop, Carl. I love Gian. And I know that he loves me too. Wala kang dapat ipa-realize sa'kin, dahil alam kong walang dapat ikabahala. Kaya, please..."

"I'm sorry, Aries." Kasabay ng pagtigil ng sasakyan ay ang pagharap sa'kin ni Carl. "Hindi ko gustong siraan ang pagsasama niyo. Pero..." tumigil siya ng dalawang segundo bago muling nagsalit. "Ganito na lang, titigil na ako sa last reality check..."

I rolled my eyes na parang sumusuko. Hindi ako mananalo sa kakulitan ni Carl. "Okay.. what is it?"

Tinuro ni Carl ang Le Wish na saka ko lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng mismong kompanya. "Pagpasok natin, at kapag nakita mo na si Gian.. Hintayin mo siyang, siya ang babati o hahalik sa'yo.. In other words.. Hindi ikaw ang gagawa ng first move."

"FINE. Deal!" walang pagdadalawang isip na sagot ko. Kompyansa ang pagkakasagot ko.

Walang problema. Papatunayan ko lang naman kay Carl na mali ang lahat ng iniisip niya.

Matatanggap ko ang pagiging Obsessive ko, pero hindi ang panlalamig sa'kin ni Gian.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top