Nineteen

I thought you were different, I was wrong.          

          

NINETEEN

Bumalik sa normal na ingay ang bahay nang sinundo na rin si Trixie ni Herald kaninang umaga gaya ng napagkasunduan. Hindi mapagkakailang sa maikling oras, napangiti at nabuhayan kaming lahat sa pagbisita ni Trixie.

"Kumusta ang check-up?" salubong sa'min ni Gian na katabi si Dad na kapwa naabutan naming nanunuod ng TV.

"Here." Inabot ko ang result ng ultrasound ni Sizzy. Kagagaling lang namin sa Obygyne na nagpacheck-up. "Kung mapapabilis lang sana ang pagdating ni Baby para mabuhayan naman ang bahay tulad kahapon na nandito si Trixie..."

Ngumiti rin si Dad na naaliw ng sobra sa pakikipaglaro kay Trixie. Alam kong sabik na siya sa apo at kitang-kita naman 'yon. "B-boy or G-girl ang magi-ging a-po ko?"

"Hindi pa Dad. Malalaman sa mga susunod pang buwan." Sagot ni Sizzy na nakagawian ng himasin ang tiyan sa tuwing pinag-uusapan ang magiging anak niya.

Lumapit din ako kay Sizzy at nakihimas na rin.

Nagkomento agad si Dad na nakatingin sa'kin. "A-aries, hi-nihin-tay ko na rin ang sa-yo. At bo-to a-ko kay Phil."

"Dad.."

"Y-you bet-ter pre-pare your-self. A-at-tend ka pa sa Anni-ver-sary par-ty."

Muntikan ko ng makalimutan ang Anniversary party na dadaluhan namin ngayon. Family friend at nagkataong ninong ko na rin ang magulang ni Phil na siyang magdadaos ng malaking Wedding Anniversary.

"Wait.. You're not going Dad?"

"Hindi ganun kaganda ang pakiramdam ni Dad ngayon." sagot ni Gian sa tanong ko.

Agad naman na tumaas ang kanang kamay ni Sizzy. "I can't. The doctor said, I need more rest. Maselan ang pagbubuntis ko. Madali akong mapagod. And I'm not in the mood."

"Ka-yo na lang ni G-Gian ang pu-munta." Muling saad ni Dad na nasa akin naman nakatutok ang mata na parang sinasabing ako ang hindi dapat mawala sa party.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mukhang ipagtutulakan talaga ni Dad sa'kin si Phil.

XXX

"Beautiful!"

Sambit ni Sizzy nang makita niya ako pababa ng hagdan. Napalingon din si Dad at Gian sa'kin.

I'm wearing a simple royal blue dress habang nakalugay ng nakakulot ang shoulder length na buhok ko.

"I agree." Saad din ni Dad na paulit-ulit akong tinitignan mula ulo hanggang paa.

"Mga bolero.. Siyempre pamilya ko kayo, kaya inaasahan ko na 'yan ang sasabihin niyo." Bumaling ako kay Gian na nakabihis na rin. "Let's go?"

Tumango si Gian. At maya-maya rin lang nasa loob na kami ng kotse.

"So, mukhang pinapagandahan mo talaga si Phil.." may pang-aasar sa boses ni Gian na alam ko kung para saan. "The question is.. uubra ba?"

Napatawa ako ng napakalakas. Dahil alam na alam ko ang iniisip at ibig sabihin niya. "Yeah. I know." Muli akong tumawa at binalikan ko ng pang-aasar si Gian. "You have more chance than me.. Kung alam lang ni Dad na ikaw ang mas type ni Phil sa'ting dalawa.. hindi sana ako malalagay sa ganitong panunulak niya sa pag-aasawa."

Nalaman namin ni Gian ang tungkol dito noong bata pa kami. Sa madalas na naging kalaro namin noon si Phil, laging nauuwi ang buong araw sa pagtatalo naming dalawa. At si Gian lang naman ang dahilan ng bangayan namin. Ako ang unang nakaamoy sa pagiging malambot ni Phil sa kung paano niya tignan, pakitunguhan at buntutan si Gian. Pareho naming nakumpirmang magkapatid ang hinala ko ng mahuli namin siya na napalihim na nagme-make-up at nagdadamit pambabae. Kinumpronta namin si Phil ng ilang beses, pero hindi siya umamin.

"Hayaan na lang natin si Dad na isipin niyang nagkakamabutihan kayo ni Phil. At least, hindi ka niya itutulak pa sa kung kanino niya maisipang lalaki. You're safe with Phil.."

"Safe?!" pag-uulit ko sa nakakatawang salitang napili ni Gian. "Mas lalo akong hindi papayag na sa kanya makasal noh.. At anong gagawin namin parati? Shopping? Mag-aayusan? Magpupunaan ng eyeshadow at lipstick?"

"Sa tingin mo, gugustuhin rin niya sayong magpakasal?"

Umiling-iling ako. "Hindi. Noon pa nga lang, hindi na namin matagalan ang isa't isa. Imbyerna siya sa'kin dahil na rin siguro sa mas maganda ako sa kanya.."

At dahil madalas ko siyang maunahan na tumabi kay Gian. Hindi man ni Phil sinasabi ng lantaran, pero alam kong 'yon ang nararamdaman niya. May malaking pagkagusto siya kay Gian.

"Exactly. That's why your safe with him."

Napangiti ako nang makuha ko ang punto ni Gian. Wala akong magiging problema habang sinasakyan ko ang kagustuhan ni Dad, dahil wala tsansang umabot sa kasalan ang lahat.

"Oo nga naman. Isa pa, siguradong gagamitin rin lang ako ni Phil para matakpan ang totoong imahe niya. Maggamitan na lang kami." Napanguso ako habang tinitignan ko ang ayos ko sa salamin. "Sayang lang ang ayos ko, di naman niya mapapansin..."

"Paano naman nasayang.." mahinang saad ni Gian na ikinabaling ko sa kanya. Nasa daan ang tingin niya, kaya di na ako muling nagsalita at nanahimik na lang.

Bigla na rin lang nawala ang conversasyon naming dalawa na naging dahilan para maging tahimik ang byahe namin hanggang sa marating namin ang bahay ni Ninong Jason.

Simula ng pumasok kami hanggang sa kalagitnaan ng gabi, hindi ako masyadong nag-enjoy. Hindi ganun kadami ang kilala kong mga bisita kumpara kay Gian na kaliwa't kanan ang kausap. Isang beses ko rin lang nakausap si Phil na halos hindi lalagpas sa limang minuto. Hinarap lang niya ako sa magulang niya na ikinatuwa ng mga ito. Matapos ang papel ko, iniwan din niya ako agad para sa grupo ng mga gwapong lalaki. Confirmed.

Hinanap kong muli si Gian dahil wala na akong kasama o kausap man lang. Nang makita ko siya na may kausap na dalawang kilalang tao, nag-alinlangan akong lumapit. Baka boring business lang ang pinag-uusapan nila at wala akong balak makisali. Nakontento na lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan si Gian, sakaling matapos na siya sa pakikipag-usap at nang mayaya ko na pauwi.

"Hi.. Alone?"

Napalingon ako sa isang lalaking lumapit sa'kin. Hindi ako agad nagpakita ng interes kahit sabihin pang may itsura siya.

"I'm Derrick." Pagpapakilala nito, pero hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. Nang wala akong sinagot sa kanya muli siyang nagsalita.

"If you're interested with him, you better change your mind."

Naguluhan ako sa biglang sinabi niya, pero agad ko ring nakuha nang malaman ko kung sinong tinuturo niya. Napansin siguro nito na kanina ko pang tinititigan si Gian.

"Why?" biglang tanong ko. Naging interesado ako bigla na kausapin niya dahil mukhang inakala niyang isang babae lang ako na nagpapantasya kay Gian.

"I just noticed that you've been watching him for almost an hour.. So I'm just here to warn you na hindi siya ang klase ng lalaki na dapat pagkainteresan mo. He's not worth it. That's it."

Nang akmang aalis na si Derrick, bigla ko siyang pinigilan. "Wait.."

Tumigil naman siya at muling humarap sa'kin. Hinintay niya akong magsalita.

"You know him? That guy?" pagtutukoy ko kay Gian na abala pa rin sa pakikipag-usap.

"Yeah. Of course. We're not that in good terms.. starting when.. he dated my younger sister for a week.. and my youngest sister for the second week. At iisa lang ang habol."

Napanganga ako. Alam kong hindi na dapat ako nagulat pa, dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pagbabalik ni Gian sa pagigingbabaero, pero ang paglaruan ang magkapatid?! That's extreme!

"Kailan 'to nangyari?" biglang natanong ko na nagiging interesado.

"I think, four or five months ago.." Tumatango-tango niyang sagot na parang malaki nga ang galit kay Gian. "Well, nakamove-on na ang mga kapatid ko.. Ako lang yata ang hindi.." bahagyang tumawa siya sa sariling biro.

"Hindi naman siguro maaalis sayo 'yon.. Cause you're just a protective brother. At least, that means.. you're not like him." Muli kong pagturo kay Gian.

Bigla kong naisip kung anong meron o gaano kaganda ang mga kapatid ni Derrick para kabaliwan ni Gian. Hindi ko na napigilang itanong ang laman ng nasa isip ko. "Your sisters.. Are they models?"

Biglang nagpakita ng pagtataka ang mukha ni Derrick. "How did you know?"

Natawa ako na hindi ko inisip bigla na baka ikainsulto niya ang naging reaksyon ko. Bigla akong tumigil. "I'm sorry.. It was just.. Ahm, narinig ko rin sa iba na tanging model lang ang mga dini-date ni Gian. I'm not a model, kaya mukhang hindi rin naman siya magiging interesado sa'kin."

"So, You know him?.. Not just by name, but for what he is..?"

Tumango ako. Of course I know him. Masusurpresa siguro siya kung malaman niyang hindi lang ako kapatid ni Gian, kundi Ex rin niya. Ano kaya ang iisipin niya sa'kin? Baka kadirihan niya ako.

"Oh Really?!" medyo gulat na sagot niya sa'kin. "So, mukhang hindi ko na pala dapat pang paalalahanan o balaan ka. Good to know that.."

Ngumiti ako. At nang magsasalita pa sana ako, bigla na lang lumapit sa'min ang taong laman ng usapan namin.

"Hi, Aries.." singit ni Gian na agad na tumabi sa'kin at inakbay ang braso niya sa balikat ko.

Nakita ko kung paano biglang kumunot ang noo ni Derrick na dumiretso ang mata sa kung paano nakapulupot ang braso ni Gian sa'kin. May kung anong tensyon din sa dalawa na awtomatikong lumabas na lang. They're not really in good terms.

"Uwi na tayo?" tanong ni Gian nang hindi ako kumibo at nagkakatitigan na lang kami ni Derrick.

"I thought your not a model?" tanging tanong ni Derrick na para na ring tinanong na kung nagsinungaling ako kanina.

Sapilitang hinihila na ako ni Gian palayo para umuwi. Pero bago ko pa man mawala ng tuluyan sa paningin si Derrick, sinikap kong makapagpaliwanag sa kanya ng mabilisan.

"I'm not." Mabilis na sagot ko sa tanong niya. "I'm his Sister. Bye!"

Kahit papalayo na kami ni Gian, nasigurado ko na umabot sa pandinig ni Derrick ang sinabi ko dahil nakita ko ring ngumiti siya ng maluwang na kitang-kita ang mapuputi niyang ngipin.

Sunod ko nalang napansin, nasa loob na ulit kami ng sasakyan ni Gian. Bago niya buhayin ang makina, nakaharap siya sa'kin. Hindi na rin maganda ang awra niya.

"We're not here para makipagkilala ka kung kanino. And not to him! Alam mo ba na muntik na akong mapatay ni Derrick?!"

Binalik ko ang masamang tingin kay Gian. "Yeah. Of course. You deserve it! At nakahanap ka lang ng katapat..."

"At ano bang sinabi niya sayo?!"

"That You F***** his sisterS! Younger and Youngest! Whoow..Big time, Gian!" Lumabas ang pagiging sarkastiko ko na ikinainis pa lalo ni Gian.

"Okay! I'll admit that. Pero, hindi ko sila pinilit o pinwersa. Sila ang tumalon sa lawa, Anong magagawa ko?! At una palang malinaw na sa kanila.. Nilinaw ko na sa kanila ang RULES. Number One: S** Only. Rule Number Two: No Commitment. Rule Number Three: With Expiration Date. At Ako ang magdedesisyon kung hanggang kelan."

Nag-init ang ulo at mukha ko. "YOU are so DISGUSTING!!! Pakawalang maniac kaba?!"

This is not Gian! Hindi siya ang taong kilala ko.. Nakakasuka!

Biglang nagbago ang mukha ni Gian sa naging reaksyon ko. Parang bigla siyang nagsisi sa binitiwan niyang salita. At parang napaso sa kung paano ko siya titigan. Naging aware siya na pumangit ang tingin ko sa kanya.

"Sorry, Aries.. Don't look at me that way..like I'm a rapist or something.."

"Nasaan na ang respeto mo sa mga babae? It's not.. It's no longer you." Gusto kong isaksak sa utak ni Gian ang naging malaking pagbabago niya.

Biglang hindi napakali si Gian na parang hindi alam kung paano magpapaliwanag at ipagtatanggol ang sarili. "Nandito pa rin ang respeto ko sa babae.. Hindi nawawala.."

"Oh Come'on.." pananangga ko.

"Kung may hindi man ako nirerespeto, 'yon ay ang mga babaeng hindi rin karespe-respeto. Sila mismo ang lumalapit sa'kin.. Pero kung kagalang-galang naman.. siyempre gagalangin ko.. Alam mo rin 'yan.. Cause I respected you when were still together.. I never touched you.."

"STOP!" Sigaw ko. "Don't you ever mention that again. Wala ng tayo!! Please, akala ko ba malinaw na burado na ang bahaging 'yon sa buhay natin. Magkapatid tayo.. for damn sake.."

Natigilan bigla si Gian sa mabilisan pero mabigat na reaksyon ko. Akala ko hindi na siya muling magsasalita pero agad rin siyang nakabawi at bumalik sa pinaglalaban niya. "All I just want to say is.. it's a man-thing. Human Nature."

"Oh please.. Don't give me that excuses. Eh Bakit si Jake?!" Di ko napigilan ang magkumpara para man lang matauhan si Gian. "That's the Real Man."

Biglang nag-iba lalo ang mukha ni Gian na hindi ko masabi kung nasaktan o nagalit o kung ano pa man.

Napabuntong hininga ako. At muling nagtanong dahil sa bagay na pumapasok sa isip ko. "Gian, tell me.. Kailan na naman ba 'to nagsimula?"

Hindi agad umimik si Gian. Nakatingin lang siya sa'kin na hindi ko maintindihan kung sasagot o hindi.

"Simula ba ng break-up niyo ni Hailey?" Alam kong nangingialam na naman ako, pero di ko mapigilan. "Because the last time na naging ganyan ka din, was because of her.. Alam kong hindi ako lalaki para maintindihan ka.. pero.. Hindi 'yan ang solusyon—"

"STOP!" si Gian naman ang sumigaw sa'kin sa pagkakataong ito. "She's not the reason! So please, stop! Walang papupuntahan 'tong diskusyon natin..."

Wala na akong muling narinig pa kay Gian nang bigla na niyang binuhay at pinaandar ang kotse. Naging tahimik muli kami at wala ng sino man ang umimik. Alam kong nagalit ko si Gian, pero ginalit rin niya ako.. Arggg..

Bigla tuloy akong nagsisisi sa pagsasalita dahil minsan na rin pala akong nangako kay Gian na hindi na muling magiging pakialamera.

Ilang sandali lang, namalayan ko na lang na tumigil na muli ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay. Walang gumalaw sa sino man sa'min para bumaba.

"Bumaba kana, Aries.." utos ni Gian. "May pupuntahan pa ako..."

Mukhang pinasama ko talaga ang loob ni Gian.

"Sorry..." tinignan ko siya, pero diretso ang tingin niya sa malayo. "Naging pakialamera na naman ako, I'm sorry. Alam kong buhay mo 'yan.. From Now On.. I swear, hindi na talaga ako makikialam pa. Wala na akong pakialam pa sa human nature mo.."

Mukhang nagkaroon ng epekto kay Gian ang sinabi ko dahil lumingon na siya sa'kin pero di ko pa rin mabasa ang mukha niya.

Tanging tango lang ang sinagot ni Gian.

"Aalis ka pa rin?" tanong ko sa kanya dahil balak ko na ring bumaba.

Tumango ulit si Gian.

"Okay. Night." Binuksan ko na ang pinto para bumaba nang bigla akong napatalon sa gulat dahil sa biglaang pagbusina ni Gian.

Napalingon ako sa kanya na wala ng tigil sa pagtawa. Bumalik ako ulit sa loob ng kotse at binato ko si Gian ng purse ko.

"Salbahe.. Ginulat mo ako." Sa halip na magalit nadala na rin ako sa pagtawa.

"If you just saw yourself.." saad ni Gian sa pagitan ng mga tawa.

"Makakaganti rin ako sayo!" balik ko sa kanya na parang bata.

Bumaba bigla si Gian ng kotse ng walang pasabi. Nakita ko na lang siya na binuksan ang malaking gate ng bahay at muling bumalik sa'kin para tuluyang ipasok ang sasakyan. Nangangahulugan lang na hindi na siya aalis para puntahan 'yong bagay na naisip niya kanina.

Nang nasa garahe na ang sasakyan at tuluyan ng napatay ang makina. Bigla na namang may sumulpot sa utak ko na katanungan para kay Gian.

Tumikhim ako para linawin ang lalamunan ko. "C-can I ask you something? Isang bagay na lang at pagkatapos nito.. wala kanang maririnig pa sa'kin.."

"Okay.. Ano na naman 'to?"

Biglang parang umurong ang dila ko sa pagbago ng isip ko. Baka kasi pagmulan na naman ng diskusyon namin ang sasabihin ko. ".. Nevermind."

Nang nagbabalak na akong bumaba, pinigilan ako ni Gian. "Come'on.. Just say it, Aries.. I'm waiting.."

Wala na akong nagawa kundi ang sabihin. "Naisip ko lang.. What if, may lumapit sayong naging babae mo at sabihing nabuntis mo siya.. What are you going to do?"

Biglang humalakhak ng tawa si Gian. Sumagot siya ng humupa na ang tawa niya. "That won't ever happen, Aries. Maingat ako.. Naging maingat ako. Tama na muna kay Dad na isang apo niya mula kay Sizzy."

"Paano nga?! Paano kung meron.. Just What if.."

Bumaba na ng sasakyan si Gian na inunahan na ako. Pero bago siya tuluyang maunang pumasok sa loob ng bahay, muli siyang lumingon sa'kin. "My answer is.. my rule number two.."

Naiwan akong napaisip.. Rule Number Two? That is..

No Commitment.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top