Five
It's hard to assume your position in someone's life, because you might be expecting too much and too far from reality.
FIVE
"...how's my furnitures going, Gian? Naisip ko kasi na dapat pala on Monday settled na ang lahat na kailangan ko. But I'm not demanding.. kung maaagapan lang sana."
Napatingin ako kay Hailey habang nakikipag-usap kay Gian. Magkatapat sila sa mesa habang katabi ko naman si Gian at si Herald naman ang katabi ko sa bandang kaliwa. Si Louisse ang katapat ko. Kompleto kaming lahat sa isang mesa habang nag-uusap-usap habang kumakain.
Bumalik naman ang tingin ko kay Gian na sumagot sa sinabi ni Hailey. "Actually, you'll be surprise kung sasabihin ko sa'yo ngayon na tapos na ang lahat kahapon lang."
Honestly, wala akong maintindihan. Well, alam ko na tungol sa furnitures ng Le Wish ang pinag-uusapan pero... parang marami akong hindi nasusundan. Dalawang linggo akong nawala, at ngayon.. hindi ko alam kung anong nangyayari.
"Bakit? Anong meron?" Hindi ko na napigilang magtanong para makasabay naman ako sa usapan.
Si Herlad na nasa kabila ko ang sumagot. "My two sisters.." tukoy nito kay Louisse at Hailey. "They have this new business... At ang Le Wish ang nilapitan nila for furnitures.."
Pinagpatuloy ni Herald ang pagpapaliwanag sa mga detalye na interesting nga naman. Pero habang patuloy ang conversation naming dalawa na naiba na sa pinag-uusapan ng iba, hindi ko napigilang hindi matignan si Gian kung paano siya ngumiti ng maluwang habang kausap si Hailey.
Alam kong wala dapat akong isipin. Kasama rin nga nila sa usapan si Louisse kaya hindi ko alam kung paanong saan nanggaling ang parang selos na nagmumula sa'kin.
Hindi ko lang magawang hindi mapansin ang kislap sa mga mata ni Gian na matagal ko ng hindi nakikita noon.
Ano naman ba ang iniisip mo Aries??? Madumi ang utak mo! Naparaning ka lang!
Pinilit kong binura ang nasa isip ko at muling nagconcentrate sa kasalukuyang sinasabi ni Herald. "Wag na 'wag kayong mawawala sa birthday ng prinsesa namin sa susunod na linggo."
"Of course. We'll be there. Espesyal na araw 'yan ng inaanak nam-..."
Naputol ang pag-uusap namin ng Herald ng gumitna si Louisse na may hawak na bola. "Come on.. Let's play Volleyball!"
Ayaw sana ng lahat pero hindi umubra ang pagtanggi namin sa kakulitan nito. "Tara na, Aries..Let's go!"
At dahil ako na lang ang huling hindi nakukumbinsi, wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag.
Hindi ako ganun kahilig sa volleyball dahil sa kadahilanang mas pinipili ko laging maglaro ng basketball than this. At alam kong ganun din si Gian na pareho lang kaming interes pagdating sa sports. Basketball and Swimming.
Sumali din sa'min si Lexi na pinasa muna ang pangangalaga ng anak kay Tita Joy. At sa pamamagitan ng jack en poy, nangyari ang division. Si Herald, Louisse at ako ang mgkakampi habang sa kabila naman ay sina Lexi, Hailey at Gian.
Naging game si Hailey sa laro sa kabila ng kondisyon ng paa niya. Ngayon ko rin lang nakita kung paano siya tumayo na hindi na masyadong nangangailangan ng tulong mula sa saklay.
Naging maganda ang simula. Enjoy. Kabilaan ang pasahan ng bola. Kulelat lang kami ng konti dahil sa mga mali-maling tira ko na parang tinalo pa ako ni Hailey na hindi makatayo ng diretso tulad ko.
Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang mood ko sa kalagitnaan ng laro. Gusto kong isipin na dahil lang sa init, pagod, pangongolelat ng grupo namin.. pero hindi. Maliwanag na dahil sa biglaang pagkainis ko kay Hailey na hindi naman dapat.
Madalas siyang alalayan ni Gian dahil sa paa nito. At ang hindi ko kasi maintindhihan ay kung bakit pa siya pilit na sumali ngayong mahihirapan lang pala siya. At si Gian pa talaga ang pampalit sa saklay nito.
Sa sumunod pang minuto, hindi na ako makapag-focus sa laro dahil halos hindi ko maalis ang tutok ng mata ko kung paano kasaya si Gian ngayon. At hindi ko magawang hindi isipin na hindi ako, o ang laro namin ngayon ang nagpapasaya sa kanya ng ganyan. At mas nakakapagbahala na ganun din ang makikita kay Hailey.
Ano ka ba Aries. Ikakasala na 'yong tao.
Muli kong pinilit na ibahin ang laman ng utak ko. Concentrate in the game!
Pinasa sa'kin ni Herald ang bola para sa pag-serve na gagawin ko. At dala na rin siguro ng kung ano mang pilit na gumugulo sa isip ko, nalipat ko sa bola ang lihim na pagkainis ko at napalo ko ng napakalakas.
At sa isang iglap, nakita ko na lang na natumba si Hailey. Sa ulo niya eksaktong tumama ang bola na naging dahilan sa pagbagsak nito.
Awtomatikong lumapit naman si Gian na todo ang pag-aalala at alalay na dinaig pa ang pag-aalala ng mga kapatid. Binuhat ni Gian si Hailey at dinala muna sa isang gilid.
"Are you okay?" tanong ni Gian at ganun din ng iba na pinalibutan na siya.
Wala na rin akong nagawa kundi ang lumapit. "I'm sorry, Hailey. Hindi ko sinasadya." Dapat makonsensya ako, pero ba't parang hindi ko 'yon maramdaman.
"It's okay." Sagot naman ni Hailey na namumula ang kabilang pisngi na siyang tinamaan ng bola.
Sandaling umalis si Gian at patakbong bumalik na may dalang yelo para sa pisngi ni Hailey.
Nakakapagselos.
At pamilyar ako sa pakiramdam na ito, dahil ito ang eksaktong naramdaman ko noong nalaman kong may namamagitan na kay Hailey at Gian noon, samantalang wala akong magawa sa bagay na 'yon dahil kapatid lang ako.
Pero sinasabi ng kabilang utak ko na walang dapat ikapagselos. Dahil hindi ngayon ang nakaraan. Kasalukuyan ngayon, at ako ang girlfriend.
Dahil sa nangyari, tinigil na rin muna namin ang volleyball. At nang matigil ang laro, tumigil na rin ang selos na nararamdaman ko. Nakumbinsi ko rin sa wakas ang sarili ko na walang dapat ikainis o ikaselos.
"Aries, tikman mo 'to. Sarap."
Napatingin ako kay Lexi na kumakain ng cake. Ginawa ko ang sinabi niya. At ilang sandaling napatitig ako kay Lexi.
"O, bakit?" tanong ni Lexi sa biglang pagtahimik ko. "Ang sarap noh.. Nakakatulala ang sarap. Ako ang nagbake niyan."
"Oo na." napipilitang pagsang-ayon ko kahit hindi ang cake niya ang dahilan ng pagkakatulala ko.
"Kumusta pala ang bakasyon mo? Buti na lang ngayon mo naisipang bumalik. Muntik kanang hindi nakasama dito."
Ngumiti ako. "Oo nga. Halos two weeks din ako." Sa dami ng laman ng utak ko ngayon, parang wala pa ako sa kondisyon para ikuwento kay Lexi ang nangyari ang dahilan ng two weeks vacation ko. "Mukhang gusto ko 'yong bubuksang negosyo ni Hailey at Louisse. Sounds fantastic."
Sumubo muna ako bago nagsalita muli. "Nasaan pa 'yong mapapangasawa ni Hailey?" Hindi ko mapigilang hilingin na sana sumama na lang 'yong tao, para hindi ako napapraning na hindi naman dapat.
"Hindi na tuloy ang kasal ni Hailey."
Literal na napanganga ako. "What?! H-how did it happen? Why?! Kelan pa? Anong dahilan?"
Bahagyang natawa si Lexi sa reaksyon ko. "Pwede ba kalma kalang. Masyado kang apektado, parang ikaw pa ang frustrated-bride."
Sino ang hindi magiging apektado? Mas nagkaroon ako ng rason para magselos.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko.. Kelan pa ba 'to?"
"Last month. Pero maayos naman ang paghihiwalay nila. Pareho nilang desisyon 'yon. Kaya maayos silang pareho.. lalo na si Hailey. Hindi ko siya nakitang depress, umiiyak o kung ano pa man."
I can't think straight. At paano ko sasabihin kay Lexi na nagpapanic ako ngayon dahil malakas ang pakiramdam ko na aagawin sa'kin ng sister-in-law niya si Gian.
"Aries, okay ka lang?!"
Natigil ang malalim na pag-iisip ko sa tawag ni Lexi. Bigla akong tumayo dahil hindi ko na kinakaya ang mga impormasyong nalalaman ko. "Maglalakad-lakad lang muna ako, Lex. I'll be back. Parang bigla kong naisipang magswimming."
Hindi ko na hinintay ang pagtango o kung ano pa mang sasabihin ni Lexi. Mabilis akong kumilos para hanapin si Gian. Parang bigla't bigla gusto ko siyang kumbinsihing umuwi na kami. Kung kailangang magdahilan o umarte, gagawin ko. Hindi ko lang makakayang makikita ulit si Gian na mapapalapit muli kay Hailey.
Paano kung plano ni Hailey na agawin sa'kin muli si Gian?
Paano kung mahulog naman agad si Gian dahil minsan na rin niyang minahal ng sobra ang ex niya?
Paano kung tuluyan kaming magkahiwalay ni Gian?
Nasaan ka ba Gian? Halos nalilibot ko na ang lugar pero hindi ko pa rin siya makita. Bigla akong kinabahan sa biglang naisip ko. Paano kung kasama niya si Hailey? Paano kung inaakit siya? Holy Shit!
Hindi ako makakalma hanggat hindi ko nakikita si Gian.
Halos binilisan ko pa ang paglakad at mas tinalasan ko ang mga mata ko sa pagmamasid. At sa wakas nakita ko rin siya. Pero gaya ng kinatatakutan ko, kasama nga niya si Hailey.
Kahit na naglalakad at nag-uusap lang sila, kahit hindi magkahawak ang mga kamay nila... selos at inggit pa rin ang nararamdaman ko. Dahil sa ngiting nakikita ko kay Gian habang kasama niya si Hailey. Bagay na matagal ko ng hindi nakikita sa kanya.
Ang unang-unang gusto kong gawin ay sumugod. Sabunutan si Hailey. Pagsalitaan siya na layuan si Gian. At kung pwede, murahin siya.
Pero hindi.
Malaki ang pagpipigil na hindi ko gawin ang inuutos ng isip ko. Hanggang sa ang una ko na lang na nagawa ay ang tumalikod at naglakad palayo.
Iiwan na ba ako ni Gian?
Wala na ba siyang natitirang pagmamahal sa'kin?
Anong gagawin ko ngayon?
Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang direksyon. Mas ginusto kong umalis para mag-isip-isip hindi ang sumugod na pwedeng maging dahilan lang para magalit sa'kin si Gian.
I need to calm myself.
Tubig ang unang pumasok sa isip ko. Kaya kahit hindi ako nakapagpalit, lumusong ako sa pool. Binuhos ko ang nararamdaman ko sa pabalik balik na paglangoy. Sampung beses, doble, triple at mas marami pa.. hanggang sa napagod ako, hanggang sa di ko na makayanan ang paghingal. Hanggang sa dumilim na dahil sa tuluyang paglubog ng araw.
Nang umahon ako, saka ko lang nadama ang lamig ng ihip ng hangin. Napaupo ako sa isang tabi habang yakap ko ang sarili ko.
Nabuo ang isang desisyon sa ilang oras na paglangoy at paglutang ko sa tubig.
She's just his past. I'm his present. At ako pa rin ang magiging future kong gugustuhin ko. I'll fight for him. I won't let him go.
Hindi siya mawawala sa'kin kung hindi ko hahayaan.
Muli akong naglakad para bumalik. Basang-basa at nanlalamig. Pero nabawasan rin ang panlalamig ko ng kaharap ko na si Hailey na pinahiram pa sakin ang makapal na scarf nito.
"Magbihis ka muna siguro.. Basang-bas.."
"Okay lang ako. Hindi lang makapaghihintay ang sasabihin ko." Nabawasan man ang panlalamig ko, pero hindi ang panginginig ng boses ko.
"Bakit? Tungkol ba saan?"
Hindi ko na kailangan pang magpaligoy-ligoy pa. "You're bothering me.."
"Aries?" kunot noong naguguluhan si Hailey sa sinabi ko. "Me?"
"Nalaman kong hindi na pala matutuloy ang kasal mo." Tinignan ko siya sa mata. "At natatakot ako na baka.. baka agawin mo si Gian sa'kin."
Matigas ang pagkakasabi ko. Alam kong pinaparatangan ko siya sa isang bagay na hindi ko pa nakukumpirma. Pero hindi pa ba sapat ang nakita ko sa mata niya na may nararamdaman pa rin siya kay Gian.
"Aries.. hindi ko gagawin 'yon. Wala akong balak gawin 'yon sa'yo. Paano mo naiisip 'yan?"
Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ni Hailey. Dahil mas inaasahan ko na aaminin niya ang totoo at aawayin niya ako.
"Dahil alam mong kayang-kaya mong gawin 'yon. Dahil alam mong mabilis mong makukuha sa'kin si Gian."
"Iniisip mo ba talaga na may mga plano ako para makuha sa'yo si Gian?"
"Oo. At sana naman, magpakatotoo ka, Hailey. At huwag kang mag-alala dahil kung ano man ang aaminin mo sa'kin ngayon ay hindi makakarating kay Gian."
"Aries, WALA akong balak na kahit ano. At isa pa Aries.. bakit ka nagkakaganito? Nasa sa'yo na si Gian.."
"Nagkakaganito ako dahil alam ko at nararamdaman ko na may gusto kay Gian. I can feel it. Ngayon, sabihin mo sa harapan ko kung nagkakamali lang ako! Tell me the truth.."
Natigilan si Hailey. Hindi nakapagsalita ng ilang segundo.
"See?"Hinawakan ko ang braso ni Hailey para mas malapit ko siyang matitigan. "Ramdam ko Hailey. Kaya may rason akong mag-alala. May dahilan ako kung bakit ako nagkakaganito. Naiintindihan mo ba 'yon?"
"Fine!" sigaw ni Hailey na parang suko na sa paulit-ulit kong pagtanong. "You want to know the truth?.."
"Sabihin mo lang 'yong totoo." Sagot ko sa kanya. Habang pinagmamasdan ko siya, parang mahinang Hailey ang nakikita ko. Malayo sa Hailey na palaban na tulad noon. At hindi nakaligtas sa'kin ang luhang pumapatak mula sa mga mata niya.
"You're rght.. I love him. I still love Gian." Parang hirap si Hailey na sambitin ang mga salitang 'yon. Pero mas hirap akong pakinggan 'yon.
"Bakit mo kasi siya pinakawalan noon?" pag-uungkat ko sa naging kamalian nito noon. "He was there for you. Hindi ka niya iniwan sa kabila ng kalagayan mo. Pero tinulak mo siya palayo, Hailey. At ngayon, babalikan mo na lang siya.. kukunin sa'kin.."
"I love him. At hanggang doon na lang 'yon Aries. Wala akong balak na mang-agaw. Aaminin ko na masaya ako na nakikita ko siya at nakakausap siya. Pero wala akong balak na sabihin sa kanya na gusto ko pa rin siya.. na hindi nawala ang pagmamahal na 'yon. Dahil ayokong mantapak ng relasyon. Ayokong makasakit at ayokong masaktan. Nagsisisi akong pinakawalan ko si Gian, pero pinagpapasalamat kong siya sa'yo napunta. Dahil alam kong mahal na mahal mo siya. At kung nagsisisi man ako, I think I just deserve it."
Ako na ngayon ang hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pasasalamatan ko ba siya dahil nirerespeto niya ang relasyon namin ni Gian at wala siyang balak manira, o Pagsasabihan ko siyang layuan si Gian.
Pero alam ko ang nararamdaman ni Hailey. Eksaktong sitwasyon ko noon na halos magmakaawa ako kay Hailey na hayaan na lang akong makita, makausap at mahalin si Gian at huwag na lang akong pagbawalan. Dahil 'yon ang ikakasaya ko kahit sa kabilang banda masakit rin.
"Aries.. eto lang ang sasabihin ko. Wala kang dapat ipag-alala sa'kin o sa nararamdaman ko. Nasa sa'yo na si Gian at mahal ka niya.. kaya wala kang dapat ikabahala."
Wala nga ba? Kung alam mo lang na may dapat ipag-alala, Hailey. Dahil hindi ko na maramdaman ang pagmamahal sa'kin ni Gian.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top