Fifteen

Pretending was the best thing that a coward can do.

                          

FIFTEEN

Sa sumunod na araw, naging maaga na rin nga ang gising ko dahil sa trabaho bilang isang dakilang sekretarya. Pero alam kong hindi ko ‘to pangangatawanan dahil aalis at aalis pa rin ako ano man ang mangayari. At sa mismong agahan na magkakasama muli kaming pamilya, naghanap muli ako ng tiyempo para sabihin kay Dad.

“Ho-w’s yo-your wo-rk, A-ries?” tanong ni Dad sa gitna ng agahan namin. Si Sizzy lang ang wala na tulog pa rin na isa sa pagbabago sa pagbubuntis niya ay ang mas mahabang oras sa pag-idlip.

“Fine. Pinahihirapan lang ako ni Gian. Pero, kaya pa naman.” Sinamahan ko na ng ngiti para sa susunod kong sasabihin. “Dad,” tinigil ko muna ang pagsubo. “May sasabihin sana ako..”

“O-kay. Bas-ta ba hin-di tung-kol sa pag-ali-s mo, da-hil hin-di pa a-ko han-dang uma-lis ka. Ma-lu-lung-kot ako ng sob-ra.”

Hindi ko pa man nasasabi, nakabalandra na sa mukha ko ang sagot. “No, Dad. Hindi tungkol dun.” Pagsisinungaling ko habang tinatakpan ko ang disappointment ko. “Tungkol lang sa..” wala akong maisip. Ano nga ba?

“Tungkol sa pagsama niya sa’kin Dad.”

Napatingin ako kay Jake sa kung anong sinasabi niya na hindi naman namin napag-usapan. Pero nang tinanong ko siya sa pamamagitan ng tingin, mukhang tinapos lang niya ang bitin kong pahayag. Mukhang nabasa na naman niya na wala akong maisip na idadahilan, kaya sinalo niya lang ako.

“Gusto niyang sumama sa pagdalaw ko sa Resort sa susunod na linggo.” Pagpapatuloy ni Jake sa sinimulang kasinungalingan. “One week din ‘yon, kaya ikaw lang ang inaalala niya Dad na baka mamiss mo siya. Kasi nga, diba, gusto mo siyang nakikita araw-araw..”

Tumango na rin lang ako. “Yeah, Dad.”

“O-kay.” Tumango pa si Dad na tanda ng pagpayag. “As long as di-to lang na-man sa Pilli-pi-nas.”

Tumikhim si Gian kaya nabaling sa kanya ang mata namin. “No, You can’t.” tutol nito. “You’re working as my secretary, remember? Hindi kana lang pwedeng basta umalis dahil lang sa pinayagan ka ni Dad. I’m still your boss.”

Nangingiting tumingin ako kay Jake. Dahil hindi naman talaga totoo ang planong pagsama ko. Panakip lang ‘yon na dahilan na naisip ni Jake. At natatawa ako dahil hindi ‘yon napansin ni Gian. Sineryoso niya.

“Ipahihiram ko muna sa’yo Gian ang secretary ko habang pansamantalang wala si Aries.”

Muli akong napatingin kay Jake. Anong nangyayari? Mukhang ako pala ang hindi nakakakuha na seryoso pala ang usapan.

“Paano makukuha ni Aries ng maayos ang trabaho niya kung wala siya parati. Isa pa hindi isang laro ang pagpasok niya sa kompanya kahit sabihin pang mababa lang ang posisyon niya.” Uminom muli ng tubig si Gian saka muling nagsalita. “Hope you get my point, Jake.”

Pinagbaling-baling ko ang tingin kay Jake at Gian. May issue ba ulit sila? Pero kung sabagay, ganito nga pala talaga si Gian kapag trabaho ang usapan.

“I get your point.” Ako ang sumagot. “It’s all my fault.. Nakalimutan kong may trabaho at may Boss na nga pala ako.” Pagsasarado ko sa usapan para hindi na humantong pa sa kung ano man.

Sadyang mainit lang talaga sa mga debate ang mga kapatid ko. Nasa dugo na nila.

Sumabay ako kay Jake sa pagpasok ng Le Wish. At pagdating palang roon ay nagsimula na ang mga kaliwa’t kanan na utos ni Gian sa’kin. Baba at taas din ang ginawa ko sa mga pagpapapirma ng mga hindi ko maintindihang papeles. Nagkaroon rin ako ng pagkakataong makapag-unat ng braso nang sa wakas gumalaw din ang oras para sa breaktime.

“Wala kang awa, Gian.” Mahinang saad ko na tiniyak kong aabot sa pandinig nito. Pakiramdam ko parang inabuso ang pagiging empleyado ko sa dami ng pinagawa niya.

Wala naman itong sinagot at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Bago ako lumabas ng pinto, di ko napigilang magsalita. “Hindi kaba magbe-break? Hanggang ngayon ba naman, workaholic ka pa rin?”

Hindi man lang kumibo si Gian.

“Gusto mong sumama sa’min ni Jake? Sa labas kami kakain.”

Wala pa rin kahit man lang tango o iling.

“Alam mo, mahirap kung lagi mo na lang sinesoryoso ang lahat ng bagay. Nakakalimutan mo na naman ang magrelax. Try mo din minsan.” Matapos kong sabihin ‘yon, tuluyan na akong lumabas ng pinto at tinungo ang tapat na pinto para puntahan si Jake at gaya ng pinangako niya, pumunta kami sa paborito niyang kaninan sa tuwing breaktime.

“Pinahihirapan kaba ni Gian sa trabaho?” tanong ni Jake sa kalagitnaan ng maganang pagkain namin.

“Naman!” sagot ko bago sumubo. “Hindi na ako nagtataka kung nakakarami na siyang bilang ng secretary sa isang taon. Napakaseryoso pa rin sa trabaho. At biglang sumungit!”

“Wag ka ng magulat kung lumala pa ang pagsusungit niya sa susunod na mga araw.”

Bigla akong natigilan. Pakiramdam ko may alam si Jake na hindi ko alam. “Pinag-ugatan ba ng pagiging bugnutin niya ang pagbalik mo sa kompanya?”

Naalala ko na ganun din kainit ang ulo noon ni Gian nang mga panahong kakompetensiya ang tingin niya kay Jake lalo na’t mas magaling ang kapatid niya sa labas sa pagpapatakbo ng kompanya kumpara sa kaniya. Naisip ko lang na baka, nagkakaroon muli ng inggit o pressure sa side ni Gian. Idagdag pa ‘yong malamig na pakikitungo ni Gian kay Jake kaninang agahan na huli kong nakita ang ganoong akto nito noong panahon pang hindi pa sila magkasundo.

“Mali ka ng iniisip.” Sigurado ang pagkakasagot ni Jake na parang gustong pang pagtawanan ang naisip kong rason. “Hindi ‘yan ang dahilan. Believe me. Maluwag sa dibdib ni Gian ang pagbalik ko. Actually, siya pa nga ang mismong lumapit sa’kin para humingi ng tulong sa pagbangon ng kompanya.”

“Kung ganun, anong ngang pinag-ugatan?”

“Hindi mo na kailangan pang malaman ‘yon. It’s a Man-Thing.”

“Gusto kong malaman..” tuluyan na akong nacurious.

Tumahimik na si Jake at hindi na muling nagsalita kahit ano pang pangungulit ko.

Nang matapos na kami, muli kaming bumalik sa Le Wish. Habang naglalakad kami pabalik, muli ko na naman napansin ang mga mata ng ilang taong nakakasalubong o nakakasabay namin. Isama pa ang hindi nakaligtas sa mata ko na pagbulong nila. Kung ano man ‘yon, hindi ko alam, pero parang malakas ang kutob ko na ako ang pinag-uusapan.

Nang nasa tapat na ako mismo ng opisina at ganun din si Jake, humarap ako sa kanya nang may muli itong sinabi.

“After work, bago tayo umuwi ng bahay… nood tayo ng sine. Para naman mabawasan ang stress mo sa trabahong binibigay sa’yo ni Gian.”

“Sure!” masayang sagot ko. “Thanks, Jacob! Hulog ka ng langit.”

Pareho na kaming pumasok sa magkaibang pinto. Inabutan ko si Gian na hindi pa rin umaalis sa posisyon niya kanina at patuloy pa rin ito sa ginagawa.

Lumapit ako sa mismong mesa niya at nilapag ang maliit na kahon ng pagkain na may kasamang starbucks coffee. “Here. Take a break.”

Tumingin si Gian sa nilapag ko sa mesa at lumipat sa’kin. “You don’t have to do that. Hindi ‘yan kasali sa trabaho ng pagiging sekretarya mo. At huwag mo ring isipin na gagaan ang trabaho mo dahil lang ginawa mo sa’kin ‘to.”

Sunod kay Sizzy, si Gian na ang pumapangalawa sa napakaraming irarason sa lahat ng bagay na ibabato sa kanya.

“Ginagawa ko ‘to hindi para manuhol. Ginagawa ko ‘to bilang mabait na kapatid na nagmamalasakit.” I rolled my eyes. “Kainin mo na nga lang ‘yan.” At bumalik na ako sa pwesto ko at sa naiwan kong trabaho.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa opisina sa sumunod na oras. Kahit pa sabihing may ginagawa ako, nakakabagot pa rin. Hindi ko alam kung paano ko natiis ang matagal at mabagal na oras sa ganoong sitwasyon. Pero malaking pagpapasalamat ko nang matapos din ang parang pinetensyang pinagdaanan ko.

Sa oras na nakita ko ang eksaktong oras ng time-out, awtomatikong napatayo ako. “Time’s Up.” Anunsyo ko sa kanya para magkaroon siya ng ideya sa oras na madalas nitong hindi sinusunod. “Pwede na ba akong umalis, Sir?”

Tumingin lang sa’kin si Gian na parang hindi nagustuhan ang pagiging walang galang kong empleyado, pero hindi ito nagsalita.Senenyas na lang nito ang daliri na umalis na ako.

“Okay.” Saad ko. Kinuha ko ang bag ko. Muli akong humarap sa kanya ng may naisip ako. “Gusto mong magrelax? Manood ng sine?”

Niyaya ko si Gian hindi dahil sa gusto ko. Niyaya ko siya, bilang kapatid. Gusto kong makita ang dating Gian na hindi ganito kalulong sa trabaho. Gaya ng sinabi ko sa kanya kanina, nagmamalasakit lang ako bilang kapatid. ‘Yon lang.

“Come on. You need it.” Pangungulit ko. Nilapitan ko pa siya para kumbinsihin. “Pumayag kana lang..”

Nang nakita ko sa mata niya na parang nakumbinsi ko na siya at tanging Yes na lang ang kailangan mula sa bibig niya, saka naman ang pagbukas ng pintuan.

“Let’s Go?” bungad ni Jake sa’kin.

“Wait.. Sasama sa’tin si Gian.” Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Gian pero biglang nawala ang nakita kong muntikang pagpayag nito kanina.

 “I didn’t say Yes.” May kasamang iling na saad ni Gian. “Isa pa, may pupuntahan din ako mamaya.”

“Okay. Kung ganun, hindi kana namin pa pipilitin.”

-------------------------------------------

pople: Ang awkward noh.. magkapatid na lang ulit sila.. magkatrabaho pa.. Pero anong magagawa nila, wala na sila eh.. Past is past.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top