Eighteen
People change, Memories don't.
EIGHTEEN
Medyo nakakapanibago ang araw kapag wala si Jake dahil nasanay na ako na sa kanya sumasabay sa tuwing papasok at ganoon din sa breaktime. Sa susunod na araw pa siya babalik dahil sa kaliwa't kanan na pag-aasikaso niya ng kompanya at resort ng halos sabay.
Matapos ang breaktime, bumalik na ako muli kay Gian. May bitbit muli akong pagkain para sa kanya, pero sa pagkakataong ito, para 'to sa pagsorry ko sa nangyari kahapon. Mukhang nakalimutan na rin 'yon ni Gian, pero gusto ko lang linawin ang ilang bagay.
Hindi ko naabutan si Gian nang pumasok ako sa loob ng opisina.
Maya-maya sa pagbukas ng pintuan at pagpasok ni Gian, tahimik lang ako sa pwesto ko habang hinihintay niyang makita ang peace offering na pagkain at coffee sa mesa niya.
Nang makita nga ni Gian ang bagay sa table niya at nagtatanong tumingin siya sa'kin, nagsimula na akong magsalita.
"I just want to say Sorry, dahil nakalimutan kong gawin 'yon." Madali lang sa'kin gawin ang bagay na 'to dahil madalas ko na itong ginagawa kay Gian simula noong bata pa lang kami. "Sorry, dahil sa pagiging pakialemera ko at kung minsan, umaakto ako na wala sa lugar." Lumapit ako kay Gian at inabot ko ang kamay ko para sa pakikipagkamay na ginagawa namin noon ang bata tanda ng pagkakaayos. "Tinatanggap mo ba ang sorry ko?"
Kinilos ni Gian ang braso niya para abutin din ang kamay ko. "Apology Accepted."
Nakita kong ngumiti ng maluwang si Gian pero mabilis ding nawala at bumalik sa pagiging seryoso. "Get back to work."
Sa halip na sumunod, napalakas ako ng tawa. Alam kong pilit nagpapakaseryoso si Gian, kahit gusto na niyang tumawa. "Come on, Gian.. Let it out!"
Sa kakatawa ko, sumunod na rin si Gian na parang bigla na ring nahawa sa'kin. Tumagal ng mahabang minuto ang pagtawa namin na ni hindi ko na naalala kung bakit at anong dahilan. Parang bigla na lang kaming komunekta ni Gian at nabalik sa kabataan. At kahit ako ay nagulat din sa biglaang nangyari, pero hinyaan ko na lang.. na tumawa at tumawa..
Hindi rin tumagal, pahina ng pahina na rin ang tawa namin. Sakto naman ang pagbukas ng pinto na tuluyang pumatay sa ginagawa namin.
"Hi, Herald!" Natutuwang bati ko, pero mas tutok ang mata ko sa batang dala nito na ikinasurpresa ko ng sobra. "Is that Trixie? My inaanak? Ang laki na niya.."
Bumaling si Herald sa anak. "Kita mo nga naman Trix, timing ang pagpunta natin dito.. Maningil kana sa ilang Christmas na utang sa'yo ng ninang mo.."
Lalapit sana ako kay Trixie nang tumago ito sa likod ng ama. Pero nang si Gian ang tumawag rito, mabilis itong tumakbo at nagpakalong kay Gian. "Sorry, Aries.. mas gusto sa ninong."
Ilang beses kong sinubukang kunin si Trixie, pero hindi ko siya nakumbinsi. "Where's your mommy, baby Trix?"
"Nasa probinsiya." Si Herald ang sumagot para sa anak na nahihiya pa rin at ayaw makipag-usap sa'kin. "Hindi ko sinama dahil maselan ang pagbubuntis. Uuwi din kami bukas. Dumaan lang kami rito."
"Herald," tiniyak kong nasa magandang tono ang boses ko. "Yaman din rin namang marami akong napalagpas na pagkakataon na hindi ko nakita at nabiyayaan ang inaanak ko lalo na sa panahon na kailangan niya ako.. gaya ng pasko, Pwede ko ba siyang mahiram kahit isang gabi lang? Please!"
Hindi ko alam kung pagbibigyan ako ni Herald dahil mukhang mas magiging madali sana kung si Lexi ang kinukulit ko para kumbinsihin ngayon. "Please! Bung-buo ko siyang ibabalik sa'yo. Huwag mo namang ipagdamot.."
"Aries.."
"Herald," Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na magsalita. "Don't forget na ako ang savior niya at ng pinakamamahal mong asawa." Sa pabirong paraan ko dinadaan lahat na may katotohanan naman. Ako nga naman ang nagdugtong ng buhay ng kanyang mag-ina. "Dugo ko rin naman ang nananalaytay kay Trix.." muli kong pag-eexaggerate na mukhang effective naman.
"Okay." Sagot ni Herald mukhang wala nga namang problema sa kanya ang bagay na hinihingi ko. "But.. 'yon ay kung mapapayag mo si Trixie. Siya ang magdedesisyon para sa sarili niya."
Tinignan ko si Trixie na hindi pa ganun nahuhulog ang loob sa'kin. "Hey, baby Trix!" malaking pagbabago ang ginawa ko sa mukha ko para aging kumbinsido para sa apat na taong gulang na bata. "You want candies and toys and barbies?"
Tumango si Trixie na nakitaan ko ng posibilidad na pagpayag nito.
"You want to go with me? I will gonna buy you anything you want."
Umiling si Trixie na tanda ng hindi niya pagpayag.
Nang mapansin ni Gian ang pagkabigo ko sa pagkumbinsi sa bata, hinarap niya si Trixie para siya naman ang kumausap. "How about with me, Trix? You want to go with me?"
Tumango agad si Trixie.
"Gusto mong matulog sa bahay namin? Without your Dad. But he will gonna pick you up tomorrow morning. You like?"
Tumango muli si Trixie na ikinagulat ko. Napakadali para kay Gian na kumbinsihin ang bata. Hindi ko alam na ganoon kalapit sa kanya ang inaanak namin.
"We won Herald." Saad ni Gian sa kaibigan. "Your precious little daughter is safe with me. Nothing to worry about."
Tumango-tango na lang si Herald. "Fine. Ipinagkakatiwala ko na siya sa'yo. Just make sure na buo siyang makakabalik sa'kin."
"Really? To Gian..?" Nang-aasar na saad ko. "Pwede mo naman sabihin 'yan sa'kin Herald. Mapagkakatiwalaan ako."
"Minamaliit mo ang kakayahan ko, Aries. Can't you see, hindi nga sa'yo, lumalapit dahil natatakot." Ganti ni Gian.
Parang sa isang iglap, dahil kay Trixie, biglang nabalik ang asaran namin noon ni Gian na hindi na rin namin nagagawa pa.
"Huwag niyong kalimutan na pinahihiram ko lang ang anak ko, baka sarilinin niyo. Gumawa na rin kasi kayo ng sa inyo.."
Biglang walang kumibo sa'min ni Gian. Biglang nagka-Awkward moment.
Nang mapansin ni Herald ang epekto ng nasabi niya, agad rin siyang bumawi. "I mean.. pareho na kayong humanap ng mapapangasawa nang makagawa na rin kayo ng sarili niyo." Tumingin sa'kin si Herald. "Wala ka pa bang nahahanap, Aries? Foreigner o kung anong merong lahi?"
"Nope." Sinikap kong maging normal ang boses at mukha ko na hindi magmukhang naiilang sa klase ng tanong. Dinaan ko na rin lang sa biro.."Si Dad, ang kumikilos para sa'kin ngayon. Hope it works. Fingerscrossed for that.."
"Hahayaan mo na lang na siya ang magdesisyon para sa'yo? Nasaan na ang Aries na kilala ko?"
"Daddy knows best." Walang kaseryo-seryoso na sagot ko.
"Okay, then.." sumang-ayon na rin si Herald na parang napipiplitan. "Daddy's choice."
XXX
Nangyari nga ang napagkasunduan at iniwan ni Herald sa'min ang anak niya. Kaya pag-alis din namin sa Le Wish, tinupad ko ang pinangako ko kay Trixie na bibilhan ko siya ng kung anong gustuhin niya. Noong una, mas gusto niya lagi kay Gian, pero di rin nagtagal nakuha ko na rin ang loob niya at mas naging madalas na siyang tumatabi sa'kin.
Naging nakakapagod pero masaya ang sapat na oras na paglabas namin. Madilim na rin ng makauwi kami sa bahay at ni minsan hindi umiyak si Trixie na hindi masyadong hinahanap ang magulang.
Halos hindi pa naubusan ng baterya ang bata ng makipagkulitan pa kay Sizzy at Dad. Si Trixie ang nagbigay ideya kung paanong magiging masaya ang bahay sa oras na ipanganak na rin ang pinagbubuntis ni Sizzy na ilang buwan na lang ang hihintay.
Bigla akong nagising sa marahang tapik sa balikat ko. Nang imulat ko ang mata ko, saka ko lang narealize na nakaidlip na pala ako sa sofa kasama ang natutulog na rin na si Trixie na kanina lang ay nanunuod pa ng cartoons.
Pinatay ni Gian ang TV at humarap sa'kin. "Lipat na kayo sa kwarto." Saad niya habang marahang kinuha sa'kin si Trixie para kargahin.
Dinala na ni Gian ang bata sa kwarto ko, at sumunod na rin lang ako. Habang nilalapag ni Gian si Trixie sa kama, hindi ko magawang alisin sa kanya ang mata ko. Hindi ko magawang hindi isipin at tanugin ang sarili ko kung magiging mabuti rin ba siyang ama sa sarili niyang anak..
Iniling-iling ko ang ulo ko para burahin ang iniisip ko. Ayoko kapag ganitong nawawalan ako ng kontrol sa pinag-iisip ko.
"Thanks, Gian." Kumilos ako, at tumabi kay Trixie habang kinukumutan siya. "Kaya ko na 'to." Pagtataboy ko sa kanya sa magandang paraan.
Sa halip na umalis, tumabi si Gian sa kabila na napapagitnaan na namin si Trixie. "Aalis din ako mamaya." Pagsisigurado ni Gian.
Ilang sandali, walang nagsalita sa kahit sino sa'min. Nabalot ng katahimikan ang kwarto habang tanging paghinga lang ang naririnig ko.
Kahit gusto kong pilitin na matulog, hindi ko magawa dahil na rin siguro sa presensiya ni Gian. At ganun na din sa sitwasyon namin.
Sa kabila ng paulit ulit kong pagsabi sa sarili ko na magkapatid kami ni Gian at walang masama sa sitwasyon, pero parang naiilang pa rin ako.
Dahil ba sa...
Stop Aries. Stop thinking things like that!
Magkapatid na lang kayo!
"Aries?" tawag ni Gian na nagtatanong kong gising pa ako.
Gusto kong magpanggap na tulog na ako, pero narinig ko na lang ang sarili kong nagsalita. "Hmmm?"
"Naaalala mo ba noong bata pa tayo... madalas mo akong pilitin sa larong hindi ko gusto gaya ng bahay-bahayan."
Parang bigla akong nahiya nang maalala ko noon kung paano ako magdemand na ako ang nanay at siya tatay. Noong panahon kasi niyon, kahit bata pa kami, may nararamdaman na talaga ako para kaya Gian.
"Ngayon ko rin narealize, na ang selfish ko pala talaga noon." Sagot ko sa kanya. "Pinagbibigyan mo lang ako dahil sa tuwing tatanggi ka, umiiyak ako."
"Hawak mo ako sa leeg." May kasabay na bahagyang tawa si Gian. "Wala akong magawa."
"I'm sorry. Hindi ko alam na ang sama ko pala sa'yo. Sarili ko na lang lagi ang iniisip ko." Kahit sabihin pang matagal na 'yon at maga bata pa kami noon, parang nakokonsensiya ako sa mga pinaggagagawa ko. "Ngayon ko lang naisip, kung paano mo natiis ang pagiging makasarili ko. Naging mabuti kayo ni Sizzy na kapatid sa'kin."
At mukhang hindi lang ang pagiging mabuting kapatid ang dapat kong ipagpasalamat kay Gian. Pero sa tingin ko, hindi na kailangan pang banggitin 'yon.
"You don't know how thankful I am—we are.. na dumating ka sa pamilya namin, Aries."
"Thank you." Ilang beses ko ng narinig sa kanila ang bagay na 'to kahit noon pa man, pero ang sarap pa rin pala pakinggan. "Don't worry Gian, inalis ko na ang pagiging makasarili ko. At magiging mabuting kapatid na ako sa'yo. Alam kong nagsasawa kana sa pagiging pakialamera ko at—"
"No."
Natigilan ako sa sinabi ni Gian at napabaling ako sa kanya. "No?" pag-uulit ko.
"Hindi ako nagsasawa. Actually, gusto kong mabalik 'yong dating ikaw. 'Yong eksaktong ikaw, years ago."
Bigla akong natigilan muli. This time, mas matagal.
Ayokong balikan 'yong eksaktong ako two years ago. Kung may gusto man akong takasan, 'yon ay ang mga nangyari at naramdaman ko ng mga araw na 'yon.
Biglang nabasag ang lumalalim na katahimikan nang umiyak si Trixie na tinatawag ang ina.
Pareho kaming napabalikwas ni Gian. Pero sa pagkakataong tulad nito, alam na alam ko ang gagawin, kaya kinuha ko si Trixie at nilapit ko sa tabi ko habang niyayakap. "Ssh.. It's okay, Trix. Mommy's here." Paulit ulit kong binanggit ang salitang nagpatahan kay Trixie hanggang sa tuluyan na muli itong bumalik sa pagkakatulog.
Nang nilatag ko muli si Trixie sa kama, nahuli ko si Gian na nakatingin sa'kin, pero mabilis ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya.
Narinig ko na lang siyang nagsalita muli. "Mukhang magaling ka pagdating sa bata, Aries." Sinadyang hininaan ni Gian ang boses para hindi magising si Trixie. "I have a feeling na magiging mabuti kang ina."
Hindi lang ako kumibo sa sinabi ni Gian. Pero tumatak sa'kin ang sinabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top