Eight
It takes courage to fight for someone you love, but it takes a lot more courage to let go and watch that someone having a happy life with someone else.
EIGHT
Kanina pa ako pabalik-balik sa paglakad dahil kinakabahan ako habang hawak-hawak ko ang isang sing-sing. Nakapagdesisyon na ako, hindi ako bibitaw sa relasyon namin ni Gian. At ngayon ding araw na ‘to, ako mismo ang magpo-propose sa kanya.
Alam kong pagiging desperada ang gagawin kong ito. Pero, hindi ko talaga kayang mawala at maagaw pa sa’kin si Gian, kaya ako mismo ang gagawa ng paraan para matali na siya sa’kin.
Nasa kay Gian pa rin ang magiging desisyon kung papayag na siyang magpakasal sa’kin. Kahit na nasa hindi ganoong katibay ang relasyon namin ngayon, panatag ako na kahit papaano na pagbibigyan ako ni Gian sa kagustuhan kong ito.
Gaya ng narinig ko sa mismong bibig ni Gian, hindi niya ako kayang saktan.. Kaya kung ang pag-Oo niya ang makakaiwas para hindi ako masaktan, alam kong gagawin niya ‘yon.
Ilang minuto pa lang naman ako naghihintay kay Gian sa loob ng opisina nito. Ang alam niya, manunuod lang kami ng sine at kakain sa labas na ako mismo ang nagyaya. Pero ang pinakaplano ko, dadalhin ko siya sa rooftop ng Le Wish para doon gawin ang pag-propose. Dagdag sa espesyal na gabi namin ay ang mangyayaring meteor shower na nakatakdang mangyari mamayang seven o’clock.
Pareho kaming mahilig pagdating sa mga ganitong klaseng nature event, kaya alam kong magiging memorable para sa kanya at para sa’kin ang pagbukas ng panibagong yugto sa buhay namin.
Sina Carl, Sizzy at ang barkada niya ang naging kasabwat ko na tapos na siguro ngayon sa pagseset-up sa romantikong mangyayari mamaya sa rootop.
Eksaktong 6:30 matatapos ang meeting ni Gian kaya tamang-tama lang para sa nalalapit na naiibang proposal ko.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko sa oras na pumasok na si Gian sa opisina.
Bigla akong napatayo mula sa pagkakaupo. “Tapos na ang meeting?” pinipilit kong magpakanatural para hindi mahalata ni Gian ang kung ano mang kakaiba sa’kin ngayon. “Pwede na tayong umalis?”
“Oo. Kaso..” makikita ang apologetic na mukha ni Gian. “Nagyayaya ng dinner si Mr. Ong. Hindi ko siya natanggihan dahil importanteng tao siya. So, pwede bang bukas na lang tayo lumabas?”
Hindi ko alam kung paano itatago ang pagiging disappointed ko. Alam kong hindi pwedeng hindi matuloy ‘to.
Lumapit ako kay Gian. “Pwede bang bigyan mo ako ng kahit 30 minutes lang.. sumama ka sa’kin ngayon..”
Mag-aalinlangan pa sana si Gian sa sinabi ko pero hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon. “Sandali lang ‘to, promise.. Just come with me..”
Habang papunta kami sa pinakataas, kitang-kita ko ang malaking pagtataka ni Gian na walang ideya sa mangyayari. “Where are we going?”
“Just go with me..” nangingiti kong sabi habang naaalala ko na minsan na rin niya akong sinurpresa noon sa rooftop para makita ang sunrise. Ang kaibahan lang ngayon, siya naman ang masusurpresa ngayon.
“Aries, nagsasayang lang tayo ng oras. Baka mahuli ako sa dinner..”
“Sshh.” Sabay pagpapatahimik ko sa bibig nito. “Sandali lang talaga ‘to. Pagbigyan mo na ako.”
Umubra ang pakiki-usap ko sa kanya na tumahimik at sumunod na lang. Pagdating sa pinakapintuan na huling magbubukas sa pinaka-setting na mangyayaring proposal, bigla na akong kinabahan.
“Anong gagawin natin dito?”
Wala akong isinagot kundi ang dahan-dahang pagbukas ko ng pintuan na tanging harang para makita niya ang napakagandang ayos na puno ng petals at kandila ang bawat dadaanan. Simple pero nakakapagpataas ng balahibo na siyang naramdaman ko.
Napaka-romantic lalo na’t kami lang na dalawa ang naroon sa napakahalagang oras.
Mas lalong gumulo ang mukha ni Gian na mas dumami ang katanungan. “What is this for?”
Kinakabahan man ako, hindi ko na patatagalin pa ang dapat kung gawin dahil hinahabol kami ng oras. Ilang minuto na rin lang babagsak na ang meteorites.
Walang pasabing lumuhod ako sa mismong harapan ni Gian na parang biglang nagka-ideya sa gagawin ko. “Aries, tumayo ka nga..”
Mas lalo akong kinabahan dahil kung kanina positibo ako sa magiging sagot ni Gian, ngayon ay parang bigla akong nabalot ng pag-aalinlangan.
Pero kailangan kong gawin.
Mas maganda sana kung si Gian ang mismong magpo-propose sa’kin ngayon pero.. baka matagal pa kung maghihintay pa ako na mangyari ‘yon.
Nilakasan ko ang loob ko, at mula sa bulsa ko, nilabas ko ang sing-sing na mismong sukat sa daliri ko. Habang naluluha at hindi sigurado sa magiging sagot ni Gian, tinanong ko siya, “Gian, Will You Marry Me… Please?”
Parang tumigil ang mundo ko habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Gian na wala akong ideya kung anong isasagot. Tanging nababasa ko lang sa kanya ay parang mas kabado pa sa’kin na hindi mailabas kung anong gustong sabihin.
“Gian,” muling tawag ko sa kanya habang tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko nagmamakaawa ako sa kanya para makuha ang sagot na gusto ko.
Pinikit ko ang mata ko, habang di ko alam kung dapat ko na bang itago o itapon ang hawak kong sing-sing. Gumagaralgal ang boses ko ng muling magsalita, “Is that a NO?”
Patuloy na nakasara ang mga mata ko para hindi makita ang kung ano mang ekspresyon ni Gian kung NO man nga ang sagot nito. Alam ko na hindi na ako ang tunay na nilalaman ng puso niya.. pero umaasa pa rin ako na kahit man lang dahil sa awa, pagbigyan ako ni Gian.
Nang hindi pa rin sumagot si Gian, mas nilakasan ko pa ang loob ko para mapabago ang sagot nito. Handa akong babaan ang pride ko..“Gian, kahit hindi bukas o sa susunod na araw o taon mo ako pakasalan. Kahit kailan mo gustuhin, kahit pa matagal, okay lang.. just say YES. Gusto ko lang makasiguro na sa huli, sa’kin ka mapupunta. Dahil ikaw lang naman ang gusto ko at gugustuhin kong mapangasawa.”
“Aries..”
“PLEASE, Gian..” muling pagmamakaawa ko. “I’ll ask you again.. Will you marry me?”
Muling mahabang katahimikan at tanging ihip ng hangin ang naririnig ko. Halos handa na akong tumayo at tumakbo paalis nang maramdaman ko ang yakap ni Gian.
“Yes, I will..” pabulong na sagot ni Gian na parang hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
“Did you just say Yes?” gusto kong siguraduhin na tama ang narinig ko.
“Yes.” Muling sagot ni Gian na kinuha sa’kin ang sing-sing na hawak ko at sinuot sa daliri ko.
Muling niyakap ko ng mahigpit si Gian habang sunud-sunod ang naging pagluha ko. Hindi ko alam kung para saan ang luhang iyon.. dahil kung tatanungin ko ang sarili ko, alam kong hindi iyon dahil sa kaligayahan.
Gusto kong maging pinakamasayang babae sa mismong oras na ‘to habang umuulan ng meteorites. Pero kahit magpantasya pa ako, alam ko sa sarili ko na napipilitan lang si Gian. Hindi lang niya ako gustong saktan kaya kahit maluwag sa dibdib niya, pinili niyang sumagot ng Yes.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Gian at hinarap siya na nakangiti. “Sige na.. Pwede kanang pumunta sa dinner with Mr. Ong.”
“Are you sure?”
Tanging gusto kong mangyari ngayon ay pagtulakan si Gian na umalis para mapag-isa na ako at makapag-iyak ng dire-diretso. Buong akala ko magiging masaya ako kapag nakuha ko ang Oo ni Gian. Pero hindi pala.. mas lalo ko lang sinaktan ang sarili ko.
“I’m so sure dahil male-late kana. Naiintindihan ko na importante sa’yo ang bagay na ’to.” Sinigurado kong hindi makikita ni Gian ang kabaligtaran na nararamdaman ko sa kabila ng malapad na ngiting ipinapakita ko. “Magkikita naman tayo mamaya sa bahay. You can go now..”
Pagkaalis na pagkaalis ni Gian, tuluyan na akong napahandusay sa sahig. At naging kasunod na lang ang hindi ko na mapigilang paghagulgol.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na hindi makaahon mula sa pag-iiyak. Natigil lang nang biglang pumasok sina Carl at Sizzy na kapwa lumapit sa’kin. Sa isang iglap, muling bumalik ang pagpapanggap ko sa harapan nila na masayang-masaya ako.
“Congratulations, ate Aries..” masayang bati ni Sizzy, habang pinagmamasdan ang suot kong sing-sing. “Masyado ka namang emosyonal.”
Nginitian ko na lang sila na hindi alam ang totoong nangyari.
Ilang sandali lang nagpaalam ako sa dalawa at nagdahilan ng kung ano. Pagkalabas ko ng Le Wish, parang nilipad na lang ang isip ko at sumunod na lang na nalaman ko, nasa harapan na ako mismo ng bahay ni Hailey.
“Hi..” bati ko kay Hailey nang ito mismo ang nagbukas ng pinto.
Halatang hindi nito inaasahan ang pagsulpot ko sa mismong bahay nito. “What brings you here?” nalilitong tanong ni Hailey na hindi naaalis ang mabuting pakikitungo nito. Maluwang niyang binuksan ang pintuan at pinapasok ako.
“Kanina lang, niyaya kong magpakasal si Gian..” direktang saad ko hindi para painggitin o pasamain ang loob niya.
“Ba’t mo sinasabi sa’kin ‘to? I don’t think you need to..”
“Sinasabi ko ‘to sa’yo dahil alam kong may pakialam ka, Hailey.”
“Aries..”
“Hailey, makinig ka..” alam kong iniisip ni Hailey na may gusto akong iparating sa kanya “He said Yes..”
“Kung ganun, magpakasal na kayo. Look, Aries.. Kung nababahala ka sa..”
“He said Yes, pero alam kong sinagot niya lang ‘yon dahil ayaw niya akong saktan.”
Natigilan si Hailey sa buong pahayag ko at nagsimulang makinig.
“Alam ko, minahal niya ako.. at nabawasan na ang pagmamahal niya sa’kin..” sinabi ko ang mismong binitawang salita noon ni Gian. “At dahil sa takot ko na hindi siya mawala, inisip ko na ang matali siya sa’kin ang tanging paraan. At alam kong makukuha ko ang gusto ko dahil nagmamalasakit parin sa’kin si Gian.. dahil hindi niya ako gustong masaktan.” Mahirap sabihin ang bawat sinabi ko na hindi naiiyak. “Pero matapos kong makuha ang gusto ko kanina lang sa naging sagot na ‘yon ni Gian.. Wala akong naramdaman na kahit anong saya.”
Nanatiling tahimik si Hailey na hindi na rin napigilang madala ng bumabalot na emosyon sa paligid namin.
“Mahal ka niya, Hailey. Mas mahal ka niya kaysa sa’kin.” Gumagaralgal ang boses ko sa bawat pagsambit ng bawat katagang ‘yon. “At alam kong kailangan kong tanggapin ‘yon. So, I’m ready to let him go..”
Tulalang napatingin sa’kin si Hailey na hindi makapaniwala sa pagpaparayang ginagawa ko. “Ba’t mo sinasabi ang lahat na ‘to sa’kin?”
“Dahil ngayon lang ako nagkalakas ng loob na pakawalan siya at tanggapin ang katotohanan. Sa pagiging maramot ko, pinagkakait ko kay Gian ang maging tunay na masaya.”
Mahigpit na niyakap ko si Hailey. “Ang totoo, mahirap pa sa’kin na sabihin sa kanya ngayon na pinaparaya ko na siya. Kaya pagbibigyan ko ang sarili ko na makasama pa siya ng ilang araw. At gusto ko, sa oras na umalis na ako sa tabi niya.. I want you to be there for him.” Mas humigpit pa ang yakap ko na parang gusto kong ipasa ang lahat na nararamdaman ko kay Hailey. “Mahalin mo siya ng sobra..”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top