Part 92

Habang palapit kami nang palapit sa bahay nila ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Nanlalamig din ang kamay ko.

"Hey, okay ka lang?" natatawang tanong sa akin ni Vincent.

"Actually, hindi." sagot ko.

"Hindi naman nangangagat si mommy eh, kaya chill ka lang ako bahala sa 'yo." sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

At noong nasa tapat na kami ng bahay nila ay parang gusto ko nang mag-back out tapos feeling ko naka-glue na 'yong puwet ko sa upuan.

"Let's go?" saglit ko pa muna siyang tinitigan bago tumango.

Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang makapasok kami sa loob ng bahay nila.

"Manang, where's mommy?" tanong nito sa katulong nila.

Tinuro naman niya ang kusina nila kung saan naroon daw ang mommy ni Vincent. Nagpasalamat na lang siya roon saka hinila na ako papasok ng kusina nila.

"Mom," tawag niya sa mommy niya at nakipag-beso siya rito.

"This is Nalliah, siya po 'yong nililigawan ko." pakilala nito sa akin.

"Hello po," magalang na sabi ko sabay yuko.

"Anong year mo na?" tanong nito sa akin.

"Graduating na po this year," tugon ko, tumango-tango naman siya.

"So, same year pala kayo ni Vincent?" Tumango ako.

"Can we talk in private?" Sumulyap ako saglit kay Vincent bago tanguan ang mama niya.

Dinala naman niya ako sa likod ng bahay nila at saka pina-upo.

"Ano'ng trabaho ng mga magulang mo?" Biglang nag-iba 'yong tono ng pananalita niya kanina kaysa ngayon.

"Isang guard po si papa sa bangko, samantalang sa bahay lang po si mama." sagot ko.

"Okay." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago niya ako yayain sa loob.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay nag-aya na ang mommy niya na kakain na. Tahimik lang kaming tatlo habang kumakain.

"Thank you po sa dinner," usal ko, walang emosyon naman siyang tumango.

Mabilis na akong bumaba ng kotse nang makarating na kami sa bahay.

"Thanks sa paghatid, ingat ka!" Kaway ko sa kaniya.

Katulad ng palagi kong ginagawa, hihintayin ko munang makaalis siya nang tuluyan bago ako pumasok sa loob.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top