Part 72

Araw na ngayon ng sabado, nagpaalam ako kay Miss Yvanilla na mag-half day ako ngayon dahil may pupuntahan ako.

"May date ka yata ngayon ah," ika ni Vien sabay sundot sa tagiliran ko.

"Sira, wala kaya." sagot ko.

"Sus, mga palusot mo eh," pabiro ko na lamang siyang inirapan bago magpaalam na lalabas na.

"Miss Yva, tatakas si Nalliah!" sumbong ni Tristan kay Miss Yvanilla.

"Hoy, nagpaalam ako sa kaniya, 'no." usal ko.

"Ay ganoon, sige layas ka na." Inirapan ko na lang siya bago lumabas ng Café.

Paglabas ko ay nakita ko na sa 'di kalayuan ang kotse ni Vincent kaya naman nagmadali na akong naglakad palapit doon. Bukas naman 'yong pintuan kaya pumasok na ako nang walang sabi.

"Kanina ka pa rito?" tanong ko, umiling naman siya.

"Halos kararating ko lang din " sagot nito kaya tumango na lang ako.

Hindi ko na natanong kung saan kami pupunta dahil bigla na lang ako dinapuan ng hiya. Hinintay ko na lang na makarating kami sa kung saan man kami pupunta.

Huminto ang sasakyan niya sa isang maliit ngunit napaka-gandang garden.

"Let's go." Aya niya sa akin.

Huminto kami sa tapat ng malaking puno sa dulo ng garden habang may nakalatag na blanket at may basket sa tabi nito.

"Naks naman, may pa ganito pa si mayor!" biro ko.

"Upo na tayo," sabi niya at nauna na siyang umupo.

"Nga pala, 'di ba may sasabihin ka? Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Later, kain muna tayo." saad niya saka binigay sa akin 'yong isang sandwich.

"Buti pinayagan kang mag-half day," usal niya.

"Akala ko nga hindi ako papayagan eh," ani ko saka mahinang tumawa.

"Nalliah..." tawag niya, nag 'hmm' naman ako.

"Alam mo naman na siguro na may gusto ako sa 'yo, right?" Hindi ako umimik. "Pero gusto ko pa ring umamin sa 'yo ngayon. Remember noong nagkita tayo sa bus, doon nag-start 'yong feelings ko para sa 'yo." Nakatitig lamang ako sa kaniya at hindi alam kung ano ang sasabihin.

"At noong nakita ulit kita sa Café, doon na mas lumalim itong nararamdaman ko para sa 'yo. Hindi lang kita nagustuhan dahil lang sa maganda ka, nagustuhan kita dahil nakikita ko kung paano ka kapursigido sa pagtatrabaho." Para akong tinutunaw ng mga titig niya kaya naman umiwas ako ng tingin.

"Nalliah Agustin, maaari ba kitang ligawan?" Napalunok na lang ako nang hawak niya ang kamay ko.

At dahil may pagka-mahiyain ako ay tumango na lang ako bilang pagpayag.

"Thank you, Nally. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Napangiti na lang ako sa inasta niya. Cute haha.

Nilibot namin ang buong garden at lahat ng madaanan namin ay nagpi-picture kaming dalawa.

"Thank you sa paghatid. Mag-iingat ka sa pag-uwi." sabi ko at saka bumaba na ng sasakyan.

"Of course, sasagutin mo pa ako eh." saad niya kaya parehas kaming natawa.

Baliw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top