Part 55
Sinabi sa akin ni mama lahat ng hirap na pinagdaanan niya noong nasa China siya. Nalaman kong nagustuhan siya ng amo niya at pinilit siya nitong magpakasal kahit na alam nitong may pamilya na ito.
"Bakit hindi ka pa umalis noon kung binubugbog ka na pala niya?" Humihikbing tanong ko.
"Sinubukan kong tumakas, 'nak, pero nahuli niya ako. Pinagbantaan niya rin ako na kapag sinubukan ko ulit tumakas ay papatayin niya ako," sagot niya.
"Pero paano ka nakatakas ngayon?" tanong ko ulit.
"Sa tulong ng isang kaibigan. Tinulungan niya akong makatakas at makabalik sa inyo," sabi niya sabay punas ng luha ko.
"Saan ka tumutuloy ngayon?" Ngumiti muna siya nang pilit.
"Nakikituloy ako sa ninang mo," sagot niya, tumango-tango na lang ako.
"Hintayin niyo ako pag-uwi, sasamahan kitang kunin sa bahay ni ninang lahat ng gamit mo at simula ngayon sa bahay ka na tutuloy." Nakangiting sambit ko.
"Ang ibig bang sabihin nito..." tumango-tango ako kaya naman tumayo siya at saka niyakap ako. "Maraming salamat, anak. Pangako, hindi na aalis ang mama." ika nito.
"Sorry po sa inasal ko sa inyo," paumanhin ko.
"Ayos lang 'yon, 'nak, naiintindihan ko naman eh." tugon niya.
Gaya ng sinabi ko ay sabay kaming pumunta sa bahay ni Ninang Terry para kunin ang gamit ni mama saka sabay na umuwi. Pinaliwanag ko na rin kina Nisha na sa bahay na tutuloy si mama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top