Part 52
Tatlong araw ang lumipas noong huli kong makita si mama. May parte sa akin ang natutuwa dahil sa wakas ay tinigilan niya na kami, pero may parte rin sa akin na nalulungkot.
Gustong-gusto ko na siyang patawarin pero hindi ko alam kung paano. Aaminin ko, may kaunting tuwa sa puso ko noong sabihin sa akin ni Nisha na nakita niya si mama sa labas ng bahay namin noon. Pero noong nakita ko siya sa labas ng Café, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Iyong mga sinabi ko sa kaniya noon, hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Nadala lang ako kaya ko nasabi 'yon.
"Lia, okay ka lang? Kanina ka pa namin tinatawag pero parang wala kang naririnig," nabalik ako sa huwisyo nang mahinang tapikin ni Lorelei ang braso ko.
Hays, muntik ko nang malimutan na may kasama pala ako.
"Oo, okay lang ako. May naisip lang ako bigla," sagot ko.
"Time zone naman tayo!" Hila sa amin ni Kevin.
---
Matapos kaming mag-saya ay isa-isa na kaming hinatid ni Kevin. Ako ang huli niyang hinatid kaya naman mabilis na akong bumaba ng sasakyan niya at nagpaalam na sa kaniya.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan ko si papa sa sala habang nagbabasa ng diyaryo. At nang mapansin niyang nakatayo ako sa gilid niya ay ibinaba niya muna ang hawak niya at pagkatapos ay pinalapit niya ako.
"Kumusta ang lakad niyo?" tanong niya.
"Masaya naman po, Pa," sagot ko saka ngumiti nang pilit.
"Eh, bakit parang hindi ka naman masaya?" Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi umimik.
"Iniisip mo ang mama mo?" Nanatili pa rin akong wala imik kaya naman bumuntong-hininga siya.
"Anak, alam kong malaki ang galit mo sa mama mo dahil sa ginawa niya sa atin pero dapat matuto kang patawarin siya dahil kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, mama mo pa rin siya. Huwag mong hayaang mamayani ang galit diyan sa puso mo." Mabilis kong pinunasan ang luha ko na tumulo sa pisngi ko.
"Pero paano ko siya patatawarin, Pa? Hindi ko alam kung paano ko siya patatawarin." Tuluyan nang umagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Anak, madali lang naman magpatawad. Kaya mo nasasabi 'yan dahil hindi mo lang kayang matanggap 'yong ginawa niya. Anak, masama ang magtanim ng galit kaya nagmamakaawa ako na sana mapatawad mo na ang mama mo." Niyakap ako ni papa matapos niyang sabihin 'yon.
Siguro nga dapat ko nang patawarin si mama dahil wala rin naman akong mapapala kung habang-buhay akong magagalit sa kaniya eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top