Part 40

Dalawang araw. Dalawang araw akong walang paramdam sa mga kaibigan ko. Matapos ko kasing mabasa 'yong message sa akin ni mama hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Kami, miss niya? Sinong niloko niya? Iiwan iwan niya kami tapos mamimiss niya kami? Tss, kalokohan.

"Ate, hindi ka pa ba papasok? Kinukulit na ako nila Ate Yallah na kumbinsihin daw kitang pumasok kasi ilang araw ka na raw absent."

Dahan-dahan naman akong bumangon at deretsong tumingin sa kaniya at tipid na ngumiti.

"Hindi mo na ako kailangang kumbinsihin dahil papasok na ako ngayon, hmm?" sagot ko.

"I love you, Ate ko. Nandito lang ako, kami nila papa para sa 'yo kaya 'wag ka nang malungkot ha?" sabi niya saka niyakap ako nang mahigpit.

Hindi ko tuloy napigilan ang mapaluha.

"Mahal ko rin kayo nila papa," tugon ko.

"Huwag mo munang isipin kung ano man 'yong bumabagabag sa 'yo ha? Dalawang araw na lang at birthday mo na kaya 'wag ka na sad." Napatigil naman ako saglit.

Oo nga pala, muntik ko nang malimutan 'yong birthday ko.

"Oo na, labas ka na muna at maliligo na ako." sabi ko.

"Bilisan mo Ate ha? Naka-ready na 'yong almusal." Tanging tango na lang ang sinagot ko bago siya lumabas ng kwarto ko.

---

Pagkababa ko ng tricycle ay nagulat na lang ako nang salubungin ako noong dalawa at mahigpit akong niyakap.

"Sobra ka naming na-miss, Liya!" wika ni Lorelei sa gitna ng yakapan namin.

"Okay ka na?" tanong sa akin ni Yallah nang maghiwalay kami.

"Okay na okay na!" Nakangiting sambit ko.

"Good for you. Anyway, sabay na tayong pumasok." Tumango na lang ako at parehas silang umangkla sa magkabilang braso ko.

Thankful akong sila ang naging kaibigan ko. Mahal na mahal ko itong dalawang ito kahit na anong mangyari, periodt.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top