Part 4

Maaga akong nagising ngayon dahil ngayon ang pangatlong araw ko sa Yvanilla Café. Actually, ang full name talaga ng Café na pinagtatrabahuhan ko ay The Yvanilla: Escape Café.

Sobrang ganda ng Café na ito kaya talagang ang daming pumupunta rito. Dito ko napiling magtrabaho dahil may napanood akong vlog dati at ang content niya ay itong shop na ito. Super na-amazed ako dahil ang ganda ng pagkakagawa, though, wala silang internet connection but mayroon naman silang mga books na puwede mong basahin at paglibangan.

Ang cute rin ng uniform ng mga staffs nila, color pink ang top at gray skirt. Isa 'yan sa nagustuhan ko dahil favorite color ko ang pink.

Matapos kong patuyuin ang buhok ko ay nag-apply na ako ng foundation at lipstick.

Hindi ako sanay sa paglalagay ng mga kolorete sa mukha pero dahil magto-tourism ako ay kailangan kong sanayin ang sarili ko.

"Nisha, aalis na ako ha? Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay dahil mamaya pa ang uwi ng tatay," bilin ko sa pangalawa kong kapatid.

"Opo ate, mag iingat ka po." Hinalikan ako nito sa pisngi na ikinangiti ko. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, ang sweet niya pa rin sa akin kahit na dalaga na siya.

Bumaling naman ako sa bunso namin, lumuhod ako para magpantay kami. "Nash, aalis muna si ate ha? Huwag kang pasaway kay Ate Nisha, okay?" Tumango siya.

"Mamaya 'pag uwi ko may pasalubong si ate sa 'yo, hmm?" Nag 'opo' naman siya kaya tumayo na ako at ginulo ang buhok niya.

"Nisha, pakisarado itong pinto," sabi ko na agad din naman niyang sinunod.

"Manong, bayad po." Inabot ko na ang pamasahe ko at bumaba na ng tricycle.

Pagkapasok ko sa loob ng shop ay binati ko muna lahat ng mga ka-trabahong masasalubong ko bago pumasok sa staff room para magpalit ng uniform.

Ako ang nakatoka sa pagkuha ng mga orders kaya naman lumabas na ako dahil medyo marami ng customer sa labas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top