Part 15
Maaga akong pumasok sa trabaho dahil maaga kaming dinismiss ng prof namin.
"Good afternoon, ma'am!" Masiglang bati ko kay Miss Yvanilla nang maka pasok ako ng Café.
"Oh, hi! Ang aga mo yata?" usal niya.
"Early dismissal po eh," sagot ko.
"Is that so? Nakapagmeryenda ka na ba?" tanong niya, tumango naman ako. "Okay, good." Nginitian ko na lamang siya at nagpaalam nang pupunta na sa staff room upang makapagpalit ng uniform.
At nang matapos akong magpalit ay lumabas na ako upang asikasuhin ang mga bagong dating na customer.
"Good day, ma'am! What's your order?" magalang na tanong ko.
"One iced coffee and one slice of cheese cake." Mabilis ko namang sinulat sa note 'yong order niya.
"That's all, ma'am?" Tumango naman siya. "Okay, ma'am." Nakangiting sabi ko sa kaniya at naglakad na papuntang counter para ibigay ro'n ang order.
At pagka-kuha ko no'ng order ay agad ko nang dinala sa table noong babae.
"Here's your order, ma'am, enjoy your food." Nag-thank you na lang ito kaya naman nginitian ko na lang siya bago naglakad ulit upang kuhanin muli ang order noong bagong customer.
"Oy Liya bakit hindi mo ako hinintay?" reklamo ni Kevin nang maka-upi siya.
"Mas uunahin pa kita kaysa sa trabaho ko?" ani ko. "Ano nga pala order mo, sir?" tanong ko sa kaniya.
"May soda kayo?" Napabuntong-hininga naman ako.
"Saan ka nakakita ng Coffee shop na mayroong soda, aber?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Ang sungit mo naman," tumatawang saad niya.
"May blueberry cheese cake kayo? Kung mayroon, iyon na lang tsaka isang Cappuccino." Agad ko nang sinulat ang order na at sinabing maghintay muna siya ng ilang minuto.
"Ito na order mo, huwag kang mabubulunan ha? Baka kasi mamatay ka eh," ani ko saka mapang-asar siyang ngitian.
Iniwan ko siya roon habang nakatulala dahil sa sinabi ko. Sanay naman na 'yan sa ugali ko, sadyang may pagka-OA lang minsan.
Matapos ang ilang minuto ay nagpahinga muna ako nang ilang saglit dahil sunod-sunod ang mga customer ang dumarating at nag-oorder.
Habang nagpapahinga ako ay nag-online muna ako at nakita kong may dalawang message sa akin si Vincent.
Itong lalaking ito hindi siya marunong magtago ng feelings, masyado niyang pinapahalata na may gusto siya sa akin.
"Itigil mo 'yan, sa una lang masaya 'yan." saad ni Tristan nang makita niya akong nakangiti habang kaharap ang cellphone ko.
"May nakita lang akong meme," palusot ko.
"Sus! Hindi ako naniniwala."
"Edi hindi, hindi ko naman sinabi na maniwala ka eh," pangbabara ko sa kaniya.
"Ha ha ha! I-ghost ka sana niyan." pabiro ko siyang inirapan kaya naman tatawa-tawa siyang pumunta sa counter.
Matapos ang pahinga ko ay nagpaalam na ako kay Vincent na babalik na ako sa trabaho.
"Good bye, guys!" paalam ko sa mga ka-trabaho ko pati na rin kay Miss Yvanilla.
Matapos 'yon ay nag-abang na ako ng masasakyan. At sakto namang may humintong jeep kaya naman agad na akong sumakay.
Pagkababa ko sa kanto ay dumaan muna ako sa bukas na bakery shop upang bumili ng tinapay para bukas at pasalubong para kay Nash at Nisha.
"Ate!" masiglang salubong sa akin ng bunso namin kaya mabilis akong lumuhod upang madali niya lang akong mayakap.
"May pasalubong si ate para sa 'yo!" Agad namang kumislap ang mata niya nang ilabas ko ang binili kong eggpie para sa kaniya. Sobra niyang paborito 'yan kaya kahit na araw-araw ko siyang bibigyan niyan ay hindi siya nagsasawa.
"Saan nga pala si ate Nisha mo?" tanong ko sa kaniya.
"Nasha kushina po," sagot niya habang may laman ang bunganga niya.
"Puntahan ko muna siya, ha?" Tumango na lang ito kaya naman ginulo ko muna ang buhok niya at nagsimula ng maglakad papunta sa kusina. Nadatnan ko naman siyang nag luluto
"Nisha..." tawag ko rito.
"Naka-uwi ka na po pala, wala pa po si papa eh baka madaling araw po ulit makaka-uwi." sagot nito.
"Halika, I have something for you." sabi ko sabay kuha ng hopia sa loob ng bag ko.
"Favorite ko!" Tuwang-tuwa naman niyang kinuha 'yong isang box ng hopia. "Thank you po, ate!" aniya at niyakap ako.
"You're welcome." Yakap ko pabalik.
Napangiti naman ako nang makita ko kung paano sumaya ang mga kapatid ko. Makita ko lang silang masaya dahil sa munting pasalubong ko ay napapawi na lahat ng pagod ko galing school at trabaho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top