VI.

VI.

[3 YEARS AGO]

After I lost everything and we moved to Switzerland, I find it hard to detach myself from everything and everyone I have left behind sa Pilipinas.

I deactivated all my social media accounts, but I still made a dummy one to follow all EndMira members. Glad they're all public figures kaya kahit papaano, updated pa rin ako sa mga ganap nila.

It's harder to follow Timi and Ayen dahil parehong naka private ang mga accounts nila but I still get some updates from them through the other members.

Sa unang taon ko sa Switzerland, naging escape ko ang panonood ng contents ng EndMira. Mga shows nila, mga guestings. Nakaabang din ako sa bawat music na ilalabas nila. I see how Geo smiles in front of the camera during interviews. I saw him laugh with the fans, jokes around with the members.

Makes me wonder if those are real smile? I know nasaktan siya ng umalis ako nang walang pasabi. Alam kong nagalit siya sa akin. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan siya galit, kung hanggang kailan niya pinepeke ang mga ngiti niya.

Hindi ko alam kung naka move-on na ba siya at nakalimutan na niya ako?

Ang hirap kung sa screen mo nakikita, hindi mo ma-determine kung ano ang totoo.

I want Geo to move on from me of course. I want him to be happy and not be in pain anymore. But I'm lying to myself kung sasabihin ko na hindi ako masasaktan doon. Afterall, ako itong hindi makalimot at maka move on.

So I decided to stop too. Alam kong hindi ako makakausad sa buhay kung magiging attached ako sa mga iniwan ko. I deactivated everything. I stayed away from social media. Kahit na kating kati ako i-check kung kumusta na sila, pinigilan ko ang sarili ko.

For two years, wala na akong balita sa EndMira at kay Timi. Pero may isang araw na narinig kong nag uusap ang dalawang Filipina kong ka trabaho dito sa restaurant kung saan ako nag w-w-work.

"Ang sad naman, naka indefinite hiatus ang EndMira," sabi nung isa.

"Nabasa ko 'yan. Gulat ako diyan kasi 'di ba ang successful nung last album nila? Kita ko nga dami nag punta sa concert nila. MOA Arena pa sila nag perform. Sold out concert daw."

"Mag f-focus daw muna sa solo activities. Ano kayang nangyari?"

"Baka may inggitan na naganap."

"Baka. O nag away away na yang mga yan."

I was curious and worried after hearing that. I don't believe na nag away away ang EndMira dahil sa inggitan o kung ano pa man. If there is one thing I'm sure of, their brotherhood is strong at hindi madaling mabali yun.

But then, I wasn't there with them nitong mga nakaraang taon. Ako nga, nang iwan na lang eh. Hindi ko alam ang mga nangyari.

But as much as I'm curious, hindi ako nag research. Hindi ako nag online.

Pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Geo.

~*~

[PRESENT TIME]

"Welcome to Marahuyo!!" masiglang bati sa akin ni Hershey right after the HR left me in his office.

Mabilis na lumapit sa akin si Hershey at niyakap niya ako habang nagtatatalon. I can't help but to jump out of joy with him.

It's officially my first day sa Marahuyo.

"Grabe girl, akala ko pahihirapan pa ako ng business partner ko sa pag kukumbinsi sa kanya to hire you. Pero pak! In the end, he's the one who said na ikaw na ang i-hire."

I can't help but to smile dahil sa sinabi ni Hershey.

So si Geo nga ang nag sabi na i-hire ako.

"Thank you talaga. This means a lot," sabi ko kay Hershey.

"Ayan ka na naman, eh. When will you stop saying thank you? The main reason why we hire you is because you are talented and you are fit for the job. Geo can't deny that. Professional naman ang koya mo kaya kahit masama ang loob niya sa'yo, g siya sa pag hire," napa sandal si Hershey sa desk niya and he slouches. He crossed his arms and smiled at me playfully. "So tell me girl, is he mad at you because you're his ex?"

Parang biglang umakyat ang dugo sa mukha ko at pulang pula ako dahil sa tanong ni Hershey. I feel flustered. Napayuko ako, unable to meet his gaze.

"I'm—I'm not his ex."

"Hmm.." dinig kong sabi niya at napaangat ulit ang tingin ko. He's looking at me na parang intrigued na talaga siya sa kung ano ang past namin ni Geo.

I feel like kailangan kong sabihin sa kanya para aware lang siya. Alam ko namang hindi ako p-personalin ni Geo lalo na't he already hired me. But just in case may ma sense si Hershey na tension and awkwardness between us...

Napahinga ako nang malalim.

"May.. uhm.. may something dati na ano... uhmm..."

"Anong something? Make out make out lang or sex levels na?"

Mas lalong uminit ang mukha ko at muntik ko nang mahampas si Hershey. I almost forgot na boss ko siya.

"HINDI!!" pag dedepensa ko.

Napatawa si Hershey.

"Charot lang girl! You're so serious! Pero base sa pamumula ng mukha mo at sa reaksyon mo, I feel like about pag-ibig ang something na yan."

"Uhh.. he courted me before nung highschool.." I said. "But that time, I like someone else."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Hershey since ilang taon na nga naman ang nakalipas since Highschool.

"Tapos, he courted me again even after college. And uhmm.. I told him I like someone else."

"Ayun," sabi ni Hershey na parang nalinawan siya sa mga ganap. "Hindi pa maka move on sa'yo. But he's so petty ha? Like you can't choose naman who you love. Nasaktan siguro ego nun na dalawang beses mo siyang binasted. Pero weird kasi hindi naman ganun ka petty ang pagkaka kilala ko kay Geo."

Napaiwas ako nang tingin.

"Uhmm., after I told him I like someone else, I.. uh.. started liking Geo for real. So nagkaroon ulit kami ng something. This time I'm reciprocating his feelings. Wala pa nga lang label nung time na yun pero I feel like may silent understanding na kami na we both like each other. But.. I suddenly need to fly to Switzerland and I wasn't able to tell him that. Kaya nawala ako bigla. And that's why he is so mad at me."

Napatulala si Hershey dahil sa kinuwento ko. Bigla siyang napatakip ng bibig. Then maya maya, he point an accusing finger at me.

"OMG Rika, ghoster ka!" he said in disbelief.

Namula ang mukha mo.

"OMG. You ghosted Geo. Kaya galit nga talaga siya sa'yo. OMG!"

Napayuko na lang ako dahil gusto man kontrahin siya, I know what he's saying is true.

"Pero, you have your reasons?"

I nod slowly. Hindi ako nag salita.

That's the part I'm not ready to share yet.

"But whatever my reason is, what I did to him was wrong," sabi ko kay Hershey.

Hershey heaves a sigh at lumapit siya sa akin. He pats my back.

"Welp, as long as you know your mistake. And I can feel like you have a good reason for it. Kung ano man yun, labas na ako doon. Pero bigyan mo lang din ako ng heads up if you two start having sex para alam ko---"

"HERSHEY, STOP!" depensa ko at naramdaman ko na naman ang pamumula ng mukha ko. Napatawa nang malakas si Hershey. Wala na lang akong ibang nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga.

Minsan ang crazy ng mga lumalabas sa bibig ni Hershey. Dapat na akong masanay.

Well, I'm sure madali naman ako makakapag adjust. Pareho sila ni Timi na walang filter ang bibig. Sanay na ako sa ganun.

Feeling ko nga kung makakapag usap sila ni Timi, magkakasundo sila.

I miss my best friend.

My orientation went well. Pinakilala lang nila ako sa mga staff nila. Halos nasa thirty plus palang ang staff ng Marahuyo since it's still a start-up company. I am only required to report sa office twice this week. Pero sa mga susunod na weeks, they are asking me to work from home. Pupunta na lang ako sa office pag may mga importanteng meetings.

Okay sana ang ganitong set up dahil mas hawak ko ang oras ko. But the thing is, my living condition is not that good. Ang ingay palagi sa tenement. Bukod doon, ang init din. It's hard for me to work.

"Uhmm... if ever, may room or pwesto po ba akong pwedeng magamit sa office just in case gusto ko rito mag work?" tanong ko kay Jessie, yung HR nila. She's in a mid-20s female with short hair and a kind smile. Unang tingin ko pa lang sa kaniya, magaan na agad ang loob ko.

"Oh, ayun lang. Since maliit pa lang 'tong office namin, wala pa kaming mabibigay na place sa'yo. Pwede sana sa workshop house, yun lang, outside Manila kasi yun," pagpapatuloy ni Jessie.

"Why? You need a new place to work?"

Pareho kaming napalingon ni Jessie sa pumasok sa employees office. It's Hershey. May dala dala siyang isang Starbucks tray ng coffee with three cups in it. He gave one to me and the other one to Jessie.

"Thanks madam!" sabi ni Jessie dito. "Nice naman! May pa libreng coffee!"

"Anong thank you? Salary deduction yan," pagbibiro ni Hershey at pare-pareho kaming natawa. "Pero, hindi nga Rika, you need a place to work?"

"Sana po, if meron," sabi ko naman. "Medyo magulo po kasi ngayon sa place ko and I'm planning to move out after a few months. Kaso hindi ko pa kaya ngayon since wala pa akong ipon for the down payment."

"I see. If few months lang naman need mo then you can stay sa workshop house namin. Basically bahay lang naman yun with rooms and studio. Tahimik yung lugar and we're using it talaga pag need ng inspiration ng mga creatives namin. So far, ikaw lang ang mag isa sa creatives kaya libreng libre mo magagamit ang workshop house. Pero yun nga lang, sa Baguio siya located. Are you willing to relocate sa Baguio for a few months? Afterall, once or twice a month ka lang naman need mag report sa office. So what can you say?"

Napangiti ako at nakaramdam ng excitement.

"Game ako!" masayang sabi ko.

I mean, ba't ko hihindian 'to? Free lodging for a few months tapos sa Baguio pa? Marami akong mahuhugot na inspiration sa lugar na yun. Aarte pa ba ako?

Pag uwi ko, agad kong kinausap yung owner ng apartment na unuupahan ko to inform them that I'll be vacating next week. Ibinalik na rin nila sa akin ang refund ng downpayment ko. At least I have something to use para mabuhay ng ilang linggo bago ang first cut off ng sahod ko.

I started packing after that. Onti lang naman din ang gamit ko kaya hindi ako nahirapan sa pag i-impake. Jessie helped me book a bus going to Baguio. Since Friday ang alis ko at need ko pang mag report sa office ng umaga, we get the 7PM bus ride going to Baguio.

Sa dalawang beses akong pumasok ngayon sa office for orientation and onboarding, wala si Geo doon. According to Hershey, nag leave daw bigla. Supposedly may welcome dinner din sila for me pero dahil wala si Geo, they decided na i-move na lang muna.

"Iwas na iwas ata sa'yo," pang aasar ni Hershey. "Baka kasi may feelings pa."

Tinignan ko na lang si Hershey ng masama habang patawa tawa naman siya. I kinda regret telling him about me and Geo's past kasi ang lakas niyang mang asar. But at the same time, I'm glad he's cool with it.

Friday night, medyo matagal tagal ang byahe pa Baguio because of traffic. Ang dami rin tao sa bus station dahil nag uuwian sa probinsya. Good decision talaga to book a bus ride ahead of time.

Dahil sa traffic, mahigit limang oras ang inabot ko bago ako makarating ng Baguio. Lagpas 1AM na nang makarating ako doon. I instantly felt the freezing cold wind of Baguio the moment I get off the bus. Napayakap ako sa cardigan ko. Masyadong manipis. I think I should buy myself some thick jacket sa night market bukas.

Sakto naman na may nag aabang na taxi sa bus terminal at agad kong pinara ito.

Glad the taxi driver knows yung address ng workshop house. He said sa may upper part ng Baguio raw located 'to and fifteen to twenty minutes drive from Session Road. Past 1:30AM nang makarating kami.

The taxi driver dropped me off sa isang two-storey house na may pagka modern ang dating. From the gate, tanaw ko agad na may garden area. Although hindi ko masyadong madescribe yung garden dahil nga ang dilim.

I rang the doorbell. Sabi ni Hershey, nandito raw yung caretaker. Pero a few minutes have passed at nakailang doorbell na ako, wala pa ring sumasagot.

Mukhang tulog na tulog yung caretaker ah? Bakit kasi hindi ko naisipan na kuhanin yung cellphone number!

Gising pa kaya si Hershey at Jessie ngayon?

Nangingig na ako sa lamig. Ang dilim pa dito. Isang poste ng ilaw lang ang nagsisilbing liwanag at medyo dim pa ito.

Sabi nila marami raw multo sa Baguio. What if may kumalabit sa akin dito?

Napahinga ako nang malalim.

Mas okay ang multo kesa tunay na tao na kaya akong saktan. Oo. Kung may lalabas man, sana multo na lang kesa tao.

Maya maya, I saw a car approaching. Halos masilaw ako sa taas ng liwanag ng headlights niya.

Biglang huminto yung kotse sa tapat ko. Mas kinabahan ako. Napa doorbell ako.

Please. Sana pagbuksan na ako ng gate ng caretaker. Nakakatakot dito! Please lang.

Maya maya, nag open yung pinto ng kotse from the driver's side. May bumaba na isang matangkad na lalaki. He's wearing a thick jacket, a cap, and a face mask. Pormahan pa lang niya, parang gagawa siya ng masama.

Napa atras ako bigla nang mapatingin siya sa akin. Mas napaatras ako nang maglakad siya papalapit sa akin. Sa taranta ko, I didn't notice the luggages at my back kaya naman tumama ang paa ko dito at napaupo ako sa sahig.

I yelped in pain. The guy keeps moving towards me. I screamed.

"Kuya wag po!"

He then spoke, "shit ang lakas ng tama nung nainom kong alak."

I froze.

Wait.

That voice sounds familiar.

"I'm hallucinating.." he whispered habang kinukusot kusot niya ang mata niya. "Am I too drunk or did someone put a drugs on my drink?"

Napatayo ako bigla sa kinatatayuan ko. Kinda embarrassed for how I acted. But I guess wala sa sarili ang nasa harapan ko ngayon para ma absorb niya ang pag sigaw ko kanina.

"G-geo?" tawag ko. "I mean, Sir Geo---"

"Stop—" he said pero bago pa niya matuloy ang sasabihin niya, he vomited in front of me. Buti na lang at medyo malayo ako at mga gamit ko sa kanya.

Matapos niyang mag suka ay nilagpasan niya ako at dire-diretso siya sa gate to unlock it.

"Ah.. Sir Geo, nandito po kayo---"

"I'm dizzy," he whispered.

At bago pa ako makapag react, he passed out in front of me. 

To be continued...

A/N:

Disclaimer: I don't tolerate drunk driving. I only wrote it in this scene because kailangan to make the story move forward. Pero sa mga readers ko na nag d-drive, always drive safely okay? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top