IV.

IV.

[Senior High School]

When I was in high school, hindi ko naranasan na gumala kasama ang mga kaibigan ko. Ni hindi ako nakakasama sa mga out of town lakad.

Dahil, una, wala akong kaibigan.

Pangalawa, my dad's girlfriend won't allow me.

That girl hates me so much dahil alam ko ang motive niya with dad. Clearly, she just wants his money. At hindi ko rin alam kung anong pang b-brainwash ang ginawa ng babae na 'yan dahil mas naniniwala si daddy sa kanya more than sa akin.

Well, dahil doon, ang laki nang naging balik sa amin. She's one of the main reasons why we lost everything and why we ended up hiding in Switzerland.

But well, that's a different story.

I remember how this woman made my highschool life a living hell. Madalas akong ma bully sa school, pero mas malala pa rin ang pambubully na nararanasan ko sa bahay.

I felt so alone na wala akong matakbuhan at masumbungan. Pakiramdam ko walang maniniwala sa akin.

No one is on my side.

Until I became friends with Timi and EndMira members, things starts to get better. They made me feel less alone. Ang saya ko, finally, nakahanap na ako ng mga kaibigan.

Kaya naman nung isang beses na may gig ang EndMira sa Tagaytay, buong lakas ng loob akong tumakas non. I did not bother asking for permission kasi alam ko naman na hindi ako papayagan.

I'm in my senior year in high school at never ko pang naranasan na mag out of town kasama ang mga kaibigan. This is probably the last time I'll get to experience this. So I did what I have to do.

Napagalitan ba ako? Oo. To the point na nag layas ako at need ako ampunin ni Timi ng ilang linggo dahil sinasaktan ako sa bahay. At ayun din ang panahon na nalaman niya ang tunay kong sitwasyon sa amin.

Pero worth it ba? Oo. Sobra.

I remember during our trip in Tagaytay, may isang night doon kung saan nag kanya kanya kami ng lakad.

Timi went with Ice.

The other members—Jasper, William and Ayen, decided to roam around the city. Plano nila mag bar, if I remember correctly. Not sure kung napapasok ba yung dalawang yun sa loob ng bar.

While me, dumiretso na lang ako sa accommodation since medyo pagod na ako. Sinamahan ako ni Geo noon pauwi. Sabi ko kaya ko naman mag isa at sumama na siya kina Jasper na mag ikot. But Geo's kind enough para hindi ako iwan.

He said he wanted to chill too. Kaya naman sa may garden ng Airbnb na bahay na tinutuluyan namin, doon kami tumambay. Nag ready hot chocolate si Geo at nilabas niya yung cheesecake na binili namin.

Medyo malamig nung gabing yun. Maaliwalas din ang langit. I can clearly see the stars from above. Isang bagay na madalang ko lang matanaw dati.

Nasa tabi ko si Geo nung mga panahon na yun, at masaya kaming nag kukwentuhan tungkol sa mga plano namin sa college.

"Sabi ni Timi palagi kang busy mag review para sa entrance exam. Ano bang course ang plano mong kunin?" tanong sa akin ni Geo.

"Architecture sana. Medyo mahirap kasi makapasa sa quota nila ng Architecture doon sa university na papasukan ko. Isa pa, habol ko talaga 'yung scholarship," sagot ko naman as I sipped the hot chocolate.

"Scholarship? Bakit naman? Sa status ng family mo, kayang kaya kang pag-aralin ng father mo sa kahit saang university," takang tanong ni Geo sa akin.

"Iba pa rin kapag scholar ako," sabi ko sa kanya habang naka-ngiti.

Totoo naman ang sinabi ni Geo. Kaya akong pag-aralin ni daddy sa kahit saang university. Pero ayoko na talaga. Gusto ko nang lumayas sa amin.

And of course, hindi ko magawang i-share 'to kay Geo o kahit kay Timi dahil nahihiya ako sa sitwasyon namin. At the same time, ayokong mag alala sila.

"Teka, ikaw naman. Saan mo balak pumasok at anong course ang kukunin mo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Gusto ko sana magkakasama pa rin kaming EndMira sa isang university para buo pa rin ang banda. Pero hindi ko alam kung possible," sagot ni Geo habang nakatingin siya sa cheesecake na kinakain niya. "Magkakaiba ang universities na gusto nilang pasukan at course na gustong kuhanin."

I sipped my hot chocolate at tsaka tinignan na maigi si Geo, "ikaw? Ano ang gusto mo?

Napaisip siya sa tanong ko and it took him a few seconds bago ako sagutin.

"I don't really know. Hindi ko alam kung anong magandang course ang kukunin na hindi ako tatamarin sa pag-aaral. Ang tanging gusto ko lang naman ay tumugtog ng gitara, gumawa ng mga kanta at magagandang musika, at," inangat niya ang tingin niya sa akin at tinitigan niya ako sa mata. "At...wala."

Medyo nailang ako sa pag titig ni Geo kaya ako na ang kusang umiwas. Ipinako ko na lang ang tingin ko sa cheesecake na kinakain ko.

"Mahal na mahal mo talaga ang music 'no?" sabi ko sa kanya.

"Sobra," he said.

I can hear the passion and sincerity in his voice kaya naman muling napaangat ang tingin ko sa kanya. He's smiling at me.

There's something about Geo's smile that is warm kaya naman napangiti din ako.

"Gusto mo tugtugan kita?"

Napangiti ako nang malawak. "Talaga?" excited kong tanong.

"Oo naman. Wait lang," tumayo si Geo at pumasok sa loob ng rest house. Pag labas niya, may dala-dala na siyang gitara.

"I know a perfect song for you," naka-ngiti niyang sabi habang inaayos ang gitara sa lap niya. Medyo umusog naman ako sa tabi niya at hinintay siyang tumugtog.

I am excited. It's been a while since I've heard Geo sings. I always love his voice.

At ito ang unang beses na kakanta siya para sa akin.

Maya maya lang, nakarinig na ako ng magandang musika na nagmumula sa gitara niya. Tinignan ako ni Geo at nginitian.

"You look so wonderful in that dress.

I love your hair like that.

The way it falls on the side of your neck

Down your shoulders and back"

Mas lalong naningkit ang mata ni Geo dahil ngiting-ngiti siya sa akin na para bang tinutukoy niya talaga ang suot kong bestida at ang buhok ko.

"We are surrounded by all of these lies

And people who talk too much..

You've got that kind of look in your eyes

As if no one knows anything but us"

Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang pinapanood kong tumugtog at kumanta si Geo. Mula freshmen hanggang junior year namin, si Geo ang vocalist ng EndMira at ilang beses ko rin siyang napanuod at napakinggan na kumanta. Maganda ang boses niya. Malamig sa tenga at bagay sa kanya ang mga mellow at acoustic na kanta. Kada kakanta siya, para siyang palaging nanghaharana.

May times nga dati na sobrang naadik ako sa boses niya kaya naman ihinanap ko ang youtube account niya at dinownload lahat ng mga covers niya. Inilagay ko iyon sa phone ko at ilang buwan kong pinaulit-ulit pakinggan. Kaya nga naging crush ko rin siya dati.

Nakakamiss pala pakinggan ang boses niya.

"And should this be the last thing I see

I want you to know it's enough for me

'Cause all that you are is all that I'll ever need.."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Geo at tinitigan niya ulit ako sa mata. Yung tingin na parang may gusto siyang sabihin.

I don't know why but my heart skipped a beat.

"I'm so in love, so in love

So in love, so in love.."

Halos pabulong ang pagkakanta niya ng linyang iyon. Hindi tuloy ako bigla mapakali kaya naman umiwas ulit ako ng tingin. Biglang umihip ang malakas na hangin kaya naman naramdaman ko ang ilang strands ng buhok ko na napunta sa mukha ko.

Huminto si Geo sa pagtugtog at nagulat ako nang mapunta siya bigla sa harap ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hinawi niya ang ilang strands ng buhok ko na napunta sa mukha ko atsaka niya iyon inipit sa gilid ng tenga ko. Napatingin ako sa mata niya. Hindi siya nakatingin sa mga mata ko instead tinitignan niya ang labi ko.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Para akong biglang pinanlambutan. Pero ganun pa man, I still manage to gently push him away.

"U-uhmm, ang lamig na dito. T-tara na sa loob?" aya ko and without looking at him, kinuha ko ang tasa ko ng hot chocolate pati ang cheesecake atsaka ako tuloy-tuloy na naglakad papasok ng rest house.

That night, I've start to realize what Geo feels for me, pero sobrang in denial ko lang na buong gabi, pinapapaniwala ko ang sarili ko na walang gusto sa akin si Geo.

I searched the title of the song he sang for me.

Tenerife Sea by Ed Sheeran.

I was a beautiful song.

At kahit ilang taon na ang nakalipas, I still listen to that song. Hoping that someday, Geo will sing it to me again.

Pag nangyari yun, I swear to God, I will not push him away again.

~*~

[PRESENT TIME]

"Wow, you have such wonderful credentials, Ms. Forteza," sabi sa akin ng HR head while she's browsing my resume.

It's my turn for the interview. Tatlo silang interviewer na nasa harapan ko.

Si Ms. Jessie, the HR head, si Hershey...

At si Geo.

Hawak ni Ms. Jessie ang resume ko habang Hershey is busy browsing my portfolio. Meanwhile, diretso lang nakatingin sa akin si Geo habang nakapatong ang baba niya sa dalawang pinagdikit niyang kamay. Para niyang sinusuri ang buong pagkatao ko.

Do I feel intimidated? Definitely yes. Pero syempre kunyari hindi ako affected.

"Thank you Ms. Jessie," I said with a smile.

"Bongga nung nag aral ng arts sa Paris!" sabi ni Hershey at napangiti ako.

"But you majored in Architecture," singit naman ni Geo. "And base on your experiences, you've worked with a large architectural firm. Probably you own this firm?"

Hindi ako umimik. Nag umpisa akong mas lalong kabahan. Bakit niya tinatanong ang bagay na 'to?

Of course wala siyang idea ngayon na hindi na sa amin yung firm na 'to.

At tulad ng dati, hindi ko kayang mag open sa kanila ng mga ganitong bagay.

Pero sana naman wag akong matanong tungkol dito.

"So you don't have any experience working as an artist?" tanong ni Geo.

"We don't need an experienced artist, Geo," singit naman ni Hershey. "Her portfolio alone shows how good she is!"

Geo shrugs, "I'm just asking since there's a three years gap after she resigned as an architect."

Napaayos ako nang upo dahil sa sinabi ni Geo. Napatingin naman yung HR sa resume ko.

"Oo nga 'no? Just curious, where were you for the past three years? Hindi naka indicate yung job mo dito sa resume."

Because my occupation that time will not help me with this application.

Hindi ko alam ba't nila tinatanong 'to. Does it matter? Ang mahalaga naman makita 'di ba ay kung kaya ko ang trabaho na papasukin ko o hindi?

"I was in Switzerland," sabi ko. "Honing my skills."

That's true though. As much as Switzerland is a hell country for me, I can't deny the sceneries are beautiful and it inspired me to paint a lot. Creating art has been my escape from that hellish three years.

Napatingin ako kay Geo. He's staring at me with a cold expression. Of course, that's the only explanation I can give him kung bakit bigla na lang akong nawala nang tatlong taon. Walang pasabi, walang paramdam. Iniwan ko silang lahat.

"And you honed your skill pretty well!" sabi ni Hershey. "I actually like her artworks more than all the applicants we have met so far. Well hindi naman sa pagiging bias because I recommend her, pero 'di ba Geo, you also find her artwork really good?" nakangising tanong ni Hershey.

Napangiti rin ako sa sinabi ni Hershey. Geo has no idea I was the one who submitted that artwork. Hindi na niya pwedeng bawiin ang papuri niya.

He cleared his throat at napansin ko ang slight pamumula ng tenga niya. Napayuko na lang siya and using index finger, he rubs his eyebrows. A clear sign he's embarrassed.

Yep. I know him that well.

"Okay then let's see if she's really that good sa on-the-spot test natin mamaya," sabi ni Geo. "You may go," he said without looking at me.

On-the-spot test? Ibig sabihin I've passed the interview?

I smile widely.

"Thank you po!" masaya kong sabi at dali dali akong lumabas ng room.

Medyo nakahinga ako kahit papaano. At least I've passed the first round? After ng interview, yung on-the-spot test na lang ang kailangan kong lagpasan. Hindi ko alam kung ano ang ipapa paint nila sa amin. Hershey didn't tell me any for fairness. Okay lang din naman dahil gusto kong makuha ang trabaho na 'to sa fair na paraan. I want to prove Geo na I am the right person for the job.

Ayun na lang ang naiisip kong paraan para makabawi sa kanya.

I've waited another thirty minutes bago ulit ako ipinatawag pabalik sa loob. Pagdating ko doon, there's another two applicants na pinatawag. Dalawang babae rin. Both look competitive.

Out of almost fifty people na ininterview nila, kaming tatlo na lang ang natira dito.

I heave a sigh as I try to handle my nerves.

Naglakad ako papasok at doon ko lang napansin na may nakatayong tatlong blank canvasses at mga paints sa gitna. Pinaupo kami ni Ms. Jessie sa tapat nung mga blank na canvasses. She let me take the middle seat at katapat ko mismo ang kinauupuan ni Geo.

Napatingin ako kay Geo. He's busy with his phone. He's giving this serious, business look he used to give everytime nakikipag usap siya sa handler o mga producers na makakatrabaho ng EndMira.

I always love watching Geo works dahil kitang kita ko ang professionalism niya at ang passion niya sa ginagawa niya. I love how he handles EndMira. He is the voice of reason ng mga ka members niya. Madalas siya ang takbuhan ng mga 'to pag may problema. It goes to show kung gaano siya ka reliable as a lead. Naalala ko rin noon kung paano niya ipaglaban ang talent fee nila. I was there, nung nag sisimula pa lang sila at binabarat sila ng mga producer, si Geo ang madalas humaharap sa mga 'to para makipag bargain.

I love how he tries to protect his members. Ganon siya sa mga tao at bagay na importante sa kanya.

I can list down a lot of things I love about him. But remembering those things made me feel a tight knot on my stomach.

Napaangat ang tingin ni Geo at nag tama ang mga tingin namin. Agad naman akong napaiwas nang tingin because he caught me staring at him. Ayokong kung ano ang isipin niya.

"Okay, let's start the on-the-spot test," sabi ni Geo. "What I'll ask you to paint is just simple---paint me your favorite song. I'll give you one hour. Di kailangang sobrang detalye. Just enough to describe your favorite song."

Napasinghap ako. I know exactly what to draw.

When the timer starts, agad kaming nag simula.

Using the black paint as the outline, I started painting a portrait of a girl.

I didn't give too much detail sa itsura niya. Just a simple brush strokes for the hair, nose, lips, face, down to her neck.

Pero nung ginagawa ko na ang mata, doon ko nilagyan ng detalye. I made her eyes slightly bigger. At doon sa loob ng mga mata, nag drawing pa ako ng iba't ibang bagay. Gitara, kotse, guitar pick, music notes, paint and canvasses, hot chocolate and cheesecake. Small trinkets that mean a lot. I painted the iris blue—like the color of the sea. Aside from the eye area, I left everything in black para lutang na lutang ang kulay ng mata at ang mga bagay na nakaguhit sa loob nito.

The timer ends. Napahinga ako. Hindi ko napansin na I was holding my breath the entire time. Kumakalabog ang dibdib ko sa kaba, but I know, my hands did not fail me. Kabado man ako, pero hindi nanginig ang mga kamay ko.

Napatingin ako dito. My hands are already splattered with different colors of the paint.

I did well.

I hope I did well.

"Okay!" masiglang sabi ni Hershey. "OMG we're so excited to see your artworks!"

"Let's start with Miss. Felicity. Care to share your artwork?"

Pumunta yung babaeng nasa kanan ko to explain her artwork. She chose one of the songs of EndMira called Galaxy. And she made an abstract artwork for that. Ang galing how at first, her artwork doesn't make sense. But after she explained it, makikita mo yung mga different planets from the Galaxy.

Smart idea. Although I'm not sure if she captured the meaning of the song sa artwork niya.

The other candidate also did an EndMira song. She drew a part of the music video—yung parte ni Geo kung saan he's playing a guitar in the middle of a field. Ang pulido rin ng pagkakagawa niya given the very short time na kailangan naming mag paint.

"Ms. Rika?" tawag sa akin ni Ms. Jessie habang sinesenyasan niya akong pumunta sa hara to show my artwork.

Tumayo ako. Nararamdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko dahil sa kaba. Hindi rin biro yung dalawang applicants. Ang gaganda rin ng gawa nila. Hindi ko na sigurado bigla kung ayos lang itong nagawa ko o kung may laban ba talaga 'to?

I suddenly feel insecure at pakiramdam ko nawawalan na naman ako self confidence.

"Uhmm.. hi. So this is what I paint..." sabi ko at ipinakita ko sa kanila ang painting ko.

Napaangat ang tingin ni Geo sa gawa ko, and the moment he laid his eyes on my artwork, nakita ko ang pagbabago ng expression sa mukha niya.

His eyes. It's swelling with emotions. Different kinds of emotions na hindi ko na mabasa. For a moment I thought he's teary-eyed.

"The song I chose is---"

"Tenerife Sea," pagtatapos niya sa sinasabi ko at nagulat ako na he can recognize it base on this artwork.

Tumayo si Geo. Lahat kami napatingin sa kanya.

Naglakad siya palapit sa akin---or so I thought dahil bigla niya akong nilagpasan at dire-diretso siya sa may pinto. He opened it.

"That's enough," he said coldly. "You three can go home now. We need to further discuss, then we'll let you know by tomorrow about our decision."

Walang makapag salita. Narinig kong nagpaalam na yung dalawang kasama ko, habang ako, naiwan nakatayo doon at hindi alam ang gagawin.

He didn't even let me discuss my artwork.

Napatingin ako kay Geo. He's starting at me na para bang pinapaalis na rin niya ako.

Huminga ako nang malalim and I forced a smile.

"Thank you for your time," I said.

And with a heavy steps, I grab my things at lumabas na ako ng opisina. 

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top