Intro

Intro

I am nervous. I badly want to make this work.

Ayan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.

Three years.

It's been three years since I left everything. Sa loob nang tatlong taon na yun, kinalimutan ko lahat. Pangarap ko, sarili ko, mga bagay na gusto ko. Ang laki ng responsibilidad na ipinasan sa akin at wala akong ibang ginawa kung hindi ang gampanan ang responsibilidad na yun. Kahit na sa loob ng tatlong taon na yun, katakot takot na pride at awa sa sarili ang nilunok ko. Ang itinanim ko sa utak ko ng mga panahon na yun ay kailangan kong kumilos para mabuhay kami.

Ilang beses ko nga bang iniwasan tignan ang sarili ko sa salamin habang nililinis ko ang mamahaling kubeta ng isang pamilyang may kaya sa Switzerland? Ilang luha ang pinigil ko kada sinisigawan ako ng customer sa isang diner doon dahil lang isa akong Pinay? Halos mamaga na rin ang dila ko nang mga panahon na yun sa pag pipigil sumagot sa employer ko na walang ginawa kung hindi ang murahin ako.

Glad no one knows what I've been through. I don't want to see any ounce of pity from them. Ayokong pag bulungan ako ng mga tao na ang Rika Forteza na nakilala nila, matalino, successful, anak ng isang business tycoon, ay naglilinis na lang ng kubeta sa ibang bansa.

That's why I cut off everyone. My relatives, my friends, him.

And now I am back. Twenty-nine years old and trying to pursue my dream again. Convincing myself na it's still not too late for me.

But first, kailangan ko munang humugot nang matinding lakas nang loob para pumasok sa auditorium ng dati kong school noong high school. Alam kong nandito silang lahat sa loob. Yung mga taong inalis ko sa buhay ko nang wala man lang akong pasabi o eksplanasyon.

Napaharap ako kay Hershey---ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. He's my High School batchmate. Magkakilala kami sa pangalan pero never kaming nagusap dati. The first time I got to talk to him is when he asked if he could buy my artworks for their business. Siya rin nag offer sa akin ng trabaho na maging artist nila kaya naman napalipad ako pabalik sa Pilipinas.

I though we're going to meet his business partner. Pero nagulat ako nang dinala niya ako sa school namin dati kung saan nagaganap ang high school reunion ng batch namin.

Kaya naman pala pormang porma si Hershey. Naka white vest and white pants siya with matching high-heeled boots. His long hair is tied in a bun. Matangkad na lalaki si Hershey pero nakuha pa niyang mag high heels kaya naman grabe akong nanliliit sa tabi niya.

"I'm excited!" sabi ni Hershey. "Ano kayang itsura ng mga highschool batchmates natin? Excited na akong makita yung mga lalaking homophobes na ang lalakas mambully sa akin noon! Tignan natin kung mga CEO rin sila ng kompanya!"

I tried to straighten yung mumurahing office vest na suot ko. Dahil nga hindi ko naman inexpect na sa party ang bagsak namin, mukha akong pupunta sa job interview. I really look stupid.

"Hershey, intayin na lang kaya kita sa coffee shop. Hindi ko talaga alam na dito tayo pupunta---"

"No no no dear. Samahan mo na ako! Wala akong friend eh! Ikaw ba may friend ka sa batch natin?"

Naalala ko si Timi. Ang EndMira. Siya.

Napaiwas ako nang tingin.

"W-wala..."

"O edi tayo ang date!" masiglang sabi ni Hershey at hinatak na niya ako papasok sa auditorium.

~*~

Marami rami nang tao sa auditorium. I recognize most of the faces. May ilan ilan na ring lumalapit sa akin para mag hi.

"Aba pinaunlakan tayo ng valedictorian natin ah!" sabi ng Greg, dati kong kaklase. "Musta? Ikaw na ba nagpapatakbo ng company ng dad mo? Baka may hiring kayo diyan!"

I just gave him a small smile. Pero hindi ako sumagot. Unang tanong pa lang I can already feel myself getting triggered.

"O mamaya na ang small talk! Kukuha muna kami ni Rika ng drinks. I'm so fucking thirsty!" sabi naman ni Hershey at hinila niya ako papunta sa kuhanan ng mga cocktails.

I felt relief nang ilayo ako ni Hershey doon. But as we were walking towards the set up bar area, I saw a familiar guy standing there habang kumukuha ng drinks.

Napahinto agad ako at ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko.

"Hershey," sabi ko sa kasama ko. "Rest room lang ako."

"Ha? O sige. Bilisan mo kasi nandito na rin yung ipapakilala ko sa'yo."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Ipapakilala? Sa mga batchmates namin? Sino at bakit?

I want to ask him pero alam kong mas importante na makalayo muna ako, so I excused myself.

"Rika?" dinig kong tawag sa akin bago pa man ako makahakbang palayo.

Napapikit ako at napahinga nang malalim.

I guess I'm too late.

"Rika! Si Rika ka nga!"

Dahil isinigaw na niya ang pangalan ko, wala na akong choice kung hindi ang lingunin siya. I saw the guy na kaninang nakita ko sa may bar area. He's grinning at me widely pero kita rin ang surprised look sa mata niya na makita ako dito.

Si Jasper Yu, ang drummer ng bandang Endless Miracle.

Lumapit sa akin si Jasper, "ang tagal na nating 'di nagkita ah! Anong nangyari sa'yo? Ba't biglang hindi ka na nagparamdam sa amin?" tuloy tuloy niyang tanong.

Napasinghap ako. I catch a glimpse of Hershey who looks so confused right now. Sana hindi siya mag tanong sa akin. I am not yet ready to share what happened.

"Uy Timi!" tawag ni Jasper. "Si Rika oh!"

Bigla akong nataranta nang tawagin ni Jasper si Timi. Parang gusto kong mag laho right then and there. Gusto kong umalis. Gusto ko nang bumalik sa Switzerland. Hindi pa ako handang makita si Timi. Alam kong eventually I need to talk to her and apologize, pero hindi pa ako okay at hindi pa ako handang pagusapan---

"Buhay ka pala," dinig kong sabi ng babae from my behind.

Napalingon ako and I saw Timi staring at me. There's a cold expression on her face. Katulad ng kung paano niya ako tignan noong high school pa lang kami. Yung mga panahong ayaw niya pa akong maging kaibigan.

But more than just coldness, I can also see pain in her eyes.

Pain. And betrayal.

My heart sinks.

Of course she wouldn't forgive me for what I have done. It was her wedding day. I am her maid of honor---at hindi ako sumipot. Nawala na lang ako na parang bula.

What do I expect?

I was her best friend. Pero ginawa ko sa kanya yun.

Napayuko ako. Hindi ko matignan si Timi sa mata. Kabadong kabado ako sa kung ano ang sasabihin niya, pero hinahanda ko rin ang puso ko na tanggapin lahat nang yon because I deserve it.

"Tagal mo naman kumuha ng drinks Jasper Yu!" dinig kong sabi ni Timi as she walked past me na para bang hindi ako nag e-exist. "Kala ko namatay ka na eh at biglang hindi nagparamdam! Tara na doon sa table. Baka hanapin ako ni Ice."

"Pero---si Rika---" Jasper said pero wala na rin siyang nagawa nang bigla siyang hilahin ni Timi palayo.

Napahinga ako nang malalim habang ramdam na ramdam ko ang tila matalim na kutsilyo na nakabaon sa dibdib ko.

I would probably accept kung sinigawan niya ako. Pero mas masakit pala when she pretended na parang hindi ako nag e-exist. Timi really knows how to hurt.

But I deserve it.

"Kilala mo ang EndMira?" tanong ni Hershey sa akin. That's the first question he ever asked me about myself.

Sabi niya kasi dati when he offered to buy my artworks at para maging artist ako ng company nila, he won't ask any questions about my personal life. I-kwento ko lang daw ang mga gusto kong i-share. Atsaka basta maka deliever ako ng magandang art then all good sa kanya yon.

I appreciate that a lot, para sa isang kagaya kong hindi pa kayang mag kwento nang kahit ano.

Kaya naman hindi ko maitago ang gulat ko nang magtanong siya sa akin.

Napaiwas ako nang tingin kay Hershey.

"Sino ba naman 'di nakakakilala sa kanila? Tsaka batchmates natin sila," I said. Safe answer.

"No, I mean, friends kayo?"

Hindi ako umimik.

"I'm sorry if it's personal, but it's kinda work related too," sabi niya sa akin.

Napakunot ako ng noo.

"What do you mean work related?"

"Hindi ko ba nabanggit sa'yo na isang EndMira member ang business partner ko?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"What?! Hindi!" sabi ko at medyo napataas ako ng boses. I know I shouldn't shout like that given na Hershey is technically my boss.

"Oh! Chill ka lang!" sabi ni Hershey. "What's with the violent reaction? May nasaktan ka ba sa EndMira or something?" he asked.

Napalunok ako.

Oo meron.

Pero paano ko naman a-aminin 'yon?!

"Sino ang business partner mo?" I asked.

"Siya," turo ni Hershey from my behind at agad akong napalingon.

And yep, of all people, it's him. Parang pinilipit ang puso ko nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa amin.

He's wearing a simple black polo shirt paired with an earth colored pants. Nakababa ang buhok at bahagyang natatakpan ang mga mata niya. He's also wearing a reading glass. O baka may grado. I don't know. The last time I saw him, malinaw pa mata niya.

Parang hindi ako makahinga sa bawat hakbang na papalit siya. Kung hindi ako ready makita si Timi, mas hindi ako ready na makita siya.

Sa loob ng tatlong taon, natutunan kong pigilin ang emosyon ko. Natutunan kong wag umiyak sa harap ng mga tao.

But right now, I think I'm failing miserably dahil ramdam na ramdam ko ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko---pero hindi pwede. Because I will be too shameless kung iiyak ako ngayon.

Anong karapatan ko?

"Geo!" tawag ni Hershey dito.

Geo Fernandez, leader of EndMira.

I broke his heart.

"Hershey," dinig kong sabi niya. Then lumingon siya sa akin.

I know I am swelling with emotions, but Geo is just looking at me with a blank expression like he is not affected to see me at all.

For some reason, mas ikinadagdag yun ng pag sikip ng dibdib ko.

"Ito pala ang ipapakilala ko sa'yo," sabi ni Hershey. "My business partner, Geo. Geo this is Mangata—the artist of the art work we've bought. Her real name is Rika Forteza." Nilingon ako ni Hershey, "Geo here loves your artwork so much at sobrang mabenta nung last na ginawa mo for Marahuyo."

"So it's you who made those artworks," sabi ni Geo. He's now smiling. "I love your artworks, Mangata," he said. "Or should I call you, Ms. Forteza?"

Napaiwas ako nang tingin. I don't know how to react. How can Geo acts like nothing happened? Samantalang ako, parang gusto ko nang mag tago. Pero paano? He's the business partner of Hershey.

Yung company nila ang natatanging paraan na nakikita ko to be back on track. Sila ang nagiisang pinto na nag bukas sa akin para magawa ko na finally ang mga bagay na gusto ko.

I don't want to go back to Switzerland.

"So! Are you excited to work with her?" masiglang sabi ni Hershey. "She already agreed to work with us as an artist! I feel like maganda ang magiging collaboration ng artworks niya sa music mo!"

Muling ngumiti si Geo. The kind of smile that makes me so nervous.

I've never been nervous with Geo's smile before because it's always full of warmth.

Pero ngayon...

"Really? That's great!" sabi ni Geo at muli siyang tumingin sa akin. Diretso sa mata na parang sinisilip niya ang kaluluwa ko.

He then dropped the smile at sumeryoso ang mukha niya. This time, nakita ko ang totoong emosyon niya.

Galit. Matinding galit.

"Fire her," he said coldly. "I don't want her in my company."

And then... he leaves.

To be continued....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top