III.

III.

Kite Arceo.

I met him at the point in my life where nothing is going right. Highschool non. I was a teenager. Quite immature but at the same time, ang daming changes na nangyayari sa akin. Hindi lang sa katawan ko kung hindi pati na rin sa buhay ko.

Mom and dad got separated. Dad got a new girlfriend. That girlfriend turns out to be evil at lagi akong sinasaktan. Dad turns a blind eye on that. Meanwhile, sa school, wala akong kaibigan. I get bullied. A lot. Hindi ko makuhang ipagtanggol ang sarili ko.

Felt like I'm a damsel in distress in a teleserye.

Ang daming dark thoughts na sumasagi sa isip ko kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na 'yon.

Nung panahon na yun, pakiramdam ko parang kasalanan ko bakit naging ganun ang buhay ko. At some point in my life, naniwala akong hindi ako likeable kaya wala akong kaibigan. Naniwala akong may mali sa akin kaya sinasaktan ako ng girlfriend ni daddy and why he won't take my side.

Until I met Kite.

He's the first person who's kind enough to lend a helping hand. Siya rin ang unang tao na ginusto akong maging kaibigan.

Naalala ko nun, madalas akong pumunta sa isang coffee shop malapit sa school namin. He's working there part time, at madalas niya akong kumustahin.

Siya ang unang tao na nagtatanong kung anong ginawa ko, kumusta ang araw ko, masaya ba ako today. Nung mga panahon na walang interesado sa buhay ko, naging interesado siya sa akin.

Until I fell for him.

But he didn't love me back.

I thought it was just a simple high school crush. Pag nag college kami, pag nagkahiwalay na kami ng school, makaka move on na ako.

Pero possible palang mag tagal ang feelings ng isang tao 'no?

After highschool graduation, limang taon kong hindi nakita si Kite. Limang taon ko siyang hindi nakausap. I thought okay na ako, naka move on na ako. Pero nung nakita ko ulit si Kite nun, parang nabura lahat ng effort ko na mag move on. One smile from him, nahulog na naman ako.

Nakakainis.

I thought stuck na ako sa ganitong cycle. Akala ko, hindi na ako makakakawala sa feelings ko sa kanya.

Pero kung kailan tinatanggap ko na na habang buhay akong hulog kay Kite, atsaka naman may unexpected shift na nangyari sa buhay ko.

I remember, five years ago, it was summer. Kite invited me to go on a road trip with him. We went to Tagaytay and ate dinner there. He was sweet the whole time.

Habang nag kakape kami sa isang magandang café doon, he then confessed to me.

"Rika... I like you. Sorry it took me so long to realize this but, if you'll let me, I want to take care of you. Please be my girlfriend."

Hindi ako nakasagot agad nun. Those words are what I've been waiting for for six years. Akala ko hinding hindi ko na maririnig ang mga salitang yun mula sa kanya.

I remember being lost for words. I also remember getting teary-eyed.

And I remember the expression on Kite's face when I told him my answer.

"I'm sorry, Kite."

Three words are all it takes for him to realize na I don't love him anymore.

Maybe, right then and there ko rin na realize na iba na ang mahal ko nung panahon na yun.

It's the guy who's also been with me for the past six years. Yung lalaking hindi nagsawang mag antay sa akin. Hindi nagsawang suportahan ako sa lahat ng bagay. Yung lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang patawanin ako at alagaan ako.

Yes, I am already in love with him.

I am already in love with Geo.

Too bad I wasn't able to tell him that.

~*~

[Present Time]

The whole ride papunta sa kung saan man ako dadalhin ni Kite, hindi ako mapakali. I kept on thinking about Geo.

Nakita niya akong sumama kay Kite. His expression was cold nung nakatingin siya sa akin. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ano kayang iniisip ni Geo? Does he think na after all this year, I still like Kite? Malamang. Ayun ang huli kong sinabi sa kanya eh. I didn't even got the chance to tell him what I really feel.

At mukhang hindi na ako magkaka chance ulit.

For sure nadagdagan na naman ang galit niya sa akin. Or probably wala na siyang pakielam because he doesn't want anything to do with me anymore

My heart sinks just by thinking about those possibilities. Hindi ko alam kung ano ang mas worse sa dalawa.

Tinapik ko si Kite.

"Kite... sorry, gusto ko nang umuwi."

Itinabi ni Kite ang motorcycle niya sa gilid ng kalsada, atsaka ako tinignan.

"O? Bakit bigla bigla?"

Napaiwas ako nang tingin, "sorry. Pagod lang ako."

Tinignan ako ni Kite. Alam kong pilit niyang binabasa ang expression sa mukha ko. I forced a smile.

"Tsaka 'di ba may kailangan kang suyuin ngayon? Baka mas magalit siya pag nalaman niyang may kasama kang ibang babae," sabi ko dito.

Napabuntong hininga si Kite, "she doesn't even want to talk to me."

Tinapik ko sa braso si Kite.

"Don't lose hope."

Napangiti naman si Kite sa sinabi ko.

"Ihahatid na kita sa inyo."

"Okay lang, ayun na yung sakayan ng jeep oh," sabi ko sabay turo sa mga jeep na padaan.

"Ihahatid na kita," pag pupumilit niya. "Sige ka sayang din ang fifty pesos mo."

Dahil mapilit si Kite, hinayaan ko na siyang ihatid ako hanggang sa tenement na tinutuluyan ko.

When he dropped me off, I saw that look of concern on his face just by looking at the tenement building where I live. Pero pilit itinago ni Kite sa akin yun by smiling widely.

Well, I know him to well para hindi ito mahalata.

"If something happens, don't hesitate to call me," sabi ni Kite. "And always keep your doors locked."

Yep. That's his way of telling me na this place looks dangerous. I can't blame him. Not in the best condition naman talaga ang itsura ng tenement na 'to. Tapos sa baba pa, ang naabutan namin pareho ni Kite ay puro mga nag iinuman.

I gave Kite a reassuring smile atsaka na ako pumanik sa apartment ko.

My apartment is small. Pang isang talo lang talaga dahil isang single bed lang ang kasya sa loob. Di ko na malagyan ng upuan at lamesa dahil hindi na kasya kaya usually, sa sahig na ako kumakain. May sink naman at maliit na lutuan. May mini ref din ako. May maliit na banyo pero madalas pag patak ng 9am, nawawalan ng tubig, lalo nap ag nag sasabay sabay ng gamit ang mga tao sa tenement.

Sumalampak ako sa kama ko---well, I can't even call it a proper bed dahil isang makapal na foam lang 'to na nakasalmpak sa sahig. I don't mind though, kasi malambot naman ito.

Actually, this place is way better than what we have in Switzerland. Sobrang hell ng lugar na yun dahil sa mga nangyari sa akin. Not even the beautiful sceneries can make me appreciate that place.

It's sad because I used to love travelling to Switzerland. Pero ngayon, maisip ko pa lang na babalik ako sa lugar na yun, parang pakiramdam ko babaliktad na ang sikmura ko.

I took a shower. Medyo nagtagal ako sa banyo dahil gusto ko na lang mag buhos nang mag buhos sa sarili ko. Hoping it will wash away all my problems and anxiety. Paulit ulit kong nirereplay sa utak ko ang mga nangyari kanina.

Yung mga sinabi ni Geo at Timi sa akin. It felt like a dagger stabbing me in the chest over and over again. Sabi ko gusto kong umiyak. Kanina pigil na pigil ako sa pag iyak. Pero ngayon, para na naman akong namanhid na hindi ko mailabas ang luha ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng banyo. Probably an hour or so. Pero pag labas ko, nagulat ako nang makita ko ang pagkarami raming missed call sa akin ni Hershey.

I was about to message him kung bakit siya tumatawag nang bigla ulit tumunog ang phone ko. I see Hershey calling. Dali-dali kong sinagot ang tawag niya.

"Hershey?"

"Girl! Finally you pick up! What the hell happened to you?!"

"Sorry, naliligo ako---"

"—anyway!" pag putol niya sa sinasabi ko. "I know what happened a while ago was devastating, but I really need you to focus right now. I found a way para makapasok ka. Pero kakailanganin mong mag prepare ng pangmalakasan na portfolio at... ready ka bang kalabanin ang maraming applicants?"

"T-teka, anong plano natin?"

"Geo is going to do an open recruitment next week. He's going to announce it on his socials so malaki ang chance na marami ang mag a-apply. Keri ka ba to undergo that?"

Para akong biglang nabuhayan ng loob sa sinabi ni Hershey. For the first time ngayong araw na ito, napangiti nang malawak.

"Count me in."

~*~

I am nervous. Pakiramdam ko masusuka ako. Halos magpalpitate ako sa sobrang kaba at ngayon ko pinag sisisihan na ininom ko ang kape.

Nandito ako ngayon sa office ng Marahuyo---yung business nina Geo at Hershey. They print apparels and other merch using yung design ng mga hired artists nila. Usually, based ang designs na 'to sa lyrics, poems, or other writings na sinulat mismo ni Geo.

Maganda ang nilalabas nilang mga goods. Very aesthetic. Although bago pa ang business nila, makikita na nag e-expand ito dahil sa creativity nila.

Ang alam ko, yung artist na gumagawa ng designs nila resigned at nag tayo ng sariling company na kumakalaban ngayon sa Marahuyo. That's why Hershey is desperate to find a good artist as replacement.

Hershey offered me the job after I made an artwork based on their company name "Marahuyo."

Pero well... malay ko bang si Geo ang business partner niya. And...well, ayaw niya akong katrabaho.

I can't blame him. Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya, ganun ang gagawin ko.

Pero sorry Geo, I am so desperate right now. Sabi nga nila, business is business.

Napatingin ako sa queue. If I am going to estimate the number of people that showed up, I feel like halos nasa trenta mahigit kami dito. Sala na nga 'to kung tutuusin dahil pinagpasa muna kami ng portfolio, and those na napili base sa portfolio na pinasa nila ang pinatawag for interview.

While waiting for my turn to get interviewed, naisipan kong mag restroom muna.

Naka limang balik na ata ako sa restroom at hindi naman talaga ako naiihi. Mas more on, kinakabahan ako at hindi ako mapakali sa upuan ko kaya need kong tumayo.

After all, I am going to face the guy whom I broke his heart. At nasa palad niya ngayon ang future ko.

"What the hell are you doing here?"

Napahinto ako sa paglalakad papuntang C.R at napapikit.

Hindi pa ako ready makita siya, ba't ang aga naman?

Kabado akong lumingon sa kanya at nakita ko ang galit niyang mukha na nakatingin sa akin. Kunot ang noo at halos mag salubong ang kilay.

Dati, I rarely see Geo like that. He always keep his cool kahit na nagkakaproblema sa banda.

But I guess my whole existence seems to annoy him to the point na makita pa lang niya ako, he can't already keep his cool.

That stings.

Lumapit sa akin si Geo. Bahagya naman akong napaatras kasi parang lalabas ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako dahil alam kong galit siya sa akin, o dahil ba nakasalalay sa kanya ang future ko?

Or maybe because his whole presence overwhelms me that I want to cry? Ewan/

"I think I already made myself clear that I don't want to work with you," he said coldly.

Lumunok ako and tried to meet his gaze. I tried my best not to get intimidated katulad ng sinabi sa akin ni Hershey kung mangyayari man ang ganitong sitwasyon.

Halos matunaw ako nang tinignan ko siya sa mata pero hindi ko inalis ang tingin ko.

"But you approved of my work," I told him confidently---or at least that's what I'm trying to sound like.

Napakunot ang noo ni Geo.

"I will never approve of your work."

"You did," I said. I almost choked. Glad I didn't although alam kong medyo shaky na ang boses ko.

Kinuha ko ang phone ko at inilabas ko ang email na natanggap ko from their HR.

The email states that I passed the pooling and one of the owners---Mr. Angelo Fernandez—is impressed with my art work and said he's excited to meet me.

Napapikit si Geo at napabuntong hininga

"You are the one who submitted the Raindrop artwork."

I forced a confident smile.

"I did, sir. And I'm really grateful for the wonderful feedback. I'll meet you later sa interview. Now please excuse me," I said with a tiny bow atsaka ako umalis sa harapan niya.

Nanginginig ang tuhod ko. I feel shameless.

But again, I'm desperate.

I just realized na all my life, ang daming nag liligtas sa akin. Pag nabubully ako, pag napapahamak ako, pag may mga bagay na hindi ako ma voice out.

Pero for the past two years, nang mangyari lahat nang ito sa akin, kung may isang bagay akong natutunan ay ayun ang iligtas ang sarili ko.

Dahil pag mag isa ka, wala ka nang ibang aasahan na iba.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top