II.

II.

[Present Time]

"Just get out of my life."

I guess words really has a power to paralyze you, because the moment Geo said that to me, pakiramdam ko, parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nakatingin lang ako sa likod ni Geo na nag lalakad palayo sa akin. I remember the last time I saw him. Ang ganda ng ngiti niya sa akin nun. Ang saya saya niya ng araw na yun and he kept telling me how much he loves me. Not knowing na the next day, aalis na ako sa buhay niya. Not knowing na pag gising niya, his heart will be broken because of me.

Tatlong taon akong nawala, at hindi matagal ang tatlong taon para mag hilom ang mga sugat.

Even me, I'm still a broken piece of shit. I am actually more broken now.

Of course Geo doesn't want me in his life anymore. What do I even expect? Why did I beg him like that? I am so fucking shameless.

"Girl... what the hell happened?" dinig kong sabi ni Hershey mula sa gilid ko. He sound so confused. "Why is Geo so mad at you? May nangyari ba sa inyo dati? Like, is he your ex or something?"

I felt a stab on my chest dahil sa huling tanong ni Hershey. Hindi naging kami.

I did not answer any of Hershey's question. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya o kung paano ako magpapaliwanag.

Hershey seemed to notice my dilemma kaya naman tinapik niya ako sa braso and he gave me an encouraging smile.

"Girl, okay lang. I'll talk to Geo, okay? Hindi lang naman siya ang may say sa business namin. Ako rin may say doon. Kaya chill ka muna ha? I gotchu!" he said with a wink.

I feel like crying but I still forced a smile. I'm so thankful of Hershey and the last thing I want to show him is yung pinanghihinaan ako ng loob.

I sacrificed a lot already para makabalik dito. Kaya kong lunukin lahat ng pride ko just to stay.

"Hershey, I badly need this job," I said. My voice almost breaking and I sounded so desperate.

"I know. At ako humatak sa'yo dito, kaya ako bahala."

"Thank you talaga Hershey."

"Save your thank yous for later pag na convince ko na si Geo. I suggest i-build mo na ang portfolio mo dahil ayun ang panlalaban natin sa kanya. But for now, I think uwi ka na muna para makapag isip ka. Unless, gusto mo makiparty sa akin tonight."

Umiling ako dito. "I think I should go."

Hershey gave me a comforting smile at nagpaalam na rin siya. Ako naman, dumiretso muna ako sa restroom to fix myself.

Nang makapasok ako sa loob ng restroom, napatingin ako sa salamin.

I look... disheveled.

A few strands of my hair are sticking out. Probably dahil sa bilis ng patakbo ng jeep na sinakyan ko kanina. Lukot lukot na rin yung mumurahing blouse na nabili ko.

Napansin ko sa mukha ko na medyo nag c-cake din yung foundation na nilagay ko. As expected kasi luma na 'to and it's been so long since I put on a make up.

I can't afford to buy a new one like before kaya yung tira tira na lang sa gamit ko ang ginamit ko.

Nilabas ko yung make up brush ko at sinubukan kong pantayin yung foundation sa mukha ko. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko para kahit papaano, may pinanghahawakan pa rin akong self confidence---kahit katiting.

Napatingin ulit ako sa salamin. My eyes are brimming with tears. Agad kong dinampian ng tissue ang mata ko at paulit ulit kong sinabi sa sarili ko: hindi ako iiyak, hindi ako iiyak.

Hindi. Ako. Iiyak.

Someone opened the restroom cubicle at napahinto ako sa pagpupunas ng mata ko. Mula sa salamin, kita ko ang reflection nung babaeng lumabas sa cubicle---at napatingin din siya sa akin.

It's Timi.

Agad akong napayuko at umiwas nang tingin. Siya naman ay lumapit sa may sink para mag hugas ng kamay.

Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan. Parang lalabas ang puso ko sa katawan ko.

Stephanie Mikael Cruz-Monasterio.

The wife of EndMira's vocalist, Ice Monasterio.

My best friend since high school.

Maybe not anymore dahil sigurado akong galit siya sa akin ngayon.

I know Timi so well. She's this strong, independent woman na hindi magpapatalo kahit kanino. Madalas, wala ring filter ang bibig niya sa pag bibitaw ng opinyon. Sobrang opposite ko na I'd rather stay quiet than to voice out yung mga opinion ko. Madalas, pinag iisipan ko maigi kung mag sasalita ba ako o hindi.

Kaya naman may mga pagkakataon na pag na-a-agrabyado ako, si Timi ang nag sasalita para sa akin.

Timi has been a really good friend to me. Isang kaibigan na mahirap hanapin at mahirap palitan.

God knows how much I miss her at kung gaano ko kagustong yakapin siya at umiyak sa kanya. Pero ramdam ko ang pagkataas taas na wall sa pagitan namin ngayon.

Isang wall na ako ang may gawa. When I left without a word, at hindi ko sinipot ang kasal niya, alam ko nang wala akong babalikan na kaibigan.

Muli akong napatingin sa reflection ni Timi sa salamin. She's not staring at me. She's pretending na hindi ako nag e-exist sa tabi niya.

I know her too well. At para pakitunguhan ako ng ganito, I must've hurt her so bad.

Dali dali kong niligpit ang gamit ko at tumalikod na ako para lumabas ng restroom when I heard her speak.

"Aren't you supposed to be explaining right now?!" inis na sabi ni Timi.

Napalingon ako sa kanya and I saw her brimming with tears.

Timi rarely cries. Pero halos paiyak siya ngayon sa harap ko.

"What the hell happened to you, Rika?!"

Napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin.

Hindi ko kayang magpaliwanag.

I heard Timi sighs in frustration.

"Of course you won't speak. Same old Rika. Sa ganyan ka naman magaling—ang tumakas. Hindi ka na nag bago."

I held back my tears habang sinasalo ko ang mga salitang yun galing kay Timi. Her words are sharp as always. Grabe makasugat.

Pero deserve ko naman 'to.

Naramdaman ko ang pag lapit sa akin ni Timi. Nanatili akong nakayuko. I can't meet her gaze. Pakiramdam ko nanliliit ako.

"Nung umalis ka, hindi lang si Geo ang nasaktan mo. Ako rin," she whispered. Pain is evident on her voice. "But I'm glad you're alive."

After that, Timi walk pass me at tuluyang lumabas ng restroom.

Napahinga ako nang malalim habang nararamdaman ko ang nagbabadyang pag patak ng luha sa mga mata ko.

Mukhang marami rami akong iluluha mamaya pag uwi.

Kahit ang bigat ng mga hakbang ko, nag madali ako palabas ng venue. Ang ingay na sa loob eh. Mga nag sasayaw na sila sa gitna while some are getting drunk.

I spotted Hershey sa may gilid na may kausap na isang guy. Unfamiliar. Probably hindi ko kaklase noon. O hindi ko na natatandaan. Ewan.

May mga kaklase akong nakasalubong and they all wanted to engage in a conversation with me.

"Uy Rika! Kumusta na?" "How's your family business?" "Balita ko nag e-expand na yung business niyo sa ibang bansa ah? "May opening ba kayo?"

Napaka ingay. Ang daming sinasabi. Ang daming humaharang. Kaliwa't kanan ang kumakausap sa akin. I just want to go home!

Can they all just leave me alone?! During high school, they were so good at pretending I don't exist. Some of them even bullies me. Nagumpisa lang naman nila ako kausapin nung naging kaibigan ko si Timi at EndMira.

What would they say pag nalaman nila ang totoong nangyari sa akin?

"Rika wanna hang out after this? Punta kami sa club."

"OMG yes sama ka! You can invite Timi and EndMira if you like!"

"Uuwi na ako," sabi ko while looking down and trying to force my way out of the crowd, pero hinarang pa rin ako nung iba naming kaklase.

"Wag ka munang umuwi!"

"Oo nga Rika! Bond with us!"

"Uuwi na ako sorry," sabi ko and I stand up again.

Nagulat ako nang may umakbay sa akin. Another batchmate. Siya rin yung lumapit sa akin kanina. Si Greg.

"Come on, join us please," he said. He's so close. I feel uncomfortable. I tried na alisin ang braso niya sa balikat ko pero ayaw niyang tanggalin. "Wait—wala namang magagalit siguro kung sasama ka? I mean, wala naman siguro nag iintay sa'yo pag uwi?"

Napa kunot ang noo ko sa tanong niya. I didn't like his tone na parang he is saying na sino ba naman ang papatol sa akin.

My chest tightens. Gusto ko na lang umuwi at umiyak and yet people are forcing me to be here, asking me questions that are triggering.

Panibagong parusa na naman ba 'to?

"May magagalit," I heard a familiar voice from behind me. Bago pa man ako makalingon, nakita kong natanggal na ang braso ni Greg sa pagkakaakbay sa akin.

And then I saw him.

He's grinning at me from ear to ear.

Same playful expression. Still handsome as hell.

It's Kite Arceo.

The only person I've stayed in touch with sa tatlong taon na nawala ako.

My first love.

"Sorry but Rika's with me," he told them sabay hawak sa kamay ko at hinila ako palabas ng venue.

Hinayaan ko lang si Kite na hilahin ang palabas. The moment na makapunta kami sa parking lot, parang bigla akong nakahinga.

Hindi ko inakala na ganon ako ka-suffocated sa loob kaya naman para akong nag hahabol ng hininga ngayon.

Naramdaman ko ang kamay ni Kite sa balikat ko.

"You okay?"

I look up at him. He's smiling at me warmly. The kind of smile he's always giving me everytime he save me from trouble.

Ilang beses na nga bang nangyari yun?

Mula noong highschool ako na nabubully ako. Hanggang sa Switzerland when I almost got harassed by my employer.

Tapos ngayon.

Tumango ako sa tanong niya.

"Thank you," halos pabulong kong sabi.

Naramdaman kong ipinatong ni Kite ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko kaya naman napaangat ulit ang tingin ko sa kanya.

He's still smiling at me. But this time, his smiles widely.

"You're back. I've missed you."

Napatango ako at ngumiti. Probably the realest smile I've released today.

"I'm back."

And the moment I said those words, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

I burst into tears.

Agad akong napatalikod kay Kite. Naiinis ako sa sarili ko dahil kakakita palang namin ni Kite ulit, umiiyak na ako agad.

I remember nung huli kaming magkita, I promised to him na susubukan ko nang hindi maging iyakin.

Pero ngayon...

"Sorry. Okay na ako. Sorry," sabi ko habang pilit na pinatatahan ang sarili ko at pinupunasan ang luha sa mga mata ko.

"Alis tayo?" dinig kong sabi ni Kite.

Napalingon ako sa kanya.

"Saan?"

He smiled again as he handed me one of his helmets. Nakita ko na ang dala dala niya ngayon ay ang motor niya.

"Sa lugar kung saan hindi ka maiiyak," he answered.

What I really want to do right now is to go home and to cry.

But when Kite offered me to go somewhere, hindi ako nag dalawang isip na sumama.

I immediately hopped in his motorcycle.

"Kapit maigi," he whispered. Humawak ako sa may bewang niya.

Kite started the motorcycle's engine. And as he is driving away, doon ko napansin ang isang taong kanina pa nakatingin sa amin from the entrance.

Si Geo.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top