I.
I.
[Second Year High School]
I don't want to be here. Can I just leave?
Ayun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko habang naka upo ako sa isa sa mga seats dito sa auditorium kung saan kasalukuyang ginaganap ang battle of the bands dito sa school namin. Big deal ito para sa karamihan ng mga estudyante because the winner will be the official band of the school. Everyone seems to love music.
Except me.
Naiingayan ako sa totoo lang. Bawat hampas ng drums, bawat strum ng gitara, parang may ugat sa ulo ko ang puputok. Even the slower songs sounds too loud for me. Idagdag mo pa sa maya't maya pa nag titilian ang mga katabi ko.
Nakakarindi.
Foundation Day ngayon ng school namin at sa totoo lang, nakalimutan ko. I showed up in school wearing my school uniform at dala dala ko pa ang mga text books ko only to see my classmates wearing their best civilian clothes. Some of the girls laughed at me when they saw me. 'That's why you don't have friends,' they say. 'You are such a loser, Rika.'
That's why I planned to spend my entire day sa library and do some advance study. Ayoko naman umuwi. Ayoko sa bahay. Ayokong makita yung girlfriend ni Daddy. Naiinis ako sa kanya.
Kaya lang, biglang pinatawag ang section namin ng adviser namin to go to the auditorium and watch the battle of the bands. It's a requirement and she said she will deduct points pag umalis kami. (Which I find so unfair kasi bakit mo babawasan ang hard earned points ko just because ayokong manood ng battle of the bands?) Apparently, some of my classmates are joining the competition kaya naman need nila ng taga cheer.
And that's how I ended up in this place.
"Okay! For our next band. They are the representative of Class 2-D. Let's give it up for Endless Miracle!!"
The crowd cheers. Four guys went up the stage. Everyone look mad nervous---well except for that guy with spikey hair and shades. He's doing some weird poses at nagpa cute pa sa audience bago dumiretso sa drums niya. Muntik pa siyang mapatid. Probably the shades. Ang dilim na sa auditorium naka shades pa siya. At mukhang narealize din niya kaya naman hinubad niya rin ito at itinaas na lang sa ulo niya.
The other guy is playing the keyboard. Ang una kong napansin ay hindi color coordinated ang suot niyang damit. He's wearing a bright red polo shirt and beige pants. Kung sino naka isip ng damit niya, I have no idea.
The other guy is playing the bass guitar. Among them, mukhang siya ang pinaka kalmado sa kanila. Although I feel like nasa emo-phase siya ngayon. He's wearing a dark pants and black shirt. May skull necklace na suot at spike bracelet. Naka eyeglass siya pero kalahati ng mukha niya ay natatabunan ng buhok niya.
And then, there's this guy in the middle holding a guitar at nasa tapat ng mic. By the looks of it, mukhang siya ang vocalist nila. He got a clean cut hair na nakahawi sa mukha niya kaya aninag ko yung facial features niya. He does looks nervous, but still, nag r-radiate pa rin ang ganda ng ngiti niya. He's just wearing a simple maong pants, white t-shirt and black plaid long sleeves. If I am being honest, he looks cute.
"Hi!" he said in the microphone at nag echo ito kaya naman napatakip kami ng tenga. Inulit niya ulit. "Hi. How's everyone doing?"
Everyone cheers.
"We are Endless Miracle, and we are very excited to perform tonight. But before that, let me introduce to you my bandmates."
As Angelo---Geo looks at his bandmates, I can't help but to smile kasi the way he speaks is too formal. Yung para bang nag pe-present siya ng report sa harap ng teacher.
"The one in the keys is William Tizon," he said. Everyone cheers. "We have in the bass is Ayen Reyes," another cheers from the audience. "In the drums we have Jasper Yu," Jasper hits the drums at mas naghiyawan ang mga tao. "And me, the leader and vocalist, I'm Angelo Fernandez. You can call me Geo. We are Endless Miracle and I hope you enjoy our performance."
The light starts to dim and the audience gets quiet. I brace myself for another noise music kaya naman napapikit na lang ako. Pero when I heard a guitar strumming, agad din akong napadilat.
The band starts their intro with Geo playing the guitar---at iba yung tunog ng gitara niya kumpara sa mga naunang banda na tumugtog. The music it creates is soft, smooth. It's calming. Hindi sumasakit ang ulo ko, but more like, mas narerelax ako. Maya maya, tumugtog yung base. Ang ganda ng pagkaka blending ng tunog ng mga gitara nila. Walang sapawan hindi katulad nung iba, but more like they support each other. The piano starts to play, and then the drums. Nung pumasok yung drums, the music starts to build up. Pataas nang pataas, pabilis nang pabilis. And yet, hindi pa rin sumasakit ang ulo ko. Hindi ako na d-drain. Instead, I find myself enamored by them. Napako ang buong atensyon ko sa kanila.
As their intro transitions doon sa song na i-p-perform nila, I already find myself praying na sana sila ang manalo.
Lalo na when I heard Geo sings.
"Look at the stars,
Look how they shine for you,
And everything you do.
Yeah, they were all yellow"
I feel like I stopped breathing. His voice is raspy and full of emotions, and it sounds so well with the guitar. For a moment, nakalimutan ko na ayaw kong mag punta rito. Nakalimutan ko na galit ako sa daddy ko at sa bago niyang girlfriend. For a moment, nakalimutan kong mag isa ako, walang kaibigan, madalas napagtatawanan.
For a moment, I don't feel alone.
I'm standing here inside the auditorium, watching the best band performance I've ever seen in my life. It was so good I feel like crying---or I probably cried, hindi ko na maalala.
Alam ko maraming mag di-disagree sa akin pag sinabi kong best band performance 'to. Paano kasi in the middle of the performance, bigla silang nawala sa tune. Ilang beses nagkamali. May mga hindi pa na hit na notes si Geo sa kanta.
And no, they did not win that time, and I feel so bad. But they did won my heart.
Hanggang sa mga sumunod na araw, hindi mawala sa isip ko yung performance nila. On repeat din sa akin yung Yellow na kanta ng Coldplay---the title of the song that they performed. And although sobrang ganda ng kanta nito, I just can't help but to crave na mapakinggan ulit ang Endless Miracle na tugtugin ito.
One day sa school during lunch break, I saw the leader of Endless Miracle staring at the battle of the bands poster na nakapaskil sa bulletin board ng school. It's another competition. Outside school naman 'to. Different bands sa city na 'to ang pwedeng sumali, and those who will win have a chance na mag perform sa Music Fair.
Hindi ko alam kung bakit parang lumundag ang puso ko nang makita ko siyang nakatingin doon. Narinig ko kasi sa kwentuhan ng mga kaklase ko na kaibigan nung drummer nila na si Jasper Yu na EndMira is planning to disband. Sa totoo lang, halos panlambutan ako ng tuhod dahil doon. I want to hear them perform again, tapos ngayon, mag di-disband agad sila?
Yung hope na mapapanood ko sila ulit na nga lang ang nagbibigay sa akin ng will para mabuhay, eh.
But seeing Geo staring in front of the bulletin board gives a new kind of hope. Alam kong as much as possible, sinusubukan kong lumayo sa mga tao dito. As much as possible ayoko makipag interact kahit na kanino dahil ramdam ko namang may something sa akin na kinaayawan ng tao. Pero that moment, lakas loob akong lumapit kay Geo.
"S-sasali kayo?" tanong ko sa kanya.
I think I startled him dahil hindi niya inexpect na may katabi na siya kasi kita ko ang gulat sa mga mata niya nang lingunin niya ako. But he immediately smiled at me.
It's a warm smile. I feel like crying.
"Baka hindi na. Nag kalat kasi kami nung huling beses na sumali kami," sabi nito sa akin.
"I was there," mahina kong bulong.
Hindi siya sumagot. There's an awkward silence that follows. Pero maya maya tumawa rin siya.
"Natawa ka ba?" tanong niya. "Nakakahiya rin talaga kami pero natatawanan na namin ngayon so okay lang kung natawa ka."
Umiling ako at napaiwas nang tingin.
"Naiyak ako."
"Naiyak? Bakit?"
Muli akong napalingon kay Geo at kita ko ang pagtataka sa mata niya. Wala siyang idea sa laki ng naging impact nila sa akin nitong mga nagdaang araw.
I shrug, "ang ganda ng performance niyo,"
He looks at me na para bang binobola ko siya.
"If you think that way, then thank you."
He doesn't believe me. Napahinga ako nang malalim.
"I—I connects a lot sa music niyo. Ewan. I don't even want to watch battle of the bands, pero nung kayo na ang tumutugtog, hindi ko maalis ang tingin ko sa inyo. I almost cry. Hindi ko alam na pwede pala yun. Yung maiiyak ka dahil sa ganda ng performance. But I did. And I kept thinking about it." Muli akong napaiwas nang tingin. "Sorry... ang dami kong sinabi. Pero uhm.. sabi kasi nila mag didisband na raw kayo? Sana mag bago pa isip niyo. And if ever sasali kayo diyan, promise manonood ako. Sorry ulit, ang pakielamera ko."
Tumalikod ako ata agad tumakbo palayo dahil pakiramdam ko nag iinit ang mukha ko. Maybe I haven't talk to anyone for so long that when I start talking, I can't keep my mouth shout. At nakakahiya lang talaga na kay Geo pa ako gumanon? Alam kong iniisip niya na ang weird ko.
Well. Sanay na ako. Everyone thinks I'm weird.
"Uy wait lang!"
Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakahabol siya sa akin. Parang bigla akong mas lalong kinabahan at mas namula ang mukha ko.
Teka, bakit niya ako hinahabol? After ko mag lintanya sa harap niya tingin niya kaya ko pa siyang kausapin?!
Kaya mas binilisan ko ang pag takbo.
"T-teka miss! Ba't mo 'ko tinatakbuhan?!" dinig kong sigaw niya.
Hindi ko siya nilingon. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa makapunta ako sa likod ng school, sa tambakan ng mga sirang upuan. I feel like I ran out of breath.
I feel stupid. Bakit nga ba ako tumakbo? Mas lalo tuloy akong nag mukhang weird sa harap niya!
"Miss."
Bigla akong napasigaw nang may tumapik sa balikat ko at nang paglingon ko, nakita ko si Geo na hingal na hingal din. Tinatagaktakan siya ng pawis sa noo at pinupunasan niya ito gamit ang likod ng kamay niya.
"Ba't mo ako tinakbuhan?"
Hindi ako makapag salita. Anong idadahilan ko doon? Eh hindi ko nga alam kung bakit din ako tumakbo?
I really feel stupid.
"Anyway..." sabi niya while trying to catch his breath. Napahawak pa siya sa balikat ko for support and I feel a jolt of electricity run through my body.
I flinch, pero sinubukan kong hindi ipahalata sa kanya nito.
Everytime na may lalapit sa aking ng ganitong kalapit, they tend to hurt me.
Yung mga kaklase ko na binubully ako, yung bagong girlfriend ni daddy.
Kaya naman ang instinct ko is to prepare myself for a painful blow.
But Geo's touch is different.
It's soft and kind. Just like how he strums the guitar during their intro performance.
He looks up at me at nginitian niya ako.
A warm smile.
"Thank you," he said.
"Thank you?" taka kong sagot.
"Uhmm.. mag didisband na talaga kami at sa totoo lang, ayaw ng mga kasamahan ko. Ako yung gustong umalis kasi hindi ko na nakikitaan ng saysay 'tong ginagawa namin. Pero dahil sa sinabi mo, nabuhayan ako ng loob. Yun naman ang goal ko. Basta may isang tao na nakaka connect sa music namin, edi tuloy ang pagtugtog. So yes, I'm planning to convince my bandmates na sumali ulit sa battle of the bands."
Napatulala ako, and then I broke into a wide smile. I can't remember kung kailan ako huling ngumiti bago ito. Ang alam ko lang, halos mapunit ang labi ko sa pag ngiti sa harapan ni Geo.
"Manonood ako!" masigla kong sabi. "Promise! Fan niyo 'ko"
"At gagalingan namin sa pag tugtog para sa pinaka unang fan namin," Geo said as he pats the top of my head.
After that encounter, hindi na ulit ako nagkaroon ng chance para kausapin si Geo. May mga times na nakikita ko siya sa may cafeteria but I'm too shy to approach him. Minsan naman ang tatago ako kasi napagtripan na naman ako ng mga kaklase ko. It's either may ibinato sila sa damit ko, o pinagtripan nila ang ayos ng buhok ko at nahihiya akong magpakita kay Geo sa ganung state.
But I did watch their performance sa battle of the bands. Ang layo ko nga lang. Nasa may pinaka dulong row ako. Pero kahit ganoon, I still feel the same way tulad ng kung ano ang naramdaman ko nung una ko silang napanood.
Endless Miracle---or EndMira---won that night. Nakatugtog sila sa fair. Naging matunog ang pangalan ng banda nila hindi lang sa school namin, pati na rin sa neighboring school. Mas naging matunog pa nga sila kesa sa official band ng school namin.
After that, tuloy tuloy na ang mga gigs nila. Madalas din silang tumugtog pag may mga events sa school. Madalas ako manood pero hindi ako lumalapit. Hindi ako nagpapakita. It makes me wonder kung naalala pa ako ni Geo? Naalala pa kaya niya ang first fan nila? It doesn't matter. Basta nakakatugtog sila, masaya ako.
Years pass. We became senior students. Nagkaroon ng onting pagbabago s abanda nang may ipasok sila na bagong member. Si Ice Monasterio. He took over the vocalist position from Geo.
I know nahihirapan na si Geo to balance ang pagiging leader, lead guitar at vocalist. He even helps Ayen na mag arrange ng music nila kaya naman natural lang na mag pasok sila ng bagong bokalista.
Ice's voice is good. I really like it too. But if I am being honest, mas nahahatak pa rin ako sa boses ni Geo. Kaya naman pag may paminsan minsan na nag s-second voice siya, I always savor the moment.
Hindi ko rin inaasahan na sa ang daming mababago sa buhay ko pag tungtong ng senior year ng highschool.
I became friends with Timi. Timi is close with EndMira, so somehow naging close din ako sa kanila.
And after so many years, nakausap ko ulit si Geo. Hindi niya na bring up yung unang beses naming pag uusap. Hindi ko alam kung naalala pa niya. Pero that time, masaya ako na kaya ko na siyang kausapin nang hindi kinakabahan.
Me and Geo became really good friends. No actually, he became one of the most important person to me.
Ilang beses din ako inalagaan non. Ilang beses pinagtanggol. Siya ang umaalalay sa akin tuwing nadadapa ako. Geo comforts me a lot katulad ng kung paano ako na comfort ng musika nila nung unang beses ko silang napanood.
Until he told me he loves me.
Ilang beses niya bang inulit yun? Isa? Dalawa? Isang milyon?
Sa dami nang beses na sinabi niyang mahal niya ako, ganoon din kadaming beses ko siyang nasaktan.
Geo saved me before.
I hurt him in return.
~*~
[Present Time]
"Fire her," he said coldly. "I don't want her in my company."
And then... he leaves.
Parang nanlalamig ang buong kalamnan ko dahil sa sinabi ni Geo. For a moment, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Hala, anong nangyari doon?" tanong ni Hershey. "I thought.. I thought he likes your arts. Bakit nag walk out. I'm so confused. Magkaaway ba kayo?"
Hindi ako sumagot, instead, napahinga ako nang malalim at buong lakas ng loob akong humabol kay Geo.
"G-Geo wait lang," sabi ko at hinawkan ko siya sa braso. "Can we talk please?"
Alam kong nag mamakaawa ang mga tingin ko sa kanya. Alam kong halos paiyak na ako. And probably I look shameless na after everything that I did to him, I'm now begging him to save me again.
Pero ayoko nang bumalik sa dati. Baka hindi ko na makaya.
"Geo.. please.. I need this job—"
Tinabing ni Geo ang kamay ko.
"Rika, ayoko na marinig ang kahit anong paliwanag mo. Ang tagal na eh. Ang tagal ko na ring mukhang tanga sa'yo. I don't want to do anything with you anymore so please, just get out of my life."
After he said that, tuluyan na siyang umalis at hindi ko na makuhang sundan pa siya.
He's right. And probably this is my karma.
Pero sa dami nang nangyari sa buhay ko, I can't help but to think, sobrang sama ko bang tao para magkaroon ng ganitong kalaking parusa?
To be continued...
Aly's Note:
Hi Dreamers! Thank you for waiting sa update!
Sa mga na coconfuse, ang timeline ng story na 'to is 5 years AFTER lahat nang nangyari sa Game Over so it's only natural na hindi niyo alam kung ano ang nangyari kay Geo and Rika. Wala kayong nakakalimutan don't worry, everything will be revealed as the story progresses.
No need to re-read other books before proceeding to this (pero kung bet niyo mag reread keri lang). And sa mga hindi pa nakakabasa ng ibang Endless Miracle series, no worries, I will write it with infos from the other books para maiintindihan niyo pa rin.
Ayun lang. Hoped you enjoy the intro and first chapter! See you sa next update <3
#ArtsMusicMidnightWP --- use this hashtag on twitter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top