CHAPTER 8

CHAPTER 8

Xia's POV

Noong nagpaulan yata ng kamalasan nasalo ko lahat. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Una, namatay sila Mama; sunod kamuntik ng mawala si Stella; pangatlo nasunugan ako. Ilang beses na din ako kamuntik mapahamak kundi lang dahil kila Zander at taong may kulay gintong mata, baka wala na ako sa mundo.  Ngayon naman nakakulong ako sa isang kwarto sa bahay ni Mr. Sanchez.

Hindi ko magawang makalabas dahil nilock ng walang hiyang manyak na yun ang pinto.

Pagkapasok ko sa bahay ni Mr. Sanchez, una kong napansin ang taltong katulong nito na sa tingin ko hindi naglalayo ang edad namin. Nakasuot sila ng maikling maid uniform. Sa sobrang ikli konting galaw lang nila makikita mo na ang underwear nila.

"Tricia," tawag ni Mr. Sanchez sa isa sa kanila.

"Y-yes Sir?" utal na sabi nito.

"Maghanda ka ng makakain para kay Xia. Simula ngayon dito na siya titira kasama natin," lumingon sa akin si Mr. Sanchez. "Hatid na kita sa kwarto mo."

Umakyat kami patungong 3rd floor. May limang palapag ang bahay niya.  Nakakapagtakang mag-isa lang siya dito pero ang daming kwarto. Bukod sa mga katulong wala naman siyang ibang kasama. Dinaig niya pa ang bahay namin na hanggang dalawang palapag lang.

Binuksan niya ang pinto ng pinakadulong kwarto sa 3rd floor. Ayun na siguro ang magsisilbing kwarto ko. Pagkasilip ko dito, bumungad sa akin ang kulay pink na kwarto. Kahit saan ako tumingin kulay pink ang nakikita ko.  Ayos lang naman sa akin kahit anong itsura ng kwarto ko basta malinis at nasa ayos ang mga gamit. Halatang pinaghandaan ang paglipat ko dito.

"May mga bagong damit ka na sa cabinet. Kung may kailangan ka pa sabihin mo lang. Magpahinga ka na muna. Ipapatawag na lang kita mamaya kapag kakain na," aniya bago lumabas.

Binuksan ko ang cabinet at bumungad sa akin ang mga naggagandahang damit. Pati bagong school uniform meron.

Kinuha ko ang cellphone ko at umupo sa kama. Pagkabukas ko napansin ko ang isang text message na mula sa hindi ko kilala.

======

From: +63930*******

Kung kailangan mo ng tulong. Itext mo lang ako o tawagan. Pupuntahan kita agad.

=======

Nireplyan ko siya ng 'Who are you?' dahil hindi man lang ito nagpakilala. Agad naman ito nagreply at halos manlaki ang mata ko nang mabasa ko ang pangalan niya.

=======

From: +63930*******

Zander

=======

Sinong hindi magugulat? Ang isang tahimik na kagaya ni Zander, itetext ako? Mas iisipin ko pa na sina Trevor, Claude o Bliss ang magtetext sa akin kaysa sa kanya. Ni hindi nga kami masyado nag-uusap nito. Teka! Baka ibang Zander?

Muli ko siya nireplyan.

======

Me: Zander?

Zander: Zander Dale Hudson. May iba ka pa bang kilalang Zander bukod sa akin?

Me: Hindi nga? Ikaw talaga yan? Baka naman si Claude ka? Pinagtitripan mo ko no?

Zander: What the hell! Hindi ako si Claude.

=======

Hindi ko na siya nireplyan. Mukha kasing galit na ang katext ito. Humiga na lang ako at umisip ng paraan kung paano makaalis sa bahay na ito. Kailangan ko makahanap ng matitirihan. Hanggang maari ayokong tumira dito ng matagal.

Hindi maganda pakiramdam ko sa bahay na ito. Pagkapasok ko pa lang may kakaiba na akong naramdaman. Idagdag mo pa ang mga itsura ng mga katulong noong nakita nila ako. Bakas sa kanila ang pag-aalala at takot nang dumating kami.

Tumambay lang ako sa kwarto hanggang sa tawagin na ako ng isa sa mga katulong. Bitbit ang whiteboard ko, bumababa ako kasabay niya.

"Ako nga pala si Marie," pakikipagkilala niya. Kaano-ano mo si Mr. Sanchez?"

Agad ako nagsulat sa whiteboard ko. "Ninong."

"Ah! Mag-iingat ka sa kanya. Tatlong buwan na ako nagtatrabaho dito bilang katulong. Isa lang ang masasabi ko sa kanya," tumigil siya sa paglalakad. "Demonyo siya."

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Gusto ko pa sana siya tanungin subalit biglang dumating si Mr. Sanchez.

"Tinawag ka na pala. Nakahanda na ang pagkain," sabi niya sa akin.

Sinabayan niya ako sa paglalakad at nang makarating kami sa kainan, sumalubong sa akin ang iba't ibang pagkain. Para bang may piyesta dahil sa dami ng nakahanda.

"Kain ka lang. Wag kang mahiya," sambit niya.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang dahil sa kakaibang tingin na binibigay niya. Hindi ko alam kung tama ako, pero nakikita ko sa mga mata niya ang pagnanasa. Yumuko na lang ako at binilisan ang pagkain. Nang matapos ako, tumayo agad ako at nagpaalam.

"Akyat na po ako sa kwarto ko. Salamat sa pagkain," sulat ko sa whiteboard ko.

Habang pabalik ako sa kwarto ko, naisipan ko munang maglibot. Halos lahat ng kwarto nakalock kaya sa huli yung rooftop lang ang nakita ko. May swimming pool ito. Sa gilid may dalawang upuan at isang mesang bilog na pwedeng kainan. Tumingin ako sa kalangitan kung saan kitang kita ko ang mga nakikislapang bituin at ang buwan na bilog na bilog.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan hanginin ang buhok ko. Doon lang ako tumambay hanggang sa maisipan kong bumalik na sa kwarto. Nasalubong ko pa si Mr. Sanchez habang pababa ako.

"Galing ka rooftop?" tanong ni Mr. Sanchez.

Tumango ako bilang tugon.  Nagmadali na ako bumalik ng kwarto para makapagpahinga. Ayoko ding makausap si Mr. Sanchez; mas mabuti pang matulog na lang ako.

12:13 am nang magising ako dahil sa uhaw.  Nagtunggo ako sa kusina upang minom ng tubig. Paakyat na sana ako ng 3rd floor nang makarinig akong ingay sa 2nd floor. Naisipan kong tignan ito kaya hinanap ko kung saan nagmumula ang ingay.  May nakita akong pinto na medyo bukas at doon sumilip ako.

"Sir tama na po!" iyak ng isang babae. Hindi ko ito makilala dahil nakadapa ito sa kama at nakatali ang mga kamay at paa sa kama. Wala itong saplot habang pinapalo ni Mr. Sanchez ang likod nito.

"Sir maawa po kayo sa akin! Tama na po!"

Naalala ko bigla yung sinabi ni Marie na demonyo si Mr. Sanchez. Ito siguro ang dahilan kung bakit nasabi niya iyon. Gagawin din niya kaya sa akin yun? Kaya ba gustong gusto niya ba ako tumira dito dahil doon. Natakot ako bigla sa naisip ko. Paano kung gawin niya din sa akin iyon? Ano gagawin ko? Sigurado wala laban sa kanya. Kailangan ko makaalis dito bago pa may mangyaring masama.

Tumigil si Mr. Sanchez sa pagpalo saka naghubad at pumatong sa babae. Hindi ko na kinaya ang sunod na ginagawa niya kaya tumakbo na ako agad paalis. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa  takot. Hindi maalis sa akin ang mabahala.

"Nakita mo?" tanong ni Marie.
Saktong nasalubong ko ito habang pabalik ako sa kwarto. Tumango ako bilang tugon.

Wala akong ibang maramdaman kundi takot. Habang tumatagal mas lalo tumitindi ang kaba ko. Pakiramdam ko ano mang oras pupuntahan ako ni Mr. Sanchez. Gusto ko na umalis dito.

"Umalis ka na habang maaga pa," aniya bago tumabi para padaanin ako.

Nang makabalik na ako sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at nagpalakad-lakad. Iniisip ko kung aalis na ba ako ngayon o bukas na. At dahil sa takot ko na baka puntahan ako ni Mr. Sanchez, nagdesisyon akong umalis na ngayon. Sinuot ko ang school uniform dahil hindi ako interesado sa magagandang damit na   nasa cabinet. Tangging ang mga gamit ko lang ang dinala ko.

Pababa na ako ng hagdan nang masalubong ko si Mr. Sanchez. Nakabihis na ito at mukhang pabalik na siya sa kwarto niya.

"Saan ka pupunta? Gabi na?" tanong niya.

"......"

Hindi ako maigilang manginig sa takot.  Napaatras ako bigla nang lumapit siya sa akin.

"Aalis ka?"

"...."

Naglakad siya palapit sa akin. Bawat hakbang niya, bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Iiwan mo ko?"

"...."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na itulak siya para makadaan ako. Natatakot na din ako sa pwede niyang gawin sa akin.

"Hindi ka aalis," aniya sabay hablot sa akin.

Sinubukan ko kumawala sa pagkakahawak niya pero mas malakas siya sa akin. Hinila niya ako pabalik sa kwarto saka tinulak sa kama. Tumayo agad ako para subukan lumabas pero hinarangan niya lang ako at muling tinulak. Bago pa ako makatayo ulit pumatong siya akin. Natigilan ako bigla dahil muli ko naalala ang nakita ko kanina. Gagawin din ba niya 'yun sa akin?

"Dito ka lang Xia. Hindi ka aalis. Matagal ko na hinintay ang araw na tumira ka dito kasama ko."

Napapikit ako nang hawakan niya ang mukha ko. Akala ko may gagawin siya sa akin. Mabuti na lang umalis na siya sa pagkakapatong sa akin at lumabas. Pagkasara niya ng pinto, tumayo ako agad at sinubukang buksan ang pintuan pero nakalock na ito.

Natulala na lang ako habang iniisip kung ano gagawin ko. Hindi pwedeng manatili ako dito. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Zander.

"Please. Sagutin mo," bulong ko habang pinagdadasal na sana sumagot siya.

Muling bumukas ang  pinto kaya mabilis ko tinago ang cellphone sa ilalim ng kama at tumayo.

"N-ninong..." sambit ko habang nakatingin sa hawak niyang lubid.

Ngumiti ito sa akin na para bang demonyo saka lumapit. Napatakbo ako sa pader at doon sumiksik habang pasimpleng lumalapit sa pinto. Hindi ki inalis ang tingin ko sa kanya para masigurado kong hindi niya ako malalapitan.

Biglang bumilis ang kilos niyo kaya napatakbo ako bigla papuntang pintuan subalit naabutan niya ako. Binuhat niya ako at dinala sa kama. Pinaghahampas ko siya sa likod pero balewala lang ito sa kanya. Binato niya ako sa kama at agad pumaibabaw sa akin.

"Ninong wag po," iyak ko habang nagpupumiglas sa kanya. Pilit niya hinahawakan ang kamay ko para lagyan ng tali.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" sigaw ko, umaasang may tumulong sa akin. Mas gugustuhin ko pa mamatay kaysa babuyin niya.

Pagkatapos niya maitali ang isang kamay ko yung kabila naman ang kinuha niya.

"Ninong! Please wag po," pagmamakaawa ko habang umiiyak. Pero parang wala itong naririnig.

"Sige lang magmakaawa ka. Matagal ko na din hindi narinig ang boses mo," aniya na para bang natutuwa siya na nagmamakaawa ako.


Zander's POV

"Makakapagpahinga na din tayo," sambit ni Claude habang palabas kami ng police station. Kakatapos  lang namin sa isang misyon.

Pagkasakay namin, nilabas ko agad ang cellphone ko na nakasilent mode para hindi ako maabala sa misyon namin.

Patingin ko nakita kong tumatawag si Xia. Pagkakita ko pa lang sa pangalan niya kinutuban na ako.  Hindi naman siguro siya tatawag kung hindi importante. Sigurado may masamang nangyari sa kanya. Sinagot ko ito agad.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" rinig ko mula sa kabilang linya.

"Xia, ano nangyayari sayo?" tanong ko. Napatingin sa akin sila Trevor.

"Si Xia kausap mo?" tanong ni Bliss.

Pinindot ko ang loud speaker para marinig nila ang nasa kabilang linya.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO! NINONG WAG PO! MAAWA KAYO!" rinig namin bago mamatay ang tawag.

Napamura bigla si Trevor agad niya pinaandar ang sasakyan.

"Claude alamin niyo kung saan nakatira yung ninong ni Xia," utos ni Trevor.

Kinuha agad ni Claude ang laptop niya at saka nagpipindot doon. Tinawagan ko si Sir. Takeshi para kumuha ng information sa kanya.

"Ano kailangan mo?" tanong niya agad. Alam niyang tumatawag lang ako kapag may kailangan ako.

"Information tungkol kay Xia. Lahat lahat. Pati tungkol sa pamilya niya at sa malapit  sa kaniya," sambit ko. Alam kong meron siyang impormasyon na kailangan ko dahil sigurado nag-imbistiga na siya ng tungkol kay Xia simula noong nakilala niya ito.

"Bakit bigla ka nagkainteresado sa kanya?" tanong niya at kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakangiti ito.

"Emergency. Kailangan ko pati address ng ninong niya."

"Si Mr. Sanchez ba ang tinutukoy mo?" tanong niya na tila alam niya kung ano ang nangyayari. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman alam kung ano ang pangalan nun. "Okay. Isesend ko na lang sa email mo."

"Salamat," tugon ko bago ibaba  ang tawag.

Natanggap ko agad ang impormasyon na hiningi ko. Lahat ng kailangan ko malaman nandoon. Pati yung nangyari kay Xia noong nakaraang anim na buwan. May mga picture pa siya ni Xia at ng pamilya niya. Nakita ko ang larawan ng lalaking nagpaalis sa amin sa hospital. Francisco Sanchez ang pangalan niya; kaibigan siya ng ama ni Xia. Ito ang tumayong guardian ni Xia simula noong naulila siya. Siya na din ang pumalit sa posisyon ni Mr. Cortez sa kumpanya nito.

"Alam ko na kung saan," sambit ko nang makita ko ang address niya. Binigay ko ito kay Trevor para makapunta kami agad.

Xia's POV

"Ninong wag po," iyak ko nang paa ko naman ang sinubukan niyang itali. Naalala ko ang sinapit sa kanya ng babae kanina. Walang duda na balak niya din gawin sa akin iyon.

Pinagsisipa ko siya pero isang malakas  na sampal at suntok sa sikmura ang inabot ko. Nanghina ako dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya sa akin.  Pagkatapos niya matali ang paa ko muli siya pumatong sa akin.

"Matagal ko na ito hinintay. Napakaganda mo talaga, Xia."

Hahawakan niya sana ang mukha ko pero agad ko ito iniwas. Nainis siya sa ginawa ko kaya muling sinampal niya ako at mahigpit na hinawakan ang baba ko. Takot na tinignan ko siya. Ibinaba niya ang kamay niya sa damit ko.

"NO!! STOP! NINONG PLEASE WAG PO!" sigaw ko buksan niya ang butones ng uniform ko. Sinubukan niya ako halikan pero tinagilid ko ang ulo ko kaya panga ito dumikit. Hindi naman siya nagpumilit pero leeg ko naman ang pinagtripan niya. Nang hindi siya nakatiis tuluyan niyang pinunit ang suot ko.

"WAG NINONG! AYOKO PO! NINONG! TULONG! TULUNGAN NIYO KO! WAHHHHHHH!!" sigaw ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko.

"Siyet! Bakit ngayon pa nawalan ng ilaw?" inis na sabi niya. Tumigil siya sa ginagawa niya saka tumayo.

"Hindi pa tayo tapos," aniya bago lumabas. Naiyak na lang ako habang sinusubukang makawala sa pagkakatali.

Tuloy-tuloy sa pagdaloy ang luha ko. Pinagdadasal ko na sana hindi magkailaw para hindi matuloy ang balak niya. Madilim sa kwarto ko kaya alam kong mahihirapan siya sa gusto niyang gawin. Laking pagpapasalamat ko dahil walang bintama sa kwarto ko. Sinadya niya siguro para wala talaga ako takas pero dahil din doon kaya sobrang dilim.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" sigaw ko muli.

Biglang bumukas ang pinto at isang flashlight ang tumutok sa akin. Bumilis ang tibok na puso ko dahil sa takot.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top