CHAPTER 52

CHAPTER 52

Zander's POV

"Nak, ako na maghuhugas ng plato. Doon ka na sa sala," sabi ni Mama kay Xia.

"Kaya ko naman po eh," tugon nito.

"Wag ka na makulit. Zander, kunin mo nga itong si Xia," utos sa akin ni Mama kaya lumapit na ako sa kanila.

"Mahal, tara na."

Kinuha ko sa kanya yung basong huhugasan sana niya saka nilapag sa lababo at dahan-dahan siya hinila.

Habang naglalakad kami, bigla siya tumigil sa paglalakad at napahawak sa tiyan.

"Bakit mahal?" tanong ko.

"Mahal, manganganak na yata ako," sambit niya sabay sigaw dahilan para mataranta ako. Hindi pa kasi ito yung araw na manganganak siya.

"Ano nangyayari?" lapit bigla sa amin ni Mama.

"Manganganak na po siya," sabi ko.

"Jusko! Dalhin mo na siya doon sa hinanda nating kwarto. Ako na tatawag sa papa niya," utos sa akin ni Mama kaya dali-dali kong binuhat si Xia para dalhin doon sa parang operating room sa bahay.

Hiniga ko siya doon sa hinihigaan ng pasyente kapag ooperahan.

"Mahal, wag mo ko iwan," aniya sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit.

Dumating naman agad sila Papa na dali-daling sinuri si Xia habang si Mama, inaayos ang mga gagamitin.

"Pumutok na yung patubigan niya," sabi ni Mama.

"Zander, magbihis ka. Maghugas ka ng kamay," utos sa akin ni Papa bago sila muling lumabas para siguro magsuot nung damit na ginagamit nila sa operation.

"Mahal," tawag ko kay Xia dahil ayaw niya akong bitawan.

"No. Dito ka lang," matigas na sabi niya.

"Babalik din ako," sabi ko sa kanya habang pilit na inaalis yung kamay niya.

"Ayoko mahal. Wag mo ko iwan," maiyak-iyak na sabi niya. Muling pumasok ang mama niya.

"Nak, bitawan mo na asawa mo. Babalik din siya," sabi nito sabay alis ng kamay ni Xia saka pinigilan na humawak ulit sa akin para makaalis ako.

Sinuot ko yung hinanda nilang damit para sa akin. Naglagay din ako ng mask saka yung nilalagay sa buhok saka naghugas ng kamay. Pagkabalik ko tinuturukan na ng general anesthesia si Xia. Bago ito makatulog muli niya ako hinawakan.

Inumpisahan na ni Papa na hiwain don sa pagitan ng abdomen and womb ni Xia. Mainggat ang bawat galaw nito. Hindi mawala ang kaba ko dahil nakasalalay ang lagay ng mga bata at ni Xia dito. Excited din ako na makita ang mga anak ko.

Nang makita ko ang isang bata lalaki nagkahalo-halo na ang nararamdaman ko. Pinutol ni Papa yung parang tube na dumudugtong doon sa pusod ng bata at kay Xia para tuluyan ng makuha yung bata. Bigla ito umiyak.

Kinuha ito agad ni Mama para hugasan at bago ihiga sa hinanda naming lalagyan para sa kanila. Gusto ko nga sana ito lapitan pero ayoko iwan ang asawa ko dahil nangako ako ko na sa tabi lang niya habang sinasagawa ang cesearian delivery. Nung una ayaw niya na naka general anesthesia dahil makakatulog daw siya. Gusto niya makita yung pangyayari pero sabi ng Papa niya baka daw magamit niya bigla kapangyarihan kaya kailangan tulog daw siya. Nangako naman kami sa kanya na vivideohan ito kaya may nakakabit na camera sa paligid namin para mapanood niya ito pagkagising.

Isang lalaki ulit ang nilabas ni Papa mula sa sinapupunan ni Xia. Tahimik nga lang ito kahit nun nililinisan na ni Mama pero nung binaba na ito saka umiyak.

Binalik ko ulit ang tingin ko kay Papa dahil may hawak nanaman siyang baby. Lalaki ulit ito tulad sa nauna at iyak naman ito ng iyak. Inabot niya ito kay Mama para kunin ang iba pang anak namin.

"Puro lalaki nakukuha ko ah," komento ni Papa nang makuha nanaman ang isang lalaki. Pang-apat na itong lalaki at panghuli na din.

Alam na naman namin kung ilan sila at kung ano ang gender. Pagkatapos ng apat na lalaki sumunod ang tatlong babae. Septuplets ang anak namin ni Xia. Nung una nagulat kami na pito agad sila. Bihira lang kasi ang ganun cases na pito. Kadalasan twins or triplets.

Nang mailabas na lahat ng bata tinahi na ni Papa yung hiwa ni Xia na alam naman namin lahat na mabilis lang din yun gagaling dahil bampira si Xia.

"Ano pangalan nila?" tanong sa akin ni Mama habang may hawak na papel para lagyan ng pangalan yung mga baby para daw hindi magkapalit-palit.

"Pakilagay na lang po muna yung Michael, Raphael, Chamuel, Azrael, Gabrielle, Ariel, Jophiel," tugon ko. Si Xia nakaisip na gamitin yung pangalan ng seven archangel.

*******

Xia's POV

Pagkagising ko, iyak agad ng bata ang narinig ko. Napatingin ako sa isang maliit na pahabang higaan kung saan sunod-sunod na nakahiga ang mga anak namin.

"Mahal," tawag ko kay Zander na kasalukuyang tinitignan ang mga bata. Napatingin ito sa akin.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

"Ayos na ako. Pabuhat ako sa anak natin," hiling ko sa asawa ko. Kinuha niya si Ariel na kanina pa umiiyak saka binigay sa akin. Nalaman ko yung pangalan nila dahil may nakadikit na name doon sa may paanan nila.

"Nanahimik siya bigla," komento ko nung tumigil ito sa pag-iyak.

"Ikaw lang pala magpapatahimik diyan. Kanina pa yan umiiyak," sabi ni Zander.

"Gusto ko din makita yung iba," sabi ko. Tinulungan niya ako makatayo para makita ko yung iba. Binaba ko na din si Ariel na nakatulog na.

"Ang cute nila," tuwang-tuwang sabi ko. Ikaw pa naman makakita ng pitong baby.

"Mana sayo," sabi sa akin ni Zander sabay yakap sa likod ko habang tinitignan din ang mga anak namin.

"Mahal, yung mga pangalan nila," sabi ko. Bukod kasi sa name ng mga archangel gusto din kunin sa number. Dipende sa pagkakasunod nila.

"Si Michael yung nauna,"

"Edi siya si Primo. Michael Primo," sabi ko.

"Ito naman si Twain. Raphael Twain," tukoy niya sa pangalawang bata.

"Siya naman si Chamuel Trace," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa pangatlong baby.

"Kay Azrael?"

"Azrael Quade."

"Dito sa tatlong babae?"

"Quinn Gabrielle, Ariel Hexa at ang pinakabunso natin si Jophiel Seven," tugon ko.

Makalipas ang limang buwan pinabinyagan na namin silang pito. Kinuha naming ninong at ninang sila Claude. Pati nga si kuya kinuha kong ninong dahil wala naman kaming mahanap na pwede.

"Xia, pwede ba kita makausap saglit?" tanong sa akin ni Papa Hayato.

"Bakit po?" tanong ko. Lumingon siya saglit kay Zander na kinakausap nila Trevor.

"Doon tayo sa malayo," bulong  niya kaya nagtunggo na lang kami sa may dagat.

"Nabasa namin ni Takeshi ang hinaharap niyo at hindi maganda ito," umpisa niya.

"Po?" tanong ko.

"Xia, nakasalalay sayo ang buhay ng mga anak mo," seryosong sabi nito.

"Ano po ibig niyong sabihin?"

"Gusto mo baguhin ang nakatadhanang kamatayan mo tama? Kapag ginawa mo yun mamatay ng maaga ang mga anak mo at si Zander. Maging artificial vampire man sila, mamatay ulit sila. Xia, hindi mo pwedeng takasan ang nakatadhanang mangyari sayo."

Para ako binuhusan ng malamig tubig sa sinabi niya. Naiyak ako bigla dahil yung bagay na pinanghahawakan ko wala na. Wala din pala ako takas kahit ano gawin ko.

"Sorry Xia. Ayoko sana sabihin sayo yung tungkol dito pero kailangan mo malaman na delikado ang binabalak mo para sa mga anak mo," aniya sabay yakap sa akin.

"Naiitindihan ko po. Hindi ko kayang tanggapin," sabi ko habang umiiyak.

"Dad. Xia, bakit ka umiiyak?" tanong ni Zander. Agad ko siya niyakap at sa kanya umiyak.

"Dad, ano sinabi mo sa kanya?" galit na tanong nito sa Papa niya.

"Mahal, wag ka magalit. Wala siyang kasalanan," sabi ko sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya ulit.

"Wala mahal. Napuwing lang ako. Masakit sa mata kaya naiyak ako. Balik na tayo baka hanapin nila tayo," pagsisinungaling ko sabay punas ng luha ko at hila sa kanya.

"Mahal, alam kong hindi yan puwing. Ano nangyari?" pigil niya sa akin.

"Wala mahal. Kung ayaw mo bumalik bahala ka diyan," sabi ko sa kanya sabay alis ng kamay niya para makaalis  na ako.

"Xia!" sigaw niya pero binilisan ko lang ang lakad.

"Xia, saan ka galing? Si Hexa umiiyak nanaman," salubong sa akin ni Stella. Si Hexa talaga pinakaiyakin sa lahat pero tuwing binubuhat ko ito agad humihinto.

"Baby Hexa, tahan na. Parating  na si mommy mo," sabi ni kuya habang pinapatahan si Hexa. Lumapit ako sa kanila at agad na kinuha si Hexa.

"Bakit baby ko? Ano gusto mo? Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya. Nilingon ko sila Kuya.

"Kapag hinanap ako ni Zander, sabihin niyo nasa kwarto ako pinapatulog si Hexa," utos ko bago pumuntang kwarto para painumin ng gatas si Hexa.

Hiniga ko siya sa kama saka ko kinuha yung dodo niya na may nakalagay pang pangalan niya para hindi sila magkapalit-palit. Habang pinapadodo ko siya humiga din ako sa tabi niya at nung nakatulog siya hindi pa rin ako umalis.

"Mahal," tawag ni Zander sa akin habang karga niya si Primo na tulog din.

"Wag ka maingay," sabi ko sa kanya. Hiniga niya din si Primo sa tabi ni Hexa saka siya humiga. Nagtinginan na lang kami dahil nasa gitna namin yung dalawa.

'Sinabi na ni Dad yung pinag-usapan niyo,' sabi niya sa akin sa pamamagitan ng isip.

'Mahal, alam mo ba kung saan ako mas takot?'

'Saan?'

'Yung maiwanan niyo kong mag-isa. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mawala kayo sa akin. Sorry mahal kung iiwanan ko din kayo balang-araw.'

Muli  nanaman ako naiyak. Pinunasan niya agad luha ko nung makita niya itong tumulo.




"Wag ka umiyak mahal," sabi niya sa akin.

"Alam kong ayaw mo marinig ang salitang ito. Pero gusto ko sabihin sayo na kahit mamatay man ako palagi ko kayo babantayan. Alagaan mo mabuti sila Primo kapag   wala na ako. Sina Quinn, Hexa at Seven, wag mo hahayaang saktan ng kung sinong lalaki. Gusto ko makatapos sila sa pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Lagi mo sa kanila sabihin na mahal na mahal ko sila," bilin ko sa kanya dahil hindi ko alam kung kailan ako mamatay.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top