CHAPTER 5
CHAPTER 5
"AAAAAHHHHHHHHHHH!" sigaw ni Xia. Napabitaw ang bampirang may hawak sa kanya at napatakip ng tenga habang lumalayo.
Natigilan ang lahat at sabay-sabay na napatakip sa kanilang tenga.
"What the hell!" sambit ni Claude.
Tinignan ni Zander si Xia na tuloy lang sa pagsigaw habang nakaupo at nakatakip ang tenga. Nanginginig ito sa takot.
"Wag! Maawa kayo sa akin. Waaahhhh!" wala sa sariling sambit nito habang takot na takot.
Tumunog bigla ang sasakyan kasabay ng pagkabasag ng mga salamin. Pati ang matibay na bintana nito hindi nakalampas. Isang malakas na pwersa ang pumalibot sa dalaga.
"Patahimikin niyo siya! Patayin niyo kung kinakailangan," galit na utos ng isa sa mga bampirang humarang sa kanila.
Bago pa kumilos ang mga kasamahan nito, naunahan na sila ni Zander. Tiniis ni Zander ang malakas na pwersang pilit na tumutulak sa kanya palayo. Masugatan man siya ng nagtatalsikang bubog ay tuloy lamang siya para makalapit kay Xia. Hinila niya ang dalaga at agad na niyakap.
"Hey! Calm down! Ligtas ka na," aniya habang yakap si Xia. Natigilan ang dalaga nang marinig niya ang bulong ng binata. Tumigil ito sa pagsigaw at mahigpit na yumakap kay Zander.
Nag-umpisang itong umiyak habang nakasubsob ang mukha sa katawan ng binata. Hindi mapigilan ni Zander na yakapin siya ng mahigpit habang unti-unti niyang nakikita ang masasakit na alaala sa isipan ni Xia. Dahil sa kapangyarihan ni Zander may pagkakataon na nakikita niya din ang memorya ng mga nahahawakan niya.
Nang kumalma ang paligid, umatras na ng ang mga bampirang umatake sa kanila. Pagkatapos nila makita ang kayang gawin ni Xia, hindi na sila nagsayang ng oras na kunin ito.
"Xia, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Bliss. Lahat sila nagulat sa nangyari. Hindi sila makapaniwala sa kayang gawin ni Xia.
"Paano nagawa ng isang tao?" sa isip ni Claudine habang nakatingin kay Xia.
"Hindi kaya ito ang dahilan ni Sir Takeshi kaya gustong niyang magtrabaho si Xia sa kanya?" sa isip naman ni Trevor. Malalim itong nag-iisip dahil sa nangyari. Sigurado siyang may alam si Takeshi tungkol sa dalaga. Tulad ni Zander may kakayahan din itong makita ang nakaraan ng mahahawakan niya.
"Ayos pa ba itong sasakyang ito?" tanong ni Claude. Nakuha niya ang atensyon ng lahat. Napatingin sila sa sasakyang gamit nila. Basag na ang bintana at salamin nito.
Umalis sa pagkakayakap si Xia at pinunasan ang luha niya. Nagulat siya nang makita sasakyan nila.
"Ano nangyari sa sasakyan? Bakit nasira?" tanong niya sa kanyang isipan na nabasa naman ni Zander. Wala ito ideya sa nangyari pagkatapos niya maalala ang mga masasakit na alaala niya.
"Titignan ko," tugon ni Trevor kay Claude.
Sumakay ito sa sasakyan saka pinaandar ang makina. Nakahinga sila ng maluwag nang gumana ito.
"Pwede pa naman. Aabot pa naman siguro tayo sa resthouse."
Xia's POV
"Sorry," sulat ko sa whiteboard nang mapansin ko ang kakaibang tingin nila. Pakiramdam ko may nagawa akong kaasalanan dahil sa kinikilos nila. Baka ako ang dahilan kung bakit nasira itong sasakyan. Lagi kasi may nasisira tuwing sumisigaw ako kaya hindi maalis sa isipan ko ang posibilidad na baka nga kasalanan ko.
"Wag ka magsorry. Wala kang kasalanan," nakangiting sabi ni Bliss sa akin.
"Oo nga Baby! Wag ka na malungkot diyan. Mas maganda ka kapag nakangiti," sabi ni Claude.
"Baby?" sabay sabay na tanong nila maliban kay Zander na tahimik lang.
"Wag mong sabihin may balak kang isama si Xia sa mga babae mo? Umayos ka kambal. Baka gusto mong tamaan sa akin?" sambit ni Claudine.
"Joke lang. Ang seryoso niyo masyado. Siyempre wala ako balak isama si Xia sa mga babae ko. Minamahal ang mga kagaya niya, hindi sinasaktan at mas lalong hindi pinaglalaruan."
"Wag mo siya pansinin. Baliw ang isang yan," bulong ni Bliss sa akin. Ningitian ko na lang siya bilang tugon.
Napatingin ako kay Zander nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magkasalubong ang mga mata namin. Naalala ko bigla ang pagyakap ko sa kaniya kanina. Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa hiya. Pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa yakap niya kumalma ako. Noong oras na iyon pakiramdam ko ligtas ako sa mga kamay niya, kahit hindi ko pa siya masyado kilala.
"Nandito na tayo," sambit ni Trevor. Nagsibabaan na kami at bumungad sa akin ang isang magandang tanawin.
Maraming iba't ibang klaseng puno na parang nagsasayawan dahil sa hangin.
"Una na kayo sa loob. Tatawagan ko lang saglit si Sir. Takeshi para mapaayos natin itong sasakyan," sabi sa amin ni Trevor habang hawak ang cellphone niya.
Sumunod na lang ako kila Bliss sa loob. Iniwan lang nila ang mga gamit nila sa sofa saka sila dumiretso sa likod ng bahay kung saan may swimming pool.
"Ito talaga pinakagusto ko dito. Pwede tayo magswimming ng hindi nasisikatan ng araw," sambit ni Claudine. Napatingin ako sa taas at doon ko lang napansin na may bubong pala sa taas. Meron din mga nagtataasang pader na nakapalibot kaya wala talagang araw na makakapasok. Ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa paligid.
"True. Hindi natin kailangan matakot masunog," pagsang-ayon ni Bliss. "Tara Xia, swimming tayo."
"Wala akong extrang damit," sulat ko sa whiteboard ko.
"Meron ako diyan. Pahihiramin kita," sabi niya sahay hila sa akin papuntang kwarto.
"Ito suotin mo. Bihis ka na dali." inabutan niya ako ng two-piece swimsuit at isang short na katerno din ng two-piece. "Doon ang cr. Dito na lang ako magbibihis."
Ni-lock niya ang pinto ng kwarto. Pagkatanggal niya ng damit, agad ako pumasok ng cr para magbihis na din. Ang sama naman tignan kung papanuorin ko pa siya magpalit.
Paglabas ko nakabihis na siya at hinihintay na lang niya ako. "Ayeeiii! Tamang tama lang pala sayo. Ingat ka kay Claude."
Paglabas namin nakita namin sila Claudine na lumalangoy na.
"Tagal niyo?" tanong ni Claudine.
"Naghanap pa ako ng gagamitin niya," tugon ni Bliss.
Bago pa ako makalapit sa pool, biglang may bumuhat sa akin.
"Ito na kami ni Ms. Whiteboard! Whoooo!!" sigaw niya habang tumakbo papuntang pool at saka siya tumalon kasama ako.
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at saka tinignan ng masama si Claude.
"Sabi ko sayo eh. Mag-iingat ka kay Claude," natatawang sabi ni Bliss.
Kaya pala sinabi niya na 'Ingat ka kay Claude' para pala yun dito.
"Peace!" nakangiting sabi ni Claude habang nakapiece sign. Tinalsikan ko siya ng tubig sa mukha. "Lumalaban ka ha?" gumanti siya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama at saka sunod sunod na tinalsikan ng tubig. Natawa na lang ako sa istura niya halos mainom na niya ang tubig.
"Sali ako!" sabi ni Bliss at pinagtulungan namin si Claude.
"Time first. Lugi ako dalawa kayo," sabi ni Claude at saka lumangoy palayo. "Kambal, tulong!"
"Bahala ka diyan. Inumpisahan mo yan eh," tugon ni Claudine sa kanya.
Umahon si Claude mula sa pool at tumakbo palayo sa amin.
"Hoy bakla! Bumalik ka dito. Wala ka pala sa amin ni Xia eh," pang-aasar ni Bliss.
"Ang daya. Pinagtutulungan niyo ko," reklamo ni Claude. "Dito na lang ako kay Zander. Dude, hindi ka ba lalangoy?" tanong niya kay Zander na nakaupo lang sa gilid habang nagbabasa.
Binaba ni Zander ang librong hawak niya sa mesa. Tinangal niya din ang earphone niya. Ayaw niya din ba sa maingay? Bakit lagi siyang nakaearphone?
"Lalangoy," tugon nito.
"Zander," napatingin kami kay Trevor na kakapasok lang sa pool area. "Bili tayo ng makakain."
Tumayo naman si Zander at sumama sa kanya paalis. Tinuloy ko na ang paglangoy. Matagal-tagal na din akong hindi nakakalangoy. Kasama ko pa sila mama noong huling langoy ko. Nagmasyal kami noon sa beach kasama ang buong pamilya.
Miss ko na talaga sila. Nilubog ko na lang ang sarili ko sa pool para malibang. Hanggang maari ayoko silang isipin. Baka maiyak nanaman ako sa kakaisip ko sa kanila. Lumangoy ako sa ilalim ng pool mula papuntang ako sa dulo. Paikot-ikot lang ako hanggang sa magsawa ako.
"Xia," napatingin ako kay Bliss. Nakaupo siya sa gilid habang ang paa niya nakalubog sa pool. "May itatanong sana ako. Okay lang ba?"
Tumango ako bilang tugon. Tumabi ako sa kaniya.
"Sino yung babae kanina sa room?" tanong niya. "Ay wait! Yung whiteboard mo mga pala. Claude pakikuha."
"Wag Claude. Nakakapagsalita naman siya. Hindi niya kailangan ng whiteboard," sabat ni Claudine saka ako tinignan . Napayuko na lang ako dahil sa takot.
"Ano ka ba Claudine? May malalim na rason naman siguro siya para hindi magsalita. Kunin mo na Claude," pagtatanggol sa akin ni Bliss.
Pumasok sa loob si Claude, paglabas niya dala na niya ang whiteboard ko. Binigay niya ito sa akin.
"Salamat. Si Stella, bestfriend ko," sulat ko sa whiteboard.
"Ah! Bakit ganun reaction mo pagkakita mo sa kanya?"
Natigilan ako sa tanong niya. Tinignan ko siya, seryoso siyang nakatingin sa akin habang naghihintay ng sagot.
"Kain muna kayo," sigaw ni Trevor habang may bitbit na pizza.
"Ayun! Tamang-tama. Gutom na ako," sabi ni Claude.
"Xia, Bliss, Claudine," tawag sa amin ni Trevor.
Mabuti na lang dumating sila. Hindi ko din alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya.
Zander's POV
"Ano ito? Paligsahan? Kung sino unang magsalita siya talo?" tanong sa amin ni Claude nang makita niya kaming magkatabi ni Xia.
Nagkatinginan kami ni Xia.
"....."
"Sir Takeshi? Ano po ginagawa mo dito?" sambit ni Trevor kaya Napalingon ang lahat sa kanya.
"Sinunsundo kayo. Pinakuha ko na din yung sasakyan niyo para maayos."
Inakbayan siya ni Claude.
"Mamaya na Tanda. Mag-enjoy ka na muna. Puro trabaho na lang inaatupag mo. Minsan ka lang umalis ng maaga sa office mo, sulitin mo na," aniya para hindi kami pauwiin. Sigurado tinatamad nanaman ito pumasok bukas kaya gusto niya na dito muna kami.
"Hindi pwede. Magbihis na kayo. Kailangan na natin makaalis dito bago maggabi. Delikado para kay Xia ang manatili sa daan lalo na kapag madilim," inalis ni Sir Takeshi ang kamay ni Claude saka ito pinilipit.
"Aray Tanda!"
"Ano tawag mo sa akin?"
"Aray tan--Sir Takeshi!" sigaw ni Claude at doon lang siya binitawan ni Sir. Takeshi.
"Magbihis na kayo," utos niya sa amin.
"Tara na Xia," pagyayaya ni Bliss. Sumunod naman ito agad sa kaniya. Pagkaalis nila tumayo na din ako para magbihis.
"Sandali," pigil ni Sir. Takeshi sa akin sabay hawak sa braso ko.
"......"
"Tama nga ang hinala ko. May nakita ka," aniya bago ako bitawan.
Alam kong tinignan ang memorya ko. Kaya wala kaming maitatago sa kanya dahil isang hawak lang niya sa amin alam na niya kung ano ginawa namin. Lahat nakikita niya. Kumpara sa akin na iilan lang, pero alam ko magagawa ko din ang mga nagagawa niya balang araw.
"Sige na. Magbihis ka na," pagtataboy niya sa akin.
Tinalikuran ko na siya pero bago yun nahagip ng mata ko ang pagseryoso ng mukha niya. Alam ko na may iniisip nanaman siya na kung ano. Tungkol kaya kay Xia yun? Gusto ko basahin ang nasa isip niya pero kahit ilang beses ko subukan, hindi ko ito mabasa.
"Xia, nag-enjoy ka ba na kasama sila?" tanong ni Sir. Takeshi habang nagmamaneho.
Ngumiti naman si Xia sabay tango.
"Napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sayo kanina?" tanong niya.
Tinignan kami ni Xia bago magsulat sa whiteboard. "Salamat po sa trabaho pero hindi ko po ito matatanggap."
"Ganun ba? Paano kung trabaho kasama nila?" tinuro niya si Trevor na katabi niya.
"Sir. Takeshi, seryoso po ba kayo diyan?" gulat na tanong ni Trevor.
"Kailan ba ako nagbiro tungkol sa trabaho?" tugon ni Sir. Takeshi.
"Anong trabaho?" tanong ni Xia gamit ang whiteboard niya. Walang sumagot sa kanya.
"Masyadong delikado yun para sa kanya," reklamo ni Trevor kay Sir. Takeshi.
"Nagbabakasakali lang, baka mas interesado siya sa trabaho niyo," huminto na ang sasakyan. Nilingon ni Sir. Takeshi si Xia. "Nandito na tayo. Pag-isipan mo sana ulit ang offer ko."
Tumango si Xia sabay taas ng whiteboard niya. "Salamat."
"Walang anuman," tugon ni Sir. Takeshi.
Pinaandar na ni Sir. Takeshi ang sasakyan.
"Sir, ano po ba pinaplano niyo? Bakit gustong gusto niyo magtrabaho si Xia sa CLA?" tanong ni Claudine.
"Nakita niyo naman siguro kung ano kaya niyang gawin. May kakaiba sa kanya. Walang anumang senyales na isa siyang bampira pero paanong nangyari na may ganun siyang kakayahan?"
"Diba po hinawakan niyo siya? Wala po ba kayong nakita?" tanong ni Bliss.
"Meron pero may bahagi sa nakaraan niya ang hindi ko nakita."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top